Share

Chapter 6

Author: ROSENAV91
last update Huling Na-update: 2023-02-22 12:17:18

''Baby, it's time to wake up! Lady Shemaia!" Naalimpungatan ako dahil sa may narinig na tumatawag ng pangalan ko. Kailan pa naging lalaki ang  boses ni mama?

"Shemaia, gising na anak, sabi mo maaga kitang gisingin dahil may event kayo sa school." yan biglang boses babae na ang naririnig ko.

Dahil nga totoo ang sinabi ni mama na maaga akong papasok sa school ay napilitan akong bumangon. Hindi ko pa tuluyang idinilat ang aking mga mata sa kadahilanang inaantok pa. Pagkatapos kong magdasal ay tulungan na nga akong bumangon sa higaan.

Dahil nakaramdam ng pagkauhaw ay naglakad ako palabas ng kwarto, iniwan ko muna ang higaan na makalat dahil gusto ko na talagang uminom ng tubig.

Nakapikit pa halos buong mata ko, kaya ang nakikita ko ay parang blurred ang vision ko. Napangiti ako na makita ang bulto ni mama sa lababo, naghuhugas siguro ng mga ginamit na pangluto sa umagang ito, masipag talaga ang mama ko, pwede naman ako na yan mamaya.

Nilapitan ko sya, nasa likuran nya ako. Dinala ko ang mga braso ko sa bewang nya para mayakap ng mahigpit at saka batiin sya ng magandang umaga.

"Good morning mama ko!" kiniss ko pa ang kanyang likuran habang nakapikit ang mga mata.

Nagtataka nga lang kung kailan pa naging panglalaki ang amoy ni mama at bakit matigas ang kanyang tiyan.

"Tatawagin ko ulit ang anak ko Cloud sanda…..ay nandito na pala." Narinig kong Boses yun ni nanay na papasok galing sa labas. 

Dahil sa gulat ay bigla kong naimulat ang mga mata ko at kumalas sa pagkayap ng kaninong bulto sa harapan ko dahil kanina pa ako nagtataka. Dahil sa nakita parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ang buong mukha ko. Wearing his P.E uniform, naka bandana ang ulo na kulay black habang nakangisi sa akin.

"Cloudy!" naitawag ko na pangalan kasi totoong nandito talaga sya sa harapan ko.

"Good morning sleepyhead," pinipigilan nitong tumawa dahil sa nakikita sa reaksyon ng aking mukha at dahil naalala na bagong gising lang ako, nakalugay ang mga buhok, baka mabaho pa tong hininga ko at baka may muta ang mga mata at higit sa lahat wala akong bra.

"Haaaaaa noooo.. noooo.. haaa….no way!" sigaw ko habang tumatakbo ako ng mabilis pabalik sa kwarto ko, tinalikuran ko ang dalawang tao na nasa labas ng kwarto.

Dahil hindi pa nailigpit ang higaan ko ay bigla akong humiga at tinabonan ng kumot ang mukha ko at sumigaw.

"NOOO… way…ahhhh….!" wala na akong pakialam kong umabot sa kabilang bayan itong boses ko basta gusto ko na lang talagang kainin ng lupa sa ngayon.

 "Shemaia! Anak nagpapagising ka ng maaga tapos nakabaloktot kapa d'yan sa higaan mo," narinig kong pumasok at sabi ni mama.

Binalingan ko sya, "mama! bakit nandyan s'ya, I mean di ko alam na nandyan na si Cloud tapos ganito ang hitsura ko, look oh waahhhhhh….ang pangit ko maaa….!" 

Nagpapadyak na ako sa higaan ko, ok lang naman kapag si mama ang nakakita ng ayos ko na ganito pero sa ibang tao hindi ko ata matanggap, lalo kapag si Cloud na ang boyfriend ko ang nakakita ng ganung ayos ko baka sabihin nya ang pangit pala ni Shemaia 'pag bagong gising ohh nohh, baka iwan niya ako.

Patuloy parin akong nagwawala "oh, hala kanina pa ang tao dito gusto mo bang pinaghihintay mo s'ya? Imbes makalibre ka sa pamasahe papuntang school ay hindi, dahil nauna na ang boyfriend mo na umalis dahil sa tagal mo."

Nakapamewang si mama habang sinesermonan ako. Dahil nga sa naisip na kanina pa pala s'ya pumunta dito para sunduin ako ay agad-agad akong bumangon sa higaan at niligpit ang mga higaan.

Pagkatapos kong magligpit ay kinuha ko na ang tuwalya na nakasabit sa sampayan at sunod na kinuha ang mga damit na susuotin ko mamaya papuntang paaralan. Pangit naman na katakip lang ako ng tuwalya habang naglalakad-takbo sa loob ng bahay pagkatapos maligo habang naghihintay si Cloud sa akin, halos lahat ng galaw mo pa naman ay kitang- kita dahil maliit lang naman tong bahay namin hindi tulad ng kina Cloud. Plano ko na sa CR na lang maligo at magbihis.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin at luminga-linga muna baka mamaya nasa harapan ko lang si Cloud.

Nang marinig na nasa kusina lang ito at kausap si mama ay dali-dali akong tumakbo papuntang pinto ng bahay para makaligo na sa labas, sa may likod bahay. Nakayuko akong tumatakbo para hindi ko sila makita na nakatingin sa akin na ganito ang ayos.

 Pagkalabas ko ng bahay ay parang kaytagal kong pinigilan ang paghinga ko dahil sa nabigla sa taong dumating, ganun na ba ako kapagod sa final practice namin kahapon at di ko na agad naalala na sinusundo niya talaga ako sa bahay simula nung nalaman na ni mama. 

 Hay naku, bakit ang bilis kong makalimot. Pagkarating sa banyo inumpisahan ko na agad ang mga ritwal ko sa pagligo, sinasabonan ko ng mabuti ang aking katawan kasi mamaya malalagyan na naman ako ng iba't -ibang klaseng alikabok mamaya sa paaralan dahil umpisa na ng intramurals namin.

Atleast yung mga previous na dumi ay natanggal at saka kailangan mabango tayo para hindi tayo ewan ng mahal ko, hay dami ko ng sinasabi basta ang importante ay mahalaga na mahal ako ni Cloud, sabehh…

Pagkatapos kong maligo at nakapagbihis na ay pumasok na ako sa loob ng bahay para mag-ayos sa sarili. Inikot  ko ang tuwalya sa aking uluhan para matuyo sila ng kaunti para madali na lang mamaya na isuklay.

Pagkapasok ko ay dederecho na sana ako sa kwarto ng tinawag ni mama ang pangalan ko, napabaling ako sa kusina at nakita ko si Cloud na nakatingin sa akin patagilid habang nasa hapag kainan.

"Kumain ka muna Shemaia bago mag-ayos para hindi lumamig ang pagkain at ng hindi rin kayo sobrang busog papuntang school, sabay- sabay na tayong kumain," si mama. 

Wala akong ginawa kundi ang sumunod sa kanya. Nasa katabi lang ni Cloud ang upuan na plastic na bakante, pangit naman kung lilipat pa ako katabi ni mama, eh ganito naman ginagawa namin kapag dito kumakain ang nobyo ko ng agahan.

Mas ok na lang daw na dadalhin na lang dito ang ulam nya for breakfast kaysa kumain ng mag-isa sa bahay nila habang nakatayo at  nakabantay sarado ang mga yaya nya sa mansion para pagsilbihan sya, naiilang kasi  din sila sa kanya.

Wala akong imik habang nakaupo sa chair, for sure nasa akin ang kanyang mga mata at for sure nagpipigil talaga itong tumawa. Kapag sinusundo nya kasi ako ay gising na ako at minsan naka uniform na para pagdating niya ready to go na lang.

Pero dahil nag final practice pa kami kahapon kaya ito na naman ako parang lantang gulay at matagal gumising.

"Baby, kausapin mo naman ako," bulong niya sa akin pero hindi ko s'ya pinapansin o binalingan man lang, hanggang ngayon kasi hindi ko maimagine ang mukha ko kanina kung ano na itsura nun, atleast ngayon bagong ligo at kahit nakatakip pa ang tuwalya sa ulo ko ay ok lang.

 "Oh! kain lang kayo ng kain, magpakabusog kayo ngayon para mamaya may energy kayo sa mga activities sa school n'yo at kung maglaro kayo 'wag yung bagong kain pa, mamaya sa lunch niyo magpahinga muna kayo bago kayo magsimula," paalala ni mama.

''Opo manang, salamat po sa agahan, this bacon you want this?" for sure sa akin na niya itinanong kasi umalis si mama para magtimpla ng kape n'ya at kami ni Cloud kasi mga gatas ang iniinom namin.

Sa wakas tiningnan ko na s'ya pero iniwas ko agad baka nagmukha na akong kamatis dahil sa pamumula ng pisngi ko dahil naalala na naman yung kanina, hay naku.

"Konti lang, at isang egg," sagot ko,ewan ko ba pwede naman akong kumuha para sa sarili ko ginawa pa ng iba. Kinuha ko ang tinidor ko at kumuha ng hotdog at nilagay ito sa pinggan ni Cloud, sunod ko naman kinuha ay bacon favorite nya kasi ito na almusal. 

Para kaming ewan dito,.pwede naman na kanya-kanyang kuha at ilagay sa sariling mga pinggan, pero pinapasa lang sa ibang mga plato.

Napapailing na lang si mama sa mga pinanggagawa naming dalawa. Sabay-sabay pa kaming nagpasalamat.

Kapag nakikita pa ni Cloud na konti na lang ang laman ng aking pinggan ay nilalagyan nya pa ito kaya tuloy busog na busog ako. Kanina pa ako umaayaw pero ang sabi niya final na yung volleyball namin kaya dapat ako ang mas mabusog kaysa sa kanya kasi sa birnes pa gaganapin yung basketball nila. Eh, bukas pa naman magstastart yung sa'min.

Nang matapos na kami ay ako na nagpresinta na hugasan ang mga pinggan may oras pa naman at saka bagong kain pa lang kami kaya bawal pang maglakad ng malayo.

Kahit sinabi ko na ako na ay talagang tinutulungan ako ni Cloud para daw mapadali, ang ending ako taga-sabon, s'ya naman ang taga-banlaw kaya.

Dahil nasa labas si mama at nagsasampay ng mga  damit namin na nilabhan niya kanina kaya kami lang ni Cloud ang nasa loob. ''Hindi mo ako kinakausap simula kanina baby, may problema?" tiningnan ko s'ya akala ko pa naman nagtatampo ang mukha yun naman pala nagpipigil ng tawa, ang sarap sabonin din ang mukha dahil sa gwapo-gwapo sya n'yan. Inirapan ko s'ya dahil nang-iinis.

"Wag mo akong kausapin, naiinis ako sa'yo," sabi ko kahit hindi naman at talagang ako yung nahihiya dahil sa nangyari kanina.

"What? Bakit ka naman naiinis? Ahh alam ko na dahil pala doon," ngayon tumawa na talaga s'ya, hinahampas ko na ang kanyang mga braso, tapos na akong magsabon habang s'ya kakatapos lang na hugasan ang mga pinggan namin.

"Sabihin mo na hindi mo yun nakita kanina…in short wala kang nakita rather, ha?" kombensi ko sa kanya pero ang loko nakangisi lang, kaya yun inirapan ko na s'ya.

"What? No baby, alam mo ba na yun ang pinakamagandang mukha ng babae ang nakita ko a..," hindi na nya natuloy dahil hinahabol ko na sya ng sandok na nakita ko lang sa kusina ang ending naghahabolan kami sa square na lamesa namin. At ng mahabol ko s'ya ay kikilitiin ko na sana ng bumukas ang pinto.

"Hay nakung mga bata kayo, titirisin ko yang mga singit nyo kakatapos nyo lang kumain tumatakbo na kayo at hindi ba may event kayo sa school at dapat maaga kayong pupunta, eh ano itong ginagawa nyo ngayon? Naghaharotan na naman ok lang kung walang pasok pero meron, meron,meron…kaya ikaw Shemaia magsuklay ka na ng buhok mo at mag-ayos sa kwarto at ikaw naman half Italiano ka hintayin mo dito sa labas ang anak ko," mahabang sermon ni mama.

Sinunod ko ang sinabi nya at iniwan si Cloud. Pagkapasok ko ay agad kong sinuklay ang buhok, naglagay ng konting make-up like lip gloss at konting pulbos para kahit papano hindi ako nagmukhang lanta.

Nang makontento na sa ayos ay kinuha ko na ang bag ko at sa school ko na ito tatalian ang buhok ko. Nagdala narin ako ng extra t-shirt at bimpo para kung papawisin mamaya ay may nakareserba.

Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto para makaalis na kami ni Cloud. Baka mamaya sermon ang aabotin namin kapag ma late kami.

"Mag-iingat kayo ha ang mga binilin ko sa inyo kanina, Cloud pakitingnan mo na lang ang anak ko, minsan pasaway yan hindi agad nagpapalit ng damit kapag pinagpapawisan o di kaya maulanan kaya madaling lalagnatin eh," bilin ni mama kay Cloud, hindi na ako bata pero kung makapagbilin si mama parang 1 year old lang ako kaya love na love ko talaga si mother earth ko, s'ya lang natatangi.

"I love you nanay ko, mag-iingat po kayo sa lakad nyo mamaya ha?" paalala ko kay mama habang kayakap s'ya, pupunta daw sya ngayon sa Dumaguete may inaasikaso lang, hindi na ako nag-usisa kasi baka ma late pa kami, hintayin ko na lang na sabihin ni mama yung kinakaabalahan niya kapag wala sya sa bahay o di kaya wala sa mansion. Itanong ko na lang mamayang gabi bago matulog kung maalala ko.

 "Walang problema po yun manang Carmelita, obligasyon ko po yun sa kanya wag po kayong mag-alala, palalambotin natin ang ulo nito para sumunod," ay aba ang loko humirit pa, ang sarap iuntog eh. Inirapan ko s'ya sa hangin, akala nya ha.

"Sige, salamat.. na hala alis na kayo ilang minuto na lang," bilin ni nanay. Pareho na kaming nakasakay ni Cloud sa kanyang sasakyan, yes his using his Zubaro naman this time. Tiningnan namin si nanay at kumaway bago kami umalis, pinapasok na muna s'ya sa loob. Nang makitang nasa loob ng bakuran namin si nanay ay umalis na kami ni Cloud.

Habang nasa biyahe, kinuha ni Cloud ang kaliwang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. "Good morning baby ko, hindi kita nabati kanina kaya ginawa ko ngayon," may pilyong ngiti na naman na gustong lumabas sa kanyang mga labi pero pilit na pinipigilan.

 "Remind me ulit sa nangyari kanina buong araw kitang hindi papansinin," banta ko sa kanya kahit sa totoo niyan nagjojoke lang naman ako.

"Subukan mo lang hindi ako pansinin hahalikan talaga kita sa harapan ng mga tao sa school." Hinampas ko na naman sya pero mahina lang, nakakainis talaga tong  nilalang na'to ako ang nagbanta ako pa ang nadali, sinimangotan ko sya.

"Eh kasi, totoo naman di ba? I'm soooo ugly kaya kanina, Cloudy baka iiwan mo ako dahil doon ayyy…" bigla na lang akong napatili dahil sa biglaan nyang paghinto akala ko pa naman na nakabangga kami pero ng tiningnan ko sa labas wala naman. "Bakit?" tanong ko, clueless na nangyari.

"Bakit mo dinadown ang sarili mo Shamaia Rey Ocampo? Fiba sabi ko sa'yo na maganda ka, nakalugay man o nakaayos ang mga buhok mo, may make-up o wala, lahat na nakikita ko sa iyo ay beyond perfect kaya please don't mention that again." Pinigilan kong maluha dahil sa pinagsasabi nya hindi ko alam bakit ako ganito, ah alam ko na dahil siguro malapit na kasing dumating kumare ko kaya feeling ko lagi akong bad mood. "Maganda ka, ok? Natatawa lang ako sa reaction mo kanina, that's it."

Hindi ko na pinahaba ang sinasabi ko baka saang planeta naman kami nito dadalhin kapag nag-uusap lalo at masinsihan. Dahil narin ng makita ko na malapit na kami sa school. May nakikita na ako ng mga naka p.e uniform ang halos lahat ng mga estudyante.

"Noted Cloudy ko, and thank you for always reminding me about that and sorry for always o minsan lang naman na minamaliit ko yung sarili ko," nakangisi na ako ngayon sa kanya. Huminto na ang kanyang sasakyan dahil nasa parking area na kami ng school. 

 Wala namang estudyante na dumaan dito sa ngayon at feeling tinted naman itong sasakyan niya kasi hindi ko nakita ang hitsura ng  loob nito pagpasok namin kanina  kapag nasa labas.

Dahil d'yan may naisip ako, gusto ko kasing lalabas kami ng sasakyan nya na accepted na yung thank you at sorry ko at dahil na appreciate ko yung sinasabi nya kanina, he lifted me up with his beautiful and magical words kaysa dinadown nya rin ako kagaya ng ginagawa ko sa sarili ko, mabuti na lang at hindi ganun ang boyfriend ko. He's always caring and loving me unconditionally.

Bago pa n'ya mabuksan ang pinto ay hinila ko na ang braso nya at inangat ang aking katawan para makalapit sa kanya at  pinugpog ko s'ya ng halik sa noo, ilong, pisngi paulit-ulit while saying I love you.

Humawak s'ya sa aking bewang para suportahan ako. May ngiti sa kanyang mga labi at nasisiyahan sa ginagawa ko sa kanya."I love you too, sobra."

At ng makontento na ay inayos ko na ang damit ko at lumabas na kami ng sasakyan nya. Mabuti na lang at iilan lang ang nasa parking area. Baka magtataka yun na kanina pa kami dumating ay ang tagal naming lumabas ng sasakyan nya, eh sa nag heart to heart talk kami.

"Let's go," kinuha ni Cloud ang isa kung kamay at sabay na kaming pumasok ng school. Nasa gate pa lang kami nakita namin si manong na abala sa ibang mga estudyante na pumapasok sa school, kahit intrams tinitingnan nya kung may id ba o wala ang mga bata.

Nginitian lamang kami ni manong ganun din kami sa kanya nung pinakita na namin ang mga ID na nakasabit na sa leeg namin ni Cloud.

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin ni Cloud papunta sa kanya-kanya namin na classroom. May bumabati naman sa amin at nginingitian lang namin pabalik pero sadya lang atang ma appeal tong katabi ko ay may napatili pa na estudyante habang binubulungan nya ang kanyang kaklase kung gaano ka gwapo tong nilalang na kasama ko.

Pagkarating namin sa tapat ng classroom ko ay humarap s'ya sa akin."See yah later, ok?" tumango lang ako sa kanya, hindi na niya pinakialaman ang buhok ko kasi nabanggit ko na kanina na yung kaklase na lang ako muna magpapaayos ng buhok. Plan ko kasing gawin siyang naka braid hairstyle. Hindi pa sya marunong nun eh kaya pag-aralan nya muna.

Nginitian ko sya at nagbigay ng flying kiss para makaalis na s'ya,nasa loob na ako pero parang ayaw pang umalis. Nung dumating yung kaklase ko na tahimik na si Kyla ay nagremind na ako sa kanya about sa pagbabraid nya ng buhok ko, inalok nya kasi ako nung nakaraan na baka gusto nya pakialaman ang buhok ko at dahil marunong syang magbraid ay umuoo na ako, nung nakaraan kasi si Cloud ang nag-ayos kaya ayaw ko naman na pangnagkita kami ay makita na nya lang na iba na ayos ng buhok ko, hindi ko alam kong magtatampo s'ya pero as a girlfriend dapat alam mo yung mararamdaman nya na pinaghirapan nya ring gawin dahil ganun rin ang mararamdaman ko kung ako ang naghairstyle ng buhok nya at mabalitaan ko na lang na inaayos na ng iba lalo kapag babae iwan ko na lang baka magwawala na ako.

      "Oo ba, mamaya after ng attendance natin sa ating professor." tumango at nginitian ko s'ya pagkatapos magpasalamat. Hindi naman katagalan ay dumating narin ang teacher namin para sa kanyang announcement sa event na gagawin ngayong araw.

      Pagkalabas namin sa classroom ay tumungo na kami sa field para sa flag ceremony at mensahe ng principal namin. Nakita ko si Cloud kasama ang mga barkada nya. Tumingin ito kung saang banda ako marahil siguro my nakikita syang kaklase ko kaya for sure may idea na sya na nasa paligid lang ako, kakawayan  ko na sana s'ya pero hindi nya siguro ako napansin na kumakaway dahil may humarap sa kanya na babaeng estudyante, may tinatanong siguro kasi nagtuturo si Cloud. Kalaunan umalis din ito, at bumalik na si Cloud kung saan sya nakapwesto kanina dahil tinawag sya ng kaklase nya.

Humarap na ako kung saan nagsasalita ang principal namin about sa mangyayari sa first instrams namin and to congratulates sa mga sasali. After na palakpakan at halos lahat ay excited sa mangyayari ngayong araw.

Pupunta na sana ako sa locker room ng mga girls para makapag-bihis ng una naming gagawin ngayon yun ang cheerdance, yes kasali din ako since first year ganito na ang sinasalihan ko, last year sumali din ako kaya hindi na ito bago sa akin.

Kaya hati lagi ang practice namin sa Volleyball at sa cheerdance para hindi naman mukhang bagsak ang katawan namin."Sure kana ba na sasali ka? Pwede ka pang umurong baby," rinig kong may nagsalita sa likod paglingon ko ay si Cloud pala.

  

 Nginitian ko s'ya, ito na naman ang pagiging nerbyoso niya umaandar na naman. Last year kasi kamuntikan na akong mahulog habang hinahagis sa ere, muntikan kasing ma out of balance yung kasamahan naming lalaki sa sayaw kaya napasigaw si Cloud.Tumayo ako sa kanyang harapan to make sure na ok lang ako, umigting ang mga panga nito at gustong-gusto na manapak pero nandoon ako ay kumalma s'ya.

 

"Cloudy ginagawa ko na'to dati pa, hindi ba? Kaya gagawin ko ulit wag kang mag-alala walang mangyaring masama sa akin, hmm?" sabi ko para hindi nya na ako pilitin na ang isang bagay na gusto kong gawin sa sarili ko ay hindi ko magawa sa ngayon. "Magbibihis na ako, pwede ka naman na bumalik sa mga barkada mo at wag mo na akong hintayin, magkita na lang tayo sa lunch," sabi ko kay Cloud.

   

 Tiningnan nya lang ako nagpipigil na magalit. Dahil hindi nya ako sinagot ay iniwan ko na s'ya baka malate pa ako, nasa gym na ang ibang mga estudyante na sasali sa cheerdance sa batch namin. Labas-pasok narin ang mga estudyante galing sa kanilang mga classroom o saan man sila nanggaling, yung iba abala sa mga preparations nila sa kanilang mga games o activities na napili.

Pagkatapos kung magbihis pagkalabas ko ay naabotan ko si Cloud na nakatayo at naghihintay sa akin, nakangiti na ito ngayon. O kanina parang galit ngayon nahimashimasan na siguro.

"Sana hindi mo na lang ako hinintay, baka may gagawin kapa na importante," sabi ko sa kanya baka mamaya may mga activities pala ito na gagawin tapos laging nakabuntot sa akin, hindi naman yun masama kasi gf nya ako pero baka mamaya mapagalitan sya at bumaba grado nya, sayang naman.

Hinawakan nya ang bewang ko, sabay na kaming naglakad papuntang gym."Hell I care, gusto ko nandito sa'yo," napapiling na lang ako sa sagot nya, ayaw ko ng pilitin baka mamaya umigting na naman ang mga panga nito.

Pagkatapos magperform ng second year high school ay kami na ang next, naghanda na kami sa gilid para sa formation at hinihintay lamang ang hudyat o tawag ng aming grupo. Kinakabahan ako ng kaunti pero binabalewala ko iyon nung tinawag na ang 3rd year high school, agad-agad naman kaming pumunta sa gitna para magpakitang gilas.

Napapangiti na lamang ako na makita si Cloud na nasa gitna nakaabang kung saan kami, talagang tinutoo niya yung sinabi kanina na tututukan nya ako kung pwede pupunta sya sa gitna kapag hinahagis na ako sa ere kabilang kasi ako doon, siguro dahil magaan ako wala naman akong narinig na reklamo ng mga kasamahan kung lalaki na nagbubuhat sa akin.

 Nakatayo lang si Cloud habang nakapameywang bantay-sarado at hindi nilulubayan ang kanyang mga mata sa akin.Nginitian ko s'ya pero ang loko parang sinasabi nya na 'ngingiti kapa habang ako dito nenerbyos'. Napangiti na lang ako kung tama itong nasa isip ko. 

 Inihanda ko ang sarili ko para sa paghagis nila sa akin at ng ginawa na ng kasamahan ko lumapit na talaga si Cloud kung saan ako. Narinig kung hiyawan ng ibang mga estudyante dahil sa nakita at may naririnig pa ako na sana all na lang talaga.

Binabalewala ko iyon at nakipag-concentrate sa ginawa ko, maganda naman ang kinalabasan ng pagbagsak ko sa dalawang kaklase na lalaki na sumasalo sa akin.

Nasa gitna na si Cloud at ganun parin ang ginagawa n'ya bantay sarado parin. At ng yung posisyon namin ay pa V ang letter at ako ang nasa gitna na design na v dahil malapit lang ako kay Cloud, ilang inches lang yung pagitan namin habang gumagawa ng form ay binigyan ko sya ng flying kiss at nag mouth na I Love you.

Ayon naman pala kailangan lang ng assurance, umiiling na lang ito sa ginagawa ko habang may sumisilay na ngiti sa mga labi at langya narin dahil may nakakita at alam nila ang ginawa ko kaya nagtitilian na naman, ganun ba karami ang mga fans namin? Hindi pa kami nyan artista pero feeling ko special kami sa school na'to paano pa kaya kung na KMJS pa ito, charoot lang.

Pagkatapos ng tapunan sa ere at ibang formation ay natapos narin namin, hingal na hingal ako pagkatapos. Pinuntahan ko si Cloud at ng napansin nya ako may kinuha siya sa kanyang bulsa at ito ay maliit na towel. Pagkalapit ko sa kanya pinunasan nya agad ang aking mukha, ito na naman ang pagkaalaga nya na kahit na pwede naman ako ang gumawa pero he insist daw kaya hinayaan ko na.

"Take a breath muna, calm down your heart bago ka uminom ng tubig para hindi malunod at mabigla ang puso mo," sinunod ko sya kasi feeling ko nagrarambolan ang paghinga ko at ang tunog ng dibdib ko.

Pagkatapos kumalma saka nya inabot ang tubig sa akin. "Thank you Cloudy!" nginitian ko siya habang palakad kami papuntang labas para makapagbihis na ako.

Dinala niya ako sa office ng tito nya para doon na daw ako magbihis malapit lang naman kasi dito sa may gym ang opisina nila. Nang makapasok wala dito ang tito nya dahil isa iyon sa mga judge kanina.

Papasok na sana ako ng banyo ng hinila ni Cloud ang braso ko sa kanya at yinakap nya ako ng mahigpit. "You did a good job kanina, so proud of you kahit parang aatakihin ako sa puso," reklamo nito. 

Napapangiti na lang ako sa kanya. Ako nga easy go lucky lang kanina pero itong mahal ko sari-sari na pala ang nararamdaman. Kaya para masuklian ko iton ay yinakap ko rin sya ng mahigpit para hindi na ito mag-alala. 

 "Thank you Cloudy for always there by my side, natakot naman ako kanina baka hindi maganda yung pagbagsak ko pero dahil alam ko na nandyan ka wala akong nararamdaman na kaba kasi alam ko na hindi mo ako pababayaan.Kaya sobrang thank you talaga," sabi ko sa kanya habang nakayap narin ng mahigpit sa kanyang bewang.

Nang pinakawalan nya ako kinuha nya ang kamay ko para halikan ang likod nito.

"Go change your clothes bago pa yan matuyo sa katawan mo baka ma walis-tambo ako ng nanay mo kapag malaman nyang sinasabayan ko lang ang katigasan ng ulo mo sa hindi pagsunod ng bilin ng nanay mo." Inirapan ko lang sya akala naman hahayaan ko ang damit ko na matuyo sa pawis lalo ngayon na kasama ko si Cloud baka buong hapon nakabuntot lang ito sa akin lalo ngayon imbes na manuod sya sa kanyang mga kaklase na nagperform ay kasama ko ngayon dito.

Pagkatapos makabihis ng puting tshirt ay sinuot ko narin ang pajama ko na sinuot kaninang umaga hindi pa naman ito madumi kasi iba ang ginamit namin nung nagperform.

 

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Cloud na nanunuod ng tv habang may tinatype sa kanyang cellphone. Napansin nyang lumabas na ako kaya nginitian nya ako habang tinatapik nya ang upuan katabi sa kanya. Sumunod naman ako at umupo narin.

"Nagpahanda ako ng pangmerienda natin kay aling Bechay na nasa canteen idedeliver ng tauhan nya dito sa office, kain muna tayo bago bumalik."  Oh may textmate sila? natatawa na lang ako sa naiisip ko.

"Nagutom ka? Sa bagay parang nagugutom narin ako dahil sa ginagawa kanina parang nagsisiliparan lahat ng kinain ko kaninang umaga dahil sa pagsayaw," natatawa kong sabi sa kanya.

"Yeah, at ako naman itong matalim ang mga tingin sa dalawang mga lalaki na nakatoka sa'yo malilintikan talaga sila kapag hindi nila aayosin ng maayos ang pagkasalo sa iyo," sinimangotan ko s'ya dahil sa kanyang mga naiisip kaya love ko to eh handang gawin para sa akin.

"Ewan ko sa'yo Cloud pero thank you for staying me hanggang matapos ang laro," nag-uusap pa kami ng kung ano-ano ng makarinig ng katok sa pinto, tumayo si Cloud para tingnan kung sino yun baka yun na yung pinaorder nya.

Pagkatapos ng cheerdance parang gusto ko tuloy matulog dito sa sofa lalo at naka on ang aircon dito, parang hinihele ang katawan ko sa tamang lamig ng hangin.

Pagkarating ni Cloud ay inisa-isa na nyang nilabas ang laman sa supot. May banana que at camote, meron ding Ginataang Bilo-bilo at pancit. 

"Ang dami naman itong inorder mo, may maiuuwi na naman ako sa bahay nito 'pag hindi maubos," nakangiti kong sabi sa kanya.

Napapailing na lang itong nilalang sa akin, "kumain muna tayo bago bumalik sa gym, nakakagutom kang tingnan kanina kaya kakain tayo at uubusin natin ito," tumatawa na lang ako sa sinasabi nya.

"Bakit? Kailan pa naging ulam o pagkain tong katawan ko Cloudy at nagutom ka? tanong ko sa kanya habang nakangisi at kumakain ng pancit.

"Syempre halos sa umpisa at kataposan ng dance nyo ako ang natatakot sa'yo, parang gusto ko palitan yung kasama mo para ako ang sasalo o maghagis sa'yo sa ere pero pinigilan ko ang sarili ko baka ma disqualified pa kayo,tsk." Wala na tumatawa na talaga ako hindi ko maimagine ang hitsura nya na halos magsisilabasan ang mga ugat sa mukha na hindi mapakali habang ako ineenjoy ang pagsayaw, itong isa nagwawala habang tinitingnan lang ako, hindi talaga s'ya nasanay na ginawa ko na ito dati pa.

"Kaya love na love kita eh, thank you Cloudy ko," sabi ko habang binigyan sya ng halik sa pisngi.Sinusubuan ko s'ya ng pancit kasi yung camote lang ang kinakain nya.

Pagkatapos naming mag merienda ay bumalik na kami sa gym para sa iba na namang mga laro, ayaw pa sana ni Cloud pero pinilit ko na s'ya na makisalamoha sa kanyang mga classmates o barkada kung ano man ang ginagawa ngayon.

Ako naman ay heto nanunuod ng chess ng second year kalaban ang first year. Nasa gilid ko lang sina Sophia, Gail at Mercy nanunuod din ng games, maraming mga activities sa unang araw na ito. Nang mapagod na kami sa kapapanuod na hindi naman naiintindihan ang tungkol sa chess na yan, kinuha ni Sophia ang bola ng volleyball para mag-ensayo daw kami para sa gaganapin bukas, yan kasi ang oras para sa sport namin at hapon naman kina Cloud about sa basketball.

Timing at hindi isinabay may chance na makapanuod sya at ganun din ako sa kanya, hmm parang may gusto akong gawin bukas ah for sure hindi naman magagalit si Cloud nun, well see that kung effective ba itong mga naiisip ko na ito, sana lang ma appreciate nya kasi kung hindi isang linggo ko syang iirapan.

Kasama kong naglunch break ang mga kaibigan ko at kasama namin si Cloud, naiilang man ay nakikipaghalubilo narin sila kay Cloud.

Masaya ang unang araw ng activities namin sa school, sobrang natutuwa at game na game ang ibang estudyante sa mga sinasalihan nila at ang pinakamasaya sa lahat na kanya-kanyang cheer sila sa mga kinakampihan nila na players.

Halos namamaos na kami sa kakasigaw dahil kung ano yung sinalihan ng kaklase namin ay nandoon kami para magbigay ng lakas ng loob ay yun ang pagche-cheer sa kanila.

Minsan nakikita ko si Cloud na nakatingin sa banda ko, pinagtitripan na naman siguro ako nito na kunan ako ng picture, yan kasi hilig nya.

Kaugnay na kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 7

    Hinila ko na si Cloud sa braso para mapabilis kaming makarating sa classroom kasi feeling ko malalate na ako.Ngayon kasi ang araw ng volleyball naming mga babae, bandang alas otso ng umaga daw ng umaga magsisimula ang activities namin ngayon.Kailangan kong pumunta ng room namin dahil mag-aatendance pa. As usual matagal na naman akong nagising parang napapansin ko lang nitong mga nakaraan, lagi na lang akong matagal gumising, ewan ko ba baka dahil sa sunod-sunod na practice namin, akalain mo ba yun na cheerdance at volleyball ang sinalihan ko o kundi ba naman sasakit itong mga kabutohan ko, napapasabak ako sa laban na wala sa oras.Kaya ito na yung final na pinakahihintay ko sa wakas ang saya 'pag natapos na ito ilang days na lang makaakabalik narin ako sa normal na pahinga na di sumasakit ang mga paa ko o buong katawan.Kaya bago natutulog sa gabi minamasahe ni mama ang katawan ko kasi feeling ko hindi ko na sila maigalaw pa. Mabuti na lang magaling si mama magmasahe nakakatulog aga

    Huling Na-update : 2023-02-24
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 8

    Grabe ang saya sa puso na makikita mo ang mga kaklase mo na nagtipon-tipon para sa simpleng pagdiriwang ng 'yung kaarawan at higit sa lahat ang pagka-panalo namin sa laro, nandito rin sa canteen ang ibang estudyante na hindi nanalo kung sa baga wala silang iniwan sa ere. Manalo matalo sa laro na sinalihan n'yo ang mahalaga at the end of the day ay balik kayo sa dati na ngumingiti parin, proud sa bawat isa, kung manalo celebrate pero kung matalo try again again and again hanggang makamit mo rin ang tagumpay.Tiningnan ko sa mga mata si Cloud, "May kinalaman kaba dito?" tanong ko sa kanya, panay naman iling nya."Hindi She, kahit nga ako nagulat, akala ko nga it's a prank pero hindi pala," ok sige naniwala na ako."Thank you everyone sa pag-alala ng mga birthday namin ni Rey at sa pagcongratulate narin sa ating pagkapanalo, kaya dahil d'yan ililibre tayo ng dalawang coach na nandito sa volleyball at sa basketball," naghiyawan ang mga estudyante dahil sa narinig, panay tawag nila sa dala

    Huling Na-update : 2023-02-24
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 9

    Sobrang saya ng puso ko sa mga natatanggap ko na blessings lalo ngayong taon na ito. Pinaghandaan talaga ng mama ko ang birthday ko, simple lang ito pero sobrang saya na ng puso ko dahil tulad ng mga nakaraan ko na birthday, naghahanda talaga si nanay ng pagkain baka daw may bisita na darating.Dati si mama at si Cloud lang kasama ko, sa school lang kami nag cecelebrate dahil hindi pa alam ni mama ang tungkol sa relasyon namin ni Cloud at may handaan para sa konting salo-salo pero naiiba ngayon kasi binigyan ako ng pagkakataon na makilala ang ibang estudyante at kaibigan ni Cloud at kaibigan ko. Kahit tahimik lang ako minsan pero marunong naman akong makisalamoha kahit papano.Ngayon with the man beside me, aside sa papa ko na kasama na si Lord ngayon alam kong masaya din ang puso ni papa habang nakikita niya ako na masaya.Masaya ako di dahil sa regalo na binigay ni Cloud sa akin kundi paano naging strong ang relasyon namin, ilang days na lang kahit buwan pa ang bibilangin bago kami

    Huling Na-update : 2023-02-25
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 10

    Tinago ko ang binigay na regalo ni Cloud sa akin dito sa shoe box, dito ko iniipon lahat na bigay n'ya sa akin sa mga nakaraang birthday ko at kahit hindi ko pa birthday basta may gusto siyang ibigay sa akin ay ibibigay nya kahit dahon pa yan ng santol na may pangalan niya na nakasulat, tinatago ko at dahil gagamitin ko ang cellphone na kakabigay niya palang ay itong mga cartoon nito ang itatago ko.Nagulat nga si mama nung pagkarating ko noong galing kami sa Bacolod nung hapon at matutulog na sana kami na may bigla na lang tumunog.Kaya doon ko sinabi na niregalohan ako ni Cloud ng cellphone, wala namang reklamo si mama ang sabi lang na ingatan ang gamit lalo na sa akin na sobrang clumsy.Kakatapos ko lang gawin ang ibibigay ko kay Cloud para sa birthday nya, sabi naman n'ya na kahit ano lang basta bukal sa loob. Sana magustuhan ang ibibigay ko sa kanya. Buong puso kong inalay ang paggawa kaya dapat lang magustuhan n'ya.Baka daw bukas makalawa bago ang birthday ni Cloud ay darating

    Huling Na-update : 2023-02-25
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 11

    "Kumusta mama ang trabaho nyo po sa araw na ito?" tanong ko sa aking pinakamamahal na ina habang kumakain kami ng hapunan.Nauna akong nakauwi at nagluto agad ng hapunan namin. Ang niluto ko lang naman ay tinolang-manok para naman may sustansya ang kinakain namin ni mama. May dahon pa yung malunggay sa likod ng bakuran namin kaya yun na ang kinuha ko na pangsahog, wala naman kaming papaya kaya itong sayote na lang, binili ito ni nanay nung isang linggo, ginamit ko na kaysa masira pa, mahal pa naman lahat ng paninda ngayon kahit mga gulay, tumataas na ang mga presyo."Ayos naman anak, medyo masakit lang itong aking likod dahil may nilabhan ako na kumot, massage mo na lang ito ng kaunti mamaya para mawala anak," sabi ni mama habang humihigop ng sabaw.Tumatango ako habang nilalapit ang bibig sa maliit na bowl para humigop din ng sabaw. Isa din ito sa mga gusto ko ang pagluluto. Kaya ng matikman ko ang niluto ko napapangiti na lamang ako dahil sakto lang at masarap ang pagka timpla,"sure

    Huling Na-update : 2023-02-27
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 12

    "Happy birthday sir Cloud," yan ang unang bungad sa amin pagkarating sa kusina ay ang batiin nila si Cloud.Sinulyapan ko ito at mabuti naman at nakangiti, "maraming salamat po, hihingi lang kami ng pagkain for lunch," sabi ni Cloud.Nagkaundugaga naman na magserve ang mga kasamahan dito sa bahay. "Ano gusto nyo po sir? May 3 dishes po tayong ihahain at ito ang Filipino dish, Italian dish and Japanese dish," paliwanag ni kuya na nakatuka sa mga food sa ngayon."How about you? Gusto mo tikman natin lahat na nandito na pagkain?" bulong na tanong ni Cloud sa akin habang may pilyong ngiti na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya, akala niya ba pumunta lang ako dito para lang kumain ng kumain lahat ng pagkain na nandito? Paano naman kung may nagrereklamo na lang sa aking tiyan at kailangan magrestroom baka wala pang six ng gabi, magyaya na ako kay nanay na umuwi dahil masama ang pakiramdam ko."Yung kaya ko lang ubusin, mamaya ko na yan banatan ang lahat na pagkain na narito kung kainan na t

    Huling Na-update : 2023-02-27
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 13

    Pagkarating ko sa may gate ay napansin ko nga ang mga ka schoolmate ko na nakikipag-usap kay manong guard.Nilapitan ko sila at agad naman akong nakita."Mga kaibigan ko po sila, kakausapin ko lang muna," pakilala ko kay Manong guard para hindi magtataka na lumabas ako."Oh my goodness, mabuti na lang at nandito ka Shemaia Rey! Alam mo bang kanina pa kami nandito? Kaso ayaw kaming papasukin ni kuyang guard na masungit," parang bata rin itong si Gail na nagsusumbong sa akin ngayon.Nagkanya-kanya naman silang tango para sumang-ayon. Mabuti na lang medyo malayo kami sa guard at hindi narinig ang pinagsasabi ni Gail sa bandang huli dahil lumabas talaga ako ng gate dahil may mga lumalabas-pasok ang mga tao kung doon kami magtatambay sa guard area."Oo nga, pwede naman kaming pumasok kasi mga kaibigan kami ni birthday boy, pero ayaw kaming papasukin dahil wala kaming invitation card, luh. Pang VIP kaya itong gwapo kong mukha," singit naman ni Samson na kasama ni Cloud sa basketball. Naka

    Huling Na-update : 2023-02-28
  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 14

    Pagkatapos kong magbihis ng pang-alis, tiningnan ko ang kabuohan ng aking suot, simple lang naman ang porma ko ngayon malaking puting T-shirt na may design na malaking pusa sa gitna, tinupi ko ng dalawang beses ang manggas dahil sa sobrang lampas pa ito sa aking siko.Galing ito kay Cloud, pinahiram niya sa akin noong isang beses na 'di ko namalayan na, na tagusan na pala ako habang nagpapractice ng cheerdance, mabuti na lang at nandoon ito sa gym at siya pa talaga ang nakapansin kaysa mga kasamahan ko, mabuti na lang at may naiwan pa ako sa bag ng sanitary pads kaso nga lang wala akong pampalit na palda kaya ang naiwan na lang ni Cloud na damit ang pinahiram niya sa akin hanggang ayaw na niyang ibalik ko sa kanya dahil para ko na daw siyang kayakap kung sinusuot ko ito, baliw talaga 'yon sa akin at binabagayan ko ito ng denim short and pair with my favorite white sneaker, matagal na ito pero dahil kasya pa sa akin kaya linis lang ang katapat nito.Nakalugay ang buhok ko dahil basa pa

    Huling Na-update : 2023-02-28

Pinakabagong kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   SPECIAL CHAPTER ( The Last Farewell)

    SPECIAL CHAPTER (The Last Farewell)Devi Cloud Valentino POV"Baby, I miss you so much! Ilang years na ba ang nakalipas, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, kung nasaan ka man ngayon I hope masaya ka kasama sina tatay at nanay Carmelita. Tay..nay…kayo na po bahala sa kanya. Baby… I love you always and forever. Like what I always say everyday, hmm and don't forget na ako parin ito si Devi Cloud Valentino, the handsome creature in our Valentino's family, always remember that baby!""Dad, let's go! Let's go dad!" kahit kailan talaga panira ng moments itong batang ito."Wait Deimos, I'm not done talking here," sabi ko sa kanya."We're going to be late! Paulit-ulit lang naman ang binabanggit mo na gwapo ka!" sinungitan ko siya."Totoo naman ah." "Ako kaya daddy, period.. let's go, we're going to be late sige ka.""Sus! sabihin mo namimiss mo lang si Aelia," binatukan ni Deimos ang kakambal niyang si Arnoux."Wee, nagsalita ang nabastid!" ani naman ni Perseus. Napabu

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 03

    DEVI CLOUD VALENTINO POV 3Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hindi ako makahinga na nasa harap ko lang ang babae na kanina ko pa iniisip. Siya ba talaga ito? Baka nanaginip lang ako at hallucination lang itong lahat. Baka kung hawakan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala katulad na lang kapag napapanaginipan ko siya.My beautiful wife is here in front of me while holding? Bakit may hawak siya na cake? Bakit ang baby ko ang may hawak niyan? Bigla yatang kumulo ang lahat ng dugo ko sa loob ng katawan dahil pinahirapan nila ang mahal ko, ang kakapal ng mga apog nitong mga nilalang na mga ito na panay ngisi lang."Who are you?" nagulat ito dahil sa tanong ko at hindi ko alam na sa dami-dami kung gustong sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil narito na siya sa harapan ko, pinili niya ako kaysa sa boyfriend niya o asawa na ba dahil magkasama sila sa isang bubong?"Sorry parekoy. By the way, this is Shemaia Rey. Siya ang kapalit ni

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 02

    Devi Cloud Valentino POV 02"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko sa aking lalaking secretary. "Yes sir, malinis na po lahat sa loob at labas ng bahay po," aniya sa akin. Alam ko na malayo pa pero sobrang excited na ako na makapiling ko ulit ang nag-iisang baby ko. Dito siya sa Manila mag-aaral ng College kaya ito ako. Halos araw-araw lagi kong pinapalinis ang bagong tahanan nila. Mabuti na lang at pumayag si manang Carmelita noong tinawagan ko siya habang nasa mansion pa ito."Sige salamat Dado. You can go home now." sabi ko bago pinatay ang tawag.Nagising ako dahil sa sa alarm clock, bumangon agad ako para pumunta muna ng opisina dahil may meeting ako sa isa sa mga clients ko. Bandang 9 ng umaga pa ang pasok ko kaya kailangan ko munang kausapin ang mga empleyado sa kumpanya na tinatawag na Valentino Design & Craft Arts Corp. Dahil sa hanggang ngayon na comatose pa si dad kaya ako na muna ang mamamahala at mabuti na lang noong bata pa ako ay sinasama na ako ni Dad sa opisina kaya ki

  • YOU'RE STILL THE ONE   Epilogue Devi Cloud Valentino POV 01

    Author Gratitude: From 0 words to 200k words plus. Hanggang ngayon hindi pa rin na sisink in sa utak ko na nagsusulat na ako ngayon na ganito kahabang novel. Dati lahat ng scenes pinapagana ko lang at tinatapos sa utak ko at ngayon sinimulan ko na siyang isulat at pinakilala ang sarili kong akda. Nakakatawa lang na may nagbabasa at humihingi ng Update. Ganito pala ang feeling kaya maraming salamat sa mga mahilig magbasa ng mga novel at naisama niyo itong story ko na inaabangan niyo. Abangan niyo na lang po ang ibang stories ko at sana magustuhan niyo parin, ayeeh-ROSENAV91EPILOGUEDevi Cloud Valentino POV 01Baby...I miss you so much! How are you there? Kung nasaan ka man ngayon sa kabilang buhay, lagi mong tatandaan na ma..hal na ma..hal kita. Always remember that. Ni kailanman hindi ka nawawala, lagi kang nasa puso at isipan ko,I love you! Keep smiling baby kung saan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo. Always smile!" matagal kong tinititigan habang sinusunod ng mga dal

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 44

    Kanina pa ako nakikiliti dahil sa pinanggagawa ng asawa ko habang nakatagilid akong nakahiga. Nasa likod ko siya at hinahaplos niya ang hubad ko na katawan ng kanyang mga daliri. Lalo na sa bandang likod. "Baby!'' tawag nito sa malambing na boses sa akin."Hmm,''"I miss you so much," napapangiti ako dahil sa paglalambing niya."Lagi naman tayong nagkikita ah, ilang oras ka lang namang mawawala dahil pumupunta ka ng opisina mo," sabi ko sabay haplos sa kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko."Yeah! But my buddy misses you!" tinampal ko ang braso niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi ng hindi muna pwede."Ano ang sabi ng doktor? Bawal na daw kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nanganak na ako at maging maayos na sa akin then you can have me all night." pangako ko sa kanya. Kahit sa totoo niyan kinakabahan ako kung ano ang mangyari dahil ang isang to, kahit pagod na gusto paring umisa hangga't hindi na ako makalakad kinabukasan."And all day, promise? Then

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 43

    "Nanay Berta!""Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta.Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi sila makauwi ng ulam mamaya kapag kinancel ang kasal at ang sa kainan." saad ni Cathy.Natawa na lang si manang Berta sa pinagsasabi ni Cathy. Dahil ako na lang yata ang wala pang ayos kaya bumangon na ak

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 42

    "Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon."Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin."Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya."Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!""Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami na ang mga puting buhok niya at kulubot na rin ang balat sa mukha dahil sa katandaan ay makikita mo parin ang taglay niyang kagandahan noong kabataan ni manang."Nanay si Cloud po, asawa ko," pakilala ko k

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 41

    "Mama! Kumusta na po kayo? Papa! Hello po. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy lang po sa school at sa trabaho. Konting tiis na lang po at malapit na po akong matapos ng kolehiyo." Kausap ko sa puntod ng mga magulang ko."Mama...papa… matutuwa po kayo kung sino ang kasama ko, si Cloud po. Sana hindi nyo pa po siya nakakalimutan ma. Boyfriend niya po ako at ngayon asawa ko na po siya. Sana hindi po kayo galit na nauna pa ang anak at pakasal namin kaysa pagtatapos ko po ng pag-aaral, sorry ma.. sorry talaga po," hinawakan ako sa bewang ni Cloud para bigyan ako ng suporta bago ako hinalikan sa noo."Hello po nanay at tatay, tulad po ng pinangako ko sa inyo na babalik ako dito na kasama ko na po ang anak niyo. Kumpleto na po ulit ako nanay at tatay, nandito na ang babaeng papakasalan ko this coming Sunday na po yun. Bago po sumikat ang araw ay ikakasal na po kaming dalawa ng asawa ko po. Kung dadalo po kayo huwag niyo lang po akong kakalabitin para hindi po ako makas

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 40

    "Babe! Are you done?" tawag ni Cloud sa akin. Hindi ko siya pinapasok sa banyo noong inabot niya sa akin ang pregnancy test dahil nahihiya ako na nasa harapan ko siya habang umiihi. Hindi ko muna ito tiningnan at para sabay na naming makita na dalawa ang resulta."Y..yeah! Come in," tawag ko sa kanya. Itinago ko ang pregnancy test sa likod ko habang hawak ng kamay ko, hindi ko pa ito tinitingnan para hindi ko mabasa o makita anong nakalagay, sabi sa instructions na kapag dalawang guhit ay patunay na buntis na ang tao. Sana nga..sana nga."Anong lumabas, positive ba babe?" tanong nito agad ng makapasok sa loob ng banyo. Umiling agad ako. Ang saya ng mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. Nilapitan niya at niyakap ng mahigpit. "That's okay, that's okay..hindi tayo titigil hangga't hindi tayo makabuo pero sa ngayon that's okay babe, hmm tahan na, stop crying. Makakabuo rin tayo hindi man ngayon pero sa marami pang paraan," pag-aalo niya sa akin. Umiiling ulit ako naiiyak na, natakot sa

DMCA.com Protection Status