Lagi na lang pera ang problema ko. Kaya itong klaseng buhay na ito talaga ang nakapag-palinaw sa akin kung saan na lang nanggagaling ang mga magulang ko. Life without money is really hard. It is horrible.
“Na saan na ang pambayad mo?! Mahiya ka naman sa mga ka-dorm mo na nagwo-working student pa pero nakakapagbayad naman ng tama at nasa oras! May sustento ka naman hindi ba? Ano‘t hindi ka nag-babayad?”
I couldn‘t fathom the embarrassment that I am feeling right now. It wasn‘t the first time, but I don't really know how to get used to this.
“I am sorry po talaga. Medyo... na-delay po kasi ang padala ng parents ko.” Nangingilid na ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko. The people around us seem to like the show and I don‘t want to put more excitement in their faces.
Bumuntong hininga si Aling Marta. “Iyan ang hirap sa mga bratinella ngayon e. Palaasa sa magulang! Laging sa bulsa nila nakahawak. Tsk. Paano ka magta-trabaho niyan pag-graduate mo?”
Yumuko na lamang ako dahil ayaw ko nang sagutin pa siya. Hindi naman niya ako kailangan kuwestiyunin at ang kakayahan ko para sa trabaho. Kaya ko naman. I survived for a year without my parents, I do commissions and become a tutor to some students. Nabayaran ko naman ang ilang buwang upa sa pag-stay sa dorm na ito, nakabiling pagkain at projects.
Talagang mahirap lang ngayon dahil mas lumalawak na ang platform ng maraming artist sa social media at kapag hindi ka sikat ay madalas wala nang makaka-appreciate sa mga gawa mo at mawawala na rin ang interes nila para bumili sa ‘yo.
“Kung sana hindi lang upa mo ang kulang-kulang eh papayag talaga akong mag-stay ka! Eh kaya lang pati ang bayad mo sa ilaw ngayon pass din? Ang baba na nga lang ng singil ko!” Inayos niya ang nalaglag na buhok saka ako tinignan ulit ng nakataas ang kilay.
Pinasadahan niya ako ulit ng tingin mula paa paakyat bago umirap. “Oh siya! Basta kapag hindi mo pa nabayaran ang tatlong buwang upa... lalayas ka na.” Maanghang ang tono at matalim ang mga mata niya.
Tumango ako. Graduating na ako sa susunod na sem kaya naman mas nadadagdagan ang mga kailangan ko, nasira pa ang laptop ko noong nakaraan kaya kinailangan kong ipaayos. Wala pa akong natatanggap na commissions at wala pa rin akong natatanggap na tawag sa mga magulang ng batang tuturuan ko.
This is already stressing me out for days. Sobra na akong nape-pressure at ngayon mas nadagdagan lang ito. I don't know what to do anymore.
I do not want to believe my father— this is... it's just a phase. It doesn‘t really mean anything. I can‘t let this thought overcome me.
“Ayos ka lang, Dion?”
I smiled at Porah, kakadating niya lang at kung kanina pa siya dumating ay malamang napagalitan din siya. Ang narinig ko kasi ay may kulang din ang bayad niya, masungit at strikto talaga si Aling Marta tungkol doon.
Sumandal siya sa pinto ng kwarto nila na katabi lang ng akin at saka ako binalingan muli. Mukhang malalim ang iniisip niya.
“Hindi ba graduating ka na rin ngayong sem?” tanong niya sa akin bigla.
“Oo...” Hindi talaga ako komportable sa kanya dahil na rin sa paraan ng pagtingin niya madalas, para kasing nanunuri, pero kahit na ganoon ay siya naman ang madalas kong nakakausap dito.
“Naisip mo na bang... mag-stop pansamantala?”
I look away. Oo nga‘t wala akong pera ngayon. Sobrang tipid ko rin pagdating sa mga kailangan minsan na talagang naawa ako sa sarili ko, pero mas malakas pa rin ang loob ko para tapusin ang taon na ito. May mapapatunayan na ako kahit papaano.
Umiling na lamang ako bilang tugon. She sneered. “Seryoso? Eh hindi na nga rin maayos ang kain mo nitong mga nakaraan e. May magulang ka pa ba talaga?”
A bitter taste linger in my mouth as I brush it in my lower lip. “Meron.”
“Pero hindi ka sinusuportahan?”
Napatingin ako sa kanya dahil doon pero mas piniling manahimik na lang. Hindi nga. Lahat ng pera ko ngayon ay dahil sa pag-tatrabaho ko. I tried to be an illustrator in some company before to help myself and register as a scholar in a public university. Kaya ang akala rin ni Aling Marta ay mga magulang ko ang sumusuporta sa akin dahil dito lang din naman ako sa dorm nagta-trabaho, ipapadala ko na lang ang illustrations kapag natapos.
“Alam ko naman na pangarap ‘yan... kaya mo nga pinag-aaralan... pero alam mo... iyang pagiging artist-artist na ‘yan. Pahirapan talaga ang kita riyan. Ganyan ang tatay ko eh, puro pangarap... eh ayun plumakda, eh ‘di naging tambay! Kaya kung gusto mo talagang ipagpatuloy ‘yan— Wala naman akong pake... pero siyempre ‘di mo matutuloy iyan kung wala kang makakain ‘di ba?” Ngumiti siya sa akin at bahagyanh tumaas ang kilay.
Kumunot ang noo ko. “So you're implying to say is that.?”
Ngumisi siya. “May trabaho akong iaalok sa 'yo..”
Pormal lang ang suot na damit ni Porah. Isang simpleng t-shirt at above the knee skirt. Mayroon ding kolorete sa mukha. Kilala sa pagiging raketera si Porah pero may naririnig ako sa ilan naming mga ka-dorm na ang ilan daw rito ay hindi magaganda. But looking at her now, I know that she just got here from work, she actually looks okay and have a nice decent job.
“I'm not interested.” Ayaw ko kasing magpakasiguro. At saka hindi rin kasi talaga ako gano‘n ka-confident na baka kaya ko.
Umirap siya at napailing. “Ito naman! Bibigyan kitang time na mag-isip pero ikaw rin. Baka mahirapan ka sa mga projects this sem... ganyan pa naman din ang kurso mo, kailangan ng mga pintura at kung anu-ano.” Nagkibit balikat siya.
Trabaho?
Hindi ko talaga alam kung kaya ko pero tama si Porah na wala na nga akong pera. Tinignan ko ang laman ng credit card ko at nakitang ubos na iyon. Wala na akong budget.
Bumuntong hininga ako at napasapo sa noo. Mukhang hindi rin ako makakakain ngayon dahil twenty pesos na lang ang laman ng wallet ko. I check my emails and inbox in different social media accounts, but there was nothing to do. Freelancer lang naman kasi ako sa publishing company na iyon kung saan mag-i-illustrate ako ng book covers, pero matapos ang tatlong libro ay wala na akong tawag na natanggap.
It is maybe because of my art style, but whatever it is, I think my works are pure.
I sighed. I posted a portrait on my i*******m and prepared a price to sell it. Nag-hintay ako ng mga komento at patagal nang patagal ay isinara ko na lang ang laptop ko. The comments are a sore to my eyes. Walang appreciation at puro lamang batikos kung bakit ang mahal ng gawa ko.
I sigh and think again. I can‘t let my emotions overwhelm me. I need to think.
If this thing keeps up for a week ay hindi ko na alam kung saan kukuha ng pera para sa mga materyales na gagamitin sa artworks at sa mga pangkain ko.
Maybe I need to have a different job aside from this.
“Porah,” I called the fair skinned lady. “Tungkol saan ba iyong trabaho?”
Ngumiti siya sa akin at masayang tumayo. “Sabi ko na nga ba at magbabago pa ang isip mo eh!”
Kakaiba nga para sa iba ang trabaho na pinapasok ni Porah. Lagi kasi siyang laman ng usapan madalas sa sala at napagiinitan dahil para raw siyang requiter ng isang nightclub. Hindi ako sigurado, baka waitress?
Madilim at ang ilaw sa loob ay papatay-patay, iba-iba. Madami at magulo ang mga tao. Hindi rin kaaaya-aya ang amoy mula sa kinatatayuan ko. Puro usok mula sa sigarilyo at tabako. Maingay, naglalaban ang tunog mula sa malalaking speakers at sigaw mula sa mga tao. Sa nightclub nga siya nagta-trabaho.
“Ang kailangan mo lang gawin ay i-entertain ang mga lalaki rito at painumin sila nang painumin ng alak, ayos? Sa lalaki ka lang lumapit dahil maganda at sexy ka. Akitin mo sila pero huwag kang papahawak. Kapag binastos ka mag-tawag ka agad ng bouncer dahil hindi tayo pokpok dito, okay?”
Tumango ako sa mga sinabi niya. Naiintindihan ko na ang trabaho niya at kung paano ito tatakbo. Sinabi na niya ito sa akin habang papunta pa lamang kami.
She nodded. “Good, good. Ngayon ay magbihis ka na. Mas maiksi, mas madaming customer.”
Kinakabahan ako dahil hindi komportable sa ginagawa ko. Nakatitig ako sa susuotin ko at nag-alangan. This isn‘t really as bad as I thought it is. Mukha naman siyang.. malinis na trabaho. Parang sales agent lang. Kakailanganin ko lang silang alukin para mas dumami ang bibili sa produkto namin... pero mas daring.
I inhale and exhale a lot before entering my dress for today. It is a black rib-knit dress with a slit on each side that flaunts my thighs. This is a good dress, but I think I will be really uncomfortable once I go out. Most people here are men, and they are a crowd.
Pumikit ako at kinumbinsi ang sarili, “Nandito na ‘ko at saka kailangan ko ang pera, susubukan ko lang ngayong gabi.” Kapag siguro hindi ko talaga kaya... eh ‘di maghahanap na lang ng bago.
“Ganda mo,” bungad ni Porah.
Maganda rin siya. Laging mayroong make up na suot at pormado ang mga damit. Her hair is always in a bun when we‘re in the dorm, but right now it is dangling pass her shoulders.
Ngumiti lamang ako at hinayaan na siyang lagyan akong make up.
“Sasama ka sa akin para makita mo kung paano. Nakakakaba talaga sa umpisa dahil ‘di natin kilala ang mga makakahalubilo natin dito pero hangga‘t hindi ka nila hinahawakan ay ayos ka. Marunong ka naman sumuntok hindi ba?”
I purse my lips and imagine punching a guy. “I-I think so.”
Tumango siya at mukhang nakampante. “Kadalasang palainom dito ay ang matatanda. Basta iyong kapag may malaking tiyan at nasa bar counter nakatambay, ‘yan ay mayaman panigurado! Saka madali ring utuin kaya sila na lang ang lapitan mo sa ngayon.”
Tumango-tango ako. Kahit na kinakabahan ay parang nakikita ko na sa isip ko ang mga mangyayari. Nag-iisip na akong mga sasabihin at gagawin.
I can do this!
Lumabas na kami ni Porah sa loob ng dressing room at kinindatan pa niya ako bago lumapit sa isang middle-age na lalaki na nag-iisa roon sa sofa na malapit sa bar counter, madilim at hindi gano‘n kadami ang tao sa pwesto niya. Sumunod naman ako at hindi na lamang pinansin ang panginginig sa tuhod.
“Hello, Sir. What drinks would you like to have?”
Tumayo akong tuod sa tapat ng mesa. I think that move is kinda daring. Ang boses at paraan ng pagpitik nang bewang niya ay ginawa para mang-akit. She really sat beside him and look straight at his eyes. Ang mga kamay niya ay malapit sa kamay ng lalaki, gumagawa pa ng pag-ikot ang isang hintuturo sa mesa.
So, this is how it works. I thought I was like a waitress here.
Lumingon ang lalaki sa akin. Ang mata niya ay kung saan-saan dumadako. It's uncomfortable. “Ang kasama mo ba ang maghahatid?” tanong nito.
Tumaas ang kilay ni Porah kasabay ng pagtaas ng kaba ko. “Of course, Sir. Bakit naman hindi? So, ano nga po bang alak ang gusto niyo?”
“Iyong matapang.” Sa akin pa rin nakatingin ang lalaki kaya naman umiwas na ako ng tingin. “Saka masarap.”
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng dress ko at humingang malalim.
Ngumisi si Porah at tumingin ulit sa akin. “Well, bakit hindi ang diva vodka ang kuhanin mo, Sir? I think we have that in the top-shelf.”
“Basta ba suggestion mo e.” Ngumiti ito kay Porah.
It was like watching a movie of a seductress and it's prey. She is really charming and she uses it as an advantage for this kind of thing.
Nang pumayag ang lalaki ay kaagad na akong umalis doon at lumapit sa bartender.
I fidget with the every glance that I am getting. Nginitian ko ang babaeng barista at napakamot pa sa ulo. “Ah... hello, order daw iyong kasama ni Porah ng vodka.”
Parang gusto niyang tumawa sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Bago ka rito?”
Tumango ako. I think I am too damn for this kind of thing. I‘m not good at socializing, I am socially awkward and I would rather talk to my pencils than be here. Hindi ako handa sa mga ganito.
“Chill ka lang. Gusto mo rin bang uminom? Pampakalma? Wala namang gagalaw sa 'yo rito.”
Napalingon-lingon ako sa mga tao sa paligid ko. Mukhang maayos naman sila sa mga naiinom nila. I think this can help me feel alive just like everyone else in this room.
“Sure!” sagot ko.
Nginitian niya ako at may nilagay sa isang stainless na tumblr-looking na lalagyan. Hinalo niya iyon, pinaikot at binato upang mapamangha ang mga tao sa pailigid namin na nakatingin sa kanya.
“Here you go... at ito naman ang para sa customer n‘yo.”
Inisang lagok ko ang binigay niyang baso. Ang pait. Nanunuot ang tapang niyon sa lalamunan ko. Parang mapakla ito sa bibig ko na hindi ko maintindihan.
I smiled happily at her. “Thank you!” She just smiled back.
With all inhibitions throw out of the window, I walk towards them and give the liquor that Porah task me to get. Yumuko ako sa kanya nang senyasan niya ako.
Bumulong siya, “Lapitan mo ang lalaking iyon. Lasenggo pero gentleman ‘yan kahit na bata pa, saka mayaman din sa cashing.” Tinuro niya ang lalaki hindi kalayuan sa mesa na kanyang inuupuan, tatlong mesa lang ang layo niya mula sa amin.
Mukhang madalas siya rito dahil sa mga impormasyong sinabi ni Porah. He doesn‘t look okay. Parang stressed at broken hearted ang itsura. There are three beers in his table. He looks really lonely sitting there with a stoic face.
Porah pushed me with a go and got back to talking with the guy where she sat.
Umayos akong tayo at hinila ang laylayan ng bestida ko upang lapitan ang nasabing lalaki. Inaanalisa ko sa utak ang mga sasabihin at ang approach na gagawin. I can‘t beat what Porah did. I think I‘ll just end up casually asking him.
“Hello, Sir! Do you want to have another drink?” my voice is loud, I think I almost shouted with the way I delivered my question.
Sinalubong niya ang tingin ko. Madilim at parang puno ng bangungot ang kanyang mata. “Depends. Libre mo ba?”
I scratch the back of my head. Paano ‘to?
“No.. I.”
Sumiring siya. “You work here,” he said and looked at his wristwatch.
Umiling siya at tumayo na. Pinanood ko siyang inumin ang huling bote na hawak. He doesn‘t seem nice. Masungit.
Well, I am not really expecting anyone in this place to be approachable and kind but I kind of think that just like the guy Porah tabled– it would be the same with mine since she was the one who pointed this person out.
“Oh shit!”
Nabigla ako sa komusyon na nangyayari sa likod ko at nadamay pa ako nang mayroong makabangga sa akin. I am pushed!
Ang lalaki sa harapan ko ay nahulog kasabay ko at dahil doon ay natumba kami. Ang mga bote sa mesa niya ay nahila dahil sa pag-aaway na nangyari at nahulog! Napatakip akong ulo!
Natakot ako! I thought it was going to hit me!
Kalabit ang nakapagpamulat sa akin ulit at doon ay nakita ko ang lalaking nadaganan ko. He's bleeding! Nahulog malapit sa noo niya ang bote at natalsikan siya ng bubog!
Nanlaki ang mga mata ko. “M-may sugat ka!”
Ang masungit na ekspresyon ay nandoon pa rin kahit na nasaktan na siya sa nangyari.
“At ikaw rin. Tumayo ka na,” mababa ang boses niya.
Mabilis ko siyang sinunod at inalok din siya ng kamay upang tulungan siya sa pagtayo pero inignora niya iyon. Walang tingin-tingin sa akin siyang tumayo. Wala siyang emosyon, nag-pagpag siya ng damit. Even with his bleeding forehead he still manage to give arrogance. Ano bang klaseng lalaki ito?
“Mag-ingat ka sa susunod, lampa. Tsk.”
“Hindi ko naman kasalanan.”
Sarkastiko siyang ngumiti. “Gano‘n pala, kaya ba sa ‘kin ka bumagsak? Kung iisipin ay baka sinadya mo pa ‘yun.”
I bit my lip to fight my irritation. “I think we should... treat that.” I pointed to his head.
Umiling siya. “Kaya ko.”
Umiling ako. “S-sige na... parang... uh... kasalanan ko kasi.” Siya naman ang nag-sabi na kasalanan ko nga at dahil isa siyang customer ay sa tingin ko dapat ko siyang tulungan kahit pa iritado na ako sa kanya.
He looked at me and snorted. “Parang? Yes, it is your fault, pero hindi na.”
Pasikreto akong umirap. “Sige na po, Sir. Saglit lang naman po ‘yon. Kahit pahintuin lang natin ‘yung pag-dugo,” pagkumbinsi ko sa kanya.
“Hindi na nga.”
Nakagat ko ang labi. Hindi naman ako takot sa dugo pero masyado akong natataranta lalo na‘t ‘di niya pinapansin ang pag-tulo nito. “Sigurado ka, Sir?”
Iritado siyang suminghal at sinamaan pa akong tingin. “Ba‘t ang kulit mo?!” tumaas pa ang boses niya kaya napakunot ang noo ko.
I don‘t want to be rude at him, he is a customer. I inhale and tried to calm myself. Naiinis na rin ako sa kanya. Tinignan ko ang sugat niya na dumudugo pa rin, hindi naman gano‘n karami pero nakakatakot pa rin.
Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at inabot sa kanya. I am responsible for his bruise and even with his rude act I know that I still need to at least help him.
“Ito.” Inabot ko sa kanya ang isang panyo. “Kuhanin mo na po, Sir. Huwag mo nang hayaang mas dumugo pa ‘yan.”
Nakatitig lang siya sa akin. Masama pa rin iyon, nakakunot pa rin ang noo na akala mo ay sobrang sama ko. Baka epekto na ito ng alak?
Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay doon ang panyo saka ko dinala ang kamay niya papunta sa noo. He is still staring at me.
Inis akong ngumisi, peke. “Ang daling tanggapin ‘di ba, Sir? Arte.”
Kakapasok ko pa lang dito pero baka mapahamak na ako. Sana lang ay hindi mag-reklamo ang lalaki na ‘yon sa boss namin. Tumalikod na ako pero hinawakan pa niya ang kamay ko. Mahigpit iyon kaya naman mas kumunot pa ang noo ko nang lingunin siya. The crease in his forehead also deepens. His eyes is studying me.
I lifted a brow. “Bakit po? Gusto niyo na bang ipagamot ‘yan?”
Umiling siya at lumapit sa akin nang kaunti kaya napa-atras ako. He is almost an inch away on my face!
Tinulak ko siya. “Ano ba! Anong problema mo?!”
Biglang siyang umatras at mariing pumikit. Umiling siya. “Nothing... nothing... I just thought I heard...” Umiling ulit siya.
Inirapan ko na siya at saka nagmamadaling humalo sa mga tao. I don‘t know what he planned to do earlier, but that move tells me that I should build my guard and make it higher when I am at this place.
Hindi ganoon kadami ang napainom ko pero achievement na rin na mayroon. Ang environment na ipinakilala sa akin ni Porah ay kakaiba at talagang kailangan ng social skills at pagiging alluring. Malayo man sa comfort zone ko ay napanindigan ko siya kahit papano. Sa totoo lang ay medyo hindi ako sigurado para rito. Para kasing naguguluhan ako, mayroong kumakatok sa utak ko na hindi ito maganda para sa akin pero.. gusto ko kasi ang kinikita ko sa isang gabi lang. Walang kailangang talento rito. Ang nangyari nga lang kagabi ay ang medyo nagpabago sa isip ko. May bumangga sa akin kagabi, hindi ako sanay sa gano‘n at kung sakaling mangyari man ulit iyon at sa ibang tao na mangyari, paano kung hindi na ako no‘n palusutin? I might trouble myself in that job. “Ewan ko
I woke up feeling heavy. Ang ulo ko ay kumikirot. Paulit-ulit na pumipintig. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Ayaw ko pa ring bumangon.Ano ba ang nangyari kagabi?I looked around and noticed that everything is different. The ceiling is white, the wallpaper is grey with a little pattern of dandelion, the bed is soft and bouncy... just like what I have before... way back home. I am still in the process of taking in my surroundings when I remember where I should be right now.I gasp and look at my clothes. Ang mga alaala mula kagabi ay bumabalik sa akin. Iyong lalaki! I can‘t see his face from my memory. It‘s a blur. Siya siguro ang nag-dala sa akin dito. Hindi ito ang dorm ko.
3 days have passed at wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa mga in-apply-an ko. Bumuntong hininga ako habang nag kukuyakoy sa upuan. Nasa harap ko si Porah at nasa nightclub kami. Iba nga lang ang itsura nito ngayon. I need to continue working para makadagdag sa ipon ko. At kahit pa may alinlangan at takot ako nitong mga nakaraan ay naging maayos naman ang pagta-trabaho ko rito kahit papaano. Nasabi sa akin ni Porah na kapag umaga raw ay isang simpleng resto bar ito at mayroonng mga nagpe-perform na banda sa stage. Kapag gabi kasi ay mga dj ang nandoon. S-um-ide line muna ako rito dahil may sakit ang dalawa nilang waitress ngayon. Gano’n pa rin naman
I didn‘t get the job. Obvious naman na hindi ko talaga siya makukuha. Fourth day since I get interviewed at wala akong natanggap na tawag sa tatlong iyon. Ayos lang naman. Maybe it is meant to be. I can just work in Porah‘s nightclub. Ayos lang din naman ang kinikita ko roon. I am stable at may naitatabi. Mag-po-post na lang din siguro ako ng maraming artworks sa mga art groups upang mas maraming makakita ng mga likha ko at makabenta pa rin. I am now working on a form. Mayroon kasi akong nakitang isang paligsahan kung saan kapag nanalo ang tatlong artworks na nilahok mo ay maaari kang mapasama para sa isang art gallery tour na hindi lamang sa bansa natin kung hindi pati na rin sa iba pang malapit na bansa. Ngumiti ako. Itong gawa kong ito ang lagi kong naiisip na siyang magbibigay recognition sa akin bilang isang
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Paglabas ko ay si Porah ang kaagad na bumungad sa akin na mukhang kanina pa ako hinihintay. “Anong nangyari sa ‘yo kagabi?” she asks. She didn‘t look concern but more like irritated. “Umalis ka na naman nang walang paalam.” “Nabastos ako kaya umuwi na ako.“ Hindi nawala ang pagkairita niya. Madilim pa rin ang tingin niya. Lumayo ako at pumunta nang kwarto pero sinundan niya ako at tinabihan ng upo sa kama. Right now, I actually do not want to talk about what happened last night. I just wanted to rest for a while— I want ro brush that memory, but I think Porah needed an explanation.
These babies are like an energizer. They don‘t easily get tired and they are hard to put to sleep yet I like how they can make me smile. Sa unang araw ko rito ay talagang grabe ang pagod ko. Nagsisimula na silang gumapang at natututo na ring tumayo. Ayaw na nilang magpalapag kaya laging sa walker ang bagsak. Dalawa sila at ang hirap nilang sabayan sa mga gusto nilang puntahan o laruin. It’s so tiring. May kasama naman ako rito. Si Nanay Lea pero umaalis din siya pagkatapos ng tanghalian ngunit naka-ready na ang pagkain sa tuwing pupunta akong kusina. Taga-linis lang kasi siya ng bahay pero madalas naman ay tinutulungan niya ako sa kambal. Matagal na siyang nagta-trabaho kay Osmond kaya matagal na rin niyang nakakasama ang kambal kaya kilala niya talaga ang mga ito.
Family is always a good contributor to happiness. Kahit hindi gano’n kalaki ang pamilya namin ay masaya kami, paano pa kaya kung ganitong sobrang dami? “You didn’t tell me that it’s a family reunion.” It’s a huge lawn and a mansion-like house. Ang harap nila ay may isang malaking puno sa gilid kung saan mayroong gulong na duyan na nakasabit na siyang pinaglalaruan ng nga bata. Mahahaba rin ang mesa at upuan na nakahanda kung saan ang mga kamag-anak niya ay inihahanda na ang mga pagkain at pinag-iikutan rin ng mga bata. He shrugged. “I don’t know neither. Akala ko ay sina mama lang pero mukhang inimbita niya rin pati mga pinsan at tita ko. Medyo marami sila.” Medyo iyan? I am not exaggerating but
Hindi dapat ako magta-trabaho ngayon dahil weekend at mayroon namang mag-aalaga sa mga anak niya at ayun din ang napagusapan namin pero tinawagan niya ako at sinabing may problema daw doon sa shop niya. Kakadating ko lang at naabutan ko siyang kunot ang noo habang nakatingin sa cellphone at buhat si Lilo na inuugoy-ugoy niya. “Okay lang ba ‘yung shop mo? Akin na si Lilo..” Mabilis siyang napaangat ng tingin sa akin, si Lilo naman ay kaagad na lumipat sa braso ko. Hindi ko alam ang shop ni Osmond, kung iisipin ay wala akong gaanong alam sa kanya dahil ang lagi lang naming napaguusapan ay ang mga bata. “Mayroon lang kaunting problema. Babalik din naman kaagad ako.” Dumukwang siya palapi
“No! No! Mommy, no!” Nakagat ko na lang ang labi ko sa lakas ng plahaw ni Lilo. The people around us is staring, some of them are trying their best not to laugh while some elders grimace. Naupo na lang ako sa stool na siyang iminuwestra sa akin ng barber. Laging ganito ang eksena sa tuwing ginugupitan ng buhok si Lilo. Magti-three na siya next week, bago ang graduation ko kaya naman sinabihan na siya ng Daddy niya na dapat na raw siyang magpagupit. Ilang buwan na rin kasi siyang walang gupit-gupit dahil nga ganito lagi ang nagiging reaksyon niya. “Mommy, please! No!” Sinubukan niyang kuhanin ang mga nalalaglag na piraso ng buhok sa hita niya at idinidikit iyon ulit pabalik pero nang makitan
Dumating na ang gabi. Nakatulog na sila dahil sa maghapong paglalaro.Hawak-hawak ni Osmond ang kambal at parang ayaw pa niyang bitawan. Patuloy pa rin siya sa pag-ugoy, isinasayaw pa rin ang dalawa.It is a beautiful picture. A sight that I would treasure. A loving father that gives warmth and solace to his children. I know Osmond will love and protect them. He will be more than what he wanted— he will not just remain their good father but also their best friend.“Iakyat na natin sila?” tanong ko.Lumingon siya sa akin at tumango. Kinuha ko si Lilo sa kanya upang mas maging magaan ang pakiramdam niya. Dinala na namin sila sa kwarto niya dahil doon siya pumasok.Ngayon ko na lang ulit ito nakita. Puro mga laruan nina Lilo at Lala ang nandito. Nasa kama pa ni Osmond ang iba.Napatingin siya sa akin dahil siguro sa nagtatakang tingin ko. He tuck Lala on the bed
Sa bahay niya ay naupo lang kami sa sofa. He is thinking deeply. Ni hindi na niya ako binalingan o kinausap mula nang dumating kami rito.“Osmond… Osmond.”His eyes lacked emotion when he looked at me, he gave me a questioning stare.Bumuntong hininga ako. “Alam mo… ang daming nangyari ngayong araw. Sobra sa rami. And maybe… you should stop thinking about it first ‘di ba?”“Sana nga madali lang huwag isipin.”Ngumuso ako. “Kaya nga narito ako e!”Bigla siyang lumingon sa akin na may papaangat na labi. “Para maging clown ko?”“If being a clown means your date then… yes, I am.”He laughed and leaned on me. He let our foreheads touch while keeping his eyes shut. Osmond‘s calm breathing fan on my nose. He looks more relaxed than earlier.&ldquo
Nakatingin lang ako kay Osmond habang nasa daan kami. Talagang naguguluhan ako bigla sa mga sinasabi nina Luna. Anong cheated? Anong maaaring hindi anak? Is she making this up?Hindi ko na alam kung dapat ba akong maniwala. Bakit ba umabot pa sa ganitong punto?Hindi ko alam kung paano nakakuha ng private room sina lola dahil talagang nawawala ang isipan ko habang tangay-tangay ni Osmond ang kamay ko.Lahat ng tita ni Osmond ay nakaupo na sa magkabilang sofa, mahahaba ang mga iyon kaya may pwesto pa na para sa amin. Tumabi si Osmond kay tita Minda kasama ako. Ang ilang tito ni Osmond na sumama ay nasa likod ng mga sofa habang ang ilan ay nagpaiwan na lang sa van na dala nila.Sa gitna ay naroon si nanay Carmen na galit pa rin. “Oh sige! Usap na!”Inis na nagkamot si Osmond sa ulo. “Gusto ko na lang umuwi, nay. Anak ko ang dalawa. Tapos.”Tinuro ni nanay Carme
Nakabalik ako kaagad pero dahil pang umagang flight na iyon ay hindi ko na alam kung maabutan ko pa.Ten am ang umpisa ng hearing at stuck pa ako sa traffic. It makes me feel so nervous. Pakiramdam ko ay nag uumpisa na sila at hindi na ako makakahabol.Ako:Text agad ha?Nang makadating doon ay saradong pinto ang naabutan ko. The hearing is still ongoing and I cannot come in. Ayaw na akong papasukin pa ng guard sa loob.“Baka naman po… pwede pa? W-wala pa naman atang isang oras nang mag-umpisa sila, kuya.”Nanatiling matigas ang ekspresyon ng guard. Umiling siya. “Hindi nga po pwede, ma‘am. Hintayin n‘yong matapos sila… saka bubukas nang kusa iyan.”I hold my pants tight while looking at the huge closed doors of the courtroom. Siguro nga‘y makapaghihintay ako… I will see the answer once it opens.&n
Ilang buntong hininga ang nagawa ko. Ilang araw din akong naguguluhan pa rito… papalapit na nang papalapit ang susunod na linggo pero takot pa rin akong tingnan ang email na s-in-end sa akin.Maayos na si daddy. Halos isang araw lang din ay medyo um-okay ang kondisyon niya. Kalahati pa rin ng katawan niya ang hindi makagalaw pero nag-improve iyon kaagad dahil nakakasalita na siya.Hindi man malinaw pero naiintindihan.“Dion… wa.. ter,” tawag ni daddy.Lumapit ako na may dalang baso ng tubig. Tinulungan ko siyang inumin iyon, itinapat ko rin ang isang kamay ko sa ilalim ng baba niya upang hindi siya mabasa kung sakali. Hindi niya kasi masyadong nagagalaw ang itaas na labi, halos hirap din maging ang panga niya.Naupo ako sa kama niya nang matapos siya. Kinuha ko ang kamay ni daddy at hinilot gaya ng ginagawa ng therapist na pumupunta rito sa tuwing hapon.
“Hindi talaga ako magaling magluto… kaunti lang ang alam kong putahe pero sa adobo talaga ako confident.”Ngumiti na lang ako nang lingunin niya ako.Kanina pa malalim ang iniisip ko. Baka kasi tampong-tampo na si Osmond ngunit ‘di lang nagsasabi sa akin. I like him… and I don‘t want it to blown away just because I couldn't keep my words.Gusto ko nang sabihin kaagad sa kanya ito pero kung gagawin ko iyon ay kailangan ko na ring magdesisyon. Hindi pa buo ang puso ko sa gagawin.Art gallery na iyon e, pinaghirapan ko ang piece na inilagay ko ro‘n para talaga masabit sa silid na iyon. Isa iyon sa mga pangarap ko. Bata pa man ay gusto ko nang makita sa mga gano‘ng lugar ang mga likha ko. But if I‘ll join… that just means that I will need to leave my father. I still have things to say about him… I still want to accommodate his needs, I want to take
Papunta sa bahay nina Osmond ay nagtatanong-tanong si mommy tungkol kay Osmond at sa kambal. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagta-trabaho ko, siguro ay sa ibamg araw ko na lang bubuksan ang topic na iyon kapag nagtanong na siya. Ayaw ko kasing makitang malungkot si mommy, I know she will not like the jobs that I get.Nang makababa ako sa harap ng subdivision nila ay nakasalubong ko ang pagbaba ni Osmond sa isang kotse. Nakita ko pa sa harapan no‘n si Oliver na tinanguan lamang ako.“Nandito ka,” gulat niyang saad.Ngumiti ako. Naka-simpleng t-shirt at pantalon lang siya. Kahit mukhang stress dahil sa itim sa ilalim ng mga mata ay gwapo pa rin talaga.“Alam ko naman kasing ‘di ko na maabutan iyong sa hearing kaya dumiretso na ako sa inyo.”Nakikita ko na ang pag-akyat nang gilid ng labi ni Osmond. Pangiti na sana siya nang tumikhim si mommy.
“Do you think… how long will your father sleep? Ang tagal na niyang nakahiga riyan.”Hindi ko nasagot si mommy. Hindi ko rin naman kasi alam. Maski nga ang mga doctor hindi alam kung kailan iyon mangyayari. We‘re just hoping for the best.“Hindi naman kaya niyang daddy mong wala ako. He‘ll need me even in heaven, I‘m sure of that.”“Mommy,” suway ko.Patagal nang patagal ay mas nagiging negative lang si mommy. She wasn‘t crying. She is just wearing a straight face. Paulit-ulit siya sa mga ganitong bagay— kinukumbinsi niya ang sarili.Ayos lang naman sana iyon pero hindi sa ganitong paraan. “Hindi naman mawawala si daddy, gigising din siya. We‘ll just have to wait.”Isang buwan na rin kasi ang lumipas. Alam kong maiksi lang ang pisi ni mommy pero sana naman mas pagtibayin niya ang pag-asa niya sa pan