After this chapter, flashback na po tayo sa experience ni Serena as Cinder kaya huwag kayo magulat kung past na muna ang ma-post ko mamaya ~ hindi ko pa sure kung ilang chapters aabutin pero hindi naman siguro aabutin ng 20 chapters. May explanations kasi doon na hindi pwedeng i-mention ko lang and I know may tanong pa rin sa utak ninyo. Hope na masagot ko iyon sa future chapters. Please leave a review on main page. Helpful po iyon para sa akin. Thank you! —Twinkle ×
SERENA feels pain all over her body. Hindi niya alam kung bakit bawat himaymay o sulok ng katawan ay masakit. Anong nangyari? She struggled to open her eyes and when she did, a white ceiling welcomed her. May nakakabit na nebulizer sa mukha niya, para siguro makatulong sa paghinga niya. But instead of helping her, para siyang nalulunod sa hangin na nagmumula roon. Inalis ni Serena ang nebulizer sa ilong at sinubukan na umupo ngunit napadaing siya dahil kumirot ang katawan niya, partikular ang balikat, at maging ang tiyan niya ay sumakit. Napulunok si Serena at naisip ang anak kaya mabilis ngunit maingat siyang bumalik sa paghiga. Pagkatapos ay sinapo niya ang tiyan. Maayos pa ba ang baby niya? Kumirot ang tiyan bago siya mawalan ng malay at pakiramdam niya noon, may umagos palabas sa kanya. Sa naisip, tahimik na tumulo ang luha ni Serena. She was betrayed by the people around her. Kevin, her husband fooled her and now he's bound to marry his first love. Her family kidnapped her a
NAGISING na si Hyacinth paglipas ng ilang araw at ito ang kinausap ni Chlyrus dahil ang babaeng pinaniniwalaan niyang pinsan, hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon. Madalas itong tulala o kaya naman, nagwawala kapag nilalapitan nila. Chlyrus ran an investigation about her and he was surprised to know her background. Bukod sa DNA result na hinihintay niya, mas tumibay ang paniniwala niya dahil bago pala mawala ang nanay ni Serena, nag-iwan ito ng sanggol sa pangangalaga ng kinalakihang ama ni Serena na si Sendo. From what he learned from the investigation, Sendo saved a woman who's with a newborn baby and they registered their wedding. But when Sendo cheated on her with the foster cousin of the woman, the woman suddenly vanished and left her child behind which was Serena. Sa tingin ni Chlyrus, ang Aunt Laurin niya ang niligtas ni Sendo at ang umampon naman sa tiyahin niya ay pamilya ng asawa ni Sendo ngayon. It's kinda complicated but he tried to connect the dots. Ang hindi niya
SA NALAMAN ni Chlyrus, agad nitong tinawagan ang ama at dahil doon, pumunta si Cyrus sa ospital. Nananatili pa rin doon si Serena para obserbahan pa ang kilos. Oras na bigyan ng go signal ng doktor si Chlyrus ay ililipat niya sa isang tahimik na lugar ang pinsan para gumaling ito. She's still being unresponsive most of the time and sometimes, she's even having mental breakdown. Chlyrus couldn't explain what to feel seeing her suffering. Hindi sila magkakilala talaga ng pinsan ngunit awang-awa siya habang binabantayan ito. Siguro iyon ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Kaya noong nalaman niya na pilit si Serena na hinahanap ng asawa nito, nag-utos si Chlyrus na ibigay ang positive result ng DNA test para sa female cadaver na natagpuan sa sasakyan kung saan naaksidente si Serena. From Agent Antigone, Chlyrus learned that the cadaver that was burned down was the one who almost killed Hyacinth and Serena. To erase the evidence, Antigone lighted the vehicle that contained those killed
SIGURO sa kadahilanan na nalaman ni Serena na buhay pa ang anak, kahit paano ay nakausad ito. May oras na natutulala pa rin ito at umiiyak mag-isa pero sa pagkausap ni Hanni na noon ay nakalabas na rin ng ospital, kahit paano ay nakakausap na si Serena. Chlyrus was watching over the two ladies resting under the acacia tree. May nakalatag na picnic cloth sa ibabaw ng bermuda grass at sa gilid ay may mga snacks na pwedeng kainin ng dalawa. Nasa Fuentes Ancestral home sila dahil doon nila napiling i-therapy si Serena. Nag-hire sila ng private doctor at nurse na doon din nananatili para mabantayan si Serena. Chlyrus' grandpa was also staying there to supervise and guard Serena. Hindi pa nasasali ni Chlyrus ang mga pinsan na panay ang bisita para lang masulyapan si Serena. “She looks cute wearing that white dress. Ah, I really wanna dress her up, Chlyrus,” ani Gianna sa tabi. Pinsan niya ito sa Mother's side ngunit dahil kasabay lumaki ni Gianna ang mga pinsan ni Chlyrus sa ama, close
CHLYRUS brought Zephyr inside the mansion but he didn't bring him to the garden where Serena was resting. Gusto munang marinig ni Chlyrus ang sadya ni Zephyr para malaman kung tatanggapin niya ba ito o hindi. Aunt Laurin's family, including Zephyr, are not welcome at the Fuentes Residence.Nag-usap sila ni Gianna gamit ang tingin at tahimik na kumilos ang babae para bumalik sa garden at para na rin sabihan ang mga pinsan ni Chlyrus na tumahimik. Sa study area nagtungo sila Chlyrus at Zephyr at nang makaupo ang nakababatang pinsan, saka ito hinarap ni Chlyrus. “You look like you've been through the wringer. What happened?”Nagbaba ng tingin si Zephyr at sandaling nilaro ang mga daliri. Kita na hindi ito mapakali. Chlyrus let out a sigh. It looks like something bad happened to him that made Zephyr go to them. “I... I ran away from home, Kuya Chlyrus.”Kumunot ang noo niya sa narinig.Kahit na hindi sila close ni Zephyr dahil hindi naman siya lumaki kasama ito pero palihim naman nila
“CINDER! LOOK at this fish, cute ba 'to? Do you like this? I'll put this in your aquarium.”Lumapit ang Kuya Gideon ni Serena sa kanya at may clown fish na nasa plastic bag na hawak nito, lumalangoy-langoy iyon. Ngumiti si Serena sa pinsan at umiling. Pinsan niya ito na anak ng Tito Claude niya.Nagising na lang si Serena na isang araw, may malaking pamilya na siya. She got a loving grandfather, a lot of titos and titas, and their children who loves her. And lastly, her brother who is Zephyr. Malabo ang alaala ni Serena sa mga nangyari noong mga nakalipas na ilang buwan at ang paliwanag sa kanya ni Chlyrus, she was traumatized by her kidnapping that's why she forgot some things. Pero hindi naman siya nakalimot tungkol sa panloloko ng kinagisnan niyang pamilya maging kay Kevin na nanloko at nagtaboy sa kanya. Sa gabi-gabi, naalala niya ang pagsasabi nito na isa lang siyang pamalit sa first love nito - na hindi siya nito mahal at dahil nakabalik na ang totoong mahal ni Kevin, etsapwe
NAGISING si Serena dahil parang may naririnig siyang umiiyak. Nang buksan ang mga mata, si Zephyr na nagpupunas ng pisngi ang dinapuan ng paningin niya. When Serena tried to move, pain from her lower body assáulted her. Bumaba ang tingin niya sa tiyan na impis na ngayon. Tama nga ang akala niya ay panaginip. She already gave birth to her child. Si Zephyr ay napansin na may malay na siya at agad siya nitong dinaluhan. “Ate Cinder? Are you okay?”“A-Ayos lang ako. Iyong baby ko? Kumusta siya?”Tears fell from Zephyr's eyes once again. Kahit anong punas nito ay hindi maampat ang luha nito na nagtaka na si Serena.“Zeph?”“Ate, you almost diéd! Alam mo bang ilang beses kang sinubukan na i-revive para bumalik ang heartbeat mo tapos ang unang itatanong mo, iyong batang iyon?”Hindi kaagad siya nakapagsalita. She. . . almost died? Hindi niya alam ang nangyari.Zephyr wiped his face and tried to act like he didn't cry. “Isang linggo ka nang tulog, Ate Cinder. Ligtas ang anak mo kung iyon an
“CINDER, are you really going to do this? You're going to talk to her?” tanong ni Dace sa kanya. Sinamahan siya nito para puntahan ang hospice kung saan doon na nananatili ang lola na nagpalaki sa kanya. Nakabihis sila bilang hospital staff dahil hindi na oras ng dalaw. Isa pa, ayaw mag-iwan ni Serena ng record dahil alam niyang may nagbabantay sa lola niya. Baka magulo ang tahimik niyang buhay kung isang maling desisyon, mailantad na buhay pa talaga siya. She's just here for closure. Gusto niyang makausad na. At hindi mangyayari iyon kung hindi niya tutuldukan ang dating buhay. Sinilip ni Serena ang oras sa cellphone na nasa bulsa at binalik iyon sa bulsa noong makita na pasado alas diyes na ng gabi.Sinenyasan siya ni Dace na pwede na siyang pumasok sa private room ng lola at tumalima naman si Serena. Nang makapasok siya, unang bumungad sa kanya ang tunog ng heart monitor na nasa gilid. May nakakabit ding oxygen sa ilong ng matanda at mukhang mahimbing ang tulog nito. Napalunok
Chapter 39“LET ME GO! Bitawan mo ako, ano ba? Isusumbong kita kay Zephyr! Sinabi nang bitawan mo ako, eh! Masama ka talaga!”Panay ang sigaw ni Sienna habang hatak-hatak ni Leila ang buhok nito. At imbes na maawa, mas lalo pang nanggigil si Leila sa babaeng ito. Hindi siya nakakalimot na sa utos nito, ilang beses na siyang napapahamak. Hindi lang ni Leila masabihan si Zephyr sa totoong ugali ng kaibigan nito dahil nakikita naman ni Leila na sa kanya kampi si Zephyr at hindi ito nagbubulag-bulagan kay Sienna. “Bitawan mo ang pamangkin ko!” Pilit na hinahatak ni Manang Gina si Leila palayo sa pamangkin pero malakas ang kapit ni Leila sa buhok ni Sienna. Sa isang mabilis na kilos din, naitulak ni Leila si Manang Gina kaya halos mapahiga ito sa sementadong sahig. “Anong tinitingin tingin ninyo diyan? Tulungan n'yo ako at turuan n'yo ng leksyon ang babaeng 'yan!” sigaw ni Manang Gina sa mga katulong na nakatanaw lang sa kanila. Nag-alangan at nagkatinginan ang mga katulong at may isan
Chapter 38“AT SINO ka para paalisin kami? Hindi ako papayag na umalis kami rito! Yaya ako ni Zephyr mula pa pagkabata at parang ina na niya ako! Mas close pa nga siya sa akin kaysa sa ina niya kaya siya rin ang magagalit sa gagawin mo! Hah! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!”Hinarangan ni Manang Gina si Leila na papasok sana sa loob. Tumalim ang tingin niya sa matandang babae at pinagkrus niya ang mga braso. Tumikwas ang kilay niya habang nakatitig dito. Hindi na siya ang Leila na magpapaapi rito. Ngayong alam niyang may importansya na siya kay Zephyr, may tapang na rin siya na harapin ito. At oras na saktan siya nito, ihaharap niya si Zephyr sa mag-titang si Gina at Sienna. Kung kaya nilang magpanggap na inosente at walang kasalanan na ginawa, kayang-kaya niya rin iyong gawin. “Ako ang may kapal ng mukha? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Manang Gina? Ako ang asawa ng 'amo' mo. Yes, you were his yaya and you watched him grow up. But that doesn't mean you ca
Chapter 37“I'LL BE DONE AFTER A WEEK HERE. Wait for me, hmm? Listen to me, Leila, okay? Stay away from guys. I don't want to see guys hovering around you.”Napalingon si Leila sa magkabilang gilid, hinahanap ang lalaking sinasabi ni Zephyr pero wala naman siyang nakita. Nagulat siya nang tumawag muli si Zephyr at imbes na manatili ito ng dalawang buwan sa importante nitong ginagawa, sinabi nito sa kanya na sa isang linggo na lang ang lilipas at uuwi na ito. Syempre, natuwa siya. Miss na miss na niya si Zephyr, e. Nasanay na siyang kasama ito kaya nang marinig niyang pauwi na ito, halos pumalakpak ang tenga niya.Pero natigil ang tuwa niya nang sabihin iyon ni Zephyr. Lalaki? Tsaka niya naalala na noong huling videocall ni Zephyr sa kanya, nakita nito sa likuran niya si Mark na kapatid ni March. Before she could explain things to Zephyr, the call was cut. At ngayon, ito ang sumunod na tawag ni Zephyr sa kanya. “Guys? Wala namang lumalapit sa akin, Zephyr. Kulang na nga lang magin
Chapter 36“WHY DO you look so glum, dude? Anong nangyari? We're in the middle of the mission when you open your fire and kill one of their men. Dati naman, hindi ka ganyan, Zeph. What happened?” litanya ni Cash. Instead of answering him, pinunasan ni Zephyr ang hawak na baril. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nakita sa likod ni Leila. Alam niyang walang ginagawang mali si Leila. He knows how crazy his wife for him. Pero hindi niya maiwasan na hindi mainis dahil nararamdaman niya na habang wala siya ay may pumoporma sa asawa niya. Paano kung mas magtagal siya rito sa misyon na ginagawa at unti-unting mawala sa kanya si Leila? Damn it. Bakit niya ba naiisip iyon? Leila won't love anyone other than him. Kung mayroon man, he will make sure he will shoot that person first. Leila's his. Sa kanya lang. Ang pagtapik sa balikat niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Zephyr. Matalim ang tinging binigay niya kay Cash na parang sinasabi na tigilan siya nito. Kung hindi niya map
Chapter 35SA TULONG ni March at Mark, nai-report ang mga taong nagtangkang gawan ng masama si Leila. Pero hindi bago pakantahin ni March ang mga babaeng iyon ng binabalak nila kay Leila at nang malaman ang totoong balak nila na pagkatapos bugbugin ay gusto nilang dalhin sa kung saan si Leila at hayaan kung ano ang mangyari sa kanya, halos manlamig ang buong katawan ni Leila. Sa isip niya, paano kung nagtagumpay sila sa balak nila? Saan na lang siya pupulutin? Paano kung sa masasamang tao siya napasakamay? Paano kung na-rapé siya sa balak nilang pag-iwan sa kanya? Ano na lang ang magiging kapalaran nya? Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ni Leila kay Sienna. Kung nasa harap niya lang ang babae, ipapakita niya ang kaya niyang gawin dito. Pero maghintay lang ito, matitikman nito ang bagsik niya. Pinapangako niya iyon. Sa gulong kinasangkutan nila, nagharap-harap sila sa dean's office. May mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga babaeng gustong saktan si Leila ha
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkaka
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu