Share

Whatever is Meant to Be, Will Be
Whatever is Meant to Be, Will Be
Author: Ammy Ribay

Chapter One

Author: Ammy Ribay
last update Last Updated: 2021-08-04 11:50:56

HUMAHAGULGOL na yumakap kay Armina ang kapatid na si Samantha pagpasok niya sa loob ng bahay.   It was already nine PM, kauuwi lang niya mula sa maghapong pagtatrabaho sa isang accounting firm.  Nag-demand ng overtime ang kanilang boss kaya ginabi siya ng uwi.  She knew there was something wrong with Sam.  Noong isang araw pa niya napapansin ang unusual behavior nito.  Matamlay ito at laging nakatingin sa malayo.  Obvious na may bumabalisa rito.  Tinanong na niya ito, actually, ng tungkol doon kahapon.  Okay lang daw ito.  Kahit alam niyang hindi totoo iyon, hindi na siya nag-insist na alamin  ang totoo.  Kilala niya si Samantha.  Hindi magtatagal, kapag hindi na nito kayang dalhin ang problema, hihingi rin ito ng tulong sa kanya.   At sa nakikita niya sa ngayon, malamang sasabihin na nito sa kanya ang bumabalisa rito. 

             "It’s confirmed, Ate,”sabi nito.  "I’m pregnant.”      

            Napanganga si Armina. Gilalas.  Tama ba itong narinig niya? Kumalas siya sa kapatid. “A-anong sabi mo?”              

            “Oo, Ate, buntis ako" sabi uli ni Samantha.  "Akala ko delayed lang ako.” 

            “Buntis ka?”

            “Paulit-ulit, Ate? Paulit-ulit. Ano ba’ng sabi ko sa ‘yo?” Nagpabalang na naman ng sagot ang kapatid kagaya nang dati.

             “Ano rin ba’ng sabi ko sa ‘yo?” Tumaas na ang boses ni Armina. “Di ba sabi ko sa ‘yo, huwag munang mag-boyfriend? Umo-o ka.  Nangako ka. Pero ano ‘tong sinasabi mo? Buntis ka kamo? Malinaw na hindi  mo tinupad ang pangako mo, Samantha.”

            “Eh, wala naman talaga akong boyfriend, Ate,” wika nito.

            “Niloloko mo ba ‘ko, Samantha?”

            “Totoong sinasabi ko, Ate.  Wala akong boyfriend.”

            “Kung ganoon, paano ka nabuntis?”

            Hindi ito sumagot.

            “Lintek na ‘to!” asik niya sa kapatid.  “Paano ka sabi nabuntis?”  Pinandilatan niya ito ng mga mata.

            Tinampal niya ito sa pisngi nang hindi pa rin ito sumagot.

            “M-may nakilala ako sa birthday party ng kaibigan ng kaibigan ni Denise,” sagot nito.  "At siya ang ama nito, Ate."

            “W-what?  Nagpagalaw ka sa bago mong kakilala?” Armina couldn’t believe it.   Nagkamali ba ng pagpapalaki ang mga magulang nila kay Samantha?

            “Nalasing ako, Ate.  Tapos, nagising na lang ako na nasa ibabaw ng kama, nakahubad.”

            “My God, Samantha!” bulalas ni Armina.  Gigil na gigil na siya sa kapatid.   Totoo ba itong mga naririnig niya mula sa bunsong kapatid?  “Di ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na huwag na huwag kang titikim ng alak?  Bakit mo sinuway?”

            “Eh, pinainom ako ni Ralph.”

            “Sinong Ralph?”

            “’Yong tatay nitong magiging baby ko, Ate.”

            “I just can’t believe this is happening now.”  Nag-aaburidong napaupo si Armina sa isang armchair na malapit sa kanya. “Pabaya ba akong kapatid sa ‘yo, Samantha? Pinangangaralan naman kita, di ba? Pinalaki ka naman ng matino ng mga magulang natin, di ba?  Bakit nabuntis ka sa edad mong iyan?  Wala ka pa ngang disiotso.”

            “Huminahon ka, Ate” ani Samantha.  “Baka kung mapano ka.”

            “Hinahon?  Paano ako hihinahon?  Bakit ako hihinahon?   Sabi mo buntis ka!”

            “What are we going to do now, Ate?”

            Tinapunan ni Armina nang matalim na tingin ang kapatid.  “Sa palagay mo, ano?”

            Umiling ito.  “I don’t know.  But one thing  na gagawin ko for sure.  I want to keep this baby, Ate.”

            Armina sighed. “Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa ‘yo, Samantha.   Paano ang pag-aaral mo?  Grade 12 ka pa lang. Paano ka  makakapagtapos niyan? Sayang.  Marami pa sanang magagandang bagay ang maaaring mangyari sa ‘yo.  Alam mo ba kung ano ang pinoproblema ko pa sa ngayon?  Ang nanay at tatay.  Paano natin sasabihin sa kanila ‘yang kondisyon mo?”  May sakit sa puso ang kanilang ama.  Maaring ikapahamak nito kung malalaman ang kondisyong ng bunsong anak.  Ang kanilang ina naman ay aktibo sa kanilang parokya.  Masyadong relihiyosa.   Mahalaga rito ang sasabihin ng mga tao.  Kaya itong pagbubuntis na ito ni Samantha, tiyak na hindi kayang tanggapin ng kanilang ina.  At tiyak rin na siya ang sisisihin ng mga magulang dahil imbes na nananahimik na nag-aaral sa probinsiya si Samantha,  kinuha niya at dinala sa Maynila para pag-aralin.   Natural, pananagutan niya ito.          

            “Papanagutin natin si Ralph, Ate,” wika ni Samantha.

            “Aba, dapat lang!”

            “Kaya lang, hindi ko alam kung paano siya kokontakin.  Ni hindi ko nga alam kung anong apelyido niya.  Hindi ko naitanong.”

            Uminit lalo ang ulo ni Armina.   “Shunga-shunga! Saan ka ba ipinaglihi, ha?  Sa puno ng mga tanga?”

            “Please naman,  huwag ka nang magalit, Ate. Ire-research ko na lang.”

            "I have all the reason to be mad at you, Samantha,” wika ni Armina.  “On the other hand, wala na tayong magagawa kundi ang harapin na lang ang sitwasyon mo.”

            “Kaya lang, sina Mama at Papa ang inaalala ko, Ate.”

            “Kung mapapanagutan ka ng Ralph na ‘yan, siguro naman, tatanggapin na lang nila ang naging kapalaran mo.”

            “Tulungan mo akong hanapin siya, Ate.”

            “Maaatim ko ba naman na pabayaan kita?  Siyempre, hindi.  Magtulungan tayo.  Hanapin natin ang lalaking responsable sa ipinagbubuntis mo.”

ISANG paraan lamang ang naisip ni Armina para mahanap ‘yong Ralph na nakabuntis sa kapatid niyang si Samantha.  Ang humingi ng tulong sa isang private investigator. 

            Bukod sa wala siyang kakayahang maghanap ng taong pangalan lamang ang alam, wala rin siyang oras.  Isang taong ekperto sa ganoong trabaho ang kailangan nila. 

            Katrabaho ni Armina ang nagrekomenda ng isang detective agency. De Chavez Detective Agency ang pangalan. At iyon ngayon ang pupuntahan niya.  Nasa dako iyon ng Quezon City. 

            “Finally,” wika ni Armina.  Nakarating din siya sa sadya niya matapos niyang makipagbuno sa matinding traffic.  She maneuvered her second-hand KIA into the parking lot and switched off the engine.

            The front door to the office – building complex was open, a coffee shop on the first floor was full, okupado halos lahat ng mesa.  She rushed for the elevator and punched the button for the second floor where the De Chavez Detective Agency office was located. Paglabas niya mula roon,  ang pintuan mismo ng detective Agency ang tumambad sa kanya.  The word DE CHAVEZ DETECTIVE AGENCY were written in big bold letters at the top of the door which was made of heavy glass.   Pagpasok niya sa loob, a full blast of air conditioning ang sumalubong sa kanya.  There was a blue couch, a square side table made of glass.  There was no vase on top of the side table,  newspapers and magazines were on it instead.  Her footsteps made no sound as she made her way toward the reception area na wala namang tao sa desk niyon.

            Pero isang lalaking nakatalikod sa kanya ang umagaw ng pansin niya. The guy was  six-feet tall.  Malapad ang balikat.   Kupas na pantalong maong at stripe polo shirt ang suot nito.  His stance looked familiar to her.  And there was something about stripe polo shirt that intrigued her. 

            “Excuse me,” tawag niya sa atensiyon ng lalaki.

            The man spun around so sharply at the sound of the unexpected voice behind him.

            And Armina froze.  Sinasabi na nga ba niya.  Nang mga sandaling iyon --- Sabado,  alas otso ng umaga, buwan ng Hunyo—hindi siya maaaring magkamali. 

            “M-Migs!”  Parang bumara sa lalamunan niya ang pangalan.  It was indeed Migs, her ex-fiance.Bukod sa nag-matured nang konti at humaba ang buhok nito ay wala namang gaanong nagbago rito.  Still, ubod pa ring guwapo ng herodes.

            “A-Armina?” said the man.  Tila nagulat din itong makita siya roon.  But there was that familiar twinkle in his eyes that showed when he was pleased.  Maybe, Migs was glad to see her.   “W-what are you doing here?”

            “I-I’m looking for a PI at dito ako itinuro ng officemate ko.”  She didn’t recognize her own voice.  It sounded so awful and faraway.

            “Ganoon ba?  Well, you’re in the right place.”

            “How about you, what are you doing here also?”

            “My uncle owns this detective agency and I work for him.”

            “Really?  Hindi ka na nagpupulis?”  Noong sila pa nito, pulis ito. 

            “Wala, eh.  I had to leave the service after what happened to us.   Alam mo na, nasaktan at napahiya.”

            “I’m sorry,” she said.  “I know, overdue na ito pero gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo.”

            “It’s been three years …”

            “Four actually,” sabi ni Armina.

            “And I’ve moved on already,” anito.  “Napatawad na rin kita.”

            Napatingin si Armina sa mga kamay nito. May nakita siyang singsing na nakasuot sa isa sa mga daliri nito,  an engagement ring.  So, engaged na si Migs.

            Tila may kumurot sa puso ni Armina.

            “Salamat naman kung ganoon.”

            “Still single?” tanong nito.

            Tumango lang siya.

            “Talo kita. Malapit na akong ikasal.” Ipinakita nito sa kanya ang suot na engagement ring.    “Pagbalik ni Lily, my fiancée, mula Dubai, magpapakasal na kami.”

            Hindi alam ni Armina kung bakit pero parang may kumirot sa puso niya. Ngunit ngumiti pa rin siya.  “Good for you, Migs.

            “Maupo nga pala tayo.”  Inaya siya nito doon sa blue couch.

            “So, bakit kailangan mo ng PI?” tanong ni Migs matapos silang maupo.

            “May gusto sana akong ipahanap,” tugon niya. 

            Kumuha ng notebook at ballpen si Migs from his desk drawer. 

            “I need you to find a man,” aniya.

            Tila natigilan ito pero nakabawi rin naman kaagad.

            “What’s his name?”

            “Ralph.”

            “Apelyido?”

            “Hindi ko alam.”

            “Address?”

            “Hindi ko rin alam.”

            He looked up.  “Ano’ng alam mo tungkol sa Ralph na ‘yan?”

            “Hmm….”  binalikan niya sa isip ang description ni Samantha sa “Ralph” na hinahanap nila.  “He’s several taller than me,  siguro, mga five-nine.  Moreno, medyo kulot ang buhok.    He’s probably in his thirties o late twenties.”

            Nagsulat sa notebook si Migs bago nagpatuloy.

            “Why do you want me to find Ralph for you?”

            “Dahil may pananagutan siya sa kapatid kong si Samantha.”

            Migs seemed relieved for a moment.  Ngunit nangunot ang noo nang mapatingin sa kanya.

            “May pananagutan kay Sam?  Why?  Anong ginawa niya sa kapatid mo?”

            “Binuntis niya si Sam, Migs.  Ang he’s nowhere to find.”

            “I don’t understand,” usal ni Migs.  Lalong nangunot ang noo nito.  “Tell me everything.”

            Idinetalye ni Armina kay Migs ang lahat na nalalaman niya tungkol sa “Ralph” na iyon.

            “You want me to find Ralph para ipaako rito ang dinadala ng kapatid mo?” ani Migs matapos marinig ang kuwento ni Armina. 

            “That’s right,” tugon niya.

            “Hindi mo ba naisip na hindi n’yo naman lubos na kilala ang lalaking ‘yon and yet you want him to marry Sam?”

            Napaisip doon si Armina.  Come to think of it.  Hindi sumagi sa isip niya iyon at may punto doon si Migs. 

            “Maybe, you could file a case against him,” suhestiyon ni Migs.  “I guess, Sam is only seventeen, a minor.”

            “Yeah, Sam is a minor and you have a point there, Migs.  I’ll consider it.  Pero hanapin mo muna siya,” wika niya.  “Saka na lang natin pag-usapan kung anong dapat gawin sa kanya.  Ang gusto ko lang muna ay ang mahanap siya, makilala kung anong klaseng tao siya  at malaman niyang nabuntis niya ang kapatid ko.”

            “Okay.”

            “And before I go, Migs, I want to thank you for forgiving me. Matatahimik na rin ang conscience ko.”

            Hinawakan ni Migs ang isang kamay ni Armina, pinisil iyon.  Strange,  may kakaibang naramdaman siya roon.

            “It’s good to see you again, Armi.” anito.

            “Me, too, Migs,” wika niya.  “Natutuwa rin akong makita ka.”

Related chapters

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Two

    THERE were a lot of things Migs knew he should say to Armina. First, ang sumbatan ito sa ginawa nito four years ago sa kanya. Pero nang makita niya ito, naglaho ang lahat ng hinanakit niya sa dalaga. Hindi siya nagkamali nang sabihin niya rito na naka-moved on na siya, na napatawad na nga niya ito. Dahil totoong hindi na siya galit sa dating nobya na naging sanhi ng kanyang kasawian noon. Gusto niyang maging kaibigan uli ito. Naisip ni Migs, ano kaya ang nangyari kay Armina sa loob ng apat na taong hindi nila pagkikita? Nu’ng time na sila pa nito, teller ito sa isang bangko. Beinte-dos pa lang ang edad nito. Pareho pa sila noon nakatira sa Bicol. Nakilala ni Migs si Armina sa isang binyagan. Nag-anak siya sa binyag ng kaklase niya noong high school n

    Last Updated : 2021-08-04
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Three

    LAKING gulat ni Armina nang mabungaran si Migs sa parking lot ng kanilang opisina. Patungo siya sa kanyang second-hand KIA. It was past six in the evening. “I need to talk to you, Armi,” sabi nito. “I’d like to show you something.” “Okay. Ano ba ‘yon?” “Maybe we can talk somewhere else,” suhestiyon nito. “It’s about Ralph.” Pumayag si Armina at patungo na sana sa kanyang sasakyan nang pigilan ni Migs. “Wait!” anito. “May nakita akong fastfood malapit

    Last Updated : 2021-08-06
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Four

    PAGKATAPOS magkape ay naupo si Migs sa harap ng laptop computer on his desk at nag-log on sa Internet. He Googled news stories about missing persons in Metro Manila. He found several. At isa sa mga iyon ang umagaw ng pansin niya sapagkat ang nawawala ay isang modelo. Leilani Sandico ang pangalan. Mula sa isang local newspaper ang news brief. Wala iyong byline. Nireport lang na ang babaeng modelo ay nawala few months ago. Huling nakita daw ito sa isang party. Nireport na raw sa mga pulis. At nag-iimbestiga na. He looked for the follow-up story. Kaya lang, wala siyang mahanap. She Googled “Leilani San

    Last Updated : 2021-10-14
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Five

    May manliligaw ‘kamo ako na Engineer Paul Paredes?” ani Armina kay Samantha nang maalalaang tungkol doon kinaumagahan habang sila ay nag-aalmusal. Pauwi na siya kagabi nangmag-text ito at sabihing pinag-ti-trip-an daw nito si Migs. Nag-imbento daw ito ng kuwento salalaki. Sinabihan daw nito ang kanyang ex-love na may manliligaw siyang isang engineer naang pangalan ay Paul Paredes. Huwag na muna raw siyang magtanong, sumakay na lang. Kaya hayun, ganoon na rin ang ginawa niya. At hindi niya akalaing masarap palang pag-trip-an ang loko. “At bakit ka naman nag-imbento ng ganoon, my dear sister?” “Wala lang,” anito. “Gusto ko lang hulihin kung may pagtingin pa rin siya sa‘yo.”Kumuha ito ng pa

    Last Updated : 2021-10-18
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Six

    DINAMPOT ni Migs ang cell phone sa mesa. Iniisip kung tatawag ba uli kay Armina. Nakailang attempt na ba siyang kausapin ito sa cell phone? Pito siguro o higit pa. Pero panay lang ring ang naririnig niya mula sa telepono nito. Pakiramdam niya tuloy, sinasadya ng dalaga na huwag pansinin ang mga tawag niya. Hindi naman masasabi na out of coverage ito dahil nagri-ring naman. Baka naman me sumpong. Ganyan na ganyan si Armina kapag may sumpong. Hindi namamansin. Kaya lagi silang nagkakainitan noon kasi pinapatulan niya. Pero nang lumaon, hinahayaan na lang niya. Ito rin naman ang unang nakikipagbati kapag humupa na ang sumpong. Puwede rin namang busy si Armina. K

    Last Updated : 2021-11-17
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Seven

    ALAS ONSE na ng gabi ngunit gising pa rin si Armina. Makakatulog ka ba naman kung may isa kang kasama sa bahay na nawawala? Siyempre, hindi. Natitiyak ni Armina na sumama si Samantha kay Denise sa probinsiya ng huli. Sa kabila ng labis niyang pagtutol, sumige pa rin ang kapatid niya. Naisip niya, ganoon na ba ngayon ang mga kabataan? Hindi mo na mapasunod. Hindi na rin marunong makinig. Magsisisi na ba siya na dinala niya sa poder niya ang bunsong kapatid? Kung nasa Bicol kaya ito, mabubuntis kaya ito roon? Mali yata na pinapunta pa niya sa Maynila si Samantha. Napahamak tuloy. Bumangon si Armina mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng silid. Nagbukas siya ng telebisyon. Makatulong kaya ang panonood ng telebisyon para antukin siya? Ganitong me isa pa siyang iniisip - ang pagkawala ng cellphone niya- malamang hanggang umaga na

    Last Updated : 2021-12-06
  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter Eight

    MIGS couldn't resist hugging Armina the moment she opened the door for him. Immediately, he embraced her. It was evident that she was surprised and unable to move. But he didn't let go. He missed doing this, and it felt good. "What's that for?" Armina asked as she pulled away. He shrugged. Paano ba niya sasagutin iyon? Should he tell her that he missed her? Na totoo naman. While he was in Bicol, he had been thinking a lot of her, which was unfair to Lily. He knew he was doing something wrong. Nagkakasala na siya. "I haven't had lunch yet," he said and headed inside. "Gutom na gutom na ako. Puwede mo ba akong pakainin?" Armina nodded, looking a bit confused. She went straight to the kitchen. Migs placed his knapsack bag on the couch at sinundan sa kusina si Armina. "Do you want me to help you there?" he offered. Armina had her back to him as she busied herself at the sink. Pagpihit nito paharap sa kanya, tila nagulat ito. Migs no

    Last Updated : 2023-09-14

Latest chapter

  • Whatever is Meant to Be, Will Be   Chapter One

    HUMAHAGULGOL na yumakap kay Armina ang kapatid na si Samantha pagpasok niya sa loob ng bahay. It was already nine PM, kauuwi lang niya mula sa maghapong pagtatrabaho sa isang accounting firm. Nag-demand ng overtime ang kanilang boss kaya ginabi siya ng uwi. She knew there was something wrong with Sam. Noong isang araw pa niya napapansin ang unusual behavior nito. Matamlay ito at laging nakatingin sa malayo. Obvious na may bumabalisa rito. Tinanong na niya ito, actually, ng tungkol doon kahapon. Okay lang daw ito. Kahit alam niyang hindi totoo iyon, hindi na siya nag-insist na alamin ang totoo. Kilala niya si Samantha. Hindi magtatagal, kapag hindi na nito kayang dalhin ang problema, hihingi rin ito ng tulong sa kanya. At sa nakikita niya sa ngayon, malamang sasabihin na nito sa kanya ang bumabalisa rito. "It’s confirmed, Ate,”

DMCA.com Protection Status