Share

Chapter 5: Prank

Nang makaalis na si Alexus ay dali-daling nagligpit si Mia ng kanilang mga pinagkainan. Hinugasan niya na rin ‘yun at maingat na inilagay sa lalagyanan ng mga plato. Pagka-alis niya sa kusina ay malinis na malinis na ‘yun, kagaya ng bago niya pa iyon gamitin. Nagtapon na din siya ng basura sa labas which is kinuha naman ng isa sa mga bantay niya sa bahay. Infairness, may exclusive bantay talaga siya.

Tumakbo siya sa itaas at nagbihis sa isang komportable na jersey short at loose shirt. Sinuklay niya rin ang buhok bago tumakbo pabalik sa ibaba. Kahit na nakita na ito no’ng isang araw mula sa malayuan ay iba pa rin talaga na nasa malapitan. Mukhang sosyalin rin ang pool at napakalinis! Walang bakas ng kung anong ihi o something madumi. Nakikita pa nga niya ang tiles sad ulo no’n.

“Kyahh! Ang lamig!” Tahimik siyang napahiyaw nang maramdaman niya ang tubig sa kaniyang palad. Tumayo siya at tumalon-talon muna. Stetching her muscles para iwas cramps. Baka hindi niyo kasi alam, isa siyang swimmer representative no’ng elementary siya. Mahusay siya sa paglangoy at minsan na rin humakot ng award sa swimming contest. “Alright, here I come.” Nag sign of the krus muna siya bago ipino-posisyon ang sarili sa pag-dive. Naka-angat ang dalawang kamay sa ere, magkadikit ang mga paa at paliko na arrow ang posisyon niya nang mag-dive siya sa tubig. Diretso siya sa ilalim at nag-ala serena movements siya, umikot-ikot at nag-spiral din bago umahon.

“TURN the car, may nakalimutan ako.” Ma-awtoridad na utos ni Alexus sa driver x personal assistant na si Jeff. Habang nagbabasa siya ng emails sa cellphone niya. Most of it are messages from his comrade, Maximus. Ito kasi ang nag-imbeta sa kaniya kagabi sa party dapat na pupuntahan nila ni Mia na ginanap sa isang cruise ship, pero dahil sa nagalit sa kaniya si Mia ay kailangan niyang sundin ang mga gusto nito para mapa-kalma. Only those actions are exclusively for Denise, he did not expect to become more considerate of her when she’s just a hired wife.

Walang sali-salita na iniliko ni Jeff ang sasakyan pabalik sa pribado niyang Villa. Pagkarating ay yumukod ang dalawang bantay na inihahabilin niya para bantayan si Mia. “Master, nagbalik po kayo agad?” Tanong ni Kent.

Nilingon niya ito, “What did my wife do this time?” pero imbes na sagutin ito ay si Mia ang itinanong niya rito.

“Nasa pool po siya ngayon, naliligo.” Anito at wala sa sariling naglakad si Alexus papasok sa bahay at imbes sa opisina niya siya di-diretso ay dumiretso siya sa pool.

Pero wala siyang Mia na nakikita, naglakad pa siya papalapit but then the mysterious bubbles went up continuously, nilukob siya bigla ng pag-aalala nang sumagi sa isip niya na baka nalulunod ito. “Fuck!” Matinis siyang napamura at diretsong tumalon.

On the other hand, nag-meditate si Mia sa ilalim ng pool. Sinusubokan ang itatagal ng hangin niya sa ilalim nang may biglang humapit sa kaniyang bewang at bumangga sa isang matigas na bagay. Napadilat siya at gano’n nalang ang pagkagulat niya na makita si Alexus, napasinghap siya at nakalimutan na nasa ilalim pala siya ng tubig nang bigla din nitong sinakop ang kaniyang bibig. Sa bilis ng pangyayari ay hindi naka-react agad si Mia. She could feel her body went still as he gave her air to breath. Kumapit siya sa batok nito at bahagya itong itinulak palayo.

Umahon siya, habaol-habol ang sariling hininga. Umubo pa siya at nag-suka dahil sa kaunting tubig na nainom niya. “Are you crazy?! Why did you dive into the pool when you do not know how to swim? Are you trying to kill yourself, huh?!” Habang umuubo siya ay bumungad sa kaniya ang nanenermon na tinig ng mister. “Papaano kung hindi ako bumalik?! Baka patay ka na ngayon! Aish!” He hissed as he messes his hair in irritation. Umahon si Alexus at tinulongan si Mia na umahon, pero tinabig ni Mia ang kamay niya na ikinagulat niya. “Quit being stubborn, will you?!”

Naiinis naman na tiningnan ni Mia si Alexus. “Hindi ako nagpapakamatay, pwede ba?! Hihingi ba ako ng permiso mo kung hindi ako marunong lumangoy?!” Kahit talaga ang lalaking ‘to, panira sa mood niya palagi eh! Nalilito siyang tiningnan ni Alexus pero pinaikotan niya lang ito ng mata bago pinakita dito kung gaano siya ka-husay lumangoy.

Pinagmasdan ni Alexus ang galaw niya ang in every movement she do, her muscles would reflex lalo na sa likuran niya. Ngayon lang niya napag-alaman na may maibubuga pala ang katawan ng ignorante niyang asawa and he was worrying for nothing!

“Nakita mo ‘yun? Marunong ako lumangoy.” Lumangoy siya pabalik sa direksyon ng lalaki at umahon pagkatapos. They stared at each other. She saw how drenched his attire was and unknowingly feeling guilty.

“Tsk.” Suplado na tinalikuran siya nito at naglakad papasok ng bahay na agad niya namang sinundan. Pinalipad pa niya ang towel sa pagbato na marahang bumagsak sa ulo nito.

Tumigil ito, kaya’t nagmamadali siyang lumapit dito at inabot ang ulo nito para punasan ng towel niya. “Bakit ka ba umuwi? Na prank ka pa tuloy.” Nagbibiro niyang sambit habang tinutuyo ang buhok nito gamit ang towel. Matalim siya nitong tiningnan. Bakit nagsu-suplado siya bigla? Kahapon naman ang sweet niya, tapos ngayon? Ano ba ang nangyari sa kaniya?

Iritable na tinabig siya nito pero dahil makulit siya ay hinabol niya ito sa itaas. Ang la-laki pa ba naman kasi ng hakbang. “Why are you here? Sinabi ko bang pwede kang pumasok dito?” Malamig ang boses nito na hindi naman nakakapagpa-tinag sa kaniya. Tumuloy pa rin siya sa kuwarto nito at tinulongan ito sa paghubad ng blazer.

“Asawa mo ako, di’ba? Then, maliban sa pag-stay ko sa bahay mo ng libre… ako ang mag-aalaga sa’yo.” Inilagay niya sa basket ang basa nitong blazer, habang si Alexus ay speechless pa rin sa ginagawa ni Mia. Why did she go this far? Isn’t she supposed to be calm and relaxed than stressing herself with the chores? Natigil si Alexus sa pagiisip nang maramdaman niyang marahan siya na itinutulak ni Mia. “Sige na. Maligo ka na. Ako na ang bahala sa mga gagamitin mong damit. Ihahanda ko sa kama para hindi ka na mahirapan.” Wala na ngang nagawa pa si Alexus kundi ang pumasok sa banyo at maligo.

Habang si Mia ay dali-daling pumanhik sa kuwarto niya para manood ng tutorial sa pag tie ng necktie. At dahil pinanganak siyang fast learner ay name-memorya na niya ang tinutukoy sa tutorial. After some time ay bumalik na siya sa kuwarto ni Alexus. Timing naman na binu-butones nito ang long sleeve nito.

Napalingon si Alexus nang makita ulit si Mia sa hamba ng pintuan niya. Pero mas lalong kumunot ang noo niya nang napansin na hindi pa ito nagbibihis at mukha ng natutuyuan. “Bakit hindi ka pa nagbihis?”

Imbes na sagutin siya ni Mia ay lumapit ito sa kaniya at tinulongan siyang i-butones ang natitirang dalawa na butones. “Natuyuan ka na, you should change.” Anggil niya dito pero hindi siya pinapakinggan.

“Inaral ko ‘yung pag-tie ng neck tie for seven minutes. Akin na ‘yung necktie mo.” Mas napatanga pa siya dahil sa sinabi nito. Is she kidding me? Or was she just trying to sweep me off? Habang abala sap ag-aayos si Mia sa necktie niya ay mataman na tinitingnan niya lang ito at mukha din itong masaya sa ginagawa niya. “Yung nagturo kanina sa video, napaka-hinhin. Mabuti at naabutan ko pa. Ayan, done!” She smiled while staring at her little achievement. Buti nga at nagawa niya ng tama, kung hindi baka tuloyan ng maging panget ang pogi niyang Mister sa kaka-busangot.

Nakita ni Alexus ang pag-ngiti at something beneath his chest was moved. Para siyang na-starstruck sa pag-ngiti lang nito. Basically, it’s the first time in history na kumabog ang puso niya. Even Denise couldn’t tremble his heart. But he knows na mahal niya ito. Ang weirdo lang.

Hanggang sa matapos siyang tulongan ni Mia na isuot ang kaniyang blazer at napa-kurap lang nang matagpuan niya itong nakatitig sa kaniya. “Is something on my face?” Tanong ni Alexus kay Mia na umiling lang. “Then, why are you staring at me like that?” He became fierce as seconds passed by kaya’t nagugulohan din talaga si Mia sa inakto nito ngayon.

“Iniiwasan mo ba ako?” Kapagkuwa’y hindi na niya napigilan na tanongin ito dahil ayaw rin naman niyang mamuhay sa kuryusidad.

“I do.”

Inaamin niya, na-dismaya siya. Pero hindi niya ‘yun pinahalata. Mahigit tatlong araw pa lang naman silang magkakilala pero labis na ang pagkaka-dismaya niya. “Okay, naiintindihan ko.” Hindi na rin siya nagtanong dahil sa hindi naman talaga dapat.

Alexus was stunned by her answer, “It’s okay to you?” Paninigurado niya na hindi niya alam kung bakit niya ginagawa.

Tumango si Mia at makahulogan na ngumiti dito. She’s not just a good daughter pero magaling din siya sa pagtatago ng nararamdaman niya. Kahit sino ay walang makakapansin no’n except niya. “Oo, bakit naman hindi? Kidnapper lang naman kita.” Umingos pa siya dito bago nagtungo sa banyo nito at dinampot ang mga nabasa na damit ni Alexus.

Alexus followed her through his gaze, Hindi ba talaga niya alam kung ano ang trabaho na pinasok niya? O baka nagpapanggap lang siya? Pero kung nagpapanggap ang babae, he should’ve found out from her eyes na nagsisinungaling siya. Pero bakit wala siyang makita? One among of his splendid talents is ang makapag-basa ng emosyon ng tao mula sa mga mat anito. But he can’t seem to see something weird from her. Maliban sa inosente at ignorante ito.

“Pero dahil hindi ka naman masama at mayaman ka, pagsisilbihan kita bilang kabayaran ko sa kabutihan mo. Ayus ba?” Dala na nito ang basket at nakapinid sa bewang nito. Kumindat pa ito sa kaniya na ikina-salubong ng kilay niya.

“You’re absolutely weird.” Komento ni Alexus na ikina-bungisngis ni Mia. If you only know na pareho tayong naglo-lokohan. Pero sa tingin ko ay hindi boring ang tatlong buwan na pananatili ko sa bahay mo.

“Saglit lang, Mister!” Mabilis kasing naglalakad si Alexus at nais ni Mia ay ihatid ito hanggang sa sasakyan.

Huminto naman si Alexus at nilingon siya, “Bakit?”

Halos takbuhin na ni Mia ang laundry room at patapon na pinadausdos ang basket sa sahig at sumunod sa kinaroroonan ni Alexus. “Tara na, ihahatid na kita.”

Gustong sapohin ni Alexus ang sarili niyang mukha dahil sa lame ng excuse ni Mia sa kaniya. Pinaghintay ba naman siya para lang ihatid nito? Naiiling na nagpati-anod nalang siya dito dahil sa ito na rin mismo ang humatak sa kaniya palabas.

“Good day, Madam.” Pagbati ng dalawang bantay sa labas ng kanilang pintuan. Napatigil si Mia at hinarap ang dalawa.

“Anong pangalan niyo?” She’s jolly when she asked, making Alexus’ brow shot.

Napatingin pa si Kent at Ian sa gawi ni Alexus na matalim pa rin ang mga mata. Nang hindi naman sumagot o nag-reklamo ang amo ay binalingan nilang muli ang asawa nito. “Ako po si Kent. Siya naman si Ian.” Turo nito sa isang kasama nito.

“Wow! Isang pangalan din pala kayo?”

“Opo, sabi ng magulang kasi namin… Mas mainam na isang pangalan lang para madaling bigkasin, di’ba bud?” Natatawa si Mia sa dalawa dahil sa makulit pala ang dalawa at nag-akbay pa.

“Magkapatid kayo? Naalala ko kasi ‘yung mga tropa ko sa Cebu.” Bulalas ni Mia na ikina-kunot ng noo ni Alexus. Pero hindi naman nakisali at nakinig lang.

“May tropa kayo, madam?” Nagulat yata ni Mia si Ian dahil sa uri ng tanong nito na pa-bigla.

Tumango si Mia, “Oo noh! Bali may lima akong trop ana lalake.” Masayang-masaya na pag-bahagi ng tungkol sa mga kaibigan niya.

Si Kent at Ian ay wala sa sariling napa-sulyap sa kanilang amo na sinenyasan sila na bumalik sa pagiging literal na bantay. “Sige na, Madam. Ihatid niyo na si Master.” Pagpapaalam ni Kent na ikina-lingon ni Mia sa mister niya. Nginitian niya ito at hinawakan sa braso.

“Pwede ko naman sila maging kaibigan, di’ba Mister?” Habang naglalakad patungo sa kotse ay itinanong ni Mia ‘yun.

“Ikaw ang bahala. Basta huwag kang umalis na wala sila.” Lumawak ang pagkaka-ngiti ni Mia dahil sa wakas ay hindi siya mabuburo sa bahay. Aayain niya ang dalawang ‘yun sa loob mamaya na manood ng action movie ni Jakie Chan.

“Bye! Ingat sa byahe! Good luck din sa trabaho, Mister!” Pahabol ni Mia habang lumalayo na ‘yung kotse dahil pagka-pasok ni Alexus ay hindi na siya binigyan pa nito ng chance na makapag-salita. Ang rude ba naman. Pero ayus lang, pero at least free ang pinag-stay-han niya. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan, ay saka naman siya bumalik sa bahay, pero bago pumasok ay inanyayahan niya ang dalawa. “Hali kayo, dito tayo sa loob. Mainit diyan sa labas.”

Nag-aalangan naman ang dalawa, “Pero madam—”

Umiling-iling si Mia at hinatak na ang dalawa papasok sa bahay, “Kung takot kayo sa Mister ko, huwag niyo na siya isipin. I will deal with him.” Matapang niyang sabi at, “Doon muna kayo sa sala, magbibihis lang ako.”

KALAHATI ng araw ay nai-buhos ni Mia ang sarili sa pakikipag-katuwaan sa dalawang bantay niya. Hindi niya alam na mahilig pala talaga ang dalawa sa mga action movie. “Grabe, Madam. ‘Yang tatay na ‘yan talaga ang idol ko. Biruin niyo, nakakapag-turo pa siya habang lasing? Hahaha!” Komento ni Kent habang umiinom ng gawa niyang pineapple juice.

“Parang sting ‘yung alak niya, ginawa ba namang energizer para lumabas ang special skill.” Ang dalawa ay nakaupo sa couch habang si Mia ay nasa unahan ng center table kaharap ang TV.

“Baliw nga ‘yan talaga eh, ang lakas maka-laughtrip! Kaya nga hindi nakakasawa panoorin.” Sambit ni Mia habang kumakain ng popcorn pero ang mata ay naka-tuon pa rin sa TV. “Malay ko nga lang kung buhay pa ‘yang tatang na ‘yan. Anggaling niya umakting eh.”

Umiling ang magkapatid na bantay, “Naku, malabo pang buhay pa ‘yan Madam. Ang tagal na ng palabas na ‘yan eh. Tiyaka nakita namin si Jackie Chan do’n sa china nitong nakaraang linggo, di’ba bro?”

“Oo, matanda na rin eh. May putting buhok na at mahahalata na rin ang pag-kulubot ng balat.” Pag-sang ayon naman ni Kent kay Ian. Nag-akbay pa ang mga ito habang pareho nan aka-squat sa malapad na couch.

Awtomatiko na bumaling ng tingin si Mia sa kanila, “Nakita niyo talaga si Jackie Chan?” Tila hindi makapaniwala si Mia sa narinig mula sa mga ito. Isa sa mga paborito niyang action star si Jackie Chan kaya’t ganito nalang ang kaniyang reaksyon. Para ngang gusto niya na rin na hilingin sa Mister niya na dalhin siya sa China.

“Oo, nakapagpa-autograph din—” Parang bat ana lumapit si Mia kay Ian, nag puppy eyes.

“Pwede ko bang hingin?” Si Ian naman na natigil at nalula sa ka-kyutan niya despite sa suot ni Mia na pang-baduy ay maganda pa rin ito. Walang make up at mukhang inosente.

“S-Sige po—” Hindi natapos ni Ian ang kaniyang sinabi nang bigla siyang yakapin ni Mia dahil sa labis na tuwa.

“Salamat, naks! Salamat talaga ng marami, Ian ha? Hulog ka talaga ng langit!” Hindi mapunit sa mukha ni Mia ang ngiti kaya nang kumalas siya sa yakap ay tumayo siya agad at tumakbo sa single sofa para magtalon-talon.

Pinamulahan ng mukha si Ian, habang si Kent ay nakatigalgal sa ginawa ng asawa ng boss nila. Sa isip ni Kent, Patay ka kay Boss, Ian. Pero si Ian naman ay pakiramdam niya lumulutang siya sa ere dahil nakatanggap lang naman siya ng free hug mula sa napaka-gandang asawa ng boss niya! Imbes na manghinayang sa bagong bili na journal book na may ekslusibong autograph ni Jackie Chan ay mas nahigitan pa ng Madam nila ang autograph ng sikat na aksyon star.

Nang mag-tanghalian ay inanyayahan ni Mia ang dalawa sa kusina. Ipinagluto niya ang mga ito ng tagumkom na adobo at may homemade niyang sauce na mayroong maraming sili, Bombay at kamatis. “Kain lang kayo—” hindi natapos ni Mia ang kaniyang sinasabi nang biglang nangingiliti ang ilong niya, senyales na babahing siya. Mabilis siyang tumalikod at bumahing.

“Ayus lang kayo, Madam?” Napatigil ang dalawa at nag-aalala na napatingin sa kaniya.

Biglaan yatang bumigat ang ulo niya at ang ilong niya ay mukhang nagsasara para mahirapan siya sa paghinga. Makahulogan siyang ngumiti sa dalawa, “Ayus lang ako. Huwag niyo kong intindihin.” Umupo na din si Mia sa upoan niya at nakisabay sa kanila na kumain. Pero habang tumatagal ay sunod-sunod siyang napapa-bahing. Nagpunta siya sa ref at uminom ng malamig na tubig para malamigan naman ang medyo umiinit niyang katawan. Ilang sandali lang ay natapos din silang kumain.

Yumukod ang dalawa sa kanila para magpaalam. “Madam, salamat sa aliw at sa tanghalian. Ang sarap niyo pong magluto.”

“Masuwerte po si Boss sa inyo.” Sinserong sambit ng dalawa na tinatawanan niya lang.

“Huwag na kayong mambola. Osya, galingan niyo sa pagbabantay.” Hinatid niya ang mga ito sa pintuan at hanggang hindi pa ang mga ito nawala sa paningin niya ay hindi niya ipinapakita na sinusumpong siya ng lagnat. Gusto man niyang umakyat sa kuwarto niya ay hindi niya muna ginawa dahil kinailangan niyang labhan ang tuxedo ng kaniyang mister.

Habang naglalaba ay panay singhot siya, naging allergic din yata siya sa sabon. At dahil nga nagmamadali siya, ay kinusot niya nalang ‘yun bago binanlawan at isinampay sa backyard. Ang hindi niya alam ay nakamasid ang dalawa sa boss madam nila. Napapansin kasi nila na panay ang bahing nito, marahil ay sa lumabas ito kanina na basa para lang maihatid ang asawa sa kotse.

“Mukhang may dinadamdam si Madam, Kent. Tawagan na kaya natin si Master?” Nagkatinginan naman ang dalawa habang nakatago sila sa masukil na halaman sa backyard.

“Mabuti pa nga, Ian. Tara, kontakin na natin si Boss Master.” Tiyaka sila umalis sa sa pinagtataguan nila nang mapansin na pumasok na ang maganda nilang boss na asawa ng master boss nila.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Escalante
pa unlock plz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status