NAPATDA SI CRASSUS NANG MAKITA ang masayang ngiti ni Raine kahit nakapikit. Marahan nitong hinaplos ang mukha sa mainit niya na braso. Napalunok siya. Simpleng kilos lang ang ginawa nito pero grabe na kung maka - react ang kanyang katawan. Kahit na malakas ang air conditioner sa kwarto ay ramdam niya ang pag - iinit ng kanyang katawan. Nagmulat ng mata si Raine at nagtama ang kanilang paningin. Bigla itong bumangon at pumasok sa ginamit niya na kubrekama. Sumiksik ito sa kanya at naglalakbay ng dahan - dahan ang kamay nito patungo sa kanyang bewang, dahilan upang hindi mapakali ang kanyang sistema. Hirap man si Crassus ay pilit niyang nilabanan ang kahungkagan sa kanyang katawan. Nanatili siyang walang imik. Nagpanggap siya na parang wala lang kahit na naniningas na apoy na nasa ilalim ng kanyang kahubdan. "Thank you," bigla nitong ani sabay tumingin sa kanya na may pagkislap sa mga mata. Nakasandal pa rin siya sa hood ng kama. At dahil hinila ni Raine ang kanyang braso kanina a
LUNES, BUMABA SI RAINE sa sasakyan ni Crassus nang mag - parking ito sa harap ng kompanya. Pagkapasok niya sa lobby ay nagkita sila ni Diana. Nginitian niya ito."Wow!" Maang nitong sabi. "Ganda ng ngiti mo. Good mood ka besh?" Anong meron?" Inilapit nito ang mukha sabay titig sa kanya ng mabuti. "May maganda bang nangyari sa inyu?"Uminit ang pisngi ni Raine. "Wala naman na."Napatingin siya kay Crassus. Saglit na nagtama ang kanilang paningin bago ito umalis para i - parking ang sasakyan.Nang mawala ito sa paningin niya ay hindi na mapakali ang kanyang sistema. Nakakabaliw pero hinahanap na niya ang presensiya nito.Napangiti si Diana nang mapansin ang kakaibang galaw ng dalawa. Hinawakan niya sa braso si Raine para paharapin ito sa kanya.Dinuro niya ito. "Ikaw ah." Kiniliti niya ito sa tagiliran. Lumayo ito. "May hindi ka sinasabi sa akin." Hinawakan naman niya ito sa pisngi. "Huwag kang magsinungaling. Halata sa mukha mo. Blooming ka masyado.""Tsk. Tantanan mo na nga ako," pag
SAMANTALA, PUMASOK SI TIA sa opisina ni Crassus. Nakasunod sa kanya ang isang staff at may dala ito na paper bag.Hindi tulad ng binigay niya sa mga empleyado, mas maganda at nakakatakam sa mata ang binigay na pagkain ni Tia kay Crassus. Mas maganda rin ang packaging nito. Hindi tulad nang sa mga empleyado na nakasilid lang sa isang simpleng paper bag. "I'm shooting a new workplace drama, Crassus. Tulungan mo naman ako mag - promote," sabi pa ni Tia. Itinukod niya ang dalawang kamay sa gitna ng mesa ni Crassus. Nilapag naman ng staff ni Tia ang binili niya na pagkain sa mesa."I'm neither a public relations company nor a publicity department. Kung sa akin ka magpapatulong, kakaunti lang ang mahahatak mo na viewers," sagot pa ni Crassus na hindi inalis ang paningin sa binasa na report."Kahit na, mas okay na rin iyon kaysa wala," pamimilit niya pa. "Ayaw mo bang kainin ang dala ko?""Umorder na ako at tapos na akong kumain," diretsahang sagot ni Crassus. "Bakit mo pa ako hinahatiran?
HABANG NAGLILINIS NG MESA si Raine ay tumunog ang ringing tone ng kanyang messenger. Nang tignan niya ito ay isang message request mula sa Acosta Beauty ang kanyang nabasa. Hindi niya ito kilala kaya hindi na lang niya pinansin ang chat request.Hindi nagtagal ay tumunog na naman ang cellphone niya. Pagtingin niya ay naka audio call si Crassus kaya sinagot niya ito.Why didn't you send me a message?" His voice was always calm, with a hint of awe.Napakunot ang noo ni Raine. Nailayo niya ang kanyang cellphone dahil sa pagtataka. Napakurap pa siya. Mayamaya pa ay ibinalik niya ang cellphone sa tainga.Wala naman siyang kasalanan. Lalong wala siyang ginagawang bagay na ikakagalit nito. Kung anuman ang ikinainis nito ngayong araw ay labas na siya roon."Anong message?""Acosta Beauty, we want to make a dress for you. Check it."Pagkatapos niyon ay ibinaba na nito ang telepono. Nagtaka man kung para saan ang ipapagawa nito na damit ay hindi na niya nakuha pang magtanong. Sinunod na lang n
PAGKARATING SA BAHAY, nakita nilang nakatambay sa sala si Lolo Faustino. Nagmano sila rito. Nang tignan niya si Crassus ay nasa likod niya ito at titig na titig sa kanya.Napalunok siya. Lalo na nang makita niya ang paraan ng pagtitig nito. Kakaiba ang epekto niyon sa kanya na para bang hinihipnotismo siya nito. Ang nababasa niyang pagnanasa sa mata nito ay mas lalong pinabilis ang pagtibok ng puso niya. Sa takot na madala ay diretsahang sinabi ni Raine kay Lolo Faustino na hindi na siya kakain. Itinuon niya ang kanyang atensiyon kay Lolo.Kaagad naman nag - alala naman itong dahil sa kakaibang bungad ni Raine. "Why won't you eat? Nagbabawas ka ba ng timbang, Tina?"Umiling naman siya. "Hindi naman po, Lolo. Busog lang po ako. Kumain na kasi ako sa office," pagdadahilan pa niya.Pero ang totoo ay hindi na niya maintindihan ang takbo ng kanyang tiyan. Nagsisimula na itong magkarambola, at dahil ayaw niyang magsabi kay Lolo ay pinilit niyang umakto ng normal. Ayaw niya itong mag - ala
SUMUNOD SI CRASSUS kay Raine nang tumakbo ito papunta sa comfort room. Nabungaran niya itong panay suka sa harap ng bowl habang nakatukod ang kanang braso nito sa tuhod. Sinapo pa rin nito ang tiyan. Habang tumatagal ay napansin niyang mas napalapit ang mukha nito sa inodoro. Hindi na rin nito mahawakan ng maayos ang mga buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Bago siya lumapit ay binuksan niya muna ang maliit na bintana para makalabas ang nangangasim na amoy dulot ng suka nito. Kumuha siya ng tuwalya at binigay niya ito kay Raine. Nang hawakan niya ito sa siko ay kamuntik pa ito matumba. Kaagad siyang nag - alala nang maramdaman niyang para na itong lantang gulay. Sinampay niya muna ang tuwalya sa balikat niya. Nang tutulungan niya sana itong tumayo nang biglang gumalaw ang kamay nito. Dahan - dahan siya nitong itinulak sa tiyan. "Huwag kang p-pumasok d-dito. Maasim," sabi pa ni Raine.She flush her vomit. Akmang sasabuyan niya ng liquid bowl cleaner ang inodoro nang inagaw ito n
"Aren't you jealous?" Crassus asked her.Napatda si Raine dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito."Wala akong karapatan na magselos." Iniwas niya ang kanyang mata. "Karelasyon mo siya rati samantalang ako ay pinakasalan mo lang dahil sa kasunduan natin. Kaya wala akong karapatang magselos."Pareho silang natahimik. Hindi na siya makatingin kay Crassus kaya yumuko na lang siya. Nahagip din ng paningin niya na tumalikod ito.Mayamaya pa ay narinig niyang may kinausap ito. Napaangat siya ng mukha."Replace the microwave oven in the finance department."Napaawang ang labi ni Raine. Kung ganoon ay tinawagan pala nito ang logistics department. Para palitan ang microwave oven sa office nila? Dahil lang sa sinabi niya kanina?Bigla ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o hindi.Ibinaba nito ang hawak na cellphone. Nakita niya na may kinalikot ito. Hindi rin nagtagal ay nakalapat na naman ang telepono nito sa tainga."Mr. De Guzman, Rai
Biyernes, na - discharge si Raine sa ospital. Si Crassus ang sumama sa kanya para lumabas ng gusali. Sinabi rin nito na hindi na siya papasok sa trabaho. Wala siyang magawa kung hindi magpahinga sa villa nito.Sinabi rin nito na pupunta ang staff ng Acosta Beauty mamayang tanghali para sa pagsukat ng kanyang damit. Dala na rin ng pagod na makipag - banggayan ay sinang - ayunan niya ang lahat ng sinabi nito.Pasado alas dose na nang makarating ang staff ng Acosta Beauty. Hindi lang pala damit ang dinala nila, maging mga accessories na kakailanganin niya ay kompleto. Mula sa alahas, hair pins, at pati na rin sandal na kanyang susuotin. Nalula siya sa dami nito.Hindi niya rin naman masisisi ang sarili dahil sa tanang buhay niya ay ngayon pa siya nakaranas ng ganito. Inaalalayan siya ng mga ito para isukat ang dinesenyo na damit. Samu't saring mga alahas ang pinasubok sa kanya. Maging mga hair pins, kaya ramdam niya ang pananakit ng kanyang tainga at buhok. Hindi siya sanay na magsuot n
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya
Pagpasok nina Raine at Crassus sa entrance ng restaurant ay naagaw nila ang atensiyon ng mga tao. Natigilan pa ang ilan sa mga babae habang ang iba ay napasinghap. Lalo na ang mga kalalakihan, para silang nakakita ng isang dilag na napadpad sa mundo ng mga tao.Raine is wearing a dark blue dress. Ang mahaba niyang buhok ay nakabuyangyang. Isang white hairband lang din ang aksesorya sa buhok niya. Pati ang bitbit niya na mamahaling tote bag at belt ay puti rin kaya kaaya - aya sa mata ang kasuotan nito.Crassus is wearing a expensive dark blue polo shirt. Pinaresan nito ng khaki pants ang pang - itaas nito. Even his black belt is screaming for elegance. Simple lang ang desinyo pero bumagay sa suot niya na black formal footwear. They entered the restaurant with a poise. Halos mabali na ang mga leeg ng mga kababaihan sa kakatingin kay Crassus. Ang ilan sa mga lalaki ay napainom ng wine habang nakatitig kay Raine. The two steal the spotlight. Na para bang pinapares talaga sila sa isa't -