Lumabas na sina Alexandra at Harold sa karinderya kasama ang dalawa. Tiningnan ko ang paligid ng karinderya. Mukhang shock pa ang mga tao sa nangyari.
"Tara na. May pag-uusapan tayo." wika ni Leo sa akin.
Kinuha niya ang kamay ko at tinungo na namin ang labasan ng karinderya. Lumingon ako para tingnan si Brandon na nasa likuran namin. Nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Leo.
**
Narating na namin ni Leo ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang passenger's seat. Sumakay ako doon. Himala, gentleman? Umikot siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse at sinundan namin ang kotse na lulan sila Harold at Alexandra. Tumingin ako sa likuran. Nakasunod samin si Brandon."Bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni Leo. Alam niya na ang ibig sabihin niya. Yung ginawa kong pagsipa sa kamay ng lalaking naka-shade.
"Para iligtas ka. Eh mukhang sasaksakin ka na e." sagot ko.
"Hindi mo na dapat ginawa yun, kaya ko ang sarili ko." depensa niya.
"Ano ba ang mali sa ginawa ko? Kaya kong protektahan ang sarili ko, dahil tinuruan ako ng aking ama ng self-defense." wika ko.
Hindi na ako papayag na pati yung ginawa ko kokontrahin niya. Wala naman mali sa ginawa ko ah. Iniligtas ko na nga siya. Siya pa ang galit? Wala na akong ginawang tama. Biglang tumulo ang luha ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko.
"Kung gusto mong maging Agent. Tatagan mo ang loob mo. Dahil lang sa sinabi ko, iiyak ka na? Kung ganun. Hindi ka karapat-dapat maging Agent." wika niya.
Mukhang napansin ata niya ang pagluha ko. Sabagay, Agent siya. Malakas ang pakiramdam niya sa mga bagay-bagay. Ayaw ko na makipagtalo. Tumahimik nalang ako sa isang tabi. Dumungaw ako sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga nadadaanan namin. Patungo kami sa Head Quarters, kung hindi ako nagkakamali.
Sinusundan pa rin namin ang sasakyan nila Harold at Alexandra. Ilang minuto rin ang itinagal ng byahe namin hanggang sa natatanaw ko na ang kinaroroonan ng Head Quarters. Ipinasok ni Leo ang sasakyan sa loob. Pagkahinto niyon, ay agad akong umibis ng sasakyan.
Sinundan namin sina Harold at Alexandra na pumasok sa loob ng Head Quarters na kasama ang dalawa. Lumingon ako sa likuran ko, nakasunod samin si Brandon. Nang makapasok kami sa loob ay nagtungo sina Alexandra at Harold sa isang silid sa tabi ng silid kung saan ako ginamot ni Alexandra. Pumasok sila doon, pumasok din si Leo at Brandon. Naiwan akong mag-isa. Tinungo ko ang sofa na nasa tabi ng silid kung saan nagpulong kagabi sina Leo at ang mga kasamahan niya.
Biglang bumukas ang silid kung saan nandun sina Leo. Lumabas doon si Brandon, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Bakit ka lumabas?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko kasi na mag-isa ka lang dito. Kaya lumabas ako para samahan ka." wika niya.
"Salamat." wika ko.
"Ang galing mo kanina ah. Paano mo nagawa yun?" tanong niya sakin tsaka tiningnan ako ng nakangiti.
"Ah. Yun ba? Natutunan ko yun sa aking ama. Sampong taong gulang pa lamang ako tinuruan niya na ako ng self-defense. Sampong taon hanggang maglabing-walong taon ako, para matuto ako at maging mahusay." wika ko. Limang taon nang patay ang aking ama. Sa isiping iyon, namiss ko siya bigla. Ang hirap mawalan ng Ama.
"Magaling. Napahanga mo ako." wika niya.
Napangiti ako. Buti pa si Brandon naa-preciate ang ginawa ko kanina. Samantalang si Leo ay hindi. Ni ang magpasalamat ay hindi man lang niya ginawa.
"Mabuti nalang on the spot kayo, Agent Leo."
Nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko si Alexandra, Harold at Leo na palabas na. Tiningnan kami ni Leo. Kumunot ang noo niya. Subalit bigla din iyon nawala nang biglang tumayo si Brandon at pinuntahan si Leo tsaka inakbayan.
"Ang galing mo Leo!" wika ni Brandon kay Leo.
"Hi Rhianna." tinig iyon ni Alexandra na nasa tabi ko na pala. Hindi ko namalayan ang paglapit niya.
"Hello, Alexandra. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
"Tinanong ko kay Harold." wika niya na may pagkislap ang mga mata. May gusto siya kay Harold. Babae ako kaya alam ko.
"Tara na mga ladies. Kailangan na natin umalis. Bukas na lang daw ang pagsasanay. Nagtext si Agent Jerald." wika ni Brandon na nasa labas na kasama si Leo at Harold.
Tumayo na kami ni Alexandra. Naalala ko yung dalawang lalaki. Ibig sabihin nasa loob sila at dito mamamalagi?
"Sandali!" pigil ko sa kanila. Lumingon sila sakin na may nagtatakang tingin.
"Paano yung dalawa? Iiwan niyo sila dito?"
"Oo, huwag kang mag-alala Rhianna. Ayos lang sila. May binigay na kaming pagkain sa kanila doon sa maliit na selda sa loob ng silid. Bukas pa kasi namin sila isusurrender sa kapulisan." wika ni Alexandra tsaka hinila ang kamay ko palabas ng Head Quarters. Si Alexandra narin ang nagsara noon.
Nakita ko na nasa labas ng kotse si Leo. Nang makita akong palapit, tsaka siya pumasok sa loob. Pumasok narin ako pagkadating doon tsaka niya pinaandar ang sasakyan palabas ng Head Quarters. Lumabas narin ang kotse nina Brandon, Alexandra at Harold.
**
Nilalakbay na namin ang daan pabalik sa bahay. Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na laging nakasakay sa kotse niya. Hindi siya umiimik sa buong byahe namin. Anong oras na ba? Minabuti kong tanungin si Leo dahil may suot siyang relo.
"Leo, anong oras na?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ang suot na relo tsaka ibinalik ulit ang tingin sa kalsada.
"Alas tres." tipid niyang sagot.
"Buti pa si Brandon, masaya kausap." bulong ko.
"So mas gusto mong kasama si Brandon?" biglang tanong niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig niya ang mga sinabi ko.
"Hindi naman sa ganun. Ang tipid mo kasing magsalita. Hindi man lang tayo nakakapag-usap ng matagal." wika ko. Hininto niya ang sasakyan sa isang gilid. Tumingin siya sakin.
"Una sa lahat, magkasama tayo para tulungan kita sa pagligtas sa ina at kapatid mo, diba? Bakit kailangan pa natin mag-usap ng matagal? Kailangan pa ba yun?" wika niya at itinuloy na ang pagmamaneho.
"Oo nga pala. Pasensya na." sagot ko.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Bakit di ba niya naisip iyon? Pilyo akong napangisi. Bakit ba ako umaasa na mapansin niya? Bakit ba ako umaasa na itrato niya ako ng maayos, dahil una palang. Tulong lang ang dahilan kung bakit ako naugnay sa kanya. Yun lang ang dapat kong isipin sa ngayon.
Narating namin ang bahay. Agad akong umibis ng sasakyan at naglakad patungo sa pinto. Ipinihit ko iyon. Shet! Sarado. Dahil sa inis, pati ang pinto nakalimutan kong sarado pala.
"Hindi ko iniiwan na bukas ang bahay." wika niya ng makalapit siya sakin bitbit ang mga pinamili ko.
Inilabas niya sa bulsa ang susi at ipinasok iyon sa doorknob, tsaka niya binuksan ang pintuan. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Ibinigay niya sakin ang mga pinamili ko. Kinuha ko iyon.
"Salamat." kahit naman naiinis ako dapat parin akong magpasalamat sa kanya.
Kung inis nga ba itong nararamdaman ko. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging ligtas ngayon. At tatanawin kong malaking utang na loob yun.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita o tumugon sa sinabi ko. Tumalikod ako at nagmartsa papasok sa kwarto niya na kwarto ko na ngayon. Inilagay ang mga pinamili ko sa isang gilid. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.
Leonardo'sPOV Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga bagay na yun kay Rhianna. Umupo ako sa upuan sa salas at nahilamos ko ang aking kamay sa mukha. Hindi ko maiwasan humanga sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan. Maputi, makinis ang balat, bilugang mga mata, at bilugang mukha. Unang kita ko palang sa kanya ay nakaramdam na ako ng atrasyon sa kanya. Lalo na kanina noong nasa Gigi's Carenderia kami habang itinutok ko sa lalaking naka-shade na napag-alaman kong Carlo Sañiego ang pangalan. Bigla nalang siyang tumayo at sinipa niya ang kamay ni Carlo Sañiego. Sobra akong nag-alala na hindi ko mawari. Sa katunayan, magaling siya. Idinadaan ko nalang sa pagsusungit ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya. Naalala ko tuloy noong nasa Head Quarters kami at madatnan ko siyang masayang nakikipag-usap kay Brandon. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos, na hindi ko dapat nararamdaman sa kaniya. Iwinaglit ko sa aking isipan ang aking mga iniisip at nagpasyang kunin ang mga damit ko sa
Rhianna'sPOV"Rhianna, gusto ko maging parte ka ng aming samahan." wika ni Leo sa kanya habang nakatalikod ako at nakaharap sa niluluto ko.Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya na akong isama sa grupo nila? Agad akong lumingon sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa."Seryuso ka ba? Diba sabi mo kailangan magaling humawak ng armas o baril ang magiging myembro niyo?" wika ko. Natatandaan ko na yun ang sinabi niya sakin noong hiniling ko na maging parte ako ng samahan nila."Nagresign si Dianne dahil gusto na nito magfocus sa mga anak. Kaya nagpapahanap si Agent Jerald ng papalit sa kanya. Natututunan naman ang mga yun." wika nito at nginitian ako. Naninibago ako sa kanya. Nagiging palangiti na siya."Salamat Leo." wika ko at tsaka ibinalik ang pansin sa niluluto. Mukhang maganda ata epekto ng pancake na niluto ko."Basta dadaan ka sa masusing pagsasanay. Bilang Agent, katambal niyon ang panganib sa buhay mo. Kaya
"Sino ang nagbigay sayo ng Droga?" tanong ni Leo kay Carlo Sañiego na ngayon ay nakaupo habang nakaharap sa amin. Nasa tabi nito ang payat na lalaki na mukhang takot na takot. Narito kami sa silid kung saan may maliit na selda sa gilid kung saan natulog ang dalawa kagabi. May mesang sakto ang laki na nakaharap kay Carlo Sañiego. Nasa gilid nito si Leo at nakatayo. Sina Brandon, Faith at Alexandra ay nakaupo sa upuan na nasa mesa nakaharap kay Carlo Sañiego. Ako nandito sa isang tabi at nakikinig sa usapan nila."Bakit ko sasabihin? Hindi ko gusto mapahamak ang mag-iina ko." wika nito. Tumayo si Brandon at lumapit dito."Kung makikipagkaisa ka samin. Sabihin mo kung nasaan ang mag-iina mo at ililigtas namin sila. Titiyakin namin na magiging ligtas siya sa aming pangangalaga" wika ni Brandon."Si Don Ysmael, siya ang pinaka-pinuno. Inuutusan lang ako. Narinig ko sa usapan ng mga nag-utos sakin. Kapag di daw ako sumunod at nagsumbong ako, mapapahamak ang mga anak ko pati ang asawa ko.
Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay."Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin."Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin."Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya."Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad nito ang kamay sakin at tinanggap ko iyon."Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko."Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paa
Leonardo'sPOVMinamaneho ko ang kotse papuntang Head Quarters kasama si Rhianna. Napatingin ako sa kanya habang nakatanaw siya sa labas ng bintana."Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Sobra akong nag-alala sa kanya kagabi. Sobra kong seneryuso ang laban. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya.Lumingon siya sakin. Ayon na naman ang mga tingin niya. Tinging nakakahalina. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. "Ayos na ako. Salamat pala sa ginawa mong paghilot sa paa ko kagabi." wika niya tsaka ngumiti sakin. Kusang kumurba ang aking mga labi para suklian siya ng matamis na ngiti.Ibinalik ko ang atensyon sa daan. Isang linggo ang gagawing pagsasanay ni Rhianna bago kami sasabak. Ililigtas namin ang kanyang Ina at Kapatid. Ganunpaman, nandito pa rin ako sa tabi niya at handa siyang iligtas."Leo." untag sakin ni Rhianna."Bakit Rhianna?" tanong ko."May sasabihin ako." wika niya. Nilingon ko siya."Si Don Ysmael, siya ang aking amain na nagkulong samin." Naihinto ko a
Rhianna'sPOV"Leo, ikaw daw magtuturo sakin?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Paglabas ko ng Head Quarters ay nakasalubong ko si Brandon at sinabi sakin na si Leo na daw ang magtuturo sakin. Lumingon sakin si Leo saka ibinalik ang tingin sa baril na hawak. "Sa susunod nalang kita tuturuan." wika niya at tumalikod siya papuntang Head Quarters. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ba sa hindi ako nagpaalam sa kanya kaya ayaw niya na akong turuan? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko iyon ng palad ko. Hindi niya ako dapat makitang ganito. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako. "Hi Leo, tara mag-ensayo tayo." wika ng isang tinig sa aking likuran. Boses pa lang, alam kong si Carmela ang nagsalita. Lumingon ako at nakita na palapit sa kinaroroonan ko sina Alexandra, Harold, Carmela at si Leo. Umalis ako sa kinatatayuan ko. Pupunta nalang ako sa Head Quarters at doon muna mananatili. Nang matapat ako sa kanila. Kinuha ni Alexandra ang kamay ko.
Lumipas ang isang linggong pagsasanay at natutunan ko ang paghawak ng baril. Si Leo ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo. Ayos na din sila ni Brandon. Minabuti namin na hindi na ipaalam kay Agent Jerald ang nangyari. Pauwi na kami ni Leo galing sa pagsasanay sa Head Quarters. Nilalakbay namin ang daan pauwi, nang may mamataan akong sasakyan na kanina pa kami sinusundan. Bigla akong kinabahan."Leo, napapansin mo yung sasakyan na sumusunod sa atin?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin."Oo, kanina ko pa napapansin." Kinuha niya ang cellphone na nakalapatong sa dashboard. Nag-dial siya at inilagay iyon sa kaniyang tainga. Ilang segundo din ang lumipas bago siya nagsalita. Marahil sinagot ng kung sinuman ang kaniyang tawag."May sumusunod samin Harold. Nasa panganib lami. Pakiback-apan kami. Salamat." wika niya at agad na pinatay ang tawag at ibinalik ang cellphone sa dashboard."Anong gagawin natin ngayon Leo?" tanong ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi kaya galama
Namamayani ang katahimikan ng gabi. Tanging ang tunog ng aming kobyertos ang maririnig ng mga pagkakataong yun. Walang sinuman ang gustong magsalita samin. Bumuntong-hininga si Leo. Napatingin ako sa kaniya."Ang lalim nun ah." biro ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Ibinalik ko agad ang atensyon sa pagkain bang magtama ang aming mata. Hindi ko parin kayang magtagal sa titig niya. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay."I'm want to say sorry sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." wika niya. Bakit parang napakasakit na marinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Na hindi bukal sa kaniya ang paghalik niya sakin. Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Napakasakit. Napalunok ako. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin niya na may gusto ako sa kaniya. Baka mapahiya lang ako."Ayos lang yun. Nadala din ako." wika ko at agad na tumayo para ligpitin ang aking pinagkainan. Tumayo na rin si Leo."Ireready ko lang mga gamit
"AKO NA dyan baby. Patulugin mo nalang ang mga bata." wika ko kay Rhianna."Okay baby." aniya tsaka binigyan ako nang mabilis na halik sa labi. Nang matapos akong maghugas nang pinggan. Lumabas ako nang kusina at umakyat nang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan nang kwarto nang aking mga anak. Kinukumutan ni Rhianna sina Leonna at Rheonard."Goodnight Mami." wika ni Leonna. "Night Mi." wika naman ni Rheonard."Goodnight." ani Rhianna at kinintalan nang halik sa noo ang kanilang panganay at bunso. Pumikit na ang mga ito para matulog. Lumingon sa kinaroroonan ko si Rhianna. Pumasok ako at niyakap siya sa bewang at kinintalan nang halik ang balikat niya."Ang sarap nilang pagmasdan baby." wika ko sa kaniya."Oo nga eh. Tara na sa kwarto para makapagpahinga na tayo." wika ni Rhianna. Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at inakbayan siya. Sabay kaming naglakad patungo sa aming silid. Nang makahiga na kami. Umunan si Rhianna sa
7 Years Later."Nina!" tawag ko sa tagapag-alaga nang aking apat na taong gulang na si Rheonard. Nandito ako sa kwarto at inaayos ko ang aking sarili. Susunduin ko si Leonna sa paaralan. Masaya ako dahil sa lumipas na pitong taon na aming pagsasama. Naging matatag kami. At nagkaroon kami ni Leonardo nang dalawang anak. Isang buong pamilya."Yes Ate?" tanong sakin ni Nina nang makapasok siya sa kwarto. Lumingon ako sa kaniya. "Wow Ate! Ang ganda mo naman. Tiyak na mabibighani mo na naman si Kuya Leonardo niyan." wika niya na may panunukso sa tinig. Natawa ako sa sinabi niya. Malapit lang si Nina sa bahay. Kaya kapag nandito na si Leonardo, umuuwi na rin siya. Hindi naman palgi nasa opisina si Leonardo, minsan nandito sa bahay para magbantay at mag-alaga kay Rheonard."Palagi naman eh. Bantayan mo si Rheonard. Huwag ka na magluto. Ako na ang magluluto pagkauwi namin." wika ko sa kaniya. "Okay Ate. Mag-iingat ka." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Ofcourse. Mauna na ako Nin
Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngsyon kay Leonardo Estralta Jr. Habang nakatitig ako sa salamin at inaayusan ng make-up artist na si Kara, hindi ko maiwasang mapabumuntong-hininga. Kinakabahan ako na naeexcite. Ganito siguro ang pakiramdam kapag ikakasal ka. "Kanina ka pa po bumubuntong-hininga Ma'am. Feel nervous?" tanong sakin ni Kara na siyang make-up artist ko. Nagsalubong ang aming mata sa salamin."Kinakabahan kasi ako na naeexcite." wika ko. Ngumiti siya sakin."Ganiyan po talaga Ma'am. Kahit din po ako noong ikasal ako. Ganiyan din po ang nararamdaman ko sa nararamdaman niyo." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. Nagpatuloy na ito sa ginagawa sa aking buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ako ang nasa harapan nang salamin. Hindi sa nagbubuhat ng bangko. Pero parang hindi ako ang nasa salamin, napakaganda ko nang mga sandaling iyon. Marahil nasa simbahan na si Leonardo para hintayin ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang
"KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila? Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan."Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan."Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko. Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasak
Leo'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko."Kamusta?" tanong ko.Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase. "Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na ma
Rhianna's POVIsang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagulat ako sa aking nadatnan. Lumingon sakin si Mama na abala sa pag-aasikaso sa aming bisita na nakaupo sa sofa sa salas."Anak, nandito ka na pala. Kararating lang ni Leo. Eh, gusto ka sana niyang puntahan sa likod-bahay. Sabi ko naman hintayin ka nalang niya na makabalik." wika ni Mama. Tiningnan ko si Leo. Nakatitig siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Tumalikod ako mula sa kaniya at akmang lalabas muli ng bahay nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Naiinis ako dahil nakaya niya akong tiisin
Leo'sPOV Magsasalita pa sana ako subalit mahimbing nang natutulog si Rhianna. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Being with Rhianna is such a blessing. Sa wakas tapos na ang misyon namin. Binibiro ko lang si Rhianna nang sabihin ko na hindi ako aalis sa pagiging Aagent. Gusto ko lang malaman ang reaksyon niya. Kung magagalit ba siya? Pero nagkamali ako. Sinuportahan niya pa rin ako. Isang katangian nang babae na kailanman ay di ko naramdaman sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Biglang nagmulat ng mga mata si Rhianna tsaka ako tiningnan. "Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin. Hinaplos ko ang buhok niya. Gamit ang aking daliri ay sinuklay ko iyon. "Gusto kitang bantayan." wika ko tsaka siya kinintalan ng halik sa noo. Napasimangot siya. Natawa ako sa inasal niya tsaka pinanggigilan ang ilong niya. "Matulog ka na Leo, don't worry paggising mo nandito pa rin ako sa tabi mo." wika niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ako din, hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin. "
Nang marating namin ang pangalawang palapag ng bahay. Sinimulan namin buksan ang bawat pinto na madaanan namin. Sa unang dalawang pinto na binuksan namin ay wala kaming nakitang tao. Nandito kami sa pangatlong pinto, pangalawa sa huling pintuan. Si Brandon ang humawak nang doorknob. Nakatutok ang hawak naming baril sa pintuan para handa kami sa anumang mangyayari. Nang mabuksan ni Brandon ang pinto. Sumambulat sa aming harapan ang tatlong kalalakihan na may hawak na baril at nakatutok sa amin. Samantalang nasa likod nila si Ysmael at prenteng nakaupo at may ngisi sa mga labi. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit. "Rhianna. Nandito pala ang pinakamamahal kong step-daughter. Hindi ko akalain na pagkatapos kitang pakainin at patirahin sa malaking bahay. Ganito pa ang igaganti mo?!" wika niya habang matalim na nakatingin sakin. Hindi ako natakot sa matalim na pagkakatingin sakin. "Oo pinakain mo kami. Pero ginawa mo kaming preso! At hindi ko kailanman ipagpapasalamat ang ginawa mo sa
Rhianna'sPOV Ipinarada ni Brandon ang kotse nito di kalayuan sa pinagtataguang mansiyon ni Don Ysmael. Bumaba na ako nang kotse. Nang makababa ako, bumaba na rin sina Brandon, Faith at Leo. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa mansiyon. Nang nasa gilid na kami ng gate ng mansiyon ay nagsalita si Brandon. "Sa harap kami ni Faith. Sa likod kayo. Magtagpo tayo sa gitna." wika ni Brandon. "Sige. Mag-iingat kayo." wika ni Leo. Tinanguan lang ni Brandon si Leo. "Kayo din. Mag-iingat kayo." wika ni Faith. "Salamat Faith." wika ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti din pabalik sakin si Faith. "Tara na!" wika ni Brandon tsaka hinawakan ni Brandon ang kamay ni Faith. Nakita kong napadako doon ang tingin ni Faith. Bakit? Ngayon lang ba siya nahawakan ni Brandon? "Halika na Rhianna. Mauna ka." wika ni Leo. Agad akong lumingon kay Leo at nauna nang naglakad. Nang marating namin ang dulong bahagi ng gate. "Aakyat ako?" tanong ko. "Oo, umakyat ka na dali. Tutulungan kita makaakyat." wika ni