Nagulat si Leila kaya't agad siyang lumingon sa kanyang likod upang maghatid ng isang malakas na sampal na nagpaatras sa isang lalaki.Nang magpagtanto niya na ang lalaking ito ay si Justin, mabilis niya munang pinasadahan ng tingin ang buong paligid bago niya ito nilapitan at bigla na lamang hinila at hinawakan nang mahigpit ang kwelyo nito.Matapang niyang tinitigan ng masama ang mga mata nito at sumirit, "Aba, gago ka ah, nangahas ka talagang gumamit ng kasuklam-suklam na paraan? Gusto mo na bang mamatay, huh?"Pulang-pula ang buong mukha ni Justin at ang bawat paghinga niya ay mabibigat. Ang kaniyang mga mata naman ay walang ibang nakapaloob kundi ang pinaka pangunahing pagnanasa babang mariin itong nakatuon sa mukha ni Leila.Dahil sa pandidiri, inangat ni Leila ang kaniyang paa at binigyan ng isang malakas na tadyak ang lulod ng lalaki. At dahil may mataas na takong ang suot niyang sapin sa paa ay mas masakit ang tama nito, na siyang dahilan upang bumagsak si Justin sa lupa at m
Ibinaba ni Juancho ang kaniyang telepono. Naramdaman niya na gumalaw si Camila kaya't lumingon siya para tingnan ito.Si Camila naman sa tabi ay para nang isang ostrich, hindi na niya nagawa pang magpanggap nang maramdaman niya ang mabigat na titig sa kanya ni Juancho na parang may laman ang mga mata nito.Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at sinalubong ang tingin ng lalaki at sinubukang umakto ng normal na palagi naman niyang ginagawa tuwing pagkatapos nilang gawin iyon."Tatawagan ko si Miss Leila. Nag-aalala ako sa kalagayan niya ngayon," maya-maya pa ay sambit niya.Tumalikod si Juancho at inabot ang telepono sa ibabaw ng bedside table.Napansin ni Camila ang mas marami pang mga kalmot mula sa kuko sa likod ni Juancho. Kahit na napakaraming beses na silang naging intimate sa isa't-isa ay ito na yata ang pinaka unang pagkakataon na ganito ka-intense ang naganap.Namula ang mga pisngi ni Camila nang inabot sa kanya ni Juancho ang telepono.Tinaggap niya ang telepono
"Kahit doon sa palabas ay mag-asawa pa rin tayo," patuloy ni Juancho nang makita niyang umurong palayo sa kanya si Camila na parang isang ostrich.Itinikom naman ni Camila ang kaniyang mga labi dahil ayaw niyang sumagot.Tanging silang dalawa lamang ang may alam ng katotohanan, kasal nga sila pero wala namang ibang may alam bukod lamang sa mga malapit nilang pamilya at sina Kenneth at Leila.Noong siniraan siya ni Dominique sa publiko, hindi tumayo si Juancho upang ideklara na mag-asawa silang dalawa.Nagsasabi lang naman si Juancho ng mga ganitong klaseng bagay kapag nasa kama sila at kapag nakukuha niya ang nais niya.Tumingin si Juancho sa kanya. "Wala kang sasabihin?""Maaga pa. Kung aalis ka na ngayon, walang makakakita sa'yo," bulong ni Camila habang ipinipikit ang kaniyang mga mata."Ganyan ka ba talaga kasabik na palayasin ako?" Tinapunan ni Juancho ng isang malamig na sulyap ang babae.Kumawala si Camila mula sa mga braso ng lalaki. Hinila niya ang kumot at saka umupo. Ang ka
Umupo nang maayos si Justin sa sofa, na parang nagi-guilty."Mr. Fortaleza, nagtanong po ako sa team, kaso ang sabi nila naubos na raw 'yong uri ng gamot na nais kong ibigay kay Miss Villarazon. Nasubukan ko na kasi ang gamot na iyon noong nagka-injury ako sa paa at sobrang epektibo. Kaya nang nalaman ko po na wala rito sa loob ang gamot na iyon ay nagpabili na ako sa labas."Kinuha ni Leila ang gamot na sinasabi ni Justin na nasa ibabaw ng mesa at nag-search ng tungkol dito sa kaniyang telepono. Natuklasan niyang napaka mahal nito at mabibili lamang sa mga malalaking parmasya sa siyudad."Halika rito, Camila, subukan natin itong i-apply sa paa mo," sabi ni Leila habang nilalapag ang telepono sa mesa at tumingin kay Camila.Tinapunan muna ng tingin ni Camila si Justin bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at umupo sa tabi ng lalaki."Justin, kung gusto mo pa talagang manatili sa programa na ito ay kailangan mong magsabi ng katotohanan, dahil kung hindi at lumabas sa imbestig
Tumango-tango si Leila."Tama ka, dapat nga siyang protektahan. Tutal mas better naman siya kaysa sa walang kwenta mong asawa, na saka lang magaling kapag nakikipag-sex sa'yo!" nababanas na turan niya.Muling uminit ang mga pisngi ni Camila dahil sa huling sinabi ng kaniyang kaibigan."Huwag na nga natin pag-usapan 'yan. Hindi pa naman ako sobrang inaantok kaya magbuburda na lang muna ako ng ilang kasuotan.""Sige, kung 'yan ang sabi mo," sagot ni Leila.Samantala, sa halip na bumalik si Kenneth sa sarili niyang kuwarto ay sa kuwarto siya ni Juancho nagtungo."Can't the problem be solved?" tanong ni Juancho sa malamig na tono habang umuupo siya sa harap ng mesa.Naglakad si Kenneth patungo sa harapan niya at padarag na ibinagsak ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Kadalasan ay hindi siya makikitang seryoso, ngunit sa unang pagkakataon ay naging seryoso siya."Katatapos lang namin mag-usap ng asawa mo at nakipagkasundo na ako sa kanya. Ayon kasi sa kanya, sa tingin niya'y wala namang inte
"Magmula ba noong tinulungan ka niyang makakuha ng gamot na gusto mo hanggang sa ibibigay mo na sa akin ang gamot, nahiwalay na ba sa katawan mo ang cellphone mo?"Magsasalita pa lang sana si Kenneth nang maunahan siya ni Camila.Tahimik na nag-isip si Justin."Noong panahong sinusukatan ako ni Miss Helena, binigyan niya ako ng isang baso ng tubig. Pagkatapos kong inumin iyon, nakipagkuwentuhan siya sa akin hanggang sa makatulog ako nang ilang minuto..." biglang sinabi ni Justin pagkaraan ng ilang sandali.Pinasadahan ng dila ni Kenneth ang kaniyang labi bago nagsalita nang malalim. "Sino bang may alam kung ano talaga ang ginagawa mo sa loob ng kuwarto? Paniguradong hindi aaminin ng iyong designer na ginamit niya ang cellphone mo upang mag-send ng message para i-frame up ka pagkatapos mong mainom ang tubig na inalok niya."Huminto muna siya sandali sa pananalita bago muling nagtanong, "Pero ano nga bang benepisyo ang makukuha ni Helena sa pag-frame up sa'yo? Wala naman 'di ba?"Nag-ta
Sa unang pagkakataon ay nagkumahog si Camila na tumakbo patungo sa kuwarto ni Juancho nang walang pakialam sa kahit anuman.Pagkarating niya sa kuwarto nito ay kaagad niyang binuksan ang pinto at pumasok. Ang kaniyang mga mata ay puno ng mga nagbabadyang luha.Nakuha niya agad ang atensyon ni Juancho, na kanina pa hindi natutuwa dahil sa problema tungkol kay Justin.Ngunit bago pa man makapagsalita si Camila ay malamig na siyang tinuya ni Juancho, "Sobrang natakot ka ba na paaalisin ko ang lalaking modelo mo, kaya't nagpunta ka rito at umiiyak sa'kin ngayon?""Si Lola Celestina, nahulog siya! Gusto ko lang humingi ng emergency leave para makauwi ako sa amin at makita ang kalagayan niya ngayon."Inignora ni Camila ang panunuya ng lalaki dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Ang tanging inaalala niya ngayon ay ang kondisyon ng kaniyang lola.Mabilis na naglaho ang sarkastikong ekspresyon sa mukha ni Juancho at kaagad siyang tumayo."Mauna ka na sa labas, susunod din ako," aniya sa seryos
"Sagutin mo," turan ni Juancho sa mababang boses.Bumuntonghininga siya pagkatapos magsalita. Ang kaniyang bawat paghinga ay medyo mabibigat, halatang iritado sa kung sinuman ang bigla-bigla na lang tumatawag sa oras na 'yon.Kaagad na kinuha ni Camila ang telepono na nasa ibabaw ng kaniyang tiyan at nang makita niyang pangalan ni Dominique ang nasa screen ay nag-alinlangan siya nang ilang sandali bago nagsalita, "Si Dominique ang tumatawag," malamig niyang sinambit.Mabilis na iminulat ni Juancho ang kaniyang mga mata at agad na kinuha mula sa kamay ni Camila ang telepono."Dom, bakit? May problema ba?" tanong niya pagkatapos pindutin ang answer button."Ang lakas ng ulan, Juancho. Kumukulog at kumikidlat pa. Sobrang natatakot ako..."Ang boses ni Dominique na humahagulgol sa iyak at tunog kaawa-awa ang bumungad mula sa kabilang linya.Sinulyapan ni Camila si Juancho."Wala ako sa hotel ngayon," sagot ni Juancho sa mababang boses. Kumpara kanina ay mukhang hindi na siya naiinip ngayo
“Do you think Miko likes you?“Sa halip na sagutin ni Juancho ang tanong ni Camila, isang tanong din ang ibinato niya.“Hindi ko alam. Maingat ako kapag nakikipag-interact sa mga taong nasa loob ng entertainment industry, kaya hindi ako nagpi-pay attention sa mga ganitong bagay,” totoong sagot ni Camila.Itinuturing niya lamang bilang isang kaibigan si Miko. Dalawang beses na siya nitong tinulungan, kaya naman noong nag-request ito na gusto niyang magpadisenyo ng mga kasuotan para sa kanya at sa kaniyang pamilya sa V&L, ay pumayag siya bilang isang token of appreciation.Gayunpaman, hindi niya kailanman naisip ang posibilidad ng anumang romantikong pagkakasangkot.“Patunay lang ito na hindi mo pa napapansin ang malinaw niyang pagtingin para sa iyo,” puna ni Juancho.Matapos marinig ito, bumalik ang isipan ni Camila sa ipinakikitang pag-uugali ni Miko kamakailan. Pinasingkit niya ang kaniyang mga mata subalit pinanatili ang tonong walang bakas ng anumang emosyon.“Pakiusap. Kahit gano'
The song she liked was actually a niche song.Adding to that, the gloves and the coincidence of the date made it impossible for her to convince herself that it was just happenstance.“Sayang, ang guwapo guwapo pa man din talaga ng Miko na 'yon. Siya nga pala, kumusta si Juancho... sa iyo?“ Hininaan ni Leila ang kaniyang boses.Nagnilay-nilay muna sandali si Camila bago sumagot, “Maayos naman.“Gayon pa man, sa kaniyang opinyon, ang kasalukuyang pag-uugali ni Juancho ay isa lamang pagmamahal na huli na.“Lei, magsisimula na ang trabaho ko, tawagan na lang kita ulit mamayang gabi. Ikaw na muna ang bahala riyan. Bye, see you soon!“Nang mahagip ng mga mata ni Camila na magkakasunod nang pumapasok sa loob ng sasakyan ang mga artista ay dali-dali na siyang nagpaalam sa kaibigan bago binaba ang tawag.Pinagmasdan ni Miko si Camila na tinatapos ang tawag at saka siya dali-daling humabol.“Happy New Year!“ bati niya, ang tinig niya ay umalingawngaw sa tabi ng babae.Ipinasok ni Camila ang cel
Gaya noong Pasko, maaga ring tinapos ni Direk Zaldy ang trabaho ngayong Bisperas ng Bagong Taon at nagpahanda rin siya ng dinner sa hotel para sa kanilang lahat.Kaunti lang ang ininom na wine ni Camila. Pagbalik niya sa kaniyang kuwarto ay naligo siya at napansin niyang umuulan na naman pala ng nyebe.Sa labas ng bintana, dahan-dahang bumabagsak ang mga snowflakes. Gusto niyang i-video call ang kaniyang lola, ngunit dahil sa paulit-ulit na pagtagay ay hindi na niya namalayang alas diez na pala ng gabi nang sila ay natapos. Nagpadala na lamang siya ng mensahe ng pagbati sa kanila.Sumandal siya sa bintana at nanood ng serye sa telebisyon. Habang nakakaramdam siya ng pagkahilo ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa pintuan.P-in-ause niya ang palabas, itinagilid ang ulo at nakinig sa paligid ng ilang sandali. Tapos ay muli na namang kumatok ang kung sinuman.Kaya naman tumayo na siya upang pagbuksan ito.Bahagya siyang nagulat nang ang lalaking hindi niya inaasahan ang tumambad sa
“Hindi pa ba naki-kuwento sa'yo ng lolo o ng lola mo ang tungkol sa mga magulang mo?“Patapos na ang kanilang jogging nang biglang magtanong si Miko kay Camila.“Hindi, e. Siguro nag-aalala sila na baka malungkot lang ako. Ramdam ko na ayaw nilang pag-usapan ang tungkol doon, kaya hindi na rin ako masyadong nagtatanong. Mabuti na rin 'yong gano'n,” marahang humingal si Camila.“Hmm...“ si Miko.Unang tumungo sa lobby ng hotel si Camila dahil naiwan pa si Miko sa labas, na nakakunot ang noo.Bilang pinsan ni Camila, wala pa bang nasasabi si Juancho sa kanya patungkol sa kaniyang mga magulang?Naghihintay si Juancho kay Camila sa lobby. Sa panamagitan ng mga pintong babasagin, napansin niya si Miko sa labas na tila malalim ang iniisip.“Parang ang dami dami ninyong pinag-uusapan ni Miko. Anong sinabi niya sa'yo?“ tanong niya nang makalapit sa tabi niya si Camila.“Wala ka na ro'n. Siya nga pala, malapit nang mag Bagong Taon. Hindi ka pa ba uuwi para sa holiday?“Pinunasan ni Camila ang
Alam ng lahat na sina Juancho at Camila ay magpinsan na sobrang malapit sa isa't-isa. At na mahal na mahal ni Juancho ang pinsan niyang ito, na para bang sarili niya itong buhay.Sa pag-aalala niya na magkasakit ito dahil sa sobrang lamig, gumatos siya ng malaking halaga para lamang makapagpatayo ng isang heated carriage house para sa crew. Sa tuwing magsisimula ang kanilang trabaho, sinisindi na rin ang electric heater sa loob, na siyang nagpapanatili ng mainit na temperatura sa paligid.Hindi inasahan ni Camila na pupunta rito si Juancho ng personal, at ang presensiya nito ang nag-iwan sa kanya ng hindi masyadong komportableng pakiramdam.Habang unti-unting nagkakahiwa-hiwalay ang crew, si Camila at si Juancho naman ay pumasok sa loob ng carriage.“Hindi ka ba busy para sa annual meeting?“ tanong ni Camila na dumiretso sa kaniyang upuan at doon umupo.“Tapos ko nang asikasuhin 'yon, kaya puwede akong mag-stay dito hanggang sa Bisperas ng Bagong Taon,” sagot ni Juancho sa malumanay n
Mabilis na kinausap ni Camila ang iba pang mga artista bago sila naglakad patungo sa hindi gaanong malayo sa banda kung nasaan ang trak, tumayo sila doon at nakipag-kuwentuhan sa bawat isa.Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nag-ring ang kaniyang cellphone.Nang makita niyang si Juancho ang tumatawag ay pinindot niya ang answer button at dahan-dahang naglakad palayo sa grupo ng mga artista.“Anong problema?“ Malamig ang kaniyang boses.“Miko's online account is about to be exposed. Doesn't the crew know anything about it?!"May dalang bakas ng galit ang boses ni Juancho.Kaagad na naging alerto si Camila. “Bakit? Anong nangyari?““Nag-post si Andi ng isang picture ng gloves na binili ni Miko a few days ago sa X. May p-in-ost din si Miko sa X tungkol sa parehong gloves. Can you guess what the result will be?“ tanong ni Juancho.Mag-aassume ang mga netizens na magkarelasyon ang dalawa... Mali, nabanggit nga pala ni Andi na ipinahiram lang sa kanya ni Camila ang gloves, ibig sabihin kay
“S-sandali lang...“Tumalikod si Camila para umalis na sana, kaso bigla niyang marinig ang namamaos na pagpigil sa kanya ni Miko.Lumingon siya upang tingnan ito.May sinenyas si Miko sa kaniyang assistant, na agad namang nakuha ng huli dahil binaba niya kaagad ang hawak na baso at dali-daling lumabas sa silid upang iwanan silang dalawa.“Uh, ako na ang kukuha ng tubig mo,” sambit ni Camila habang naglalakad na patungo sa water dispenser.Pinanood lamang siya ni Miko at tahimik na naghintay hanggang sa maiabot sa kanya ang tubig bago nagsalita.“Salamat. Ano palang dala mo?““Chicken soup. Pinaluto ko sa cook ng hotel na ito para sa'yo,” tugon ni Camila. Hinila niya ang isang silya patungo sa tabi ng kama bago kinuha ang dala niyang pagkain sa mesa.“Gusto kong kumain,” ani Miko bago umubo-ubo ulit.Nag-hum si Camila bilang tugon, umupo siya sa tabi ng kama at binuksan ang dala niyang pagkain.Dahan-dahang hinigop ni Miko ang sabaw, na maya't-maya ay sinisingitan ng pag-ubo hanggang s
Mula sa likuran, niyakap ni Juancho si Camila at ipinahinga ang kaniyang baba sa balikat nito.“I'm sorry... Sinabi mo sa akin na mahalaga sa iyo ang aking opinyon at umaasa kang sasang-ayon ako. Naging seloso ako at ginawa kitang malungkot. Huwag ka nang magalit, okay?"Sumimangot si Camila at bahagyang pumiglas upang makawala mula sa pagkakayakap sa kanya ni Juancho. Walang imik siyang tumayo at naglakad patungo sa kama. Inangat niya ang makapal na kumot at humiga.“Gusto kong matulog. Huwag kang maingay,” saad niya bago nagtalukbong.Wala siya sa mood para makipag-usap pa ulit kay Juancho.Habang lalo siyang nahuhumaling sa ipinakikitang kabaitan ni Juancho, lalo ring nagiging madali para sa kanya na kalimutan ang tunay niyang lugar sa puso nito.Noon, kapag may sinabi si Juancho, sinusunod niya agad nang walang reklamo.Ngayon, natagpuan niya ang kaniyang sarili na naging makitid ang isip sa lalaki dahil lang sa ipinamamalas nitong kabaitan sa kanya.Sumimangot si Juancho. Naglaka
Sa sumunod na umaga, ni-notify ni Direk Zaldy ang lahat na magkakaroon sila ng day off para sa araw na ito.Sabik na sabik na tumakbo si Andi patungo sa kuwarto ni Camila upang maki-tsismis.“Alam mo ba nabalitaan ko na nasa labas daw si Miko at nagbabad sa snow kagabi. Basang-basa ang buo niyang katawan at naging purple na rin ang kulay ng balat niya dahil sa lamig. Tapos ayon hinila siya ni direk pabalik sa loob ng hotel, na galit na galit, at pinagalitan siya ng bongga,” balita ni Andi habang ang kaniyang mga mata ay nanlalaki dahil sa pananabik.Sa ganito niyang edad na masiglang masigla pa siya, nakikita niya ang mga kuwentong gaya nito na nakakaaliw. Kumikislap pa ang kaniyang mga mata habang siya'y nagsasalita.Kumunot ang noo ni Camila. “Baka gano'n lang talaga ang mga artista?“ nalilito niyang turan. Hindi niya lubos na maintindihan.Lumukot ang mukha ni Andi.“Ginawa ba niya iyon dahil may gagawin siyang eksena kung saan ang karakter ay nasa bingit na ng kamatayan? Did he pu