LUMAKAS ang pagkalabog ng puso ko. At salubong ang mga kilay akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatitig sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Kapal ng mukhang nagawa pang ngisian niya ako’t magpa-cute! Tsk!
“B-Bakit daw, Marie?” sabay tayo ko’t tingin sa kaniya saka balik ulit kay Yluj.Marie shrugged her shoulder and sighed as she moved her eyeglasses a bit. “Hindi ko alam, eh. Basta pumunta na raw kayo ni Delos Santos ngayon sa faculty.”“Hai! Arigatou Gozaimasu, Marie.” Bahagyang yumuko si Yluj sa kaniya bago ako binalingan at hinigit ang palapulsuhan ko palabas ng classroom. “Let’s go, Imouto!”“Eh, ikaw kasi! Bakit mo ba kasi binugbog si Justine, ha?” tanong ko nang nasa hallway na kami.Nanlaki ang singkit na mga matang itinuro ni Yluj ang kaniyang sarili, nagmamaang-maangan. “Ako? Why me, Imouto?”Sigurado ako na dahil nga sa ginawa ni Yluj kay Justine kaya ngayon, pinapatawag kami sa Facul---ty?Hala.Bakit nga ba sa faculty?Dapat sa Guidance office kami ipapatawag, ‘di ba?Ay, basta! Kasalanan talaga ng seksing butiki na ito ang lahat!“Bakit mo ba kasi ginawa iyon kay Justine, ha? Dahil yata roon kaya siya nag-transfer sa abroad, eh! Kasalanan mo talaga ito!”Inis ko siyang nilagpasan at nauna nang umakyat sa hagdanan. Bale kasi nasa second floor ng new building ang Faculty Room. Nakapag-exercise tuloy ako sa di oras. Tss.Agad namang nakasunod ang seksing butiki at pinantayan ang mga hakbang ko. “Why I did that? Hmm… wala. That’s what I want. Trip ko lang,” he said playfully and then laughed.Kumunot ang noo ko’t nagtaas ng kilay. Tumigil ako saka siya hinarap. “Iba ka rin talaga, ano!” sabay pairap ko siyang iniwan pero nakahabol pa rin siya kasabay ng mga halakhak niya.“Why, Imouto? Worried ka ba sa akin kasi… nasaktan ‘yong kamao ko sa pagsuntok sa ungas na ‘yon?”“Hindi!” inis kong singhal sa kaniya saka siya nilagpasan ulit, pero agad din nakahabol ang butiki dahil sa lawak ng mga hakbang niya.I rolled my eyes and zipped my mouth. Ayokong kausapin siya. Well, ayoko nga sa maiingay. At ang isang ito ay ki lalaking tao ay ang daldal!Naiiling na lang ako lalo na sa tuwing nagyayabang na siya raw ang pinakaguwapo sa buong Japan Academy, kung saang planeta siya galing. Tss! As if may pakialam ako, ‘di ba?“Good morning, Katherine and Yluj,” masiglang bungad sa amin ni Ma’am Rivera na ikinakunot-noo ko. “Bilisan ninyo. Maupo kayo.”Nagtatakang napasulyap ako kay Yluj. And as usual, malapad ang ngiti niya sa mga labi. Nagpapa-cute. Tsk! Bibitayin na yata kami, eh, ngingiti pa rin siya!“Bakit niyo kami pinatawag, Ma’am?” busangot kong tanong nang makaupo na ako sa side chair ng table niya. “Dahil ba ito sa nangyari no’ng isang linggo?”Kumunot ang noo ni Ma’am Rivera. “Ha? Anong nangyari no’ng isang linggo?”So, hindi dahil doon kaya kami pinatawag?“Nothing po, Ma’am. Medyo nagkamabutihan lang kami ni Kath,” si Yluj na ang sumagot nang makatabi na sa akin.Gulat, bagsak ang mga panga kong napatingin sa kaniya. “W-what?!”Ma’am Rivera giggled. “Well. That’s nice to hear that. Tama lang talaga na kayo ang kukunin ko.”Ngayon ay kay Ma’am Rivera naman ako napanganga. “Anong kukunin po, Ma’am?”“Well. Malapit na kasi ang annual school fest ng school. You know what I mean. Right, Kath?”I nodded. Oo, alam ko ang tungkol doon. At base sa mga mapang-intrigang titig ni Ma’am Rivera sa akin, hindi ko gusto kung anong iniisip niya.“So?” I asked nonchalantly.“Well. Napagkasunduan namin ng mga adviser ninyo na…”Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa antipasyon. “What?”“Na kayong dalawa ni Yluj ang kukunin namin na representative ng section ninyo sa Miss and Mister SAVS.”“Hai! Thank you, Ma’am.” Si Yluj, nalundag sa tuwa.Umiling ako na ikinatahimik ng katabi ko. “Hindi, Ma’am. Ayoko. Maghanap na lang po kayo ng iba.”Tumayo ako’t akmang aalis na nang magsalita si Ma’am Rivera kaya natigilan ako.“Did you know na ang mananalo sa pageant, ipapadala namin sa South Korea?”Natigilan ako sa pagpihit sa doorknob. South Korea?“Yes, you’ve heard me right, Katherine. Ang mananalo, ipapadala namin as an exchange student sa South Korea Academy,” mas pinasigla pang sabi ni Ma’am Rivera nang mapansin ang pagkakatigil ko.Nate-tempt ako… but I can’t.Umiling ako at hindi sila tiningnan. “Ayoko po, Ma’am. Maghanap na lang po kayo nang iba. Sorry. Excuse me.”Mabilis akong lumabas ng silid na iyon at huminga nang malalim. Hays, muntik na akong mamatay dahil sa pagpigil ko ng paghinga. Mabuti na lang at nakalabas ako kung hindi ay paglalamayan na yata ako ngayon.Hahakbang na sana ako nang biglang may humigit sa braso ko.“What’s your problem?!”Galit na mukha ni Yluj ang bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha kung bakit siya nagagalit. Dahil ba sa tinanggihan ko iyong offer ni Ma’am Rivera?Paki niya ba?“Wala---”“Then, why?! Why did you decline that offer? Ma’am Rivera told me that you’re interested to become an exchange student with that school,” galit niyang bulyaw sa akin.Tumawa ako na walang halong kasiya-siya. “Ano bang problema mo?”“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Pangarap mo ‘yon, ‘di ba? Bakit tinanggihan mo? Dahil ba sa akin? Ganiyan mo ba ka ayaw sa akin?”Umiling ako. “Hindi---”“Well… Gomen nasai,” namumula ang kaniyang mga matang nag-iwas sa akin ng tingin. “Sumimasen.”Natulala ako nang lagpasan niya ako. Gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit ayaw kong tanggapin na maging representative ng section namin, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.At lalo na dahil dumugo ang ilong ko sa sinabi niya.Ngumisay?Sumaamen?Hays.Tama nga na pangarap ko ang paaralan na iyon pero hindi ko matatanggap ang offer dahil sa pageant. Sumali man ako roon, alam kong hindi ako mananalo. At hindi ako ang mapipili para maging exchange student ng SAVS.Ano bang panlaban ko sa mga magagandang sasali sa pageant na iyon? Wala. Dahil wala akong panama sa mga magagandang babaeng magiging representative ng ibang year at section.Bumuntong-hininga ako matapos kong i-kuwento ang lahat kay Yiel nang mag-recess. Nasa cafeteria kaming dalawa at kasalukuyang hinihintay si Joan, sinundo raw si Sophia.“Eh, ano namang paki mo kung galit nga siya?”Umikot ang mga mata ni Yiel nang yumuko siya sa librong binabasa.“I don’t know.” I just shrugged my shoulders. “Siguro… nagi-guilty lang ako kasi sinisisi niya ang kaniyang sarili sa maling rason.”“Maling rason nga ba?” makahulugang tanong ni Yiel, hindi nag-angat ng tingin sa akin.Natigilan ako’t napalunok dahil doon. Hindi ko alam pero lumakas ang pagkalabog ng puso ko nang maalala ang galit na mukha ni Yluj kanina. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang umingay ang table namin, kahit maingay naman talaga sa kabilang mga mesa.“Oh my G! Buti at gising ka na, Kath?”Nalilito akong bumaling kay Joan. “Ha?”“Alam niyo, kanina pa ‘yan tulaley!” sabay irap ni Yiel at subo sa spaghetti.“Really? So, sino ang iniisip mo, Kath?” Si Sophia.Kumurap-kurap ang mga mata ko at prinoseso ang nangyayari. Teka! Bakit nandito na sa mesa sina Sophia at Joan? At… At saan nanggaling itong mga pagkain na nasa mesa?“Haynaku! Dahil iyon sa lalaking iyon!”Tumaas ang kilay ni Joan na tumingin kay Yiel dahil sa sinabi nito. “Lalaki? You mean… may lalaki na naman itong si Kath?!”Sophia giggled.Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa mga kaibigan ko. Bakit ba nagkaroon ako ng mga kaibigan na ganito? Hays.Walang Yluj na pumasok hanggang hapon. Siguro, dinamdam niya nang sobra iyong nangyari kaninang umaga.Hindi niya naman talaga kasalanan, eh. It’s just that… pageant iyong magiging contest para maging school exchange student sa SKA. Ayokong mapahiya kahit gaano ko kagustong manalo roon.Ubos ang energy ko nang mag-uwian. Mag-isa lang akong naglalakad nang ibaba ako ng traysikel sa kanto ng subdivision. Si Yiel kasi, sinundo nang maaga ng papa niya dahil may business dinner daw sila.Si Kuya Chris ang naabutan ko sa sala, nanonood ng cartoons sa telebisyon. Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya lalo pa’t naaalala ko na baka siya ang nagsabi kay Justine tungkol sa sikreto ko.Nasa ikatlong baitang na ako ng hagdanan nang tawagin ako ni Kuya Chris.“Kumusta ang school?”Tumigil ako’t bagot siyang hinarap. “Walang bago---no, may nagbago pala. Tahimik na ‘yong buhay ko nang mawala si Justine,” pairap kong sagot sa kaniya.Medyo may distansiya man, tanaw ko ang pagtaas ng mga kilay ni Kuya Chris. “What do you mean?”I rolled my eyes and shrugged my shoulders. “Wala!” sabay talikod ko sa kaniya saka nagpatuloy na sa pag-akyat.“May meryendang niluto si Mama! Kumain ka kung gusto mo!”I sighed as I shook my head. Hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit medyo nate-tempt ako sa meryenda. Tiniis ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko’t tumutok sa pinapanood kong K-drama sa laptop habang nakadapa sa kama na kinatulugan ko rin kalaunan.Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sobrang pagkalam ng sikmura ko. Halos mamilipit ako sa sobrang sakit. Pinilit kong bumangon at maligo.Nang makapagbihis ng school uniform, agad na akong bumaba. And as usual, mag-isa na naman akong magbi-breakfast. May pagkain na sa mesa. Natakpan lang para hindi langawin at langgamin. Umirap na lang ako nang makita ang note na nakadikit sa food cover.Prinsesa,Enjoy your sinangag and d***g. Paborito mo pa naman ‘yan. Muntikan na nga ‘yang ubusin ng Kuya mong patay gutom. Tinampal ko.Sige-sige. Kain ka na. Good morning! :) — mama <3Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa ka-corny-han ni Mama.Palabas na ako ng bahay namin nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at binasa ang text message.YIEL:GURL, NAUNA NA AKO. HINTAYIN NA LANG KITA SA LIBRARY.Doon nga ako nagtungo nang makarating ng SAVS. Magaan ang pakiramdam kong naglakad sa hallway dahil parang wala silang nakikitang Katherine sa gitna nila.Well, okay nga iyon sa akin dahil tahimik na ngang talaga ang buhay ko. Siguro, kailangan kong magpasalamat kay Justine one of this days. Dahil sa pagkawala niya, hindi na mainit ang mga mata sa akin ng mga babaeng dating may gusto sa kaniya.Well, siyempre kapag makahanap ako ng way para ma-contact siya. Eh, nasa abroad na iyon ‘no! May number nga siya sa akin, alam kong walang kuwenta naman dahil pang local lang iyon. T-in-ry ko rin sa mga social media account, pero hindi ko mahanap profile niya.I sighed.Malapit na ako sa library. Isang liko na lang nang harangan ako ni Mark, iyong bully sa school. Nakasandal siya sa pader kanina bago ako lapitan at kanina pa yata talaga ako hinihintay.“Hey Katherine!” bati niya.Tumigil ako’t walang interes siyang tiningnan.He chuckled playfully. “Sandali lang. Mag-usap naman tayo.”Kumunot ang noo ko’t naniningkit ang mga matang tiningala siya. Matangkad din kasi ang isang ito. Guwapo naman. Mabango at maporma. Iyon nga lang kung si Justine, babaero… siya naman ay basagulero.Tsk.Huminga ako nang malalim saka siya nilagpasan pero mabilis niya rin akong naharangan.Humalakhak siya. “Sandali nga lang. Sabi ko, mag-usap tayo, ‘di ba?”“Problema mo ba, ha?” inis kong singhal sa kaniya. “May dapat ba tayong pag-uusapan? Sa pagkakatanda ko, hindi tayo close para mag-usap nang ganito.”Nagsalubong ang mga kilay ni Mark. Galit niya akong tinitigan at humakbang palapit sa akin. As if na hindi pa kami magkalapit nang husto sa lagay na iyon.Napaatras ako dahil ramdam kong wala siyang balak na tumigil. Humakbang lang ako paatras pero tinutumbasan niya naman habang ang mga mata niya’y titig na titig sa akin.“A-Ano ba?! Problema mo ba, huh?!” nababahala ko ng singhal nang maramdaman ko na ang malamig na semento sa likod ko. Tanda na wala na akong maaatrasan pa.“Anong problema ko? Ikaw! Ang tapang-tapang mo! Gusto ko lang namang kausapin ka!”“Wala nga tayong pag-uusapan dahil hindi tayo close!”“Aba!”Napapikit ako nang umangat sa ere ang kamao niya at akmang sasapakin ako.Jusko! ‘Wag niyang sabihin na papatulan niya ang isang babae?Lord, save me."STOP IT, Marky.” Napadilat ako nang makilala ang boses na iyon. Pero agad din na napakurap dahil sa sobrang lapit na ng kamay ni Mark sa mukha ko. As in inch na lang talaga, dadapo na ang palad niya sa pisngi ko. Nabitin lang dahil sa pagpigil ng babae. Naningkit ang galit na mga mata ni Mark na bumaling sa kaniya, hindi makapaniwala. “Sigurado ka, Cassy? Sa pagkakaalam ko, malaki ang atraso nitong babaeng ‘to sa ‘yo, ‘di ba?” You heard him right. Si Cassandra iyong pumigil sa kaniya. Siyempre, nasa likuran niya iyong mga alipores niyang nagtataka rin sa ginawa ng reyna nila. Bakit nga ba ginawa iyon ni Cassandra? Eh, ang laki ng galit kaya niya sa akin, lalo na nang umalis si Justine at nag-transfer sa ibang bansa. Wala rin naman kasi akong balita kay Justine hanggang ngayon. Ang tanging alam ko lang ay buong pamilya nila ang nag-migrate sa Canada. Hindi ko na rin naitanong kina Kuya Cusp at Kuya Kiel, mga kapatid ni Justine, ang dahilan ng paglipat nila. Pero sigurado ako na
ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot. Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino. Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled. Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school. Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman. Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na
HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.“Are you okay, Imouto?” Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.“Kinakabahan ka ba, Imouto?” This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niy
“OO NAMAN. Maupo ka,” sabi ko. Naupo si Julene sa tabi ni Yluj at napansin ko agad ang biglang pagtamlay ng aking katabi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa, pero pakiramdam ko ay magkakilala sila at itong seksing palakang ito ay in denial lang. Biglang um-awkward ang mesa namin. Mabuti na lang ay tumayo si Yiel at natatawang naglahad ng kamay sa kay Julene kaya naagaw niya ang buong pansin naming lahat. “Hi! I’m Yiel. Ikaw? Anong pangalan mo?” Tiningnan lang ni Julene ang kamay ni Yiel, na parang tulad ng ginawa kahapon ni Yluj sa kaniya. Nagtagal iyon kaya tumikhim ako at ipinakilala na lang siya. “By the way, siya si Julene. Julene Reyes ng Grade Seven, Amethyst.” Ngumiti ako sabay sulyap sa bagong kakilala na may pilit na ngisi sa labi. “Representative siya ng lower year sa darating na pageant.” “Ah,” si Joan sabay tango at simsim sa orange juice niya. “Grade seven siya? Bakit parang kaedad niyo lang, Kath?” Nahihiyang humalakhak si Julene. “Eh kasi, Ate, r
UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all. “Baby, kakauwi mo pa lang?” Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko. Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala! Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pa
DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa ba
TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinigop yata ng singkit na mga mata ni Yluj ang buong pansin ko at sa kaniya na lamang natuon. Yes, this isn’t the first time that I’ve got closer to a man’s face, but it seems that this was my first. Umabot hanggang tainga ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Nagkakalapit naman kami noon ni Justine sa isa’t isa, pero hindi ako kinabahan nang ganito kalala. His eyes dropped on my lips. I swallowed hard when he bit his lower lip and looked into my eyes drunkily. As if na hindi pa nagkadikit ang mga labi namin kanina. Daplis lang iyon, pero I considered it as a kiss. “Kath? Couz? What are you two doing?” Pinag-initan ng mga pisngi, nagkukumahog akong bumangon mula sa pagkakadapa ko sa… Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig kong bumukas, naibaba ko rin agad upang magpaliwanag sa kaniya. “W-wala,” sabay iling ko. “Kasi natumba si Yluj… nasama ako kaya bumagsak ako sa… sa p-patpatin niyan
I WAS torn between to know the truth or not. Hindi ko pa man nakukumpirma kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman para kay Yluj, saka ko naman malalaman na mahal pa rin pala siya ni Julene. I was right. May past relationship nga silang dalawa. Pero kailan? Noong grade four sila? How gross! Ang babata pa nila nang panahon na iyon. Tss. Okay. Susuko na ako. Hindi ko na aalamin pa kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko para kay Yluj. Napag-isip-isip ko noong linggo na ayaw kong makapanakit ng iba. Specially, ang murang puso ng isang grade seven student kahit pa halos dalawang taon lamang ang tanda ko sa kaniya. Naisip ko iyon habang nag-re-review ako para sa first grading exam sa mini library ng bahay namin.Though, ayaw ko rin na makisawsaw pa sa isang relasyon na magulo na. Saka isa pa, hindi ko nasisigurado kung mahal ko nga ba talaga si Yluj. So puwede na rin na huwag nang alamin pa. "Baby, nariyan na si Mariel. Nasa hapag. Sabay na lang kayong kumain ng almusal,"
TIWALA.Ito iyong pinakamahirap nang ibalik kapag nasira na. Well, I met him during my painful days. Ang araw kung saan tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa mga lalaki... even with my own family and friends. But then that guy... made me realized that it's not wrong to trust again. To give a try. Dahil iba-iba nga naman ang mga tao. Yes, maybe someone broke my trust but it doesn't mean that I will generalize it. Because of him, I see now those people who truly loves and supports me despite the situation that I have. Kung ano at sino ako. Pero kahit ganoon, may mga taong hindi pa rin maintindihan kung anong kalagayan ko. Though, I understand them. I will trust it to Him, our God, that someday... those people will enlighten up their minds about my situation. Dahil hindi lang ako ang nakakaranas nito. Na someone out there, locking their selves in their rooms, miserable and fearful to show up their faces to the society because of this gender confusion. And that's my advocacy now, to t
"ANONG kailangan mo at nandito ka?" Yiel raised her brows at her as she stood up. Handa niyang sugurin si Julene pero mariin ko siyang tiningnan para pigilan.Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang sandwich sa lalagyan. I smiled at Yiel, reassuring her that I can handle this. "Okay lang, Yiel. Puwedeng iwanan mo muna kami saglit?""Pero, Kath...""Okay lang ako. Hindi naman niya ako masasaktan." I smiled again.Suminghap si Julene. "H-hindi. I am not here to fight. G-gusto ko lang kausapin si Ate Kath."Tumango si Yiel, masamang nakatitig pa rin kay Julene. "Sabagay, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako. Kung sakaling may gawin ka kay Kath... magtatawag ako ng mga reresbak."Napatingin si Julene sa buong paligid. Kahit ako rin naman. Napatango si Julene, nangingiwi. Siguro, natakot nang makitang maraming estudyante ang nakatambay ngayon sa ground. Takot dahil baka iniisip niya na kakampihan ako ng lahat matapos maipaliwanag ng mga teacher ang tungkol sa issue ko. At ngayon ay posib
NAGING bulung-bulungan sa buong campus ang biglaang pagkakaroon ng relasyon nina Yluj and Julene. Everyone was shocked. Inakala kasi nila na ako ang nililigawan ni Yluj. Well, maging ako rin naman ay nagulat. Though, after what had happened last Friday... inasahan ko ng titigil na sa panliligaw si Yluj sa akin.I was walking in the hallways. Nakayuko ako at pilit hindi iniinda ang talim ng mga tingin ng mga naroon. Oo, pinag-uusapan nila sina Yluj at Julene pero nang makita nila ako, sa akin na nabaling ang usap-usapan. Bumuntong-hininga ako, naririnig ang tinig ni Julene nang balaan ako kahapon. Maaaring wala na nga siyang gagawin, pero dahil alam na ng lahat kung anong sikreto ang itinatago ko... para na ring may ginawa siya."Good girl. Now smile. Lift your head up high. Ipakita mo sa lahat na maganda ka. Inside and out..."Malamyos na boses iyon ni Sophia nang makita niya akong umiiyak dati. Well, she's right. Matagal ko nang na-realize iyon pero dahil sa simpleng problemang ito,
"KATH?"Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata."Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..." Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."Tumango ako. Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully."G-good thing that Marky was also there."Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse. "Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo
DAPAT simula pa lamang, inasahan ko nang mangyayari ang lahat na ito. However, I wasn't really surprised that Julene, a grade seven, will do this. Paano bang hindi, e mahal niya si Yluj. At sabi niya, gagawin niya ang lahat para lang bumalik sa kanya ang lalaking minamahal.Binago ang blockings. Nagulat man sa biglaang pagbabago, sinunod pa rin nila si Madam Ashneka. Nakaupo ako sa harap ng salamin, halos wala sa sarili. Though, I can felt the heavy stares boring on my body. Naaawa sila sa akin, pero higit sa lahat, sa mga ganitong oras, ako ang mas naaawa sa sarili.Wala rin naman silang magagawa. It was from the board of judges' decisions. At kung anong rason, hindi ko alam. May kinalaman ba kaya talaga si Julene rito? Or maybe because the boards already knew what and who truly I am?"Okay lang 'yan, Kath." Kuya Abet patted my shoulders. "Nangyayari talaga 'yan sa lahat na pageants. May sasabotahe talaga lalo na kapag nalalamangan."I sighed as I watched my co-candidates nervously w
THE OPENING of the Miss and Mister SAVS went softly. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium. May kani-kanyang sinusuportahan at hinahangaan ang mga nanonood. Well, medyo maangat ang pangalan ko at ang kay Julene sa sinisigaw nila. At isa na roon ay ang mga boses nina Joan at Yiel. Kaya madali kong nahanap kung nasaan banda sila nakaupo. I was teary-eyed when I saw my family behind them. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman sa mga oras na sumasayaw ako. Bagama't kinakabahan, mas nangibabaw pa rin ang tuwa sa aking dibdib."Are you feeling alright now, Imouto?" Yluj whispered. Nasa bandang likuran ko siya at nakahawak sa baywang ko. I smiled, the kind of smiles I never thought that I would wear on my entire life. "O-oo naman...""You're so very beautiful. I love that kind of smiles of yours, Imouto. Anyways, I also like whenever you frowned." He chuckled.I turned and swayed my hips synchronized with the beat of the music while his holding my hand. "Bolero."He smirked. "I am only
NAGPAULIT-ULIT sa isipan ko ang mga sinabi ni mama kagabi. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa gagawin. Well, wala namang masama kong ita-try ko, hindi ba? Wala namang mawawala. Natitiyak ko rin na hindi ako sasaktan ni Yluj. He's very vocal about his feeling towards me. And like his mother, I am trusting him too.Bumuntong-hininga ako. Heto, nasa kotse na ako ni Yluj, maaga niya akong sinundo sa bahay. Buo na sana ang desisyon sa gagawin. Pero dahil sa usapan kagabi, parang naglaho yata ang lakas ng loob ko at nagdalawang isip kung tama ba na maging kami ni Yluj.Because half of my mind was worried. Though, I am trusting him... hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Justine. Katherine! Hindi nga sila pareho. Iba siya, iba si Justine. Iyon lang ang isipin mo. Hays."Kanina ka pa tahimik, Imouto?"Napakurap ako at napabaling sa malaking gusaling nasa gilid. Hindi ko napansin na nasa gymnasium na pala kami. Napatitig ako sa puting pader, iniisip kung dapat ko na bang saguti
HINDI ko inasahan na mag-o-open up sa akin ang mama ni Yluj. It was hard to think that a beautiful and elegant woman like her... may lihim na pinagdaraanan din pala. She told me how she loves Yluj's father. Pero dahil may tradisyon ang pamilya nilang sinusunod, pilit silang pinaghiwalay. At first, Madam Yumi protested, yet her families' tradition was formidable. Kaya wala siyang ibang nagawa, kundi ang layuan ang lalaking minamahal niya. However, she promised to herself that she won't let that happen to her son, Yluj, her unico hijo. But our love would be strong enough to fight for their tradition? I hope so. As if na kami talaga ang para sa isa't isa hanggang sa huli, hindi ba? Well, wala namang mali na umasa. Bakit ba?Natigil lang kaming dalawa ni Madam Yumi sa pagkikuwentuhan nang biglang pumasok si Yluj sa kusina. Agad siyang tumalikod at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi, saka siya humarap sa anak na may ngiti na sa labi.She chuckled a bit. "I like this girl for you
"HI---"Natigilan si Julene sa pagbati nang makita kami ni Yluj. Hindi niya yata in-expect na makakaharap kami roon. Napayuko ako nang maramdaman ang pagsimula ng tensyon sa buong silid. In her floral pink sweetheart top and mini skirt, I think Julene prepared for this."Y-you're already here, Juls." Dumiretso siya sa kay Yluj at tangkang hahalik sa pisngi pero agad din siyang hinarangan ng palad nito. Napakurap siya at napatayo nang diretso. Inipit niya ang mga tumakas na buhok sa kanyang tainga saka alinlangan na naupo sa tabi ni Madam Yumi. "You're also here, Ate Kath..."Nginitian ko pa rin siya kahit halos pangiwi niyang sinabi iyon. "Napasama lang," tipid kong sagot."So, I think you knew all each other already," halata sa boses ni Madam Yumi ang pagkailang.Julene smiled as she nodded kindly to her. "Yes. Actually... we're schoolmates, Tita---""Don't call my mom in that way." Mariin na tiningnan ni Yluj si Julene dahilan para matigilan siya at kumurap-kurap na tumitig sa amin.