Still not feeling well po. May mild fever pa rin pero umaatake ang migraine kaya hindi ako pwedeng magbabad sa cellphone. Sori kung isa lang ang chapter ngayon at baka bukas ganoon din. Hoping na hindi na ako mahilo. Thank you for reading pala! So much appreciated. Good night po. Bukas na uli. —Twinkle ×
MARAHAS na tingin ang tinapon ni Zephyr kay Chlyrus ngayon. May sugat sa gilid ng labi ni Chlyrus dahil hindi nakapagpigil, nasapak ito ni Zephyr. Chlyrus didn't bother to hide or to evade his fist and he knew Zephyr was really pissed off. “You know how Cinder suffered, Chlyrus. You're aware! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ginagawa mo ngayon! Imbes na tulungan mo akong itago siya, mas nilalapit mo pa siya sa kapahamakan!”Pinunasan ni Chlyrus ang bibig na may sugat at saka bumaling kay Zephyr. “You know that hiding her won't do any good, Z. Hindi pwedeng lagi na lang tatakbo si Cinder sa nakaraan niya. Tatlong taon na ang lumipas at siguro naman, sapat na iyon para sa paghihirap nila. Ayaw mo bang sumaya si Cinder?”Nagtaas-baba ang dibdíb ni Zephyr sa marahas pa rin na paghinga. “Kung mas ligtas naman sa tabi ko si Cinder, mas pipiliin ko iyon kesa sa kasiyahan niya. I don't want to see her traumatized again; barely picking up herself! Kung wala lang siguro si Chi
PINAGBUKSAN ni Kevin ng gate ang babaeng nagpakilalang Serena at pinagmasdan niya ito nang mabuti. But he could feel that she's not her. Kamukhang-kamukha ito ni Serena, yes, but he knew she's not really Serena. “Who are you?” matigas ang tono na ani Kevin. Nagtatakang tumingin sa kanya si ‘Serena’ at humalukipkip ito. “Kevin, ako ito. I'll explain everything to you kaya ako nawala ng tatlong taon. Papasok ako sa bahay mo, ha?”Kevin was appalled by her behavior. But hearing her voice, shït. Kaboses ito ni Serena. But dàmn, hindi niya talaga maramdaman na si Serena ang kaharap. At mas makikinig si Kevin sa gut feeling niya. Sinundan niya ito habang naglalakad papaloob sa bahay. Pumasok nga si ‘Serena’ at inikot ng tingin ang buong kabahayan. “So here's where you're living now? Hindi na doon sa dating bahay kung saan namamahala si Butler Gregory?”Dito natigilan si Kevin. This woman knew Butler Gregory. Unlike Cinder who was denying that she's Serena, the one here spouted a thing t
“WOULD you still consider her as your wife if you find out the truth, huh, Mr. Sanchez?” tanong ni Antigone, ang babaeng nagpanggap na Serena. “Antigone!” asik ni Cinder. Humarap si Antigone kay Cinder at tinagilid nito ang ulo, parang nagtaka sa gawi ng kasamahan. “Why? I'm just saying the truth, Cinder. Also, Z and Chly gives you only two choices. If you choose to still keep him in the dark, leave with me now and forget about him. Madali naman siyang mapoprotektahan kahit hindi ikaw ang nandito. The other one. . . come clean, Cinder. You need to face the truth. What will you choose? I'm waiting. We're waiting for your decision.”“What decision?” singit ni Kevin, halatang nalilito sa maanghang na palitan ng salita ni Cinder at Antigone. “Why are you pushing me to choose? It's not yet the time. A-Alam ko ang ginagawa ko, Antigone. And I'm not ready.”Umiling-iling si Antigone, parang dismayado. “You know that this is the perfect time, Cinder. Please choose. You will leave with me
ILANG MINUTO siguro sila sa ganoong tagpo nang makita ni Serena na kumilos si Chiles. Nakita niya nag-turn over lang naman ang anak nila ngunit hindi nagising. Tumingala si Serena at napako ang mga mata sa namumulang mata ni Kevin. Kita din sa mukha nito ang basa pang pisngi kaya inangat niya ang kamay para punasan iyon. Kevin also raised his hand to wipe Serena's face. “Don't cry, Serena. It's making me sad,” halos bulong ni Kevin ngunit dahil magkadikit sila, rinig niya iyon. “Umiiyak ka rin naman,” may himutok na aniya.Kahit na namumula ang mata dahil sa ginawang pag-iyak, mahinang natawa si Kevin kay Serena. He pulled her to a tight hug once again and then planted a kiss on the top of her head. “I'm so glad you're here. I'm so thankful to the Lord that he brought you back in my arms.”Hinilig ni Serena ang ulo sa dibdíb ni Kevin at saka nagpakawala ng hininga. Inaasahan niya ang galit nito dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling pero sa sinabi nito ngayon, parang nabunutan si
GISING na si Chiles kaya inayos nila Serena at Kevin ang sarili nila. Marami pa silang hindi napapag-usapan ngunit may panahon naman para doon. Hindi nila pwedeng biglain ang lahat.Lihim na sumulyap si Serena kay Kevin na buhat-buhat si Chiles. Mukhang nawiwili naman si Chiles sa ama nito dahil nakahilig di Chiles kay Kevin at kita na kuntento ito roon. Noong nagtangka nga siyang kunin si Chiles kay Kevin, tinulikuran siya ng bata at likod na lang ang nakaharap sa kanya; nakasiksik na ito kay Kevin na kinahalakhak ni Kevin. Sa inis, mahinang pinindot ni Serena ang matabang hita ni Chiles. “Nakita mo lang Dada mo, ayaw mo na kay Mama. Ikaw, Chiles, ha?”Pumasag si Chiles dahil sa gulat at sandaling lumingon kay Serena. Pagkatapos, tumingala ito kay Kevin, medyo basa ang mga namimilog na mata ni Chiles, at tinuro si Serena. “Dada, Mama pinched Chiles!”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Aba at dumiretso magsalita 'tong batang 'to kapag magsusumbong?Tumingin si Kevin kay Serena, natataw
SERENA feels pain all over her body. Hindi niya alam kung bakit bawat himaymay o sulok ng katawan ay masakit. Anong nangyari? She struggled to open her eyes and when she did, a white ceiling welcomed her. May nakakabit na nebulizer sa mukha niya, para siguro makatulong sa paghinga niya. But instead of helping her, para siyang nalulunod sa hangin na nagmumula roon. Inalis ni Serena ang nebulizer sa ilong at sinubukan na umupo ngunit napadaing siya dahil kumirot ang katawan niya, partikular ang balikat, at maging ang tiyan niya ay sumakit. Napulunok si Serena at naisip ang anak kaya mabilis ngunit maingat siyang bumalik sa paghiga. Pagkatapos ay sinapo niya ang tiyan. Maayos pa ba ang baby niya? Kumirot ang tiyan bago siya mawalan ng malay at pakiramdam niya noon, may umagos palabas sa kanya. Sa naisip, tahimik na tumulo ang luha ni Serena. She was betrayed by the people around her. Kevin, her husband fooled her and now he's bound to marry his first love. Her family kidnapped her a
NAGISING na si Hyacinth paglipas ng ilang araw at ito ang kinausap ni Chlyrus dahil ang babaeng pinaniniwalaan niyang pinsan, hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon. Madalas itong tulala o kaya naman, nagwawala kapag nilalapitan nila. Chlyrus ran an investigation about her and he was surprised to know her background. Bukod sa DNA result na hinihintay niya, mas tumibay ang paniniwala niya dahil bago pala mawala ang nanay ni Serena, nag-iwan ito ng sanggol sa pangangalaga ng kinalakihang ama ni Serena na si Sendo. From what he learned from the investigation, Sendo saved a woman who's with a newborn baby and they registered their wedding. But when Sendo cheated on her with the foster cousin of the woman, the woman suddenly vanished and left her child behind which was Serena. Sa tingin ni Chlyrus, ang Aunt Laurin niya ang niligtas ni Sendo at ang umampon naman sa tiyahin niya ay pamilya ng asawa ni Sendo ngayon. It's kinda complicated but he tried to connect the dots. Ang hindi niya
SA NALAMAN ni Chlyrus, agad nitong tinawagan ang ama at dahil doon, pumunta si Cyrus sa ospital. Nananatili pa rin doon si Serena para obserbahan pa ang kilos. Oras na bigyan ng go signal ng doktor si Chlyrus ay ililipat niya sa isang tahimik na lugar ang pinsan para gumaling ito. She's still being unresponsive most of the time and sometimes, she's even having mental breakdown. Chlyrus couldn't explain what to feel seeing her suffering. Hindi sila magkakilala talaga ng pinsan ngunit awang-awa siya habang binabantayan ito. Siguro iyon ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Kaya noong nalaman niya na pilit si Serena na hinahanap ng asawa nito, nag-utos si Chlyrus na ibigay ang positive result ng DNA test para sa female cadaver na natagpuan sa sasakyan kung saan naaksidente si Serena. From Agent Antigone, Chlyrus learned that the cadaver that was burned down was the one who almost killed Hyacinth and Serena. To erase the evidence, Antigone lighted the vehicle that contained those killed
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkak
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s
Chapter 29KANINA PA naghihintay si Leila kay Zephyr dahil nagpaalam ito sa kanya na may aasikasuhin saglit. Habang hinihintay ito, nag-ayos si Leila ng gamit sa condo ni Zephyr. Hindi naman maliit ang condo nito pero hindi rin sobrang kalakihan kung ikukumpara sa bahay na kinalakihan ni Leila at ni Zephyr. But for Leila, this condo is the best for both of them. Kada kilos, nagkikita sila ni Zephyr at hindi nawawala sa paningin ng isa't isa. Ang pakiramdam niya tuloy bagong kasal sila ni Zephyr at nasa honeymoon phase kahit na mahigit isang taon naman na mula noong ikasal silang dalawa. Ngunit tama rin naman siguro siya sa ganoong pakiramdam dahil ngayon lang sila nagsama ni Zephyr talaga. Naalala ni Leila noon, pagkakasal nila ni Zephyr, hindi pa natutuyo ang pirma nito sa marriage certificate, nilisan na agad nito ang attorney's office. Civil wedding lang kasi ang uri ng kasal nilang dalawa at hindi siya nagpumilit sa church wedding kahit pa gusto niyang maglakad patungo kay Zeph
Chapter 28HALOS MAWALAN ng hininga si Sienna sa tindi at higpit ng pagsakal dito ni Zephyr. Takot ang bumanaag sa mga mata ng babae at hindi nito mapaniwalaan na kayang gawin ng lalaki iyon sa kanya. “Z-Zephyr, h-hindi ako makahinga—ahh! Z-Zephyr, t-tigilan mo na-na!” hirap na hirap na ani Sienna. Isang mariing pisil pa ang ginawa ni Zephyr bago pabalyang binitiwan si Sienna. Napasadlak sa sahig si Sienna, hinawakan ang leeg na nasaktan at takot na tumingin sa gawi ni Zephyr. Natatakot ito sa Zephyr na kaharap ngayon. Parang hindi kilala ni Sienna ang lalaki. Kung dati ay kahit anong salita nito ay sinusuportahan at sinusunod ni Zephyr, ngayon ay parang ibang tao na ang lalaki. Dahil ba kay Leila kaya nagbago ito? Hindi ininda ni Sienna ang nasaktang sarili at humarap sa direksyon ni Zephyr. “A-Ako ang nandito, Zephyr. Paano mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba sa kanya kaya mo ako sinasaktan, Zephyr? She's just your wife in papers. 'D-Di ba ang sabi mo sa akin, you hate her so much? N
Chapter 27NAGING usap-usapan ang mga nakadikit na photos sa lahat ng bulletin board ng campus maging ang tarpaulin na nakasabit sa mga gate ng university. Kahit na natanggal agad iyon, may mga nakakuha na ng picture at kumalat iyon sa social media. Kasabay din noon na lumabas ang anonymous posts tungkol sa tatlong babae at sa nilalaman ng post, sinasabi roon na hindi lang escort girl ang mga babaeng iyon kundi ang dalawa sa kanila ay kabit ng mga kilalang negosyante sa lipunan habang ang isa naman ay may anak na sa mayor ng lugar nila. The university tried to do something about it but the anonymous post keeps on coming back even though it was reported. Dahil doon, pinatawag ang tatlong babae at pinatawan ng parusa: expulsion. May isa ring balita na lumabas sa school forum. Walang relasyon si Zephyr at Sienna. Kay Zephyr mismo nanggaling ang balitang iyon dahil nagpaunlak ang lalaki ng exclusive interview ng student press sa loob ng campus. Ayon sa interview, pinabulaanan ni Zephyr
Chapter 26“SO HOW do you stick this thing to your undies? Am I doing this right?” Hawak ni Zephyr ang sanitary pads na binili nito at kasalukuyang kinakabit sa undies na dala nito. Pero hindi nito alam kung paano ang gagawin kaya nagtatanong kay Leila. Nahihiya si Leila na kinukuha ang hawak nito pero iniiwas iyon ni Zephyr, namamangha ito sa ginagawa. “Explain this to me, hmm? How to do this?”“Akin na kasi. Ako na ang gagawa. Ikaw ang makulit, eh.”Pinilit niya ulit na abutin ang undies pero muli ay iniwas iyon ni Zephyr at tinaas pa. “I'll do it. C'mon, give me instructions.”Napabuntong hininga si Leila at nilunok ang hiyang nadarama. “Y-You open the sanitary pad and take off the sticker at the back of it.”Binuksan nga ni Zephyr ang isa sa sanitary pad at nakuha nito ang laman noon. He ripped off the sticker, at natira na lang ang madikit na parte ng napkin. “Iyong sticky part, ididikit mo sa hmm, d-diyan sa ano center ng undies.”Seryosong-seryoso si Zephyr, hindi makitaan na