Tiningnan ni Camila si Leila at tumango nang bahagya. "May punto ka," aniya."Sa tingin ko ay talagang konektado ang taong ito kay Dominique. Oo nga at marami naman siyang ka-apelyido pero iba, e, prang may iba talaga. Halatang-halata na sinadyang ipaalam sa iyo na Castañeda ang may gawa dahil gusto ka nilang galitin at pagbantaan bilang ikaw ang legal na asawa," patuloy ni Leila, ang kaniyang tono ay analitikal.Natahimik si Camila. Nagbaba siya ng tingin at sinimulan na ang pagbuburda.Inabala naman ni Leila ang kaniyang sarili sa tablet, ngunit maya-maya lang ay huminto siya sa ginagawa at saka binaba ang tablet."Sandali nga. Pumunta ka roon sa parmasya kasama si Mrs. Buenvenidez kahapon, 'di ba?" nagmamadaling tanong ni Leila.Tumango si Camila."Oo, dinala niya ako roon. Sabi niya na naghahanap raw siya ng iba't-ibang folk remedies para tulungan akong magbuntis."Nanliliit ang mga matang tiningnan ni Leila si Camila. "Ayokong mambintang pero posible rin na si Dominique nga ang m
"H-huh? Anong sinasabi mo riyan? Siyempre, kung aalis ang assistant ko tapos ako maiiwan dito, unfair naman iyon sa'kin 'no!"Bumuntonghininga nang malalim si Leila at nagpaliwanag kay Kenneth."I can waive your breach of contract fee if you decide to terminate the agreement," sagot ni Kenneth ng may seryosong ekspresyon. "However, this program also has Mr. Buenvenidez's investment. If you offend him, it will be difficult for you to continue in the design industry."Agresibong gumalaw ang panga ni Leila at tinapunan niya ng masamang tingin si Kenneth."Are you threatening me, Mr. Fortaleza? Sinasabi ko na sa'yo, kung aalis si Camila, aalis din ako!""At anong magandang rason ang maibibigay mo, Miss Lopez?" tanong ni Kenneth, ang kaniyang tingin ay nanunuring mabuti."Ano pa bang rason ang kailangan kong ibigay? Magkagrupo kami ni Camila! Hindi lang 'yon, siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko sa trabaho. Sa tingin mo ba gusto kong manatili dahil lang sa pera?!" angil ni Leila sabay
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawang galitin nang matindi ni Camila si Juancho—at ito ay dahil lamang sa isang lalaki.Biglang pinatay ni Juancho ang tawag at pagkatapos ay marahas niyang hinagis ang kaniyang telepono sa pader, na siyang dahilan upang mawasak ito at bumagsak sa sahig.Nagulantang si Alvin sa biglaang pagsilakbo ng kaniyang amo, ngunit nanatili siyang tahimik sa gilid na nakamasid lamang. Kaagad niyang inutusan ang isa sa kaniyang mga tauhan upang bumili ng bagong telepono bilang kapalit sa telepono ni Juancho na nawasak at ipadala ito sa hotel kung nasaan sila ngayon.Samantala, noong narinig ni Leila mula kay Alvin ang tungkol sa pagkaubos ng pagtitimpi ni Juancho ay dali-dali niyang pinuntahan ang kaniyang kaibigan sa kuwarto nito upang kumustahin."Hindi mo na kailangan pang makipagbangayan kay Juancho nang dahil lang sa sitwasyon ngayon ni Justin. Nabalitaan ko na sobrang galit na galit daw si Juancho at sa sobrang galit niya ay binato niya ang kaniyang telepo
Pumasok si Kenneth sa loob ng kuwarto ni Camila at nang makapasok na ay marahan niyang sinarado ang pintuan sa kaniyang likuran. Tinapunan niya ng isang seryosong tingin ang babae gamit ang kaniyang peach blossom na mga mata, isang bibihirang senseridad sa kaniyang palabirong pagkilos.Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Camila," marahan niyang tawag, "galit ka pa rin ba?"Nanatili namang walang malasakit sa ekspresyon ni Camila. Ang kaniyang pustura ay mahinahon ngunit mayroong distansya. Habang ang kaniyang mga mata naman ay mayroong bakas ng pag-aalala, kahit pa ang boses niya ay matatag."Hindi naman ako galit," maayos niyang tugon. "Dismayado lang."Napansin ni Kenneth na parang hindi maganda ang pakiramdam ni Camila kaya't iginiya niya ito patungo sa sofa at tinulungan na umupo."Camila, nag-usap na kami ni Juancho. Pumayag siya na bumalik sa programa si Justin pati na rin ang designer niyang si Helena. Iyon nga lang galit siya kasi kinalaban mo siya para lang kay Justin."Mapai
Ang kinahinatnan ay ginulat ang lahat, subalit si Monica at ang kaniyang mga kapanalig ay nakatanggap ng babala.Samantalang si Dominique naman ay masama ang timpla. Hindi niya mawari nang lubusan kung bakit hinayaan ng team na manatili pa rin sina Justin at Helena sa programa. Ang hinala niya'y may kinalaman dito si Camila, na baka nakiusap si Sunshine kay Juancho sa ngalan ng kaniyang assistant.Kinahapunan, nag-organize ang team ng programa ng isang picnic sa bakuran ng hotel.Malawak ang bakuran, ang masaganang luntiang damuhan ay nakapagbibigay aliw sa mga taong naroon. Maagang dumating si Dominique, dahil gusto niyang makakuha ng magandang puwesto. Natuto na siya sa mga nakaraang karanasan na palagi na lang nahuhuli ang dating kaya't nauunahan ng iba. Subalit, hindi dumating nang maaga si Juancho gaya ng inaasahan niya.Habang ang bakuran ay nasisimula nang mapuno, lumapit si Monica sa kung nasaan banda si Dominique."Sa tingin mo kaya nandito pa rin si Justin ay dahil kay Assis
Sa sandaling binitawan ni Monica ang kaniyang sarkastikong pahayag ay hindi na rin napigilan ni Helena ang makisabat sa usapan."Injured ang paa ni Miss Villarazon, nakita iyon ng alaga kong si Justin. Tapos kahit injured na nga siya ay napilitan pa siyang maging alalay, inutusan ng kung anu-ano at pinagbubuhat pa ng mabigat na upuan. Siyempre, alangan namang panonoorin at hahayaan niya na lang iyong tao kahit nakikita niya na nahihirapan na ito, 'di ba? Subalit paanuman, sa mga mata pala ng ibang tao ay mayroong malisya ang ginawa niya at sinasabing may relasyon sila samantalang nagmabuting loob lang naman siya. Talaga nga namang sadyang madumi mag-isip ng ibang tao."Ang kaniyang matalim na sarkasmo ay kaagad na nagdulot sa mga masugid na manonood ng programa upang sumiklab ang kanilang mga bugso ng damdamin.[Now this is interesting! Noong mga nakaraang araw puro tungkol lahat kina Juancho Buenvenidez at sa munting assistant ang naha-highlight. Pero ngayon? Punong-puno ng drama—I l
Gamit ang kaniyang buong lakas, binawi ni Dominique ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Justin. Napalilibutan siya ng mga tao at hindi niya alam kung ano ang ginagawa nina Juancho at Camila sa likod niya. Kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil sa sama ng loob."Dahil mukhang hindi na kaya ni Miss Castañeda na magbalat ng prutas, ako na lang ang gagawa. Maaari ka na munang umupo sa gilid at magpahinga, Miss Castañeda," sabi ni Leila ng may mainit na ngiti sa labi.Kaagad namang tumango-tango si Kenneth bilang pagsang-ayon."Tama si Miss Lopez. Huwag kang mag-alala, Dominique, pinatawag ko na ang medical team at papunta na sila upang i-disinfect ang sugat mo. Mag-relax ka lang muna."Samantala, hindi naapektuhan si Helena, hinila niya si Justin pabalik sa kanilang gawain. Nagsimula naman si Leila na magbalat at maghiwa ng mga prutas ng may pangunguna. Habang si Kenneth naman ay iginiya si Dominique sa isang upuan at marahang hinipan ang nasugatang daliri ng babae ng mayroong ka
Ang ibang mga manonood na nasa live chat, lalo na ang mga taga-suporta ng tambalan nina Juancho at Camila ay halos mabaliw na sa sobrang kilig. Walang tigil na bumuhos ang mga regalo. Ang sunod-sunod na pagdating ng matinis na tunog ay nagdulot upang manginig ang screen at lumabo ang tanawin.Dahan-dahang nginuya ni Juancho ang pinakain sa kanya ni Camila na pusit habang unti-unti ring napapakunot ang kaniyang noo. Hindi siya sanay sa mga ganitong lasa, kailanman ay hindi pa siya nakakain o nakapaghanda ng mga katulad nitong kaswal na pagkain noon. Sa kabila ng kaniyang natural na talento pagdating sa pagluluto, sa wari niya ay nasobrahan ito sa luto o nasobrahan sa lasa, ang lasa nito ay sobrang layo kumpara sa mga refined seafood na gusto niya.Napansin ni Camila ang mukha ni Juancho na parang hindi ito nasasarapan sa kinain niya kaya't agad niyang sinubukan na magpaliwanag."Hindi ba masarap? Naku ganyan talaga ang lasa niyan, siguro ay hindi ka lang sanay sa lasa ng mga ihaw-ihaw.
Magiliw na inakbayan ni Andi si Camila.“Okay na ang pakiramdam ko. Humupa na iyong pamamaga ng mga kamay ko. Kapag natapos na itong shooting, bibisita ako sa shop ninyo para mag-order ng dress!“Sumilay ang malapad na ngiti sa labi ni Camila.“Sure! Asahan ka namin doon ha?“Tumango-tango si Andi at naghagikhikan silang dalawa.Dumilim ang ekspresyon ni Miko.Nang dumating si Juancho upang sunduin si Camila, ay nangunot ang kaniyang noo nang mapansin ang katayuan ni Miko.Ang mga mata ng lalaking ito ay palaging palihim na nakadikit kay Camila. Malimit din siyang magnakaw ng mga tingin sa kanya habang nagjo-jogging sila. Bakit mukha yata siyang nalulungkot ngayon?Gayon pa man, nanatili pa ring nasa mataas na alerto si Juancho laban kay Miko.Hindi nagtagal, pagbalik ni Camila sa kaniyang kuwarto, sunod ding pumasok sa loob si Juancho. Nag-order ito ng pagkain sa labas, na maya-maya lamang ay ide-deliver na rin.May mga pagkain naman dito sa hotel na provided ng crew para sa mga arti
“Cut! Miko, ano bang nangyayari sa'yo ngayon? Aarte ka o hindi? Sinasayang mo lang ang oras ng lahat!“ galit na bulyaw ni Direk Zaldy sa pangatlong pagkakataon dahil sa frustration niya kay Miko, na kanina pa mukhang distracted.Pinasadahan ng tingin ni Miko ang bupng paligid suot ang mukha na humihingi ng tawad.“Pasensya na po, direk. Pasensya na rin po sa lahat. Bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto para magpahinga.“Hindi niya maintindihan kung bakit ibinigay ni Camila kay Andi ang gloves na binili niya para sa kanya.Pinagmasdan ni Direk Zaldy si Miko na tumalikod at nagsimulang maglakad paalis doon pagkatapos humingi ng paumanhin. Sa pag-aalala ay mabilis din siyang tumayo sa puwesto upang sundan ito.“Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?“ tanong niya sa mahinang boses.“Hindi, direk. Basta bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto. Pinapangako ko na aayusin ko ang sarili ko.“ Nanatiling kalmado ang kaniyang boses, ngunit ang bigat sa mood niya ay mahirap ikubli.
“Kahit na! Alam mo namang ang dami-daming artista na narito sa lugar na ito ngayon. Paano kung may palihim palang sumusunod sa kanila o kaya naman ay naglagay sila ng mga hidden camera sa paligid?“Tinapunan ng masamang tingin ni Camila si Juancho.Umismid si Juancho. “Natatakot ka ba na mabunyag ang tunay mong relasyon sa akin?““Gaya ba kung paano mo ako tingnan ng mababa noon at natatakot na malantad ang katotohanang kasal ka sa akin?” banat ni Camila na may kasamang malamig na ngiti.Inayos ni Juancho ang kaniyang tayo at tumitig kay Camila gamit ang mabigat na tingin.“Camila, sabihin mo nga sa akin—naniniwala ka ba talaga na gano'n na lang kadali iwaksi ang damdamin?“Malinaw na malinaw pa niyang natatandaan kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ang babae para sa kanya noong pinakasalan siya nito.“Paano kung sabihin kong pinagsisisihan ko na na nagkagusto ako sa'yo? Lalo na ang magpakasal sa'yo?“ saad ni Camila na may mapangwasak na ngiti. “Mula noong sandaling gumamit ang
Mariing hinawakan ni Juancho ang mga paa ni Camila at nag-angat siya ng tingin sa kanya. “Hindi mo maaaring gamutin ang mga paa mo sa ganitong paraan. Mas sensetibo kasi ang mga ito sa sakit kaysa sa mga kamay. Ako na ang magmamasahe sa mga paa mo,” aniya.Sumimangot si Camila, bahagya siyang nakaramdam ng kiliti. “Bitaw...“ sambit niya sa mahinang boses.Hindi pinansin ni Juancho ang kaniyang pagprotesta. Sa halip ay tumayo siya, pumunta sa sofa at umupo sa tabi nito. Wala namang magawa si Camila kundi umayos ng upo. Sumandal siya sa balikat ng sofa at hinayaang hawakan ni Juancho ang kaniyang mga paa.Minasahe nang marahan ni Juancho ang mapula at namamagang bahagi sa kaniyang mga daliri sa paa.“Makakatulong ang pagmamasahe sa mga ito. Hindi ka ba bumili ng warm shoes mo?“ tanong niya sa malamig na tono.“Wala namang silbi 'yon,” sagot ni Camila.Nagsuot na siya ng snow boots, ngunit pagkatapos niyang tumakbo at maglakad-lakad sa snow buong araw, madalas ay nababasa lamang ang mga
Inilahad ni Camila ang kaniyang mga kamay sa doktor, na siyang sumuri sa kaniyang mga daliri na nababalot sa frostbite."Do you work outside in the cold wind all day? There is heating indoors, so you shouldn't have frostbite like this,” tanong ng doktor na may nag-aalalang mukha.“Uh, yes, I work outside,” tugon ni Camila."Apart from the method she mentioned, is there any other way? If this job must be done outdoors, is there a solution?" biglang tanong ni Juancho sa malamig na boses.Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Camila. “Don't meddle in my affairs!“"He is just concerned about you. Miss, if you must work outside, you have to keep warm. Otherwise, no matter how you treat it, it will be ineffective."Kaagad namang pumagitna ang doktor upang pahupahin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa."Just tell me if acupuncture can be used," ani Camila, na may bahid ng pag-aalala sa boses. Marami na rin kasi sa mga miyembro ng crew ang nakararanas sa kapareho niyang kondisyon."We
Alam ni Camila ang dahilan.Bali-balita nga na hindi mapigilan ni Andi ang pagkakamot sa kaniyang mga kamay dahil sobrang nangangati raw ito habang isinasagawa nila ang filming, na siya ring naging dahilan ng pagkakamali niya ng ilang ulit. At dahil din dito ay napagalitan siya ng direktor.Ipinaliwanag niya na sobrang lala talaga ng pangangati ng kaniyang mga kamay dahil sa frostbite at hindi na niya kaya pang hindi ito kamutin. Ngunit bandang huli ay naisip ng direktor na magiging mkatotohanan ito kung ipapakita sa camera, kaya't sinabi niya na ipagpatuloy lang muna nito ang pagtitiis sa frostbite para sa authenticity.Ang isang taga-timog na naglalakbay patungo sa napakalamig na hilaga ay tiyak na magkakaroon ng frostbite—ito ay ang pinaka karaniwang physiological reaction.Bilang resulta, ang kondisyon ng mga kamay ni Andi ay malayong mas malala pa kaysa sa kondisyon ng mga kamay ni Camila. Dahil ang mga kamay nito ay nasa bingit na ng pagkaka-crack at pagnanana.Kapag naiisip ni
Nagmaneho si Juancho patungo sa ospital at tumawag kay Alvin upang sabihin na i-check nito ang license plate number ng sasakyan na tumangay kay Camila.Nang makarating si Camila sa hotel malapit sa airport, natapos na ring ayusin ni Leila ang ipinasuyo niya. Ang assistant nila sa V&L ang inutusan ni Leila na maghatid ng maleta kay Camila sa hotel.“Miss Camila, bigla po kasing nagka-emergency si Miss Leila sa isang kliyente kaya ako ang inutusan niya na magdala nitong maleta sa iyo. Okay lang po ba kayo?“ nag-aalalang tanong ng assistant.Nakaramdam ng matinding kahihiyan si Camila.Bagaman karaniwan ay nakabihis siya ng simple, kailanma'y hindi pa naging ganito kagulo ang kaniyang hitsura noon. Wala siyang suot na sapin sa paa, ang kaniyang damit ay gusot-gusot at ang kaniyang buhok ay magulong nakabuhaghag. Mukha siyang basang sisiw.“Okay naman. Nabasa lang ako. Salamat ha. Alam kong marami kayong ginagawa sa shop, kaya puwede ka ng bumalik doon. Babalik na akong China para mag-ass
Dumapo ang tingin ni Lolo Alonzo kay Camila habang dahan-dahan itong naglalakad pababa sa hagdan.Basang-basa si Camila at nag-aalala si Lolo Alonzo na baka magkasakit ito.“Camila anong nangyari sa'yo? Magbihis ka muna...“ malumanay na sinabi ni Lolo Alonzo, halata ang kaniyang pag-aalala.Nagpatuloy pa rin si Camila sa kaniyang paglalakad pababa. Wala siyang suot na anumang sapin sa paa at nag-iiwan ito ng basang bakas sa sahig. Huminto siya sa paglalakad nang makarating na sa harapan ni Lola Zonya. Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang malamig na tingin ng matandang babae.“Ano po bang masama sa sinabi ko sa inyo? Hindi ko sinabing yaya kayo o anuman, kayo ang kusang nag-isip no'n sa sarili ninyo. Can’t I just not be the perfect, helpless woman you expect? Kung gustong-gusto niyo talagang mamuhay sa mga luma niyong ideya, kayo ang pumili no'n. Bakit kailangan niyo pa akong idamay? Huwag niyo na ulit akong susubukan pa na pilitin sa mga gusto ninyo.“Kahit nanghihin
Tinitigan ni Kenneth ang kaniyang cellphone nang natapos na ang tawag habang lalo namang tumitindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Sinubukan niya ulit na tumawag, ngunit nakapatay pa rin ang cellphone ni Camila. Nag-reach out na rin siya kay Marco, subalit maging ito ay hindi rin daw alam kung nasaan si Camila.“Wala rin daw alam iyong mga napagtanungan ko. Nasaan na kaya siya?“ sambit niya sa mahinang boses. Ang pag-aalalang nararamdaman niya ay palala nang palala.“P-paano kung may... nangyari na palang masama sa kanya?“ puno ng pangamba at pag-aalalang tanong din ni Leila na nasa tabi ni Kenneth.Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ang dalawang kamay ay nakahawak na sa ulo.“Magre-report ako sa pulis! Dapat ginawa ko na 'to noong una pa lang na hindi ko siya mahagilap!“ bulalas niya pagkaraan ng ilang sandali.“Sige, mabuti pa nga,” mabilis na pagsang-ayon ni Kenneth. Kung sakaling mayroon ngang nangyaring masama kay Camila, baka maging huli na ang lahat kapag hindi pa ri