Share

Chapter 5

Author: ROSENAV91
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Pagka-akyat ko sa pangalawang palapag ng bahay na mangha ulit ang mga mata ko kung gaano kaganda ang design nito, simple pero maganda sa paningin.

Limang beses lang ata ako naka-akyat dito kasi hindi naman ako ang tagalinis dito, buntot-buntot lang ako sa aking ina kung saan s'ya naglilinis dito sa mansion na to.

May limang kwarto ang nandito, yung last na kwarto na nasa dulo for sure yun ang kwarto ng mag-aasawa. Bandang kanan ay ang rooms ng guestroom.

 At itong natatanging design na'to na kulay black na may nakasabit pa na "Do Not Enter" ay malamang sa alamang, wala na talagang iba kundi kay Devi Cloud Valentino.

Malapit na ako sa pinto ng kwarto ni boyfriend ko, pagkatapat ko ng pinto kakatok na sana ako ng may napansin ako na post note malapit sa door knob.

 Kinuha ko ito at binasa, ''TANGING ANAK LANG NI MANANG CARMELITA NA MAY MAGANDANG PANGALAN NA SHEMAIA ANG PAPASOK AT GUMISING SA AKIN. THANK YOU."

Langya! Lokong taong to may pasulat-sulat pang nalalaman. Mabuti at wala pa s'ya sa harapan ko baka matatawa na naman ito kapag nakita akong namumula. Ang aga-aga sumasayaw ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa mensahe nya. Paano na lang kung may ibang nakabasa, Gosh ka talagang Cloudy na to pereng tenge.

Kumatok ako para atleast kung gising na s'ya hindi na ako kosang papasok kundi lalabas na lang ito. At kung may makarinig man sa baba ay alam nila na ginising ko lang ang alaga nila hindi yung kosa ko na lang itong pinasok sa kwarto baka makasohan pa tayo nyan ng...ng..di ko na tuloy maalala yung binasa ko sa libro about law, hays.

"Senyorito, gising na po," tawag ko dito habang kinakatok ko ang pintuan nya.

"Sir, boss, prinsipe, kamahalan gising na po daw kayo, magtatanghali na," tawag ko ulit.

Natatawa na lang ako sa mga pinangalan ko sa kanya. Eh, sa ganun s'ya Shemaia, hmm.

Wala paring sumasagot o kalampag man lang na naririnig sa loob hudyat na gising ito. Lumilinga muna ako sa paligid baka maya-maya may tao at sigawan ako na ewan ko na lang, kasalanan ito ni kamahalan.

 Pinihit ko ang doorknob at hindi ito nakalock, sa bagay nakalagay na nga sa post note ang pagpasok ko. Sinarado ko agad ang pinto baka mamaya hubad baro ito at kapag may naka-akyat dito ano na lang iisipin.

 Pagpasok ko pa lang sumalubong na sa akin ang lamig ng aircon. Grabe naman makapag-aircon tong half Italiano half Pinoy tong nilalang na'to. Madouble check nga baka mamaya naging yelo na ito.

Amoy lalaki talaga ang kwarto nya halatang hindi nagdadala ng babae charr, hmm matanong nga. Lalaking-lalaki din ang design, magkahalong kulay black and gray ang dingding at kurtina.

May walk-in closet din at ang katabi ay ang bathroom. Dumako ang tingin ko sa king size bed nya na kulay gray ang kulay ng bedsheet at comforter at unan.

And here you go, a creature who sleeps peacefully. Natabunan ng makapal na comforter ang halos buong katawan, yung ulo lang nya ang kita.

Lumapit ako sa kanya, nakatayo ako sa kanang bahagi ng kama nya malapit sa ulohan ng headboard para gisingin s'ya. "Boss, gising na daw," tinapik ko s'ya sa may balikat para magising, walang response, tinakip ko ulit.

''Sir, gising na, prinsipe, senyorito, gising na po. Nagpapagising ka raw pagkarating ko, heto na po at ginigising kana," Akala ko ako lang tulog mantika nito, ang isa rin palang ito. 

 Ayaw talagang magising, kikilitiin ko kaya? Baka naman makatanggap ako ng malakas na suntok galing dito masama pa naman ang taong pinipilit na gisingin kagaya ko kasi buong araw ang pagka bad mood ko.

Naglalakad tapos babalik ako sa kung saan ako kanina nakatayo. Ano kayang magic word para magising si boyfriend.

 

Aha! Alam ko na. Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga nya baka sakaling dito na s'ya magigising. I'll make sure na hindi mabaho ang hininga ko, ng maamoy ko ang mint na ginamit ko na toothpaste kanina kaya nagsalita na ako. Medyo nakatagilid ito sa akin at likod nya lang ang halos nakaharap sa akin. Medyo nakayuko ang kalahating katawan ko habang tinutukod ang dalawang kamay sa kama nya para malapit ako sa may tenga nya.

 "Baby Cloudy gumising ka na po," second parang hindi effective, bago ko pa mailayo ang aking mukha sa kanya, bigla na lang syang humarap kung saan ako banda, mahihimatay ata ako nito ng maaga dahil sa gulat at lapit ng mga mukha naming dalawa.

 Ngiting-ngiti itong nakatitig sa akin

"Good morning lady," tatayo na sana ako ng tuwid ng bigla na lang nyang hinawakan ang maliit ko na bewang palapit sa kanya kaya nakasubsob ang aking mukha sa my leeg nya. 

"Cloudy! Anong ginagawa mo? Baka may biglang bumukas ang pinto at maabotan tayo sa position na ganito?" nahihirapan ko na sabi dahil naipit ang mukha ko sa may leeg nya, kahit buong gabing tulog to amoy baby parin.

 Hindi nakikinig ang mokong na ito sa halip hinapit nya pa talaga ako sa bewang para halos buong katawan ko mapunta sa kama. Hindi naman ako nakadagan talaga sa kanya, half lang ng katawan ko bali magkadikit ang dibdib namin, mabuti na lang at naka white t-shirt ito at hindi hubo't hubad na natutulog.

"Akala ko hindi mo na babangitin ang gusto ko na marinig galing sa'yo. Mabuti na lang at ginawa mo kaya nagising ako," nakangisi lang ito.

 Sinimangotan ko s'ya, So? Ibig sabihin na gising kana talaga kanina pa?" tanong ko sa kanya.

"Yep habang nasa labas ka pa lang, alam mo bang madali akong magigising lalo pa at yung boses ni Shemaia Rey ang narinig ko, mas nagising lalo ako ng ginamitan mo ng magic word ang paggising sa akin," hinampas ko na naman ang balikat nya pero mahina lang naman.

"Ikaw talaga pinagod mo lang ako sa kakatawag sa'yo, yun naman pala kanina kapa gising, tsk."

"Bumangon kana nga, sabi ni manang Tori na gisingin daw kita pag nandito na ako oh nandito na ang mahal mo at gising kana kaya bumangon kana dyan," nakangiti kong sabi sa kanya.

 Hinapit nya pa lalo ang dalawang braso nya sa akin para makayakap ako ng mahigpit pero hindi naman ung sobra na mawawalan na ako ng hininga. "15 mins baby,.please inaantok pa ako," pakiusap nito.

 "Yan computer games pa, sabi ni manang Tori, yan daw ang rason kung bakit halos madaling araw kana raw natulog? Hmm?" kahit hindi ko man nakikita ang mukha nya alam kong nakangisi ito habang nakapikit ang mga mata.

Hinayaan ko na, ten minutes lang naman daw, ''sarap pala ng feeling kapag ganito, pagkabukas ng dalawang mga mata mo, mukha ng mahal mo ang una mong nasisilayan sa umaga," hindi ko alam kung kinakausap niya ba ang sarili nya o nagpaparinig ito sa akin.

Inangat ko ng kaunti ang ulo ko para makita ang kanyang mukha nakapikit pa rin siya habang hinahaplos ang bewang ko at likod ko.

Parang gusto ko narin ding matulog ulit dahil sa ginagawa nya para akong hinehele para patulugin dagdagan pa na amoy na amoy ko ang leeg nya, mabango syempre.

"Parang gusto ko naring matulog Cloudy," s***a, nag-oopen close na tong mga mata ko, dagdagan pa na may aircon sa kwarto nya at saka maaga akong nagising kanina, pero hindi pwede dahil kasama ko si nanay ko baka mamaya at hindi niya ako nakita sa baba kahit sabihin nating pinagpaalaman ako ni manang Tori ay di parin sapat na matagalan ako sa kwarto ng alaga nila. Lalo na si nanay na alam nya na ang tungkol sa amin ni Cloud. Baka mamaya bigla na lang bumukas ang pinto tapos ganito pang posisyon ang bubungad sa kanya.

Tiningnan ko ang alarm clock nya na nakalagay malapit sa side table ng kanyang kama. "Lampas ten minutes na Cloud, bumangon na tayo, please baka mamaya biglang bumukas ang pinto at si nanay pa ang nakapasok, patay tayo dyan baka babawalan ka na nyang pumunta sa bahay," sabi ko kahit joke lang yun pero baka kasi ano na lang iisipin ni nanay habang ganito kami, nagyayakapan sa sa ibabaw ng kama nya nakalimutan ko pa naman yung ilock.

"Shit!" bigla na lang syang bamangon at ngayon nakaupo na. "Oo nga pala, sorry may pagka leon pa naman ang mama mo minsan, baka mamaya bigla na lang akong sarhan ng pinto kapag nakapunta na ako sa inyo," sabi nito.

Mabuti na lang at nakatayo na ulit ako at bumalik malapit sa headboard ng kama nya ng lumampas na ang 10 minutes, saka sya bumangon bigla. 

"Kaya nga Cloudy at isa pa pwede ka namang matulog ulit kahit hanggang hapon pa yan, walang problema. Isa pa wala namang pasok ngayon bakit ka nagpapagising na ganito kaaga, may lakad ka ba ngayon? Tanong ko sa kanya, kanina pa kasi ako nagtataka.

"Yep," may lakad tayong dalawa! Tayong dalawa mag go grocery date tayo,ok lang ba?" tanong nito, hmm ,parang magandang idea yan ha para makaiwas ako sa mga gawain dito sa bahay nina Cloud, easy lang naman ang mag grocery kasi pipili ka lang ng mga gusto mong bilhin at ilalagay naman sa shopping cart then itutulak.

"Talaga?" panigurado ko.

"Yes! Bibili na lang tayo ng pasalubong kay manang Carmelita para hindi yun magtampo, ako kasi ang nag prisinta kagabi ,instead na si yaya Tori ang mag grocery. 

"Gusto ko kasi na makasama ka, ayoko namang hanggang takaw-tingin na lang ako sa'yo dito sa bahay habang naglilinis ka" paliwanag ni Cloud.

"Ok, kaya bumangon ka na dyan ng lubusan at makapag ligo na at magbihis. Ako na bahala magligpit sa higaan mo," taboy ko sa kanya.

Sumunod naman ito at tuluyan ng hinawi ang makapal na comforter sa kanyang buong katawan, mabuti na lang ulit at naka pajama itong matutulog, sabagay sa sobra ba namang lamig ng kwarto nya. Medyo nanginginig na nga ako dahil sa lamig pinipigilan ko lang, hindi pala ako pwede nito sa Amerika lalo kapag winter at may snow sa kanila. Mindset, kapag every winter uuwi ako ng Pinas at babalik lang ulit kapag summer na,nge .

Matutupad siguro yan kapag sobrang yaman ko na, ay kung ganun man lang na uwian kapag tang lamig mas mabuti pang magstay sa Pilipinas kaysa maglayas.

Pagkaapak ng kanyang paa sa sahig ay tumayo na ito pero bago pa siya pumasok sa loob ng banyo, nilapitan nya muna ako para halikan ako sa aking noo.

"Good morning my lady, alright.. wait for me here, ok? May offer ako Baka gusto mo sabay pa tayong maligo?" tawang-tawa ito ng pinaghahampas ko sa kanya 'tong unan nya, magsimula na sana akong magligpit na may pa hirit pa.

 "Ang aga-aga Cloudy, mahalay kana ha! isa pa bagong ligo lang ako, kaya tsupe na at baka magbago isip ko at hindi kita sasamahan," pagbabanta ko sa kanya, panay ngisi lang nito.

 "Ito naman, syempre joke lang muna yun," taas kilay lang ang loko habang sayang-saya na inaasar ako.

"Baka one of this day, month o ilang taon na lang pwede na tayong sabay na mali..aw..baby," bago ko pa maihampas sa kanya ang isang unan ay kumarepas na ito ng takbo papuntang banyo habang tawang-tawa sa sinasabi niya kanina. " I love you! SHEMAIA baby!" malakas na sabi nito bago sinarado ang pinto.

Ako naman, ito at hindi ko mapigilan pamulahan ng mukha dahil mahalay ngayon si Cloud, ewan wag naman sana akong matukso.

 Habang naliligo si Cloud, sinimulan ko ng iligpit ang higaan nya. Itinabi ko muna ang comforter nya at inayos mismo ang bedsheet at unan. May nakita akong libro sa ilalim ng unan nya at tungkol ito sa inspirational book. Ibinalik ko lang ito sa ilalim ng unan, mahilig din pala si Cloud sa ganyan, nagbabasa siya bago matulog siguro para pangpa-antok. Sunod naman na nilagay ay ang makapal na comforter. Ayan maayos na,napapangiti na lamang ako na makita ang resulta, parang walang natutulog kanina lang ah,,sunod ko naman niligpit yung mga saksakan ng kanyang mga games at ibang bowl na nasa table kung saan siya naglalaro baka nilagyan nya ng mga snacks ang mga ito kagabi.

Maya-maya ay narinig kong bumukas na ang pinto ng banyo kung saan naliligo si Cloud. Wala pang 10 minutes, tapos na sya? Ang bilis naman? Excited lang? tanong ng isip ko.

 "What a nice view, kapag ganito every morning." Rinig kong sabi nya, nilingon ko s'ya at bigla ko na lang binalik ulit ang mga mata ko sa higaan nya, paano ba naman kasi tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang kalahating katawan, nakakita tuloy ako ng pandesal, langya. 

 "Derecho sa walking closet mo Devi Cloud at magbihis kana," sabi ko pero hindi ko na binalik ang tingin sa kanya, kunwari inaayos ko pa ang higaan nya kahit wala na dapat akong aayusin.

Tumatawa lang ito, "Ganda talaga kapag nagbablush ang mahal ko," sabi nito habang papunta sa closet nya at bago pa nya maisarado ang pinto ay nagsalita na naman ito. "I love you my life, Shemaia Rey Ocampo," langya talaga tong lalaki to, kamuntikan na akong bumagsak sa sahig bigla ba namang lumambot ang mga tuhod ko dahil sa sinasabi niya. Paano na lang kung may nakarinig sa labas pero sabi nya soundproof naman daw itong kwarto nya, sinadya nya daw lagyan kasi naglalaro sya ng games, baka daw bigla nya na lang murahin ang kaaway nya sa laro at marinig pa ng mga magulang nya o mga kasama sa bahay.

 Hay naku,bakit ko pa ba ginising yun? epekto ata yun sa kulang na tulog kagaya ko hindi naman ako mahalay pero nagjejelley-ace na lang bigla ang mga tuhod ko dahil sa kaharotan ng boyfriend ko.

 Ilang minuto lumabas na si Cloud mula sa closet nya. Wearing his simple White V-neck shirt and pair with khaki short and white shoes, isinabit niya ang kanyang wayfarer sa kanyang shirt malapit sa dibdib. What a nice view ang handsome at hot naman tong nilalang na'to, bagay na sa kanya yung school uniform nya mas bagay din ang ganitong simpleng damit lang. Edi s'ya na.

 Pero wait lang paano naman ako? tiningnan ko ang damit ko, naka short lang ako na pang bahay at blue round neck shirt. Para naman akong alalay nito kay Cloud. Hindi na lang kaya ako sasama? Si manang Tori na lang kaya o di kaya yung ibang kasama nila sa bahay.? Yan ang mga nasa isip ko na sasama sa kanya pero parang naninikip ang dibdib ko . Hay ewan na lang.

"What are you thinkin, right now, hmm?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang braso ko habang nakayuko ang mahal ko na titig na titig sa akin.

"Alam kong sasabihin mo na naman na bakit ang gwapong-gwapo mo? Same baby ganun parin ang isasagot na baka..." di ko na siya pinatapos magsalita dahil tinakpan ko na ang kanyang bibig.

Natatawa ko syang tiningnan "Cloud ha kanina pa yang kaharotan mo," tinanggal ko na sa kanya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at bago ko pa maibaba kinuha niya ito at binalik sa kanyang bibig para mahalikan.

"Isa na yan sa sinasabi ng utak mo pero parang may iba pa akong nababasa sa mukha mo, care to tell me? " Ay abaw confirm ko na talagang manghuhula tong tao na'to. Marunong siyang magbasa ng mukha ng tao kung masaya ba ito o may pinagdaanan. Kagaya ko kitang kita ba talaga ang expression ko na bigla na lang lumungkot?

"Hmm, hindi na lang kaya ako sasama Cloud, wala akong ibang damit na pamalit, mga pambahay yun meron akong extra na dala ang okay lang doon ay ang high waist shorts ko na khaki din, yun kasi ang ipapalit ko pagkatapos maglinis mamaya." paliwanag ko dito 

'Its ok, why? do you think you're not pretty while wearing that, sa'yo its a simple outfit but for me, you wear it sexy baby, hmm kaya I don't want to hear that word na sineself down mo ang sarili mo, always remember marunong ka magdala ng damit either pang-alis man yan o pambahay. For me you look beautiful whatever you wear baby. Pero hindi lang ako papayag na magsuot ka ng bikini na marami ang nakakita dapat ako lang," nakangisi na naman ito oh ok na sana yung nauna dinagdagan pa sa huli.

"Ang sabi mo it's ok kahit anong idamit ko bakit sa bikini ayaw mo? Paano kapag plano ko maligo sa dagat o di kaya swimming pool, ano gusto mo ? magsusuot ako ng gown?" Natatawa na rin ako dahil sa kalokohan namin.

"Nah, better to wear rash guard baby"

"At Bakit?'' tanong ko.

"Para hindi ka mainitan!" 

"Wee..for sure may iba ka pang rason, bakit nga? Eh sabi mo maganda ang katawan ko. So ibig sabihin pwed... " nilagay nya ang kanyang hintuturo sa aking bibig para tumigil sa pagsasalita

"For my eyes only yang katawan mo baby, ok? Kaya 'wag mo nang gawin, nagseselos ako kapag may iba pang nakatitig sa katawan mo baka masapak ko pa," naka igting na ngayon ang kanyang panga, ginalit ko ata.

 Iba naman tong mag-isip oh, anong masama sa pagtingin. Kung may kasama na yung kamanyakan ay ibang usapan na yun. Tinapik ko ang kanyang noo habang nakangiti."Dapat ganyan din ang gagawin mo ha, bawal kang magpakita ng katawan? Gagawin mo ba yun for sure

naipakita mo na yan sa ibang babae, balita ko kagaya dito may swimming pool din sa bahay nyo sa Manila," usisa ko sa kanya.

"Hindi na kaya at saka bata pa ako non yung hindi pa tayo, pero nung tayo na may rashguard ako na suot promise, unless kong maliligo akong mag-isa dito sa bahay ako lang naman kaya ok lang?" hindi sigurado nya na tanong o sagot, iwan ko ba bakit umabot kami sa usapang ganito.

Bago pa ako makasagot ay nakarinig kami ng katok sa labas. Dahil naka sarado ang pinto at soundproof itong kwarto kahit magsigaw ako hindi maririnig ng tao sa labas ang boses ko.

 "Si nanay Cloud," tawag ko sa kanya.

"Alright labas na tayo," kinuha niya muna ang wallet at key niya na nakapatong sa kanyang maliit na lamesa.

Pagbukas ni Cloud ng pinto ay nakita kong nasa harapan na si mama, "Hi mama, hinahanap nyo po ba ako?" tanong ko. Sa nakikita ko sa kanyang mukha ay hindi naman ito mukhang galit. Pero parang may panghuhusga. Hala may ginawa ba kaming hindi maganda?

Hinanap kita kanina tapos sabi ni Tori na umakyat ka daw dito sa palapag kaya pinuntahan kita dito kasi medyo kanina pa kayo diyan sa loob.

  

Tiningnan ko si Cloud, ang loko pinipigilan ang pagtawa. "Eh paano kasi nanay, akala ko ako lang matagal gumising ang isa din pala na'to," tinuro ko ang lalaking nasa right side ko.

"Pasensya manang napuyat kasi ako kagabi kaya yun nga ang nangyari," sige idagdag mo pa na naghaharutan tayong dalawa at ng masipa kita.

"Ganun ba? O sige kumain ka muna, sabi ni Tori na ikaw na ang mag gogrocery? Kasama mo ang anak ko?" tanong ni nanay kay Cloud.

"Ay opo, kung ok lang po sa inyo grocery date narin din namin," natatawa na lang ang mama ko dahil sa mga naiisip ni Cloud.

"Date ka dyan! Wag ng pumunta kung saan-saan ha ibalik mo ang anak ko na kumpleto pa, baka mamaya may bago ang walis-tambo sa bahay baka matamaan ka sa akin gamit yon" pagbabanta ni nanay sa lokong ito at ito naman panay ngisi lang with peace sign.

"Don't worry mama kasal muna bago kita bibigyan ng apo," s***a talaga tong nilalang na'to kung makahirit.

 Tiningnan ni mama ng masama si Cloud "Ikaw talagang bata ka, tama yang sinabi mo pero tapusin n'yo muna ang pag-aaral nyo at gawin nyo muna ang mga bagay na nagpapasaya sa inyo bilang individual, bilang single, wag kayong magmadali sa pag-aasawa. Saka kung kaya nyo na talagang buhayin ang isa't -isa at ang magiging anak nyo, hay naku bakit ba yan ang topic natin ngayon, hala masipag layas na nga kayo at marami akong gagawin dito sa itaas," mahabang linyahan ni mama.

Ngumiti ako kay mama pagkatapos nagpaalam na payagan nya ako na sumama sa half half na ito. Pagkatapos kumain ni Cloud at nakapagbihis narin ako mabuti na lang at ang nahablot ko na damit kanina ay pwede ring palang pang-alis at ang swerte naman ng tadhana at kulay puti din ito.

Matchy-matchy na kami ni Cloud. Nagsandal lang ako ng kulay brown bagay naman sya sa khaki ko na shorts na nilagyan ko ng maliit na belt kasi medyo maluwag ito sa akin. Yung buhok ko naman itinali ko pataas at ang tali ko ay ang kulay yellow na bandana.

Pinuntahan ko na si Cloud sa garage doon ko na sya pinahintay. Nang makita niya ako kinuha niya ang kanyang cell phone for sure kinukuhanan na naman ako ng larawan, ang loko may pa squat pang nalalaman para makuha ang magandang angle."Nice baby, look to the other side nice, nice and face on me nice shot," para kaming mga tanga dito sa garage ng bahay nila, sinasabayan ko rin kasi mga sinasabi nya, ano to photoshoot? Nang mapagod na ay tumigil narin kami.

 "Ganda talaga let's go." Binuksan niya ang pinto ng kanyang black Porsche isa lang ito sa mga sasakyan niya dito, gift daw ito ng mga magulang nya, see kahit hindi man sila magkakasama at wala ng oras sa kanya pero halos na kailangan ni Cloud o hindi kailangan ay binibigay sa kanya, pero iba parin ang pakiramdam na masaya at magkasama ang buong pamilya.

Habang nasa daan kami, nagpapatunog ito ng boses, sinasabayan namin ang kanta ng artist kapag alam namin ang lyrics pero kung hindi sinasabayan na lang din namin pero yun nga lang maraming mali. Naluluha na kami sa kakatawa para kaming mga batang walang pakialam sa mundo.

 Mahigit isang oras ang biyahe pero hindi naman boring dahil sa ginagawa namin kanina. Nang makarating na kami sa mall ng Dumaguete.

Pinarada ni Cloud ang sasakyan sa parking lot. Tinanggal niya ang seat belt ko at hindi ko na hinintay na buksan ako ng pinto gaya ng mga nasa movie. Sapat na sa akin na sinundo niya ako kung saan nakabukas ang pinto ko at magkasama kami ngayon. Pinagsalikop nya ang aming mga kamay papasok sa mall.

Napapatingin halos lahat sa kanya at lamang ang mga kababaihan, halos mabali na ang leeg sa kakatitig sa taong mahal ko. Well, hindi ko kailangan pairalin ang selos lalo at kanina pa ako kinakausap ni Cloud habang nakayuko at ng makita ako. So ibig sabihin sa akin lang ang buo nyang attention.

Pagkapasok namin agad sa mall ay dumerecho na kami sa grocery store para simulan ang aming date, paano?.

Kasama namin ang driver nina Cloud, dala nya ang pick-up para doon ilagay ang ibang mga pinamili, naka convoy lang ito sa amin plano kasi nitong si Cloud na tapusin ang grocery para mauna ng makauwi si manong kasi magsa sightseeing pa daw kami dito sa Dumaguete City Baywalk mamayang hapon bago umuwi.

Nakalista naman ang gustong ipambili ni manang Tori kaya madali na lang sa amin. "Wait Cloudy," hawak ko sa may braso nya may nakita kasi ako na food taste kaya gusto ko mag try, nasa likod lang si manong, nasa counter na yung isang cart at malapit narin mapuno ang dala nya.

"Free test Cloud, dali tikman natin?" hawak ko s'ya sa braso habang tinutulak papunta kung saan may free test.

 "Ma'am, Sir free test lang po, kapag nagustuhan niyo may products po kami dito para ma add to cart nyo," sabi ng sales lady, kumuha ako ng toothpick para makuha ang maliit na food para matikman.

"Wow, masarap Cloudy. Tikman mo!" Inabot ko sa kanyang bibig ang free test kumuha na din si manong, dahil nagustuhan namin di namin namamalayan naubos na namin ang free test kaya may nagreklamo sa may likod namin na di sila nakatikim.

Panay sorry namin sa costumer kasi nasarapan kaming tatlo, Ako, Cloud at si Manong Dino. Dahil nagustuhan namin bumili si Cloud, dinamihan na niya kasi ibibigay daw sa iba para makatikim naman, lalo na yung babae na nagreklamo kanina, tuwang-tuwa naman ito at ang kanyang anak.

Nakalinya na kami ngayon sa check-out line madali lang kami natapos kasi tumutulong din ako. Halos ako lang pala ang pumipili ng tama kanina. Ito kasing isa di naman pala maalam sa ganito kung ano nakalagay sa listahan yun lang hinahablot niya dahil yun ang nabasa nya pero dinouble check ko baka mamaya malapit na pala ma expire o di kaya hindi magandang pagkabalot. Bumobuntot lang ito sa akin habang tulak-tulak ang cart, minsan kinukuhaan nya ako ng picture mag-isa o di kaya kaming dalawa, si manong naka linya na para kung tapos na kami madali na lang sa amin. Kagaya ngayon, mabuti na lang at umalis yung ate kanina kasi kulang pa daw yung sa kanya pero nung bumalik nakita nyang marami yung sa amin kaya lumipat ng counter.

Nilalaruan niya ang mga daliri naming dalawa, habang hinihintay na matapos ang pinamili namin na ma check-out. 

  

"After this maglulunch muna tayong tatlo and then kung wala ng kailangan si manong na bilhin ay mauuna sya sa atin. Tayo naman ay manunuod ng sunset, ok lang ba yun sayo?" sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking kaliwang daliri dahil abot ko lang sya dahil kinakausap nya akong nakayuko.

"Ayos lang naman sa akin yun kasi matagal nang hindi ako nakapunta dito, na miss ko maglakad-lakad na kita ang dagat ng Dumaguete," explain ko sa kanya.

"Sino kasama mo pumunta dito?" nakakunot noo ito, wait lang wag mong sabihin.. langya to, sinamangotan ko siya pero nakasilay na ang ngiti sa mga labi.

"Syempre ang mama ko sino pa ba, may inaasikaso lang si mama kaya dito pumunta at isinama nya ako, gets?" natatawa ako sa reaction nya dahil alam nya na nag-aadvance na naman itong mag-isip.

Pinatalikod n'ya ako habang s'ya ay nasa aking likuran, for sure na guilty, tinawanan ko na lang. Isa- isa ng nilagay ni manong ang mga pinamili sa sasakyan nya na dadalhin pauwi.

 Nang matapos kami sa aming grocery date na di ko alam saan banda yun, yung sa free test ba o halos magwawala na ako dahil sa kakulitan ni Cloud.

Bago muna namin pinauwi si manong ay kumain muna kaming tatlo sa kilalang fast food dito. Kwentuhan at asaran lang naman ang nangyayari sa amin habang kumakain kaya si kuya nakikisabay narin sa pagpipikon sa akin.

"Mag-iingat po kayo manong, pakisabi ulit si manang Carmelita na mamaya pa kaming hapon uuwi,mag-iikot lang muna kami sa Baywalk. At bago kayo umuwi sa inyo at yung naglilinis sa bahay pakibigay niyo na lang yung pinatikim sa atin kanina isa-isa kasama na yung sa bahay," paalala ni Cloud kay manong. Tumango lang ito sa amo at sumakay na sa sasakyan at pinaandar na ito.

Hinawakan ako sa bewang ng boyfriend ko ng makarating kami sa baywalk, pinark niya lang ang car malapit dito. 3 o'clock ng pumunta kami dito nagpapalamig lang muna kanina sa mall kasi baka mainit pa dito.

Unti-unti naring dumadami ang mga tao dito, ganun parin na kahit dito ay meron talagang nakatingin sa amin ay Cloud lang pala banda. Binalingan ko sya nakatitig din pala ito sa akin.

"Nagugutom kana ba?" tanong nya sa akin,.huh? 

"Hindi pa Cloud medyo naparami ang kinain ko kanina kaya busog pa ako," sagot ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin.

"Baka gutom kana, pwede naman tayong pumunta sa malapit na restaurant near here para makakain ka," paalala ko sa kanya baka mamaya gutom na pala ito at hindi nagsasabi.

"Nah, I'm good. I asked you baka nagutom kana dahil katulad mo busog pa ako pero kung may makita tayo na food, kakain tayo, hay sana may free test ulit," nagkatinginan kami at kapwa nakangisi dahil sa mga naiisip.

Kulay kahel na ang langit kung saan bababa ang araw at kulay blue naman at pakonti-konti na ang mga ulap sa bughaw na kalangitan. Perfect timing ang pagpunta namin dito. May naglalakad, nag-eexercise, nag jojogging, meron ding magkaibigan o magka pamilya na kumukuha ng mga larawan sa magandang tanawin. May naglalaro rin ng sport like volleyball, badminton at iba pa.

Makikita kasi dito sa Bay ang terminal ng barko at maliliit na bangka kung saan may mga foreigner karing nakikita na kumukuha ng mga litrato. Ang linis ng dagat ang sarap tuloy lumangoy kaso hindi ako marunong kaya katulad ko hanggang tanaw na lang namin ang paghampas ng dagat-tubig sa dalampasigan. Pagkatapos naming magpicture ni Cloud sa may nakalagay na Dumaguete ay naghanap kami na pwede naming maupuan.

Umupo kami sa bakanteng bench malapit kung saan maririnig at makikita namin ang tubig-dagat na walang tigil sa kakahampas sa dalampasigan.Tiningnan ko ang paligid, dumadagsa na ang mga tao, at ingay ng mga sasakyan at minsan maririnig ko ang tunog ng barko kung may aalis o paparating.

Hinawakan ni Cloud ang kanang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi habang nakangiti na tinitingnan ako, "Are you happy baby same as mine? What do you think about this kind of date?" tanong nito.

Nginitian ko s'ya. "Walang kapantay ang saya ng puso ko ngayon Cloudy. Sobra-sobra at thank you dahil sa'yo pwede maging possible na akala ko like now hindi na ako makakabalik dito pero nandito ako ngayon at higit sa lahat nabusog pa ako," hinimas-himas ko pa ang maliit ko na tiyan para ipaalam sa kanya na nabusog ako.

"Good, next time iba naman ang pupuntahan natin, kung saan mo gusto puntahan natin at kahit sa ibang bansa pa yan. Thank you kasi nagustuhan mo ang isang pangarap ko na makasama ka sa lugar na ito. Thank you baby." alam kong namamasa na itong pisngi ko, mga bata pa kami pero yung pangarap namin para sa kinabukasan ay sobrang advance at hiniling ko na sana unti-unti namin yun na matutupad. Yinakap ko siya ng patagilid at ng mapagod nilagay ko na lang ang ulo ko sa balikat niya, hinihintay namin ang oras na mamamaalam na kami sa lugar na kung saan kami nagdadate at uuwi na may alaala.

Kaugnay na kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 6

    ''Baby, it's time to wake up! Lady Shemaia!" Naalimpungatan ako dahil sa may narinig na tumatawag ng pangalan ko. Kailan pa naging lalaki ang boses ni mama?"Shemaia, gising na anak, sabi mo maaga kitang gisingin dahil may event kayo sa school." yan biglang boses babae na ang naririnig ko.Dahil nga totoo ang sinabi ni mama na maaga akong papasok sa school ay napilitan akong bumangon. Hindi ko pa tuluyang idinilat ang aking mga mata sa kadahilanang inaantok pa. Pagkatapos kong magdasal ay tulungan na nga akong bumangon sa higaan.Dahil nakaramdam ng pagkauhaw ay naglakad ako palabas ng kwarto, iniwan ko muna ang higaan na makalat dahil gusto ko na talagang uminom ng tubig.Nakapikit pa halos buong mata ko, kaya ang nakikita ko ay parang blurred ang vision ko. Napangiti ako na makita ang bulto ni mama sa lababo, naghuhugas siguro ng mga ginamit na pangluto sa umagang ito, masipag talaga ang mama ko, pwede naman ako na yan mamaya.Nilapitan ko sya, nasa likuran nya ako. Dinala ko ang m

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 7

    Hinila ko na si Cloud sa braso para mapabilis kaming makarating sa classroom kasi feeling ko malalate na ako.Ngayon kasi ang araw ng volleyball naming mga babae, bandang alas otso ng umaga daw ng umaga magsisimula ang activities namin ngayon.Kailangan kong pumunta ng room namin dahil mag-aatendance pa. As usual matagal na naman akong nagising parang napapansin ko lang nitong mga nakaraan, lagi na lang akong matagal gumising, ewan ko ba baka dahil sa sunod-sunod na practice namin, akalain mo ba yun na cheerdance at volleyball ang sinalihan ko o kundi ba naman sasakit itong mga kabutohan ko, napapasabak ako sa laban na wala sa oras.Kaya ito na yung final na pinakahihintay ko sa wakas ang saya 'pag natapos na ito ilang days na lang makaakabalik narin ako sa normal na pahinga na di sumasakit ang mga paa ko o buong katawan.Kaya bago natutulog sa gabi minamasahe ni mama ang katawan ko kasi feeling ko hindi ko na sila maigalaw pa. Mabuti na lang magaling si mama magmasahe nakakatulog aga

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 8

    Grabe ang saya sa puso na makikita mo ang mga kaklase mo na nagtipon-tipon para sa simpleng pagdiriwang ng 'yung kaarawan at higit sa lahat ang pagka-panalo namin sa laro, nandito rin sa canteen ang ibang estudyante na hindi nanalo kung sa baga wala silang iniwan sa ere. Manalo matalo sa laro na sinalihan n'yo ang mahalaga at the end of the day ay balik kayo sa dati na ngumingiti parin, proud sa bawat isa, kung manalo celebrate pero kung matalo try again again and again hanggang makamit mo rin ang tagumpay.Tiningnan ko sa mga mata si Cloud, "May kinalaman kaba dito?" tanong ko sa kanya, panay naman iling nya."Hindi She, kahit nga ako nagulat, akala ko nga it's a prank pero hindi pala," ok sige naniwala na ako."Thank you everyone sa pag-alala ng mga birthday namin ni Rey at sa pagcongratulate narin sa ating pagkapanalo, kaya dahil d'yan ililibre tayo ng dalawang coach na nandito sa volleyball at sa basketball," naghiyawan ang mga estudyante dahil sa narinig, panay tawag nila sa dala

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 9

    Sobrang saya ng puso ko sa mga natatanggap ko na blessings lalo ngayong taon na ito. Pinaghandaan talaga ng mama ko ang birthday ko, simple lang ito pero sobrang saya na ng puso ko dahil tulad ng mga nakaraan ko na birthday, naghahanda talaga si nanay ng pagkain baka daw may bisita na darating.Dati si mama at si Cloud lang kasama ko, sa school lang kami nag cecelebrate dahil hindi pa alam ni mama ang tungkol sa relasyon namin ni Cloud at may handaan para sa konting salo-salo pero naiiba ngayon kasi binigyan ako ng pagkakataon na makilala ang ibang estudyante at kaibigan ni Cloud at kaibigan ko. Kahit tahimik lang ako minsan pero marunong naman akong makisalamoha kahit papano.Ngayon with the man beside me, aside sa papa ko na kasama na si Lord ngayon alam kong masaya din ang puso ni papa habang nakikita niya ako na masaya.Masaya ako di dahil sa regalo na binigay ni Cloud sa akin kundi paano naging strong ang relasyon namin, ilang days na lang kahit buwan pa ang bibilangin bago kami

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 10

    Tinago ko ang binigay na regalo ni Cloud sa akin dito sa shoe box, dito ko iniipon lahat na bigay n'ya sa akin sa mga nakaraang birthday ko at kahit hindi ko pa birthday basta may gusto siyang ibigay sa akin ay ibibigay nya kahit dahon pa yan ng santol na may pangalan niya na nakasulat, tinatago ko at dahil gagamitin ko ang cellphone na kakabigay niya palang ay itong mga cartoon nito ang itatago ko.Nagulat nga si mama nung pagkarating ko noong galing kami sa Bacolod nung hapon at matutulog na sana kami na may bigla na lang tumunog.Kaya doon ko sinabi na niregalohan ako ni Cloud ng cellphone, wala namang reklamo si mama ang sabi lang na ingatan ang gamit lalo na sa akin na sobrang clumsy.Kakatapos ko lang gawin ang ibibigay ko kay Cloud para sa birthday nya, sabi naman n'ya na kahit ano lang basta bukal sa loob. Sana magustuhan ang ibibigay ko sa kanya. Buong puso kong inalay ang paggawa kaya dapat lang magustuhan n'ya.Baka daw bukas makalawa bago ang birthday ni Cloud ay darating

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 11

    "Kumusta mama ang trabaho nyo po sa araw na ito?" tanong ko sa aking pinakamamahal na ina habang kumakain kami ng hapunan.Nauna akong nakauwi at nagluto agad ng hapunan namin. Ang niluto ko lang naman ay tinolang-manok para naman may sustansya ang kinakain namin ni mama. May dahon pa yung malunggay sa likod ng bakuran namin kaya yun na ang kinuha ko na pangsahog, wala naman kaming papaya kaya itong sayote na lang, binili ito ni nanay nung isang linggo, ginamit ko na kaysa masira pa, mahal pa naman lahat ng paninda ngayon kahit mga gulay, tumataas na ang mga presyo."Ayos naman anak, medyo masakit lang itong aking likod dahil may nilabhan ako na kumot, massage mo na lang ito ng kaunti mamaya para mawala anak," sabi ni mama habang humihigop ng sabaw.Tumatango ako habang nilalapit ang bibig sa maliit na bowl para humigop din ng sabaw. Isa din ito sa mga gusto ko ang pagluluto. Kaya ng matikman ko ang niluto ko napapangiti na lamang ako dahil sakto lang at masarap ang pagka timpla,"sure

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 12

    "Happy birthday sir Cloud," yan ang unang bungad sa amin pagkarating sa kusina ay ang batiin nila si Cloud.Sinulyapan ko ito at mabuti naman at nakangiti, "maraming salamat po, hihingi lang kami ng pagkain for lunch," sabi ni Cloud.Nagkaundugaga naman na magserve ang mga kasamahan dito sa bahay. "Ano gusto nyo po sir? May 3 dishes po tayong ihahain at ito ang Filipino dish, Italian dish and Japanese dish," paliwanag ni kuya na nakatuka sa mga food sa ngayon."How about you? Gusto mo tikman natin lahat na nandito na pagkain?" bulong na tanong ni Cloud sa akin habang may pilyong ngiti na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya, akala niya ba pumunta lang ako dito para lang kumain ng kumain lahat ng pagkain na nandito? Paano naman kung may nagrereklamo na lang sa aking tiyan at kailangan magrestroom baka wala pang six ng gabi, magyaya na ako kay nanay na umuwi dahil masama ang pakiramdam ko."Yung kaya ko lang ubusin, mamaya ko na yan banatan ang lahat na pagkain na narito kung kainan na t

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 13

    Pagkarating ko sa may gate ay napansin ko nga ang mga ka schoolmate ko na nakikipag-usap kay manong guard.Nilapitan ko sila at agad naman akong nakita."Mga kaibigan ko po sila, kakausapin ko lang muna," pakilala ko kay Manong guard para hindi magtataka na lumabas ako."Oh my goodness, mabuti na lang at nandito ka Shemaia Rey! Alam mo bang kanina pa kami nandito? Kaso ayaw kaming papasukin ni kuyang guard na masungit," parang bata rin itong si Gail na nagsusumbong sa akin ngayon.Nagkanya-kanya naman silang tango para sumang-ayon. Mabuti na lang medyo malayo kami sa guard at hindi narinig ang pinagsasabi ni Gail sa bandang huli dahil lumabas talaga ako ng gate dahil may mga lumalabas-pasok ang mga tao kung doon kami magtatambay sa guard area."Oo nga, pwede naman kaming pumasok kasi mga kaibigan kami ni birthday boy, pero ayaw kaming papasukin dahil wala kaming invitation card, luh. Pang VIP kaya itong gwapo kong mukha," singit naman ni Samson na kasama ni Cloud sa basketball. Naka

Pinakabagong kabanata

  • YOU'RE STILL THE ONE   SPECIAL CHAPTER ( The Last Farewell)

    SPECIAL CHAPTER (The Last Farewell)Devi Cloud Valentino POV"Baby, I miss you so much! Ilang years na ba ang nakalipas, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, kung nasaan ka man ngayon I hope masaya ka kasama sina tatay at nanay Carmelita. Tay..nay…kayo na po bahala sa kanya. Baby… I love you always and forever. Like what I always say everyday, hmm and don't forget na ako parin ito si Devi Cloud Valentino, the handsome creature in our Valentino's family, always remember that baby!""Dad, let's go! Let's go dad!" kahit kailan talaga panira ng moments itong batang ito."Wait Deimos, I'm not done talking here," sabi ko sa kanya."We're going to be late! Paulit-ulit lang naman ang binabanggit mo na gwapo ka!" sinungitan ko siya."Totoo naman ah." "Ako kaya daddy, period.. let's go, we're going to be late sige ka.""Sus! sabihin mo namimiss mo lang si Aelia," binatukan ni Deimos ang kakambal niyang si Arnoux."Wee, nagsalita ang nabastid!" ani naman ni Perseus. Napabu

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 03

    DEVI CLOUD VALENTINO POV 3Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hindi ako makahinga na nasa harap ko lang ang babae na kanina ko pa iniisip. Siya ba talaga ito? Baka nanaginip lang ako at hallucination lang itong lahat. Baka kung hawakan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala katulad na lang kapag napapanaginipan ko siya.My beautiful wife is here in front of me while holding? Bakit may hawak siya na cake? Bakit ang baby ko ang may hawak niyan? Bigla yatang kumulo ang lahat ng dugo ko sa loob ng katawan dahil pinahirapan nila ang mahal ko, ang kakapal ng mga apog nitong mga nilalang na mga ito na panay ngisi lang."Who are you?" nagulat ito dahil sa tanong ko at hindi ko alam na sa dami-dami kung gustong sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil narito na siya sa harapan ko, pinili niya ako kaysa sa boyfriend niya o asawa na ba dahil magkasama sila sa isang bubong?"Sorry parekoy. By the way, this is Shemaia Rey. Siya ang kapalit ni

  • YOU'RE STILL THE ONE   DEVI CLOUD VALENTINO POV 02

    Devi Cloud Valentino POV 02"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko sa aking lalaking secretary. "Yes sir, malinis na po lahat sa loob at labas ng bahay po," aniya sa akin. Alam ko na malayo pa pero sobrang excited na ako na makapiling ko ulit ang nag-iisang baby ko. Dito siya sa Manila mag-aaral ng College kaya ito ako. Halos araw-araw lagi kong pinapalinis ang bagong tahanan nila. Mabuti na lang at pumayag si manang Carmelita noong tinawagan ko siya habang nasa mansion pa ito."Sige salamat Dado. You can go home now." sabi ko bago pinatay ang tawag.Nagising ako dahil sa sa alarm clock, bumangon agad ako para pumunta muna ng opisina dahil may meeting ako sa isa sa mga clients ko. Bandang 9 ng umaga pa ang pasok ko kaya kailangan ko munang kausapin ang mga empleyado sa kumpanya na tinatawag na Valentino Design & Craft Arts Corp. Dahil sa hanggang ngayon na comatose pa si dad kaya ako na muna ang mamamahala at mabuti na lang noong bata pa ako ay sinasama na ako ni Dad sa opisina kaya ki

  • YOU'RE STILL THE ONE   Epilogue Devi Cloud Valentino POV 01

    Author Gratitude: From 0 words to 200k words plus. Hanggang ngayon hindi pa rin na sisink in sa utak ko na nagsusulat na ako ngayon na ganito kahabang novel. Dati lahat ng scenes pinapagana ko lang at tinatapos sa utak ko at ngayon sinimulan ko na siyang isulat at pinakilala ang sarili kong akda. Nakakatawa lang na may nagbabasa at humihingi ng Update. Ganito pala ang feeling kaya maraming salamat sa mga mahilig magbasa ng mga novel at naisama niyo itong story ko na inaabangan niyo. Abangan niyo na lang po ang ibang stories ko at sana magustuhan niyo parin, ayeeh-ROSENAV91EPILOGUEDevi Cloud Valentino POV 01Baby...I miss you so much! How are you there? Kung nasaan ka man ngayon sa kabilang buhay, lagi mong tatandaan na ma..hal na ma..hal kita. Always remember that. Ni kailanman hindi ka nawawala, lagi kang nasa puso at isipan ko,I love you! Keep smiling baby kung saan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo. Always smile!" matagal kong tinititigan habang sinusunod ng mga dal

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 44

    Kanina pa ako nakikiliti dahil sa pinanggagawa ng asawa ko habang nakatagilid akong nakahiga. Nasa likod ko siya at hinahaplos niya ang hubad ko na katawan ng kanyang mga daliri. Lalo na sa bandang likod. "Baby!'' tawag nito sa malambing na boses sa akin."Hmm,''"I miss you so much," napapangiti ako dahil sa paglalambing niya."Lagi naman tayong nagkikita ah, ilang oras ka lang namang mawawala dahil pumupunta ka ng opisina mo," sabi ko sabay haplos sa kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko."Yeah! But my buddy misses you!" tinampal ko ang braso niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi ng hindi muna pwede."Ano ang sabi ng doktor? Bawal na daw kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nanganak na ako at maging maayos na sa akin then you can have me all night." pangako ko sa kanya. Kahit sa totoo niyan kinakabahan ako kung ano ang mangyari dahil ang isang to, kahit pagod na gusto paring umisa hangga't hindi na ako makalakad kinabukasan."And all day, promise? Then

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 43

    "Nanay Berta!""Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta.Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi sila makauwi ng ulam mamaya kapag kinancel ang kasal at ang sa kainan." saad ni Cathy.Natawa na lang si manang Berta sa pinagsasabi ni Cathy. Dahil ako na lang yata ang wala pang ayos kaya bumangon na ak

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 42

    "Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon."Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin."Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya."Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!""Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami na ang mga puting buhok niya at kulubot na rin ang balat sa mukha dahil sa katandaan ay makikita mo parin ang taglay niyang kagandahan noong kabataan ni manang."Nanay si Cloud po, asawa ko," pakilala ko k

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 41

    "Mama! Kumusta na po kayo? Papa! Hello po. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy lang po sa school at sa trabaho. Konting tiis na lang po at malapit na po akong matapos ng kolehiyo." Kausap ko sa puntod ng mga magulang ko."Mama...papa… matutuwa po kayo kung sino ang kasama ko, si Cloud po. Sana hindi nyo pa po siya nakakalimutan ma. Boyfriend niya po ako at ngayon asawa ko na po siya. Sana hindi po kayo galit na nauna pa ang anak at pakasal namin kaysa pagtatapos ko po ng pag-aaral, sorry ma.. sorry talaga po," hinawakan ako sa bewang ni Cloud para bigyan ako ng suporta bago ako hinalikan sa noo."Hello po nanay at tatay, tulad po ng pinangako ko sa inyo na babalik ako dito na kasama ko na po ang anak niyo. Kumpleto na po ulit ako nanay at tatay, nandito na ang babaeng papakasalan ko this coming Sunday na po yun. Bago po sumikat ang araw ay ikakasal na po kaming dalawa ng asawa ko po. Kung dadalo po kayo huwag niyo lang po akong kakalabitin para hindi po ako makas

  • YOU'RE STILL THE ONE   Chapter 40

    "Babe! Are you done?" tawag ni Cloud sa akin. Hindi ko siya pinapasok sa banyo noong inabot niya sa akin ang pregnancy test dahil nahihiya ako na nasa harapan ko siya habang umiihi. Hindi ko muna ito tiningnan at para sabay na naming makita na dalawa ang resulta."Y..yeah! Come in," tawag ko sa kanya. Itinago ko ang pregnancy test sa likod ko habang hawak ng kamay ko, hindi ko pa ito tinitingnan para hindi ko mabasa o makita anong nakalagay, sabi sa instructions na kapag dalawang guhit ay patunay na buntis na ang tao. Sana nga..sana nga."Anong lumabas, positive ba babe?" tanong nito agad ng makapasok sa loob ng banyo. Umiling agad ako. Ang saya ng mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. Nilapitan niya at niyakap ng mahigpit. "That's okay, that's okay..hindi tayo titigil hangga't hindi tayo makabuo pero sa ngayon that's okay babe, hmm tahan na, stop crying. Makakabuo rin tayo hindi man ngayon pero sa marami pang paraan," pag-aalo niya sa akin. Umiiling ulit ako naiiyak na, natakot sa

DMCA.com Protection Status