AZALEA
"I told you. Kumakain ako ng dinuguan."Kaagad kong tinuhod ang alaga niya nang makalapit ulit siya sakin at nakita ko kung paano siya mamilipit sa sakit."Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sayo. Kung hindi mo mapigilan yang kalibugan mo. Pwes! Lumayo ka sakin kung ayaw mong mapuruhan ng todo.""B-Biro lang yun. D*mn! Sineryoso mo naman." namimilipit pa din siya sa sakit habang nakahawak sa ano niya.Hindi porket binigay ko yung sarili ko sa kanya kagabi, eh pwede niya na 'kong galawin kahit anong oras na gusto niya. Asa siya!"Kahit ganito ako kag*go, nirerespeto ko pa din ang dinugua-" napalayo siya sakin nang aakmang sisipain ko sana siya. "Sabi ko nga, titigil na ako." napa-peace sign pa ang loko.Lumabas ako sa condo niya at binilisan ang paglalakad papuntang elevator. Saktong malapit na siya papuntang elevator nang sumara ito.Mabuti na lang at hindi siya nakaabot. Tsss.Bumukas ang elevator pagkarating ko sa main floor. Mabilis akong naglakad dahil ayokong maabutan ng manyakis na yun."Azalea! Anong ginagawa mo dito?"Muntikan na 'kong matumba dahil sa biglaang pagyogyog ni Nixel sa balikat ko.Lagot. Nakalimutan kong nandito din pala sa building ang condo ng kapatid niya.Akala ko ba umuwi na siya?"Kasama mo ba yun? Boypren mo? Sa kanya ba galing yung mga kiss mar-" may panguso-nguso pa siya sa banda ni Izon na kakalabas lang sa elevator kaya mabilis ko siyang sinagot."Nixel naman, ilang beses ko bang sasabihin na kinagat lang yun ng langgam at hindi ko kasama ang lalaking tinutukoy mo." rason ko."Ayt. Oo nga pala."Bumaling ako sa kasama niya at yung kaninang naiinis kong expresyon ay napalitan ng ngiti dahil nakita ko na naman siya."Hi Mixz." bati ni Nizel. Kakambal ni Nixel.Siya lang yung kaisa-isang taong tumatawag sakin as Mixz kaya feeling ko special ako sa paningin niya. Yiiie.Gwapo si Nizel kaya hindi naman sigurong nakakapagtataka na magkagusto ako sa kanya. May mga side kasi siyang hindi ko makita sa ibang lalaki. Matagal na 'kong may gusto sa kanya, since first year college. Nasa engineering department siya habang nasa Business education naman kami ng kakambal niya."H-Hi." medyo nauutal pa 'ko dahil sobrang ganda ng ngiti niya."Bakit ka nga pala nandito? May-""We went to my condo. Alam mo na, galawang lalaki, pre." panira 'tong umakbay sakin.Ang sarap lang ibitin patiwarik ang siraulong 'to. Ang hilig sumulpot at umakbay. Grrr."Ah..." napakamot si Nizel na para bang nahihiya kaya inis kong binalingan ng tingin si Izon at tinitigan siya ng masama."Ano bang pinagsasabi mo?" iwinaksi ko ang braso niya bago bumaling kay Nizel."Boyfriend mo?"Anong boyfriend? Hell No!"Hin-""Oo. Boyfriend niya ako." napatingin ako kay Izon na siya'ng sumagot."Seryoso?" sabat naman ni Nixel.Ano ba naman 'to.Paano ko naging boyfriend ang manyakis na 'to? Isang napakalaking Yuck!"Mukha ba 'kong nagbibiro?"Sige lang Izon. Humanda ka sakin mamaya kapag nakaalis na 'tong si Nizel. Makakatikim ka talaga sakin ng tatlong bituin."No! He's not-""Bakit hindi tayo kumain sa labas? Ano sa tingin niyo? Para na din ma-celebrate natin yung pagkakaroon ng boypren ni beshiewap." pangunguna ni Nixel kaya napa-poker face na lang ako dahil dun.Bakit ba ayaw muna nilang makinig sakin?Hindi ko nga siya boyfriend."Nixel!?" nagbabanta ang tonong sambit ko."What?"Napa-irap na lang ako sabay buntong ng hininga. Nakaka-stress kaharap 'tong mga 'to. Buti na lang at nandito yung stress reliever ko."Sure. Payag kami ng baby ko." muli na naman akong inakbayan ni Izon at nakita kong masama yung tinging ipinupukol niya kay Nizel.Nang-iinis ka ba 'to?"Guys! Listen, hin-""Whatever." putol sakin ni Nixel at hinila na yung kakambal niya palabas ng building. Kinaladkad din ako ni Izon palabas habang hindi pa din inaalis ang pagkaka-akbay niya sakin.Sinisiraan talaga ako ng dalawang 'to sa harap ni Nizel.**El grande Restaurant"Awwwiiie! Ang gwapo ng boypren mo, beshie." napapalundag na sabi ni Nixel na para bang kinikilig.Kailan ko ba masasabi na hindi ko jowa ang lalaking yun?Pagkarating namin dito sa restaurant, kaagad akong pumunta sa CR at hindi ko namamalayang sinusundan pala ako nitong kasama ko.Syempre, ano pa ba ang magiging dahilan niya sa pagsunod sakin, edi ang maki-chismiss at asarin ako sa boyfriend ko kuno."Hindi ko nga siya boyfriend." giit ko"Huwag ka ngang ganyan. Seryoso yung tao, tapos panay naman ang deny mo."Kita niyo na? Nagsasabi na nga 'ko ng totoo para tumigil na sila sa kaka-assume na boyfriend ko yun. Baka tuluyan na 'kong mawalan ng pag-asa kay Nizel dahil aakalain niyang taken na talaga ako."Kasi yun naman talaga ang totoo. Hindi ko boyfriend ang siraulong yun.""Eh, bakit sinabi-""Hindi ko alam. Trip niya lang yun at ayokong sakyan ang mga kalokohan niya."Itinapon ko sa trash bin ang ginamit kong tissue tsaka naglakad palabas ng CR. Nakasunod lang sakin si Nixel at mukhang napaniwala ko siyang wala talagang kami ni Izon."Sad." mahinang sambit ng kasama ko "Akala ko pa naman, kayo na talaga." hihirit pa talaga, ano?"Tigilan mo 'ko ha." seryoso kong baling sa kanya at nagpauna na ng lakad pabalik sa table namin."Mixz, dito ka na sa tabi ko."Kaagad akong nabuhayan ng loob nang tinawag ako ni Nizel at pinapaupo sa tabi niya. Balak ko na sanang lumapit sa kanya nang biglang may tumikhim dahilan para mapatingin ako kay Izon."Boyfriend here. Dito siya uupo sa tabi ko."Halos manlumo ako dahil sa sinabi niyang yun. Napatingin ako kay Nizel at nagbigay lang siya ng pilit na ngiti bago sumagot"Ah.. Ge."Yun na yun eh. Nasa tabi ko na sana yung pangarap ko. Bakit ba puro panira ang isang 'to?Hindi siya pwedeng umasta na parang boyfriend ko sa harap ni Nizel dahil kung wala na akong chance noon sa kanya, how much more kapag may nagpapanggap akong boyfriend ngayon?Inirapan ko lang si Izon bago nagpatuloy ng lakad sa tabi ni Nizel ngunit mabilis na lumapit sakin si Nixel at bumulong ng "Dun ka na umupo, dito na 'ko tatabi kay twinie" at inunahan na nga 'ko ng upo.Wala na. Wala na talaga akong pag-asa na tumabi kay Nizel.Padabog akong umupo sa tabi Izon at kahit na ayokong ipahalata na naiinis ako, tagos pa din ang katagang inis."Mas gwapo parin ako kumpara sa lalaking yan." bulong sakin ng katabi ko kaya imbis na sagutin ko siya, idinaan ko na lang sa pagkurot sa tagiliran niya.Wala akong paki kung masaktan ko siya. Panira siya ng araw. TsssMaya-maya lang ay dumating na yung inorder nila. Inilapag isa-isa ng waiter ang pagkain at wala na ni isang nagsalita samin kaya nagsimula na kaming kumain.Siguro naman, may dalang pera na 'tong katabi ko dahil kung wala, susmaryosep! Mahiya naman siya dahil sa pagpayag niya na sumama sa dalawang magkapatid. Tsk"Bricks?"Bricks? Anong Bricks?Napatingin kami sa babaeng nagsalita mula sa likuran namin ni Izon. Nasa 30's pa lang yata ang edad nito base sa nakikita ko sa balat niya. Halatang mayaman at mamahalin ang suot na damit."What are you doing here-obviously you're eating. Sino yang mga kasama mo? New friends?"Napahinto kami sa pagkain dahil pokus ang mga mata namin sa bagong dating.Medyo namumukhaan ko ang babaeng 'to dahil nakita ko silang magkausap kahapon ni Izon sa living area ng bahay nila habang tumatakas ako- Mommy niya yata yan eh. Sa pagkakaalam ko."Uhm.. Yeah mom."Mommy nga niya"Hello po. I'm Nixel Kismet Ghrae," nakangiting pagpakilala ni Nixel "and this is Nizel Kiszer. Kakambal ko po" baling nito sa katabi niya.Napangiti ang ginang sa paraan ng pagpapakilala ni Nixel. Medyo nahihiya pa 'ko dahil hindi ko alam kung paano ako magpapakilala. Feeling close din naman kasi 'tong kaibigan ko."And you?" baling nito sakin.Sinasabi ko na nga ba."Si Azalea po yan, girlfriend ng anak niyo." sagot ng kaibigan ko sa mommy ni Izon na siyang ikinagulat ko.Alam kong may pagka-loko loko 'tong si Nixel minsan, pero hindi ko ini-expect na sasabihin niya yun. Akala ko ba malinaw na sa kanya yung sinabi ko kanina?"Really?"Tsss. Asa pa."Yes po, tita-" napahinto si Nixel sa pagsasalita nang biglang tumayo si Izon at hinarap yung mommy niya."No mom, she's not my girlfriend." napatahimik ang lahat nang sinabi niya yun. Ultimong kumakain dito sa restaurant ay nakikisabay sa katahimikan namin.Yeah. I'm not his girlfriend, but why do I feel this way? Parang daig ko pa ang babaeng itinanggi ng jowa niya sa harap ng magulang nito.Hays. Wala lang 'to.AZALEAMag-iisang buwan na simula nung hindi na nagpapakita si Izon. The last time I saw him, yun yung nasa restaurant kami. Pagkatapos nun, hindi na siya nagpaparamdam.Mas mabuti na nga yun at wala ng may mangungulit sakin. “Azalea, can you do me a favor?” Napatingin ako kay Nixel na ngayon ay nakanguso. Panigurado, may kalokohan na naman siyang iuutos sakin.“Kung hindi yan kalokohan, I'll do it. Pero kapag yan—”“Ok! Ok!” putol niya at mas lalo pang ngumuso “kung pwede lang sanang kunin mo yung laptop ko kay twinie. Nandun kasi lahat ng documents na gagawan ko ng hard copy. Kung hindi lang sana ako busy ngayon, baka—”“Oo na.” Pasalamat siya at magkatabi lang ang building ng Engineering at Business Education department.Good thing. Makikita ko na naman si Nizel.“Sa pagkakaalam ko, vacant niya ngayon at dahil ayokong mapagod yung beshie ko, tatawagan ko na lang si Nizel at sasabihing magkita kayo sa round table dun sa baba nitong building.” napailing na lang ako kay Nixel tsaka
AZALEA "Lea! Sa table eight ang isang 'to." Kinuha ko kay Jennie ang tray tsaka tinungo ang table na tinutukoy niya. "Enjoy your meal." nakangiti kong tugon sa customer pagkatapos kong ilapag sa table ang inorder nila. After ng sagutan namin kanina ni Izon, iniwan ko siya at hindi ko na din naabutan si Nizel kaya wala akong choice kundi ang mag-isang bumalik sa school. "Doon ka muna sa kitchen, tulungan mong maghugas si Miguel." utos sakin ng ka-trabaho ko kaya napatango na lang ako at dumiretso sa kusina. I work as a part-timer dito sa fastfood. Hindi masyadong kalakihan ang sweldo kaya minsan dinadagdagan ko pa ang mga sideline ko para lang makabayad ng tuition. "Ikaw muna ang bahala dito." sabi ni Miguel pagkalapit ko sa kitchen sink. Binigay niya sakin ang sponge na ginagamit pang-hugas kaya kinuha ko na lang at ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niyang paghugas ng mga pinagkainan ng customers. Ganito lagi yung eksena ko dito, minsan nakakapagod na pero wala akong magawa dahi
AZALEA"Wake up, baby." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa taong panay ang pag-yugyog sa balikat ko. Bumungad sakin si Izon na nakaupo sa kama habang nakangiting aso kaya't hindi ko mapigilan ang mapairap sa kawalan."Nambubwisit ka-" bahagya akong napahinto nang bigla niya akong halikan sa labi kung kaya't mabilis ko siyang nasipa dahilan para mahulog siya sa kama."Nang-aasar ka ba talaga?" "What? Anong mali sa ginawa ko?" pagmamaang-maangan nito habang nakaupo sa sahig."Anong mali sa ginawa mo?" sarkastiko kong tanong sabay lapit sa kanya.Hinawakan ko ang suot niyang polo at pilit siyang pinatayo, ngunit parang nagsisisi yata ako nang tuluyan siyang makatayo dahil mas mataas siya kumpara sakin kaya't napabitaw ako sa pagkakahawak sa polo niya. "Saan-banda-ang-mali-sa-ginawa-ko?" ulit niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo bang ulitin ko para malinawan ka na walang mali sa ginawa ko?" nagpakawala siya ng isang ngisi kaya't isang suntok din ang pinaka
AZALEA “Nixel...” I am trying my best to approach Nixel pero nakakainis lang dahil kahapon niya pa ako binabalewala. “Sorry na, hindi naman talaga ikaw yung minura ko.” niyogyog ko yung braso niya pero parang bato pa din siya na tila ba'y isa lang akong hangin na nangungulit na mapansin. “Bati na tayo Nixel.” lahat lahat ginawa ko na. Nagmumukha akong ewan sa kakapout tapos dedma pa din ang lola. Natapos na ang lunch break hanggang sa nagdismissal na pero wala talaga. Ayaw talaga ako pansinin ng babaeng 'to. “Bye. Una na 'ko.” alam kong hindi niya pa din ako papansinin pero gusto ko lang magpaalam. May trabaho pa ako at gusto kong magsimula ng maaga para mas maaga din akong matapos. “Wait..” napahinto ako sabay lingon kay Nixel na nagsalita at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Do me a favor.” mataray niyang sabi sabay taas ng kaliwa niyang kilay. “A-Anong favor?” “Promise me first na gagawin mo ang gusto ko. Minura mo ako at unacceptable yun sakin, kaya dapat lang na g
NIXEL “Bakit kasama ni Mixz ang anak ni Mrs. Villamor?” nagulat ako nang biglang sumulpot yung kakambal ko mula sa aking likuran. “Anak ni Mrs. Villamor? Sino naman yan?” pabalik kong tanong sabay inom ng wine sa hawak kong wine glass. It's Mrs. Villamor's birthday party and my mom forced me to attend this party for some unknown reasons. Kaya dinala ko na din dito si Azalea dahil alam kong pang-matanda ang party na 'to. Duh! Hindi ako bagay sa mga ganitong okasyon. “The one we met at condo last month. Yung lalaking nagsabing girlfriend niya daw si Mixz but—” “You mean yung ka-secret affair ni bestie? Why? Where are they? Baka nagta
THIRD PERSON"Do you want to play something interesting?""But you need to promise me first that you will never tell anyone about our game,""Can't I atleast tell Daddy about it?""No, baby. This game... will be our greatest secret. Do you still want to play with me?" Napahikbi ang isang batang babae sa dalampasigan. Nabitawan niya ang ang hawak nitong stuff toy saka makailang beses na humagulhol sa iyak. "I want you back, mom..." puno ng pagsusumamo ang mga mata niyang walang tigil sa pag-agos ng luha. Nagmamakaawang bumalik ang taong matagal na niyang inaasam-asam na bumalik. Wala sa sariling naglakad siya sa dagat. Unti-unti na siyang nilalamon ng tubig ngunit walang sawa pa din siya sa pag-iyak. Wala na siyang ibang gustong mangyari kundi ang makita ang kanyang ina. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata, na tila ba'y handa na ito sa kung ano man ang mangyari sa kanya. "YAH!" isang matinis na boses ang kanyang narinig dahilan para muli niyang imulat ang kanyang mga mata. "
THIRD PERSON "Long time no see, Lea..." Despite feeling anxious, Azalea managed to compose herself still. She had no choice but to remain calm dahil ayaw niyang ipakita sa kanyang kapatid na nababalisa siya sa presensya nito. "Anong kailangan mo?" prangka niyang tanong. "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" pabalang na sagot sa kanya ni Jasper dahilan para titigan niya ito nang masama. "Ginaganyan mo na 'ko ngayon? Naks naman, Lea." nagpakawala ito ng isang pagak na tawa at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng mas lalong pagkabalisa. Jasper turns out to be his step brother nang muling magpakasal ang kanyang ama pagkatapos mamatay ang kanyang ina. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lumuwas siya papuntang manila, kasabay ng pagtalikod niya sa nakaraang gusto niyang kalimutan. "May pera ka ba diyan?" sunod na tanong ng kanyang kapatid. "Wala--" "Lumuwas pa 'ko ng Manila para lang puntahan ka dito tapos sasabihin mong wala? Ginag*go mo ba 'ko?" asik nito na labis niyang ikinagu
AZALEA "My parents are starting to hate you." nakangusong sambit sakin ni Nixel at pabagsak na ipinatong ang kanyang ulo sa mesa. Nginitian ko lang siya bilang tugon at hindi na nagawa pang sumagot. Kasalukuyan kaming nandirito ngayon sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin sa statistic. Lunch time na din kasi kaya dito kami kaagad dumiretso at para hintayin na din ang kakambal niyang si Nizel. "They even told us not to come near you." nabangon siya saka napangiwi. "Pero alam mo naman na hindi namin kaya ni Nizel ang layuan ka, diba? I don't care if I may look like a rebelled daughter dahil lang sinusuway ko ang parents ko. I know you better than them, so no worries, I will and never leave your side no matter what." she then wink at me as if giving me an assurance that I could always have her back whatever may happen. "Thank you." I will always be grateful for having someone like her as my friend. She may sometimes nosy and annoying but she's ready to back up if ever some
THIRD PERSONDahan-dahang iminulat ni Azalea ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang natatamaan siya ng sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto. Nag-unat siya ng kanyang braso at sinamahan pa ng kaunting paghikab.Nang tuluyan na siyang magising, iginala niya ang kanyang paningin at napagtantong wala pala siya sa sarili nitong kwarto. Saka niya lang din naalala ang nangyari bago siya nilamon ng antok kaninang madaling araw.Napasilip siya sa ilalim ng comforter para i-check kung suot niya pa din ba ang damit, at parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang makitang pareho pa din ang damit na suot niya bago siya nakatulog.“Binuhat niya kaya ako?” napatanong siya sa kanyang sarili habang sapo-sapo ang noo. Nagtataka siya kung bakit nandito siya ngayon sa kama gayong sa sahig naman siya nakatulog kanina.Napabaling siya sa bedside table at nakita ang cellphone niya. Kaagad niya itong kinuha at tinignan ang oras.Mag-aalas dose na ng tanghali.Maya-maya’y nakarinig siya ng katok
THIRD PERSON Mahigit kalahating oras na ang nakalipas simula noong lumabas sa kwarto si Izon at hindi pa din dinadalaw ng antok si Azalea. Lahat na yata ng paraan para makatulog ay ginawa na niya, pero hindi pa din tumalab. Tumambling sa kama, nagpagulong-gulong at nagbilang ng mga tupa habang nakatitig sa kisame, pero ni isa ay walang umobra. Inis niyang tinanggal ang pagkakatalukbong ng comforter, saka napabangon. “Mag-aalas kwatro na,” sambit niya pagka-check niya sa oras sa cellphone niyang naka-charge malapit sa bedside table. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang pitsel sa loob ng ref para magsalin ng tubig sa baso. Pagkatapos niyang uminom, napadako ang kanyang paningin sa sala. “Ba't gising ka pa?” tanong niya nang makita si Izon na kasalukuyang abala sa pagtitipa sa laptop. “I'm waiting for my secretary. I told him to pick up some stuff you’ll need while you’re staying here,” Mabagal ang mg
THIRD PERSON“Mag-ingat kayo,” bilin ni Azalea sa mga kasamahan niya dahil halos pagewang-gewang na ang lakad ng iba, maliban lang kay Nicole. Masyadong nadala sa alak ang mga kasama niya kaya hindi naiwasang malasing pagkatapos ng apat na oras na pagpakasaya sa KTV.“Sigurado ka bang mag-isa mong ihahatid ang mga ‘to?” nag-aalalang tanong niya kay Nicole nang makitang nakaupo sa sahig si Miguel at mag-isang kinakausap ang sarili.Pasado ala una na nang madaling araw at kasalukuyan silang nasa labas ng KTV lounge at nag-aabang ng taxi para sakyan pauwi.Pinara ni Azalea ang isang taxi at pinagbuksan sila ng pinto. “Samahan na lang kita—”“Huwag kang mag-alala. Kaya ko na ‘to. Saka, hindi tayo magkakasya lahat sa taxi kapag sumama ka,” putol ni Nicole sa alok niya.Kahit na nag-aalala, pumayag na lang din siya. “Basta tawagan mo na lang ako kapag nakauwi na kayong lahat,”Tinulungan sila ng taxi driver na alalayan si Miguel papasok sa taxi dahil wala na talaga ito sa wisyo. Mabilis na
THIRD PERSON It’s past nine in the evening at katatapos lang ng shift nilang lahat. Azalea packed her things from her locker before finally bidding her goodbye to her co-workers. Medyo may katagalan na din siya dito kaya halos lahat ng mga nagtatrabaho dito ay naging malapit sa kanya. “Ikaw ha, baka kakalimutan mo na kami,” kunwaring nagtatampong pahayag ni Miguel sa kanya at sinabayan pa ito ng pagnguso. “Palagi ka pa namang busy.” “Naku! Kapag ginawa mo talaga ‘yon sa’min, sisiguraduhin kong hindi ka invited sa kasal ni bakla.” Dagdag pa ni Jenny na tila ba’y nagbabanta. “Teka, bakit ako?” nagtataka namang tanong ng kaibigan. Napailing na lamang si Azalea habang nakangiti. “Tigilan niyo nga ako sa kalokohan niyo. Baka nga kayo pa ang makalimot sakin e.” pambabaliktad na sagot ng dalaga habang nakahalukipkip para kunwari’y magmukhang mataray. “Aba! Aba! May pa ganyan ganyan ka na sa’min ngayon? Porke’t aalis ka na?” hindi nagpatalo si Miguel at humalukipkip din sabay irap dahila
AZALEA “Please give us a call whenever you’re ready. Your grandfather is waiting for you.” Malimit akong ngumiti kay Mister Nicolaus saka tumango. “I will.” Medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Nabuhos ko na lahat ng luha na pwede kong ibuhos. Ilang taon ko din sinarili ang nangyari sa’min ni mama, sa pag-aakalang wala akong matakbuhan at makikinig sakin. Now, I finally had someone, not just someone, but a family that I could ran into when I’m bothered. Pagkatapos magpaalam ni Mister Nicolaus, kaagad siyang sumakay sa dala niyang kotse saka ito pinaharorot paalis. Sinundan ng tingin ko ang papalayo niyang kotse hanggang sa tuluyan nan ga itong maglaho. Saglit akong napatingin sa hawak kong calling card, saka napagdesisyunang itago ito sa case ng cellphone ko. Sinabi ko kay Mister Nicolaus na saka ko na lang bibisitahin yung mga kamag-anak ni mama dahil sa ngayon ay abala pa ako. Siguro pag dumating na yung panahon na may napatunayan at may narating na yung sarili ko, yu
AZALEA“I’m Nicolaus Villamor, chief executive of Magallon Law Firm and I'm your mom's cousin.” Inabot sakin ng lalaki ang contact card niya pagkatapos magpakilala.“Teka, pakiulit nga po ng sinabi mo.” naguguluhan kong tanong habang pinagmamasdan ang binigay niyang card sakin.Nandito kami ngayon sa sala dahil gusto niya akong makausap. Kakaalis lang din ni Izon dahil may emergency sa kompanya niya. Nag-aalangan pa siyang umalis kanina dahil ayaw niya akong iwan sa lalaking estranghero, pero sinabi ko sa kanyang magiging okay lang ako, at kung hindi man, sinigurado ko sa kanya na tatawagan ko siya. “I'm your mom's cousin. Siguro nagtataka ka kung bakit bigla na lang ako nagpakita at nagpakilala.” pag-uulit ng lalaki. I haven't had any contact with anyone from my mom's side. Kaya hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito. “Mag-iisang taon na din magmula noong sinimulan namin ang paghahanap sayo.” dagdag pa niya na mas lalo kong ipinagtaka.Hinahanap niya ako? At
THIRD PERSON“So that explains the reason kung bakit ka nakipag-away doon sa bar kagabi,” naiiling na sambit ni Azalea pagkatapos i-kwento ni Izon ang nangyari. “Pero hindi pa din valid ang rason mo para manggulo sa bar. Buti nga hindi ka pinapulis ng mga nakaaway mo dahil kapag nagkataon, sa kulungan ka sana nagpalipas ng gabi.” Dagdag pa nito saka ininom ang tubig na isinalin niya sa baso.Sa kadahilanang wala siyang pasok ngayon, napagpasyahan niyang ipaghanda ng agahan si Izon at sabay na ding kumain. Habang nasa hapag, hindi naman nito maiwasan ang magtanong sa totoong nangyari.“So, anong plano mo?” tanong niya ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Izon na tila ba’y ayaw magpa-istorbo sa kinakain. “Wala naman sigurong masama sa plano ng tatay mo,” walang pakundangang sabi pa niya dahilan para saglit na mapatigil si Izon. “If it’s for business, then be it. Besides hindi ka naman magpapakasal sa kung kani-kanino lang.”May punto nga naman siya. Kasintahan ni Izon si Samantha at sa
THIRD PERSONBlinded by his anger and frustration, Izon stormed out of the VVIP room, leaving Samantha behind, hurt and bewildered by his sudden coldness. He didn't bother to consider her feelings; all he could think about was how his father was trying to control his life once again, dictating his future without any regard for his happiness.With a storm raging in his chest, Izon sought solace in the oblivion of a bar. He drowned his frustration in the numbing embrace of alcohol, desperately trying to escape the harsh reality that had unfolded before him. Hours slipped away unnoticed, and the darkness of the night clung to his troubled mind.Past three in the morning, Izon's drunken state reached its peak, causing him to lose control. His anger and despair spilled over, causing him to lash out, sending bottles crashing to the floor. The bouncer's gaze fell upon the shattered glass and the disheveled figure of Izon. Kaagad siyang inawat ng mga ito. Nakakaagaw na din siya sa atensyon n
THIRD PERSON“Ipapaalala ko lang that you'll be having a dinner with your girlfriend's family and Mr. Villamor will be joining as well,” paalala ng sekretarya ni Izon sa kanya at ipinatong sa kanyang mesa ang dokumento na kanyang pinagawa. “Anong oras na ba?” tanong nito sa sekretarya habang abala pa din sa ginagawa niya sa monitor ng computer, tila may hinahabol na gawain na kailangan tapusin. “Quarter to six. Traffic pa naman kapag ganitong oras,” sagot naman ni Ivan pagkaupo niya sa mahabang sofa na nakapwesto sa gitna ng opisina. Nagpaschedule ng dinner ang tatay niyang si Mr. Villamor kasama ang girlfriend niya at mga magulang nito dahil may mahalaga silang bagay na pag-uusapan patungkol sa kanilang kompanya. Masyado siyang nababad sa trabaho buong maghapon, kung kaya't hindi niya namalayan na palubog na pala ang araw. “E, boss?” tawag pansin ng kanyang sekretarya pero hindi niya ito binalingan at patuloy pa din sa ginagawa. “Oh?” maikling tugon na lamang niya. Napakamot pa