Share

Chapter 3

Penulis: Sofia Mauren
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-26 11:13:53

Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan.

"Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.

Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.

Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan.

"Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya.

"Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya.

"Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang.

"Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.

Pinakinggan ko nalang ang ingay na nagmumula sa kabilang linya at doon ko rinig na rinig ang malakas na tawanan nila Papang at nang aking mga kapatid. Alam kong nasa kusina si Mamang dahil rinig kong may naghuhugas ng plato.

"Ganun ba? Siya wala na akong magagawa diyan. Mabait si Prince, pero teka nga lang," wika ni Mamang at doon rinig ang paghakbang niya. Papalapit siguro si Mamang sa puwesto nila Papang dahil rinig kong palakas nang palakas ang tawanan mula sa kabilang linya.

"Emman, yung anak ng kumpare ko nalang ang ligawan mo kilala mo naman si Rosita diba? Maganda yun at mabait pa, mestisa din ang kulay kaya bagay na bagay kayo," boses iyon ni Papang at si Emman ang aking kapatid.

Lima kaming magkakapatid, isa lang ang babae sa amin at yun ay si Ella. Pangatlo ako at una sa akin si Kuya Exot pangalawa naman si Kuya Edward, si Emman naman ang pangalawa bunso at sumunod si Ella.

"Hoy Papang! Pinapasabi ni Marah na magpahinga kana at pagod kayong dalawa ni Prince sa pagtatrabaho sa likod," rinig kong wika ni Mamang kay Papang na patuloy sa pagtawa.

"Mamang naman wag kang basag trip, nag-uusap pa kaming ng mga anak mo," tugon ni Papang sa boses na nagtatampo. Napangiti nalang ako dahil sa kakulitan ni Papang.

Isa na siguro sa sikreto ng matibay na pagsasama ng dalawang magkasintahan ay ang masiyahing koneksyon nila sa isa’t-isa. Tulad nila Mamang at Papang, walang araw na hindi ka tatawa’t ngingiti kapag kasama mo sila.

Napapatawa nalang ako sa mga pagtatalong naririnig ko sa kabilang linya ng doon ko marinig ang isang boses na tila lumapit kay Mamang.

"Tita si Marah po ba 'yan?" baritong boses ang narinig ko na alam kong mula sa lalaking inaasahan ko.

"Oo Prince, si Marah nga." Alam kong nakangiti si Mamang sa oras na ito base sa tono ng kanyang pananalita.

Sumeryoso nalang ang mukha ko dahil hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko.

"Tita puwede ko po bang makausap si Marah?" iyan ang wika ng lalaki na naging dahilan para kabahan ako ng bahagya.

"Oh sige." Doon ko narinig ang pagpasa ng cellphone ni Mamang sa lalaking nanghihiram.

"Tita pahiram po muna nitong cellphone niyo, doon ko po kakausapin si Marah sa labas," wika ng lalaki at doon ko narinig ang mga yabag palabas ng pintuan.

"Sige lang Prince ibigay mo nalang sa akin kapag tapos kana" rinig ko pang habol na wika ni Mamang.

Pinakikinggan ko lang kung anong ingay ang meron sa kabilang linya bago ko inaayos ang pagkakahiga ko, niyakap ko ang aking sarili gamit ang kumot dahil tila mas lalo akong nilamig.

Doon ko rinig na humina na ang tawanan nila Papang tanda ng nasa labas na ang lalaking kakausap sa akin. Rinig ko sa kabilang linya ang ingay ng probinsya, kuliglig ng mga insekto at ingay mula sa mga palaka ang namumutawi dito.

"Marah?" ang pagtawag niya sa akin ang naging dahilan kung bakit may kung anong gumapang na kuryente sa aking katawan.

"Marah, nandiyan ka pa ba?" napapikit nalang ako sa wika ng lalaki sa kabilang linya.

Muli akong nagmulat “Prince gabi na, ano pang ginagawa mo sa diyan?" pilit kong ginagawang normal ang boses ko.

"Tinulungan ko kasi si Tito doon sa bukid niyo sa likod, hindi kasi dumating yung tutulong sa kanya sa pag-aararo kaya ako nalang ang pumalit” wika niya at doon lang ako nakikinig.

“Ganoon ba?” tugon ko sa kanya.

“Alam mo ba na nalaglag ako sa kalabaw kanina dahil ang bilis lumakad ng alaga niyo kaya ayun sa putikan ako bumagsak” natatawang salaysay nito.

“Tawa nga nang tawa si Tito. Kaya ginabi na ako dito dahil tinulungan ko din si Tita sa paghahanda ng hapunan niyo, sayang nga at wala ka dito kasi hindi mo natikman ang luto ko," segunda pa nito.

Ang tanging naisagot ko nalang sa kanya ay oo at buntong hininga. Hindi na kasi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam ang itutugon ko.

"Marah nandiyan ka pa ba? Pagod ka ba Marah? Pahinga kana” sunod-sunod nitong wika sa akin dahilan para mapagkagat ako ng labi.

“Balita ko natanggap ka sa trabaho ah, congrats Marah,” segunda pa niya.

“Salamat Prince,” tugon ko sa kanya.

“Oo nga pala, nag palit ka ng number mo? Hindi ko na kasi makontak yung ginagamit mo noong nandito ka pa eh" wika pa nito dahilan para muli akong mapabuntong hininga.

"Prince..." tugon ko sa kanya sa boses na alam kong maiintindihan niya ang ipinapahiwatig ko.

"Marah, alam ko naman yun." Dito na nag-iba ang tono ng pananalita ni Prince. "Hayaan mo nalang ako. Hayaan mo sana ako Marah na mahalin kita, mahalin kita bilang matalik na kaibigan” segunda pa nito sa akin.

Siya si Prince, siya ang depenisyon ng tall dark and handsome. Pinagkakaguluhan ang kagwapuhan niya sa Sitio namin, na kahit mga babae ay nanliligaw sa kanya.

Pero sa tuwing may lalapit sa kanyang babae ay hindi niya iyon pinapansin dahil ako daw, ako lang daw ang pinakamaganda sa kanilang lahat.

"I’m sorry Prince," tanging tugon ko sa sinabi nito.

"Wag kang humingi ng pasensya sa akin Marah, ako ang may pakana nito. Ako ang may gusto ng bagay na ‘to, basta lagi mo lang tandaan na mahal na mahal kita." Hindi na kinaya ng puso ko, doon na may nagsisimulang umagos na luha sa magkabilang mata ko.

“Sige na Marah, magpahinga kana at maaga pa daw ang pasok mo bukas sabi sakin ni Tita," huling wika niya bago ako nagdesisyong patayin ang tawag sa telepono.

Hindi na kinaya ng emosyon ko, umayos ako ng higa at doon ipinatong ang cellphone sa dibdib ko. Napapikit nalang ako at doon pinapahiran ang luhang dumaloy sa magkabilang mata ko.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng konsensya, dahil alam kong nasaktan ko na naman ang damdamin niya. Wala akong magagawa dahil hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang pumasok at sumugal sa isang relasyon na alam kong may pangarap at adhikain pa ako sa buhay.

Nasa ganoong puwesto ako nang doon muling tumunog ang telepono na nakapatong sa dibdib ko. Muli akong napamulat at ganoon nalang ang aking pagkagulat nang doon ko mabasa sa screen ang pangalan ng tumatawag.

Mabilis akong napaupo sa higaan at doon hindi nag atubing sagutin ang tawag.

"Magandang gabi po Madam," pagbati ko sa kanya.

"Good evening too, Marah. Anong sabi ko on how you addressed my name? Tita Nave is much better baka nakakalumutan mo," tila natatawang tugon ng babae sa kabilang linya kaya napangiti nalang ako.

"Pasensya na po Tita Nave, hindi lang ako sanay," nakangiti at nahihiya kong wika sa kanya.

"Why so cute Marah? Wag kang mag alala ang mga kagaya mong nilalang ay dapat na pinagpapala," sagot niya sa akin sa tono na tila isang fairy god mother, napatawa nalang ako.

"Thank you po!" Nakangiti kong tugon dito at doon inaayos ang pagkakayapos sa akin ng kumot.

"Marah, may isa pa pala akong sasabihin sa ‘yo. Hindi ko nasabi kanina kaya ngayon ko nalang sasabihin." Hindi ko alam pero doon ako kinutuban sa sunod nitong sasabihin.

“Ano po iyon Tita Nave?" tila alam ko na ang sasabihin nito sa akin kaya doon nalang ako napalunok.

"Let’s make a deal...” Tulad nga ng inaasahan ko ay alam ko ang ipapagawa nito sa akin.

“Ano pong deal Tita Nave?” kagat labi kong tugon sa kanya.

“Mind me kung sasabihin ko sa ‘yong dadagdagan ko ang sweldo mo kung sakaling mapapatino mo si Gian?" diretsahang wika niya sa akin at doon ako napapikit.

Naka ilang lunok ako matapos kong marinig ang sinabi ni Tita Nave.

"You know Marah, as what you saw earlier hindi maganda ang pag-uugali ng anak kong si Gian. Mula noong nasa ibang bansa pa kami ay ganoon na siya na malayong-malayo sa kanya noong bata pa siya,” salaysay nito sa akin. "His father and I ay wala nang magawa sa kanya dahil mas lalo lang siyang nagiging pasaway kapag sinasabihan namin. Dette can manage Gian attitude minsan. Kaya with the help of you i want you to manage and monitor his attitude too." Iyan ang paglalahad ni Tita Nave sa deal na ibinigay niya sa akin.

"Ganoon po ba?" tanging tugon ko sa kanya. Paano ako tatanggi kung siya ang dahilan kung bakit ako may trabaho ngayon?

“Yes Marah, I have a big hope na matutuwid mo sa tamang daan si Gian!” wika pa nito sa akin at doon nalang ako napatango.

"Okay po, Tita Nave." Yan ang salitang naibulalas ng bibig ko tanda na tinatanggap ko ang deal niya sa akin. Papatinuin ko lang naman ang anak niya, diba?

"Good to hear, Marah. By the way ikaw at si Dette nalang ang magiging secretary ni Gian," wika niya at doon ako muling napatango.

"Got it, okay po, Tita Nave," tugon ko dito at doon ko narinig ang kanyang pagbungisngis.

"Oh siya, you should rest na Marah." Hindi na ako nakapagpaalam dahil pinatay na niya agad ang tawag.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay doon ko nalang inilapag ang phone sa gilid ko at doon tumingin sa bintana kung saan bilog na bilig ang buwan.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na ginawa ko. I barely know him, hindi ko nga alam kung gaano kapasaway ang lalaking iyon.

Pero kaya nga ako magtatrabaho sa kanya diba? Para kilalanin at gawin ang deal na ibinigay sa akin ni Tita Nave. Nasa ganoon akong pagmumuni ng biglang tumunog ang aking phone tanda na may nagpadala ng mensahe.

Bumaling ako ng tingin doon at muling kinuha’t binuksan ang aking phone.

"Marah, are you stil up? If gising ka pa then you should rest na. Punctuality is the goldren rule of Gian he is early bird kaya kaya mas nauuna pa siya sa atin and he really hate that. See you tomorrow!” pagbasa ko sa mensahe mula kay Dette.

Napangiti nalang ako at doon nagdesisyong humiga. Mukhang mahirap itong pinasok ko.

Bab terkait

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 1

    Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din."Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan."Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-26
  • Whispers In The Corner Office    Chapter 2

    "Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko."Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng ba

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-26

Bab terbaru

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 3

    Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan."Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan."Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya."Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya."Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang."Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.Pin

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 2

    "Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko."Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng ba

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 1

    Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din."Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan."Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na

DMCA.com Protection Status