Sa sandaling binitawan ni Monica ang kaniyang sarkastikong pahayag ay hindi na rin napigilan ni Helena ang makisabat sa usapan."Injured ang paa ni Miss Villarazon, nakita iyon ng alaga kong si Justin. Tapos kahit injured na nga siya ay napilitan pa siyang maging alalay, inutusan ng kung anu-ano at pinagbubuhat pa ng mabigat na upuan. Siyempre, alangan namang panonoorin at hahayaan niya na lang iyong tao kahit nakikita niya na nahihirapan na ito, 'di ba? Subalit paanuman, sa mga mata pala ng ibang tao ay mayroong malisya ang ginawa niya at sinasabing may relasyon sila samantalang nagmabuting loob lang naman siya. Talaga nga namang sadyang madumi mag-isip ng ibang tao."Ang kaniyang matalim na sarkasmo ay kaagad na nagdulot sa mga masugid na manonood ng programa upang sumiklab ang kanilang mga bugso ng damdamin.[Now this is interesting! Noong mga nakaraang araw puro tungkol lahat kina Juancho Buenvenidez at sa munting assistant ang naha-highlight. Pero ngayon? Punong-puno ng drama—I l
Gamit ang kaniyang buong lakas, binawi ni Dominique ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Justin. Napalilibutan siya ng mga tao at hindi niya alam kung ano ang ginagawa nina Juancho at Camila sa likod niya. Kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil sa sama ng loob."Dahil mukhang hindi na kaya ni Miss Castañeda na magbalat ng prutas, ako na lang ang gagawa. Maaari ka na munang umupo sa gilid at magpahinga, Miss Castañeda," sabi ni Leila ng may mainit na ngiti sa labi.Kaagad namang tumango-tango si Kenneth bilang pagsang-ayon."Tama si Miss Lopez. Huwag kang mag-alala, Dominique, pinatawag ko na ang medical team at papunta na sila upang i-disinfect ang sugat mo. Mag-relax ka lang muna."Samantala, hindi naapektuhan si Helena, hinila niya si Justin pabalik sa kanilang gawain. Nagsimula naman si Leila na magbalat at maghiwa ng mga prutas ng may pangunguna. Habang si Kenneth naman ay iginiya si Dominique sa isang upuan at marahang hinipan ang nasugatang daliri ng babae ng mayroong ka
Ang ibang mga manonood na nasa live chat, lalo na ang mga taga-suporta ng tambalan nina Juancho at Camila ay halos mabaliw na sa sobrang kilig. Walang tigil na bumuhos ang mga regalo. Ang sunod-sunod na pagdating ng matinis na tunog ay nagdulot upang manginig ang screen at lumabo ang tanawin.Dahan-dahang nginuya ni Juancho ang pinakain sa kanya ni Camila na pusit habang unti-unti ring napapakunot ang kaniyang noo. Hindi siya sanay sa mga ganitong lasa, kailanman ay hindi pa siya nakakain o nakapaghanda ng mga katulad nitong kaswal na pagkain noon. Sa kabila ng kaniyang natural na talento pagdating sa pagluluto, sa wari niya ay nasobrahan ito sa luto o nasobrahan sa lasa, ang lasa nito ay sobrang layo kumpara sa mga refined seafood na gusto niya.Napansin ni Camila ang mukha ni Juancho na parang hindi ito nasasarapan sa kinain niya kaya't agad niyang sinubukan na magpaliwanag."Hindi ba masarap? Naku ganyan talaga ang lasa niyan, siguro ay hindi ka lang sanay sa lasa ng mga ihaw-ihaw.
Mula sa malayo, pinagmamasdan ni Dominique sina Juancho at Kenneth na nag-uusap. Isang madilim na emosyon ang bumalot sa kaniyang mga mata.Kung ang nakalipas na dalawang insidente ay aksidente lamang, ano naman itong ngayon?Sobra ang ipinakikitang pagmamalasakit ni Juancho kay Camila. Malayong mas higit pa kaysa sa sarili niya mismo.Palaging iniisip ni Dominique na siya lamang ang tanging tao na pinagmamalasakitan ni Juancho, ngunit hindi niya lubos akalain na mayroon palang mas hihigit pa sa kanya, ang malala pa nito, isang munting assistant lang iyon.Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at nagbaba ng tingin sa sugat sa kaniyang daliri. Isang malamig na ekspresyon ang dumaan sa kaniyang mukha.Sa sandaling iyon ay bumulong si Monica sa kanya."Ako lang ba o napapansin mo rin... na parang sobra-sobra ang pagpapahalaga ni Mr. Buenvenidez kay Assistant Villarazon? Sa tuwing magkakaroon tayo ng tea party, kailangan palagi na lang nasa tabi niya ang bruha, na maging ang mga kuw
Lumabas si Camila mula sa banyo at halos mapatalon siya sa gulat nang makita niya si Juancho na nakatayo sa loob ng kuwarto niya at tinititigan ang draft ng disenyo na inilapag niya kanina sa ibabaw ng mesa bago maligo.Kumalabog ang puso niya sa kaba na halos hindi na siya makahinga."P-paano ka nakapasok?!" sigaw niya, kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkagulantang.Naputol pansamantala ang mga ideya na pumapasok sa isipan ni Juancho at napasulyap siya sa banda ni Camila ngunit saglit lamang dahil bumalik din ang kaniyang tingin sa mga bagay na nasa ibabaw ng mesa. Naglakad siya palapit doon at pinulot ang draft ng disenyo."Binigay sa akin ni Kenneth ang key card ng kuwarto mo. Bakit? Bawal ba akong pumasok?" sagot niya habang ang kaniyang mga mata ay nanatiling tutok sa papel.Pinilit ni Camila ang kaniyang sarili na kumalma. Pinaalalahanan niya rin ang sarili na huwag masyadong mag-panic dahil baka mas lalo siyang mahalata."Oh, gano'n ba? Bakit, nagtatakot ba siya na baka hind
Camila had a bad feeling.Kung anuman ang ginawa nina Monica kanina ay maaaring may kinalaman sa magiging kalalabasan ng kompetisyon.Magkasunod na pumasok ang dalawang magkaibigan sa kuwarto. Naglakad si Leila nang pabalik-balik at maya't-maya ay ginugulo ang kaniyang buhok dahil sa frustration."Anong dapat nating gawin? Nagsisimula na akong mataranta!" bulalas niya.Ang anxiety na dulot ng hindi niya mapangalanang bagay ang naging dahilan ng kaniyang pagkabagabag."Mayro'n pang dalawang araw na natitira bago ang kompetisyon. Wala na tayong panahon pa para ma-figure out kung ano ang ginawa nina Monica," mahinahon na sagot ni Camila. "Wala tayong dapat ikatakot. Isn't everything going according to our plan?"Tinapunan ng tingin ni Leila si Camila. "Baka noong nakita ni Helena sila Monica sa garden kaninang alas singko ay nagpapahangin lang din sila? Naglalakad-lakad gaya niya?""Wala tayong ideya kung ano marahil ang ginagawa nila Monica roon ng gano'n kaaga. Hindi makakatulong kung
Ang unang fashion show ay bukas na magaganap.Upang maiwasan ang anumang pagkakamali o kapahamakan, bumalik si Camila sa kaniyang kuwarto dala ang dress para suriin at ayusin itong mabuti.Pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto ay halos mapatalon siya sa sobrang gulat nang makita niya si Juancho na nakaupo sa loob.Noong nakaraang dalawang araw nabalitaan ni Camila na umalis daw si Juancho at nagtungo sa kanilang kompanya. Akala niya ay bukas pa ang balik nito dito sa hotel. His sudden appearance in her room disrupted her already strained nerves."Juancho...""Are you surprised to see me?" tanong ni Juancho habang ibinababa ang sketch pad ni Camila.Sa sketch pad na iyon, doon iginuguhit ni Camila ang mga patterns—mga disenyo na bigla na lamang pumapasok sa kaniyang isipan na maaari niyang gamitin sa mga kasuotan na gagawin niya balang araw. Hindi niya lubos akalain na si Juancho, na kadalasan ay hindi naman nagpapakita ng anumang interest sa kaniyang mga gawain ay pakikialaman ito ng
Bandang alas sais nang umaga, natanggap ni Juancho ang lahat ng mga impormasyon na nalikom ng assistant niyang si Alvin sa loob nang nakalipas na dalawang araw.Ikinalat niya ang mga larawan na nakuha niya mula sa sketch pad ni Camila kagabi at ikinumpara ang mga ito sa draft ng disenyo na nakolekta ni Alvin.Napakadaming maliliit na patterns ang iginuhit ni Camila sa kaniyang sketch pad. Napansin ni Juancho ang parehong mga patterns sa mga dating draft ng disenyo na gawa ni Sunshine. Nanliliit ang kaniyang mga mata habang metikulusong pinagkukumpara ang dalawa.Nang matagpuan niya ang isang magkatugmang magkatugma na drawing ng crane ay inilapag ni Juancho ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng disenyo upung suriin ito sa malapitan.Ang crane na nasa sketch pad ni Camila ay ginamitan ng parehong light at shadow techniques na ginamit din ni Sunshine sa kaniyang nakaraang mga trabaho.The use of light and shadow often reveals a person’s innate talent for painting. Kahit gaano pa kagaling
Pagkatapos harapin at ayusin ni Kenneth ang nangyaring kaguluhan sa programa ay umupo siya upang magpahinga. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad itong minanipula. Unang bumungad sa kaniyang feed ang isang post na mukhang pinagkakaguluhan ng mga netizens. Napansin niya na ang post na ito ay mula sa isa sa mga staff ng V&L House of Fashion.Naintriga siya bigla, buong akala niya ito ay isang mahalagang anunsyo mula sa V&L, ngunit nang i-click niya ito ay nakita niya nang mas malinaw ang larawan na p-in-ost ng staff. Namilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa gulat.Dahan-dahang pinasadahan ng kaniyang dila ang kaniyang pang-ibabang labi. S-in-ave niya ang larawan sa kaniyang gallery at dali-daling nagpadala ng mensahe kay Juancho.To Juancho:Hulaan mo. Mayroon akong hawak ngayon na napaka importanteng larawan. Kung magbibigay ka pa ng dagdag na sampung milyon na investment sa akin, ise-send ko 'to sa'yo agad agad.From Juancho:?Tininitigan pang mab
"Welcome back, Miss Villarzon, Miss Lopez!"Pagbalik sa V&L House of Fashion, kaagad na sinalubong ng assistant ang dalawa upang batiin sa kanilang muling pagbabalik sa shop.Tumango lamang si Camila bilang tugon at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang opisina. Bumati naman si Leila pabalik sa assistant at ngumiti. Tinulungan siya ng assistant sa pagbitbit ng maleta at sabay na rin silang sumunod kay Camila sa loob."Siya nga pala, 'wag mong kalimutang maghanda ng kape mamaya, mayroon tayong mga bisitang aasahang dumating," ani Camila sa assistant."Opo, Miss," magalang na tugon nito habang inilalagay ang maleta sa gilid.Diretso naman ang lakad ni Leila patungo sa sofa, hinubad niya ang suot na sunglasses at saka padarag na ibinagsak ang sarili roon. Humilata siya, na parang ngayon pa lang makakahigapagkalipas nang mahabang panahon.Umupo naman si Camila sa kaniyang mesa. "Lei, anong ginagawa mo? Huwag kang humilata riyan. I-organize mo na ang mga impormasyon at pumunt
Naputol ang live broadcast."Do we really have to go this far?" tanong ni Juancho.Ang tanong niyang iyon ay idinirekta niya kay Camila.Inilipat ni Camila ang kaniyang tingin sa iba pang mga taong kasama nila sa loob ng kuwarto."What are you all standing here for? Get out!" biglang saad ni Kenneth sa mga staff at team ng live broadcast na nananatili pa ring nanonood sa eksena.Agad naman silang kumaripas lahat palabas dala ang mga camera at iba pang mga kagamitan sa pagla-live."Dominique, Monica, please..." dagdag pa niya at inilahad ang kaniyang kamay sa gawi ng pintuan.Tinulungan ni Monica si Dominique na tumayo at pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kuwarto. Ngunit bago iyon ay tinapunan muna ng nagmamakaawang tingin ni Dominique si Juancho, pero nabigo lamang siya dahil hindi pa rin naaalis ang tingin ni Juancho kay Camila kaya wala na siyang nagawa kundi umalis doon kasama si Monica.Napabusangot si Leila, mukhang hindi natuwa sa ginawa ni Kenneth."Miss Lopez, please...
Tinapunan muna ng tingin ni Juancho si Camila bago niya nilingon si Dominique na nakatayo sa kaniyang likuran. "Speak for yourself," aniya.Humakbang si Dominique paalis sa likuran ni Juancho at tuluyan nang nagpakita sa kanila. Tiningnan niya si Camila at pagkatapos ay si Leila."Miss Lopez, I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ni Miss Sales. Noong binanggit ko sa kanya ang tungkol sa bag, nakita ko na sobrang gustong-gusto niya talaga ito, kaya ibinenta ko na lang sa kanya sa mas mababang presyo. Pero hindi ko akalain na ibebenta niya rin pala ito sa iba, gamit pa ang orihinal na presyo..." paliwanag niya.Kinagat ni Monica ang kaniyang pang-ibabang labi at nanatiling tahimik.Sa hula ni Camila, kaya nananatiling walang angal si Monica ay dahil baka sinusubukan niyang akuin ang lahat ng kasalanan.Nag-angat ng kilay si Leila at dumapo ang kaniyang paningin sa relo. "Gusto ko rin ang relo sa iyong palapulsuhan, ibebenta mo rin ba sa akin 'yan sa mababang presyo
[Dapat ay mag-disenyo si Sunshine ng live upang patunayan ang kaniyang mga kakayahan, nang sa gayon ay makumbinsi niya ang mga manonood na nagdududa na sa kanya. Kung hindi, talagang hindi siya karapat-dapat para sa premyo!]Iyan ang komento ng isang netizen na nakakuha ng maraming reaksiyon mula sa iba pang mga manonood. Karamihan ay sumasang-ayon sa kaniyang komento.Nakita ng direktor na patuloy pa rin ang pagdagsa ng reaksiyon ng mga netizens, kaya't humingi na siya ng payo kay Kenneth."Hayaan mo lang silang gumawa ng ingay. Ang fashion show ay tuloy pa rin mamayang alas dos. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang munang kumain ng pananghalian at pagkatapos ay sabihan mo ang mga modelo na simulan na ang paghahanda. Bilisan ang pagmi-make up. Hindi puwedeng ma-delay ang umpisa ng show," simpleng sagot ni Kenneth pagkatapos niyang marinig ang hinaing ng direktor.Abala siya sa pagsuri at pagsukat sa laki ng isang pares ng pambabaeng sapatos sa mga sandaling iyon.Sinulyapan ng direktor an
Masama ang timpla ni Camila nang makarating siya sa kuwarto ni Leila. Pagkabukas niya sa pinto ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang kaniyangkaibigan na tahimik na nakaupo sa sofa, tila malalim ang iniisip kaya hindi siya napansin.Pagkarinig ni Leila na sumaradong pinto ay para siyang biglang natauhan at bumalik sa realidad. Agad siyang tumingin kay Camila. "Anong sabi ni Juancho?"Bumuntonghininga si Camila."Sinabi niya na kakausapin niya raw si Dominique para humingi ng tawad at na kailangan daw ay siya pa rin ang magiging modelo natin. Pero ayaw ko na talaga, Lei," sagot niya sabay tamad na umupo sa tabi ni Leila.Malamig ang malasalamin niyang mga mata.Itinuon ni Leila ang kaniyang buong atensyon kay Camila."Anong binabalak mo? Kakalabanin mo si Dominique? Hindi naman kaya sa V&L ibuhos ni Juancho ang galit niya dahil diyan?""Lei, hindi mo ba naiisip? Na kaya hinahayaan lang natin na kontrolin tayo nina Juancho at Dominique ay dahil sa takot natin na maungkat ang
Napansin ni Juancho ang pagbabago sa mga mata ni Camila. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kenneth na baka hindi siya nito mahal kaya lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo."Kung hindi siya hihingi ng tawad sa harap ng publiko, mas mabuti pang kalimutan mo na lang na magdidisenyo pa kami para lang sa kanya. Dahil maniwala ka man o hindi—kayang-kaya kong gupit-gupitin ang bawat piraso ng mga kasuotan na gawa na."Ang malamig na tingin ni Camila ay napalitan at naging walang interes."You're that determined to oppose her?" Matigas ang tono ni Juancho. "Fine, I'll—""I don't want to hear it!" mabilis na putol sa kanya ni Camila, na tumataas ang boses. "Matagumpay ang V&L ngayon dahil sa magandang reputasyon na binuo ni Sunshine. Ang ginawa ni Dominique ngayong araw ay hindi lamang isang simpleng personal na pag-atake, pananabotahe rin iyon ng karera! Ang paninira sa kabuhayan ng isang tao ay para na ring pagpatay sa tao mismo. Naiintindihan mo man lang ba iyon, huh?!""Tungkol ba 'to
"Sina Miss Castañeda at Miss Sales ang nagmungkahi na magsabawatan kami upang mapatalsik sa programa si Miss Lopez at ang assistant niyang si Miss Villarazon," mariing saad ni Helena sabay sulyap kay Justin.Ang binitiwan niyang pahayag ay nagbigay-linaw sa kaniyang posisyon kina Camila at Leila."Anong masasabi mo tungkol dito?" Lumipat ang tingin ni Juancho kay Leila.Nag-angat ng kilay si Leila at lakas-loob na sinalubong ang mga mata ni Juancho."Anong masasabi ko? Simple lang. Peke ang video, edited. Alam kong kaya ninyong i-verify 'yon. At Mr. Buenvenidez, ipapaalala ko lang sa inyo, baka kasi nakalimutan niyo na, e. Kayo ang may gustong nandito kami ngayon sa programang ito. Alam kong alam mo na ayaw naming sumali rito noong una pero pinilit ninyo kami. Sa pagkakaalala ko sa naging usapan sa kasunduan ay magiging maayos ang lahat at hindi ninyo kami ipapahiya. Pero ano 'tong mga nangyayari ngayon? Pinalampas ko noong una ang ginawang paninira sa pangalan at reputasyon ko pati n
Sarkastikong ngumiti si Leila. Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa isang napakalaking kalokohan na ito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil baka hindi siya makapagtimpi at talagang makatikim na talaga sa kanya ang mga bruha."Talaga?" aniya sabay tapon ng malamig na tingin kay Dominique. "Bilang aking 'biggest fan', siniraan at pinagbintangan mo ako noong nakaraan na ginagamit ko ang assistant ko para makuha ang tema ng kompetisyon nang mas maaga. Tapos ngayon, pinipilit mo akong umamin sa plagiarism gamit ang dinoktor na video at audio recording? Wow ha. Tunay nga, ikaw ang aking pinaka masugid na taga-suporta."Ngumisi si Monica. “Well, perhaps the previous accusation wasn’t baseless. After all, you do have a rather ‘capable’ assistant.”Ang kaniyang makahulugang tingin ay tumuon kay Camila.Sinalubong ni Camila ang mga ni Monica ng may hindi nagpapasindak na ekspresyon. "Oh? Bakit hindi mo i-elaborate kung gaano ako ka 'capable' gaya ng sinasabi mo? Sapat ang kakayahan