No more special chapters na po. Ito na po 'yung end. Thank you sa inyung pag tangkilik at pagbabasa ng kuwento nila Alexus at Mia. See you sa susunod na kuwento ng Wife Corporation 💖
MIATwo years has already passed by... Today, my twins will turn to two years old. Everyone is busy preparing for our mini celebration, which is exclusive only for us family relatives. My mom, and my dad are here with us. Bumyahe pa talaga sila mula Sicily para maka-attend. Actually, galing kami doon last month. But we decided to go home this month dahil nga birthday ng mga anak namin. Isa pa, I'm 7 months pregnant with our third baby. And we will be naming this cute baby girl, Czaria Mixus. As I am watching Catherine and Monique busy on the decorations, I'm caressing my bulky stomach. "How about this set-up, ate?" Tawag sa'kin ni Catherine. Kaka-baba lang niya sa maiksi na hagdan na kaniyang pinatungan para magsabit ng series balloons. She looks tired but her smile said she's not. "Maganda, Cath. Gusto ko ang naisip mong decoration." komplimento ko sa kaniya. Patakbo naman siyang lumapit sa'kin. "Talaga? Magaling ako?" Cath has changed so much. She was once a hard-headed wom
"Mia! Mia!" Nasa daan ako at nakikipag-laro ng toss coin kasama ang mga barkada ko na taga-baranggay lang din namin. "Mia! Ano ba? Bingi ka ba, ha?!" Napakagat-labi ako at napapikit ng mariin, hinihigop ko lang naman muna ang pitong enerhiya ng dragon balls ni San Goku upang maisakatuparan ang pagpapasensya. Pero sa huli ay, naiinis na tinoss ko pa rin ang benchingko sa daan nang dahil sa kaingayan ni nanay na sumasaksak sa eardrums ko."Oi, Mia. Paano ba 'yan? Tinatawag ka na ng nanay mo." nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa katotohanan na sinasabi ni Jude. Pati bunbonan ng ulo ko ay nangangati kahit na naka-sombrero ako palagi at walang kuto. Panira talaga itong si nanay kahit kailan."Kapag hindi mo sinipot 'yung si Aling Martha, patay ka talaga. Hahabulin ka na naman ng walis no'n." pag-sang ayon naman ni Tobi at umakbay kay Romy at nilalaro ang benchingko niya sa pagtoss-toss sa kanang kamay niya. "Alam mo, Mia. Kung ako sa'yo. Puntahan mo na muna ang nanay mo." Suhestiyon naman
MIANagising ako ng may mabigat na ulo. Napahawak ako sa aking ulo at marahan na minamsahe ito sapagkat ito'y kumukurot. Marahil ay nasakal ng pagkakatulog. "Argh! Ang sakit. Animal talaga!" pagmura ko, lalo na ng maalala ko ang ganap kanina. Napakunot pa ang bunbonan ko dahil sa lalake na sumako sa'kin. "Walahiya talaga ang lalakeng 'yun! Sino ba siya, huh? Bakit niya ako kinidnap?" bulalas ko na naman at tumagilid ng higa. Pero napatigil ako nang maramdaman ang malambot na higaan. Saka lang awtomatikong bumukas ang mga mata ko. "Hala?! Nasaan ako?" Gulantang kong sambit. Naka-awang pa ang bibig ko dahil sa ganda ng kuwarto! Hindi man siya naka-desinyo para sa babae, pero ang kombinasyon ng itim at grey ay nagawa nitong makuha ang taste ko! Napapa-upo ako bigla."It's good that you're awake." Naramdaman ko ang pagkatigas ng katawan ko nang may marinig akong nagsasalita. Umiling pa ako dahil wala naman akong nakita na ibang tao dito. Napalunok ako at agad na nanlamig. "K-Kung may mul
MIAHuminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang dambuhalang mall! Umawang ang labi ko dahil pati kulay ng ilaw ng gusali ay ginto! Namamangha na nilingon ko 'yung lalake na kasama ko na kumidnap sa'kin kanina. "Ano ang lugar na 'to?" Nagtataka ko rin siyang tiningnan dahil sa hindi ko alam kung nasaan kami. Maganda ang lugar at maraming tao na nagsisi-pasok at nagsisi-labasan. "We're here in the Mall." Matipid niyang sagot. Namilog ang mga mata ko sa sobrang excitement. "Pero bakit tayo nandito?" Tanong ko na imbes sagotin niya ay tinalikuran ako. Ang suplado naman no'n. Deadmahin ba naman ako. Humalukipkip nalang ako sa upoan ko dito sa magara niyang kotse. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan sa aking gilid. "Let's go." Pang-aaya niya samantalang ako ay napamaang. Nang hindi ako kumilos agad ay kinuha niya ang kamay ko at hinatak palabas sa kotse. "Don't tell me, this is also your first time in the mall?" Kalmado ngunit nang-uuyam niyang tanong. Abala ang mga mata ko sa
Lumabas ako sa sa fitting room na may suot na silver fitting dress, sando type ito pero halos ipakita naman ang laman ko. "Uy, hindi ko 'to gusto." Diretsyahan kong sambit sa kaniya na kaka-lingon lang sa'kin. Kanina kasi busy siya sa cellphone niya. "Umalis na tayo dito, hindi ko type ang mga damit dito. Magsasayang ka lang ng pera mo dito." Giit ko habang tinatakpan ang na-exposed kong balat sa may dibdib ko.Tiningnan niya ako na tila ba kinikilatis ang damit na suot ko at hindi ako. Nagka-salubong ang kilay ko sa kaniya. "Looks good on you, but I prefer na may shawl kang suot." Aniya at agad na nilingon ang babae na nag-assist sa'kin. "Go, get her a feather shawl." "Yes, Mr. Monteiro." Napamaang ako nang baliwalain niya ang hinaing ko. Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat niya. Kahit papaano ay matangkad naman siya kahit naka-upo lang at hindi ko na kailangan na yumuko. "Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Hindi ko gusto ang ganitong uri ng damit!" Reklamo ko, pero ang mga mat
Matapos ng naging lakad nila sa Mall ay agad na nakatulog si Mia dahil sa pagod. Kaya’t kinailangan siyang buhatin ni Alexus papunta sa bahay hanggang sa mailapag na sa kama nila. Hindi niya inaasahan na dahil lang sa buhok ay umiyak ang dalaga. Hindi ba naman niya kasi alam na mahal na mahal nito ang buhok nito making him feel a bit guilty. Tumunog ang cellphone niya kaya’t isiang sulyap pa kay Mia bago lumabas at sinagot ang tawag ng girlfriend niya. “What does it take you answer your phone so long, babe!” Tunog irritable ito na ikina-kamot niya sa kaniyang kilay. Nagalakad siya pababa sa sala. “I’m sorry, I was busy.” Kalmado niyang sagot tiyaka umupos sa pang-isahang sofa. “You do? Or may kasamang babae?” His girlfriend is possessive which reeks of countless guards and spectators, kaya’t hindi na siya magugulat kung malalaman nitong may iba siyang babae na kinakasama. “Tama ako, noh? Sino siya?” Ma-awtoridad ang boses nito pero tunog spoiled. She’s possessive and quietly obsess
Nang makaalis na si Alexus ay dali-daling nagligpit si Mia ng kanilang mga pinagkainan. Hinugasan niya na rin ‘yun at maingat na inilagay sa lalagyanan ng mga plato. Pagka-alis niya sa kusina ay malinis na malinis na ‘yun, kagaya ng bago niya pa iyon gamitin. Nagtapon na din siya ng basura sa labas which is kinuha naman ng isa sa mga bantay niya sa bahay. Infairness, may exclusive bantay talaga siya. Tumakbo siya sa itaas at nagbihis sa isang komportable na jersey short at loose shirt. Sinuklay niya rin ang buhok bago tumakbo pabalik sa ibaba. Kahit na nakita na ito no’ng isang araw mula sa malayuan ay iba pa rin talaga na nasa malapitan. Mukhang sosyalin rin ang pool at napakalinis! Walang bakas ng kung anong ihi o something madumi. Nakikita pa nga niya ang tiles sad ulo no’n. “Kyahh! Ang lamig!” Tahimik siyang napahiyaw nang maramdaman niya ang tubig sa kaniyang palad. Tumayo siya at tumalon-talon muna. Stetching her muscles para iwas cramps. Baka hindi niyo kasi alam, isa siyang
Kasalukoyan na nasa isang importanteng meeting si Alexus sa Bicol para sa launching na magaganap sa susunod na buwan. Isa siya sa mga nagmamay-ari ng bagong bili na hacienda, na nitong nakaraang buwan lang nakakapag-simula na umani at nakakapag-deliver sa mga consumer sa iba’t-ibang market. Malaki ang lupa at isang milyon na hectares sapat na para sa malaking taniman ng bigas, mga halaman, niyog, prutas at gulay na isu-supply sa mga pam-publikong tindahan. Nagka-interes siya dito nang inalok siya ng kapatid niyang si Spencer na maging major investor sa naisip nitong negosyo. Bago lang kasi ito sa industriya ng pagne-negosyo at ang kambal nito na si Spade ay kaabay din nila sa negosyong ‘to. Pareho kasi ‘yung mga doctor at madalas okupado ang oras sa ospital dahil sa maraming pasyente na dumadating sa ospital araw-araw. “Currently, may dalawangpo tayong trucks na magde-deliver sa karatig rehiyon. At tungkol naman sa exportation natin sa ibang lalawigan ay naka-handa na rin ang cargo b