Kylline is married to Ace for almost a year, naging masaya at maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa nalaman niyang bumalik ang babaeng unang minahal ng kanyang asawa. Halos wala ng oras ang binata sa kanya dahil madalas nitong kasama ang babae at alam niyang nagpapaawa lang ito o gumagawa ng alibi para lang kaawaan ng kanyang asawa.
"Babe, aalis muna ako saglit." paalam ng kanyang asawa.
"Saan ka pupunta? Kakain pa tayo." saad ni Kyline. "May kailangan lang akong puntahan pero uuwi din ako agad." sagot ni Ace.
"Sino? Ace naman! Kakauwi mo nga lang valing trabaho tapos aalis ka na naman? Mas importante ba talaga ang babaeng 'yan kaysa sa akin?" puno ng hinanakit na turan ni Kyline.
"What are you talking about?" tanong sa kanya ni Ace.
"Huwag ka ng magsinungaling dahil alam ko naman na si Riley ang tumawag. Gano'n mo ba talaga siya ka mahal para iwan ako? Ako na asawa mo." puno ng hinanakit na turan nito.
"B-babe, it's not what you think." mabilis na sambit nito . "At anong gusto mong isipin ko? Simula ng bumalik ang babae na 'yan ay nagbago ka na! Mas madalas mo pa nga siyang kasama eh. Alam kung siya ang una mong minahal pero Ace ako ang asawa mo pero bakit kailangan kung manlimos ng atensyon mo?" nagsimula ng umiyak ang dalaga dahil sa sama ng loob.
"Pinakasalan mo lang ba ako dahil ako ang nandyan ng iniwan ka niya at ngayon na bumalik na siya bigla na lang akong naging display sa buhay mo?" dagdag pa nito.
"Mali ka ng iniisip. Sa tingin mo ba papakasalan kita kung hindi kita mahal? May sakit siya at alam naman natin na wala siyang kasama that's why I'll check her first, please understand baby. May pinagsamahan naman kami." pagpapaliwanag ni Ace.
Ngumiti ng mapait si Kyline. "Kaya okay lang na iwan mo ako? Okay lang na umuwi akong mag isa dahil mas kailangan ka niya? Alam naman natin na nag iinarte lang ang babaeng 'yan para puntahan mo lang siya."
"Ky, please. I promise this is the last time." pakiusap ni Ace.
"Pumayag man ako o hindi alam kung pupuntahan mo pa din siya. Ganyan siya kahalaga sayo na kaya mong kalimutan na may asawa ka. Kailangan din naman kita Ace ah, pakiramdam ko ng bumalik siya ay nawalan na din ako ng asawa." bakas sa mukha ng dalaga ang sakit.
"Pag aawayan pa ba natin 'to? Ky naman. Nakikiusap ako sayo." pagsusumamo ni Ace.
"Go on, go! Ano pa ba ang magagawa ko? She's your first love at alam kung wala akong laban diyan. Siguro nga kung hindi tayo kasal ay babalik ka sa kanya. I'm doing my best for this marriage Ace, okay naman at masaya tayo eh pero simula ng dumating siya ay nagkandaleche leche na. Nakakapagod kang mahalin Ace alam mo ba 'yon? Nakakapagod sumugal sa taong una pa lang pinapatalo ka na. Ang hirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Ang hirap lumaban mag isa."
"B-babe hindi naman gano'n 'yon eh. Kaya nga sabi ko sayo ito na ang huling beses at kakausapin ko na din siya. Alam mong mahal kita at kung ano man ang meron sa amin noon ay matagal na 'yong tapos, nakaraan na 'yon. All I am asking to you is to trust and understand me." pilit na pagpapaintindi ni Ace.
Natawa naman si Kyline ng pagak. "Hindi pa ba kita iniintindi? Ni minsan wala kang narinig sa akin kahit na alam kung magkasama kayo palagi, kahit masakit ay tiniis ko dahil mahal kita, dahil may tiwala ako sayo at higit sa lahat dahil asawa kita! Hindi ko lubos na maisip na dahil ayaw mo siyang masaktan ay kailangan na ako ang durugin mo."
Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. At kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. "Choose now Ace, siya o ako?"
"Babe! Hindi natin kailangan humantong sa ganito."
"Sa oras na tinalikuran mo ako ay tapos na ang lahat sa atin." Magsasalita pa sana siya ng tumunog na naman ang phone niya, kinuha niya ito at binasa pagkatapos ay tumingin sa akin ng may panlulumo.
"Ky, I love you but she needs me now." halos manghina ako sa narinig ko at kasabay no'n ay ang pagtalikod niya sa akin.
Kylline POVHalos matumba ako ng makaalis si Ace, hindi ko alam na kahit papiliin ko pala siya ay talo pa din ako. Alam kung mahal niya ako pero simula ng dumating ang babaeng 'yon ay nakalimutan niya na din na kailangan ko siya. Nanghihina na napaupo na lang ako sa sofa habang umiiyak.Napatingin ako sa aking tiyan at napangiti na lang ng mapait, gusto ko sana sabihin sa kanya ang sorpresa ko pero mukhang hindi na 'yon mangyayari. Kagaya ng sinabi ko sa kanya sa oras na umalis siya ay wala na siyang babalikan pa at gagawin ko ang bagay na 'yon."Pasensya ka na anak ha, mukhang kailangan na muna natin umalis ngayon, siguro nga hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng daddy mo ang tungkol sayo. Huwag kang mag alala dahil gagawin ko ang lahat para lang mabigay ang buhay na deserve mo." mahinang saad ko habang hinimas himas ang tiyan ko.Kinuha ko ang phone ko na nakalapag sa mesa at tinawagan ang kaibigan ko. "Hello. bakit napatawag ka?""Nasaan ka?" tanong ko dito."Nasa bahay, per
Ace POVHalos lutang ako habang nagdadrive dahil ang isip ko ay nasa asawa ko, alam kung madalas naming pag awayan ang tungkol kay Riley pero naaawa lang naman ako sa kalagayan niya dahil wala ang mga magulang niya dito at wala siyang ibang kasama. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kaming dalawa. I know masama ang loob sa akin ni Kylline dahil hindi ko siya pinili kahit na siya ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at kagaya ng pangako ko sa kanya ay ito na ang huling beses na pupuntahan at tutulungan ko si Riley.Hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi niya kanina bago ako umalis, kahit na labag sa loob ko ay ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Sana naman ay hindi masira ang relasyon namin dahil lang sa pagiging gago ko. Matapos ko lang ito ay babawi ako sa kanya. Sinubukan kung tawagan siya pero hindi ito sumasagot, sigurado akong sumama talaga ang loob niya sa akin.Mas nadagdagan pa ang inis ko dahil sa traffic, gustong gusto ko na talagang makarating sa condo ni Riley p
Ace POVPagpasok ko sa loob ay bakas sa kanyang mukha ang gulat at takot."K-kanina ka pa ba diyan Ace?" tanong niya sa akin, pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kanya. "Gusto mo bang kumain muna? May hinanda ako para sayo." dagdag pa nito."Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya."Oo nga, sobrang nahihilo ako. Tumawag lang ang kaibigan ko kaya sinagot ko na muna 'yon. Siguro ay napagod ako kanina kaya nanghina na naman itong katawan ko alam mo naman na bawal ako mapagod dahil sa sakit ko." aliw na aliw talaga ako sa mga sinasabi niya, ang galing niyang magsinungaling sa harap ko. Siguro kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ng kaibigan niya ay maniniwala na naman ako."Hanggang kailan ka magpapanggap Riley?" anas ko.Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. "A-ano bang sinasabi mo Ace.""Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang ibig kung sabihin diba? Alam mong mababa ang pasensya ko Riley at ayaw ko ng paulit ulit." saad k
Theo POVKanina pa kami nandito sa airport at hinihintay na lang ang pagtawag sa flight namin, hindi ko talaga alam kung bakit biglaan ang alis ni Kylline. Nagulat lang din ako ng sinabi sa akin ng kapatid ko na gusto nitong sumama sa akin, mabuti na lang at nagawan ng paraan ng kaibigan ko ang kanyang ticket.Mayamaya pa ay tinawag na ang flight namin kaya tumayo na kami, ako na din ang nagbitbit ng kanyang gamit."Ky, mag iingat ka ha. Huwag ka masyadong mag isip do'n alam mo na makakasama 'yon sa baby." saad ni Brie sa kanyang kaibigan."Kuya, ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko ha. Alam mo naman na buntis siya." bilin naman nito sa akin."Huwag ka ng mag alala dahil hindi ko siya pababayaan, subukan niya lang na maging matigas ang ulo ako mismo ang tatawag sa asawa niya para sunduin siya." anas ko kaya nakatanggap naman ako ng hampas kay Kylline.Hindi din naman na kami nagtagal dahil tinawag na ulit ang flight namin kaya naglakad na kami papasok sa loob, simula ng nasa byahe k