"Your husband is cheating on you!"Kasalukuyang nakahilig sa bench sa isang outpatient clinic si Camila habang iniinda ang sakit na dulot ng tusok ng karayom sa kanyang tiyan nang matanggap ang mensaheng ito mula sa kaniyang matalik na kaibigan na si Leila.She had just finished taking an egg-stimulating injection.Camila had black hair, fair skin and an oval face without a trace of blood, but the impact of her gorgeous appearance was not weakened at all. Nakukuha pa rin nito ang atensyon ng mga taong dumadaan sa clinic na iyon na bawat sandali’y napapatingin sa kanya.Malalim na bumuntonghininga si Camila at sa nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang larawang naka-attach kasama ng mensaheng natanggap mula sa kaibigan.It was Juancho Buenvenidez, her dear husband in the photo, holding a woman in a pink haute couture princess dress. Ang kuha sa litrato ay papalabas ang dalawa mula sa loob ng isang hotel.The man's originally cold and hard outline became extremely gentle the moment
Determinadong ipinukol ni Camila ang mga mata kay Juancho at gamit ang malamig na boses ay binitawan niya ang limang salitang iyon.Saktong pagkatapos magsalita ni Camila ay parehong naagaw ang atensyon nilang dalawa sa biglaang pag-iingay ng telepono ng lalaki.Hinugot ni Juancho mula sa bulsa ang kaniyang telepono. Kumunot ang noo nito nang masulyapan kung sino ang tumatawag."What's the problem?" aniya pagkatapos sagutin ang tawag.Hindi naririnig ni Camila kung ano ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya ngunit kung ano man iyon ay mas pinadilim lang nito ang ekspresyong nakapaloob sa mukha ng lalaki."Pupunta na agad ako ngayon," dagdag pa nito sa malalim na boses.Naglakad si Juancho patungo sa pintuan at agad na nilisan ang kanilang silid. Hindi man lamang nito muling tinapunan ng tingin si Camila.Napairap na lamang ito sa kawalan at wala ng sinabi pa.Napagdesisyunan niyang huwag nang matulog pa at mukhang hindi na rin naman siya dadalawin ng antok.Tumayo ito, nag-impake ng
"Pakihintay na lamang ako sa baba, mag hahanda lang ako sandali, susunod ako."Malumanay na sinagot ni Camila ang assistant na naghihintay sa kaniyang pintuan.Pagkatapos niya itong makausap ay mabilis na itong naglagay ng katamtamang kolorete sa kaniyang mukha upang matakpan ang mga itim na bilog na namuo sa ilalim ng kaniyang mga mata. Suot ang malinis na commuter suit at pares ng sapin sa paa na may mataas na takong ay tuluyan na nga rin nitong nilisan ang silid at nagtungo sa ibaba ng kanilang estudyo.Malawak ang ngiti ni Camila habang naglalakad patungo sa kung nasaan ang nasabing kliyente.Sa malayo pa lamang ay bumungad na sa kanya ang pigura ng dalawang taong pamilyar sa kanya. Komportableng nakaupo at magkatabi ang dalawang panauhin sa kanilang malambot na sofa sa kanilang tanggapan.Ang suot na malawak na ngiti ni Camila ay unti-unting naglaho nang makumpirma kung sino nga ang mga ito. Gustuhin man nitong umatras at hindi na tumuloy pa ngunit huli na ang lahat para gawin pa
7.18 Million.Ang presyong sinambit ni Camila ay maari na ring ikumpara sa presyo ng gawa ng mga international designers. Totoong mas mataas ang binigay nitong presyo kumpara sa totoong halaga ng wedding dress, ngunit pagdating sa disenyo nito ay talaga namang nakakasabay din ito sa mga may malaking pangalan sa larangang iyon.Tatlong taon na ang trahe de bodang ito mula nang mabuo subalit walang kupas pa rin ang ganda at tingkad nito."It's okay, Dom, If you really like it, we will get that one for you." Tinapunan ng tingin ni Juancho si Camila. Walang emosyong mababakas sa mukha nito. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Ilang sandali pa ay kaswal nitong inabot ang credit card kay Camila, "That has no password, just swipe it.""Oh my God! Thank you very much, Juancho! Kaya mahal na mahal kita!" Masayang niyakap ni Dominique ang lalaki. Ang mga braso nito'y agad na pumulupot sa leeg ng lalaki at mas hinigpitan pa ang pagkakalingkis nito.1. Ibinaling ni Camila ang tingin sa iba. H
Nagsalubong ang itim at makapal na mga kilay ni Juancho nang lumabas na rin mula sa fitting room si Camila. Tinapanunan niya ito ng tingin.Hindi lubusang maintindihan ng lalaki kung ano ba itong ginagawa ni Camila. Bakit pa siya nandoon sa lugar na iyon at nagpapakahirap magtrabaho.Higit na malayong mas maganda at maginhawa ang buhay na tinatamasa niya sa puder ng Pamilya Buenvenidez kaysa sa buhay na mayro'n ito ngayon, nagtratrabaho sa ganitong klase ng mababang uri ng trabaho at hinahayaan ang mga taong maliitin lamang siya."Kung hindi mo naman pala kayang pagsilbihan ng maayos ang mga kliyente niyo, mas mabuti pang itigil mo na lang at 'wag nang magpanggap na alam mo ang ginagawa mo." Hindi na napigilan ni Juancho ang sarili na tuyain ang babae.Biglang sumakit ang damdamin ni Camila dahil dito.Ang mga taong 'to, bagay na bagay nga silang dalawa! Para silang pinaghalong mga kulay na puti at itim. Parehong magagaspang ang ugali!Umangat ang sulok ng mga labi ni Camila, "Oh siya,
"Are you serious?" Juancho suppressed his anger and squeeze out a few words.Tinapunan nito nang masamang tingin ang divorce agreement at ilang mga cards na nasa kaniyang kamay, punong-puno ng iritasyon ang mga mata.Buong akala niya ay isa lamang ito sa mga tantrums ni Camila, ngunit nagkamali siya. Talagang tinotoo niya!Mataray na itinaas ni Camila ang isa niyang kilay, "It's easier than steaming cakes, sign it, and go to complete the formalities when you have time another day." She crossed her arms against her chest.Ibinuhos ni Juancho ang buong atensyon sa asawa na nasa kaniyang harap. Tinitigan niya ito.In the three years of their marriage, she has always been a very quualified Mrs. Buenvenidez. Siya ay tahimik, masunurin at napakabait lalong-lalo na sa kaniyang buong pamilya. Camila is even more attentive when it comes to him.Pero ngayon, para itong ibang tao, parang hindi na ito ang Camila na nakilala niya noon.Looking at her fair and rosy face, she is filled with impatienc
This was somewhat insulting.Itinaas ni Camila ang kaniyang mga kilay.May oras siya para i-meet si Dominique. May oras siya para samahan ang babae niyang maghanap at magsukat ng wedding dress. Tapos dalawampung minuto lang na paghihintay sa kanya, hirap na hirap pa siyang gawin para sa divorce?Camila would willingly step aside to give them face. Fine!Humugot ito ng isang malalim na buntonghininga, bigla nitong narinig ang katok mula sa pintuan sa kabilang linya."Juancho, you didn't go to the Civil Affairs Bureau at all, did you?" pag-iiba nito sa usapan. Bakas sa boses ng babae ang bahagyang panghuhusga."Sa tingin mo ba lahat ng tao ay kagaya mo, hindi marunong tumupad sa usapan?" nanunuyang sagot pabalik ni Juancho.Sa pagkakataong ito, sigurado na si Camila na hindi nga pumunta si Juancho sa nasabing lugar. "Take a picture of the door of the Civil Affairs Bureau for me, then..." hamon nito sa lalaki.Bago pa nito maipagpatuloy ang iba pang sasabihin, bigla na lang siyang binabaa
"Magkano naman kaya ang sasakyang 'yan?"Leila Lopez could not keep her eyes off the blue and flashy sports car stuck under the back of the Volkswagen in the rearview mirror, and asked her friend bitterly, "Can we afford the loss if we sell it?"Napakurapkurap si Camila sa narinig, "Akala ko sinadya mo talagang gawin 'yon kasi ayaw mo sa mga taong nang-aagaw ng parking space ng iba?""Oo, ayaw ko nga sa mga gano'ng klaseng tao pero hindi naman ako tanga para sadyaing banggain 'yan 'no! Nag-panic ako, hindi ko sinadya!" Nalukot sa sakit ang mukha ni Leila, iniisip pa lamang nito ang malaking halagang posible niyang ibayad sa may-ari ng sasakyan.Napangiwi si Camila, gumalaw ito palapit sa manibela upang tulungan ang kaibigan na iliko ang gears, hinila nito ang handbrake bago itinulak pabukas ang pinto sa kaniyang gilid. "I'll go, and check it," aniya.Nang makababa na sa sasakyan si Camila ay ang sakto ring pagbaba ng may-ari noong nabanggang sasakyan. Ang may-ari ng sasakyan ay isang g
Nagulat si Leila kaya't agad siyang lumingon sa kanyang likod upang maghatid ng isang malakas na sampal na nagpaatras sa isang lalaki.Nang magpagtanto niya na ang lalaking ito ay si Justin, mabilis niya munang pinasadahan ng tingin ang buong paligid bago niya ito nilapitan at bigla na lamang hinila at hinawakan nang mahigpit ang kwelyo nito.Matapang niyang tinitigan ng masama ang mga mata nito at sumirit, "Aba, gago ka ah, nangahas ka talagang gumamit ng kasuklam-suklam na paraan? Gusto mo na bang mamatay, huh?"Pulang-pula ang buong mukha ni Justin at ang bawat paghinga niya ay mabibigat. Ang kaniyang mga mata naman ay walang ibang nakapaloob kundi ang pinaka pangunahing pagnanasa babang mariin itong nakatuon sa mukha ni Leila.Dahil sa pandidiri, inangat ni Leila ang kaniyang paa at binigyan ng isang malakas na tadyak ang lulod ng lalaki. At dahil may mataas na takong ang suot niyang sapin sa paa ay mas masakit ang tama nito, na siyang dahilan upang bumagsak si Justin sa lupa at m
Ang saloobin ni Monica kay Dominique ay nagbago.Nilapitan niya si Dominique ng may nakakabigay-puri na tono at sinabing, "Napaka walanghiya ni Camila, umabot pa talaga siya sa puntong aakitin na niya si Mr. Buenvenidez!""What you saw last night must have been something she orchestrated on purpose," akusa ni Dominique gamit ang matalim na tono habang ang kaniyang mga mata ay nanliliit.Sumagot naman si Monica na nangingiti, "Huwag kang mag-alala, Miss Castañeda, tutulungan kita. Ayaw na ayaw ko pa man din sa mga kabit."Ang ngiti sa labi ni Dominique ay saglit na naglaho bago ito muling bumalik sa normal.Pagkatapos niyang maihatid sa may pintuan si Monica ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon.Kinasusuklaman niya ang salitang iyon, kabit.Samantala, bumalik na si Monica sa sarili niyang kuwarto, naglakad muna siya ng pabalik-balik ng ilang sandali bago nagpasyang hanapin ang designer ni Justin na si Helena.Nang magsimula na ulit ang paggawa ng mga kasuotan, ang grupo ng program
Sa kaniyang pag-aasawa, si Camila lamang ang nagdala ng bigat ng kaduwagan.Sina Juancho at Dominique ay hindi mapaghihiwalay. Ang isang tawag lamang ay sapat na upang mapapunta ni Dominique si Juancho sa kaniyang tabi, samantalang si Camila ay patuloy na naglalakad ng maingat, binabantayan ang kaniyang mga salita at mga ikinikilos sa loob ng programa para lamang sa kapakanan ng lalaki.Namuo ang pagkadismaya sa dibdib ni Camila habang mahigpit niyang ikinukuyom ang kaniyang mga kamay na nasa magkabila niyang gilid. Nang makabalik na siya sa kuwarto ni Leila ay naging malamig ang kaniyang ekspresyon. Tahimik siyang umupo sa harap ng workbench at walang imik na itinuon ang buong atensyon sa kaniyang mga gawain.Si Leila na abala sa pamamahala ng mga affairs sa kanilang shop sa tablet ay napansin ang pagbabago sa kilos ni Camila.Nag-angat siya ng tingin at tinanong ang kaniyang kaibigan, "Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit parang pang biyernes santo ang mukha mo riyan."Naghahanda na si
"Ano ngayon kung ganoon nga?" Ini-adjust ni Camila ang bag ng camera na nakasabit sa kaniyang balikat at nagbaba ng tingin. "At dahil palihim ka naman na nag-oobserba, siguro naman dapat alam mo na ngayon na ang nagdulot sa insidente ay si Dominique."Tahimik na pinagmasdan ni Juancho si Camila, ang kaniyang ekspresyon ay hindi mabasa.Wala ng pagnanais si Camila na pag-usapan pa ang bagay na ito. Ang mga kaganapan na nakapalibot sa loob ng programa ay matagal nang nag-iwan sa kanya ng pagkadismaya at kawalan ng paniniwala."Kahit pa ito ay dahil kay Dominique, hindi isang tao na katulad ng lalaki na iyon ang dapat na mag-provoke sa kanya," magaan na sinabi ni Juancho"Iyon naman pala!" Nagpakawala ng mapanuksong tawa si Camila. "Kung sana noong umpisa pa lang ay nilinaw mo na na ang palabas na ito ay personal na palabas pala ni Dominique, edi sana malamang ay hindi na kami pumayag ni Miss Lopez na makilahok sa programang ito. Naniniwala naman ako na susuportahan siya ng lahat kung sa
Sinabi ng assistant ni Juancho na si Alvin na mag-ingat ang lahat at iwasan na gumawa ng kung anumang kalokohan o maglaro ng mga tricks sa loob ng programa. Nagsilbing babala sa lahat ang mga binitawan niyang salita.Pagkaalis niya ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid."Puwede na ba nating ituloy ang pagsusukat nitong pattern sa iyo?" biglang basag ni Camila sa katahimikan. Nanatili siyang mahinahon, na para bang walang nangyari habang hawak-hawak ang clothing pattern na ipinapakita niya kay Dominique.Gamit ang hindi mabasang ekspresyon ay tinapunan siya ng tingin ni Dominique."Mukha ka talagang hindi apektado 'no?" mariin niyang saad.Ang pagpapakita ni Camila ng walang takot kay Juancho ay ang siyang nagpalito kay Dominique. Habang ang ibang mga tao na nakapaligid sa lalaki ay halos magkumahog na sa takot kapag nakakaharap nila ito, si Camila naman ay hindi man lang nag-aabala na magpakita ng magalang at maayos na pakikitungo rito."Hindi ako nagsinungaling. B
"Hindi nagsisinungaling si Miss Castañeda, Mr. Buenvenidez. Narinig ng lahat ng mga taong nandito ang sinabi ni Justin na ginagamit lang daw ni Miss Castañeda ang pagkakakilala niyo upang i-hype ang kaniyang sarili, at na ang iyong atensyon ay nakatuon lamang daw kay Assistant Villarazon, na wala ka raw pagmamalasakit para kay Miss Castañeda," kaagad na dinagdagan ni Monica ang mga salita ni Juancho.Hindi man lang sinulyapan ni Juancho si Monica kahit isang segundo, ang kaniyang buong atensyon ay na kay Camila lamang."Sumagot ka," aniya kay Camila.Tinitigan ni Camila ang mga mata ng lalaki, ang kaniyang boses ay magalang ngunit mariin."Hindi sinasadya ni Justin ang kaniyang mga naging pahayag. Mahalaga kang personalidad sa programa na ito, Mr. Buenvenidez. Bakit ka pa mababahala sa isang modelo?""Ang mga modelong nagpapakalat ng alitan ay hindi na dapat pang manatiling bahagi ng programa na ito." Ang tono ni Juancho ay magaan, ngunit ang kaniyang mga salita ay matalim.Naglakad s
Hindi namalayan ni Camila na napatingin siya kay Justin, pakiramdam niya ay gumagawa ang lalaki ng isang bundok mula sa isang mowlhil.Mahinahon niyang binawi ang kaniyang braso at magalang na sinabi, "Salamat, pero mukhang hindi naman madulas ang sahig."Kinuha ni Justin ang basket ng prutas mula sa kaniyang kamay ng may nakabakas na ekspresyon na walang magawa sa kaniyang mukha."May tumutulong tubig mula sa basket, ang sahig ay gawa sa marmol at ang iyong paa ay injured. Kung pagsasama-samahin mo silang tatlo, madali lang itong magdulot ng problema. Sige na, kunin mo na lang ang plato at ako na ang magbubuhat nitong basket para sa iyo."Nag-hum si Camila bilang tugon at hindi na tumanggi pa.Si Juancho, na nakatayo sa malapit ay nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa na magkasunod na umalis. Ang kaniyang mukha ay malupit, na para bang anumang oras ay mayroong malaking apoy na sisiklab sa kaniyang katawan.Inilapag ni Justin ang basket ng prutas sa ibabaw ng bakal na
Mabilis na nakumbinsi si Camila sa mungkahi ni Leila, kaya't tumigil na siya sa pag-iisip pa lalo tungkol dito.Kinaumagahan ay tapos na niyang gawin ang pattern at nagpasya siya na dalhin ito kay Dominique. Pagkatapos ng lahat, si Dominique ang opisyal na modelo ng kanilang grupo at kailangan siya ni Camila upang i-tsek ang fit ng pattern.Pagkatapos ng tanghalian, nagtungo si Camila sa kuwarto ni Dominique upang hanapin ito habang dala-dala niya ang pattern.Nang makarating na siya sa kuwarto ni Dominique ay napag-alaman niya na wala roon ang babae. Pagkatapos niyang magtanong-tanong sa mga tao sa paligid ay nalaman niya na nasa hardin pala sa ibaba si Dominique kasama ang grupo ng mga designers at mga modelo.Tinahak ni Camila ang daan patungo sa hardin na bitbit pa rin ang pattern.Pagkakita sa kanya ni Dominique ay agad siyang nginitian nito at binati, "Assistant Villarazon, ano ang ginagawa mo rito? Anong kailangan mo?""Nandito ako ngayon, Miss Castañeda upang kausapin ka dahil
"Malandi? Nang-akit sa lalaki na pag-aari mo? Talaga ba? Sino ka ba sa inaakala mo para akusahan mo ako ng ganyan? Ano ka ba niya?"Sinuklian ni Camila ng kalmadong tingin ang tingin na ipinukol sa kanya ni Dominique.Medyo natakot si Dominique sa nakababahalang presensya ni Camila. Alam nito ang katotohanan na may asawa na si Juancho, at kung lalala pa ang sitwasyon, paniguradong pati siya ay mahihila pababa ng lalaki.Inikot ni Dominique ang kaniyang mga mata at agad na nagpakita ng agrabyadong ekspresyon na tila ba siya pa ang na-misunderstand nila."Assistant Villarazon, ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti ng reputasyon ni Miss Lopez. Hindi ko nakita mismo si Juancho na lumabas sa kuwarto mo bandang alas kuwatro ng madaling araw, pero dahil may ibang tao na nagsasabi na nakita niya ito, hindi naman siguro siya magsisinungaling 'di ba?""Miss Sales, bakit hindi ka direktang magtanong kay Mr. Buenvenidez? Kung iyan ang sinasabi mo, hindi kita masasagot dahil hindi ko naman