Home / Romance / Writings of Kybelle (Tagalog) / 011: King Of My Heart

Share

011: King Of My Heart

Author: ailabyrinth
last update Last Updated: 2021-07-10 12:08:11

"Sino bang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya.

Nagpakawala muna siya ng isang buntong-hininga bago nagsalita.

"I'm sorry. I'm at fault." sabi niya.

"Pa'no mo nagawa 'yun? Iniintindi kita, 'e... pinipilit ko kahit mahirap kasi mahal kita." pagsisimula ko.

"I... I can't tell you the reason." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Bullshit, Jedrick! Apat na taon na nakakalipas, wala ka pa ring maibigay na rason? Tapos ano, susulpot ka dito bigla at iba na pagkatao mo ganu'n? Ang hilig mo naman akong biglain..." hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya.

"Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yun. Oo, nagkamali ako pero hindi ko sinasadya. Siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon pero ginawa ko lang din 'yun para sa'yo." sabi niya.

Bakit nagagawa niya pa ding magpalusot?!

"Para sa'kin? Anong para sa'kin? Binigyan mo ako ng rason para mabuhay, at nagpapasalamat ako sa'yo para 'dun pero sa huli pinamukha mo din sa'kin na hanggang doon lang ako 'e." hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang pagpatak ng mga luha ko.

Sinubukan niya akong lapitan ngunit umatras ako dahilan para mabangga ko ang sink at tumunog ng malakas dahil sa lakas ng pagpipiglas ko.

"Ano, 'yun?" rinig kong sabi ng guard sa labas.

Agad akong humarap sa salamin, pinunasan ang mga luha at naglakad na pabalik sa puntod ni Ram.

Hindi ko na kaya...

Gusto kong ilabas lahat pero ayokong umiyak sa harapan niya dahil mas kaaawaan niya lang ako.

At ayokong mangyari ulit 'yon.

Ayokong makaramdam ng awa galing sa kaniya.

Ayokong maramdaman ulit 'yung pagmamahal niya dahil lang naaawa siya.

Alam ko naman kanina na kaya lang siya mabait sa'kin, kaya lang siya nag-offer ng company ay dahil naaawa siya dahil natatakot ako.

Sinubukan ko namang pigilan 'yung sarili ko pero wala, 'e!

"Huy, ate anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Sab.

"Nagsuka lang." sabi ko sa kaniya at binigyan ng pilit na ngiti.

"Anong nangyari Kybs, may hindi ka ba nagustuhan sa pagkain na dala ko?" tanong ni tita Remy.

"Na'ko, hindi po tita! Masarap nga po kaya napadami ang nakain ko 'e, lumagpas sa dami ng pagkain na kailangan ko lang kainin kaya nagsuka ako, pero okay lang po ako normal naman po sa sitwasyon ko 'yung magsuka." pagpapaliwanag ko sa kaniya para gumaan ang loob niya dahil masarap naman talaga 'yung pagkain.

"Oy, may nagpapabigay kainin mo daw para gumaan pakiramdam mo at hindi ka na masuka." sabi ni kuya Larry, pinuputol ang usapan namin ni tita Remy para lang sa isang candy.

"Thanks kuya..." sabi ko.

"H'wag ka sa'kin magpasalamat." sabi niya at umalis na.

Naglakad pabalik sa pwesto nila ni Jedrick na nakatingin lang sa langit, hindi mapakali at panay ang buntong-hininga.

Maya-maya pa ay napagpasiyahan na namin umuwi dahil sinabi ko na ayaw ko abutin ng gabi sa daan.

Sumabay ulit sa'kin si Jedrick pauwi at hinatid niya pa ako sa bahay pero hindi na kami nag-usap pa.

Natapos ang bakasyon na ang pinagkakaabalahan ko lang ay ang magsulat, at tumulong kay mama sa bahay.

Ginawa ko ang lahat para makuha ang loob niya pati ni papa, kaso mahirap kasi madalas siyang wala sa bahay. Magigising ako ng wala na siya tapos sa gabi na siya uuwi saktong oras para matulog na ako.

Si Jodi naman hindi ko na nakausap pa. Kahit sa iba naming kaibigan hindi siya nagpaparamdam tapos dinelete niya pa 'yung Twitter at Telegram account niya.

Wala na din akong naging balita kay Jedrick mula nung huli naming pagkikita.

Sa loob ng halos tatlong buwang bakasyon ay Phantom lang ang kaisa-isang nakakausap ko.

Oo, tapos na ang newspaper namin pero gaya nga ng sabi ko, hindi doon nagtatapos ang tungkulin.

Hindi naman kasi kami nagpapamalas ng talento dahil gusto namin makapagpublish ng Dyaryo. Hindi rin kami nagpapamalas ng talento dahil gusto namin ng medalya 'nung graduation.

Ginagawa namin 'yun dahil gusto namin at 'yun ang nagpapasaya sa amin.

At masaya kami sa isa't-isa. Masaya kami kapag nagsasama-sama.

Hindi naman kami makakatapos ng dyaryo kung hindi di'ba?

Sa totoo lang hindi mo naman kailangan ng kahit na anong kapalit sa lahat ng paghihirap na ginagawa mo 'e. Hindi mo din kailangan ng validation ng ibang tao basta may isang natatangi na nakakaappreciate sa'yo, makuntento ka na dapat.

At naappreciate namin ang isa't-isa. Proud kami sa lahat ng paghihirap na dinanas namin magkakasama hanggang sa narating namin ang dulo.

At sapat na 'yun para sa'min.

"Uy, naaalala niyo ba si Sunny na naexpelled dati? May sakit pala 'yun." pagbasa ko sa chat ni Miggy.

Bilang mga journalists, lagi kaming updated sa mga balita hindi lang sa loob ng campus kundi sa buong mundo.

Chismosa of the Year and not Journalists talaga dapat!

Wala naman kasing limitasyon ang mga tulad namin. Pwede mong palaganapin ang katotohanan ng walang takot hanggang sa gusto mo.

At hindi bihira ang mga tulad namin dahil madaming tao ang takot sa katotohanan. Meron din namang mga taong pilit na pinagtatakpan ito kahit singaw na singaw na para sa mga pansarili nilang intensyon.

Mahirap mabuhay dahil walang tiyak sa mundo pero hahayaan mo bang mas pahirapan ka dahil tinatago sa'yo ang totoo?

Sa mga oras na pakiramdam kong mag-isa ako, journalism at The Phantom ang kinapitan ko.

Dahil pinapaalala nila na kailangan ko lang maging totoo kaya ayon ang ginawa ko.

"Magkita-kita na tayo miss ko na kayo." chat ni Ahmad sa GC.

Clingy mo naman bestie, but same!

"Ano na bang ganap sa journ Ahmad?" tanong ni ate Teresa.

"Printing na Dyaryo natin tapos 'yung second batch ng T.P. nagsisimula na gumawa ng second issue." sagot naman niya.

"Kaso nahihirapan naman sila sa paggawa." dagdag pa niya.

"Ha? Bakit, di'ba magagaling sila?" nagtatakang tanong naman ngayon ni ate Teresa.

"Di nga namin alam ni Ms. Myrtle 'e, baka tinatamad lang sila." sagot ni Ahmad dito.

"Ay ano ba yan ang pangit!" sabi naman ni ate Queen.

"Stress na nga si Ms. Myrtle kasi ayaw daw makinig sa kaniya." pagkwento ni Ahmad.

"Baka kulang lang sa moral support?" sabi naman ni Yuri.

"Baka sa bondings kamo. Kailangan nila ng inspirasyon kung pano matuto makisama para maging close sila." sabi ko.

"Kaya nga 'e, ganyan din naiisip namin na dahilan kasi as in hindi sila nag-uusap sa meetings ng katulad sa'tin na nagkukulitan pa. Tahimik lang sila 'e may mga sariling mundo." pagsang-ayon naman ni Ahmad sa sinabi ko.

"Bisita kayo minsan, busy ba kayo?" tanong nito sa'min.

"Hindi naman gaano kasi walang gawain sa Church ngayon." si Yuri ang sumagot.

"Si @Eunice kaya?" tanong ni ate Queen.

"May gagawin ako pero kaya naman siguro tapusin ng maaga." sagot niya.

"Hala ayun pala 'e punta kayo bukas at manggulo tayo!" sabi ni Ahmad, halatang excited.

"Bat ako 'di niyo niyayaya?" sabi ko.

"Kahit naman hindi ka yayain lagi ka naman napunta." sagot ni Ahmad, totoo lang.

"Bukas ha punta kayo lahat! Anong oras kayo pupunta? Agahan niyo na para matagal tayong magkakasama free naman kayo 'e." pagkukumbinsi pa nito.

"Hala sakto dadalawin ko lola ko bukas sa MC." pagsulpot naman ni Tracy bigla.

"Saan ba magkikita sa A.C. Ahmad?" tanong ni ate Teresa.

"Sa lobby 1 na lang tapos sabay-sabay na tayo umakyat sa fifth floor." sagot niya.

"Sige." ani ate Teresa.

"Hoy sure kayo bukas ah? Sabihan ko na si Ms. Myrtle para papuntahin niya lahat ng bago para mameet niyo!" sabi ulit ni Ahmad.

Kinabukasan ay nalate ako ng gising tapos pinagbantay pa ako ni mama saglit ng bahay kasi may pinuntahan siya kaya kinailangan ko muna siyang hintayin bago ako makaalis.

"Hoy, @Kybelle asan ka na buhay ka pa ba andito na kaming lahat." sabi ni Ahmad.

"Oo papunta na maya-maya." sagot ko naman.

"Wow ganda ka ba?" sabi pa uli niya na hindi ko na pinansin kasi naririnig ko na 'yung kotse sa labas.

Nandito na si mama!

Kinuha ko na ang bag ko at sinalubong ko na siya sa labas.

"Ma, alis na'ko!" paalam ko sa kaniya at sumakay na ng jeep.

Tumatakbo na ako sa hagdanan papunta sa classroom kung nasaan sila.

Ano ba 'yan, ang haggard ko na hindi pa ako nakakarating.

Pagdating ko'y naabutan ko silang nag-iingay, magulo ang classroom at hiwa-hiwalay ang mga upuan.

"Ayan na oh!" sabi ni Eunice pagkakita sa'kin.

"Tagal mo naman." sabi ni Tracy.

"Tumakbo na nga ako 'e, tignan niyo naman pawis ko." sabi ko naman at umupo sa tapat ng aircon.

"Akala ko ba nandito lahat?" tanong ko, nagtataka.

"Oo nga kanina, late ka na kasi kaya hindi mo na naabutan." sabi ni ate Queen.

"Oy, guise ito pala si Kybelle. Kilala niyo na siya di'ba?" sabi ni Ahmad sa lahat kaya nabaling sa'kin ang kanilang attention.

"Siya ba 'yung sinasabi niyong nanlibre sa McDo?" sabi ni SJ kay Neville.

"Oo siya 'yon. Hi ate!" pagbati niya sa'kin.

"Hello, anong ginagawa ninyo?" tanong ko.

"Articles po." sabi naman nung isang babae na itinigil ang pagsusulat para kausapin ako. Janel yata pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.

"Kybelle may napag-usapan kami kanina." pagpapaalam sa'kin ni Ahmad

"Ano?" tanong ko.

"Susubaybayan natin sila sa paggawa ng Dyaryo. Bawat estudyante nakatoka sa'ting B.O.E.'s." sabi niya.

"Wow, ha! Seryoso ka ba d'yan? Ano sila Elementary?" sagot ko naman, hindi makapaniwala.

"Ay Ms. Myrtle nagrereklamo oh, hindi na daw sila Elementary para bantayan pa!" pagsusumbong naman niya agad sa SPA.

"Hayaan mo siya. Salamat na lang sa lahat." sabi sa'kin ni Ms. Myrtle.

"Welcome." sagot ko naman.

"Ayaw mo sa'min ate?" sabi ni Keith kaya napalingon ako sa kaniya.

Oo, kasi siya lang naman gusto ko.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Ahmad.

"Hayaan mo na Ahmad sakto lang naman sa bilang natin 'e. Anim na lang sila oh!" sabi ni Eunice kaya hinayaan na nila ako.

Nanonood lang ako sa kanila habang pinapanood din ang mga nakatoka sa kanilang journalists magsulat ng articles. Tinitignan kung tama ang ginagawa at kapag mali, itatama nila.

Minsan naman ay dinadaldal ko si Ms. Myrtle at nanonood kami ng random youtube videos.

Pauwi na sana kami ng biglang may dumating.

"Ano ba 'yan Jedrick pauwi na sila tapos ngayon ka lang dadating." pagalit ni Ms. Myrtle dito.

Ako agad ang nakita niya pagpasok.

"Sorry po, late na kasi natapos 'yung game nila Jodi 'e." alibi niya naman.

"Wala ka ng gagawin." sabi ni Maria.

"Anong walang gagawin? Gagawa din 'yan article ngayon di'ba ma'am tapos uuwi na kami maiiwan siya dito? Ayoko pumayag pag hindi!" sabi ni Neville, ayaw magpatalo sa kaibigan.

"Narinig mo Jedrick? Babantayan ka ni Kybelle dahil wala yang ginawa kanina, nag-iinarte." utos ni Ms. Myrtle sa'min at napakamot na lang ako ng ulo, walang magawa.

"Tara na dito." inayos ko ang pinakamalapit na upuan sa'kin at naupo doon.

Sumunod naman sa'kin si Jedrick kaya napakunot ako ng noo.

"Tracy halika na tawagin mo sila Yuri." pagtawag ko sa kaniya.

"Girl, uuwi na kami hapon na." sabi niya naman.

"Ha, iiwan niyo ko? Sinong kasama ko?" tanong ko.

"Uy, Ahmad sabay tayo uuwi di'ba?" pagpapaalala ko sa kaniya.

"May gagawin pa'ko, bahala ka diyan." sabi niya naman.

"Patayin niyo 'yang aircon kapag natapos kayo ah." bilin ni Ms. Myrtle at sabay-sabay na silang umalis.

"Hoy!" tawag ko pa pero naisara na nila ang pintuan.

"Ano ba yan." pagrereklamo ko.

"Article." rinig kong sabi ng katabi ko.

Nagsisimula na pala siya.

"Isipin mo na lang ibang tao ako." sabi niya.

"Ibang tao ka naman talaga. Impostor!" sagot ko naman sa kaniya.

Hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko kaya natawa siya at napatingin sa'kin ng sarcastic.

"Ibang tao? Paano?" tanong niya naman nanghahamon.

"Wala! Tapusin mo na 'yan, para macheck ko na." utos ko, iniiba ang usapan.

"Sino nagsabing tatapusin ko'to?" aniya, nanghahamon.

"Ako!" sabi ko.

"At bakit naman kita susundin? Girlfriend ba kita?" sagot niya naman, namemersonal.

"Bakit, sa girlfriend ka lang ba dapat susunod? Dapat sa'kin din!" sabi ko pa, hindi na natutuwa sa usapan.

"Okay... pero hindi ako ibang tao, ako pa rin 'yun." sagot niya, nagpapatalo na.

Talaga ba? Sana hindi na lang, kasi ayoko na sa nang-iiwan sa ere.

"Saan ka pupunta? Wala ka na namang gagawin? Turuan mo ako dito at bantayan sabi ni Ms. Myrtle." pagtawag niya sa'kin ng umalis ako sa tabi niya.

"At bakit naman kita susundin? Boyfriend ba kita?" pagbabalik ko ng sinabi niya sa'kin.

"Bakit, sa boyfriend ka lang ba dapat susunod? Dapat sa'kin din!" panggagaya niya din sa sinabi ko.

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na ulit, palayo na dapat ako sa kaniya ngunit nakuha niya ang braso ko at sinandal ako sa pader.

Ano bang meron sa braso ko at bakit hila siya ng hila? Puro buto na nga 'e, hindi pa naawa!

"Susundin mo ba ako?" aniya sa mabagal na boses habang nakatitig sa mga mata ko.

Nilabanan ko ang mga titig niya at pinilit ang sariling hindi matunaw sa mga ito.

"Hindi." matigas na sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi hindi ako inutusan dito para magpaalipin sa'yo kaya pwede ba magseryoso ka na? Be professional at 'wag magpadala sa nararamdaman mo?" sagot ko sa kaniya.

"Bakit, ano bang nararamdaman ko Kybelle?" nanghahamon niya pang tanong.

Napangisi ako at tinignan ang labi niya.

"Mukhang hayok na hayok ka 'e." sabi ko at bigla niya akong binitawan sa hiya at lumayo.

"A-anong hayok? Saan?" tanong niya, nagkukunwari pa.

"Ewan ko sa'yo. Saan ba, Jedrick?" sabi ko sa malambing na boses, nang-aasar.

"Tapusin 'yung article." alibi niya naman.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA Okay. Sige na, tapusin mo na." sagot ko.

"Sabi magseryoso tapos tawa ng tawa." bulong niya sa hangin pero narinig ko pa rin.

"Bakit sino bang bigla-biglang manghahatak tapos sabay corner sa pader? 'Yun ba 'yung seryoso?" sabi ko naman sa kaniya.

"Whatever." aniya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Alam mo napaka disrespectful mo, paano ka naging journalist?" pamemersonal ko na din.

"Maayos naman ako kapag wala ka." sabi niya naman na ikinagulat ko.

So, ayaw niyang nandito ako? Ayaw niya na akong makita?

"Pero masaya ako kapag nandiyan ka." dugtong pa niya, nakayuko na.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to, bigla-biglang umaatake baka mamaya ako ang atakihin sa puso!

"Pwede mo naman 'yon magawa pareho." sabi ko, pinapagaan ang loob niya.

"Paano? 'E sa tuwing makikita pa lang kita, kahit sa malayo pakiramdam ko ibang mundo na ginagalawan ko. 'Yung mundong ikaw ang may-ari tapos gugustuhin ko na lang magpasakop sa'yo." seryosong sabi niya.

"Control yourself. Be firmed. Remember what you are. Hindi tayo palaging nasa Laguna kaya hindi ka pwedeng umasta ng ganiyan." sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya nagsalita ako ulit.

"Kasama mo ako, tutulungan naman kita pero mas mahalaga ang tulong galing sa sarili mo. Sabi mo gusto mong magpasakop sa'kin di'ba? Ito 'yung mundong ginagalawan ko..." sabi ko pa.

"Totoo ba 'yang mundo mo?" tanong pa niya, mukhang nakukumbinsi na.

"Hindi lang totoo kundi matapang din sa lahat ng bagay." sagot ko, mula sa puso.

"Kahit sa pagmamahal?" tanong niya ulit, naninigurado.

"Kahit sa pagmamahal." sabi ko.

Natapos ni Jedrick ang pinapagawa ko at wala naman akong masyadong nabago doon sa sinulat niya dahil magaling naman na siya.

Aaminin kong napamangha niya ako ng totoo niyang tinutupad 'yung sinabi niya na makikinig siya sa'kin at nagtitiwala din siya sa sarili niya.

At totoo din talaga na he's the...

King of my heart.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   012: You All Over Me

    "Ano palang nangyari sa pagsusulat niyo ng article ni Jedrick 'nung nakaraan? Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ni Eunice sa'kin habang bumibili kaming B.O.E.'s ng pagkain sa canteen.Babantayan ulit namin sila ngayon magsulat sa huling pagkakataon dahil deadline ng tasks nila mamaya kay Ms. Myrtle."Okay lang naman, saglit lang kami natapos kasi magaling na naman siya 'e." sabi ko."E ba't gabi na kayo nakauwi? Nagdate pa kayo noh!" sabi naman ni ate Teresa, nang-aasar."Uy, hindi ah! Nag getting to know each other lang para 'di naman awkward kapag nagawa kami ng newspaper." sabi ko, dinedepensahan ang sarili."Edi, hindi pa nga kayo umuwi pagkatapos?" tanong naman ni Yuri."Kumain lang kami sa McDo tapos namasyal sa Promality." sagot ko."Getting to know each other tapos sa Promality? Park for couples?" sabi naman ni Eunice."Ang landi mo naman." sabi rin ni Ahmad."Yun lang naman kasi pwedeng puntahan dito." sagot ko naman."Hindi ka naman pupunta 'dun kung dalawa lang kayo. Kami

    Last Updated : 2023-05-30
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   013: Beautiful Ghosts

    "Bakit mo kami pinatawag Ms. Myrtle?" tanong ni ate Queen pagkarating namin dito sa 3E1A na meeting place ng T.P."Hindi pa din gumagawa 'yung mga chaka ng dyaryo kapag wala kayo kaya hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon." sabi ni Ms. Myrtle, stressed na naman."Ah? Bakit ano pa bang kailangan nila 'e lahat na ginawa namin para tulungan sila?" ani naman ni Ahmad, nagtataka."Grabe naman sila." sabi din ni ate Teresa."H'wag na kaya kayo gumawa ng dyaryo ma'am? Wala namang masasayang na efforts kasi nga 'di sila nagawa." suggestion ni Tracy."Magagalit si Sir. J kapag hindi nagrelease ng second issue." pagpapaliwanag naman ni Ms. Myrtle."Lahat ba sila hindi gumagawa ma'am?" tanong ko, nagtataka dahil maayos ang usapan namin ni Jedrick ng huli kaming nagkasama na kikilos siya."Hindi naman pero konti pa din 'yung mga nasulpot sa meeting at ang naipapasa pa lang na articles 'nung iba ay 'yung tinulungan niyo pa sila." sagot naman niya."Anong plano mo?" tanong ni Ahmad kay Ms. Myrtle

    Last Updated : 2023-06-01
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   014: Eyes Open

    Pagkauwi sa bahay ay agad akong nakatanggap ng chat galing kay Jedrick at kay Ahmad."I'm sorry." sabi ni Jedrick."Hoy, Kybelle anong nangyari sa date niyo ni Jedrick?" sabi naman ni Ahmad.Hindi ko sila pinansing dalawa at diretso ng humiga sa kama ng may nakatapong unan sa mukha ng biglang muli itong tumunog.Ahmad is calling...I immediately declined his call and sent a message, "I'm sorry Ahmad wala ako sa mood." at pinatay ang cellphone.Ito ako ngayon nakatingin sa ceiling at iniisip lahat ng pinagsamahan namin ni Jedrick sa Phantom.Kung hindi ba ako naging pioneer batch, hindi kami magtatagpo ulit?Kailangan ko bang pagsisihan na sumali ako sa publication o magpapasalamat dahil dito ay nagkatagpo ulit kaming dalawa?Napatigil ako sa mga iniisip ng bigla may kumatok sa pintuan."Nak? Nandito ka na?" rinig kong tawag ni mama at agad ko namang binuksan ang pintuan para makapasok siya."Bakit ang aga mo? Hindi ba't may gagawin pa kayo ng mga kaibigan mo?" tanong niya."Tapos na p

    Last Updated : 2023-06-02
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   015: Labyrinth

    "Anong susunod na ganap sa journ Ms. Myrtle? Effective ba 'yung pananakot natin?" tanong ni Ahmad ng magkita-kita kaming tatlo ng biglaan."Okay naman na sila, gumagawa na pero hindi pa rin sapat. Kailangan ng deep connections dahil baka mamaya bumagsak na naman sila. Magandang kilala nila ang isa't-isa para kaya nilang itayo ang mga sarili nila kapag mas nastress pa sila lalo sa mga susunod na buwan." sagot nito."Huy, mag get together tayong lahat maganda 'yun! Sasama kaming mga pioneer batch, kami mag-aayos!" ani naman ni Ahmad. "Ang tanong, papayag kaya sila? Alam niyo namang puro acads ang priorities ng mga 'yon." sabi ko."Edi sabihin urgent meeting at kailangan kumpleto lahat." sabi naman ni Ahmad. "Invite natin si Sir. J, okay lang ba?" suggestion pa niya. "Okay lang pero buti sana kung pumayag 'yun! Alam mo namang masyadong busy si daddy J." sagot ni Ms. Myrtle. "Sasabihan ko na ba sila?" tanong ni Ahmad. "Kailan ba?" tanong ko din."As soon as possible ba dapat?" dagdag

    Last Updated : 2023-06-03
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   001: Wildest Dreams

    Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala. Ang bilis naman! Kakatulog ko pa lang kanina. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nahihirapan ako dahil namamaga pa ito galing sa matinding pag-iyak ko kagabi hanggang kaninang madaling araw. Kahit hanggang ngayon ay gugustuhin ko na lang na umiyak pa dahil hindi naman nawawala 'yung sakit na nararamdaman ko. Minsan nga naiisip ko na baka superhero talaga ako o kaya naman ay sorcerer dahil may kapangyarihan akong umiyak ng umiyak. Kaya kong umiyak sa loob ng buong isang araw ng hindi napapagod kakaluha at kakangawa. Naisip ko na din ang magiging pangalan ko kung sakaling superhero nga ako. Crybelle. Gusto ko pa sanang matulog pero nagdesisyon na lang akong bumangon para isara ang bintana ng kwarto ko at maligo. Pero pakiramdam ko maling desisyon itong ginawa ko. Kunsabagay, kahit anong desisyon naman kasi ang gawin ko pakiramdam ko ay mali, except sa isang grupo. Bukod kasi sa journmates ko ay l

    Last Updated : 2021-06-29
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   002: Red

    Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na gano'n pa rin ang every day routine ko. Magkukulong sa kwarto, mag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo sa'kin ng mundo, iisipin 'yung mga pangyayari na gusto kong mangyari sa buhay ko. Hanggang sa hindi na kakayanin ng utak ko na mag-isip pa kaya idadaan ko naman sa paghagulgol sa isang sulok. 'Yan lang ang every day routine ko. Mapabakasyon man 'yan o may pasok sa eskwela palagi lang akong nakakulong sa kwarto at lalabas lang kapag kakain o aalis na patungong paaralan until one day, I discovered the life in social media. Loris and 63 others followed you. Napangiti ako. Nadagdagan na naman 'yung bilang ng followers ko dito sa twitter. Ang mga taong 'yan, sila ang kasiyahan ko. Pakiramdam ko belong ako dito sa online world dahil dito kaya kong ma express ang mga pighating nararamdaman ko hindi tulad ng mundong ginagalawan ko dito sa bahay. Masaya dahil puro tawanan, maingay, at magulo, pero kahit gaano pa ito kasaya ay hindi ko mada

    Last Updated : 2021-06-29
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   003: I Don't Wanna Live Forever

    Sa wakas ang dami ko na ulit nakilalang mga tao! Pakiramdam ko ay tinanggalan na ako ng posas. Hindi ako makapaniwala dahil ang fairy tale nitong araw na'to kahit muntik na'kong mamatay. Nagbukas ako ng twitter account ko at nag post ng picture ko na nakangiti at nakapangalumbaba sa lamesa at binabalandra 'yung bracelet na binigay sa'kin kanina ni Jashley. Gumamit ako ng isang lyrics ni Taylor Swift para sa caption. "I was enchanted to meet you." - Taylor Swift Nakakuha 'yon ng doble sa bilang ng mga likes, retweets, at replies na madalas na natatanggap ko galing sa mga followers ko. "Wow, you look gorgeous!""You're beautiful when you smile, please always wear that.""I'm glad you've met someone today. FINALLY!" Yes, you're right...Finally. Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok. Naglalakad ako papunta sa classroom ng bigla tumunog ang phone ko. Huminto ako para basahin ang text message ni Jashley. "Dito ka dumeretso sa gym nandito kami." Pagkapasok ko sa gym a

    Last Updated : 2021-06-29
  • Writings of Kybelle (Tagalog)   004: Treacherous

    Nang maibalik ako sa reyalidad ay kaagad akong nagtungo sa Hospital na tinext sa'kin ni mama. Pagkarating ko doon ay nakita ko sila ni papa sa labas ng isang kwarto. Morgue. Napaluhod ako sa hagulgol. "Belle, tumayo ka diyan." pagsuway sa'kin ni papa."Pa, anong nangyari kay Kyrine?" tanong ko na humahangos pa rin."Hindi pa namin alam anak. Tumawag lang sa'min ang Hospital at sinabing puntahan siya dito." sagot niya bago itinuro ang loob."Ano? This is savotage! Sino ang gumawa sa kaniya nito?!" galit na sigaw ko."Anak, huminahon ka muna. Naireport na namin ang kaso ng kapatid mo at kakaalis lang ng mga pulis." paglilinaw niya sa'kin. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa paglalakad habang nakahawak sa aking ulo. Hindi ko kayang pumasok sa loob dahil baka hindi na ako makalabas at saluhan na lang siyang magtaklob ng kumot. Hindi ko matanggap ang sinapit ng kapatid ko. She never deserved this! Hindi ako pumasok ng isang linggo matapos mailibing ni Kyrine at

    Last Updated : 2021-06-30

Latest chapter

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   015: Labyrinth

    "Anong susunod na ganap sa journ Ms. Myrtle? Effective ba 'yung pananakot natin?" tanong ni Ahmad ng magkita-kita kaming tatlo ng biglaan."Okay naman na sila, gumagawa na pero hindi pa rin sapat. Kailangan ng deep connections dahil baka mamaya bumagsak na naman sila. Magandang kilala nila ang isa't-isa para kaya nilang itayo ang mga sarili nila kapag mas nastress pa sila lalo sa mga susunod na buwan." sagot nito."Huy, mag get together tayong lahat maganda 'yun! Sasama kaming mga pioneer batch, kami mag-aayos!" ani naman ni Ahmad. "Ang tanong, papayag kaya sila? Alam niyo namang puro acads ang priorities ng mga 'yon." sabi ko."Edi sabihin urgent meeting at kailangan kumpleto lahat." sabi naman ni Ahmad. "Invite natin si Sir. J, okay lang ba?" suggestion pa niya. "Okay lang pero buti sana kung pumayag 'yun! Alam mo namang masyadong busy si daddy J." sagot ni Ms. Myrtle. "Sasabihan ko na ba sila?" tanong ni Ahmad. "Kailan ba?" tanong ko din."As soon as possible ba dapat?" dagdag

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   014: Eyes Open

    Pagkauwi sa bahay ay agad akong nakatanggap ng chat galing kay Jedrick at kay Ahmad."I'm sorry." sabi ni Jedrick."Hoy, Kybelle anong nangyari sa date niyo ni Jedrick?" sabi naman ni Ahmad.Hindi ko sila pinansing dalawa at diretso ng humiga sa kama ng may nakatapong unan sa mukha ng biglang muli itong tumunog.Ahmad is calling...I immediately declined his call and sent a message, "I'm sorry Ahmad wala ako sa mood." at pinatay ang cellphone.Ito ako ngayon nakatingin sa ceiling at iniisip lahat ng pinagsamahan namin ni Jedrick sa Phantom.Kung hindi ba ako naging pioneer batch, hindi kami magtatagpo ulit?Kailangan ko bang pagsisihan na sumali ako sa publication o magpapasalamat dahil dito ay nagkatagpo ulit kaming dalawa?Napatigil ako sa mga iniisip ng bigla may kumatok sa pintuan."Nak? Nandito ka na?" rinig kong tawag ni mama at agad ko namang binuksan ang pintuan para makapasok siya."Bakit ang aga mo? Hindi ba't may gagawin pa kayo ng mga kaibigan mo?" tanong niya."Tapos na p

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   013: Beautiful Ghosts

    "Bakit mo kami pinatawag Ms. Myrtle?" tanong ni ate Queen pagkarating namin dito sa 3E1A na meeting place ng T.P."Hindi pa din gumagawa 'yung mga chaka ng dyaryo kapag wala kayo kaya hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon." sabi ni Ms. Myrtle, stressed na naman."Ah? Bakit ano pa bang kailangan nila 'e lahat na ginawa namin para tulungan sila?" ani naman ni Ahmad, nagtataka."Grabe naman sila." sabi din ni ate Teresa."H'wag na kaya kayo gumawa ng dyaryo ma'am? Wala namang masasayang na efforts kasi nga 'di sila nagawa." suggestion ni Tracy."Magagalit si Sir. J kapag hindi nagrelease ng second issue." pagpapaliwanag naman ni Ms. Myrtle."Lahat ba sila hindi gumagawa ma'am?" tanong ko, nagtataka dahil maayos ang usapan namin ni Jedrick ng huli kaming nagkasama na kikilos siya."Hindi naman pero konti pa din 'yung mga nasulpot sa meeting at ang naipapasa pa lang na articles 'nung iba ay 'yung tinulungan niyo pa sila." sagot naman niya."Anong plano mo?" tanong ni Ahmad kay Ms. Myrtle

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   012: You All Over Me

    "Ano palang nangyari sa pagsusulat niyo ng article ni Jedrick 'nung nakaraan? Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ni Eunice sa'kin habang bumibili kaming B.O.E.'s ng pagkain sa canteen.Babantayan ulit namin sila ngayon magsulat sa huling pagkakataon dahil deadline ng tasks nila mamaya kay Ms. Myrtle."Okay lang naman, saglit lang kami natapos kasi magaling na naman siya 'e." sabi ko."E ba't gabi na kayo nakauwi? Nagdate pa kayo noh!" sabi naman ni ate Teresa, nang-aasar."Uy, hindi ah! Nag getting to know each other lang para 'di naman awkward kapag nagawa kami ng newspaper." sabi ko, dinedepensahan ang sarili."Edi, hindi pa nga kayo umuwi pagkatapos?" tanong naman ni Yuri."Kumain lang kami sa McDo tapos namasyal sa Promality." sagot ko."Getting to know each other tapos sa Promality? Park for couples?" sabi naman ni Eunice."Ang landi mo naman." sabi rin ni Ahmad."Yun lang naman kasi pwedeng puntahan dito." sagot ko naman."Hindi ka naman pupunta 'dun kung dalawa lang kayo. Kami

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   011: King Of My Heart

    "Sino bang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya. Nagpakawala muna siya ng isang buntong-hininga bago nagsalita. "I'm sorry. I'm at fault." sabi niya."Pa'no mo nagawa 'yun? Iniintindi kita, 'e... pinipilit ko kahit mahirap kasi mahal kita." pagsisimula ko."I... I can't tell you the reason." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya."Bullshit, Jedrick! Apat na taon na nakakalipas, wala ka pa ring maibigay na rason? Tapos ano, susulpot ka dito bigla at iba na pagkatao mo ganu'n? Ang hilig mo naman akong biglain..." hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya."Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yun. Oo, nagkamali ako pero hindi ko sinasadya. Siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon pero ginawa ko lang din 'yun para sa'yo." sabi niya. Bakit nagagawa niya pa ding magpalusot?! "Para sa'kin? Anong para sa'kin? Binigyan mo ako ng rason para mabuhay, at nagpapasalamat ako sa'yo para 'dun pero sa huli pinamukha mo din sa'kin na hanggang doon lang ako 'e." hindi ko na napigilan ang sarili

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   010: Forever & Always

    The way he makes poetry out of nowhere.I knew it, it's him!And he knows me!Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.Pero si Jodi...Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone."Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya."Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya."I have to tell you something." pag-amin ko."Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.I need to energized myse

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   009: Ours

    "Andyan na si Kybelle." sabi ni Ahmad pagkakita niya sa'kin sa pintuan kaya napalingon lahat kasama siya."Tapos na kampanya ng papa mo?" tanong ni kuya JM."Oo." naiilang kong sagot sabay pumwesto sa likod katabi si Callie."Si Kybelle mayaman 'yan 'e andaming sasakyan. 'Nung birthday ko nagpahatid pa 'yan sa bahay tapos dala-dalawang sasakyan pa 'yung gamit." pagsabi ni Ms. Myrtle randomly sa mga second batch ng Phantom."Oo nga, manlilibre nga 'yan mamaya 'e, di'ba Kybelle?" pang-uuto naman ni Ahmad."Oo sakto kakain tayo sa McDo mamaya pagkatapos di'ba?" pagpapaalala ni Miggy ng napag-usapan nila kanina habang wala pa ako."Ba't ako na naman nakita niyo wala akong pera." sagot ko naman."Next time na..." bulong ko pa."Bumulong sabi niya next time na daw HAHAHAHAHAHAHAHA." pagbubuko naman sa'kin ni Callie sa kanila."Wag na ngayon na para kasama natin sila. May iniiwasan ka ba?" biglang sabi ni kuya JM na ikinagulat ko. Paano niya nalaman?"Wala! Sino namang iiwasan ko?" pagdepens

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   008: Should've Said No

    Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit."Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang phone ko sa bulsa para irecord ang mga sasabihin niya.Hinawakan 'yung isang Mini-House Bank. It is made from wood, popsicle sticks, and paper and it isn't just a normal money bank because it has a boundary that you can separate the coins. It's an upstairs wooden square house painted cream and dark brown. Downstairs has two windows on the left side and three doors. I believe it's a sliding door in a real house. There is a pool in the backyard which is surrounded by plants. It has also room upstairs on the left side with a door in the middle and an open space on the other side that can be used for parties and downstairs it is a garage."Ate ang ganda naman po ng binebenta niyo, pwede ko po ba k

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   007: Gorgeous

    Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone. Nauna na naman akong nagising sa alarm ko. Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay. Dahil alam kong hindi 'yung pakikipag-away ni mama sa nanay ng kaklase ko 'nung elementary ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng lahat noon. Alam ko na may something sa sarili ko kaya't ayaw nila akong kaibiganin. Kung ano man 'yon? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ay ito na talaga siguro ako. Nagmamadali akong kumilos at pumasok na sa School. Mamaya pang hapon ang klase namin pero may meeting kami ngayon sa journ. Siguro 'yung iba magrereklamo kasi ang daming gawain. Acads plus extra curricular na rush ba naman? But the hell I care! Bakit ako magrereklamo 'e binigyan na nga ako ng chance ni Lord para patunayan ang sarili ko? Kaya kong umangat kahit pakiramdam ko ay mag-isa ako buong buhay ko.

DMCA.com Protection Status