Share

Chapter 2

Author: Sofia Mauren
last update Huling Na-update: 2024-01-26 10:58:44

"Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.

Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko.

"Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.

Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.

“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.

Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng babasaging lamesita sa aming unahan.

"Wait lang, Marah." Pagpapaalam pa akin ni Dette bago siya pumunta sa pwesto ni Madam Forbes na nasa unahan lang din namin.

Pagpasok ko palang kanina sa loob nitong opisina ay labis na pagkamangha ang aking nadama. Parang opisina na madalas kong makita sa mga korean nobelang aking napapanood.

Mula sa mga dingding na salamin na kung saan tumatagos ang repleksyon ng mga nagtataasang building. Ang mga kagamitan at muebles na makikita mo dito sa loob ng opisina ay tiyak na mamahalin. Pansin kong karamihan ay itim at dilaw ang mga gamit dito, tulad nalang ng sofang kinauupuan ko.

Napakalawak ng opisinang ito dahil sa kanang bahagi ay doon mo makikita ang mistulang living room dahil may malaking telebisyon at mahabang sofa ang nandoon. Bukod pa dito ay ramdam mo ang malamig na temperatura ng office dahil sa air conditioner.

"Marah, come here, tulungan mo kami ni Dette." Doon ako napapitlag nang tawagin ako ni Madam Forbes na kasalukuyang dinedesenyuhan ng makukulay na bulaklak ang malaking lamesa na sa tingin ko ay ang lamesa ng aming magiging Boss.

May malaking monitor ang nasa gilid ng lamesa at isang cylinder na kulay silver ang lagayan ng ballpen at lapis.

"Come on, Marah, don't be shy." Muling pagtawag nito sa akin kaya doon ako nagdesisyong tumayo sa aking kinauupuan.

"Yes Madam..." wika ko dito at doon ko muna inilapag ang puting tote bag sa aking inupuan bago ako humakbang papunta sa puwesto nila.

"Tulungan mo kami ni Dette," muling wika ni Madam nang makalapit ako sa puwesto nilang dalawa.

Doon ipinahawak sa akin ni Madam ang mga bulaklak na gawa sa rubber, ito yung nakita kong makulay na laman ng transparent bag ni Madam kanina.

"Hold it, Marah," nakangiting wika ni Madam "And don't call me Madam, Tita Nave is much appreciated," segunda nito at doon nalang ako napatango.

Muli namang bumaling si Madam o Tita Nave kay Dette na ngayon ay nagdidikit ng mga bulaklak sa gilid ng lamesa. Nasa magkabilang gilid ko si Tita Nave at Dette samantalang nasa unahan ako ng lamesa.

Doon ako napabaling ng tingin sa unahang bahagi ng kinatatayuan ko kung saan matatanaw mo ang mga naglalakihang building, hindi nakakasilaw ang sinag ng araw dahil tila may filter ang salaming pader na ito.

Agaw pansin naman sa paligid ang mga laruang pang lalaki tulad ng action figure at iba pa na sa tingin ko ay nagkakahalaga ng malalaking presyo dahil nakakita na ako ng ganyan sa mga palabas na napanood ko.

Pansin ko din ang tatlong hoverboard na nakatayo, tiyak na mahilig din ang magiging Boss ko sa basketball dahil may isang basket dito na puno ng bola habang sa itaas na bahagi ay may nakasabit na jersey kung saan doon mo mababasa ang nakaimprenta sa likod nito, isang malaking number seven at sa ibabaw nito ay ang pangalang Forbes.

"Tama lang na kinuha kong secretary si Marah, diba Dette?" Napatingin ako kay Tita Nave na busy parin sa ginawagawa niya.

"Yes Tita, tama lang kayo ng pinili dahil first impression ko kay Marah ay maganda at alam niyo naman ang impression ko palaging tama." Bumaling din ako ng tingin kay Dette na nakatuon parin ang pansin sa ginagawa niya.

"I wish na ma-impluwensyahan ni Marah si Gian, you know Marah is really kind and gentle at sobrang mapagkumbaba pa niya," wika ni Tita Nave sa tonong nagpapahiwatig ng gusto niyang mangyari.

"I hope Tita!" natatawang tugon ni Dette kaya napangiti nalang ako.

Bumaba ang aking tingin at doon ko napansin ang isang parisukat na metal ang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Isang metal na nakaukit ang pangalang Gian Carlo Forbes at sa ilalim nito ay nakalagay ang kanyang titulong CEO.

Mula noong oras na tinulungan ko si Tita Nave ay doon na naganap ang nakakalokong pangyayari sa buhay ko, niyaya niya akong kumain dahil hindi pa daw siya kumakain ng tanghalian ganoon din si Dette kaya magkakasama kaming tatlong kumain sa restaurant doon sa ground floor ng kompanyang ito.

At sa oras ng pagkain ay hindi matahimik ang aking tenga sa mga isiniwalat ng dalawang babaeng kasama ko.

Doon ko nalaman na magkababata si Dette at ang magiging Boss namin, nalaman ko din kay Dette na halos fifteen years na siyang nagtatrabaho sa ilalim ng mga Forbes.

Nakumpirma ko din ang sinabi sa akin kanina nang babaeng nagkuwento sa akin about sa CEO ng kompanya ng Forbes dito sa Pilipinas, tunay nga daw na pasaway ang magiging Boss ko base sa mga ikinuwento ni Dette sa akin noong doon pa sila sa ibang bansa nagtatrabaho.

Ngayon nga ay lumipat na sila dito sa Pilipinas para patakbuhin ang bagong branch ng kanilang kompanya.

Ang chismis na kung bakit sinusuportahan nila Tita Nave ang magiging Boss ko ay totoo.

Bukod sa dahilang siya ang bunso sa magkakapatid na Forbes ay doon daw lapitin ng gulo dahil pasaway at tarando ang magiging Boss ko.

Isa na din sa dahilan kung bakit sila lumipad dito sa Pilipinas ay dahil para makaiwas sa mga gulo mula sa mga dugong banyaga na kinalaban ng Boss ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga kuwento nila Tita Nave sa akin, basta ang hanap ko dito ay trabaho hindi gulo.

"I wish Marah, I wish." Bumaling ako ng tingin kay Tita Nave na ngayon ay matamis ang pagkakangiti niya sa akin.

"I wish na mahawaan mo ng kabaitan ang anak kong si Gian," natatawang segunda nito at doon ko narinig ang mahinang pagtawa ni Dette dahilan para mapatawa na lang din ako.

Nagkakatuwaan lang kaming tatlo at patuloy na sa pagdidisenyo ng mga bulaklak na hindi ko malaman kung bakit namin ito ginagawa.

Nasa ganoong puwesto lang kami nang marinig namin ang malalakas na tawanan na nanggagaling sa labas ng opisina. Napabaling kaming tatlo ng tingin sa likuran at doon namin nakita ang iniluwa ng transparent na pintuan.

Doon ko nasaksihan ang makamundong bagay na hindi ko inaasahan na makikita ko ngayong araw, dalawang babae ang humahalik sa pisngi ng isang lalaki.

"Ayan na naman siya Tita, as usual may mga babae na naman," mahinang wika ni Dette sa gilid ko at ko rinig ang buntong hininga ni Tita Nave.

Hindi ko mawari kung mandidiri ba ako sa senaryong nagaganap sa unahan naming tatlo.

Suot ng dalawang babae ay itim na short-shorts habang ang suot na damit ay puting crop top na tila uniform nila dahil parehas na parehas silang dalawa. Hindi mo maitatanggi na bakat na bakat ang dalawang pomelo sa kanilang hinaharap at ang kanilang pang-upo ay nag-uumubukan.

Hindi iyon ang pumupukaw ng atensyon ko, hindi ang dalawang babae ang pinupuntirya ng mga mata ko. Lalaki, isang lalaking nakapikit habang dinadama ang paghalik ng dalawang puta sa magkabila niyang pisngi. Nakatingin siya sa akin na tila iniingit ako sa senaryong kinalalagyan niya.

"Gian?" nagulat ako sa pag sigaw ni Tita Nave ganoon din ang dalawang babae na nasa harapan namin na ngayon ay tarantang lumabas ng opisina.

Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Dette sa aking tabi at doon siya may ibinulong sa akin.

“Siya, siya ang magiging Boss mo, Marah, kaya kung gusto mong magtagal ay sanayin mo na ang mga mata mo dahil madalas mo siyang makakikitang ganyan," natatawang wika nito sa akin at doon nalang ako napatango.

Simula pagpasok ay nakatingin na sa akin ang lalaking ito, wala kang emosyon na mababasa sa mga mata niya. Blanko.

"Ano na namang kamunduhan ang ginawa mo Gian?" mahinahon ang boses ni Tita Nave na sa tingin ko ay nagpipigil lamang ng galit niya.

Hindi ko alam pero hindi napuputol ang pagtitinginan namin ng lalaking naka puting polo, bukas ang dalawang butones nito kaya makikita mo ang hulma ng kanyang dibdib.

"What do you mean Mom?" walang kaemo-emosyong wika ng lalaki sa kanyang nanay.

"I said bakit may mga babae ka na namang kasama? Saan mo ‘yun nakuha? Hindi kita pinagbabawalan na makipaglaro sa kama, pero sana tigilan mo ang pakikipagsiping sa mga babaeng nasa kalsada," diretsahang wika ni Tita Nave sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan.

"I know," tugon ng lalaki, doon na naputol ang pagtitinginan namin ng magdesisyon siyang humakbang papunta sa sofa.

“That’s what I told you Marah, I hope na mahawaan mo ng kabaitan ang anak ko," natatawa nguniti may pag-aalala ang wika ni Tita Nave sa akin. Doon nalang ako tumango.

Muli akong bumaling ng tingin sa lalaking ngayon ay paupo sa dilaw na mahabang sofa na inupuan ko kanina, ganoon nalang ang paglaki ng aking mata ng doon niya inihagis sa lapag ang puting tote bag ko. Nakaramdam ako ng pagkainsulto sa ginawa niyang iyon.

"Gian!" sigaw ni Tita Nave sa inasal ng anak niya.

"What?!" Iritadong tugon ng lalaki nang doon siya parang bata na umupo sa sofa.

"Why did you do that?" tanong ni Tita Nave sa kanya.

"Ang alin?" iritadong tugon nito habang nag huhubad siya ng suot nitong itim na sapatos.

"Yung bag ni Marah! Bakit mo binato?" dagdag pa ni Tita Nave habang umiiling.

"I thought it was a trash, okay?" muling sagot nito.

Muli akong nakaramdam ng pagkainsulto mula sa sinabi ng lalaking ito.

"So immature, Gian!" galit na wika ni Tita at doon siya humakbang papalapit sa puwesto ng anak niya para damputin ang bag na ibinato nito sa lapad.

Napataas nalang ang aking kilay habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay umaayos ng paghiga sa kulay dilaw na sofa.

"Babatukan ko ‘yang si Gian, wag kang mag-alala," bulong ni Dette sa akin para pagaanin ang inis na nararamdaman ko.

Napangiti at tango nalang ako sa kanya.

Nang makabalik si Tita Nave sa puwestong kinatatayuan namin ay ibinigay niya sa akin ang tote at doon ako nagpasalamat sa kanya.

Ilang segundo ay doon kaming tatlo sa nakatingin sa puwesto ng lalaking na ngayon ay naka pikit na sa sofa at tila ito ay matutulog na.

"Gian, ito si Marah, isa sa magiging secretary mo" napabaling ako ng tingin kay Tita Nave ng magsalita ito.

Hindi kami nakarinig ng tugon mula sa lalaki kaya muli akong nabaling sa kanya, pikit parin ito na tila walang pakialam sa nangyayari. Ganoon nalang ang paglaki ng aking mata ng doon may lumipad at tumama na glue sa pagmumukha ng lalaking nakahiga.

"What the fuck?" doon ito napabalikwas ng bangon sa pagkakahiga niya.

"Come on! Sige wag kang makinig, hindi lang glue ang lilipad papunta sayo," tugon naman ni Tita Nave at doon ko narinig ang pagbungisngis ni Dette sa aking tabi.

"As what I said, ito si Marah isa sa magiging secretary mo" muling pag-uulit ni Tita Nave.

Bumaling ako sa kanya at doon ko nakita ang pagpapasada niya ng tingin sa akin na tila sinusuri ang buo kong pagkatao.

Kahit na insulto at inis ang nararamdaman ko ay pinilit ko paring ngumiti sa kanya. Tumungo pa ako sa harapan niya tanda ng pagbati dito.

"Isa na din siya sa magbabantay sa ‘yo, maliban kay Dette" dagdag pa ni Tita Nave.

Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya na tila hinihintay ang sunod nitong sasabihin.

Nakaplaster parin sa aking mukha ang ngiti na ibinibigay ko sa kanya, walang emosyon ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Wala itong sinabing salita at doon nalang siya muling humiga sa sofa at ipinikit ang kanyang mga mata.

Bumaling ng tingin sa akin si Dette “Welcome to the hell, Marah," pagbibirong sabi ni Dette sa akin, na siyang dahilan kung bakit ako kinabahan ulit.

Kaugnay na kabanata

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 3

    Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan."Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan."Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya."Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya."Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang."Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.Pin

    Huling Na-update : 2024-01-26
  • Whispers In The Corner Office    Chapter 1

    Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din."Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan."Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na

    Huling Na-update : 2024-01-26

Pinakabagong kabanata

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 3

    Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan."Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan."Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya."Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya."Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang."Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.Pin

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 2

    "Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko."Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng ba

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 1

    Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din."Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan."Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na

DMCA.com Protection Status