Share

Chapter 3

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2022-05-31 12:17:39

“’Nay, ano na naman ba ho itong pinasok ninyo?” nag-aalalang tanong niya sa ina ng mailabas ito sa selda ng pulis.

Umirap ang kanyang ina sabay patong ng dalawang paa sa upuang nasa tabi nito. Animo’y reyna ito doon kung titingnan.

“Pwede ba, Liana… kung wala kang sasabihing maganda, umuwi ka na lang. Sa halip na tanungin mo ako kung kumain na ako ‘yan agad ang ibubungad mo sa akin,” nanenermong wika nito.

Humugot siya ng malalim na hininga sabay abot sa pagkaing dala. “Ito nga pala ho. Bumili ako ng pansit at ulam d'yan sa labas,” aniya dito.

Ngumisi ang kanyang ina. “May silbi ka rin naman palang talaga kahit papaano,” anito sabay bukas ng plastic na may pansit at gutom na gutom na kinain iyon.

Napapailing na tumayo na lang siya at ikinuha ito ng tubig.

Nakukuha nitong magsugal ng napakatagal na oras ng walang laman ang tiyan. At hindi na siya magtataka kung ito man ay magkasakit din dahil sa ginagawa nito.

“Kailan mo ako ilalabas dito?” tanong ng kanyang ina pamaya-maya habang puno pa ng pansit ang bibig.

“Ho? Saan naman ho ako kukuha ng ipapyansa sa inyo?”

Padarag na ibinaba ng kanyang ina ang plastic na tinidor sa lamesa. “Aba’y bakit ako ang tinatanong mo? Gumawa ka ng paraan! Pati ba naman iyon sasabihin ko pa sa ‘yo?” anito na iiling-iling at muling sumandok ng pansit.

Hindi naman makapaniwalang tinitigan ni Liana ang ina. Kung pwede nga lang na pabayaan niya na lang ito ay ginawa na niya. Kaso nangako siya sa yumaong ama na aalagaan niya ang kanyang ina at kapatid kaya wala siyang magagawa kundi sundin ito.

Pero saan naman siya kukutkot ng ipang-papyansa dito?

Nang wala naman siyang maisip ay muli siyang napabuntong-hininga. Nahiling na lang niya sa sarili na sana ay buhay pa ang kanyang ama. Kung naririto lang siguro ito baka hindi siya namomroblema ng ganito.

Pinagmasdan niya ang ina.

Sarap na sarap ito habang kumakain. Ni hindi man lang siya nito nakuhang alukin. Hindi rin ito nagtatanong kung kumusta na ba ang kapatid niya. Parang balewala lang dito ang pagkakasakit ni Lester.

Kunsabagay, ano pa nga bang aasahan niya dito? Dapat nga sanay na sanay na siya sa ganoong pag-uugali ng ina. Na ni minsan, hindi nagpakita ng kahit na amor man lang sa kanila ng kapatid niya.

Hindi niya nga lubos na maisip kung ano ba talaga ang nagustuhan ng kanyang ama dito, bukod sa maganda ito? Lahat kasi ng ugali na mayroon ito ay pawang mga hindi kaaya-aya. Ang kanyang ama lang yata ang nakapagtiis dito ng matagal.

“O, anong itinitingin-tingin mo d’yan?” asik nito ng maramdaman ang ginagawa niya. Kinuha nito ang tubig na nasa tabi nito at ininom iyon.

“S’ya nga pala…” anito sabay dighay. Ngumiwi pa ito ng maamoy ang sariling hininga. “Tumawag sa akin si Mama Dhane kagabi. Ano bang ginawa mo sa customer mo at nagwawala ng maigi ang baklang iyon?”

“Ho?” lumikot ang mga mata ni Liana. “W-Wala naman ho…” nauutal na tugon niya.

“Eh, bakit ganoon na lang kung makatalak iyon? May sinasabi pa na kung hindi ka daw magpapakita sa loob ng dalawang araw ay sa kulungan din ang bagsak mo.”

Nawalan ng imik si Liana. Ano bang gagawin niya? Nagpatong-patong na ang problemang dumating sa kanya.

Akala pa naman niya tuluyan na niyang matatakasan ang lalaking iyon kagabi, hindi pa pala. At mukhang totohanin nga nito ang bantang ipapakulong siya.

Ngayon siya naman ang nahaharap sa alanganin.

Paano na si Lester ‘pag nagkataon?

Litong-lito ang isip na napatingin na lang siya sa kawalan.

**

“Sigurado ho ba kayo sa sinasabi ninyong ito, Aling Perla?” nag-aalangang tanong niya sa may-edad na babae, na kagaya niya ay hindi rin mapakali sa kinauupuang sofa nito.

Kasalukuyan silang nasa salas ng marangyang mansyon na iyon at hinihintay na bumaba ang sinasabi nitong si Mrs. Enriquez. Ipapasok daw siya nito doong katulong.

Isa ang Mrs. Enriquez na ito sa pinagseserbisyuhan ni Aling Perla at narinig nito na nangangailangan ng isa pang kasam-bahay doon. Kaya’t hindi na ito nagdalawang-isip pa na ipasok siya. Nalaman kasi nito na kailangan niyang mag-doble kayod para mailabas ang ina sa kulungan at para may maibili ng gamot ang kapatid niya.

Nginitian siya ni Aling Perla. “Oo naman. Mabait si Mrs. Enriquez at madaling pakibagayan, kaya panatag ako kung dito ka magtatrabaho. Kaysa sa bar na sinasabi mong pinagdalhan sa ‘yo ng iyong ina na muntik mo nang ikapahamak.” Sagot nito habang iiling-iling.

Naikwento niya na rin iyon dito dahil wala na rin siyang ibang mapaglalabasan ng kanyang problema kundi ito lang.

“Salamat ho ulit, Aling Perla. Patong-patong na ang utang na loob ko sa inyo.”

“Sus! Ano ka ba… Alam ko naman kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Maliit na bagay lang ito ng pagtanaw ng utang na loob ko sa iyo,” anito na ang tinutukoy ay ang pagkakaligtas niya dito ng muntik na itong masagasaan. Kundi dahil sa kanya, baka matagal na itong nasa itaas.

“Perla, ikaw pala.” Anang isang malamyos na tinig mula sa itaas ng hagdan. Sabay pa silang napalingon doon ni Aling Perla at magkasunod na tumayo.

Isang may-edad ngunit napaka-glamorasang babae ang naroon. Malapad ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanila.

“Magandang hapon, ho, Mrs. Enriquez.” Magalang na bati ni Aling Perla dito habang bumaba ito ng hagdanan.

“Anong maipaglilingkod ko sa ‘yo?” tanong nito ng makalapit sa kanila. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi nito. “Sit down. Sit down…” anito sa kanila at nauna na itong maupo sa pang-isahang sofa.

Mabilis naman silang sumunod.

Kiming ngumiti si Aling Perla dito ng makaupo. “Narinig ko ho na nangangailangan kayo ng katulong. Baka ho pwede kong ipasok sa inyo itong pamangkin ko. Mabait at masipag na bata ho itong si Liana,” pangba-backup nito sa kanya.

Saglit siyang sinulyapan ni Mrs. Enriquez. Pagkatapos ay tinitigang muli si Aling Perla.

“Mabuti at maaga kang nagpunta dito. Tatawag pa naman sana ako ngayon sa agency para magpadala ng mga aplikante dito.”

“Ibig ho bang sabihin noon tanggap na si Liana?” nag-aalangang tanong dito ni Aling Perla.

Nakangiting tumango si Mrs. Enriquez. “Oo… Basta ikaw, Perla.” Sagot nito na ikinaliwanag namang pareho ng mga mukha nila.

“Talaga ho, Mrs. Enriquez?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

“Oo. Alam ko naman na mabuti kang tao, kaya may tiwala ako dito kay… Ano nga uling pangalan mo, hija?” malumanay na tanong nito sa kanya.

“Liana po… Liana Cuevas.” Nahihiyang tugon niya dito.

“Liana… Napakaganda naman ng iyong pangalan. Parang ikaw,” masuyo ang ngiting wika nito na ikinapamula naman ng kanyang mukha.

Hindi siya sanay na nakakarinig ng papuri sa ibang tao. At ang marinig iyon mula mismo sa bibig ng isang may-kaya ay nakakapagpataba ng puso niya.

“Salamat ho…” aniya at kiming nginitian si Mrs. Enriquez.

Malapad namang ngumiti ito sa kanya. “Walang anuman, hija,” anito. “Bueno, kailan mo gustong magsimula?”

Napatingin si Liana kay Aling Perla. Tumango naman ito sa kanya. “Pwede ho bang ngayon na din? At… pwede ho bang maki-usap na rin sa inyo?” alanganing tanong niya dito.

“Ano iyon?” magiliw na tanong nito.

“Kung pwede po sana mag-cash advance sa inyo…”

Napailing si Mrs. Enriquez. At sa pag-aakala ni Liana ay indikasyon iyon ng hindi nito pagpayag.

Napabuntong-hininga siya ng malakas. Lumapaypay ang mga balikat na sinulyapan niya si Aling Perla na malungkot din namang nakatingin sa kanya.

Nangiting muli si Mrs. Enriquez. “Iyon lang ba? Magkano ba ang kailangan mo?” tanong nito na bumuhay muli sa loob ni Liana. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi nitong iyon.

“Talaga ho? Ayos lang ho?” masiglang wika niya.

Tumango naman ang may-edad na babae.

“Eh, pwede ho bang mga twenty thousand?” aniya.

Bahagya namang nagulat si Mrs. Enriquez pero sandali lang iyon. “Walang problema. Pagtatrabahuhan mo naman iyon,” tugon nito.

“Naku! Maraming-maraming salamat ho talaga. Malaking tulong ho ito sa amin,” tuwang-tuwang wika ni Liana na napatayo pa sa sobrang kaligayahan.

“Ayos lang iyon, hija. Sandali at kukunin ko lang ang pera,” anito sabay tayo at muling bumalik sa itaas. Ni hindi man lang ito nagtanong sa kanila kung saan gagamitin ang pera.

Pagbaba nito ay may dala na itong sobre. “Ito, hija… Pinalabisan ko na rin iyan at baka kulangin ka pa,” nakangiting wika nito sabay abot ng sobre sa kanya.

“Naku! Sobra-sobra na ho ito! Salamat ho talaga.” Aniya at masayang nilingon si Aling Perla na malapad din ang ngiti.

“Marami hong salamat, Mrs. Enriquez. Napakalaking tulong nito kay Liana,” ani Aling Perla dito.

“Wala iyon, Perla. Hindi ko maaatim na tanggihan itong si Liana. Mukhang nagayuma ‘ata ako,” biro nito na ikinatawa nilang tatlo.

“Paano ba ‘yan Liana… maiwan na muna kita dito.” Baling nito sa kanya. Sunod-sunod naman siyang tumango dito. “Mrs. Enriquez kayo na ho muna ang bahala sa batang ito,” anito na si Mrs. Enriquez naman ang hinarap.

“Huwag kang mag-alala Perla… Hindi ko siya ituturing na iba sa bahay na ito,” sagot nito.

Bago umalis si Aling Perla ay ipinadala niya dito ang pera at sinabing ito muna ang bahala kay Lester pati sa inay niya. Napag-usapan na nila kanina na kapag natanggap siya ay dito niya iiwanan ang kapatid. Dahil mas panatag siya kung ito ang makakasama ni Lester.

Pabalik na siya sa loob ng mansyon ng bumakas ang malaking gate at pumasok doon ang kulay itim na kotse. Nagtaka pa siya ng tumigil ito sa harap niya.

Kunot-noong tumingin siya sa tinted na salamin ng sasakyan ng biglang bumukas iyon. At biglang nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ito.

“I-Ikaw!?” Aniya na halos panawan na ng ulirat.

Related chapters

  • Wanting You So Bad...   Chapter 4

    Kung nagulat ang babae, mas lalo naman si Henry. He looked at her unbelievably.Sino bang mag-aakala na ang babaeng hinahanap niya ay dito pa sa mismo sa pamamahay niya matatagpuan? Ang babaeng buong araw na lang ay lamang ng kanyang isipan.Hindi mawala-wala sa isip niya ang inosenteng anyo nito noong gabing iyon kahit nakasuot ito ng malaswang damit. Her dreamy eyes says a lot of things na tumatak na isip niya. Makinis ang balingkinitan nitong katawan, mahaba ang tuwid na tuwid at itim na itim nitong buhok.And her lips... Those rosy-red lips na parang isang prutas sa pagkakatamis ay hindi na yata niya pagsasawaan pang halikan. At naalala pa niya kung paanong halos madurog iyon sa mismong mga labi niya.Naramdaman niya ang mabilis na pagre-react ng sariling katawan sa iniisip.F*ck! Mabilis niyang mura sa sarili at tinitigang mabuti ang babae.Sinusundan ba siya nito? Naririto ba ito para pagbayaran ang pagkakasabit sa kanya, dahil hindi naman niya ito napakinabangan?Naniningkit an

    Last Updated : 2022-05-31
  • Wanting You So Bad...   Chapter 5

    Magda-dalawang linggo pa lamang si Liana sa mga Enriquez, pero parang limang na taon na ang itinanda niya because of Henry. Bukod sa pagod at puyat, konsumisyon din niya ang lalaki.May araw na uutusan siya nitong magplantsa ng kung ano-ano kahit hindi naman niya iyon trabaho. O di kaya naman ay ipalilinis nito sa kanya ang lahat ng tatlong kotse nito ng sabay-sabay kahit malilinis naman ang mga iyon.Minsan, napapansin niyang sinasadya talaga nitong gawin iyon. Pero hindi siya nagrereklamo. Ipinapakita niya ditong hindi siya ang taong basta-basta na lang sumusuko.Gaya ng gabing iyon. Henry was going to swim ng tawagin siya nito.“Liana! Liana!” ang malakas na tawag nito kasabay ng mabibigat nitong mga yabag papuntang kusina. Naabutan siya doon ni Henry na naghahapunan kasabay nina Anji at Jam.“Liana kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka sumasagot?” salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.Napatigil sila sa pagkukwentuhan ng makita ito. Mabilis niya itong nilapitan kahit hi

    Last Updated : 2022-06-24
  • Wanting You So Bad...   Chapter 6

    Tila ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana. Hindi siya makagalaw ni makapagsalita. Nakikita niyang nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Henry, kaya’t mas lalo siyang kinabahan. Hindi siya makatingin ng deretso dito. Niyuko niya ang larawan at pira-pirasong bubog sa kanyang may paanan. Akmang dadamputin niya iyon ng inilang hakbang lang ni Henry ang pagitan nila at hinaklit siya nito sa braso. Kaagad siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto nito dere-deretso pababa. “S-Sir… Henry… nasasaktan ho ako…” aniya sa nanginginig na tinig. Pilit niyang binabawi ang braso dito ngunit hindi iyon makahulagpos sa pagkakakapit ni Henry. Tikom ang mga labing tuloy-tuloy lang ito sa pagkaladkad sa kanya hanggang sa may gate. Nagtataka namang sinundan sila ni Mrs. Enriquez na nasa sala ng mga oras na iyon. “Henry ano bang nangyayari?” nag-aalalang tanong nito ng makita ang takot na nakalarawan sa mukha ni Liana habang pilit pa ring pinakakawalan ang sariling braso sa kamay ng anak. “My goodness

    Last Updated : 2022-06-26
  • Wanting You So Bad...   Chapter 7

    “Doctor Guillermo kamusta po ang kapatid ko?” Matinding pag-aalalang tanong ni Liana sa doctor ng kapatid ng lumabas ito sa ICU.Umiling ang doktor pagkatapos ay inalis nito ang suot na mask. “I already told you Liana… only operation can saved your brother.” Deretsong sagot nito.“Pero, Doc, hindi pa naman ganoon kalala ang tumor niya ‘di ba?” takot na takot ng tanong niya dito.Malaking pera ang kakailanganin sa operasyon ng kapatid at wala pa siyang ganoong kalaking halaga. Idagdag pang nawalan siya ngayon ng trabaho.“Yes… But it was pressing on his optic nerve. At hindi maglalaon baka mawalan ng paningin ang kapatid mo. And there will be a lot of severe headaches from time to time na baka hindi kayanin ni Lester ‘pag nagkataon.”Nakagat ni Liana ang kanyang labi sabay haplos sa kanyang noo. Ano bang gagawin niya?“I’m sorry, Liana. Wala tayong ibang option kundi ang operasyon. Sabihan mo na lang ako kapag ready ka na,” anang doctor sa kanya sabay tapik sa balikat niya at nagpaalam

    Last Updated : 2022-06-26
  • Wanting You So Bad...   Chapter 8

    “Mabuti naman at hindi na ngayon nagsusungit sa ‘yo si Sir Henry. Noon, parang makita ka lang niya, kumukulo na agad ang dugo niya sa ‘yo,” komento ni Anji ng kumakain sila ng almusal.“Oo nga Liana…” sang-ayon naman ni Jam. “Pansin ko rin ‘yan kay Sir. Wala ka namang ginagawang masama sa kanya o kaya sa trabaho, pero nuknukan sa pagkasungit at laging nakakunot ang noo. Parang sinasadya niya na rin minsan at parang may pinag-uugatan. Pero ‘di ba dito mo lang naman siya nakilala? Eh… ang bait-bait mo kaya. Napakamapagmahal mo pang kapatid at anak.”Kiming ngumiti siya sa mga ito. Pahapyaw niyang naikwento sa dalawa ang buhay niya pero hindi niya nababangggit sa mga ito ang tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Henry. Ayaw niyang mahaluan ng malisya ang pagtatrabaho niya doon.“Kung ‘di ko lang talaga nakilala noon si Sir, iisipin ko na lang na may gusto siya sa ‘yo,” sabi pa ni Jam na ikinaubo niya. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Anji.“Ano ka ba naman Jam? Paano mo naman nasabin

    Last Updated : 2022-06-26
  • Wanting You So Bad...   Chapter 9

    “How are you, Pare?” tanong ng kaibigan niyang si Fred ng puntahan siya nito sa hotel nang araw na iyon. May event itong dinaluhan na sa hotel niya mismo ginanap kaya dumaan ito sa opisina niya.Nangunot ang noo ni Henry. “What kind of question is that? Of course, I’m fine.” Tugon niya at muling binalingan ang mga papeles sa ibabaw ng kanyang lamesa.Napailing naman si Fred. “These past few days lagi ka na lang nagte-take pass sa mga lakad natin. Baka naman lumalamig na ang s*x life mo... Hindi kaya?” nagbibirong tanong nito.Lalong nagusot ang mukha niya sa sinabing iyon ni Fred. “Of course not!” mariing tanggi niya.Malakas na tumawa ang kanyang kaibigan. “But kidding aside, Pare… let’s hangout tonight. My treat. How about that?”“Nah… Count me out,” tinatamad na wika niya sabay sandal sa kanyang swivel chair.Tumayo si Fred at sa pagtataka niya ay nilapitan siya nito at pakunwang idinantay ang palad sa kanyang noo.“You’re not sick para tumanggi,” anito at naupong muli. “You alread

    Last Updated : 2022-06-26
  • Wanting You So Bad...   Chapter 10

    “Ano? Tama ba ako? You have the same feelings as mine. Bakit ba nagpapakipot ka pa?” pukaw ni Henry sa kanyang pag-iisip.Natauhan naman si Liana. Pumiksi siya upang makawala sa pagkakahawak nito. Bahagya siyang umatras at naniningkit ang mga matang tinitigan niya ito.“Kung kayo lang din,” aniya at hinagod ito ng tingin. Kung insultuhan lang din ang gusto nito, ibibigay niya.Nag-isang linya naman ang mga kilay ni Henry. “Why don’t you continue what you were saying?” anito. Naglagutukan pa ang mga bagang nito sa igting ng pagkakasabi niyon.Umismid si Liana. “Kung kayo lang din… huwag na lang. Kahit kayo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo.” Tugon niya at muli itong hinagod ng tingin. Nagtagal ang mga mata niya sa may pagitan ng hita nito na hindi niya alam kung bakit ng mga oras na iyon ay tila unti-unting nagkakaroon ng buhay.Mabilis niyang iniiwas doon ang tingin and looked Henry in the eyes. Namumula naman ang mukha nitong tinitigan siya. Kulang na lang ay saktan siya nito sa

    Last Updated : 2022-06-26
  • Wanting You So Bad...   Chapter 11

    Parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana at hindi makagalaw. She’s panicking inside.Nang makita niyang tumayo si Henry, akala niya ay pupuntahan siya nito. Pero nagkakamali siya.Henry just stood up to lay the woman on the cold floor. And before Henry entered on the woman’s body, nilingon muna siya nito at isang pilyong ngiti ang pinakawalan.The woman moans so loud when Henry started to move on top of her.Pinanginigan naman ng laman si Liana. Pakiramdam niya pawis na pawis siya ng mga sandaling iyon. At nahinuha niyang wala sa bokabularyo ni Henry ang tumigil sa ginagawa nito. And he’s doing it to tease her!Nanginginig ang mga kamay na muli niyang pinindot ang close button ng elevator. And before it closes, nakita pa niya ang nag-aapoy na tingin ni Henry habang titig na titig sa kanya while making up on that woman.Sunod-sunod siyang lumunok ng sumara ang elevator. Para siyang pangangapusan ng hininga at tila uhaw na uhaw.May pakiramdam siyang may kakaibang damdaming pinuk

    Last Updated : 2022-06-26

Latest chapter

  • Wanting You So Bad...   Chapter 85

    Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil

  • Wanting You So Bad...   Chapter 84

    Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan

  • Wanting You So Bad...   Chapter 83

    Liana took a leave para sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Henry. Napagdesisyunan nilang magpakasal na sa susunod na buwan kaya ang lahat ay abala na.Tuwang-tuwa ang Mama Helga nila at si Nanay Perla sa desisyon nilang iyon. Hindi na daw kasi makapaghintay ang mga ito na masundan na si Leyra, and Mama Helga demanded to them to make her a lot of grandchildren na ikinatawa nila nang husto ni Henry. Nag-iisang anak kasi si Henry kaya gusto nito ng maraming apo habang kaya pa daw nitong mag-alaga.Nang araw na iyon ay nagpunta sila ni Leyra sa boutique na gagawa ng gowns nilang mag-ina. Hindi nila kasama si Henry dahil may inaasikaso itong iba pang detalye ng kasal nila. Hinati talaga nilang dalawa ang pag-iintindi sa nalalapit nilang kasal upang mas lalong mapabilis iyon.“Ang cute naman po ng anak ninyo Madam,” anang bading na nagsusukat sa kanila.Nginitian naman ito ni Leyra ng pagkatamis-tamis. Her daughter knows how to appreciate people’s admiration to her.“Ay! Diyos ko!” palatak pa

  • Wanting You So Bad...   Chapter 82

    “San tayo punta Daddy?” tanong ni Leyra habang buhat-buhat niya ito. Nasa hotel sila at naiwan pa sa sasakyan si Liana dahil may kausap pa ito sa telepono.He wanted to show Leyra his office that day kaya naisipan niyang isama ang kanyang mag-ina sa doon.“Daddy will going to show you his office. Di ba you wanted to see it?” masuyong tanong niya sa anak.“Opo,” anito kasabay ng sunod-sunod na pagtango.“You’ll gonna see it today, that’s why I brought you and Mommy here,” he said while smiling.“Talaga, Daddy?” tila hindi naman makapaniwalang tanong nito. Namimilog pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Mabilis naman siyang tumango and Leyra couldn’t hide her excitement. Hinayon ng mga mata nito ang itutok ng hotel hanggang sa magkandabali na ang leeg nito.“Taas naman Daddy. Di ko na makita dulo, sakit na leeg ko,” tila nagrereklamong saad nito.Natatawang hinimas naman niya ang batok nito na ikinahagikhik nito dahil may kiliti ito doon.“Stop, Daddy!” nagpupumiglas na wika nito k

  • Wanting You So Bad...   Chapter 81

    “Hi? Is Leyra sleeping?” mahinang tanong ni Henry ng sumungaw ito sa pintuan ng kwarto ni Leyra.Nilaanan talaga ito ng mama ni Henry ng sariling silid sa mansyon. Pinuno nito iyon ng kung ano-anong laruan na ikinatuwa nang husto ng kanilang anak.Marahan siyang tumango sa binata. “Why?” paanas na tanong niya dito at maingat na tumayo.Maingat ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki. “Just checking,” anito sabay kibit-balikat.Tinitigan nito ang kanilang anak na himbing ng natutulog.Ginaya naman niya ang lalaki.“Liana…” anito pamaya-maya.“Hmmm?” tugon niya ng hindi ito nililingon.“Thank you,” malambing na turan nito na ikinalingon niya dito. Siya na pala ang pinagmamasdan nito at hindi ang anak nila.She smiled.“You don’t have to mention it,” aniya.“No… I’d rather choose saying it than keeping them on myself. As much as possible, gusto kong ipakita sa ‘yo na nagbago na talaga ako…”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam ko naman that you’re doing your best para buma

  • Wanting You So Bad...   Chapter 80

    “Really?”“Yes, Mama! She said yes to me!” masayang kwento niya sa ina habang nasa silid siya ng kanyang mag-ina. Kaagad niya itong tinawagan upang ibalita ang mga nangyari kanina.“Oh, that’s great!” palatak ni Helga sa kabilang linya. “So, kailan ang kasal? May napili na ba kayong date? Dito ba gaganapin o d’yan kina Liana?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mas excited pa ito sa kanilang dalawa ni Liana. Napailing naman siya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Siguro one of these days malalaman mo iyon,” tugon niya.“Of course! Hindi ko naman hahayaang mahuli ako sa balita. Kaya dapat sabihin mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo,” anito na kahit hindi niya kaharap ay alam niyang nakataas ang mga kilay.Napangiti naman siya. “Yes, Mama. I’ll do that,” aniya.“By the way how’s my apo? Is Leyra alright? Anong reaksyon niya ng sabihin ninyong magpapakasal na kayo?” pag-uusisa nito.“Hay naku, Mama! Matatawa ka sa kanya. Kung nakita mo lang kung paano n

  • Wanting You So Bad...   Chapter 79

    Dahan-dahang hinapit ni Henry si Liana palapit sa sarili and embraced her so tight.Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya sa kanyang puso.Liana loves him! Iyon ang nagtutumining sa isip niya ng mga sandaling iyon.Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito… Kaytagal niyang hinintay na marinig mula dito na sabihing mahal din siya nito. And God knows how happy he is right at this moment.“I never like hurting you, Liana… noon at ngayon…” panimula niya habang masuyong hinahaplos ang likod nito. “I know I was a fool back then. Hinayaan kitang mawala sa akin and it was too late when I realized that I cannot live without you… that I’ll die if I can’t see you… Kaya ipinahanap kita. Hinalughog ko ang buong Maynila para lang makita ka ngunit bigo ako. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Sisihin sa lahat ng nangyari sa atin. Masyado akong nagpadala noon sa galit at selos na nararamdaman ko at hindi ko naisip na aalis ka na lang bigla at

  • Wanting You So Bad...   Chapter 78

    “Mommy pede hilam phone?” tanong ni Leyra sa kanya ng lapitan siya nito habang nanonood siya ng tv.Kunot-noong sinulyapan niya ang anak.“Bakit Baby, sino ang tatawagan mo?” tanong niya dito.“Tawag po ako kay Daddy. Di s’ya tawag ngayon sa ‘kin, eh…” tila nagsusumbong na tugon niya.Napahugot naman siya ng malalim na hininga at hinarap ang anak.“Baka may ginagawa lang si Daddy ngayon kaya hindi ka niya natawagan,” paliwanag n’ya dito.“Eh sabi n’ya po tawag ako sa kanya kapag namimiss ko siya. Miss ko na s’ya Mommy,” katwiran pa nito.Ako rin. Miss ko na rin ang ama mo. Mabilis na tugon ng kanyang isip pero hindi niya iyon isinatinig.“Gusto mo text na lang muna natin siya?” sa halip ay tanong niya rito.“No,” kaagad na sagot nito kasabay ng pag-iling. “Gusto ko tawag,” nanghahaba na ang ngusong dagdag pa nito.“Leyra… what did Mommy told you about your Dad?” malumanay na tanong niya dito.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging masusunod ang gusto ng kanyang anak. Kailanga

  • Wanting You So Bad...   Chapter 77

    Pagkatapos nilang mag-agahan ay mabilis na naligo si Liana at naghanda na papasok ng opisina. Paglabas niyang muli sa sala ay bihis na rin ang mag-ama.Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.“May lakad ba kayo?” tanong niya sa dalawa.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti sa kanya.“Hatid ka namin sa office mo po, Mommy.” Si Leyra ang sumagot.Nakataas ang mga kilay na nilingon niya si Henry.Nagkibit-balikat naman ito. “Request n’ya talaga iyon,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang anak.“Di po ba pede?” inosenteng tanong ni Leyra sa kanya. Bigla ay naging malungkot ang itsura nito na ikinatawa naman niya.“Of course, not!” aniya na nagpingiti ng muli sa anak nila. Tuwang-tuwa kumapit ito sa tig-isang kamay nila at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.“’Nay tuloy na ho ako,” pamamaalam n’ya dito pagkatapos ay nagmano. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga tanim nito sa harapan.“Sige… Mag-iingat kayo,” anito na bahagya lang silang nilingon at ipinagpatuloy na ang g

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status