Share

Chapter 1

Kylline POV

Halos matumba ako ng makaalis si Ace, hindi ko alam na kahit papiliin ko pala siya ay talo pa din ako. Alam kung mahal niya ako pero simula ng dumating ang babaeng 'yon ay nakalimutan niya na din na kailangan ko siya. Nanghihina na napaupo na lang ako sa sofa habang umiiyak.

Napatingin ako sa aking tiyan at napangiti na lang ng mapait, gusto ko sana sabihin sa kanya ang sorpresa ko pero mukhang hindi na 'yon mangyayari. Kagaya ng sinabi ko sa kanya sa oras na umalis siya ay wala na siyang babalikan pa at gagawin ko ang bagay na 'yon.

"Pasensya ka na anak ha, mukhang kailangan na muna natin umalis ngayon, siguro nga hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng daddy mo ang tungkol sayo. Huwag kang mag alala dahil gagawin ko ang lahat para lang mabigay ang buhay na deserve mo." mahinang saad ko habang hinimas himas ang tiyan ko.

Kinuha ko ang phone ko na nakalapag sa mesa at tinawagan ang kaibigan ko. "Hello. bakit napatawag ka?"

"Nasaan ka?" tanong ko dito.

"Nasa bahay, pero aalis din kami kasi ihahatid namin si Kuya sa airport kasi diba ngayon ang alis niya."

"Can I come with him?" tanong ko.

"A-ano? Sasama ka kay kuya?"

"Y-yes, pasabi naman kay Kuya Theo kung pwede ako sumabay sa kanya sa pag alis niya kahit papaano may kasama ako, magagawan niya ba 'yan ng paraan?" saad ko. Wala akong nakuhang na sagot mula sa kanya pero naririnig ko na kinakausap niya ang kanyang kapatid.

"Hello Ky, sabi ni Kuya pwede naman daw. Tatawagan niya na lang ang kanyang kaibigan para makuha ka ng ticket."

"Salamat Brie ha." anas ko.

"Ano bang meron? Alam ba ng asawa mo na aalis ka?"

"Hindi, kaya sana huwag mong sasabihin sa kanya. Alam kung ikaw ang una niyang pupuntahan kapag nalaman niyang wala na ako. Nakikiusap ako sayo na sana wala kang sasabihin."

Bumuntong hininga naman siya. "Dahil na naman ba 'yan sa babaeng 'yon? Hindi pa talaga matiis ni Ace na puntahan 'yon eh halata naman kami na gumagawa na lang 'yon ng kasinungalingan para lang makipagkita sa kanya pero itong asawa mo ang bobo."

"Huwag na muna natin pag usapan ang bagay na 'yan best. masyadong pagod ngayon at utak ko at ayaw ko ng mag isip pa. Nakapagdesisyon na ako, aalis na muna ako." wika ko.

"A-alam niya na ba na buntis ka?"

"Hindi at wala akong plano na ipaalam sa kanya ang bagay na 'yon. Ilang beses na akong nakiusap sa kanya pero mas pinili niya pa rin ang babaeng 'yon! Siguro nga ay talagang hindi kami mahalaga sa kanya kaya ayos lang na hindi niya malaman ang tungkol sa anak niya." wika ko.

Nag usap pa kami saglit bago ako nagpaalam dahil aayusin ko pa ang gamit ko, kailangan kung makaalis agad dito at baka maabutan niya pa ako. Siguro naman ay hindi ako nagkulang bilang asawa sa kanya dahil ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para maging masaya kami. Alam kung mahal niya ako pero ang hirap din kung hindi niya ako kayang unahan.

Tumayo na ako at umakyat sa taas, pagpasok ko sa kwarto namin ay amoy na amoy ko agad ang kanyang pabango. Sobrang mamimiss ko siya, lahat ng tungkol sa kanya. Alam kung hindi magiging madali ang lahat sa akin pero kakayanin ko, para sa anak ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at mga importanteng dokumento na kailangan ko sa pag alis, ayaw ko ng madali ng marami at bibili na lang ako. Ayaw ko naman pagurin ang sarili ko. Nang maayos ko na ang lahat ay naupo ako sa kama, inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Sobrang ma mimiss ko ang silid na ito dahil ito ang pahingaan namin at marami kaming mga memories na magkasama dito. Napadpad ang tingin ko sa litrato na nakasabit sa dingding, kuha namin 'yon ng ikinasal kami. Parehong malapad ang ngiti at halatang mahal talaga namin ang isa't isa.

Bago pa ako maiyak ay tumayo na ako at kinuha ang mga gamit kung dadalhin, ayaw ko ng manatili dito dahil alam kung masasaktan lang ako. I need to go now habang kaya ko at wala siya, kasi alam ko na sa oras na makita ko na naman ang kanyang mukha ay baka hindi na ako tumuloy sa pag alis ko. I need to do this for the safety of our baby.

Bawat hakbang ko ay nagbibigay bigat sa aking dibdib hindi madali sa akin ang iwan ang asawa ko dahil mahal na mahal ko siya pero 'yon lang ang tanging alam kung paraan para makapag isip siya ng maayos kung sino ba talaga ang pipiliin niya, ayaw kung maging selfish pagdating sa kanya dahil gusto ko ay masaya lang siya at kahit na hindi pa ako ang maging dahilan no'n ay tatanggapin ko basta maging masaya lang siya.

Nang makalabas ako sa gate ng bahay ay sakto naman na may dumaan na taxi kaya mabilis ko itong pinara, mukhang kampi sa akin ang tadhana ngayon dahil hindi niya ako pinahiarapan na maghanap ng masasakyan. Saglit ko munang nilingon ang bahay sa huling pagkakataon bago tuluyang sumakay.

"This is goodbye for now hubby. I hope sa susunod nating pagkikita ay maayos na ang lahat. Mahal na mahal kita pero mukhang hanggang dito na lang muna ako." bulong ko sa aking isipan.

Sinabi ko sa driver kung saan niya ako ihahatid, hihintayin naman ako ng kaibigan ko dahil isasabay na lang nila ako sa pagpunta sa airport. Mabuti na lang talaga at ngayon din ang alis ng kanyang kapatid kaya kahit papaano ay may kasama ako sa biyahe. Close din kami ni Kuya Theo dahil tatlong taon lang naman ang agwat nito sa amin at madalas siya naming nakakasama simula ng maging magkaibigan kami ng kanyang kapatid. Mabait at sweet din siya kahit minsan may pagkasuplado lang lalo na sa hindi niya kilala o ka close.

Isinandal ko ang ulo sa ko upuan, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ace sa oras na malaman niyang umalis na ako sa bahay. Hahanapin niya kaya ako? Hahayaan na lang? Ayaw ko na lang muna mag isip sa ngayon, binigyan ko naman siya ng pagkakataon na pumili pero hindi naman ako ang pinili niya.

Hindi din nagtagal ay nakarating ako sa bahay nina Brie, nagbayad lang ako sa taxi at saka bumaba. Nakita ko si Kuya Theo na nag aabang sa akin, Nang makababa ako ay nakangiting lumapit ito sa akin.

"Hi kuya Theo, nasaan si Brie?" tanong ko.

Kinuha niya naman ang gamit ko at siya na ang nagdala. "Nasa loob, nag aayos pa kasi siya kaya ako na ang sumundo sayo dito." sagot niya naman.

"Hindi naman na kailangan 'yon eh, makakapasok naman ako sa bahay niyo ng mag isa." saad ko.

Umiling iling naman siya at sabay na kaming pumasok sa loob. Alam kung naguguluhan si Kuya Theo kung bakit biglaan ang pag alis ko, siguradp akong tatanungin ako no'n mamaya kapag kami na lang na dalawa. Kilala ko pa naman ang lalaking 'to at hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang sagot sa tanong niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status