Share

KABANATA 3

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2020-11-07 14:19:25

AZALEA

"How was the negotiation yesterday?”

Bigla akong pinalambutan ng tuhod nang marinig ko ang tanong sakin ni Nixel pagkapasok ko sa classroom.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Mabuti na lang at dumating yung nanay ng lalaking yun kaya nakatakas ako ng palihim. They're having a chitchat sa living area kaya sinagad ko na ang time na yun para umalis. Hindi naman nila napansin ang pagtakas ko dahil masyadong malawak ang bahay nila. Ninakawan ko pa nga ng damit ang loko-lokong yun dahil sirang-sira na yung blouse ko at wala ng pag-asang gamitin.

“Teka... Nagpalit ka ba ng uniform? Bakit ang sikip tingnan sa'yo?” dagdag pa niya tsaka nilapitan ako at sinuri ang suot kong uniporme.

Anong sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinunit ng lalaking yun ang uniform ko dahil may nangyari sa'min kagabi kaya no choice ako ngayon kundi suotin ang luma kong blouse na masikip sakin.

“ANO 'TO?”

Napalundag ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw sa tenga ko.

“Tigilan mo nga 'ko. Masyadong masakit sa tenga yang boses mo.” asar kong sabi at tinalikuran siya. Dumiretso ako sa upuan ko at sumunod namang umupo si Nixel sa tabi ko. “Tigilan mo 'ko kung ayaw mong tirisin kita.” banta ko pa ngunit hindi man lang nagpatinag ang g*ga.

“Kiss mark ba yang sa leeg mo?” inosente niyang tanong.

Automatikong napalaki yung mata ko tsaka mabilis na hinalungkat ang bag. Kinuha ko ang maliit kong salamin at tiningnan ang parte ng tinititigan niya.

“Sh*t!” mahina kong mura sabay takip sa leeg kong may marka.

“May boypren ka na? Saan mo nakuha yan?”

“W-Wala 'to... K-Kinagat lang 'to ng langgam... k-kaya namumula—oo! Ganun na nga.” kinakabahan kong sagot. Sana maniwala 'to.

“Weh? Patingin.” balak niya sanang alisin ang kamay kong nakatakip saking leeg, kaya bigla akong tumayo at lumayo sa kanya ng konti.

“K-Kinagat lang nga 'to ng langgam”

“Bahala ka na nga diyan.”

“Tss.”

Buti na lang at tumigil siya. Walang hiyang lalaki yun, at nag-iwan pa talaga siya ng marka ng katarantaduhang ginawa niya.

“Kumusta na nga pala 'yong trabahao mo? Tinanggap mo ba?”

Eto na naman tayo. Paano ba takasan ang tanong niya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto akong maging escort ng estrangherong 'yon pero may nangyari sa'min kagabi. Mas lalo siyang mababaliw pag ganyan ang isasagot ko.

Argh! Ayoko nang alalahanin yun.

“Wala—”

“Akala ko ba pinuntahan mo yung nag-aalok sayo ng trabaho?”

“Ah.. Yun ba? H-Hindi ko tinanggap—”

“WHAT THE— BAKIT HINDI MO TINANGGAP?”

Kusa akong napatakip sa'king tenga dahil sa biglaan niyang pagsigaw na nagdulot din ng pag-agaw atensyon sa lahat ng mga kaklase kong nandito.

That stranger wanted me to be his escort. Hindi ako sigurado kung anong klaseng escort ang tinutukoy niya kasi wala namang ibang nakasulat sa kontrata na binigay niya sakin kagabi. Pakiramdam ko nga na gawa gawa niya lang ang kontrata dahil hindi maayos ang pagkakasulat ng terms at conditions.

Mas lalo pa niyang tinaasan sa fifty thousand ang offer at 'yon ang kaduda-duda. Bakit gusto niyang pilitin akong papirmahin do'n? Ang dami namang ibang babae diyan, bakit ako pa, diba?

“Can you just lower down your voice?”

Kung makasigaw 'to parang nasa kabilang baryo yung kausap niya eh. Tsss

“Bakit kasi hindi mo tinanggap? Ang laking pera ang makukuha mo dun, teh.” napapadyak pa siya sa inis dahilan para mapairap ako sa kanya.

NO WAY! Kahit na nadala ako kagabi dahil sa ginawa niya at naibigay ko yung hindi ko dapat ibigay, ayoko pa din. Baka mamaya mabudol pa ako do'n. Once is enough, at ayoko na dagdagan pa 'yong nangyari kagabi.

“Mahirap ang trabahong yun kaya malaki yung sahod—”

“Anong klaseng trabaho? Sana ni-recommend mo 'ko para ako na lang ang magta-trabaho. Sayang yung 30k.”

Seriously, Nixel? Ikaw yung gagawa ng trabaho na inalok sakin? I just can't imagine kung siya yung nasa sitwasyon ko kagabi.

“Hindi na. Mapapagalitan ka pa ng parents mo pagnagkataong malaman nila na nagpapakahirap kang mag-trabaho para lang sa 30k.” sabi ko dito tsaka inayos sa desk ang mga gagamitin kong libro.

Nakakasilaw man yung halagang ibibigay niya, pero mas gugustuhin ko pang magpakalunod sa ibang trabaho para kumita kaysa tumanggap ng malaking halaga at walang kasiguraduhan kung anong klaseng trabaho.

Hindi na niya nagawang sumagot sa usapan namin dahil biglang dumating si prof. Bumalik na din siya sa kanyang upuan, ganun na din yung iba ko pang mga kaklase.

*discuss

*discuss

*discuss

*lunch break

*discuss

*dismissal

Buong araw akong lutang dahil sa kakaisip ng nangyari kagabi. Nanghihinayang ako dahil ang matagal kong iningatan ay biglang naglaho at wala na akong may maipagmamayabang sa magiging asawa ko kung sakali mang mahanap ko na ang lalaking para sakin.

“Gusto mo bang magpahatid?” tanong sakin ni Nixel habang naglalakad kami sa hallway. Mabilis akong umiling sabay ngiti “Sigurado ka?”

“Oo. Magc-commute na lang ako.”

May personal driver si Nixel at lahat ng angkan nila ay mayayaman. Hanga din ako sa kanya dahil kahit sobrang yaman na nila, nagawa niya pa din kaibiganin ang isang tulad kong dukha. Minsan nga lang hindi maiiwasan yung utak niyang ma-pera. Ang hilig niyang maghanap ng mapagkakakitaan.

“Bye. Ingat ka ha.” paalam niya at humiwalay na ng daan. Papunta siya sa parking lot habang naglalakad parin ako sa hallway papunta sa main gate ng university. Nasa kabilang gate kasi yung parkeng area ng mga sasakyan.

Nagkalat na yung mga estudyante sa paligid dahil yung iba ay paniguradong pauwi na at yung iba nama'y naghihintay pa para sa next subject nila.

“Azalea!”

Balak ko na sanang lumingon dahil sa may sumigaw sa pangalan ko nang may biglang humila sakin papasok sa isang classroom at isinandal ako sa pinto dahilan para tuluyang masara yung pintuan.

“Bakit mo 'ko hinil—ANONG GINAGAWA MO DITO?” sigaw ko sa lalaking nanghila sakin.

Napailing ako tsaka suminghap ng hangin. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa ginawa namin kagabi at talagang sinundan pa ako dito sa university namin.

Ano na naman ba ang habol niya sakin? Pipilitin na naman ba niya akong pumirma sa kontrata kahit na ayoko?

“Tinakasan mo 'ko kahapon and I really missed kissing—”

“Umalis ka nga diyan!” tinulak ko siya palayo nang balak niya sana akong halikan. “Hindi ko parin pipirmahan ang kontratang ginawa mo.” kaagad akong tumalikod at bubuksan na sana yung pinto nang bigla na naman niya akong hinila. “Ano ba?” iritado kong sigaw.

Itinaas niya ang hawak niyang paper bag tsaka nakangiting ibinigay sakin “Nasira ko kagabi yung uniform mo, kaya binilhan kita ng bago.” kinuha ko yun at nakakunot ang noong tinitigan ang laman. “Don't worry. Hindi naman siguro ako papalya sa size mo. Saulado ko na ang sukat ng katawan—”

“Shut up!” pigil ko sa kanya dahil mukhang alam ko na kung saan tutungo ang usapang 'to.

“Have you eaten your lunch?”

“Tapos na..” sagot ko at muli na naman siyang tinalikuran. Hawak ko yung binigay niyang paper bag at wala sa plano ko ang tumanggi dahil kailangan ko din ng uniform. Masyadong masikip ang suot ko at matatagalan pa bago ako makapagpatahi ng bago dahil wala pa akong budget para diyan “Uuwi na 'ko kaya umuwi ka na din.” malamig kong tugon sabay bukas ng pinto.

Bumungad sakin ang kaklase kong bakla na napasulyap pa sa kasama ko.

“Kanina pa kita tinatawag... Anyway, sino yang kasama mo? Baka naman pwede mo akong ipakil—”

“Sabihin mo na kung anong kailangan mo sakin dahil marami pa akong gagawin.” putol ko. Balak pa yatang magpacute sa kasama kong panira ng araw.

“Ay, Ang taray. Gusto ko lang naman sanang ipaalam sayo ang tungkol sa book binding na gagawin natin.”

“Next week pa yan sisimulan.”

“Pero sabi kasi ni Mitchy, ngayon daw natin sisimulan ang paggawa nun. Para next month, mapasa na natin before deadline.”

Isa pa 'tong book binding eh. Kailan ko ba mabibigyan ng tamang pahinga yung sarili ko kung sunod-sunod 'tong mga gawain namin?

“Pwede bang... Excuse muna ako? Babawi ako—”

“Kay Mitchy ka na lang magpaalam, hindi sakin.” mataray na sagot niya tsaka ako tinalikuran at naglakad paalis.

Paniguradong, gabi na naman ako makakauwi. Tapos may trabaho pa 'ko bukas after class at hindi din naman ako makakapagpahinga sa oras na yan.

“Hey!”

Napatingin ako sa kasama ko na biglang lumabas at hinabol yung classmate kong bakla. Papatulan niya ba ang baklang yan? Geez. I can't imagine.

May kung ano silang pinag-usapan na hindi ko naman dinig dahil malayo ako sa kanilang pwesto. Nakita ko kung paano kiligin ang baklang yun sa tuwing magsasalita si Izon.

“Thank you.” sa dinami dami ng pinag-usapan nila, yan lang ang narinig ko.

“Ayos na. Pwede na tayong mag-date.” nakangiti niyang sabi nang makabalik siya sakin.

“Anong date? May gagawin—”

“Ayos na nga. Next time ka na lang daw tumulong sabi ng kaklase mo.”

Matalim ko siyang tinitigan habang naka-cross arms at sinuring mabuti ang kanyang expresyon. Napatingin din ako kay bakla ngunit nag-thumbs up lang siya sakin at tumalikod.

Panigurado, may sinabi na naman 'to sa baklang yun.

“Anong ginawa mo?” seryoso kong tanong pero tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya 'ko sa kamay at walang pag-aalinlangan na inakbayan ako tsaka hinila palabas sa classroom. “Masyado mo naman yatang kina-career ang pagiging feeling close—” saglit akong napahinto nang mas lalo niyang binilisan ang paglalakad at nagmumukha akong kinakaladkad sa lagay na 'to.

“Hindi pa ba matatawag na closeness yung ginawa natin kagabi—ARAY!” napadaing siya sa sakit dahil sa pag-apak ko sa kanyang paa.

Serves him right. Pasalamat siya at hindi masyadong mataas yung heels ko ngayon.

“Diyan ka na nga!” kumawala ako mula sa pagkakaakbay niya at mas binilisan ang paglalakad.

Hindi talaga magandang desisyon ang pakikipagkita ko sa kanya kagabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 4

    AZALEA “I added thirty-k in your bank account,” walang tigil pa din ang kakabuntot niya sakin hanggang sa makalabas ako sa university. “Hindi mo na kailangang mag-trabaho as part timer sa mga fastfood—” napahinto siya nang huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kanya. “Hindi ko alam kung paano mo nalaman yung bank account ko pero hindi ko gagamitin yung perang nilagay mo. Wala kang karapatang utusan ako na tumigil sa trabaho ko dahil yun lang ang bumubuhay sakin. And stop forcing me to sign that stupid contract of yours kasi kahit anong pilit mo sakin, I won't and I will never—” “I'm not forcing you. Ikaw mismo yung nagbigay ng sarili mo sakin kagabi, remember?” That hits me. May nakapaskil na ngisi sa kanyang mukha at tila naghihintay ng salita mula sakin. I can't deny the fact na kasalanan ko yung nangyari sa'min kagabi. Pero siya yung nauna, nadala lang ako that's why I begged him for more. “But it doesn't mean na pumapayag ako sa gusto mo—” “So you're telling me na nagpak

    Last Updated : 2020-11-13
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 5

    AZALEA “Don't come near me!” I yelled in frustration bago siya tinalikuran. Tinakip ko sa suot kong skirt na may tagos sa likuran ang paper bag na pinaglagyan niya ng uniform. Kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa table napkin na pinagsasabi niya. Pano na lang kapag may dala siyang pera? Totohanin niya talaga ang pagbili ng napkin— table napkin? Tsss. Naglakad ako palayo sa kanya at naghanap ng malapit na drug store. Tumawid ako sa pedestrian lane nang may makita akong Mercury drug store sa kabila. Mukha akong timang dahil sa ginagawa ko ngayon dahil panay ang tingin ko sa mga taong nakakasabay ko sa paglalakad, baka kasi mahalata nila yung tagos ko. “Miss, one pack of whisper with wings nga po.” pilit ang ngiting sabi ko sa isang pharmacist. Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang taong bumibili dito. Binayaran ko yung binili ko tsaka lumabas sa mercury drug store. Luminga-linga pa 'ko sa paligid at nagbabakasakaling makahanap ng CR. “Tsk. Saan naman ako magpapalit?” pab

    Last Updated : 2020-11-13
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 6

    AZALEA"I told you. Kumakain ako ng dinuguan." Kaagad kong tinuhod ang alaga niya nang makalapit ulit siya sakin at nakita ko kung paano siya mamilipit sa sakit."Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sayo. Kung hindi mo mapigilan yang kalibugan mo. Pwes! Lumayo ka sakin kung ayaw mong mapuruhan ng todo." "B-Biro lang yun. D*mn! Sineryoso mo naman." namimilipit pa din siya sa sakit habang nakahawak sa ano niya.Hindi porket binigay ko yung sarili ko sa kanya kagabi, eh pwede niya na 'kong galawin kahit anong oras na gusto niya. Asa siya!"Kahit ganito ako kag*go, nirerespeto ko pa din ang dinugua-" napalayo siya sakin nang aakmang sisipain ko sana siya. "Sabi ko nga, titigil na ako." napa-peace sign pa ang loko.Lumabas ako sa condo niya at binilisan ang paglalakad papuntang elevator. Saktong malapit na siya papuntang elevator nang sumara ito. Mabuti na lang at hindi siya nakaabot. Tsss.Bumukas ang elevator pagkarating ko sa main floor. Mabilis akong naglakad dahil ayokong maabutan ng

    Last Updated : 2020-11-15
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 7

    AZALEAMag-iisang buwan na simula nung hindi na nagpapakita si Izon. The last time I saw him, yun yung nasa restaurant kami. Pagkatapos nun, hindi na siya nagpaparamdam.Mas mabuti na nga yun at wala ng may mangungulit sakin. “Azalea, can you do me a favor?” Napatingin ako kay Nixel na ngayon ay nakanguso. Panigurado, may kalokohan na naman siyang iuutos sakin.“Kung hindi yan kalokohan, I'll do it. Pero kapag yan—”“Ok! Ok!” putol niya at mas lalo pang ngumuso “kung pwede lang sanang kunin mo yung laptop ko kay twinie. Nandun kasi lahat ng documents na gagawan ko ng hard copy. Kung hindi lang sana ako busy ngayon, baka—”“Oo na.” Pasalamat siya at magkatabi lang ang building ng Engineering at Business Education department.Good thing. Makikita ko na naman si Nizel.“Sa pagkakaalam ko, vacant niya ngayon at dahil ayokong mapagod yung beshie ko, tatawagan ko na lang si Nizel at sasabihing magkita kayo sa round table dun sa baba nitong building.” napailing na lang ako kay Nixel tsaka

    Last Updated : 2020-11-15
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 8

    AZALEA "Lea! Sa table eight ang isang 'to." Kinuha ko kay Jennie ang tray tsaka tinungo ang table na tinutukoy niya. "Enjoy your meal." nakangiti kong tugon sa customer pagkatapos kong ilapag sa table ang inorder nila. After ng sagutan namin kanina ni Izon, iniwan ko siya at hindi ko na din naabutan si Nizel kaya wala akong choice kundi ang mag-isang bumalik sa school. "Doon ka muna sa kitchen, tulungan mong maghugas si Miguel." utos sakin ng ka-trabaho ko kaya napatango na lang ako at dumiretso sa kusina. I work as a part-timer dito sa fastfood. Hindi masyadong kalakihan ang sweldo kaya minsan dinadagdagan ko pa ang mga sideline ko para lang makabayad ng tuition. "Ikaw muna ang bahala dito." sabi ni Miguel pagkalapit ko sa kitchen sink. Binigay niya sakin ang sponge na ginagamit pang-hugas kaya kinuha ko na lang at ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niyang paghugas ng mga pinagkainan ng customers. Ganito lagi yung eksena ko dito, minsan nakakapagod na pero wala akong magawa dahi

    Last Updated : 2020-11-17
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 9

    AZALEA"Wake up, baby." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa taong panay ang pag-yugyog sa balikat ko. Bumungad sakin si Izon na nakaupo sa kama habang nakangiting aso kaya't hindi ko mapigilan ang mapairap sa kawalan."Nambubwisit ka-" bahagya akong napahinto nang bigla niya akong halikan sa labi kung kaya't mabilis ko siyang nasipa dahilan para mahulog siya sa kama."Nang-aasar ka ba talaga?" "What? Anong mali sa ginawa ko?" pagmamaang-maangan nito habang nakaupo sa sahig."Anong mali sa ginawa mo?" sarkastiko kong tanong sabay lapit sa kanya.Hinawakan ko ang suot niyang polo at pilit siyang pinatayo, ngunit parang nagsisisi yata ako nang tuluyan siyang makatayo dahil mas mataas siya kumpara sakin kaya't napabitaw ako sa pagkakahawak sa polo niya. "Saan-banda-ang-mali-sa-ginawa-ko?" ulit niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo bang ulitin ko para malinawan ka na walang mali sa ginawa ko?" nagpakawala siya ng isang ngisi kaya't isang suntok din ang pinaka

    Last Updated : 2020-11-20
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 10

    AZALEA “Nixel...” I am trying my best to approach Nixel pero nakakainis lang dahil kahapon niya pa ako binabalewala. “Sorry na, hindi naman talaga ikaw yung minura ko.” niyogyog ko yung braso niya pero parang bato pa din siya na tila ba'y isa lang akong hangin na nangungulit na mapansin. “Bati na tayo Nixel.” lahat lahat ginawa ko na. Nagmumukha akong ewan sa kakapout tapos dedma pa din ang lola. Natapos na ang lunch break hanggang sa nagdismissal na pero wala talaga. Ayaw talaga ako pansinin ng babaeng 'to. “Bye. Una na 'ko.” alam kong hindi niya pa din ako papansinin pero gusto ko lang magpaalam. May trabaho pa ako at gusto kong magsimula ng maaga para mas maaga din akong matapos. “Wait..” napahinto ako sabay lingon kay Nixel na nagsalita at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Do me a favor.” mataray niyang sabi sabay taas ng kaliwa niyang kilay. “A-Anong favor?” “Promise me first na gagawin mo ang gusto ko. Minura mo ako at unacceptable yun sakin, kaya dapat lang na g

    Last Updated : 2020-12-01
  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 11

    NIXEL “Bakit kasama ni Mixz ang anak ni Mrs. Villamor?” nagulat ako nang biglang sumulpot yung kakambal ko mula sa aking likuran. “Anak ni Mrs. Villamor? Sino naman yan?” pabalik kong tanong sabay inom ng wine sa hawak kong wine glass. It's Mrs. Villamor's birthday party and my mom forced me to attend this party for some unknown reasons. Kaya dinala ko na din dito si Azalea dahil alam kong pang-matanda ang party na 'to. Duh! Hindi ako bagay sa mga ganitong okasyon. “The one we met at condo last month. Yung lalaking nagsabing girlfriend niya daw si Mixz but—” “You mean yung ka-secret affair ni bestie? Why? Where are they? Baka nagta

    Last Updated : 2020-12-01

Latest chapter

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 50

    THIRD PERSONWalang salitang namutawi mula sa labi ni Azalea habang sakay sila ng itim na SUV na dumaan sa isang pribadong daan papunta sa Villa Magallon.Sa buong biyahe, naroon lang siya sa sulok ng likurang upuan, nakatingin sa bintana, tahimik na pinagmamasdan ang mga taniman, punong kahoy, at mga bakod na tila palatandaan ng limitadong mundo ng mga taong may kapangyarihan.Hindi pa din siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kanya. Dati lang ay hirap na hirap siyang maka-survive sa pang-araw araw, pero ngayon… tila ba’y nasa isang magandang panaginip siya.Pagdating nila sa harap ng gate, awtomatikong bumukas ito. May mga tauhang nakaitim na uniporme ang nagbigay-galang habang dahan-dahang pumapasok ang sasakyan sa mahabang driveway.“You okay?” tanong ni Mister Nicolaus mula sa passenger seat.Tumango siya, kahit hindi siya sigurado kung totoo.Pagbaba ng kotse, tila bumigat ang hangin sa paligid. Ang Villa ay mas malaki kaysa sa na-imagine niya—isang mansyon na tila kinop

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 49

    THIRD PERSONDAPIT-HAPON na nang maihatid ni Izon si Azalea sa Imperial Suites. Tahimik ang buong byahe nila at walang gustong umimik. Tila ba’y sapat na ang pag-uusap nila kanina para bigyan ng katahimikan ang isa’t isa.Napalapit na ang loob ni Azalea kay Izon—mas higit pa sa inaasahan niya. Pero alam nilang pareho na sa puntong ito, wala na silang magagawa. May hangganan ang papel ni Izon sa buhay niya. At sa mga oras na ‘to, tanggap niya.“I promise to contact you if everything goes according to plan,” paninigurado ni Izon. Nandito sila ngayon sa labas ng unit ni Azalea.She gave him a faint, bittersweet smile while slowly shaking her head. “You don’t have to.”Tumindig siya ng tuwid, kahit nanlalambot na ang loob. “I’ll be okay, Izon.”Tinalikuran niya ang binata saka pumasok sa unit. “Safe drive,” she muttered, barely audible, bago isinara ang pinto at sinandalan ito saglit.Sinabi sa kanya ni Izon kanina na may plano silang dalawa ni Samantha para hindi matuloy ang kasal. Hindi

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 48

    THIRD PERSONPASADO ALAS DOSE na ng tanghali. Dahan-dahang iminulat ni Azalea ang mga mata, at unang bumungad sa kanya ang kisame. Tahimik at walang kahit na anong ingay ang buong silid.Iginala niya ang kanyang pangingin, ngunit walang katao-tao ang loob ng kwarto maliban sa kanya. Ultimong bakas ng lalaking nagdala dito sa kanya kagabi at nagbantay sa kanya buong magdamag ay wala din.Muling nag-flashback sa kanya ang nangyari kagabi. Takot na takot siya at hindi alam ang gagawin sa mga oras na ‘yon. Akala niya ay tuluyan na siyang mapapahamak matapos siyang ipagbenta ng kapatid niya, at hindi niya inaakalang magtatagpo muli ang landas nila ni Izon at ito pa ang nagligtas sa kanya.Napapikit siya nang mariin saka marahang bumaba ng kama. Hinanap ng mga mata niya ang bathroom para makapaghilamos. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang salaming kaharap ng sink. Lumapit siya dito at pinakatitigan ang sarili.May kaunting galos siya sa kanang pisngi na natamo niya kahapon sa matanda

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 47

    PAPASIKAT NA ANG ARAW ngunit hindi pa rin nakakatulog si Izon. Buong gabi siyang nakaupo lang sa gilid ng kama, binabantayan ang mahimbing na natutulog na si Azalea. Pagkatapos ng nangyari kagabi, parang ayaw na nitong mawaglit sa paningin niya si Azalea. Ayaw niyang may masamang mangyari na naman dito.Dito na din sila nagpalipas ng gabi sa isang kwarto ng building kung saan ginanap ang bachelor’s party kagabi dahil pagkatapos humagulhol sa iyak si Azalea, ilang oras din bago ito nakatulog.Nasa kalagitnaan siya ng pagbabantay nang biglang tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumawatawag dito. “Speak,” malamig niyang tugon sa kabilang linya pagkasagot niya sa tawag.[Nahanap na po namin ang pinapahanap niyo,] boses ni Ivan na sekretarya niya ang nasa kabila.“Where is he now?”[Nasa warehouse 12, hawak namin. What do you want us to do?]Saglit na napatahimik si Izon saka napahigpit ang hawak niya sa telepono. Makikitang nag-aapoy na ngayon ang mga mata niya sa galit.“I’m on m

  • Wild and Innocent (Tagalog)   Kabanata 46

    Nanlalamig ang balat ni Azalea at amoy na amoy ang masangsang na amoy na dala ng hangin. Nakahandusay siya sa malamig na sahig habang nakapiring at nakagapos ang mga kamay at binti. Basang basa na din ng pawis ang kanyang batok dahil kanina niya pa sinusubukang tanggalin ang pagkakagapos sa kanya. “Na-nasaan ako…” bulong niya. Basag ang kanyang tinig at nanginginig ang mga kamay niyang pilit kumakawala. Mula sa di kalayuan, may narinig siyang boses ng dalawang lalaking nag-uusap. "Maayos 'yan at malinis. Sinisigurado kong hinding hindi ka magsisisi," Kilala niya ang boses na 'yon. Yung boses ng lalaking hindi na lang sana niya pinagkatiwalaan muli. Yung boses ng taong nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Sigurado ka? Wala ’tong sabit?” sabat ng kausap nitong matanda. "Wala, Boss. Bayaran mo na lang ako para makauwi na 'ko" "Ito lang ang bayad. Huwag kang umasa na madadagdagan ko pa 'yan dahil ang laki ng utang mo sakin," inabot ng matanda ang iilang libo kay Jasper at

  • Wild and Innocent (Tagalog)   Kabanata 45

    The sky bore a somber weight that afternoon—overcast and brooding, like a shadow long concealed behind every fragile smile Azalea had ever worn. Nasa labas sila ng campus, bitbit ang bag sa balikat, habang si Nixel ay busy sa katitipa ng cellphone nito. "Mauna ka na. May dadaanan lang ako sa may kanto," paalam niya kay Nixel dahilan para mapaangat ito ng tingin.“O sige, text mo ko ha pag pauwi ka na,” sagot ng kaibigan at saktong nakaparada na sa harap nila ang van na sumusundo dito. Sumakay dito sa Nixel at nag-wave pa sa kanya. Pagkaalis ng sinasakyan nito, saka lang nagsimulang maglakad si Azalea.Ilang araw na din ang nakalipas magmula noong malaman niyang ikakasal ni Izon sa ibang babae. After hearing that news, she decided to let him go, at kalimutan ang kung ano mang ugnayan meron sila. Ayaw na din naman niyang guluhin pa 'yon dahil wala siya sa lugar. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa kanto habang dinadama ang haplos ng simoy ng hangin. Pasado alas sinko na din ng ha

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 44

    THIRD PERSONIt had been raining non-stop buong maghapon. Nixel arrived home with wet sleeves, her tote bag soaked at the bottom. Hindi kasi siya nasundo ng family driver nila kaya minabuti na lang niya ang mag-commute, kaso hindi naman niya inaasahan na maaabutan siya ng ulan pauwi.Pagkapasok niya sa gate ng kanilang bahay, agad siyang sinalubong ng mabining tunog ng ulan sa bubong at ang mahinang pag-ikot ng ceiling fan sa veranda. “Ate Nilda!” tawag niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. “May dumating bang parcel para sakin?”Lumabas mula sa kusina ang kanilang kasambahay, may dalang tray ng tinapay at sa kabilang kamay naman ay isang sobre. “Wala naman po, Ma’am. Pero kani-kanina lang po, may inabot na sobre para sa Mommy niyo po.”“Sobre?” tanong niya habang pinupunasan ang kanyang basang braso. “Anong klaseng sobre?”“Hindi ko po alam, Ma’am. Kayo na lang po ang magbigay sa mommy niyo,”Nang inabot ni Ate Nilda ang sobre, nangunot ang noo ni Nixel habang tinitignan ang ka

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 43

    AZALEAIT’S BEEN DAYS—ilang araw na din ang lumipas since huli kong makausap si Izon. No calls, no texts, not even a single seen sa messages na sini-sent ko sa kanya. At this point, I wasn’t just confused. I was bothered. Super bothered. At kahit gaano ko pa sinubukang i-distract ang sarili ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko every five minutes, secretly hoping na baka ngayon na… baka ngayon na siya magparamdam. Pero wala. It was as if he vanished into thin air right after that night. That night. Hindi naman talaga siya nag-propose. He just asked. A simple question na parang hindi biro, pero hindi rin klaro. Like he was testing the waters or maybe throwing something out there just to see how I’d react. And me? I froze. I didn’t say no, but I didn’t say yes either. I wasn’t ready. I didn’t even know where we stood. Wala kaming label, wala kaming malinaw na usapan. So how was I supposed to answer something that big?Nasa cafeteria kami ngayon ni Nixel, sharing our usual spo

  • Wild and Innocent (Tagalog)   KABANATA 42

    AZALEA"Eighty-six..."I shut the book without much thought, the quiet snap of its closing barely registering in my mind. My chin rested on my palms, as though they were the only things holding up the weight I hadn’t realized I was carrying. I felt drained—parang mawawalan ako ng gana.Another sigh escaped my lips."Eighty-seven..."Inis kong binalingan si Nixel na ngayon ay nagbabasa pa din sa libro. "What?" she asked, raising a brow.She must've noticed the glare I was giving her. "Are you seriously counting my sighs?""What’s so wrong with counting each of your sighs? And why do you keep sighing anyway? Don’t tell me na may problema ka pa din gayong nalaman mo na na isa kang anak mayaman with a handsome boyfriend to top it off?" sabat niya dahilan para mapairap ako."Minimize your voice, please." Suway ng isang estudyanteng napadaan sa table namin. Hindi ko na lang pinansin si Nixel at binaling na lang ang tingin sa kabilang side. Vacant time namin at nandito nga pala kami ngay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status