Mula sa malayo, pinagmamasdan ni Dominique sina Juancho at Kenneth na nag-uusap. Isang madilim na emosyon ang bumalot sa kaniyang mga mata.Kung ang nakalipas na dalawang insidente ay aksidente lamang, ano naman itong ngayon?Sobra ang ipinakikitang pagmamalasakit ni Juancho kay Camila. Malayong mas higit pa kaysa sa sarili niya mismo.Palaging iniisip ni Dominique na siya lamang ang tanging tao na pinagmamalasakitan ni Juancho, ngunit hindi niya lubos akalain na mayroon palang mas hihigit pa sa kanya, ang malala pa nito, isang munting assistant lang iyon.Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at nagbaba ng tingin sa sugat sa kaniyang daliri. Isang malamig na ekspresyon ang dumaan sa kaniyang mukha.Sa sandaling iyon ay bumulong si Monica sa kanya."Ako lang ba o napapansin mo rin... na parang sobra-sobra ang pagpapahalaga ni Mr. Buenvenidez kay Assistant Villarazon? Sa tuwing magkakaroon tayo ng tea party, kailangan palagi na lang nasa tabi niya ang bruha, na maging ang mga kuw
Lumabas si Camila mula sa banyo at halos mapatalon siya sa gulat nang makita niya si Juancho na nakatayo sa loob ng kuwarto niya at tinititigan ang draft ng disenyo na inilapag niya kanina sa ibabaw ng mesa bago maligo.Kumalabog ang puso niya sa kaba na halos hindi na siya makahinga."P-paano ka nakapasok?!" sigaw niya, kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkagulantang.Naputol pansamantala ang mga ideya na pumapasok sa isipan ni Juancho at napasulyap siya sa banda ni Camila ngunit saglit lamang dahil bumalik din ang kaniyang tingin sa mga bagay na nasa ibabaw ng mesa. Naglakad siya palapit doon at pinulot ang draft ng disenyo."Binigay sa akin ni Kenneth ang key card ng kuwarto mo. Bakit? Bawal ba akong pumasok?" sagot niya habang ang kaniyang mga mata ay nanatiling tutok sa papel.Pinilit ni Camila ang kaniyang sarili na kumalma. Pinaalalahanan niya rin ang sarili na huwag masyadong mag-panic dahil baka mas lalo siyang mahalata."Oh, gano'n ba? Bakit, nagtatakot ba siya na baka hind
Camila had a bad feeling.Kung anuman ang ginawa nina Monica kanina ay maaaring may kinalaman sa magiging kalalabasan ng kompetisyon.Magkasunod na pumasok ang dalawang magkaibigan sa kuwarto. Naglakad si Leila nang pabalik-balik at maya't-maya ay ginugulo ang kaniyang buhok dahil sa frustration."Anong dapat nating gawin? Nagsisimula na akong mataranta!" bulalas niya.Ang anxiety na dulot ng hindi niya mapangalanang bagay ang naging dahilan ng kaniyang pagkabagabag."Mayro'n pang dalawang araw na natitira bago ang kompetisyon. Wala na tayong panahon pa para ma-figure out kung ano ang ginawa nina Monica," mahinahon na sagot ni Camila. "Wala tayong dapat ikatakot. Isn't everything going according to our plan?"Tinapunan ng tingin ni Leila si Camila. "Baka noong nakita ni Helena sila Monica sa garden kaninang alas singko ay nagpapahangin lang din sila? Naglalakad-lakad gaya niya?""Wala tayong ideya kung ano marahil ang ginagawa nila Monica roon ng gano'n kaaga. Hindi makakatulong kung
Ang unang fashion show ay bukas na magaganap.Upang maiwasan ang anumang pagkakamali o kapahamakan, bumalik si Camila sa kaniyang kuwarto dala ang dress para suriin at ayusin itong mabuti.Pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto ay halos mapatalon siya sa sobrang gulat nang makita niya si Juancho na nakaupo sa loob.Noong nakaraang dalawang araw nabalitaan ni Camila na umalis daw si Juancho at nagtungo sa kanilang kompanya. Akala niya ay bukas pa ang balik nito dito sa hotel. His sudden appearance in her room disrupted her already strained nerves."Juancho...""Are you surprised to see me?" tanong ni Juancho habang ibinababa ang sketch pad ni Camila.Sa sketch pad na iyon, doon iginuguhit ni Camila ang mga patterns—mga disenyo na bigla na lamang pumapasok sa kaniyang isipan na maaari niyang gamitin sa mga kasuotan na gagawin niya balang araw. Hindi niya lubos akalain na si Juancho, na kadalasan ay hindi naman nagpapakita ng anumang interest sa kaniyang mga gawain ay pakikialaman ito ng
Bandang alas sais nang umaga, natanggap ni Juancho ang lahat ng mga impormasyon na nalikom ng assistant niyang si Alvin sa loob nang nakalipas na dalawang araw.Ikinalat niya ang mga larawan na nakuha niya mula sa sketch pad ni Camila kagabi at ikinumpara ang mga ito sa draft ng disenyo na nakolekta ni Alvin.Napakadaming maliliit na patterns ang iginuhit ni Camila sa kaniyang sketch pad. Napansin ni Juancho ang parehong mga patterns sa mga dating draft ng disenyo na gawa ni Sunshine. Nanliliit ang kaniyang mga mata habang metikulusong pinagkukumpara ang dalawa.Nang matagpuan niya ang isang magkatugmang magkatugma na drawing ng crane ay inilapag ni Juancho ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng disenyo upung suriin ito sa malapitan.Ang crane na nasa sketch pad ni Camila ay ginamitan ng parehong light at shadow techniques na ginamit din ni Sunshine sa kaniyang nakaraang mga trabaho.The use of light and shadow often reveals a person’s innate talent for painting. Kahit gaano pa kagaling
Kenneth found Juancho's question odd. They were a married couple, yet his wife claimed her husband was dead.Hindi ba't ibig sabihin noon ay parang sinasabi na rin niya na ang kaniyang asawa ay walang silbi katulad ng isang patay?O sa madaling salita, ang kanilang relasyon ay katulad na rin sa pagkabalo.O tungkol kaya ito sa pagkakaugnay ni Juancho kay Dominique kaya gano'n ang sinasabi ng kaniyang asawa?Pinagmasdan nang mabuti ni Kenneth si Juancho nang ilang sandali. "Are you, by any chance, giving your 'public grain' to Dominique?" maingat niyang tanong."Are you sick?"Tinapunan siya ni Juancho ng isang malamig at matalim na tingin.Kaagad na umayos si Kenneth. "Ibig kong sabihin, iyong asawa mo kasi ay mukhang ang sama sama ng loob sa'yo. Hindi man lang nga niya ipinaalam sa'yo na siya pala ang tunay na Sunshine—isang mahusay at sikat na designer. Sa tingin mo ba ay pumalpak ka sa mga tungkulin mo bilang asawa niya?"Ang ekspresyon ni Juancho ay naging malamig habang umiigting
Iniabot ni Alvin ang cellphone kay Juancho.Si Kenneth naman na nakatayo lamang sa malapit ay biglang sumimangot dahil sa iritasyon sa ginawa ni Alvin. Siya ang mas malapit kay Alvin pero mas pinili pa talaga nitong ibigay ang cellphone kay Juancho na mas malayo sa kanila. Wala ba siyang karapatan na tingnan kung tungkol saan ang sinasabi niyang video?Habang lumalapit si Alvin kay Juancho upang i-play ang video, dali-dali namang naglakad si Kenneth patungo roon at tumabi sa gilid niya habang dumudunghal para makita niya ng mas maganda at mas malinaw ang video.Ang titulo ng nasabing video ay sobrang pasabog.BREAKING NEWS!!![Shock! The Famous Designer Is Actually a Master of Plagiarism! Designs and Clothing Fabricated by Her Assistant!]Sa video, makikita si Camila na lumabas mula sa kuwarto ni Leila na may bitbit na kasuotan sa kaniyang mga bisig. Sunod na nakita sa footage ay ang pagbalik niya sa kuwarto ni Leila kinabukasan dala pa rin ang kasuotan ngunit sa pagkakataong ito, ang
Sarkastikong ngumiti si Leila. Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa isang napakalaking kalokohan na ito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil baka hindi siya makapagtimpi at talagang makatikim na talaga sa kanya ang mga bruha."Talaga?" aniya sabay tapon ng malamig na tingin kay Dominique. "Bilang aking 'biggest fan', siniraan at pinagbintangan mo ako noong nakaraan na ginagamit ko ang assistant ko para makuha ang tema ng kompetisyon nang mas maaga. Tapos ngayon, pinipilit mo akong umamin sa plagiarism gamit ang dinoktor na video at audio recording? Wow ha. Tunay nga, ikaw ang aking pinaka masugid na taga-suporta."Ngumisi si Monica. “Well, perhaps the previous accusation wasn’t baseless. After all, you do have a rather ‘capable’ assistant.”Ang kaniyang makahulugang tingin ay tumuon kay Camila.Sinalubong ni Camila ang mga ni Monica ng may hindi nagpapasindak na ekspresyon. "Oh? Bakit hindi mo i-elaborate kung gaano ako ka 'capable' gaya ng sinasabi mo? Sapat ang kakayahan
Tumayo si Camila hawak ang kaniyang pinagkainan at ang mukha ay malamig.“Paano mo malalaman? Juancho, sa loob ng nakalipas na tatlong taon na nagkasama tayo, ang dami dami ko nang sinabi sa'yo, pero kailanma'y hindi ka nagkaroon ng pakialam. Pagod na ako at ayaw ko nang magsabi pa. Gusto mong malaman ngayon, pero alam mo sa tingin ko wala na rin namang silbi pa.“Naglakad siya patungo sa loob ng kusina at sinimulang hugasan ang kaniyang pinagkainan, pati na rin ang mga iba pang nagamit sa pagluluto kanina.Patapos na siya sa ginagawa nang bigla niyang naramdaman na pumulupot ang mga braso ni Juancho sa kaniyang baywang at marahan siyang niyakap mula sa likuran.Masuyong hinalikan ni Juancho ang kaniyang tainga na bahagyang nagpakiliti sa kanya ngunit hindi niya pinahalata.“Camila, sabihin mo nga sa akin, sa nakalipas na tatlong taon—““Kung gusto mong makipag-sex, dalian mo na. Huwag mong i-delay ang pagtulog ko. Kailangan ko pang bumangon nang maaga bukas,” putol ni Camila gamit an
“Juancho, bro, bakit hindi mo na lang hayaan si Assistant Villarazon na sumakay sa sasakyan ni Mr. Santos? Bukod sa sila ang magti-treat sa atin, mas makakapag-usap din sila tungkol sa trabaho habang nasa biyahe.“Sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Kenneth ang magsalita.Tinapunan ni Juancho ng tingin ang kaniyang kaibigan at napansin niya ang desperado nitong tangkang pagbibigay ng senyas. Kalaunan ay binitiwan niya ang kamay ni Camila.Sinalubong ni Camila ang kalmado niyang tingin bago sinundan si Marco sa labas.Bahagyang napaawang ang bibig ni Kenneth sa nasaksihan. Hindi niya inaasahang ganoon na lang kabilis umalis si Camila para sumunod sa ibang lalaki. Nang tuluyan nang makalabas si Camila ay bumalik ang tingin niya kay Juancho.Ang mukha ni Juancho ay nanatiling walang nakabakas na emosyon, tila tinatago ang tunay na damdamin. At dahil dito, hindi maiwasan ni Kenneth ang makaramdam ng pagkabahala.“Juancho...“ mahinang tawag niya.“Sa sasakyan na lang tayo mag-usap,” m
Pagkatapos ibaba ni Camila ang tawag ay nginitian niya ang assistant na may hawak ng kaniyang cellphone sa oras na iyon. “Kapag tumawag ulit siya, 'wag mo nang sabihin sa akin. Ikaw na ang bahalang sumagot.“ Ibinalik niya ang cellphone sa assistant at saka siya bumalik sa loob ng opisina kung saan sila nag-uusap ni Marco, naantala lamang sandali dahil sa tumawag.Narinig ng assistant ang pag-uusap ni Camila at ng taong nasa kabilang linya kanina. Napailing-iling siya sa kawalan.“Wala pa namang asawa si Miss Villarazon. Bakit niya ito tinatawag na sister-in-law? Lakas ng trip,” bulung-bulong niya sa kaniyang sarili.Sumulyap siya kay Marco na nakikipagkuwentuhan kay Camila sa loob ng opisina at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Bagaman ang show ay ginawang sikat na loveteam sina Camila at Juancho, ang assistant naman ay isang die-hard romantic. Mas gusto pa rin niya ang totoong pag-ibig, hindi iyong palabas lang. Iyong tungkol sa ginawa ni Juancho na binilihan niya pala ng
Paghinto ng sasakyan sa harap ng store, hindi pa rin in-unlock ni Juancho ang mga pinto. Sa halip, bumaling siya kay Camila at sinabing, “Ang kooperasyon sa pagitan ng V&L House of Fashion at ni Marco Santos ay dapat na ma-terminate agad sa lalong madaling panahon. At iha-handle ni Kenneth ang liquidated damages.““Kung magdadagdag ka rin lang ng mga kondisyon para gumawa ng mga konsesyon, 'wag ka nang mag-abalang magsabi pa,” sagot ni Camila sabay abot sa door handle ng sasakyan para mabuksan ito.Nang mapagtanto niyang naka-lock ito ay tinapunan niya ng tingin si Juancho at huminga nang malalim.Samantalang si Juancho naman ay nanatiling mahinahon.“Camila, it’s pointless to cause such trouble. You’ve been talking about divorce repeatedly but never followed through. What are you doing now?"“Buksan mo ang pintuan, may trabaho pa ako,” utos ni Camila.“The cooperation with Marco Santos—”“Hindi ako ang may desisyon sa bagay na 'yon. Isa lang akong empleyado,” malamig na putol ni Cami
Sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nakipagtalik si Juancho kay Camila.Hindi siya makatulog. Ginugulo ni Camila ang kaniyang isipan. Alas tres na nang madaling araw subalit gising na gising pa rin ang diwa niya. Hindi niya lubusang maunawaan kung bakit biglang nagbago si Camila sa pakikitungo sa kanya. Matagal nang nagtratrabaho si Camila sa ilalim ng pangalan ni Sunshine. Tatlong taon pa lamang silang kasal, kaya ang pagbabago niya ay hindi nangyari pagkatapos niyang magsimula sa trabaho. Pagkaraan nang ilang oras na pagninilay-nilay, napagtanto niya na biglang nagbago si Camila magmula noong lumitaw si Dominique.Nagseselos ba siya kay Dominique?Hanggang sa unti-unti niyang naintindihan kung ano marahil ang dahilan ng mga kinikilos ni Camila kamakailan. Bumalikwas siya at tumagilid upang makaharap kay Camila na mukhang mahimbing ang tulog. Pinagmasdan niya ang mukha nito at lalo pang lumapit.Naramdaman ni Camila ang banayad na mga haplos ni Juancho sa kaniyang muk
Ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Juancho sa malapit."You’re being too formal again. I’ve invested a lot in this drama, and of course, I hope it will have a good reputation once it airs.“ Ngumiti si Marco.Nakaramdam ng kaginhawaan si Camila pagkatapos ng buong araw na marami siyang nagawang makabuluhan. “Ililibre kita ng meal sa susunod na araw kapag may libreng oras ako,” sambit niya sa malumanay na boses.“Paano ba 'yan, dalawang meals na ang utang mo sa akin? Ilibre mo na ako bukas ng gabi. Simpleng bonding lang. Kumain tayo ng street foods at manood ng firework displays,” mungkahi ni Marco habang sabay silang naglalakad pababa sa hagdan na mayroon lamang ilang mga hakbang hanggang sa tabi ng kalsada. “Ihatid na kita inyo. Sinadya ko talagang hindi uminom ng alak ngayon para maihatid ka. Kaya wala kang dapat ipag-alala,” dagdag niya.“Uh, okay lang. Puwede naman akong mag-taxi na lang pauwi. Salamat,” pag-aalinlangan ni Camila.“Are you being too formal again, my junior s
Hindi na hinintay pa ni Camila si Juancho na lumabas mula sa silid at tapusin ang pagpapagaan sa damdamin ni Lola Zonya. Tanging sina Kenneth at Dominique lamang ang naiwan sa pasilyo.Napatayo si Dominique mula sa kaniyang kinauupuan at agad na nilapitan si Juancho nang makita niya itong lumabas mula sa silid. “Juancho, kumusta na si Lola?“ nag-aalalang tanong niya.“No big deal. And you are not allowed to contact my grandma again next time.“ Malamig ang mga mata ni Juancho ngunit ang kaniyang tono ay nananatiling hindi nagbago.Naramdaman ni Dominique ang kaunting pagkirot ng kaniyang puso. “Juancho, matanda na si Lola, baka kailangan niya ng taong makakausap. Nandito lang ako lagi para samahan siya...“Napukaw ng kaniyang mga salita ang atensyon ni Juancho. Ang seryoso at masusi nitong pagsisiyasat ay nagdulot ng kaba sa kanya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at kinakabahang tiningnan sa mga mata si Juancho. “B-bakit?“ mahinang tanong niya.Nakatayo si Kenneth sa malapi
Matagal na pinagmasdan ni Juancho si Lola Zonya bago nagsalita gamit ang malumanay na boses, “Lola, hindi mo na po ba ako mahal?“Agad na hinawakan ni Lola Zonya ang kamay ni Juancho pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito.“Anong pinagsasabi mo, apo? Simula noong bata ka pa ako na ang nag-alaga sa'yo. Paanong hindi na kita mahal? Ang hinihiling ko lang naman sa kanya ay magkaroon na kayo ng anak dahil gusto kong maging masaya ka, hindi para ipahamak siya o anuman. Ngayon, malusog pa ako kahit papaano kaya maalagaan ko pa ang magiging apo ko sa'yo. Pero paano kung dumating iyong panahon na nanghihina na talaga ako, edi hindi ko na siya maalagaan pa.““Lola, puwede po bang bigyan niyo pa ako ng sapat na oras para sa hinihiling ninyo?“ Malamlam ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniyang lola.Tiningnan ni Camila si Juancho. Ang totoo, hindi niya lubusang maunawaan kung bakit ayaw pa rin ni Juancho na magkaroon sila ng anak.Subalit hindi na niya hinayaan na magtagal pa ang
Mariing itinikom ni Juancho ang kaniyang labi habang nakatitig kay Camila.Naiinip naman siyang sinuklian ng tingin ni Camila.“Kung sana ay ch-in-eck mo na agad at dinala ang bastardong doktor na iyon kay Lola Zonya, edi sana maayos na ang lahat ngayon!““Nasa ospital si Lola ngayon, 'yan pa rin ang iniisip mo? Ni hindi ka man lang pumunta agad doon para kumustahin ang lagay niya ng personal. Tinawagan na kita pero binalewala mo lang pala?!“ patuloy ni Juancho.l“Sa tingin mo ba gusto niya akong makita? At bakit hindi ko iisipin ang tungkol sa doktor na nag-inject ng acupunture sa akin? Dahil sa doktor na nahanap ng lola mo, muntik na akong mamatay! Hindi mo siguro siya kinausap nang maayos, kaya hanggang ngayon pinagpipilitan pa rin niya na nagsumbong ako sa'yo at dahil doon galit na galit siya sa akin! Tao rin ako nakakaramdam ng sakit, masama bang magreklamo kahit isang beses lang?“Napatayo si Camila sa inis. Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Juancho, nagpatuloy siya