Share

Chapter Four

Author: Ammy Ribay
last update Last Updated: 2021-10-14 15:38:05

PAGKATAPOS  magkape  ay naupo  si Migs  sa harap ng laptop computer on his desk at nag-log on sa Internet.  He Googled news stories about missing persons in Metro Manila.   He found several.   At isa sa mga iyon ang umagaw ng pansin niya sapagkat ang nawawala ay isang  modelo.  Leilani Sandico ang pangalan.  Mula  sa isang local newspaper ang news brief.  Wala iyong byline.  Nireport lang na ang babaeng modelo ay nawala few months ago.  Huling nakita daw ito sa isang party.  Nireport na raw sa mga pulis.  At nag-iimbestiga na.

            He looked for the follow-up story.  Kaya lang, wala siyang mahanap. 

            She Googled “Leilani Sandico.”   Unfortunately, bumagal bigla ang connection.  Napamura siya nang wala sa oras.  Kahit kailan, pasaway ang internet connection dito sa Pilipinas.   Hindi na siya makapaghintay.       He picked up the phone and dialed the news desk of the local newspaper.

            “Morning Dew,” anang sumagot ng telepono.

            “Jeremy, pare,” ani Migs na nabosesan kaagad ang nasa kabilang linya. 

            Migs  had known Jeremy since they were in high school.  From first to fourth year ay magkaklase sila nito sa isang pampublikong eskuwelahan sa bayan ng Oas sa probinsiya ng Albay.     Isang taon na siyang naninirahan sa Maynila nang makita niya si Jeremy sa isang mall sa Cubao.  Pagkatapos ng kumustahan, they exchanged cell phone numbers.   From then on, regular na silang nagbabalitaan nito.  Ito ang takbuhan niya kapag may nais siyang i-research na news items.

            “Napatawag ka, pare,” wika ni Jeremy.  “May kailangan ka?”

            “May itatanong sana ako.  Sounds familiar ba sa ‘yo ang pangalang “Leilani Sandico, pare?  Naibalita n’yo ba siya two months ago?”

            “Parang oo, pamilyar ang pangalan.   Bakit?”

            “Isa  siyang modelo, dalawang buwan na siyang nawawala.  Naibalita ang nangyari sa kanya.  But I couldn’t find a follow-up.  Bakit kaya?  Puwede mo ba ‘kong tulungan.”                 

            “Let me make a few calls.  I’ll get back to you.”

            Nang maibaba ni Migs ang telepono, finally um-okay na ang signal ng internet. 

Mayroong “ Leilani Sandico” sa G****e. She clicked the name.

            Isa lang katao ang nagmamay-ari ng pangalang “Leilani Sandico” at isa iyong modelo.  Nakatira ito sa Quezon City, pero tubong Laguna.   Nagkolehiyo ito dito na sa Manila.  Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala nang nabanggit na iba pang impormasyon tungkol sa babae.

            Naisip ni Migs, ano kaya kung wala pang Internet sa panahong ito?  Paano kaya patatakbuhin ang isang detective agency kaparis ng sa kanila?  Hindi ma-imagine ni Migs ang mga panahong igugugol ng isang imbestigador sa library para lang mag-scan ng mga pahayagan.  Sobrang abala ‘yong ganoong proseso.  Hindi niya siguro gugustuhing maging isang private investigator.

            Siyempre naman, alam ni Migs na matrabaho talaga ang isang PI.  At hindi madali ang ganitong trabaho.  Pero siya naman ay gamay na rito.  Hindi rin naman biro iyong apat na taong iginugol niya sa trabahong ito especially ‘yong paghahanap sa mga taong nawawala.   Basta kilala na niya ang taong hahanapin at alam niya kung saan pupuntahan, chicken feed na iyon sa kanya.

          Ang problema nga lang sa hawak niya ngayong kaso, he’s still didn't  know kung sino ba talaga itong Ralph na ito?  Anong klaseng tao ba ito?  Kung alam sana niya ang kumpletong pangalan  at hitsura nito, it would be easy for him to look for the man.

            The intercom buzzed.  Migs depressed the key.

            “Yes,   Gemma?”

        “Sir,  dumating na po ‘yong nire-quest  n'yong copy ng CCTV footage na ni-request n'yo from the secutiry of Glamour Hotel.  Ipasok ko na po ba riyan?”

            “Sige, pakipasok na dito sa loob.”

            Pumasok si Gemma sa loob ng opisina ni Migs pagkatapos nitong kumatok.  Nasa kamay nito ang isang makapal na brown envelop.

            Gemma was almost a decade secretary of De Chavez Detective Agency.  Ayon sa uncle niya, dalaga pa raw ito nang mapunta sa ahensiya.  Pagkalipas diumano ng apat na taon ay may nakilala itong seaman.  Hindi nagtagal ay nagpakasal ito sa seaman.  Ayaw na raw papagtrabauhin ng asawang seaman si Gemma, pero nadala naman daw sa pakiusap ang lalaki.  Kaya hanggang ngayon ay sekretarya pa ng ahensiya ang babae. 

            Efficient secretary si Gemma.  Lubos na pinagkakatiwalaan ito ng uncle niya pagdating sa trabaho nito. 

                Migs took the envelope from Gemma.    It was heavy.    

            “Thanks,” aniya.

            “May kailangan pa kayo, Sir?”

            “Okay na ‘to.  Bahala na ako rito.”

              Nang lumabas ng silid si Gemma, kaagad na inusyoso ni Migs ang content ng envelope na pinadala ng head of security ng Glamour Hotel na si Elmer.  Laking pasasalamat ni Migs na kilala niya ang pinuno ng security ng nasabing hotel.   Tumulong siya noon sa paghahanap ng anak ni Elmer nang mawala.    Elmer hadn’t forgotten.

            The next hours, abala na si Migs sa panonood ng CCTV footage ng party na dinaluhan ni Samantha.   Sana naman, naisip niya,  isa sa mga taong naroon ay si Ralph na.  Hindi na siya makapaghintay na makipagkita kay Armina. 

            Natigilan si Migs.  Bakit kay Armina siya makikipagkita?  Hindi ba dapat si Sam na ang pupuntahan niya para ipakita ang CCTV footage?  Aabalahin pa niya si Armina kung sakali.

              Basta, gusto niyang makita si Armina.  Iyon na iyon.

              The private line on his desk rang again.  He answered with his name.

            “Magkita tayo sa  Sandra’s, pare ,”  wika ni Jeremy.  Ang Sandra’s ay isang cafeteria  malapit sa opisina nila.   “Siguradong manlilibre ka ng meryenda sa ibabalita ko sa iyo.”

“NASAAN na ba ang ate mo at hanggang ngayon ay wala pa?”  Hindi na maipinta ang mukha ni Migs.  Pagkatapos niyang makipagkita kay Jeremy, nagmadali siyang pumunta kina Armina.  Ang masaklap, hindi naman pala niya aabutan doon ang babae.  Dumating siya ng alas siyete.  Anong oras na ba ngayon?  Alas diyes, ayon sa suot niyang relo nang tingnan niya.  Ngunit hindi pa rin umuuwi ang babae.  Malapit na malapit nang uminit ang ulo niya.

            “Ang kulit mo naman, Kuya Migs,”wika ni Samantha.  Ipinatong nito ang binabasang libro sa ibabaw ng center table.  Mukhang naabala niya ang pagre-review nito.  “Di ba sabi ko naman sa ‘yo, may lakad sila ni Engineer Paul Paredes.”

            “P-Paul Paredes?” Parang hindi niya yata narinig na sinabi iyon kanina ni Samantha.   O baka naman, hindi rumehistro sa pandinig niya dahil may pinagkakaabalahan ang isip niya. 

            “ Sino ba ‘yon?  Boyfriend niya? Akala ko ba walang boyfriend ang ate mo.”

             “Wala naman talaga pero mawawalan ba ng manliligaw si Ate e lovable siya. Maski nga sa akin, nagpapa-good shot  ang mga nagkakagusto sa kanya.”

              “So, nanaliligaw ‘yong Paul Paredes sa ate mo, ganoon?”

          “Yup.”  Dumampot ng isang notebook mula sa center table si Samantha at binuklat-buklat iyon.  "Me graded recitation daw kami bukas sa English.  Kailangan kong mag-review."

            “Engineer ‘kamo siya?” tanong ni Migs, tila hindi rumehistro sa pandinig niya ang huling sinabi ni Samantha.

            “Hindi naman basta-basta ang nanliligaw kay Ate. CPA na yata siya, ‘no!”   Titig na titig ito sa isang pahina sa notebook.                             

              Kunsabagay, noon ngang hindi pa titulado si Armina, marami na ang nagkakagusto rito.  Kamuntik na nga itong  aswangin ng katrabaho niyang pulis na si Radmir  noon  kung hindi lang niya binalaan  ang lintek.   Ngayon pa kayang isa na itong Certified Public Accountant? 

            “Saan nagtatrabaho ‘yong engineer?”

            “May sarili ‘yong construction firm," sagot nito.  

            “Really?”

            “Bigatin, ‘no?”

            “May balak bang sagutin  ‘yon ni Armi?”

            “Malamang.  Guwapo at mukhang mabait naman si Engineer Paul. Saka masalapi.”

            “Hindi porke mapera, kailangan nang sagutin.”

            “Parang tututol ka, Kuya Migs.”  

              Tumawa siya.  “Hindi, ah!  May jowa na ‘to, oy!”

            “Sigurado ka?”

            “Oo, naman.”

           "Mamaya na lang ako magre-review.  Hindi ako makapag-concentrate sa 'yo, eh."  Tiniklop ni Samantha ang notebook at ipinatong iyon sa ibabaw ng librong binabasa nito kanina.

              “So, ano nga pala ‘yong magandang ibabalita mo?  Sabi mo may update ka na.  Nahanap mo na si Ralph?”

            “Pauwiin mo muna ate mo,” wika niya.  “I-text mo siya.  Saka ko idedetalye ‘pag andito na siya.”

            Iningusan siya ni Samantha.  “Kakainis ka.  Puwede mo namang sa akin na lang sabihin.”

            “Basta.”

          “Sige na nga.”  Kinuha ni Samantha ang cell phone nito at saka nagpipindot doon.  Pagkatapos niyon ay nagpaalam sa kanya sandali.  Kukuha raw ng makakain sapagkat gutom na naman daw ito.  Nang bumalik, may dala na itong dalawang sandwiches saka dalawang basong juice.

            “Ipinaghanda na rin kita ng makakain at baka ginutom ka na sa paghihintay kay Ate,” sabi nito sa kanya sabay lapag sa center table ang pagkain para raw sa kanya. Isang sandwich iyon at isang basong juice. 

            Tumunog ang cellphone ni Samantha.  Nakita niyang may binasa roon ang babae pagkatapos magpipindot.

            “Pauwi na raw ang ate,”deklara nito sa kanya.  “Actually, daw malapit na siya sa bahay.”

            Tinikman ni Migs ang sandwich.  Masarap ang palaman niyon, parang Lady’s Choice chicken spread.  At dahil gutom na talaga siya, nilantakan niya ang sandwich. 

            Mayamaya nga’y dumating na si Armina.    Lumulutang sa kaligayahan ang babae.  Panay ang ngiti.   At alam niya kung bakit.  Dahil nakipag-date kay Engineer Paul.  Kaya imbes na sumaya siya dahil dumating na ito sa wakas, sinadya niyang magpakita ng inis.

            “Dumating na rin lang naman ang hinihintay natin, e di magsimula na tayo,” wika ni Migs pagkatapos umayos ng upo sa kinauupuang armchair.  Hinintay niyang maupo ang bagong dating ngunit nanatili lamang itong nakatayo sa harap niya, nakataas ang isang kilay.  Ayaw sana niyang tingnan. Kaya lang matitiis mo bang dedmahin ang suot nito?  Mahaba nga ang bestida, hapit na hapit naman sa katawan, walang manggas at labas ang cleavage nito.   Naging CPA langang hitad, nagpakita na ng cleavage!  At kay Engineer Paul, ipinangalandakan?  Malamang pinagpiyestahan iyon nang husto ng mga mata ng inhinyero.

            “Sure, “ wika nito, pagkatapos ay naupo ito sa isang armchair na nasa harapan niya.  “Pero mabilis lang, ha.  Tatawag pa kasi si Engineer Paul.”

            “Pinaghintay mo ‘ko nang pagkatagal-tagal, tapos, magde-demand ka ng ganyan?  Ano ka?”

            “Lovable.”  Kinindatan siya nito.

            He groaned. “Simulan na nga natin.”  Inilabas niya ang  brown envelope at inabot kay Samantha.

            “Ano ba’ng laman nito?”

            “CCTV footage ‘yan noong gabi ng party na dinaluhan n’yo sa Glamour Hotel.

I-check mo kung nakuhanan si Ralph.”

            Tumalima naman si Samantha.  Maingat nitong binuksan ang brown envelope at tumambad dito ang laman niyon.   Hindi nagtagal ay pinanonood na nila ang footage.  Kataka-takang walang kibo lang si Armina.             

            “Hinahanap ni Ralph ang nawawala niyang girlfriend sa mga party.  ‘Yan ang sabi niya sa ‘yo, right?” wika niya.

            Tumango si Samantha, nakatutok ang mga mata sa pinapanood.

            “Let me tell a story about a missing woman two months ago,”  wika niya.  “Her name’s Leilani Sandico.  Isa siyang modelo.  She comes from a well-off family in Laguna.  Chains of convenience stores ang negosyo nila.  Party-goer si Leilani.  At sa isang party nito nakilala si Luis Rafaello Sandoval. 

            “Unico hijo si Luis Rafaello ni Don Roberto Sandoval.  Kilala n’yo ba kung sino si Don Roberto Sandoval?”

          Halos magkasabay na umiling sina Samantha at Armina.

       “Well, siya lang naman ang tanyag na may-ari ng  RoSan Wire Manufacturing Inc.,  leading manufacturer ng  mga steel wire products dito sa Pilipinas.    Cyclon wire, barbed wire, chicken wire, welded wire mesh, hog wire, mga halimbawa lamang na pino-produce nila with best quality.   RoSan introduced also the heavy duty galvanized wires and likewise, the latest line for home and industry insulation, the rigid insulation board.

            “Anyway, Luis Rafaello and Leilani fell in love and five moths ago, they became engaged.  Unfortunately, iyon na nga, two months after their engagement, bigla na lamang nawala si Leilani.  Huli siyang nakita sa isang party kasama ng mga kaibigan niyang modelo rin.”

            “I knew it!” bulalas bigla ni Samantha.  “Leilani is Ralph fiancée and Luis Rafaello Sandoval is Ralph.  Am I right?”

            “Let me show you this first,” wika niya at inilabas mula sa isang envelope ang isang close-up picture ng isang babae at lalaki, magkaakbay ang dalawa.  Iniabot iyon kay Samantha. “Sina Leilani at Luis Rafaello ang mga ‘yan.”

            “It’s him, Kuya Migs,” wika ni Samantha matapos abutin sa kanya ang litrato at tingnan iyon.  “Ito nga si Ralph.”

            “Sigurado ka?” tanong niya.

            “Oo, siya nga ito.”

            “How about sa CCTV footage, nakita mo ba siya riyan?”

            “Kailangan pa ba, eh, na- identify ko na siya?”

            “How did you learn all of those informations?” tanong ni Armina.

            “I have a friend on the inside.”

            “On the inside, meaning someone who know Ralph.”

“No, may kaibigan akong reporter na tumulong sa akin. Wala akong makitang follow-up story sa G****e nang tungkol kay Leilani. Kaya sa kanya ako lumapit. Naibalita pala ang tungkol kay Leilani sa peryodika nila. At mayroong follow-up story.”

            “Curious lang ako,” wika ni Armina.  “Paano mo nalaman na related kay Leilani si Ralp?”

            “Sa Internet,” wika niya.  “According to Sam, naghahanap daw ng nawawalang nobya si Ralph.  So, I Googled, ‘ missing person in Metro Manila.’  I found several pero may isang item doon na umagaw ng pansin ko,  iyong modelo na missing.  According to Sam kasi, nabanggit daw ni Ralph  na modelo ang fiancée nito.”

            “So,  nahanap na ba si Leilani?”

            “Hindi pa rin.  Pero may lead na sila kung nasaan ang babae.  Ang espekulasyon ng mga pulis, hindi naman nawawala si Leilani.  Kusa itong lumayo.”

            “Huh?” bulalas ni Armina.                 

            “Baka ayaw pakasal kay  Ralph,” wika niya.

            “Kawawa naman pala kung ganoon si Ralph,” wika naman ni Samantha.  “Ano na kaya ang nangyari sa kanya?  Kumusta na kaya siya?”

            “I know where he lives.  Puntahan natin,  gusto mo?” aniya kay Samantha.

            “Huwag na muna, Kuya Migs.  Hindi pa ako handang makita siya.”

“Tingnan na lang natin siya sa F******k,” suhestiyon naman ni Armina. “Baka may update ng tungkol sa kanya.”

Si Armina ang nagbukas ng F******k account sa cellphone nito.

“Sorry, guys,” wika ni Armina mayamaya. “Wala sa F******k ang pangalang Luis Rafaello Sandoval.”

            “Kung di ka pa ready na makita siya, eh, di kami na lang muna ang haharap ng ate mo ke Ralph,” suhestiyon niya.

            “Kayo ang bahala,” ani Sam at iniwan na sila.

            “Uwi tayo ng Bicol sa makalawa,” wika niya kay Armina.  “Puntahan natin du’n si Luis Rafaello.   Doon na raw ito nakatira.”

            “Pag-iisipan ko,” anito.  “Saka kailangan kong magpaalam kay Engineer Paul.”

            “Boyfriend mo na ba ‘yon at kailangan mong magpaalam sa kanya?”

            “Malapit na.”

            Nalukot ang mukha ni Migs.

            “Saan ba sa Bicol si Ralph?”  tanong ni Armina, hindi pinansin ang reaksiyon na iyon ni Migs.

            “Sa Polangui daw.”

            “A-ano?”  namilog ang mga mata ng dalaga.  “Lagot. Katabi lang ‘yon ng bayan natin.  Hindi maaari.  Hindi ako maaaring sumama  sa ‘yo dun.  Baka makita ako nina nanay.  Doon namamalengke ang mga ‘yon.”

            “Akala ko pa naman, matutuwa ka dahil makakauwi tayo sa bayang sinilangan natin.”

             “Kung wala akong itinatago sa kanila, siyempre, ikagagalak ko ‘yon,” anito.  “Kaya lang, hindi ko yata kaya iyon.  Baka madulas ang dila ko at masabi ko sa kanila ang totoong kalagayan ni Samantha.  Hindi pa napapanahon na malaman nila ang totoo.  Kailangan ko munang ihanda sila, lalo na si Tatay.  Naiintindihan mo ba ako?”

            “Oo naman,” aniya.  “Kung ‘yan ang gusto mo, di sige.  Kaya lang, ikaw rin, anong malay mo, doon mo ‘ko muling maakit..”

            Umirap si Armina.  “As if naman, seryoso sa sinasabi.”

            “Kilala mo naman siguro ako,” wika niya.  “Alam mo kung kailan ako nagbibiro.”

            “’Tang ina, Migs!  Huwag kang ganyan.  May dyowa ka na.”

Related chapters

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Five

    May manliligaw ‘kamo ako na Engineer Paul Paredes?” ani Armina kay Samantha nang maalalaang tungkol doon kinaumagahan habang sila ay nag-aalmusal. Pauwi na siya kagabi nangmag-text ito at sabihing pinag-ti-trip-an daw nito si Migs. Nag-imbento daw ito ng kuwento salalaki. Sinabihan daw nito ang kanyang ex-love na may manliligaw siyang isang engineer naang pangalan ay Paul Paredes. Huwag na muna raw siyang magtanong, sumakay na lang. Kaya hayun, ganoon na rin ang ginawa niya. At hindi niya akalaing masarap palang pag-trip-an ang loko. “At bakit ka naman nag-imbento ng ganoon, my dear sister?” “Wala lang,” anito. “Gusto ko lang hulihin kung may pagtingin pa rin siya sa‘yo.”Kumuha ito ng pa

    Last Updated : 2021-10-18
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Six

    DINAMPOT ni Migs ang cell phone sa mesa. Iniisip kung tatawag ba uli kay Armina. Nakailang attempt na ba siyang kausapin ito sa cell phone? Pito siguro o higit pa. Pero panay lang ring ang naririnig niya mula sa telepono nito. Pakiramdam niya tuloy, sinasadya ng dalaga na huwag pansinin ang mga tawag niya. Hindi naman masasabi na out of coverage ito dahil nagri-ring naman. Baka naman me sumpong. Ganyan na ganyan si Armina kapag may sumpong. Hindi namamansin. Kaya lagi silang nagkakainitan noon kasi pinapatulan niya. Pero nang lumaon, hinahayaan na lang niya. Ito rin naman ang unang nakikipagbati kapag humupa na ang sumpong. Puwede rin namang busy si Armina. K

    Last Updated : 2021-11-17
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Seven

    ALAS ONSE na ng gabi ngunit gising pa rin si Armina. Makakatulog ka ba naman kung may isa kang kasama sa bahay na nawawala? Siyempre, hindi. Natitiyak ni Armina na sumama si Samantha kay Denise sa probinsiya ng huli. Sa kabila ng labis niyang pagtutol, sumige pa rin ang kapatid niya. Naisip niya, ganoon na ba ngayon ang mga kabataan? Hindi mo na mapasunod. Hindi na rin marunong makinig. Magsisisi na ba siya na dinala niya sa poder niya ang bunsong kapatid? Kung nasa Bicol kaya ito, mabubuntis kaya ito roon? Mali yata na pinapunta pa niya sa Maynila si Samantha. Napahamak tuloy. Bumangon si Armina mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng silid. Nagbukas siya ng telebisyon. Makatulong kaya ang panonood ng telebisyon para antukin siya? Ganitong me isa pa siyang iniisip - ang pagkawala ng cellphone niya- malamang hanggang umaga na

    Last Updated : 2021-12-06
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Eight

    MIGS couldn't resist hugging Armina the moment she opened the door for him. Immediately, he embraced her. It was evident that she was surprised and unable to move. But he didn't let go. He missed doing this, and it felt good. "What's that for?" Armina asked as she pulled away. He shrugged. Paano ba niya sasagutin iyon? Should he tell her that he missed her? Na totoo naman. While he was in Bicol, he had been thinking a lot of her, which was unfair to Lily. He knew he was doing something wrong. Nagkakasala na siya. "I haven't had lunch yet," he said and headed inside. "Gutom na gutom na ako. Puwede mo ba akong pakainin?" Armina nodded, looking a bit confused. She went straight to the kitchen. Migs placed his knapsack bag on the couch at sinundan sa kusina si Armina. "Do you want me to help you there?" he offered. Armina had her back to him as she busied herself at the sink. Pagpihit nito paharap sa kanya, tila nagulat ito. Migs no

    Last Updated : 2023-09-14
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter One

    HUMAHAGULGOL na yumakap kay Armina ang kapatid na si Samantha pagpasok niya sa loob ng bahay. It was already nine PM, kauuwi lang niya mula sa maghapong pagtatrabaho sa isang accounting firm. Nag-demand ng overtime ang kanilang boss kaya ginabi siya ng uwi. She knew there was something wrong with Sam. Noong isang araw pa niya napapansin ang unusual behavior nito. Matamlay ito at laging nakatingin sa malayo. Obvious na may bumabalisa rito. Tinanong na niya ito, actually, ng tungkol doon kahapon. Okay lang daw ito. Kahit alam niyang hindi totoo iyon, hindi na siya nag-insist na alamin ang totoo. Kilala niya si Samantha. Hindi magtatagal, kapag hindi na nito kayang dalhin ang problema, hihingi rin ito ng tulong sa kanya. At sa nakikita niya sa ngayon, malamang sasabihin na nito sa kanya ang bumabalisa rito. "It’s confirmed, Ate,”

    Last Updated : 2021-08-04
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Two

    THERE were a lot of things Migs knew he should say to Armina. First, ang sumbatan ito sa ginawa nito four years ago sa kanya. Pero nang makita niya ito, naglaho ang lahat ng hinanakit niya sa dalaga. Hindi siya nagkamali nang sabihin niya rito na naka-moved on na siya, na napatawad na nga niya ito. Dahil totoong hindi na siya galit sa dating nobya na naging sanhi ng kanyang kasawian noon. Gusto niyang maging kaibigan uli ito. Naisip ni Migs, ano kaya ang nangyari kay Armina sa loob ng apat na taong hindi nila pagkikita? Nu’ng time na sila pa nito, teller ito sa isang bangko. Beinte-dos pa lang ang edad nito. Pareho pa sila noon nakatira sa Bicol. Nakilala ni Migs si Armina sa isang binyagan. Nag-anak siya sa binyag ng kaklase niya noong high school n

    Last Updated : 2021-08-04
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Three

    LAKING gulat ni Armina nang mabungaran si Migs sa parking lot ng kanilang opisina. Patungo siya sa kanyang second-hand KIA. It was past six in the evening. “I need to talk to you, Armi,” sabi nito. “I’d like to show you something.” “Okay. Ano ba ‘yon?” “Maybe we can talk somewhere else,” suhestiyon nito. “It’s about Ralph.” Pumayag si Armina at patungo na sana sa kanyang sasakyan nang pigilan ni Migs. “Wait!” anito. “May nakita akong fastfood malapit

    Last Updated : 2021-08-06

Latest chapter

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Four

    PAGKATAPOS magkape ay naupo si Migs sa harap ng laptop computer on his desk at nag-log on sa Internet. He Googled news stories about missing persons in Metro Manila. He found several. At isa sa mga iyon ang umagaw ng pansin niya sapagkat ang nawawala ay isang modelo. Leilani Sandico ang pangalan. Mula sa isang local newspaper ang news brief. Wala iyong byline. Nireport lang na ang babaeng modelo ay nawala few months ago. Huling nakita daw ito sa isang party. Nireport na raw sa mga pulis. At nag-iimbestiga na. He looked for the follow-up story. Kaya lang, wala siyang mahanap. She Googled “Leilani San

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Three

    LAKING gulat ni Armina nang mabungaran si Migs sa parking lot ng kanilang opisina. Patungo siya sa kanyang second-hand KIA. It was past six in the evening. “I need to talk to you, Armi,” sabi nito. “I’d like to show you something.” “Okay. Ano ba ‘yon?” “Maybe we can talk somewhere else,” suhestiyon nito. “It’s about Ralph.” Pumayag si Armina at patungo na sana sa kanyang sasakyan nang pigilan ni Migs. “Wait!” anito. “May nakita akong fastfood malapit

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Two

    THERE were a lot of things Migs knew he should say to Armina. First, ang sumbatan ito sa ginawa nito four years ago sa kanya. Pero nang makita niya ito, naglaho ang lahat ng hinanakit niya sa dalaga. Hindi siya nagkamali nang sabihin niya rito na naka-moved on na siya, na napatawad na nga niya ito. Dahil totoong hindi na siya galit sa dating nobya na naging sanhi ng kanyang kasawian noon. Gusto niyang maging kaibigan uli ito. Naisip ni Migs, ano kaya ang nangyari kay Armina sa loob ng apat na taong hindi nila pagkikita? Nu’ng time na sila pa nito, teller ito sa isang bangko. Beinte-dos pa lang ang edad nito. Pareho pa sila noon nakatira sa Bicol. Nakilala ni Migs si Armina sa isang binyagan. Nag-anak siya sa binyag ng kaklase niya noong high school n

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter One

    HUMAHAGULGOL na yumakap kay Armina ang kapatid na si Samantha pagpasok niya sa loob ng bahay. It was already nine PM, kauuwi lang niya mula sa maghapong pagtatrabaho sa isang accounting firm. Nag-demand ng overtime ang kanilang boss kaya ginabi siya ng uwi. She knew there was something wrong with Sam. Noong isang araw pa niya napapansin ang unusual behavior nito. Matamlay ito at laging nakatingin sa malayo. Obvious na may bumabalisa rito. Tinanong na niya ito, actually, ng tungkol doon kahapon. Okay lang daw ito. Kahit alam niyang hindi totoo iyon, hindi na siya nag-insist na alamin ang totoo. Kilala niya si Samantha. Hindi magtatagal, kapag hindi na nito kayang dalhin ang problema, hihingi rin ito ng tulong sa kanya. At sa nakikita niya sa ngayon, malamang sasabihin na nito sa kanya ang bumabalisa rito. "It’s confirmed, Ate,”

DMCA.com Protection Status