Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na gano'n pa rin ang every day routine ko.
Magkukulong sa kwarto, mag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo sa'kin ng mundo, iisipin 'yung mga pangyayari na gusto kong mangyari sa buhay ko.
Hanggang sa hindi na kakayanin ng utak ko na mag-isip pa kaya idadaan ko naman sa paghagulgol sa isang sulok.
'Yan lang ang every day routine ko.
Mapabakasyon man 'yan o may pasok sa eskwela palagi lang akong nakakulong sa kwarto at lalabas lang kapag kakain o aalis na patungong paaralan until one day, I discovered the life in social media.
Loris and 63 others followed you.
Napangiti ako.
Nadagdagan na naman 'yung bilang ng followers ko dito sa twitter.
Ang mga taong 'yan, sila ang kasiyahan ko.
Pakiramdam ko belong ako dito sa online world dahil dito kaya kong ma express ang mga pighating nararamdaman ko hindi tulad ng mundong ginagalawan ko dito sa bahay.
Masaya dahil puro tawanan, maingay, at magulo, pero kahit gaano pa ito kasaya ay hindi ko madama.
Dahil wala akong halaga dito sa mundong ginagalawan ko.
Hindi ako napapansin kahit na anong gawin ko.
Kahit na may kailangan sila at alam nilang ako ang makakatulong sa kanila ay hindi pa rin nila ako kinakausap.
Namamanhid ako dahil sa pakikitungong ipinapakita nila sa'kin at hindi ko maramdaman ang sarili ko.
Nakakapagod umiyak habang nagtatanong sa Diyos kung bakit ganito kasaklap ang buhay ko.
"Have you heard the news?"
Mas napangiti ako ng may pag-aalala sa sarili ng mabasa ang chat ni Jodi, ang pinakapaborito kong tao dito sa online world.
"What news?" tanong ko.
"Ram is dead." sagot niya.Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at nagtipa kaagad ng sagot.
"Ha? Ram? As in Ramkiel?" tanong ko ulit para maliwanagan.
"Yes." sagot niya ulit.Napuno ng takot, kuryosidad at lungkot dito sa loob ng kwarto dala ng halo-halong nararamdaman ko ngayon.
"As in si user itsramkiel?" tanong ko ulit para masiguro.
"The one and only." pagkumpirma niya.Si Ram? Bakit? Anong nangyari? Parang kahapon lang 'nung magkausap pa kami tapos ngayon kasama na siya ni Lord?
"What happened to him? Kelan pa?" tanong ko habang nagbabadya ng bumagsak ang mga luha ko.
Bakit ganito? Bakit kinuha sa'kin si Ram 'e isa siya sa mga taong nagpapasaya sa'kin! Ngayon ko pa lang nararanasan maging masaya tapos ipinagkakait na kaagad.
May expiration ba 'yun?
Dali-dali akong bumisita sa profile ni Ram pagkatapos ko mag reply kay Jodi.
"Ngayon lang daw. Ayaw sabihin kung bakit siya namatay pero nagsend ng picture 'yung nanay niya kay Sab legit daw talaga. Hindi nga ako makapaniwala 'e." ang sagot niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ko ang huling tweet ni Ram na smiley emoji tatlong araw ang nakakaraan.
Alam ko ang ibig sabihin 'nun kung hindi ako nagkakamali.
"Taga saan ba si Ram?" tanong ko ulit kay Jodi na puno ng kaba.
"Why? Sa Laguna. Don't tell me maglalamay ka?" tanong niya pabalik."Baka payagan." bulong ko sa sarili ko.
Bumungtong hininga ako bago nagtipa ng sagot.
"Alam mo namang kahit gustuhin ko hindi ako papayagan ano ka ba."
Dahil kahit hangin lang ako para sa pamilya ko, pagdating sa mga ganitong pagkakataon ay pinagbabawalan ako.
Naalala ko 'nung elementary ako, niyaya ako ng classmate ko na maglaro sa bahay nila pagkatapos ng klase tapos sinugod ako doon ni mama na may dalang pamalo at pinauwi ako.
Nagkasagutan pa sila 'nun ng mama ng classmate ko dahil ang sabi ng mama niya ay bakit daw ayaw akong payagan makipaglaro sa anak niya.
Pagkatapos ng araw na 'yon hindi na ako pinansin 'nung classmate ko kahit sa klase.
Palagi na din akong hinahatid sundo ni mama hanggang sa mag Junior High School ako.
Never ko talaga naintindihan 'yung takbo ng utak ng pamilya ko.
Hindi ko na alam kung saan pa ba ako lulugar sa pamamahay na 'to.
"Edi tumakas 'te! Ikaw na nga nagsabi sa'kin diba na hindi ka naman nila napapansin? Edi wala din silang pakialam kung mawala ka sa inyo kahit isang araw lang. 'Wag ka na kasi magpaalam ganyan na nga trato sa'yo magpapakabait ka pa rin?" reply niya na para bang sinasabi niyang ako na ang pinakatangang tao sa buong mundo.
"Ayoko Jods." pagdedesisyon ko."Try mo lang ano ka ba hindi 'yung nakakulong ka lang dyan sa kwarto mo palagi at kaharap ang computer. Unwind, unwind din 'te masaya 'yon!" pamimilit pa niya.Hindi na ako nagreply pa kay Jodi at nag logout na.
Nawala na ako sa mood kumausap ng kahit na sino.
Akalain mo 'yon? Parang kahapon lang 'nung namamalimos pa ako ng makakausap tapos ngayon inilalayo ko naman ang sarili ko sa mga tao?
Naalala ko bigla ang mga memories namin ni Ram.
Siya 'yung pinaka una kong naging kaibigan dito sa twitter.
Siya 'yung unang nagfollow sa'kin tapos nanghingi ako sa kaniya ng iba pang followers hanggang sa mas dumami pa 'yon.
Palagi kaming magkausap sa messages hanggang umabot sa Telegram, Text, at Messenger.
Naglalaro din kami ng werewolf sa tele, connect 4, sabay kaming mag near group sa messenger at madami pang iba.
Si Ram ang unang nagparamdam sa'kin na deserve kong mabuhay kaya sobrang hirap para sa'kin na tanggapin 'yung sinapit niya.
I owe my life to him.
Nakatitig lang ako sa kawalan ng biglang tumunog ang alarm ko kaya napabangon ako bigla sa kama.
First day ngayon ng klase ko sa college kaya kailangan ko magmadali dahil hahanapin ko pa ang assigned room ko.
Nag-ayos na ako kaagad at pumunta sa kusina para kumain.
Wala na akong naabutan dahil nakaalis na sila mama at papa para pumasok sa trabaho.
Gano'n din si Kyrine para pumasok sa eskwela. Junior High School student na siya at nag-aaral siya sa Presto Academy na malapit sa company na pinagtatrabahuhan ni papa.
Ako naman ay sa Alwyn College nag-aaral bilang sophomore AB Journalism student. Dito na rin ako nag-aral ng Senior High kaso ang strand ko ay TVL. Late ko na kasi narealised na para sa akin pala ang pagsusulat kaya mabuti na lang talaga ay naging part ako ng The Phantom Publication noon na sobrang naenjoy ko kaya pinagpapatuloy ko ngayon ang journalism.
Pagkatapos ko kumain ay umalis na kaagad ako at ni lock ang bahay bago naglakad sa kanto para mag-abang ng jeep.
Walking distance lang sa school ang bahay namin pero dahil nagmamadali ako ay sumakay na ako.
Mayaman ang pamilya namin pero hindi naman ako belong sa kanila kaya sila lang 'yung mayaman kaya kailangan ko matuto tumayo sa sarili kong mga paa.
Although, nag-iiwan sila ng pera sa lamesa ng kwarto ko para may pambaon ako sa School.
Palagi namang puno ng pagkain ang refrigerator namin dahil madalas mag shopping si mama at Kyrine kaya wala akong problema.
Nagmamadali akong bumaba ng jeep dahil nastuck ako sa traffic papunta sa School.
Nagulat ako ng muntik na akong mabingi dahil sa pagbusina ng isang sasakyan habang tumatawid ako.
I ALMOST DIED!?
Sa sobrang gulat ko ay napako ako sa aking kinatatayuan.
At sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na maramdaman ang sarili ko.
Namamanhid na naman ako.
Hindi ko namalayan na may humila na pala sa'kin at itinawid ako sa kalsada.
"Miss, are you okay?" tanong ng lalaki.
Muli akong lumingon sa kalsada kung nasaan ang kotseng muntik ng makasagasa sa akin at wala na ito.
"Miss? Are you hurt?" tanong niya ulit ng hindi ako sumagot.
Lumingon ako sa kaniya at nagsalita.
"Okay lang ako." maikling sabi ko bago tumalikod at maglalakad na sana paalis pero muli akong humarap sa kaniya.
"Salamat." sabi ko ng may tipid na ngiti."Kybelle nga pala." pagpapakilala ko sa kaniya sabay abot ng aking kamay.Mukhang nagulat pa siya dahil nagpabalik-balik pa muna ang mga mata niya sa'kin at sa kamay na inaabot ko bago niya ito tanggapin at nagpakilala.
"Sean Charles. You can call me Sean." sabi niya na may mangha sa mukha.
Sandali akong natigilan ng may napansin akong isang lalaking familiar na naglalakad sa likod ng lalaking kaharap ko. Nakasuot ito ng sunglasses at balot na balot ng jacket ang katawan.
Ang init-init kaya?!
Nakaramdam ako ng inis ng magtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas at isinantabi na siya sa isipan dahil baka nagkakamali lang ako kasi hindi naman gano'n pumorma 'yung lalaking nasa isip ko.
"Nice meeting you, Sean but I should go now, I'm late already for my first day kasi. Thank You for helping me!" paalam ko sa kaniya ng mabilis bago tumalikod at tumakbo papasok sa Campus.
Pagkarating ko sa classroom ay nandoon na ang ilan sa mga blockmates ko at nag-iingay na.
Umupo ako sa pinakaharapan dahil puno na sa likod.
Nagulat ako ng may tumabi sa'kin bigla na babae at kinausap ako.
Tama lang ang height niya at straight ang kaniyang buhok na hanggang balikat. Maliit lang ang kaniyang mukha at singkit ang mga mata. Nakasuot siya ng red na checkered dress na may ribbon sa bandang itaas na parang pang chinese tapos rubber shoes na white. Mayroon din siyang red lipstick, at rosy cheeks. Maputi ang kutis niya at makinis ang balat.
Mukhang artistahin.
May lahi ba siyang Chinese?
"Hi, anong pangalan mo?" tanong niya ng nakangiti kaya mas lalo siyang gumanda.
"Kybelle Syria Vargas." sagot ko na naiilang."Hi, Kybelle, I'm Jane Ashley Cortes but you can call me Jashley." sabi niya ng nakangiti pa rin.
"Hi, Jashley, it's nice to meet you!" ngumiti ako sa kaniya ng kinakabahan."Can I seat here beside you? Para may katabi ka! Hindi ka talaga nila tatabihan dito dahil mga team likod 'yang mga 'yan." tanong niya sabay dinilaan 'yung mga tao sa likod at tinawanan siya ng mga ito.Mukha siyang isip bata.
"No problem." pagsang-ayon ko sa kaniya.
Wala din naman akong magagawa kahit na ayaw ko. Isa pa, hindi ko naman pag-aari itong classroom kaya wala akong karapatan na hindi siya paupuin.
"Paabot ng bag ko panget!" sigaw niya sa isang blockmate namin na lalaki sa likod.
Binato niya naman ito kay Jashley at tumama 'yon sa mukha niya kaya nagtawanan na naman sila.
Inirapan sila ni Jashley at umupo na sa tabi ko at humarap sa'kin.
"Section 1 ka dati?" tanong niya at tango lang ang isinagot ko.
"Alam mo ba pangarap ko dati mapunta sa section 1 kaso late ako nakapag enroll kasi nagkafamily problem kami. Dapat nga hindi na ako magproceed sa college." pagkwento niya."I'm glad you didn't stop." sabi ko habang nakatingin sa kaniya."Yeah, ayaw ko din kasi magsayang ng taon." sagot niya at hindi na ako umimik pa pero nagtanong na naman siya."Since when ka nagka interest sa Journalism? Do you have background already?" pambubusisi niya sa buhay ko.Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Yes, I have. Nagkaroon ako ng Publication 'nung SHS." sagot ko.
"OMG same!!!! Ang saya noh?" sabi niya."True, lalo na kapag gusto mo talaga 'yung ginagawa mo." wika ko ng nakangiti, naaalala ang mga memories noon.Biglang dumating 'yung professor namin for first period kaya naputol ang usapan namin ni Jashley.
Buong araw ay ganun ang nangyari. Nagpakilala lang silang lahat at nagbigay ng rules and regulations at ilan pang mga requirements sa kaniya-kaniya nilang subjects ngayon dahil first day pa lang naman.
"Tara na sa tambayan Jashley." pagyaya ni Rayniel, na isa sa mga blockmates naming lalaki dahil siesta time na.
"Mauna na kayo hinihintay ko pa si Kybelle." sagot niya."Sumama ka na sa kanila Jashley. Hindi pa naman ako gutom saka may dadaanan pa din ako." sabi ko sa kaniya.
"Sinong pupuntahan mo? Boyfriend mo?" tanong niya."Wala akong boyfriend sira!" sagot ko sabay tawa.Ano naman ang pumasok sa kokote 'nun at naisip niya bigla na may boyfriend ako?
Never again.
"Jashley, tara na!" pagtawag ulit sa kaniya ni Rayniel.
"Sige, mauna na kami Kybelle! Ingat ka!" pagpapaalam nito sa'kin bago pumunta kay Rayniel na nasa labas ng pintuan at hinihintay siya.Pagkaalis nila ay kinuha ko sa bag ko ang baon kong tubig at prutas na orange at pears at kinain ang mga 'yon.
Habang kumakain ay iniisip ko ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko.
Alam kong magbabago na ang takbo nito dahil sa loob ng mahabang panahon nagiging bukas na ulit ang mundo sa'kin .
Inayos kong muli ang mga gamit ko atsaka ako lumabas ng classroom at naglakad-lakad para mas makapag-isip ng mabuti dahil pakiramdam ko ay mababaliw na naman ako.
Hindi ako pwedeng maging mahina dito dahil maraming mga matang nakatingin.
Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng A.C. pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng tatlong mga lalaki na may hinaharass na isang babae dito sa isang medyo tagong lugar.
Manipis ang kaniyang mga labi, makakapal ang mga kilay, at bilugan ang kaniyang mga mata. Nakasuot siya ng skirt, naka make up at kulot ang buhok.
Porket nakasuot ng skirt haharassin na nila?!
"Anong ginagawa niyo?" Hindi ko napigilang hindi magsalita sa inis.
"T-tulungan... mo'ko." Pag-iyak ng babae sa'kin sa mahinang tono at kitang-kita ang hirap sa kaniyang pagsasalita.Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero bago ko pa 'yon magawa ay bigla nalang binitawan ng tatlong mga lalaki 'yung babae at tumakbo.
Agad naman akong lumapit sa kaniya para tulungan siya makatayo ng maayos.
"Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sayo?" tanong ko sa kaniya ng may pag-aalala.
"Salamat! Buti na lang at dumating ka ng hindi pa nila ako nagagalaw! Salamat, maraming salamat." aniya at nagpunas ng mga luha at pinagpagan ang kaniyang damit."Sila talaga 'yung certified manyak na mga gangsters dito na High School Students. Kahit College Students ay hindi nila pinapalagpas. Wala silang takot kahit na kanino. Nagulat nga ako 'nung tumakbo sila bigla ng dumating ka 'e!" dugtong niya sabay napa kibit-balikat sa pagtataka.Maski ako ay nagtaka dahil sa nalaman ko na wala pala silang kinatatakutan.
Bakit nga ba biglang umalis 'yung mga 'yon ng makita ako?
"Dapat pinapareport niyo 'yon. Mas importante pa rin sa lahat 'yung safety ng students." sabi ko.
"May kapit kasi 'yung isa 'dun kaya walang magawa kundi hayaan nalang." sagot niya."Ako nga pala si Irish." pagpapakilala niya sa'kin."I'm Kybelle." sagot ko pabalik.
"Kybelle? Nice name!" pagtawa niya."Ikaw din." nakangiti kong sagot.Ang gaan na kaagad ng loob ko sa kaniya katulad kanina ni Jashley.
Oo nga pala speaking of Jashley baka nakabalik na sila sa classroom!
"Sige Irish mauna na ako, mag-iingat ka na dyan ha?" pagpapaalam ko sa kaniya sabay takbo.
"Thank You Kybelle!" rinig kopang sigaw niya ng makalayo na ako.Napangiti ako.
Pagkabalik ko sa classroom ay wala pa sila.
Ang tagal naman ng mga 'yon!
Ang iingay kasi kaya malamang nagtatawanan pa rin sila habang naglalakad!
Maya-maya ay dumating na sila at namatay na naman ang katahimikan dito sa paligid.
"Ky, binilhan kita ng pagkain saka ng inumin. Sensya na ayan lang nakayanan ko 'e!" sabi ni Jashley na ikinagulat ko.
Napatingin ako sa binili niyang dalawang skyflakes saka isang tubig.
Nararamdaman ko ng umiinit na 'yung mga mata ko.
Bakit ba kasi ganiyan siya kabait at binilhan niya pa ako ng pagkain kahit hindi ko naman sinabi?!
"OMG, Thank You! Hindi ko naman sinabing bilhan mo ako 'e! Magkano 'to lahat? Babayaran ko na lang nakakahiya naman!" nahihiyang sagot ko.
"Okay lang, ano ka ba!" sabi niya ng nakangiti."Ito pa pala Ky! May nadaanan kaming Bazaar ng mga estudyante doon sa baba kanina. Buy 1 take 1 kaya bumili ako sayo nalang 'yung isa."Inabot niya sa'kin ang isang oval shaped gold bracelet na may hook clasp at sa gitna nito ay may nakaengraved na "forever friends".
Natouch naman ako!
Friend niya na ako?
Kinuha ko 'yung skyflakes at 'yung tubig at itinago sa bag ko.
Busog pa naman ako kaya mamaya ko na lang siguro kakainin.
"Wow, Thank You so much! Pero para saan naman 'to? Bakit sa'kin mo ibibigay 'e ngayon pa nga lang tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Remembrance ng unang araw tayong nagkakilala! Saka ano ka ba hindi mahalaga ang panahon noh, hindi 'yon sukatan ng pagkakaibigan kasi mararamdaman mo 'yun ng kusa." pagpapaliwanag niya.Isinuot ko sa kanang kamay ko 'yung bracelet na binigay niya.
I'm not the red ink anymore and...
burning red.────────────────────────────
Sa wakas ang dami ko na ulit nakilalang mga tao! Pakiramdam ko ay tinanggalan na ako ng posas. Hindi ako makapaniwala dahil ang fairy tale nitong araw na'to kahit muntik na'kong mamatay. Nagbukas ako ng twitter account ko at nag post ng picture ko na nakangiti at nakapangalumbaba sa lamesa at binabalandra 'yung bracelet na binigay sa'kin kanina ni Jashley. Gumamit ako ng isang lyrics ni Taylor Swift para sa caption. "I was enchanted to meet you." - Taylor Swift Nakakuha 'yon ng doble sa bilang ng mga likes, retweets, at replies na madalas na natatanggap ko galing sa mga followers ko. "Wow, you look gorgeous!""You're beautiful when you smile, please always wear that.""I'm glad you've met someone today. FINALLY!" Yes, you're right...Finally. Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok. Naglalakad ako papunta sa classroom ng bigla tumunog ang phone ko. Huminto ako para basahin ang text message ni Jashley. "Dito ka dumeretso sa gym nandito kami." Pagkapasok ko sa gym a
Nang maibalik ako sa reyalidad ay kaagad akong nagtungo sa Hospital na tinext sa'kin ni mama. Pagkarating ko doon ay nakita ko sila ni papa sa labas ng isang kwarto. Morgue. Napaluhod ako sa hagulgol. "Belle, tumayo ka diyan." pagsuway sa'kin ni papa."Pa, anong nangyari kay Kyrine?" tanong ko na humahangos pa rin."Hindi pa namin alam anak. Tumawag lang sa'min ang Hospital at sinabing puntahan siya dito." sagot niya bago itinuro ang loob."Ano? This is savotage! Sino ang gumawa sa kaniya nito?!" galit na sigaw ko."Anak, huminahon ka muna. Naireport na namin ang kaso ng kapatid mo at kakaalis lang ng mga pulis." paglilinaw niya sa'kin. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa paglalakad habang nakahawak sa aking ulo. Hindi ko kayang pumasok sa loob dahil baka hindi na ako makalabas at saluhan na lang siyang magtaklob ng kumot. Hindi ko matanggap ang sinapit ng kapatid ko. She never deserved this! Hindi ako pumasok ng isang linggo matapos mailibing ni Kyrine at
"Her family doesn't love her.""I pity you, Kybelle.""I retweeted your poem. Thank me, pathetic girl." Ilan lamang 'yan sa mga masasakit na salitang natanggap ko dahil sa ginawang pagkalat ni Val ng personal story ko. I'm just starting to see the other side of the world but someone already blocks my way. It was painful. I don't think I can trust people again. I cried the whole night because of that memory until I fell asleep. Kinabukasan ay walang pasok kaya naisipan kong gumising ng maaga para pumunta sa gym. Hindi ko yata kaya na mag stay lang dito sa bahay buong araw. Dahil tiyak na magpapadala na naman ako sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko munang umiwas sa mundo ng social media kahit saglit lang and have a healthy life. Kahit papaano ay may mabuti ding naidulot ang pagkawala ni Kyrine dahil simula nang mawala siya ay hindi na gano'n kahigpit sa'kin sila mama kaya nakakalabas na ako ng bahay tuwing walang pasok. Pero syempre may limitations pa rin kung saan lang ako
"May seminar workshop ng journalism dito sa School sa sabado. Kapag umattend tayo pwede natin 'yun maisama sa resume." wika ni Diana.Ilang segundo din akong nakatulala dahil napapaisip ako na sumali dito.Mahilig ako magsulat pero hindi ako gano'n kamulat sa journalism writing.Workshop lang naman diba?"Tara?" sagot ko."3 saturdays 'yun." dagdag pa niya."Okay lang para sa certificate!" pag-amin ko at sumang-ayon naman dito sina Rain at Paula.Kasalukuyan kaming nag-aayos ngayon ng mga papeles para sa darating na immersion next month.Naghahanda na din ako para sa darating na mock interview namin kay Ms. Jemerlin sa makalawa.We still have 1 month left before our immersion at wala akong mailagay na kahit na anong achievements sa resume ko dahil simula noong ipinanganak ako, wala akong nagawang kahit na anong makabuluhan.Senior High School na ako ngayon and after college makikita ko na ang reyalidad ng buhay kaya kailangan ko ng matutunang makisama dito.Napagdesisyunan namin ng mga
Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone. Nauna na naman akong nagising sa alarm ko. Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay. Dahil alam kong hindi 'yung pakikipag-away ni mama sa nanay ng kaklase ko 'nung elementary ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng lahat noon. Alam ko na may something sa sarili ko kaya't ayaw nila akong kaibiganin. Kung ano man 'yon? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ay ito na talaga siguro ako. Nagmamadali akong kumilos at pumasok na sa School. Mamaya pang hapon ang klase namin pero may meeting kami ngayon sa journ. Siguro 'yung iba magrereklamo kasi ang daming gawain. Acads plus extra curricular na rush ba naman? But the hell I care! Bakit ako magrereklamo 'e binigyan na nga ako ng chance ni Lord para patunayan ang sarili ko? Kaya kong umangat kahit pakiramdam ko ay mag-isa ako buong buhay ko.
Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit."Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang phone ko sa bulsa para irecord ang mga sasabihin niya.Hinawakan 'yung isang Mini-House Bank. It is made from wood, popsicle sticks, and paper and it isn't just a normal money bank because it has a boundary that you can separate the coins. It's an upstairs wooden square house painted cream and dark brown. Downstairs has two windows on the left side and three doors. I believe it's a sliding door in a real house. There is a pool in the backyard which is surrounded by plants. It has also room upstairs on the left side with a door in the middle and an open space on the other side that can be used for parties and downstairs it is a garage."Ate ang ganda naman po ng binebenta niyo, pwede ko po ba k
"Andyan na si Kybelle." sabi ni Ahmad pagkakita niya sa'kin sa pintuan kaya napalingon lahat kasama siya."Tapos na kampanya ng papa mo?" tanong ni kuya JM."Oo." naiilang kong sagot sabay pumwesto sa likod katabi si Callie."Si Kybelle mayaman 'yan 'e andaming sasakyan. 'Nung birthday ko nagpahatid pa 'yan sa bahay tapos dala-dalawang sasakyan pa 'yung gamit." pagsabi ni Ms. Myrtle randomly sa mga second batch ng Phantom."Oo nga, manlilibre nga 'yan mamaya 'e, di'ba Kybelle?" pang-uuto naman ni Ahmad."Oo sakto kakain tayo sa McDo mamaya pagkatapos di'ba?" pagpapaalala ni Miggy ng napag-usapan nila kanina habang wala pa ako."Ba't ako na naman nakita niyo wala akong pera." sagot ko naman."Next time na..." bulong ko pa."Bumulong sabi niya next time na daw HAHAHAHAHAHAHAHA." pagbubuko naman sa'kin ni Callie sa kanila."Wag na ngayon na para kasama natin sila. May iniiwasan ka ba?" biglang sabi ni kuya JM na ikinagulat ko. Paano niya nalaman?"Wala! Sino namang iiwasan ko?" pagdepens
The way he makes poetry out of nowhere.I knew it, it's him!And he knows me!Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.Pero si Jodi...Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone."Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya."Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya."I have to tell you something." pag-amin ko."Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.I need to energized myse
"Anong susunod na ganap sa journ Ms. Myrtle? Effective ba 'yung pananakot natin?" tanong ni Ahmad ng magkita-kita kaming tatlo ng biglaan."Okay naman na sila, gumagawa na pero hindi pa rin sapat. Kailangan ng deep connections dahil baka mamaya bumagsak na naman sila. Magandang kilala nila ang isa't-isa para kaya nilang itayo ang mga sarili nila kapag mas nastress pa sila lalo sa mga susunod na buwan." sagot nito."Huy, mag get together tayong lahat maganda 'yun! Sasama kaming mga pioneer batch, kami mag-aayos!" ani naman ni Ahmad. "Ang tanong, papayag kaya sila? Alam niyo namang puro acads ang priorities ng mga 'yon." sabi ko."Edi sabihin urgent meeting at kailangan kumpleto lahat." sabi naman ni Ahmad. "Invite natin si Sir. J, okay lang ba?" suggestion pa niya. "Okay lang pero buti sana kung pumayag 'yun! Alam mo namang masyadong busy si daddy J." sagot ni Ms. Myrtle. "Sasabihan ko na ba sila?" tanong ni Ahmad. "Kailan ba?" tanong ko din."As soon as possible ba dapat?" dagdag
Pagkauwi sa bahay ay agad akong nakatanggap ng chat galing kay Jedrick at kay Ahmad."I'm sorry." sabi ni Jedrick."Hoy, Kybelle anong nangyari sa date niyo ni Jedrick?" sabi naman ni Ahmad.Hindi ko sila pinansing dalawa at diretso ng humiga sa kama ng may nakatapong unan sa mukha ng biglang muli itong tumunog.Ahmad is calling...I immediately declined his call and sent a message, "I'm sorry Ahmad wala ako sa mood." at pinatay ang cellphone.Ito ako ngayon nakatingin sa ceiling at iniisip lahat ng pinagsamahan namin ni Jedrick sa Phantom.Kung hindi ba ako naging pioneer batch, hindi kami magtatagpo ulit?Kailangan ko bang pagsisihan na sumali ako sa publication o magpapasalamat dahil dito ay nagkatagpo ulit kaming dalawa?Napatigil ako sa mga iniisip ng bigla may kumatok sa pintuan."Nak? Nandito ka na?" rinig kong tawag ni mama at agad ko namang binuksan ang pintuan para makapasok siya."Bakit ang aga mo? Hindi ba't may gagawin pa kayo ng mga kaibigan mo?" tanong niya."Tapos na p
"Bakit mo kami pinatawag Ms. Myrtle?" tanong ni ate Queen pagkarating namin dito sa 3E1A na meeting place ng T.P."Hindi pa din gumagawa 'yung mga chaka ng dyaryo kapag wala kayo kaya hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon." sabi ni Ms. Myrtle, stressed na naman."Ah? Bakit ano pa bang kailangan nila 'e lahat na ginawa namin para tulungan sila?" ani naman ni Ahmad, nagtataka."Grabe naman sila." sabi din ni ate Teresa."H'wag na kaya kayo gumawa ng dyaryo ma'am? Wala namang masasayang na efforts kasi nga 'di sila nagawa." suggestion ni Tracy."Magagalit si Sir. J kapag hindi nagrelease ng second issue." pagpapaliwanag naman ni Ms. Myrtle."Lahat ba sila hindi gumagawa ma'am?" tanong ko, nagtataka dahil maayos ang usapan namin ni Jedrick ng huli kaming nagkasama na kikilos siya."Hindi naman pero konti pa din 'yung mga nasulpot sa meeting at ang naipapasa pa lang na articles 'nung iba ay 'yung tinulungan niyo pa sila." sagot naman niya."Anong plano mo?" tanong ni Ahmad kay Ms. Myrtle
"Ano palang nangyari sa pagsusulat niyo ng article ni Jedrick 'nung nakaraan? Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ni Eunice sa'kin habang bumibili kaming B.O.E.'s ng pagkain sa canteen.Babantayan ulit namin sila ngayon magsulat sa huling pagkakataon dahil deadline ng tasks nila mamaya kay Ms. Myrtle."Okay lang naman, saglit lang kami natapos kasi magaling na naman siya 'e." sabi ko."E ba't gabi na kayo nakauwi? Nagdate pa kayo noh!" sabi naman ni ate Teresa, nang-aasar."Uy, hindi ah! Nag getting to know each other lang para 'di naman awkward kapag nagawa kami ng newspaper." sabi ko, dinedepensahan ang sarili."Edi, hindi pa nga kayo umuwi pagkatapos?" tanong naman ni Yuri."Kumain lang kami sa McDo tapos namasyal sa Promality." sagot ko."Getting to know each other tapos sa Promality? Park for couples?" sabi naman ni Eunice."Ang landi mo naman." sabi rin ni Ahmad."Yun lang naman kasi pwedeng puntahan dito." sagot ko naman."Hindi ka naman pupunta 'dun kung dalawa lang kayo. Kami
"Sino bang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya. Nagpakawala muna siya ng isang buntong-hininga bago nagsalita. "I'm sorry. I'm at fault." sabi niya."Pa'no mo nagawa 'yun? Iniintindi kita, 'e... pinipilit ko kahit mahirap kasi mahal kita." pagsisimula ko."I... I can't tell you the reason." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya."Bullshit, Jedrick! Apat na taon na nakakalipas, wala ka pa ring maibigay na rason? Tapos ano, susulpot ka dito bigla at iba na pagkatao mo ganu'n? Ang hilig mo naman akong biglain..." hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya."Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yun. Oo, nagkamali ako pero hindi ko sinasadya. Siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon pero ginawa ko lang din 'yun para sa'yo." sabi niya. Bakit nagagawa niya pa ding magpalusot?! "Para sa'kin? Anong para sa'kin? Binigyan mo ako ng rason para mabuhay, at nagpapasalamat ako sa'yo para 'dun pero sa huli pinamukha mo din sa'kin na hanggang doon lang ako 'e." hindi ko na napigilan ang sarili
The way he makes poetry out of nowhere.I knew it, it's him!And he knows me!Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.Pero si Jodi...Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone."Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya."Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya."I have to tell you something." pag-amin ko."Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.I need to energized myse
"Andyan na si Kybelle." sabi ni Ahmad pagkakita niya sa'kin sa pintuan kaya napalingon lahat kasama siya."Tapos na kampanya ng papa mo?" tanong ni kuya JM."Oo." naiilang kong sagot sabay pumwesto sa likod katabi si Callie."Si Kybelle mayaman 'yan 'e andaming sasakyan. 'Nung birthday ko nagpahatid pa 'yan sa bahay tapos dala-dalawang sasakyan pa 'yung gamit." pagsabi ni Ms. Myrtle randomly sa mga second batch ng Phantom."Oo nga, manlilibre nga 'yan mamaya 'e, di'ba Kybelle?" pang-uuto naman ni Ahmad."Oo sakto kakain tayo sa McDo mamaya pagkatapos di'ba?" pagpapaalala ni Miggy ng napag-usapan nila kanina habang wala pa ako."Ba't ako na naman nakita niyo wala akong pera." sagot ko naman."Next time na..." bulong ko pa."Bumulong sabi niya next time na daw HAHAHAHAHAHAHAHA." pagbubuko naman sa'kin ni Callie sa kanila."Wag na ngayon na para kasama natin sila. May iniiwasan ka ba?" biglang sabi ni kuya JM na ikinagulat ko. Paano niya nalaman?"Wala! Sino namang iiwasan ko?" pagdepens
Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit."Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang phone ko sa bulsa para irecord ang mga sasabihin niya.Hinawakan 'yung isang Mini-House Bank. It is made from wood, popsicle sticks, and paper and it isn't just a normal money bank because it has a boundary that you can separate the coins. It's an upstairs wooden square house painted cream and dark brown. Downstairs has two windows on the left side and three doors. I believe it's a sliding door in a real house. There is a pool in the backyard which is surrounded by plants. It has also room upstairs on the left side with a door in the middle and an open space on the other side that can be used for parties and downstairs it is a garage."Ate ang ganda naman po ng binebenta niyo, pwede ko po ba k
Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone. Nauna na naman akong nagising sa alarm ko. Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay. Dahil alam kong hindi 'yung pakikipag-away ni mama sa nanay ng kaklase ko 'nung elementary ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng lahat noon. Alam ko na may something sa sarili ko kaya't ayaw nila akong kaibiganin. Kung ano man 'yon? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ay ito na talaga siguro ako. Nagmamadali akong kumilos at pumasok na sa School. Mamaya pang hapon ang klase namin pero may meeting kami ngayon sa journ. Siguro 'yung iba magrereklamo kasi ang daming gawain. Acads plus extra curricular na rush ba naman? But the hell I care! Bakit ako magrereklamo 'e binigyan na nga ako ng chance ni Lord para patunayan ang sarili ko? Kaya kong umangat kahit pakiramdam ko ay mag-isa ako buong buhay ko.