"STOP IT, Marky.”
Napadilat ako nang makilala ang boses na iyon. Pero agad din na napakurap dahil sa sobrang lapit na ng kamay ni Mark sa mukha ko. As in inch na lang talaga, dadapo na ang palad niya sa pisngi ko. Nabitin lang dahil sa pagpigil ng babae.Naningkit ang galit na mga mata ni Mark na bumaling sa kaniya, hindi makapaniwala. “Sigurado ka, Cassy? Sa pagkakaalam ko, malaki ang atraso nitong babaeng ‘to sa ‘yo, ‘di ba?”You heard him right. Si Cassandra iyong pumigil sa kaniya. Siyempre, nasa likuran niya iyong mga alipores niyang nagtataka rin sa ginawa ng reyna nila.Bakit nga ba ginawa iyon ni Cassandra? Eh, ang laki ng galit kaya niya sa akin, lalo na nang umalis si Justine at nag-transfer sa ibang bansa.Wala rin naman kasi akong balita kay Justine hanggang ngayon. Ang tanging alam ko lang ay buong pamilya nila ang nag-migrate sa Canada. Hindi ko na rin naitanong kina Kuya Cusp at Kuya Kiel, mga kapatid ni Justine, ang dahilan ng paglipat nila. Pero sigurado ako na dahil iyon sa ginawa ni Yluj.Sikat si Justine sa buong school. Kaya sobrang kahiya-hiya nga naman sa lahat na malaman na nabugbog siya ng isang transferee lang.Hello.Ang sakit kaya noon sa ego.Umukit ang matamis at palakaibigan na ngiti sa labi ni Cassandra. “She’s a girl, Marky. Kung sasaktan mo siya… baka akalain ng lahat that you’re gay,” maamo niyang sabi sabay lapit sa amin.Napalunok ako nang umangat ang gilid ng labi ni Mark nang bumaling siya sa akin. Nakaukit ang kademonyohan sa kaniyang maangas na mukha. At hindi siya mapipigilan ng kahit na sinuman.Tss.“Eh, ano naman ang pakialam ko sa sasabihin nila? Ako ang batas, Cassy. Kaya kung gusto kong saktan ang babaeng ito,” pilyong sabi ni Mark sabay taas ng kaniyang kamay. “Gagawin ko!”Napapikit ako nang mariin nang marahas niyang ibagsak ang palad sa mukha ko. Pero ilang segundo ang lumipas, walang palad ang umatake sa pisngi ko.“I said stop playing the poor Kath, Marky.”Hawak ni Cassandra ang palapulsuhan ni Mark nang magmulat ako ng mga mata. For the second time around, she saved me from Mark’s palm.Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng tuwa para kay Cassandra. Siguro, na-realize niyang hindi ako ang may kasalanan kung bakit napalayo sa kaniya si Justine. O hindi naman kaya, natauhan siya na hindi worth it na maging boyfriend ang isang playboy.I sighed.“Flores,” sabay abot niya sa Hermes bag niya sa kaniyang likuran.Mabilis namang lumapit ang isa sa mga alipores niya at agad kinuha ang bag niya saka bumalik din sa mga kasamahan.“Hindi ito tama, Marky. Maling i-hurt ang isang babae like Kath,” mariin niyang sabi. “She’s simple, unstylish and weak.”“Oh, ano naman? Isusumbong mo ako?” may hamon sa naiinis nang boses ni Mark.Cassandra rolled her eyes and pushed Mark a bit. Bahagyang napaatras si Mark at hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Cassandra sa kaniya. Well, aaminin ko, natuwa ako sa ginawa niya. Hindi naman pala talaga siya ganoon kasama.I feel it!“Kahit cousin pa kita, I will report you for doing this. So if I were you… I will leave this poor Kath alone.”Humalukipkip si Cassandra at tinaasan ng kilay si Mark na ikinailing nito.“Shu! Go away!”Suminghal si Mark at inis na tinalikuran kami.Hay.Saka ako nakahinga nang maluwag nang maglaho na siya’t kami na lang ang natira sa pasilyo.Hindi pa naman madalas daanan ang parteng iyon ng school. Mabuti na lang at dumating ang grupo ni Cassandra. Kung hindi ay tiyak dumudugo na sana ang pisngi ko sa sapak ng lalaking iyon. Tsk!“Are you okay, Kath? Nasaktan ka ba?” nag-aalala niyang tanong.Napatango na lang ako kasi hindi ako makapaniwalang makita na nag-aalala rin pala siya sa akin. Well, iyong pagtulong niya nga sa akin at pagtatanggol sa mokong na iyon ay sobrang nakagugulat na.“Sinaktan ka na ba ng cousin kong ‘yon when we’re not yet here?”Umiling ako. “H-hindi. Hindi pa. Sakto lang ‘yong pagdating ninyo.”“Well, good to hear that.”I smiled genuinely. “S-Salamat nga pala, Cassandra. Kung hindi ka dumating, siguro sugat-sugat na ‘tong pisngi ko.”She chuckled. “That’s nothing! Ano ka ba! Maliit na bagay lang ‘yon. Saka, sino pa bang magtutulungan, ‘di ba?”I smiled. “Oo nga naman. Siyempre… tayong mga sinaktan ni Justine.”She laughed mockingly. “Yeah. Friends?”Napalunok ako nang titigan ko ang nakalahad na kamay niya. Hindi naman yata masamang makipagkaibigan sa kaniya. At least, wala na akong magiging kaaway sa school na ito.“Friends.”“Friends,” sabay yakap niya sa akin.Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Sabi ko na nga ba, eh. Kahit medyo may kasamaan itong si Cassandra at hindi naging maganda ang una naming pagtatagpo… ramdam ko na mabuti nga siyang tao.Totoo nga naman iyong kasabihan na “don’t judge a book by it’s cover”. Isa si Cassandra sa halimbawa noon. Mukhang maarte at m*****a sa unang tingin, sa kaloob-looban niya ay may kabutihan din na nagtatago.Or so I thought.Hindi pa man ako nakahahakbang ay biglang bumagsak na ako sa sahig. At umugong ang tawanan nilang lahat.“Cassandra?” nagtataka kong tanong sa kaniya. “Bakit mo ako pinatid?”Humalukipkip siyang lumapit sa akin. “What do you think? Kakampihan kita? Kakaibiganin after what you did to me and Justine?”“A-akala ko ba okay na sa ‘yo ang lahat?”“No! Ikaw, ikaw ang may kasalanan kung bakit Justine flew away and broke up with me.”Gigil niya akong idinuro at sinipa ang tuhod ko. Doon ko lamang napansin ang sugat doon, pero wala akong naramdaman na sakit o hapdi man lamang. Kahit kitang-kita ko ang padurugo niyon.“Because of you… umalis siya!” Tears pooled on her eyes. “B-Because of you… h-he broke up with me. Kasalanan mo ang lahat, loser!”Hindi ako nakaapila nang sugurin niya ako at sinabunutan. Dama ko ang sakit sa anit dahil sa higpit at lakas ng pagkakahatak niya sa buhok ko. Lalo pang dumoble ang sakit nang dumugin din ako ng mga alipores niya at tinulungan siya.“T-Tigilan ninyo ako, Cassandra!” impit ko, hindi na matiis ang sakit na tila makakalbo na yata ako.“No! Bitch! Tama lang ito sa ‘yo!”Gusto kong lumaban pero anim sila. Tanging nagawa ko na lang ay ang protektahan ang sarili ko kahit sobrang imposible.“T-Tama na!”“Tama lang ito sa ‘yo,” sabay sampal sa akin ni Kanica.“Oo.” Si Les.Panay ang impit ko nang pagsisipain nila akong anim. Halos mamaluktot na ako sa sobrang sakit at hapding nararamdaman ko sa iba’t ibang parte ng katawan ko.Nalalasahan ko na rin ang bakal mula sa dugong pumutok sa labi ko. Kahit hirap na ako sa paghinga, wala pa rin silang tigil sa paghatak sa buhok ko at pagsipa sa katawan ko.Gusto nang pumikit ng mga mata ko. Nilalakasan ko lang ang loob ko dahil baka kung anong mangyari sa akin. Kahit na nagsisimula nang dumilim ang paningin ko.I screamed when a voltage of current attacked my heart, pinipigilan ang pagtibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib.Umingay ang paligid. At tumigil na ang grupo ni Cassandra sa ginagawa nila sa akin. O hindi naman kaya ay namanhid na nang tuluyan ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng mga ginagawa nila sa akin.“Why are you doing this?! Are you planning to kill her?!” galit na sigaw no’ng lalaki.Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Na tila lumilipad ako sa alapaap. Na tila ligtas na ako sa kamatayan. O hindi naman kaya… patay na ako? At lumilipad na ako patungong langit?“I-I didn’t mean it,” mausal-usal na sinabi ng babaeng demonyita.“Didn’t mean it. Didn’t mean it! Kung ihampas ko kaya ‘tong trashcan na ‘to sa mukha mo? ‘Tapos sabihin ko rin na hindi ko sinasadya?” galit na sabi ng isa pang babaeng amazona.Wait, is that Yiel?I tried to open my eyes. Pero nagpatuloy ako sa paglipad sa langit. At ang bango-bango pa ng hangin, parang hindi polluted. Unti-unting hinihila nito pabagsak ang mga talukap ko.“Oh? Ano pang hinihintay ninyo? Tapos na ang palabas! Magsilayas na kayo! Kung hindi, i-re-report ko kayong lahat sa principal!”“Imouto, don’t close your eyes. Okay?” the Angel said.Pero hindi ko nakayanan pa’t tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa pagsara ng mga mata ko.Nagising na lang ako sa isang sobrang tahimik na paligid. Bumungad sa akin ang kulay puti, pero napapikit agad ako nang masilaw sa tindi ng liwanag.Wait. Nasa langit na ba ako?Kung oo, nasaan si San Pedro at nang makapagpa-autograph ako?“Katherine, baby, gising ka na ba?”Teka. Boses iyon ni Mama, ah. Ano’ng ginagawa niya rito sa langit? Patay na rin ba siya?Nagtataka, dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang isang fluorescent na ilaw at puting kisame.Teka. Iyong ilaw ba iyong nakakasilaw kanina?“Papa, gising na nga si Katherine!” sigaw ni Mama, puno ng sigla.Nagsilapitan naman sina Mama at Papa sa akin at dumungaw. So, hindi pa pala ako patay? Eh, bakit parang nalungkot yata ako? Mas ikakasiya ko ba kung namatay na lang ako nang tuluyan?“N-Nasaan ako?” mautal-utal man, malamig ko pa rin na naitanong sa kanila.“Na-ospital ka na nga, nagsusungit ka pa rin?”Naningkit ang mga mata ko nang dumungaw si Kuya Chris at bumungad sa akin ang nakakaasar niyang mukha.“Nasa ospital ako? Pero paano nangyari? Naalaala ko, nasa school ako’t pinagtutulungan nina…”Natigilan ako nang manariwa sa aking isipan iyong mga nangyari kanina.Mama tsk-ed. “Nagka-mild heart attack ka dahil sa ginawa ng mga demonyitang iyon!”“Darling, ano ba talaga ang totoong nangyari?”Umirap ako dahil sa tanong na iyon ni Papa. As if naman na may pakialam talaga sila sa akin. Alam kong nagi-guilty lang sila sa sinapit ko. Pero ang totoo, hiniling nilang natuluyan na lang sana ako.“Wala,” sabay iwas ko ng tingin sa kanila.Bumuntong-hininga si Mama. “Nag-aalala lang kami nang sobra sa ‘yo, Anak---”Pinutol ko sa pagsasalita si Mama. “Pagod ako. Gusto kong magpahinga. So please… lumabas na muna kayo.”“Katherine,” may pagbabanta sa boses ni Kuya.“It’s okay, Christian. Lumabas na muna tayo. Hayaan natin na magpahinga ang kapatid mo.”“Pero, Papa---”“Tara na, Chris. Hayaan na natin ang baby princess natin na magpahinga.” Si Mama.“Mama, pati ba naman ikaw!”“Tara na.”I sighed.Bumisita si Yiel at Joan kinabukasan. Bagot na bagot na ako kaya mabuti na lang, bumisita ‘tong dalawang ito kundi, baka tuluyan na nga akong namatay. Hindi sa mga pasa at bugbog na natamo ko kundi sa sobrang pagka-boring.“Mabuti na lang talaga, dumating kami ni Yluj dahil kung hindi… baka paglalamayan na natin ‘tong si Kath,” inis na inis na sabi ni Yiel matapos ikuwento ang lahat na nangyari kahapon.Bale, silang dalawa ni Yluj ang nagsugod sa akin sa ospital. Medyo malapit lang ito sa SAVS kaya naagapan ako agad.Base sa mga kuwento ni Yiel, talaga ngang nag-agaw-buhay ako dahil sa sobrang pambubugbog na natamo ko.Joan rolled her eyes in irritation as she crossed her arms on her chest. “How gross! Then, Cassandra deserve to be expelled. Buti nga sa babaeng iyon!”Well, hindi lang si Cassandra ang na-expel kundi ang buong grupo niya.“So… ano’ng plano mo, Kath?” sabay irap ni Yiel. “Siguro naman, enough na iyon para sumali ka na sa pageant?”Joan’s eyes widened with shock. “Hala! You mean, ikaw iyong representative ng section ninyo sa Miss SAVS?”Umiling na lang ako. “At bakit napasok ang pageant na iyon sa usapan, Mariel?”Walang sayang tumawa si Yiel, nanunuya. “Bakit? Baka gusto mong ipaalaala ko sa ‘yo na si Yluj lang naman ang sumagip diyan sa buhay mo.”“So---ouch!”Bigla akong hinampas ni Yiel sa inis na ikinatawa ni Joan. “Nakakagigil ka talagang bruha ka! Bilang utang na loob, pumayag ka na!”I chuckled. Well, nagbibiro lang naman ako.“Oo na! Pumapayag na ako!”ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot. Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino. Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled. Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school. Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman. Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na
HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.“Are you okay, Imouto?” Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.“Kinakabahan ka ba, Imouto?” This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niy
“OO NAMAN. Maupo ka,” sabi ko. Naupo si Julene sa tabi ni Yluj at napansin ko agad ang biglang pagtamlay ng aking katabi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa, pero pakiramdam ko ay magkakilala sila at itong seksing palakang ito ay in denial lang. Biglang um-awkward ang mesa namin. Mabuti na lang ay tumayo si Yiel at natatawang naglahad ng kamay sa kay Julene kaya naagaw niya ang buong pansin naming lahat. “Hi! I’m Yiel. Ikaw? Anong pangalan mo?” Tiningnan lang ni Julene ang kamay ni Yiel, na parang tulad ng ginawa kahapon ni Yluj sa kaniya. Nagtagal iyon kaya tumikhim ako at ipinakilala na lang siya. “By the way, siya si Julene. Julene Reyes ng Grade Seven, Amethyst.” Ngumiti ako sabay sulyap sa bagong kakilala na may pilit na ngisi sa labi. “Representative siya ng lower year sa darating na pageant.” “Ah,” si Joan sabay tango at simsim sa orange juice niya. “Grade seven siya? Bakit parang kaedad niyo lang, Kath?” Nahihiyang humalakhak si Julene. “Eh kasi, Ate, r
UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all. “Baby, kakauwi mo pa lang?” Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko. Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala! Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pa
DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa ba
TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinigop yata ng singkit na mga mata ni Yluj ang buong pansin ko at sa kaniya na lamang natuon. Yes, this isn’t the first time that I’ve got closer to a man’s face, but it seems that this was my first. Umabot hanggang tainga ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Nagkakalapit naman kami noon ni Justine sa isa’t isa, pero hindi ako kinabahan nang ganito kalala. His eyes dropped on my lips. I swallowed hard when he bit his lower lip and looked into my eyes drunkily. As if na hindi pa nagkadikit ang mga labi namin kanina. Daplis lang iyon, pero I considered it as a kiss. “Kath? Couz? What are you two doing?” Pinag-initan ng mga pisngi, nagkukumahog akong bumangon mula sa pagkakadapa ko sa… Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig kong bumukas, naibaba ko rin agad upang magpaliwanag sa kaniya. “W-wala,” sabay iling ko. “Kasi natumba si Yluj… nasama ako kaya bumagsak ako sa… sa p-patpatin niyan
I WAS torn between to know the truth or not. Hindi ko pa man nakukumpirma kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman para kay Yluj, saka ko naman malalaman na mahal pa rin pala siya ni Julene. I was right. May past relationship nga silang dalawa. Pero kailan? Noong grade four sila? How gross! Ang babata pa nila nang panahon na iyon. Tss. Okay. Susuko na ako. Hindi ko na aalamin pa kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko para kay Yluj. Napag-isip-isip ko noong linggo na ayaw kong makapanakit ng iba. Specially, ang murang puso ng isang grade seven student kahit pa halos dalawang taon lamang ang tanda ko sa kaniya. Naisip ko iyon habang nag-re-review ako para sa first grading exam sa mini library ng bahay namin.Though, ayaw ko rin na makisawsaw pa sa isang relasyon na magulo na. Saka isa pa, hindi ko nasisigurado kung mahal ko nga ba talaga si Yluj. So puwede na rin na huwag nang alamin pa. "Baby, nariyan na si Mariel. Nasa hapag. Sabay na lang kayong kumain ng almusal,"
“ATE KATH! Juls! Magsisimula na raw tayo sabi ni Madam Ashneka!”Ako lang ang tumingin kay Julene sa may entrada ng gymnasium. At si Yluj? Titig na titig sa akin na para bang sobrang mahalaga ng magiging sagot ko sa tanong niya.Ngumiti ako, nakalimutan na hindi ko dapat iyon gawin lalo na sa kaniya. “Tara na. Baka pagalitan tayo ni Madam.”Handa na akong bumalik ulit sa loob ng gymnasium. But after a few steps, Yluj caught my arm. Natigilan ako at kunot-noong napaangat ng tingin sa kaniya.“Answer my question, please?” He croaked, almost choking the pain on his voice. His eyes glimmered with hope for my answer.But I looked away and gulped. Julene waved as she smiled sweetly at me. Paano ko makakayang saktan ang ganiyan kaamong babae? Hindi ko magagawa. Kahit pa nagawa niya na itong saktan noon at maging hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero sino ba naman ako para alamin pa iyon, hindi ba? Okay na sa akin na malaman na may pagti
TIWALA.Ito iyong pinakamahirap nang ibalik kapag nasira na. Well, I met him during my painful days. Ang araw kung saan tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa mga lalaki... even with my own family and friends. But then that guy... made me realized that it's not wrong to trust again. To give a try. Dahil iba-iba nga naman ang mga tao. Yes, maybe someone broke my trust but it doesn't mean that I will generalize it. Because of him, I see now those people who truly loves and supports me despite the situation that I have. Kung ano at sino ako. Pero kahit ganoon, may mga taong hindi pa rin maintindihan kung anong kalagayan ko. Though, I understand them. I will trust it to Him, our God, that someday... those people will enlighten up their minds about my situation. Dahil hindi lang ako ang nakakaranas nito. Na someone out there, locking their selves in their rooms, miserable and fearful to show up their faces to the society because of this gender confusion. And that's my advocacy now, to t
"ANONG kailangan mo at nandito ka?" Yiel raised her brows at her as she stood up. Handa niyang sugurin si Julene pero mariin ko siyang tiningnan para pigilan.Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang sandwich sa lalagyan. I smiled at Yiel, reassuring her that I can handle this. "Okay lang, Yiel. Puwedeng iwanan mo muna kami saglit?""Pero, Kath...""Okay lang ako. Hindi naman niya ako masasaktan." I smiled again.Suminghap si Julene. "H-hindi. I am not here to fight. G-gusto ko lang kausapin si Ate Kath."Tumango si Yiel, masamang nakatitig pa rin kay Julene. "Sabagay, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako. Kung sakaling may gawin ka kay Kath... magtatawag ako ng mga reresbak."Napatingin si Julene sa buong paligid. Kahit ako rin naman. Napatango si Julene, nangingiwi. Siguro, natakot nang makitang maraming estudyante ang nakatambay ngayon sa ground. Takot dahil baka iniisip niya na kakampihan ako ng lahat matapos maipaliwanag ng mga teacher ang tungkol sa issue ko. At ngayon ay posib
NAGING bulung-bulungan sa buong campus ang biglaang pagkakaroon ng relasyon nina Yluj and Julene. Everyone was shocked. Inakala kasi nila na ako ang nililigawan ni Yluj. Well, maging ako rin naman ay nagulat. Though, after what had happened last Friday... inasahan ko ng titigil na sa panliligaw si Yluj sa akin.I was walking in the hallways. Nakayuko ako at pilit hindi iniinda ang talim ng mga tingin ng mga naroon. Oo, pinag-uusapan nila sina Yluj at Julene pero nang makita nila ako, sa akin na nabaling ang usap-usapan. Bumuntong-hininga ako, naririnig ang tinig ni Julene nang balaan ako kahapon. Maaaring wala na nga siyang gagawin, pero dahil alam na ng lahat kung anong sikreto ang itinatago ko... para na ring may ginawa siya."Good girl. Now smile. Lift your head up high. Ipakita mo sa lahat na maganda ka. Inside and out..."Malamyos na boses iyon ni Sophia nang makita niya akong umiiyak dati. Well, she's right. Matagal ko nang na-realize iyon pero dahil sa simpleng problemang ito,
"KATH?"Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata."Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..." Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."Tumango ako. Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully."G-good thing that Marky was also there."Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse. "Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo
DAPAT simula pa lamang, inasahan ko nang mangyayari ang lahat na ito. However, I wasn't really surprised that Julene, a grade seven, will do this. Paano bang hindi, e mahal niya si Yluj. At sabi niya, gagawin niya ang lahat para lang bumalik sa kanya ang lalaking minamahal.Binago ang blockings. Nagulat man sa biglaang pagbabago, sinunod pa rin nila si Madam Ashneka. Nakaupo ako sa harap ng salamin, halos wala sa sarili. Though, I can felt the heavy stares boring on my body. Naaawa sila sa akin, pero higit sa lahat, sa mga ganitong oras, ako ang mas naaawa sa sarili.Wala rin naman silang magagawa. It was from the board of judges' decisions. At kung anong rason, hindi ko alam. May kinalaman ba kaya talaga si Julene rito? Or maybe because the boards already knew what and who truly I am?"Okay lang 'yan, Kath." Kuya Abet patted my shoulders. "Nangyayari talaga 'yan sa lahat na pageants. May sasabotahe talaga lalo na kapag nalalamangan."I sighed as I watched my co-candidates nervously w
THE OPENING of the Miss and Mister SAVS went softly. Napuno ng hiyawan ang buong gymnasium. May kani-kanyang sinusuportahan at hinahangaan ang mga nanonood. Well, medyo maangat ang pangalan ko at ang kay Julene sa sinisigaw nila. At isa na roon ay ang mga boses nina Joan at Yiel. Kaya madali kong nahanap kung nasaan banda sila nakaupo. I was teary-eyed when I saw my family behind them. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman sa mga oras na sumasayaw ako. Bagama't kinakabahan, mas nangibabaw pa rin ang tuwa sa aking dibdib."Are you feeling alright now, Imouto?" Yluj whispered. Nasa bandang likuran ko siya at nakahawak sa baywang ko. I smiled, the kind of smiles I never thought that I would wear on my entire life. "O-oo naman...""You're so very beautiful. I love that kind of smiles of yours, Imouto. Anyways, I also like whenever you frowned." He chuckled.I turned and swayed my hips synchronized with the beat of the music while his holding my hand. "Bolero."He smirked. "I am only
NAGPAULIT-ULIT sa isipan ko ang mga sinabi ni mama kagabi. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa gagawin. Well, wala namang masama kong ita-try ko, hindi ba? Wala namang mawawala. Natitiyak ko rin na hindi ako sasaktan ni Yluj. He's very vocal about his feeling towards me. And like his mother, I am trusting him too.Bumuntong-hininga ako. Heto, nasa kotse na ako ni Yluj, maaga niya akong sinundo sa bahay. Buo na sana ang desisyon sa gagawin. Pero dahil sa usapan kagabi, parang naglaho yata ang lakas ng loob ko at nagdalawang isip kung tama ba na maging kami ni Yluj.Because half of my mind was worried. Though, I am trusting him... hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Justine. Katherine! Hindi nga sila pareho. Iba siya, iba si Justine. Iyon lang ang isipin mo. Hays."Kanina ka pa tahimik, Imouto?"Napakurap ako at napabaling sa malaking gusaling nasa gilid. Hindi ko napansin na nasa gymnasium na pala kami. Napatitig ako sa puting pader, iniisip kung dapat ko na bang saguti
HINDI ko inasahan na mag-o-open up sa akin ang mama ni Yluj. It was hard to think that a beautiful and elegant woman like her... may lihim na pinagdaraanan din pala. She told me how she loves Yluj's father. Pero dahil may tradisyon ang pamilya nilang sinusunod, pilit silang pinaghiwalay. At first, Madam Yumi protested, yet her families' tradition was formidable. Kaya wala siyang ibang nagawa, kundi ang layuan ang lalaking minamahal niya. However, she promised to herself that she won't let that happen to her son, Yluj, her unico hijo. But our love would be strong enough to fight for their tradition? I hope so. As if na kami talaga ang para sa isa't isa hanggang sa huli, hindi ba? Well, wala namang mali na umasa. Bakit ba?Natigil lang kaming dalawa ni Madam Yumi sa pagkikuwentuhan nang biglang pumasok si Yluj sa kusina. Agad siyang tumalikod at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi, saka siya humarap sa anak na may ngiti na sa labi.She chuckled a bit. "I like this girl for you
"HI---"Natigilan si Julene sa pagbati nang makita kami ni Yluj. Hindi niya yata in-expect na makakaharap kami roon. Napayuko ako nang maramdaman ang pagsimula ng tensyon sa buong silid. In her floral pink sweetheart top and mini skirt, I think Julene prepared for this."Y-you're already here, Juls." Dumiretso siya sa kay Yluj at tangkang hahalik sa pisngi pero agad din siyang hinarangan ng palad nito. Napakurap siya at napatayo nang diretso. Inipit niya ang mga tumakas na buhok sa kanyang tainga saka alinlangan na naupo sa tabi ni Madam Yumi. "You're also here, Ate Kath..."Nginitian ko pa rin siya kahit halos pangiwi niyang sinabi iyon. "Napasama lang," tipid kong sagot."So, I think you knew all each other already," halata sa boses ni Madam Yumi ang pagkailang.Julene smiled as she nodded kindly to her. "Yes. Actually... we're schoolmates, Tita---""Don't call my mom in that way." Mariin na tiningnan ni Yluj si Julene dahilan para matigilan siya at kumurap-kurap na tumitig sa amin.