Share

Chapter 2

Ace POV

Halos lutang ako habang nagdadrive dahil ang isip ko ay nasa asawa ko, alam kung madalas naming pag awayan ang tungkol kay Riley pero naaawa lang naman ako sa kalagayan niya dahil wala ang mga magulang niya dito at wala siyang ibang kasama. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kaming dalawa. I know masama ang loob sa akin ni Kylline dahil hindi ko siya pinili kahit na siya ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at kagaya ng pangako ko sa kanya ay ito na ang huling beses na pupuntahan at tutulungan ko si Riley.

Hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi niya kanina bago ako umalis, kahit na labag sa loob ko ay ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Sana naman ay hindi masira ang relasyon namin dahil lang sa pagiging gago ko. Matapos ko lang ito ay babawi ako sa kanya. Sinubukan kung tawagan siya pero hindi ito sumasagot, sigurado akong sumama talaga ang loob niya sa akin.

Mas nadagdagan pa ang inis ko dahil sa traffic, gustong gusto ko na talagang makarating sa condo ni Riley para makausap siya. Pwede naman maghire na lang siya ng katulong o kaya nurse na makakasama siya para hindi na ako ang guluhin niya, mas gugustuhin ko na lang na gano'n ang gawin niya para bumalik sa dati ang normal namin na pagsasama ng asawa ko. Alam kung galit si Kylline sa kanya dahil iniisip nito na nagsisinungaling lang siya tungkol sa kanyang sakit para lang makita ako pero siguro naman ay hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Kilala ko si Riley dahil matagal din ang naging relasyon namin dati kaya alam kung mabait naman siyang tao.

Halos abutin din ako ng isang oras bago makarating sa buulding kung nasaan si Riley, mabilis kung ipinark ang kotse ko at pumasok sa loob, hindi naman din ako magtatagal dito dahil uuwi ako at kakausapin ang asawa ko. Mahaba habang suyuan na naman ito 'yon ang sigurado ako.

Sumakay na ako sa elevator at pinindot kung saang floor ang unit ni Riley, sinusubukan ko pa din tawagan ang asawa ko pero hindi pa din talaga siya sumasagot. Imposible naman na tulog na siya dahil hindi naman 'yon maaga natutulog, minsan nga ay nauuna pa ako sa kanyang makatulog dahil nanonood pa siya ng tv o kaya naglalaro sa kanyang phone.

Nang tumunog ang elevator ay mabilis akong lumabas at nagtungo sa unit ni Riley, napansin kung hindi ito nakasara at nakita ko siyang nakatayo malapit sa sofa habang may kausap sa kanyang phone kaya hindi na muna ako tumuloy sa pagpasok at pinakinggan muna ang usapan nila.

"Sinabi ko naman sayo na mahalaga ako kay Ace at kahit ano pa ang sabihin ko ay maniniwala siya sa akin."

"Kung nakita mo lang ang pag aalala sa kanyang mukha dahil sa sakit ko ay aakalain mo talagang mahal pa niya ako. Hindi ko lang kasi akalain na kasal na siya sa babaeng 'yon. Hindi naman sila bagay na dalawa kaya hindi pwedeng hindi sila maghiwalay."

"Ano ka ba, syempre nakaplano na ang lahat ng 'to pati ang pagpapanggap kung may sakit ako para maawa sa akin si Ace at puntahan ako kapag sinabi ko na kailangan ko siya o kaya kapag sinusumpong ako ng sakit."

"Talagang hindi siya maghihinakla na hindi totoong may sakit ako dahil may mga pinakita ako sa kanyang medical results na binayaran ko para makakuha ako ng gano'n at isa pa binayaran ko din naman ang doctor na kinausap namin na sabihin niyang may sakit ako para mas maniwala si Ace. I'm so smart right?"

"At alam mo bang madalas silang mag away ng asawa niya dahil inis na inis sa akin ang babaeng 'yon, pinipilit ni si Ace na nagsisinungaling daw ako which is true naman kaso dahil sa kilala nga ako ni Ace mas pinaniwalaan niya ako kaysa sa asawa niya. Sooner ay alam kung maghihiwalay din sila at kapag nangyari ang bagay na 'yon ay mababawi ko na ulit si Ace."

"Kapag naging successful itong plano ko ay sunod na palalabasin ko ay buntis ako, syempre kailangan na maging totoo ang bagay na 'yon para hindi na ako iwan ni Ace. Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng asawa niya kapag nalaman ang bagay na 'yon."

"What? Wala ka bang tiwala sa akin? Syempre mangyayari 'yon at kung hindi man edi pwede naman ulit magpanggap diba? Hanggang sa maging totoo na.

"I'm so excited na mabawi ko ulit ang lalaking mahal ko sa babaeng 'yon. Hindi naman kasi sila bagay, sana pala ay inagahan ko para hindi sila nagpakasal. Alam ko naman na mahal ako ni Ace at hanggang ngayon ay mas mahal niya pa rin ako kaysa asawa niya kasi paulit ulit niya akong pinipili."

"Itutuloy ko lang ang pagpanggap ko tungkol sa sakit ko para mas makuha ko pa ang loob ni Ace at hanggang sa makalimutan niya na ang kanyang asawa."

"Oh sige na ibababa ko na ito. Pupunta si Ace dito ngayon eh."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa mga narinig ko, all this time ginagago lang pala ako ni Riley. Tama nga ang sinasabi ng asawa ko na nagpapanggap lang siya para makalapit sa akin at ako naman 'tong tanga ay naniwala din. Marami pa silang pinag usapan at nanatili lang ako dito na nakikinig kahit na kanina ko pa gusto na pumasok, kailangan ko muna malaman lahat ng ginawa niyang plano para hindi na siya makagawa pa ng alibi.

Akala ko ay kilala ko na talaga siya dahil mahabang panahon ang pinagsamahan namin pero mukhang hindi pa pala. Hindi na siya ang Riley na kilala at minahal ko, she's selfish na kahit pagsisinungaling ay kaya niya ng gawin para lang makuha ang kanyang gusto. Hindi ko akalain na hahantong siya sa ganito ka baba para lang mabawi ako, mas pinatunayan niya sa akin ngayon na tama na si Kylline ang pinakasalan ko at hindi siya.

Nang maibaba niya ang phone ay nahintay muna ako ng ilang minuto bago pumasok dahil nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako agad napansin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status