Share

YOU'RE STILL THE ONE
YOU'RE STILL THE ONE
Author: ROSENAV91

Chapter 1

Author: ROSENAV91
last update Huling Na-update: 2023-02-21 13:43:52

"Shemaia! Gising na anak! Tulog mantika ka na naman bata ka," naalimpungatan ako dahil sa sigaw ni nanay galing siguro ng kusina o labas ng bahay.

Medyo gising na ang diwa ko pero ayaw ko munang sagutin si nanay, ito pa naman ang ayaw ko sa lahat na ginigising ako, gusto ko na ako mismo ang kusang bumabangon sa higaan na walang gumigising sa akin.

Nababad mood agad ang umaga ko kapag ganyan ewan ko ba kung bakit, dahil ayaw ko pang bumangon kasi inaantok pa ako,hindi kasi ako yung tipong early bird o dahil nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip, minsan pa naman ang ganda ng panaginip ko pero agad namang naputol dahil may naririnig ka na ng mga kalampag hudyat na umaga na. Hudyat na kailangan mo ng bumangon para sa bagong araw.

"Shemaia Rey Ocampo! Limang beses na kitang ginigising ha, sabi mo sa akin kagabi na gigisingin kita bandang five-thirty ng umaga dahil maaga kang pupunta sa paaralan nyo! Anong oras na oh malapit na magsi six-thirty!" Tinatapik na ni nanay ang balikat ko para magising lamang. Nasa loob na pala s'ya ng kwarto.

Ginalaw ko lang ng bahagya ang katawan ko pero ayaw ko pa talagang idilat ang mga mata ko dahil sa ayaw ko pang bumangon.

"15 minutes  mama, please," tinabunan ko ng kumot ang buong mukha ko at kalahating katawan. Inaantok pa talaga ako.

"Bahala kang bata ka, hindi na kita gigisingin ha dahil pupunta na ako ng bayan para mamalengke, pakilock mo na lang ang pinto kapag aalis kana!" narinig ko ang sabi ni nanay.

"Hmmm!Okay nay, ingat palagi at 'wag kalimutan ang pasalubong ko, k?" inaantok ko pa nasabi.

"Bahala kang bata ka! Bakit kasi gabi ka ng natulog? Yan tuloy at ayaw mo pang bumangon, na hala aalis na ako. Kumain ka rin bago umalis nakahanda na ang pang-almusal mo," sabi ni mama pero hindi na ako nakasagot. 

Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa loob ng kwarto namin. Simpleng bahay at simpleng buhay lang meron kami pero nagsusumikap ako sa pag-aaral para naman kapag nakapag trabaho na ako lumevel-up naman ang estado ng buhay namin. Wala na akong tatay kasi maaga daw itong namatay dahil sa sakit sa puso kaya dalawa na lang kami ng nanay ko.

Wala rin akong mga kapatid, sayang nga eh pangarap ko pa naman na magkaroon ng kapatid, ang sarap kaya sa feeling na may tatawagin ka na ate,kuya o di kaya bunso. Kaso wala eh only child lang talaga ako kung hindi siguro maagang namatay si tatay malamang meron nga akong kapatid.

Hindi narin nakapag-asawa ang nanay ko dahil nandito naman  ako, sapat na daw ako sa buhay nya. Kaya ako bilang anak ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi maging boring ang buhay namin. Susuklian ko ng mas maganda ang buhay namin pagdating ng panahon.

Pinangako ko rin sa sarili ko at kay nanay na tatapusin ko talaga ang pag-aaral ko para makahanap ng magandang trabaho at mabigyan sya ng magandang kinabukasan. Kapag may sahod na ako itetreat ko si nanay sa mahal na restaurant at magbabakasyon kami kahit dito lang muna sa Pilipinas. Sa next sahod ko naman ay papagawa ko tong bahay, palakihin ko o di kaya kahit ganito lang kasi kami lang dalawa ang nakatira pwede naman dagdagan at pagagandahin ko ang ayos at bibili ng maraming gamit.

Nagtatrabaho si nanay bilang labandera at tagalinis dito lang malapit sa baryo namin, umaalis s'ya tuwing Lunes at Sabado, or depende kung may pinapalinis kung wala naman dito lang siya sa bahay, stay-out at umuuwi bandang hapon pero kapag may handaan sa mansion, kinabukasan na makakauwi.

Doon na natutulog kaya minsan ako lang mag-isa sa bahay kubo namin, hindi naman ako matakutin at lagi namang naka lock ang pinto namin bago matulog.

Nagsisilbi si nanay sa pamilyang Valentino, mahigit sampung taon narin kaya hanggang ngayon nakakapag-aral parin ako, doon sa kita ni mama kinukuha ang panggastos namin at pagkain sa araw-araw at nasa third year high school na ako sa taong ito ilang kembot na lang fourth year na, mabilis lang matapos ang taon, tiwala lang at makapagtapos din sa huli, pag-iisipan ko pa kung saan ako magcocollege dapat scholar ang kukunin ko para less gastos kailangan ko lang i maintain ang grado ko para makapasa.

Kagaya ko, isa lang din ang anak ng mga Valentino, si Devi Cloud Valentino na fourth year high school na ngayon, graduating at higit sa lahat boyfriend ko.

"Boyfriend ko..boyfriend ko..boyfriend ko?" What the hell? Bigla kong idinilat ang dalawa kong mga mata dahil sa may biglang naalala ''Shit, oh my gulay!" napabangon agad ako sa aking higaan, natataranta na ako kung saan ang uunahin ko ang maliligo na ba o magligpit ng higaan.

Of course, mas pinili ko yung nararapat at hindi makarinig ng sermon at ito ang ayusin muna ang tinutulugan namin ni nanay, magkatabi kaming natutulog dito sa sahig, may banig naman kaming nilalatag, may kumot at mga unan, dalawang unan kay inay at lima naman sa akin.

Ewan ko ba, hindi ako makakatulog kapag isang unan lang, bale isa sa uluhan, isa naman sa right side, isa naman sa left side at dalawa sa paahan ko. Oo ang swerte naman ng mga paa ko nakaunan din.

Matapos kong mailigpit dali-dali kong hinablot ang tuwalya na nakasabit sa sampayan malapit sa bintana at mabilis ang kilos na lumabas ng kwarto para maligo, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay malapit sa kusina. Oh no, malapit na ngang mag six-thirty baka hinihintay na ako ni Cloud sa lagi naming tagpuan para sabay na kaming pumunta ng school.

Binuksan ko na agad ang pinto papuntang labas ng bahay, nasa likod kasi ng bahay ang palikuran namin at doon na rin ako maliligo, dalaga na ako  kaya hindi na pwede na dito ako sa labas ng poso maligo kung saan kami naglalaba ni nanay. Malayo naman kami sa mga kapitbahay pero minsan may napapadaan dito sa area namin kaya mabuti na yung maingat.

Di ko naman matetext o matawagan si Cloud kasi wala pa akong cellphone sa ngayon, kaya bago mag-uwian, nag-uusap na kami kung paano niya ako masusundo at maihahatid na di alam ni nanay.

Ayaw ko pa kasing ipaalam na may boyfriend na ako lalo na at ang boyfriend ko ay ang anak kung saan siya nagtatrabaho. May takot ako na baka magalit si nanay kasi ang pangako ko pa naman sa kanya na tatapusin ko muna ang pag-aaral ng high school bago tumanggap ng manliligaw kung meron mang magcocourt at isa bata pa ako at sabi ni inay baka iiwan lang daw ako kapag nakuha na ang gustong makuha sa akin. Hindi ko alam anong ibig sabihin ni nanay pero anong ginagawa ko ngayon lalo at kilalang-tao ang pamilya ni Cloud.

Magdadalawang taon na kaming magkasintahan, sinubukan ko lang naman, nangungulit kasi, dami pakulo sa school at isa pa crush ko na talaga sya dati pa pero dahil may pagka suplado ang awra nya kaya kapag nagkakasalubong landas namin takot ako sa kanya kapag pupunta ako sa bahay nila para tulungan si nanay. Makita ko lang sya dati kumukulo na ang dugo ko dahil sa ginawa niya nung bata pa ako, nagsusuplado siya sa akin ganun din ako sa kanya. Kanya-kanya kaming irap sa hangin.

Pero nung bigla nya akong kausapin habang nagtatanim ng bulaklak sa garden nila naging friend kami hanggang sa sobrang close na, minsan tinutulungan niya akong humuha ng mga dahon para gawing pera at kunwari bibili kami, minsan naman naghahabulan kami sa kanilang garden, kami lang kasi ang bata sa mansion nila. Hanggang halos sabay na kaming lumaki at naging comfortable na sa isa't-isa kaya minsan inaasar niya na ako.

Naging aso't- pusa kami kaya ayun nagulat ako na pinagtapat niya sa akin na gusto nya ako nung nagtransfer sya ng pag-aaral noong second year high school, sa Manila kasi siya nag-aaral ng elementary at nung naging kami yun ang isang dahilan kung bakit lagi nya akong inaasar kasi yun lang daw ang way para kausapin ko siya kahit na magkasundo naman kami nung hindi pa kami nag-aaral,ako kasi yung tipong tao na tahimik lang kung maari. Kung ayaw akong pansinin o kung ayaw nang isang tao sa akin, hindi ko pinipilit ang sarili ko na magustuhan nila.

At ito na nga, naging kami na ni ulap, hulog na hulog at sa awa ng Diyos hindi naman naapektuhan ang pag-aaral ko o naming dalawa pala, kung baga nagkakasundo kami ginagabayan nya ako sa mga bagay na di ko maintindihan lalo na sa mga subject na nahihirapan ako lalo kapag Mathematics, jusko Lord sumasakit ang ulo ko kapag numbers na ang topic ng teacher namin sa math pero who you yang numbers na yan kapag pera na ang pinag-uusapan.

Tinutulungan ako ni Cloud hindi man sa tamang sagot agad-agad kundi step by step kung paano ko masasagot ang mahihirap na subject para maintindihan ko, napagdaanan nya na  kasi kaya sisiw na lang yun sa kanya at sa pagkakakilala ko sa kanya matalino ang boyfriend ko, o diba? All in one na, nasa kanya na lahat. 

Hiwalayan ko kaya ay joke lang di ko yata kaya yun. Kaya kung double hulog ako sa kanya dati ngayon parang billion times na ata pagkainlababo ko sa kanya.

Yung dating bad boy o baka bansag lang yun sa kanya dahil nga sa awra nya na parang bad boy lalo na yung buhok nyang parang si naruto at tapos kapag titigan mo parang ang daming kaaway sa mundo, suplado pa pero ngayon sa akin lang pala titiklop, charr.

Sa dami kong iniisip, di ko namalayan na natapos na akong maligo, di ko maalala kung nakapag kuskos ba ako ng maayos sa aking katawan, ay basta pahid lang ng sabon sa katawan ok na  at konting shampoo sa buhok kong maitim at medyo curly sa dulo at hanggang balikat ko lamang.

Pagkatapos kong magtoothbrush dali-dali kong pinunasan ang katawan ng malinis na tuwalya, tinakpan ko na lang muna ng tuwalya ang aking hubad na katawan at sa loob na ako ng bahay magbibihis, medyo may kalayuan ang mga bahay dito sa amin kaya walang makakita sa akin kung lakad-takbo akong papasok ng bahay, pero yun nga double ingat baka may makapadaan.

Pagkasuot ko ng uniform ko na kulay white ang pang-itaas at green naman ang palda, lumapit ako sa cabinet na gawa ng kahoy kung saan nakalagay ang mga damit namin ni nanay ko. Sa ibabaw nito dito nakalagay ang mga suklay, salamim at iba pang pampahid sa mukha.

Nang makapagsuklay na ako ng buhok, naglagay narin ako ng konting baby cologne at pulbos para naman kahit papano baby parin ang amoy ko lalo ngayon mahilig humalik ang boyfriend ko sa may balikat ko kapag may pagkakataon. Syempre bawal pa mag kiss sa lips, baka after graduation nya o ako, doon pwede na ata. I giggle with that thought. "Gosh!" nilagay  ko ang dalawa kong mga palad sa aking  pisngi, feeling ko tuloy lalagnatin ako dahil sa mga iniisip ko, imagine Devi Cloud kissing me "Oh my goodness gulay baka mahimatay ako lalo kapag magsasalita siya, minsan pa naman akong nakatitig sa mga labi niya at mukha ang ganda kasi panoorin para siyang young version na actor ni Raoul Bova ang sarap ibulsa palagi.

"Hay naku Rey ang bata mo pa sa mga bagay na yan, mag-aral ka muna at isa pa late ka ng bruha ka baka nilalangaw na yung love of your life sa puno ng santol," maktol ko sa sarili. Bitbit ang bag at libro lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, binuksan ko ang pinag takip ng ulam, dahil sa nagmamadali na ako ay babaunin ko na lang itong inihanda ni inay sa akin, late na ako hindi sa klase kundi sa oras namin ni Cloud. Naiinip na ata yun sa kahihintay sa akin. Baka mamaya pinagsusuntok na nya ang santol o di kaya kinakausap na nya ng mag- isa. Natatawa ako sa mga naiisip ko. 

Ganito kasi ang routine naming dalawa kapag nagkikita kami, bago pumasok sa klase, dino double check nya kasi kung may assignment akong hindi nagawa o hindi tama. Kapag mali kasi tinuturuan nya ako pero hindi ang tamang sagot kundi step by step paano makuha ang tamang sagot like mathematics, pero kung mga English na naman tinatama nya ang grammar ko.

Pinapaintindi niya sa akin ang mga kaibahan like example paano gamitin ang past, present at past tense, kahit sa science may pa sign language pa yan, kung hindi ko pa rin maiintindihan tatambakan niya ako ng maraming libro para hanapin ang ibig sabihin ng assignment ko. Eh paano naman kasi iyak na iyak ako sa harapan nya nung nagkita kami dahil out of 50 ay 35 lang score ko kaya doon nagsimula na tuturuan ko na sya. Nagtiyaga talaga siyang turuan ako para hindi na maging birnes santo ang mukha ko.

Kahit minsan naiinis ako, pwede naman nya sabihin na agad kung ano ang tamang sagot, pero ano sabi nya "Paano ka matututo kung ako ang sasagot?" See..ang talino talaga bakit hindi na lang sabihin na gusto nya lang talagang makasama ako ng matagal, tsk.

Well..well..sa bagay tama naman s'ya, kung gusto mong umunlad ang buhay mo, dapat pinagsipagan mo iyong kunin na hindi umaasa sa iba. Kung alam mong may mali at may taong gumagabay sayo be thankful kasi minsan lang sa buhay natin na may tao tayong matatakbohan.

Kaya love na love ko ang Cloudy ko eh. Pagkatapos kong kunin ang lunch box sa cabinet at mailagay ang mga inihanda ni inay na pagkain para sa'kin nilagay ko na ito sa paper bag. Doon ko na lang to      kakainin sa school kasama si Cloud, share kami kapag hindi pa siya nakapag-almusal.

Mabilisan ang kilos ko sa paghuhugas ng mga pinaglalagyan ng mga ulam, for sure kumain na si inay bago umalis. Ayoko ko kasing umaalis na hindi ko to mahuhugasan baka makarinig na naman ako ng sermon mamaya.

Masinop si nanay ayaw nyang makalat ang bahay.Kahit lamok at langaw tinataboy nya paalis ng bahay,hindi daw sila welcome dito sa loob.

Dinodouble check ko muna ang lahat dito sa loob ng bahay kung nakapatay na ba ang apoy sa kahoy, ito kasi ang ginagamit namin na panggatong kapag nagluluto. Sinarado ng maigi ang dalawang bintana at kung nakapatay na ang ilaw. Nang makita na ok na ang lahat, kinuha ko na ang bag at ang baonan ko.

Bago ko buksan ang pinto, kumuha muna ako ng maliit na papel at ballpen para sulatan si nanay ko. "Nay umalis na po ako, mag-iingat po kayo sa lakad nyo mamaya. I love you always. The best ka nanay ko, mwah mwah." Ganito ang lagi kong ginagawa kapag umaalis ng bahay kapag nauna nang umalis si nanay, dahil pareho kaming walang cellphone, meron naman kaming keypad dati kaso nasira narin dahil sa matagal na ring ginagamit. Pinag-iponan pa namin para makabili ng bago kung sakali.

After kong isulat ang mga mensahe ko kay nanay kumuha ako ng scratch tape at dinikit ko ang maliit na papel malapit sa door knob para madaling mabasa ni nanay. Pagkasarado ng pinto at mailock ang kandado, tinago ko ang susi namin sa malapit na pasong may halaman, sa ilalim nito para makapasok si nanay pagkauwi nya ng bahay. Nawala ko kasi yung pinag duplicate ni inay kaya ito na lang ang ginagawa namin.

Lakad takbo ang ginawa ko para mapabilis, mahigit sampung minuto pa ang lalakarin ko papunta sa tagpuan namin sa may puno ng santol depende sa paglalakad o pagtakbo ko.

May dalawang daanan papunta sa amin, doon sa kabilang kalsada dumaan si inay kasi nandoon ang sakayan ng mga tricycle papuntang palengke sa bayan. May pasok ako kaya hindi ko masamahan si inay.

Pero minsan hindi niya talaga ako isinasama kapag pupunta ng bayan kahit wala akong pasok kasi panay turo ko ng mga damit, sapatos o kahit ano-ano na lang makikita ko sa mga stall, kapag hindi ako binilhan kunwari iiyak na ako nyan. Kaya alam ko na kung bakit nag-iisa lang ako na anak kasi may pagka brat ata ako.

Pero dati yun, ngayon  malaki na ako at alam ko na hindi ka dapat nagsasayang ng pera lalo at hindi naman ito kailangan at hindi mo rin pinaghirapan. Lalo  kapag ang pera mo ay galing sa pawis at sakit ng katawan, kaya dapat pahalagahan din ang pera sa tamang paraan, baka sa kakagastos mo di mo namamalayan nagkakasakit kana at wala ka ni piso na saving, masaklap yun. Kaya ako imbis na binibili ko ng mga anik-anik na hindi naman talaga kailangan, hinuhulog ko na lang ang mga barya ko sa maliit ko na alkansya. 

Sa awa naman malapit na mapuno yung isang 1.5L ng soft drink na wala ng laman. Minsan kung wala kaming makain doon na ako kumukuha, nung nalaman ni nanay na nag-iipon ako syempre proud sya sa akin kaya kapag may extra siya ay nilalagyan niya rin ang alkansya ko.

Walang imposible sa mundo, alam ko balang araw magbabago din ang buhay namin ni inay, magtatrabaho ako at kapag kumita na bibili ako ng lupa at magpapatayo ako ng bahay, gusto ko rin na patigilin na si nanay sa pagtatrabaho lalo ngayon tumatanda na sya at kahit hindi nya man sinasabi nakikita ko, nahihirapan narin sya, napapagod din kaya minsan tumutulong ako sa paglilinis sa bahay nina Cloud para magkapera din.

Masaya din kapag nandun ang mommy ni Cloudy ko at nakikita niya na nagtatrabaho ako inaabotan nya ako ng pera lalo at nag-aaral ako, ang bait nya sa akin at sino ba naman ako para tanggihan ang grasya, pagka-abot pasok agad sa bulsa baka babawiin pa lang.

Kahit maliit lang to na halaga, may mabibili ka na ng mga gamit sa school o di kaya pang merienda na rin, may kasabihan pa naman ako na "No money, I'm hungry," haizt bakit ko ba iniisip ang pagkain, nagugutom tuloy ako, hindi pa naman ako nakapag-almusal.

Medyo malubak tong dinadaanan ko ngayon pero keri lang basta ang importante ang mahalaga dahan-dahan lang sa paglalakad, slowly but surely na makakarating din sa paroroonan,ayoko namang puro sugat tong katawan ko,lalo pang nakakahiya kapag nalaman ng iba nakipag bugbugan ako sa lubak na daan.

Konting kembot na lang malapit na ako sa puno ng santol, tanaw ko na dito ang puno. Mga pamilyang Valentino din kasi ang may ari nitong lupain na'to. Kapatid sa asawa ni ma'am Lourdes..Halos pananim na lang makikita mo dito walang kabahayan kasi halos pamilya nila nasa syudad nakatira o di kaya abroad.

Tanaw ko dito sa hindi kalayuan ang bulto ng isang lalaki na malamang sa alamang kanina pa naghihintay sa akin. Wearing his school uniform na polo white short-sleeved pair with black pants at black shoes.

My gosh dalawang kulay lang kahit dito sa medyo malayo pa sa kanya, ang astig tingnan ng boyfriend kong ito, parang ginto kumikinang sinalo na lahat ng pinanganak ito for sure.

Nakahilig ito sa kanyang motor habang nagbabasa ng libro, katulad ko mahilig din magbasa ng libro si Cloud, all about business at science ang hilig niyang basahin. May opisina sila sa bahay nila at maraming mga librong nakapaligid doon sarap sa mata habang iniikot mo ang mga mata mo doon at tingnan. Sa bagay sa laki ba naman ng negosyo nila, dito sa Pilipinas at labas ng bansa at nag-iisa lang s'yang tagapagmana kaya double ang pag-aaral nya.

Feeling ko sobrang layo ko pa sa kanya kaya "My Cloudy baby!" sigaw ko sa kanya, di na ako nakatiis, tinakbo ko na ang pagitan naming dalawa. Tumayo siya ng tuwid pagkahilig sa motor nung nakita ako.

"Be careful, do not run!" He shouted back. Hindi ko sya pinakinggan, tumakbo parin ako. With his wide open arms, sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap pagkalapit ko sa kanya.

 "Late na naman ang baby ko, but it's okay, finally you're here! I miss you so much." bulong nya malapit sa tenga ko habang yakap ko siya. Kinikiliti ako sa bawat salitang binibitawan nya, para siyang musika, na kahit boses nya lang ang paulit-ulit kong ipaplay sa playlist ko hindi ako magsasawa.

Niyakap ko din siya ng pabalik, wala akong pakialam kung medyo naiipit ako, paano naman kasi sa edad niyang labing-walo, matipuno na ang katawan, matangkad din na hanggang balikat lang ako sa kanya. Paano na lang kaya kapag nasa twenties na ang edad nito.

Inangat ko ang ulo ko habang nakayakap parin ang mga braso ko sa bewang  nya, tinitigan ko siya sa mukha. "Good morning Cloudy! I miss you so much, don't you know that?" I heard him chuckled habang nakadungaw niya akong tinititigan sa mga mata.

 "I know…na miss din kita agad kahit kahapon lang tayo nagkita, I miss you Shemaia Rey Ocampo."

Pinapatakan nya ng halik ang aking noo, ilong, magkabilang pisngi ko, ganito ang lagi nyang ginagawa to welcome me kapag nagkikita kaming dalawa.

Kiss sa lips? Saka na daw kapag pwede na, maybe after graduation o 18th birthday ko para daw special. Hala! Bakit ko ba iniisip ang kiss na yan. Gutom lang siguro ito.

I kissed him back. Sa noo at panga, this is one of my favorites to welcome him. I caressed his jaw gently habang tinititigan ang kanyang mga mata. Nakatitig din ito sa akin na may sumisilay na ngiti ang mga labi. "Ano ang nasa isip ng baby ko,hmm care to share?" hindi ko alam kung mukhang kamatis na ba itong mukha ko dahil sa mga naiisip kanina lamang.

"Ang ano, uhm, ano.., Bakit ang gwapo mo sa mga mata ko?" Gusto kong iuntog ang ulo ko sa matigas nyang dibdib dahil sa daming pwedeng itanong yun pa talaga ang lumalabas sa bibig ko.

Sumisilay ang pilyong ngiti sa mga labi nya. "To answer that beautiful question, well maybe meant to be talaga sa isa't isa ang mga magulang ko at sa tingin ko sarap na sarap sila habang ginag–aw, baby! Why?" Reklamo nito habang kinukurot ko ang tagiliran nya.

Sinamangotan ko s'ya alam ko ang idudugtong nya, "kasi ang halay mo, dinudumihan mo ang inosenteng utak ko," sabi ko sabay himas sa kinurot ko.

 "What? Anong mahalay? Saan banda? D'yan naman tayo pupunta pagnagkaasa–aw, aw," Kinukurot ko sya ulit.

 "Hinahalay mo talaga ang utak ko, hindi na ito inosente, sana pala hindi na ako nagtanong kung bakit ka gwapo," ngiti kong sabi kahit gusto ko ng matawa.

"Ano! di na tayo aalis? Malapit na mag-eight ng umaga Cloudy! At saka gutom na ako di pa ako nag-aagahan eh," sabay turo ko sa'king tiyan ng makawala sa yakap nya.

Tinaasan nya ako ng kilay, mang-aasar naman ata. "Alright, hindi rin kasi ako nakapag-breakfast kasi may hint na ako na di ka pa kumakain, dahil sa tulog mantika ka minsan," natatawa ito habang palapit kami sa kanyang motor, kinuha niya ang extra helmet na kulay pink na nasa top box ng kanyang motor. 

Pagkatapos mailagay ang helmet sa aking ulo, kinuha niya ang paper bag na bitbit ko para mailagay sa harap ng motor kung saan may maliit na basket, nilagyan nya ito kahit hindi bagay sa motor nya para daw makahawak ako ng mahigpit sa kanya at hindi matapon ang dinadala ko.

 "Yeah! Parang ayaw ko ngang bumangon eh, kasi inaantok pa ako, may tinapos pa kasi ako na assignment para double check mo na lang mamaya kung may tama  ba ako."

Tumaas lang ang kaliwang kilay nya. "Ok, I double check ko yan mamaya." Sumampa na sya sa motor nya at sumunod naman akong umangkas, ayokong umalalay pa sya, malaki na ako at abot ko naman kahit papano.

Kinuha nya ang dalawang kamay ko at pinulupot nya ito sa kanyang bewang. "Hold on tight baby, baka mamaya mahulog ka na lang bigla," sinunod ko ang sabi nya, amoy na amoy ko ang bango ng kanyang suot at shower gel at natural nyang amoy.

Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat,parang ang sarap matulog habang kayakap ko tong boyfriend ko ah. Lalo ngayon habang binabagtas namin ang daan papuntang school, sariwang pang-umagang hangin ang nalalanghap ko. Wala kang makikitang usok ng sasakyan kasi madalang lang ang sasakyan dito, kaya maganda langhapin ang sariwang hangin dito sa bundok kaysa sa city.

Maya't-maya ang pagtatanong ni Cloud kung ok lang ba ako sa likod. Tanging oo lang naman ang sagot ko dahil yun naman talaga ang isasagot ko.

Mabuti na lang at may motor si Cloud, meron namang sariling sasakyan at may driver license narin pero mas prefer niyang gamitin ang motor nya kaysa sa car nya, unless kung umuulan o di kaya may event sa school at magdadala ng maraming gamit saka pa siya magda drive papuntang ng paaralan.

Wala namang problema sa akin kung maglalakad ako papunta sa school at pauwi sa bahay, sanay naman akong maglakad ng malayo, pero sa katulad ko na matagal gumising need talaga may transportation, nakakapagod din kaya ang thirty minutes na paglalakad.

Kapag nakasakay ka ng motorcycle o di kaya tricycle five minute to ten minutes nakarating ka na sa paroroonan mo. Hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kanyang bewang para sure na hindi mahulog.

"Gusto mo kantahan kita Cloudy ko? May bago akong kanta eh," tanong ko sa kanya, eh sa feel kong kumanta habang binabagtas namin tong kalsada. Natawa lang itong kayakap ko, pareho kasi naming alam kong bakit pero tumango lang s'ya para magpaubaya.

"Ok, sisimulan ko na at bago ko pala simulan, I dedicated this song to my favorite man on earth Devi Cloud Valentino," umaksyon pa akong pumapalakpak pero dahil ayaw kong bitawan ang kamay kong nakayakap sa kanya ay tinapik tapik ko na lang ang kanyang abs oh wow hello abs nice touching you again. Natatawa na lang talaga tong Cloud na'to sa pinaggagawa ko.

Tumikhim muna ako para swabe ang intro natin baka mamaya kusa na akong ihulog ni Cloud sa motor.

Hiding from the rain and snow

Trying to forget but i won't let go

Looking at the crowded street

Listening my own heartbeat

So many people all around the world

Tell me, where do I find someone like 

you boy

Natatanaw ko na ang paaralan namin wala akong pakialam kaya pinagpatuloy ko ang pagkanta ko kahit nakikita ko na may mga estudyante naring nakikita na naglalakad sa kalsada para pumasok.

Take me to your heart

Take me to your soul

Give me your hand before I'm old

Show me what love is I haven't got a clue

Show me that wonder can be true

Patuloy pa rin sa pagkanta kahit nahihirapan na dahil sa helmet ko pero dahil parang hyper tayo ngayon kaya wala na akong pakialam kung pinagtatawanan ako ni Cloud dahil nga we knows.

"We're here!" napa-ayos ako ng upo, palinga-linga ako sa paligid and yes nandito na nga kami sa school, sobrang bilis lang ata gusto ko pang kumanta eh.

Pagkababa ni Cloud, tinutulungan nga akong makababa para hindi daw umangat ang palda ko.Tinulungan nya rin akong alisin ang helmet ko at ng makuha na binalik nya ito sa tool box.Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri, medyo basa pa ang buhok dahil sa bagong paligo.

"Kailan mo pa na memorize yang kanta na yan? At bakit yan ang napili mong kantahin para sa akin?" tanong nito sa akin.

"Dalawang linggo ko na siyang minomemorized, naririnig ko kasi sa radyo yang kanta palagi kaya yan ang napili ko para sa araw na ito. Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nice choice of song baby, I'm glad you sing that for me don't worry next time ako naman kakanta para sa'yo," nagkatitigan kami dahil sa sinabi nya at bigla na lang na tawa dahil nga di ba we knows.

"Challenge accepted Cloud dapat yung kantang pipiliin mo ay yung sobrang na ma touch ako, ok?" pinagtawanan na lang namin ang mga kalokohan namin ngayong araw buti na lang at hindi dumilim ang langit kanina habang kumakanta ako bagkos lalo pang naging clear ang kalangitan sa umagang ito.

Kinuha nya na ang paper bag na laman ng food namin for breakfast." Saan mo gustong kumain? Sa canteen, uncle's office, tita's office or bench malapit sa puno ng mangga sa may field?" Ayaw ko sa opisina ng uncle at tita nya baka anong isipin nun.

"Sa may bench na lang Cloud, natapos ko narin ang assignment ko for sure tama yun, nagstudy narin kaya ako kagabi pero check mo na lang din mamaya, ok?" sabi ko sa kanya.

"Alright, after we eat, double check ko ang assignment ng baby ko," si Cloud. Nasa left side ng kanyang kamay ang paper bag  at ang kanang kamay naman nya ang nakahawak sa aking kamay para sabay na kaming makapasok sa gate ng school.

Maraming estudyante narin ang pumapasok sa school, ang iba nagmamadali, ang iba naman ay tamang lakad lang habang may mga kausap.

Tinagilid ko ang aking ulo para makita si Cloud, nakatingin din pala ito sa akin, itinaasan ko siya ng kilay. Ang gwapo talaga ang nilalang na'to.

Days from now magdadalawang taon na kami parang kelan lang nangyari at ito kami masaya parin. Mga bata pa kami, marami pang pwedeng mangyari alam ko yun dahil yun ang sabi ni mama ko na hindi madali ang buhay kailangan lang talaga ng dasal at tiwala sa sarili.

Dahil sa maaga ang relasyon namin alam kung marami pa kaming pagdadaanan pero hangga't masaya pa ako ngayon susulitin ko muna. Habang naglalakad ipinagpatuloy ko ang hindi pa natapos na kanta.

Don't need to much talking without saying anything

All i need is someone who makes me wanna sing

Take me to your heart take me to your soul

Tinagilid ko ang ulo ko para makita ang mukha ni Cloudy ko. Nagpipigil ng tawa ang half Italianong ito inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkakanta habang papasok sa school.

They say nothing lasts forever

Were only here today love is now or never 

Bring me far away'

Bibirit pa sana ako kaso naalala ko nasa school na kami baka ano na lang isipin ng mga estudyante sa akin na may kasamang baliw tong gwapong katabi ko.

Take me to your heart,take me to your soul Give me your hand before I'm old.

Show me what love is haven't got a clue

Show me that wonder can be true.'

Wala na talaga akong pakialam kung naririnig ako ng mga estudyante minsan may napapalingon sa banda namin kinawayan ko lang habang si Cloud natatawa na lang sa akin.

Habang magkahawak kamay kami winawagayway ko ito tapos ipapaikot nya ako habang nasa taas ang dalawa naming kamay tapos spread para kaming nagsu zumba nito eh.

Ang saya ng puso na katabi mo ang taong nagpapasaya sa iyo.

Magkahawak-kamay kayo sa taong mamahalin mo habang buhay.

Kaugnay na kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 2

    Papasok na kami sa gate ng paaralan ng sinalubong kami ng magandang ngiti ni manong guard.Dino-double check nya ang mga estudyante kung tama ba ang suot na uniforms at nakasuot ba ito ng I.D. Very strict din itong si manong.Kung hindi mo sinusunod ang rules and regulations in school hindi ka talaga makakapasok, papauwiin ka sa inyong bahay at kukunin ang mga iniwan mo."Hello kuya! Good morning po," binabati ko siya habang pinapakita ang I.D ko sa kanya, ganun din si Cloud."Good morning din sa'yo iha, good morning sir David," may katandaan narin si manong guard mga nasa singkwenta pataas anyos na ang edad nya. Akalain mo yun, twenty-five years ng naninilbihan sa paaralang ito si kuya. Dito rin nag-aaral ang mga anak niya na isa din sa mga scholar."Good morning din po Kuya Salmo! kumain na po ba kayo bago nagsimulang magtrabaho? Baka mamaya n'yan, tulad ng dati nahimatay kayo?" usisa ni Cloud kay kuya Salmo. "Ayy opo sir David! kumain muna ako bago pumasok sa trabaho at salamat

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 3

    Papalapit pa lang ako sa gym naririnig ko na ang mga ingay ng mga sapatos at pagdi-dribble ng bola at ingay ng mga estudyante.Aba'y practice pa lang yan pero makasigaw ang mga schoolmates ko parang championship na ah.Pagpasok ko sa main entrance ng gym,naghanap agad ako ng mauupuan sa blencher, nang may nahanap na ay uupo na sana ako na may tumawag sa pangalan ko.Si Cloud pala, tumatakbo ito papunta kung saan ako, "Wag ka dyang umupo, I reserved this sit for you," sabay turo nya sa bakanteng upuan kung saan malapit ang mga gamit ng kanilang players.Naririnig ko ang ibang tuksohan ng ibang estudyante na kilala kami. Hindi ko sila pinansin baka kung balingan ko sila at ngingiti baka mamaya kasing pula na ng camatis itong mukha ko, hanggang ngayon medyo hindi parin ako sanay na tinutukso kami ni Cloud na may namamagitan sa amin. Na boyfriend ko ang captain nila.Nahihiya talaga ako..Hindi ko na hinintay na puntahan ako ni Cloud, bumaba na ako ng ilang baitang lang naman ng hagdan. N

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 4

    Papalapit pa lang ako sa gym naririnig ko na ang mga ingay ng mga sapatos at pagdi-dribble ng bola at ingay ng mga estudyante.Aba'y practice pa lang yan pero makasigaw ang mga schoolmates ko parang championship na ah.Pagpasok ko sa main entrance ng gym,naghanap agad ako ng mauupuan sa blencher, nang may nahanap na ay uupo na sana ako na may tumawag sa pangalan ko.Si Cloud pala, tumatakbo ito papunta kung saan ako, "Wag ka dyang umupo, I reserved this sit for you," sabay turo nya sa bakanteng upuan kung saan malapit ang mga gamit ng kanilang players.Naririnig ko ang ibang tuksohan ng ibang estudyante na kilala kami. Hindi ko sila pinansin baka kung balingan ko sila at ngingiti baka mamaya kasing pula na ng camatis itong mukha ko, hanggang ngayon medyo hindi parin ako sanay na tinutukso kami ni Cloud na may namamagitan sa amin. Na boyfriend ko ang captain nila.Nahihiya talaga ako..Hindi ko na hinintay na puntahan ako ni Cloud, bumaba na ako ng ilang baitang lang naman ng hagdan. N

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 5

    Pagka-akyat ko sa pangalawang palapag ng bahay na mangha ulit ang mga mata ko kung gaano kaganda ang design nito, simple pero maganda sa paningin.Limang beses lang ata ako naka-akyat dito kasi hindi naman ako ang tagalinis dito, buntot-buntot lang ako sa aking ina kung saan s'ya naglilinis dito sa mansion na to.May limang kwarto ang nandito, yung last na kwarto na nasa dulo for sure yun ang kwarto ng mag-aasawa. Bandang kanan ay ang rooms ng guestroom. At itong natatanging design na'to na kulay black na may nakasabit pa na "Do Not Enter" ay malamang sa alamang, wala na talagang iba kundi kay Devi Cloud Valentino.Malapit na ako sa pinto ng kwarto ni boyfriend ko, pagkatapat ko ng pinto kakatok na sana ako ng may napansin ako na post note malapit sa door knob. Kinuha ko ito at binasa, ''TANGING ANAK LANG NI MANANG CARMELITA NA MAY MAGANDANG PANGALAN NA SHEMAIA ANG PAPASOK AT GUMISING SA AKIN. THANK YOU."Langya! Lokong taong to may pasulat-sulat pang nalalaman. Mabuti at wala pa s'

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 6

    ''Baby, it's time to wake up! Lady Shemaia!" Naalimpungatan ako dahil sa may narinig na tumatawag ng pangalan ko. Kailan pa naging lalaki ang boses ni mama?"Shemaia, gising na anak, sabi mo maaga kitang gisingin dahil may event kayo sa school." yan biglang boses babae na ang naririnig ko.Dahil nga totoo ang sinabi ni mama na maaga akong papasok sa school ay napilitan akong bumangon. Hindi ko pa tuluyang idinilat ang aking mga mata sa kadahilanang inaantok pa. Pagkatapos kong magdasal ay tulungan na nga akong bumangon sa higaan.Dahil nakaramdam ng pagkauhaw ay naglakad ako palabas ng kwarto, iniwan ko muna ang higaan na makalat dahil gusto ko na talagang uminom ng tubig.Nakapikit pa halos buong mata ko, kaya ang nakikita ko ay parang blurred ang vision ko. Napangiti ako na makita ang bulto ni mama sa lababo, naghuhugas siguro ng mga ginamit na pangluto sa umagang ito, masipag talaga ang mama ko, pwede naman ako na yan mamaya.Nilapitan ko sya, nasa likuran nya ako. Dinala ko ang m

    Huling Na-update : 2023-02-22
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 7

    Hinila ko na si Cloud sa braso para mapabilis kaming makarating sa classroom kasi feeling ko malalate na ako.Ngayon kasi ang araw ng volleyball naming mga babae, bandang alas otso ng umaga daw ng umaga magsisimula ang activities namin ngayon.Kailangan kong pumunta ng room namin dahil mag-aatendance pa. As usual matagal na naman akong nagising parang napapansin ko lang nitong mga nakaraan, lagi na lang akong matagal gumising, ewan ko ba baka dahil sa sunod-sunod na practice namin, akalain mo ba yun na cheerdance at volleyball ang sinalihan ko o kundi ba naman sasakit itong mga kabutohan ko, napapasabak ako sa laban na wala sa oras.Kaya ito na yung final na pinakahihintay ko sa wakas ang saya 'pag natapos na ito ilang days na lang makaakabalik narin ako sa normal na pahinga na di sumasakit ang mga paa ko o buong katawan.Kaya bago natutulog sa gabi minamasahe ni mama ang katawan ko kasi feeling ko hindi ko na sila maigalaw pa. Mabuti na lang magaling si mama magmasahe nakakatulog aga

    Huling Na-update : 2023-02-24
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 8

    Grabe ang saya sa puso na makikita mo ang mga kaklase mo na nagtipon-tipon para sa simpleng pagdiriwang ng 'yung kaarawan at higit sa lahat ang pagka-panalo namin sa laro, nandito rin sa canteen ang ibang estudyante na hindi nanalo kung sa baga wala silang iniwan sa ere. Manalo matalo sa laro na sinalihan n'yo ang mahalaga at the end of the day ay balik kayo sa dati na ngumingiti parin, proud sa bawat isa, kung manalo celebrate pero kung matalo try again again and again hanggang makamit mo rin ang tagumpay.Tiningnan ko sa mga mata si Cloud, "May kinalaman kaba dito?" tanong ko sa kanya, panay naman iling nya."Hindi She, kahit nga ako nagulat, akala ko nga it's a prank pero hindi pala," ok sige naniwala na ako."Thank you everyone sa pag-alala ng mga birthday namin ni Rey at sa pagcongratulate narin sa ating pagkapanalo, kaya dahil d'yan ililibre tayo ng dalawang coach na nandito sa volleyball at sa basketball," naghiyawan ang mga estudyante dahil sa narinig, panay tawag nila sa dala

    Huling Na-update : 2023-02-24
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 9

    Sobrang saya ng puso ko sa mga natatanggap ko na blessings lalo ngayong taon na ito. Pinaghandaan talaga ng mama ko ang birthday ko, simple lang ito pero sobrang saya na ng puso ko dahil tulad ng mga nakaraan ko na birthday, naghahanda talaga si nanay ng pagkain baka daw may bisita na darating.Dati si mama at si Cloud lang kasama ko, sa school lang kami nag cecelebrate dahil hindi pa alam ni mama ang tungkol sa relasyon namin ni Cloud at may handaan para sa konting salo-salo pero naiiba ngayon kasi binigyan ako ng pagkakataon na makilala ang ibang estudyante at kaibigan ni Cloud at kaibigan ko. Kahit tahimik lang ako minsan pero marunong naman akong makisalamoha kahit papano.Ngayon with the man beside me, aside sa papa ko na kasama na si Lord ngayon alam kong masaya din ang puso ni papa habang nakikita niya ako na masaya.Masaya ako di dahil sa regalo na binigay ni Cloud sa akin kundi paano naging strong ang relasyon namin, ilang days na lang kahit buwan pa ang bibilangin bago kami

    Huling Na-update : 2023-02-25

Pinakabagong kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   SPECIAL CHAPTER ( The Last Farewell)

    SPECIAL CHAPTER (The Last Farewell)Devi Cloud Valentino POV"Baby, I miss you so much! Ilang years na ba ang nakalipas, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, kung nasaan ka man ngayon I hope masaya ka kasama sina tatay at nanay Carmelita. Tay..nay…kayo na po bahala sa kanya. Baby… I love you always and forever. Like what I always say everyday, hmm and don't forget na ako parin ito si Devi Cloud Valentino, the handsome creature in our Valentino's family, always remember that baby!""Dad, let's go! Let's go dad!" kahit kailan talaga panira ng moments itong batang ito."Wait Deimos, I'm not done talking here," sabi ko sa kanya."We're going to be late! Paulit-ulit lang naman ang binabanggit mo na gwapo ka!" sinungitan ko siya."Totoo naman ah." "Ako kaya daddy, period.. let's go, we're going to be late sige ka.""Sus! sabihin mo namimiss mo lang si Aelia," binatukan ni Deimos ang kakambal niyang si Arnoux."Wee, nagsalita ang nabastid!" ani naman ni Perseus. Napabu

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 03

    DEVI CLOUD VALENTINO POV 3Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hindi ako makahinga na nasa harap ko lang ang babae na kanina ko pa iniisip. Siya ba talaga ito? Baka nanaginip lang ako at hallucination lang itong lahat. Baka kung hawakan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala katulad na lang kapag napapanaginipan ko siya.My beautiful wife is here in front of me while holding? Bakit may hawak siya na cake? Bakit ang baby ko ang may hawak niyan? Bigla yatang kumulo ang lahat ng dugo ko sa loob ng katawan dahil pinahirapan nila ang mahal ko, ang kakapal ng mga apog nitong mga nilalang na mga ito na panay ngisi lang."Who are you?" nagulat ito dahil sa tanong ko at hindi ko alam na sa dami-dami kung gustong sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil narito na siya sa harapan ko, pinili niya ako kaysa sa boyfriend niya o asawa na ba dahil magkasama sila sa isang bubong?"Sorry parekoy. By the way, this is Shemaia Rey. Siya ang kapalit ni

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 02

    Devi Cloud Valentino POV 02"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko sa aking lalaking secretary. "Yes sir, malinis na po lahat sa loob at labas ng bahay po," aniya sa akin. Alam ko na malayo pa pero sobrang excited na ako na makapiling ko ulit ang nag-iisang baby ko. Dito siya sa Manila mag-aaral ng College kaya ito ako. Halos araw-araw lagi kong pinapalinis ang bagong tahanan nila. Mabuti na lang at pumayag si manang Carmelita noong tinawagan ko siya habang nasa mansion pa ito."Sige salamat Dado. You can go home now." sabi ko bago pinatay ang tawag.Nagising ako dahil sa sa alarm clock, bumangon agad ako para pumunta muna ng opisina dahil may meeting ako sa isa sa mga clients ko. Bandang 9 ng umaga pa ang pasok ko kaya kailangan ko munang kausapin ang mga empleyado sa kumpanya na tinatawag na Valentino Design & Craft Arts Corp. Dahil sa hanggang ngayon na comatose pa si dad kaya ako na muna ang mamamahala at mabuti na lang noong bata pa ako ay sinasama na ako ni Dad sa opisina kaya ki

  • YOU'RE STILL THE ONE   Epilogue Devi Cloud Valentino POV 01

    Author Gratitude: From 0 words to 200k words plus. Hanggang ngayon hindi pa rin na sisink in sa utak ko na nagsusulat na ako ngayon na ganito kahabang novel. Dati lahat ng scenes pinapagana ko lang at tinatapos sa utak ko at ngayon sinimulan ko na siyang isulat at pinakilala ang sarili kong akda. Nakakatawa lang na may nagbabasa at humihingi ng Update. Ganito pala ang feeling kaya maraming salamat sa mga mahilig magbasa ng mga novel at naisama niyo itong story ko na inaabangan niyo. Abangan niyo na lang po ang ibang stories ko at sana magustuhan niyo parin, ayeeh-ROSENAV91EPILOGUEDevi Cloud Valentino POV 01Baby...I miss you so much! How are you there? Kung nasaan ka man ngayon sa kabilang buhay, lagi mong tatandaan na ma..hal na ma..hal kita. Always remember that. Ni kailanman hindi ka nawawala, lagi kang nasa puso at isipan ko,I love you! Keep smiling baby kung saan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo. Always smile!" matagal kong tinititigan habang sinusunod ng mga dal

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 44

    Kanina pa ako nakikiliti dahil sa pinanggagawa ng asawa ko habang nakatagilid akong nakahiga. Nasa likod ko siya at hinahaplos niya ang hubad ko na katawan ng kanyang mga daliri. Lalo na sa bandang likod. "Baby!'' tawag nito sa malambing na boses sa akin."Hmm,''"I miss you so much," napapangiti ako dahil sa paglalambing niya."Lagi naman tayong nagkikita ah, ilang oras ka lang namang mawawala dahil pumupunta ka ng opisina mo," sabi ko sabay haplos sa kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko."Yeah! But my buddy misses you!" tinampal ko ang braso niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi ng hindi muna pwede."Ano ang sabi ng doktor? Bawal na daw kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nanganak na ako at maging maayos na sa akin then you can have me all night." pangako ko sa kanya. Kahit sa totoo niyan kinakabahan ako kung ano ang mangyari dahil ang isang to, kahit pagod na gusto paring umisa hangga't hindi na ako makalakad kinabukasan."And all day, promise? Then

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 43

    "Nanay Berta!""Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta.Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi sila makauwi ng ulam mamaya kapag kinancel ang kasal at ang sa kainan." saad ni Cathy.Natawa na lang si manang Berta sa pinagsasabi ni Cathy. Dahil ako na lang yata ang wala pang ayos kaya bumangon na ak

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 42

    "Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon."Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin."Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya."Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!""Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami na ang mga puting buhok niya at kulubot na rin ang balat sa mukha dahil sa katandaan ay makikita mo parin ang taglay niyang kagandahan noong kabataan ni manang."Nanay si Cloud po, asawa ko," pakilala ko k

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 41

    "Mama! Kumusta na po kayo? Papa! Hello po. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy lang po sa school at sa trabaho. Konting tiis na lang po at malapit na po akong matapos ng kolehiyo." Kausap ko sa puntod ng mga magulang ko."Mama...papa… matutuwa po kayo kung sino ang kasama ko, si Cloud po. Sana hindi nyo pa po siya nakakalimutan ma. Boyfriend niya po ako at ngayon asawa ko na po siya. Sana hindi po kayo galit na nauna pa ang anak at pakasal namin kaysa pagtatapos ko po ng pag-aaral, sorry ma.. sorry talaga po," hinawakan ako sa bewang ni Cloud para bigyan ako ng suporta bago ako hinalikan sa noo."Hello po nanay at tatay, tulad po ng pinangako ko sa inyo na babalik ako dito na kasama ko na po ang anak niyo. Kumpleto na po ulit ako nanay at tatay, nandito na ang babaeng papakasalan ko this coming Sunday na po yun. Bago po sumikat ang araw ay ikakasal na po kaming dalawa ng asawa ko po. Kung dadalo po kayo huwag niyo lang po akong kakalabitin para hindi po ako makas

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 40

    "Babe! Are you done?" tawag ni Cloud sa akin. Hindi ko siya pinapasok sa banyo noong inabot niya sa akin ang pregnancy test dahil nahihiya ako na nasa harapan ko siya habang umiihi. Hindi ko muna ito tiningnan at para sabay na naming makita na dalawa ang resulta."Y..yeah! Come in," tawag ko sa kanya. Itinago ko ang pregnancy test sa likod ko habang hawak ng kamay ko, hindi ko pa ito tinitingnan para hindi ko mabasa o makita anong nakalagay, sabi sa instructions na kapag dalawang guhit ay patunay na buntis na ang tao. Sana nga..sana nga."Anong lumabas, positive ba babe?" tanong nito agad ng makapasok sa loob ng banyo. Umiling agad ako. Ang saya ng mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. Nilapitan niya at niyakap ng mahigpit. "That's okay, that's okay..hindi tayo titigil hangga't hindi tayo makabuo pero sa ngayon that's okay babe, hmm tahan na, stop crying. Makakabuo rin tayo hindi man ngayon pero sa marami pang paraan," pag-aalo niya sa akin. Umiiling ulit ako naiiyak na, natakot sa

DMCA.com Protection Status