Share

Whispers In The Corner Office
Whispers In The Corner Office
Author: Sofia Mauren

Chapter 1

Author: Sofia Mauren
last update Last Updated: 2024-01-26 10:34:42

Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.

Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din.

"Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.

Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan.

"Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na sa loob ng kwarto.

Sa oras na ito ay doon na ako mas tinamaan ng sobrang kaba, alam ko na sa ilang minuto nalang ay ako na ang nakatakdang pumasok sa kwartong iyon.

Umayos ako ng upo para pakalmahin ang aking sarili. "Marah, inhale..." mahinang bulong ko kasabay ng paglanghap ng hangin. "Exhale!" pagbuga ko naman ng hangin palabas.

Hindi ko mapigilang pagdikitin ang aking mga kamay at doon ito minamasahe para maibsan ang aking kaba na nararamdaman.

Lahat ng mga aplikanteng kasama ko ay nakaupo sa mahabang bench na nag sisilbing waiting area.

Ako na ang susunod kaya ako ang nasa unahan ng pila, doon ko muling iginala ang aking tingin sa mga taong nakaupo at nakapila.

Madami pa sila. Madami pa ang mga katulad kong nag-aasam na makapasok dito sa isang sikat, tanyag at kilala bilang mahusay na kompanya, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Ang kompanya ng mga Forbes.

"Kinakabahan ka?" bigla naman akong napatingin sa kalapit ko kung saan doon nakaupo ang babaeng bumaling sa akin.

Nakangiti ito at maaliwalas ang kanyang mukha, hindi mo mababatid sa mukha nito ang pag kakaroon ng kaba.

"Oo," maikli kong tugon sa kanya.

Ngumiti naman siya bago ulit nagsalita. "Sabagay kahit ako ay kinakabahan din. Kasi kung sakaling matanggap ako sa trabaho bilang sekretarya ay hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko." Ibig sabihin ay tulad ko siyang mag-aaply bilang sekretarya ng CEO ng kompanya?

Iba't-iba kasi ang mga bakanteng trabaho na puwedeng applayan dito sa kompanya ng mga Forbes, bago lang ang branch nila dito sa Pilipinas kaya kailangan nila ng mga employees.

Saktong naghahanap din sila ng sekretarya o assistant kaya iyon ang aking pinatos ko. Tatlong sekretarya ang hinahanap nila kaya nagbabakasakali akong mag apply dahil mas malaki ang sahod ng mga sekretarya kaysa sa mga ordinaryong employee.

"Mag aaply kadin po bilang Secretary? Yun ang kukuhanin mo?" tanong ko sa kanya.

Doon ito tumango. "Oo mag aaply ako at swerte nalang kung makapasa dahil kakaiba at nakakabighani daw ang itsura ng CEO," tila kinikilig nitong tugon sa akin.

"Ha?" tanging naibalas ng aking bibig dahil wala naman akong ideya kung ano ang itsura ng magiging CEO ng kompanyang ito, basta nagbabakasakali akong mag apply bilang secretary niya.

Nakita ko lang kasi ang job poster ng kompanyang ito noong isang araw at doon na ako nag pasa ng application form, nag research ako ng backround about Forbes Company pero hindi ko nakita kung sinong magiging CEO ng branch nila dito sa Pilipinas.

Kung hindi ako makapasa ay maghahanap ako ng ibang kompanya, dahil madami din akong pinasahan ng application form.

"Hindi mo ba alam kung sino at ano ang itsura ng CEO?" tila takot at gulat naman nitong wika sa akin.

Bakit sino ba ang magiging CEO ng branch nila dito sa Pilipinas?

Umiling nalang ako dito dahil wala naman akong ideya at hindi ko nakita sa research ko ang itsura ng magiging CEO.

"Ano ba ‘yan, ang magiging CEO ng kompanya ay anak talaga ng may ari nitong Forbes Company dito sa Pilipinas at sa ibang bansa,” wika nito. “At nandito sila sa Pilipinas ngayon bilang pagsuporta sa anak nilang magpapatakbo nitong company na kinalalagyan natin ngayon," segunda niya at doon napakunot ang aking noo.

"Bakit naman susuportahan? Bata ba siya?" pagtatakang tanong ko dito at doonko nakita ang pagngiti niya.

"May nabasa kasi akong blog at article sa isang website, na yung anak daw ng may ari ng Forbes Company na maghahawak at magpapatakbo ng branch nila dito sa Pilipinas ay kakaiba," wika niya. “May pagkasutil daw at pasaway daw ang magiging CEO ng branch nila dito” segunda niya sa kanyang isiniwalat.

Napatango nalang ako.

"Pero hindi yun ang point ko ha. Ang point ko kasi nga ay yung itsura ng CEO nitong company dahil sa maniwala ka man o hindi ay isa siyang Brazilian Model kahit na Half Filipino siya," wika niya sa kinikilig na tono. "Lima silang magkakapatid at yung magiging CEO nitong branch nila dito ang bunso, pero kahit siya ang bunso ay siya naman ang pinaka hot at pinaka gwapo sa magkakapatid," kinikilig parin nitong wika sa harapan ko dahilan para masuri ko ang kanyang itsura.

Pansin ko ang features ng mukha niya at doon ko masasabi na tila isa siyang nerd. Kulot ang buhok niyang nakaipit na parang si Puca at may malaking salamin ito na suot-suot, idagdag mo pa ang agaw pansin na kulay ng kanyang braces sa ngipin.

"Kaya ako mag aaply kasi nga dahil sa CEO," huling wika nito at tanging pagtango nalang ang naisagot ko sa kanya.

Ako? Bakit ako nagbabakasakaling mag aaply dito sa kompanya ng mga Forbes?

Simpleng dahilan, para makaipon ako at makatulong sa aking pamilya sa oras na tumigil si Papang sa pagtatrabaho niya bilang magsasaka.

"Weh!? Talaga!? Gwapo ang magiging boss natin kung makapasok tayo sa trabaho?!" doon ko nakita ang pagpuslit ng ulo ng isang babaeng kalapit namin na halatang kanina pa nakikinig sa usapan.

Humarap naman yung babaeng kausap ko kanina doon sa babaeng kalapit niya. Napangiti nalang ako kasabay ng pagbaling muli sa pintuan kung saan ako papasok mamaya.

Napapikit nalang akon dahil muling kinakain ng kaba ang aking buong katawan. Sa aking pagpikit ay doon ko iniisip ang imahe ng mukha nila Mamang at Papang, kailangan ko silang tulungan sa oras na sila ay mapagod na sa pagtatrabaho.

Napatango nalang ako at doon nagdesisyong magmulat muli. Sa hindi inaasahan ay doon ko nasaksihan ang pagkatapilok ng isang babae sa paglalakad nito malapit sa aking puwesto.

"Oh god!" d***g nang babae.

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid ko at doon ko nakitang nagulat din sila, yung iba ay natatawa at yung iba naman ay nag-alala. Nang mabatid kong walang tumutulong sa babaeng natapid ay doon ako nagdesisyong tumayo sa aking puwesto para lapitan ang babaeng nakadapa.

"Ma’am? Tulungan ko na po kayo," wika ko at doon inilahad ang aking kanang kamay para siya ay tulungang makatayo.

Doon ko nakita ang itsura ng babae nang abutin nito ang aking kanang kamay, makikita mo sa mukha niya ang pagkakaroon ng edad na sa tingin ko ay nasa fifty pataas na.

Nang makatayo ito ay doon ako napatingala dahil sa katangkaran niya, kung susukatin ay hanggang baba lang ako ng babaeng nasa harapan ko. Five ‘Five ang tangkad ko at masasabi kong nasa Five ‘Nine ang sukat ng height niya.

Doon ko nasaksihan ang pag-pagpag niya sa suot nitong pulang dress na fit sa kanyang katawan, doon ko naman napansin ang hawak nitong transparent hand bag kung saan naglalaman ng mga makukulay na bulaklak, stickers ‘ata.

Pagkatapos nitong magpagpag ay tumingin ito sa akin ng diretso at doon na napukol ng aking atensyon. Kahit ako ay nasa ikatlong kasarian ay nakakapuna parin ako ng ganda ng isang babae.

"Okay lang po ba kayo po ma’am?" wika ko dito sa tono ng pag-aalala.

Ngumiti ang babae dahilan para lumabas ang kagandahan niya, kahit alam kong nasa fifty na ang edad niya ay hindi mo mababakas sa mukha nito ang wrinkles.

"Yes, thank you," nakangiti nitong wika at doon mo mababakas sa pananalita niya ang pagka-propesyonal.

Hindi ko alam kung bakit ako napatungo ng sumagot siya sa tanong ko.

"What's wrong darling? Are you okay?" muli akong napatunghay at doon ako nakangiting tumango.

"Yes ma’am, I’m okay," nakangiti kong tugon sa kanya at doon ko sinimulang ilagay sa aking likuran ang dalawa kong kamay.

"Anong pangalan mo iha?" wika niya sa akin.

"Marah po," tugon ko sa kanya "Mag aaply po ako for secretary kaya po ako nandito, kayo po?" segunda ko pa dito.

"I see, my name is—"

"Next Ms. Marah Almari—Madam Forbes? Ano pong ginagawa niyo dito?" doon kami napabaling ng tingin sa babaeng lumabas ng kwarto.

"Well, I’ve decide na lagyan ng decoration ang magiging office ni Gian. Look oh?" tugon ng babaeng nasa harapan ko at doon niya ipinakita ang hawak-hawak nitong handbag sa babaeng lumabas ng kwarto.

Ngunit hindi iyon ang aking pinandin dahil tila napantig ang aking pandinig sa aking narinig. Doon sumisigaw ang aking kaluluwa sa gulat dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon, ang babaeng tinulungan ko.

"Dette, I want her!" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko at doon siya nakaturo sa akin.

Ang aking mata ay doon nakatingin sa kamay na nakaduro sa mukha ko, doon ko nakitang bumaling siya sa babaeng nagngangalang Dette.

"I want her to be one of Gian's secretary, understood?"

Doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakabukas ang bibig, tanda ng pagkagulat.

Related chapters

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 2

    "Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko."Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng ba

    Last Updated : 2024-01-26
  • Whispers In The Corner Office    Chapter 3

    Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan."Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan."Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya."Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya."Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang."Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.Pin

    Last Updated : 2024-01-26

Latest chapter

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 3

    Alas-nuebe ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking higaan."Opo, Mamang sabihin niyo kay Papang na magpahinga na, alam kong pagod na pagod siya sa bukid," pagpapaalala ko kay Mamang sa kabilang linya ng telepono.Nakatagilid ako pakanan nang higa kung saan nakatapat sa bintana habang balot na balot ng kumot dahil nilalamig ako.Patay na ang ilaw ng buong kwarto at tanging nagsisilbing liwanag na lamang ay ang sinag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa bilog na buwan."Oo Marah, katatapos lang din namin kumain ng gabihan at alam mo ba na kasabay namin si Prince ngayon," galak na galak na wika ni Mamang sa kabilang linya."Ano? Si Prince po Mamang?" pagkumpirmang tugon ko sa kanya."Anak alam kong matalik mong kaibigan si Prince at alam kong hanggang doon lang iyon, pero matanong ko nga kita na wala ba talagang kahit katiting na pag-asa si Prince sa ‘yo?" rinig kong wika ni Mamang."Mamang alam niyo na po ang sagot ko diyan," tugon ko dito at doon ito hindi nakasagot.Pin

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 2

    "Marah, you can just call me Dette since that is my preferred name to be called," nakangiting wika sa akin ni Bernadette na ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa pangalang Dette.Hanggang ngayon ay hindi parin nag poproseso sa aking isipan kung anong kinalalagyan ko ngayon, nandito ako sa loob ng opisina ng magiging boss ko."Dette, can you please pass the glue?" Iyan ang narinig kong ng babaeng may dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng opisina. Ang babaeng tinulungan ko lang kanina, ang babaeng isa sa may ari mismo ng kompanyang aking kinatatayuan.Hindi ko maitatangi sa aking sarili na napakasuwerte ko ngayong araw, tama mga siguro si Papang sa sinabi niya kaninang umaga sa akin sa telepono.“Anak, napanaginipan kita kagabi, susuwertehen ka ngayong araw kaya mag ingat ka. Balitaan mo nalang kami." Iyan ang mahikang wika ni Papang.Kasalukuyan akong naka-upo sa dilaw at mahabang sofa nang doon ko nakitang tumayo si Dette sa tabi ko at doon kinuha ang glue na nasa ibabaw ng ba

  • Whispers In The Corner Office    Chapter 1

    Literal na nanginginig ang aking dalawang tuhod, ang aking ulo naman ay hindi ko malaman kung saan ito ipapaling dahil sa kaba na aking nararamdaman sa oras na ito. Kahit suot ko pa ang makapal na jacket na ipinanabaon sa akin ni Mamang ay hindi nito kayang painitin ang aking nanlalamig na katawan.Gustuhin ko mang umalis sa kinalalagyan ko ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako. Wala nang urungan, laban na kung lalaban. Hindi mapakali ang aking mga mata at doon ko sinusuri ang buong paligid kasama na ang mga taong katulad ko na kinakabahan din."Miss Cherry?" literal na napunta ang atensyon naming lahat sa isang magandang babae na lumabas sa isang kwarto, kwarto kung saan doon nagaganap ang interview para sa trabahong aming papasukan.Nakatingin lang ako sa babaeng lumabas sa kwarto nang mapapitlag ako dahil sa biglang pagtayo ng babaeng kalapit ko sa upuan."Yes Ma’am, ako po yun," wika ng babaeng tumayo at doon ko nakitang sinenyasan siya nung babae na pumasok na

DMCA.com Protection Status