Kung nagulat ang babae, mas lalo naman si Henry. He looked at her unbelievably.
Sino bang mag-aakala na ang babaeng hinahanap niya ay dito pa sa mismo sa pamamahay niya matatagpuan? Ang babaeng buong araw na lang ay lamang ng kanyang isipan.
Hindi mawala-wala sa isip niya ang inosenteng anyo nito noong gabing iyon kahit nakasuot ito ng malaswang damit. Her dreamy eyes says a lot of things na tumatak na isip niya. Makinis ang balingkinitan nitong katawan, mahaba ang tuwid na tuwid at itim na itim nitong buhok.
And her lips... Those rosy-red lips na parang isang prutas sa pagkakatamis ay hindi na yata niya pagsasawaan pang halikan. At naalala pa niya kung paanong halos madurog iyon sa mismong mga labi niya.
Naramdaman niya ang mabilis na pagre-react ng sariling katawan sa iniisip.
F*ck! Mabilis niyang mura sa sarili at tinitigang mabuti ang babae.
Sinusundan ba siya nito? Naririto ba ito para pagbayaran ang pagkakasabit sa kanya, dahil hindi naman niya ito napakinabangan?
Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang babae ng maalala iyon. “What are you doing here?” tiim-bagang na tanong niya rito. Nasa mga mata niya ang tinitimping galit para sa babaeng kaharap.
Bahagya itong napaatras na tila nakakita ng multo at naputulan ng dila. Hindi ito makasagot.
“I said, what are you doing here?” ulit niya sa tanong na iyon kanina sa mas malakas na tinig na ikinapitlag nito.
Dahan-dahang nagyuko ng ulo ang babae. “D-dito po ako nagtatrabaho…” paanas na tugon nito.
“Anong sinabi mo?” aniya na halos magdikit na ang ang mga kilay sa pagsasalubong noon. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng babaeng ito.
Nilingon siya nito at sa nag-aalangang tinig ay muling sumagot. “Maid po ako dito,” anito.
Napababa siya ng sasakyan ng wala sa oras at ibinagsak ang pintuan noon na halos ikahimatay ng babae. Dali-daling siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at kaagad na hinanap ang ina.
“Oh, hijo, naririto ka na pala.” Nakangiting bati sa kanya ng kanyang ina.
“Mama, sino na naman ang bagong katulong na ipinasok mo dito? Where did you met her? Dumaan ba siya sa agency na kinukuhanan mo?” madilim ang mukhang sunod-sunod na tanong niya dito.
Bahagyang napataas ang kilay ng kanyang mama sa mga tanong niya. “Oh, you’ve met her?” ganting tanong nito na mas lalo niyang ikinainis.
“I am asking you Mama.” Malumanay na tugon niya sa tinitimping inis. Bakit ba hindi na lang siya sagutin nito?
Gusto niyang malaman kung paanong napasok ang babaeng iyon dito sa pamamahay nila.
“She’s Liana. Recommended siya ni Perla, iyong masahista ko.” Maikling tugon ng kanyang ina habang nakangiti.
“Recommended by your what Mama?” Ang hindi makapaniwalang tanong niya rito sa napalakas na tinig? Kailan pa ito naging ganoon kakampante sa mga kinukuhang kasama nila sa bahay.
“Are you questioning me now, ha, Henry?” seryosong tanong nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang tono ng pananalita niya.
Ilang beses na huminga ng malalim si Henry pagkatapos ay nilingon ang babaeng pinag-uusapan nila. Nasa gilid ito ng malaking main door habang nakayuko ang ulo.
Sinundan naman ng ina ang kanyang tinitingnan at napangiti ito. “Liana… come here. Ipapakilala ko sa ‘yo ang anak ko,” magiliw na tawag nito sa babae na mas lalong ikinapagtaka ni Henry.
Her mother didn’t trust anyone so easily, lalo na kung kakikilala lang nito. But, this woman, she’s different. Mabilis nitong nakuha ang loob ng kanyang ina.
Marahan namang lumapit sa kanila ang babaeng tinawag nitong Liana. Iwas na iwas ang mga mata nito sa kanya.
“Liana, this is Henry. Henry, this Liana. Siya ang bago nating makakasama dito sa bahay.” Pormal na pagpapakilala sa kanila ng kanyang mama.
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ang babae. Hindi naman ito makatingin ng deretso sa kanya.
“M-Ma… magandang hapon po, Sir.” Anito sa nanginginig na tinig.
Sa halip na sagutin ay tinalikuran niya lang ito at dere-deretsong umakyat sa kanyang kwarto. Pagdating doon ay malakas niyang isinara ang pinto.
Nagpapaunawang tiningnan ni Mrs. Enriquez si Liana na bahagyang napapitlag sa narinig na kalabog sa itaas.
“Pagpasensyahan mo na ang anak kong iyon. Hindi naman talaga ganoon kagaspang ang ugali niya,” anito.
Tumango si Liana at pilit na nginitian ang matandang babae. Hindi siya makaimik dahil kanina pa naninikip ang dibdib niya.
Pilit niyang itinatago dito ang takot na kanina pa nararamdaman. Pero pakiramdam niya anumang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya.
Hindi niya akalaing sa maikling panahon ay muli silang magkikita ng lalaking iyon. Kung pwede nga lang umuwi na lang siya ay ginawa na niya. Ngunit, nakautang na siya kay Mrs. Enriquez at ayaw naman niyang ipahiya si Aling Perla dito.
Bukod doon, nahihinuha naman niyang mabait ang inang ito ni Henry. Hindi kagaya ng lalaki iyon na lagi yatang galit at parang pasan-pasan ang mundo.
**
Nang makapagpalit ng uniporme si Liana, mabilis ang kanyang mga kilos na nagtungo sa kusina. Hapunan na ng kanilang mga amo at ang sabi sa kanya ng mga kasama niyang sina Anji at Jam, dapat ay naroroon daw sila para madaling tawagan kung saka-sakali.
Naabutan niyang naghahayin na ang dalawa. Si Anji ang siyang pinaka-cook doon habang si Jam naman ang labandera. Hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito at parehong may mga pamilya na rin. Kaya’t nagulat ang mga ito ng malamang twenty-one pa lang siya.
Tinulungan niya ang mga ito at maya-maya pa, bumaba na ang mag-ina. Tahimik lang na naghapunan ang mga ito.
Kwento ng dalawa sadya daw ganoon ang mga ito. Mabait daw si Mrs. Enriquez at nuknukan naman daw ng sungit si Henry.
Pero salaysay ng pinakamatagal na doong si Jam, hindi naman daw ganoon si Henry dati. Katunayan nga daw ay napakabait nito.
Nang tanungin ni Anji kung anong nangyari, hindi na sumagot si Jam. Hindi na ito nag-detalye pa ng mga nangyari noon dahil personal na buhay daw ng amo nila ang pinag-uusapan nila.
Napaisip naman si Liana. Ano nga kayang nangyari noon na nakapagpabago kay Henry? Gwapo pa naman sana ito kaso hindi naman ito marunong ngumiti.
“Hoy!” panggugulat ni Anji sa kanya. “Ang lalim yata ng inisip mo d’yan,” anito.
Kiming ngumiti siya dito. “Wala naman,” aniya.
Mataman siya nitong tinitigan ng biglang dumating si Jam.
“Liana tawag ka ni Sir Henry,” anito na ikinawala ng kulay ng mukha niya.
Nagtatakang nagkatinginan ang dalawa ni Jam at Anji. Pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan siya.
“P-Pasensya na kayo… Medyo hindi pa ako sanay sa ganito, kaya madali akong kabahan.” Pagsisinungaling niya sa mga ito. “Bakit daw?” tanong pa niya kay Jam.
“Ewan ko… Hindi ko alam,” tugon nito kasabay ng pagkikibit-balikat.
Napabuntong-hininga siya. “Nasaan siya?” tanong niyang muli kay Jam.
“Nasa library. Puntahan mo na lang.”
Tumango siya dito at iniwan na sa kusina ang dalawa.
Mabagal ang mga naging paghakbang niya papunta sa library. Ang mga kamay na magkasag-op sa kanyang harapan ay nag-uumpisa ng mamawis. Kinakabahan siya ng todo. Ano kayang sasabihin nito sa kanya?
Matagal na sandali siyang tumayo sa harapan ng pintuan ng library ng marating iyon. Kumatok-dili siya doon. Ang kanyang dibdib ay tinatambol ng husto na halos hindi na siya makahinga pa.
“Huh! Kaya mo ‘to Liana,” bulong niya sa sarili kasabay ng sunod-sunod na paghugot ng hininga.
Tumitig muna siya sa nakasarang pinto bago kumatok doon.
“Come in.” Anang buong-buong tinig ni Henry.
Marahang pinihit ni Liana ang seradura at mabagal na ibinukas iyon. Nakita niyang nakaupo sa likuran ng lamesa si Henry habang may hawak na mga papel sa kamay nito at abala sa pagbabasa niyon.
“S-Sir… ipinatatawag niyo daw ho ako?” nauutal na tanong niya dito.
Nag-angat ito ng ulo. Pigil na pigil naman ni Liana ang kanyang paghinga habang nakatingin dito.
Tumayo si Henry at lumapit sa kanya. Nang nasa harap na niya ito ay bigla itong yumukod kaya’t mabilis niyang ipinikit ang mga mata.
Ilang segundo rin siya sa ganoong posisyon ng maramdaman ang kamay ni Henry na humawak din sa seradura na hindi pa rin pala niya binibitawan hanggang ng mga sandaling iyon. Mabilis nitong isinara ang pinto at pagkuwa’y bumalik muli sa lamesa.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at sinalubong iyon ng nang-uuyam na tingin ni Henry.
“Hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa akin Liana,” anito at pagak na tumawa.
Nanlalaki ang kanyang mga matang napatitig sa mukha nito. She wanted to shout at him kung hindi lang niya naalalang boss niya rin ito.
“Hindi ko alam ang sinasabi ninyo, Sir.” Pagdiriin niya sa huling salita.
Naging mabalasik ang anyo ni Henry. “Bilib din naman nga ako sa ‘yo. Nagbebenta ka ng laman pero parang ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo,” panunuya nito sa kanya.
Ikinuyom niya ang dalawang palad sa tagiliran. “Kung wala na ho kayong ibang sasabihin, babalik na ho ako sa trabaho.” Aniya sa maigting na tinig.
Lalong dumilim ang anyo ni Henry. “At sinong may sabi sa iyong tapos na akong magsalita? Hindi pa ako nag-uumpisa Liana,” aniya at tumayo. Lumakad itong muli papalapit sa kanya.
Napaatras si Liana sa may pintuan. Kakaiba ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Nag-aapoy iyon.
“Ayoko sa lahat ay ang pinangungunahan ako.” Anito sa nagngangalit na mga bagang. “Katulong ka lang dito kaya natural na sumunod ka sa mga ipinag-uutos sa ‘yo. At kung hindi pa kita dini-dismiss, ibig sabihin ‘non hindi pa ako tapos magsalita. Kaya huwag kang bastos.” Mariing wika nito.
Nakaramdam naman ng panliliit sa kanyang sarili si Liana dahil sa panlalait na iyon ni Henry. Kulang na lang sabihin nitong hampas-lupa siya na walang karapatang tumanggi dito.
Blangko ang mga matang sinalubong niya ang mga tingin nito. Walang mangyayari kung makikipagmatigasan siya dito, dahil siya lang ang talo sa huli.
“Ano pa ho bang sasabihin ninyo?” tanong niya dito.
Namulsa muna ito bago sumagot. “I have rules here at gustong kong malaman mo iyon. Una, ayokong nakakarinig ng ingay kapag naririto ako sa bahay. I am still working when I am here. Pangalawa, I don’t take no as an answer. Kung ano ang sinabi ko iyon ang susundin mo. At pangatlo, bawal ang kahit na sino na pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot mula sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?” mahabang wika nito.
Tumango naman si Liana.
“Pinagbigyan ko lang si Mama kanina, pero ito ang i*****k mo d'yan sa isip mo…” anito at pinakatitigan siyang mabuti. “Marunong akong maningil. And you only have one chance, Liana. Kapag nagkamali kang muli, you’ll be out of my house.”
At pagkasabi noon ay tinalikuran na siya nito at muling binalikan ang ginagawa kanina. Ni hindi na nito nilingon ang namumutlang si Liana.
Laglag ang mga balikat ng dalaga na lumabas ng silid na iyon. Hindi na niya napansin ang paghabol ni Henry ng kakaibang tingin sa kanya.
Magda-dalawang linggo pa lamang si Liana sa mga Enriquez, pero parang limang na taon na ang itinanda niya because of Henry. Bukod sa pagod at puyat, konsumisyon din niya ang lalaki.May araw na uutusan siya nitong magplantsa ng kung ano-ano kahit hindi naman niya iyon trabaho. O di kaya naman ay ipalilinis nito sa kanya ang lahat ng tatlong kotse nito ng sabay-sabay kahit malilinis naman ang mga iyon.Minsan, napapansin niyang sinasadya talaga nitong gawin iyon. Pero hindi siya nagrereklamo. Ipinapakita niya ditong hindi siya ang taong basta-basta na lang sumusuko.Gaya ng gabing iyon. Henry was going to swim ng tawagin siya nito.“Liana! Liana!” ang malakas na tawag nito kasabay ng mabibigat nitong mga yabag papuntang kusina. Naabutan siya doon ni Henry na naghahapunan kasabay nina Anji at Jam.“Liana kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka sumasagot?” salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.Napatigil sila sa pagkukwentuhan ng makita ito. Mabilis niya itong nilapitan kahit hi
Tila ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana. Hindi siya makagalaw ni makapagsalita. Nakikita niyang nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Henry, kaya’t mas lalo siyang kinabahan. Hindi siya makatingin ng deretso dito. Niyuko niya ang larawan at pira-pirasong bubog sa kanyang may paanan. Akmang dadamputin niya iyon ng inilang hakbang lang ni Henry ang pagitan nila at hinaklit siya nito sa braso. Kaagad siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto nito dere-deretso pababa. “S-Sir… Henry… nasasaktan ho ako…” aniya sa nanginginig na tinig. Pilit niyang binabawi ang braso dito ngunit hindi iyon makahulagpos sa pagkakakapit ni Henry. Tikom ang mga labing tuloy-tuloy lang ito sa pagkaladkad sa kanya hanggang sa may gate. Nagtataka namang sinundan sila ni Mrs. Enriquez na nasa sala ng mga oras na iyon. “Henry ano bang nangyayari?” nag-aalalang tanong nito ng makita ang takot na nakalarawan sa mukha ni Liana habang pilit pa ring pinakakawalan ang sariling braso sa kamay ng anak. “My goodness
“Doctor Guillermo kamusta po ang kapatid ko?” Matinding pag-aalalang tanong ni Liana sa doctor ng kapatid ng lumabas ito sa ICU.Umiling ang doktor pagkatapos ay inalis nito ang suot na mask. “I already told you Liana… only operation can saved your brother.” Deretsong sagot nito.“Pero, Doc, hindi pa naman ganoon kalala ang tumor niya ‘di ba?” takot na takot ng tanong niya dito.Malaking pera ang kakailanganin sa operasyon ng kapatid at wala pa siyang ganoong kalaking halaga. Idagdag pang nawalan siya ngayon ng trabaho.“Yes… But it was pressing on his optic nerve. At hindi maglalaon baka mawalan ng paningin ang kapatid mo. And there will be a lot of severe headaches from time to time na baka hindi kayanin ni Lester ‘pag nagkataon.”Nakagat ni Liana ang kanyang labi sabay haplos sa kanyang noo. Ano bang gagawin niya?“I’m sorry, Liana. Wala tayong ibang option kundi ang operasyon. Sabihan mo na lang ako kapag ready ka na,” anang doctor sa kanya sabay tapik sa balikat niya at nagpaalam
“Mabuti naman at hindi na ngayon nagsusungit sa ‘yo si Sir Henry. Noon, parang makita ka lang niya, kumukulo na agad ang dugo niya sa ‘yo,” komento ni Anji ng kumakain sila ng almusal.“Oo nga Liana…” sang-ayon naman ni Jam. “Pansin ko rin ‘yan kay Sir. Wala ka namang ginagawang masama sa kanya o kaya sa trabaho, pero nuknukan sa pagkasungit at laging nakakunot ang noo. Parang sinasadya niya na rin minsan at parang may pinag-uugatan. Pero ‘di ba dito mo lang naman siya nakilala? Eh… ang bait-bait mo kaya. Napakamapagmahal mo pang kapatid at anak.”Kiming ngumiti siya sa mga ito. Pahapyaw niyang naikwento sa dalawa ang buhay niya pero hindi niya nababangggit sa mga ito ang tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Henry. Ayaw niyang mahaluan ng malisya ang pagtatrabaho niya doon.“Kung ‘di ko lang talaga nakilala noon si Sir, iisipin ko na lang na may gusto siya sa ‘yo,” sabi pa ni Jam na ikinaubo niya. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Anji.“Ano ka ba naman Jam? Paano mo naman nasabin
“How are you, Pare?” tanong ng kaibigan niyang si Fred ng puntahan siya nito sa hotel nang araw na iyon. May event itong dinaluhan na sa hotel niya mismo ginanap kaya dumaan ito sa opisina niya.Nangunot ang noo ni Henry. “What kind of question is that? Of course, I’m fine.” Tugon niya at muling binalingan ang mga papeles sa ibabaw ng kanyang lamesa.Napailing naman si Fred. “These past few days lagi ka na lang nagte-take pass sa mga lakad natin. Baka naman lumalamig na ang s*x life mo... Hindi kaya?” nagbibirong tanong nito.Lalong nagusot ang mukha niya sa sinabing iyon ni Fred. “Of course not!” mariing tanggi niya.Malakas na tumawa ang kanyang kaibigan. “But kidding aside, Pare… let’s hangout tonight. My treat. How about that?”“Nah… Count me out,” tinatamad na wika niya sabay sandal sa kanyang swivel chair.Tumayo si Fred at sa pagtataka niya ay nilapitan siya nito at pakunwang idinantay ang palad sa kanyang noo.“You’re not sick para tumanggi,” anito at naupong muli. “You alread
“Ano? Tama ba ako? You have the same feelings as mine. Bakit ba nagpapakipot ka pa?” pukaw ni Henry sa kanyang pag-iisip.Natauhan naman si Liana. Pumiksi siya upang makawala sa pagkakahawak nito. Bahagya siyang umatras at naniningkit ang mga matang tinitigan niya ito.“Kung kayo lang din,” aniya at hinagod ito ng tingin. Kung insultuhan lang din ang gusto nito, ibibigay niya.Nag-isang linya naman ang mga kilay ni Henry. “Why don’t you continue what you were saying?” anito. Naglagutukan pa ang mga bagang nito sa igting ng pagkakasabi niyon.Umismid si Liana. “Kung kayo lang din… huwag na lang. Kahit kayo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo.” Tugon niya at muli itong hinagod ng tingin. Nagtagal ang mga mata niya sa may pagitan ng hita nito na hindi niya alam kung bakit ng mga oras na iyon ay tila unti-unting nagkakaroon ng buhay.Mabilis niyang iniiwas doon ang tingin and looked Henry in the eyes. Namumula naman ang mukha nitong tinitigan siya. Kulang na lang ay saktan siya nito sa
Parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana at hindi makagalaw. She’s panicking inside.Nang makita niyang tumayo si Henry, akala niya ay pupuntahan siya nito. Pero nagkakamali siya.Henry just stood up to lay the woman on the cold floor. And before Henry entered on the woman’s body, nilingon muna siya nito at isang pilyong ngiti ang pinakawalan.The woman moans so loud when Henry started to move on top of her.Pinanginigan naman ng laman si Liana. Pakiramdam niya pawis na pawis siya ng mga sandaling iyon. At nahinuha niyang wala sa bokabularyo ni Henry ang tumigil sa ginagawa nito. And he’s doing it to tease her!Nanginginig ang mga kamay na muli niyang pinindot ang close button ng elevator. And before it closes, nakita pa niya ang nag-aapoy na tingin ni Henry habang titig na titig sa kanya while making up on that woman.Sunod-sunod siyang lumunok ng sumara ang elevator. Para siyang pangangapusan ng hininga at tila uhaw na uhaw.May pakiramdam siyang may kakaibang damdaming pinuk
Marami pang natuklasan si Liana tungkol sa totoong pagkatao ni Henry, because Mrs. Enriquez never stops talking about her son.Kung hindi nga lang siguro sila nagkakilala sa ganoong sitwasyon noon ni Henry, may palagay siyang magiging iba ang pakikitungo nito sa kanya. However, she cannot turned back the clock. Nangyari na iyon at hindi na magbabago pa ang uri ng pagtingin nito sa kanya.She will always be a wh*re on his eyes.Paglabas nila sa supermarket ay kaagad silang tinulungan ni Henry sa kanilang mga pinamili. He put everything at the back of his car. Manaka-naka’y sinusulyapan ito ni Liana.She really can’t believe na may iba pang katauhan si Henry bukod sa ipinapakita nito sa kanya. And somehow, nahiling niya na lang na sana ibalik na lang nito iyon.Hindi naman kasi bagay dito ang magsungit. Pero kahit na masungit ito at laging magkasalubong ang mga kilay, gwapo pa rin naman ito.Nangiti si Liana sa sarili.“Why are you smiling?” kunot-noong tanong ni Henry sa kanya na hindi
Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil
Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan
Liana took a leave para sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Henry. Napagdesisyunan nilang magpakasal na sa susunod na buwan kaya ang lahat ay abala na.Tuwang-tuwa ang Mama Helga nila at si Nanay Perla sa desisyon nilang iyon. Hindi na daw kasi makapaghintay ang mga ito na masundan na si Leyra, and Mama Helga demanded to them to make her a lot of grandchildren na ikinatawa nila nang husto ni Henry. Nag-iisang anak kasi si Henry kaya gusto nito ng maraming apo habang kaya pa daw nitong mag-alaga.Nang araw na iyon ay nagpunta sila ni Leyra sa boutique na gagawa ng gowns nilang mag-ina. Hindi nila kasama si Henry dahil may inaasikaso itong iba pang detalye ng kasal nila. Hinati talaga nilang dalawa ang pag-iintindi sa nalalapit nilang kasal upang mas lalong mapabilis iyon.“Ang cute naman po ng anak ninyo Madam,” anang bading na nagsusukat sa kanila.Nginitian naman ito ni Leyra ng pagkatamis-tamis. Her daughter knows how to appreciate people’s admiration to her.“Ay! Diyos ko!” palatak pa
“San tayo punta Daddy?” tanong ni Leyra habang buhat-buhat niya ito. Nasa hotel sila at naiwan pa sa sasakyan si Liana dahil may kausap pa ito sa telepono.He wanted to show Leyra his office that day kaya naisipan niyang isama ang kanyang mag-ina sa doon.“Daddy will going to show you his office. Di ba you wanted to see it?” masuyong tanong niya sa anak.“Opo,” anito kasabay ng sunod-sunod na pagtango.“You’ll gonna see it today, that’s why I brought you and Mommy here,” he said while smiling.“Talaga, Daddy?” tila hindi naman makapaniwalang tanong nito. Namimilog pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Mabilis naman siyang tumango and Leyra couldn’t hide her excitement. Hinayon ng mga mata nito ang itutok ng hotel hanggang sa magkandabali na ang leeg nito.“Taas naman Daddy. Di ko na makita dulo, sakit na leeg ko,” tila nagrereklamong saad nito.Natatawang hinimas naman niya ang batok nito na ikinahagikhik nito dahil may kiliti ito doon.“Stop, Daddy!” nagpupumiglas na wika nito k
“Hi? Is Leyra sleeping?” mahinang tanong ni Henry ng sumungaw ito sa pintuan ng kwarto ni Leyra.Nilaanan talaga ito ng mama ni Henry ng sariling silid sa mansyon. Pinuno nito iyon ng kung ano-anong laruan na ikinatuwa nang husto ng kanilang anak.Marahan siyang tumango sa binata. “Why?” paanas na tanong niya dito at maingat na tumayo.Maingat ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki. “Just checking,” anito sabay kibit-balikat.Tinitigan nito ang kanilang anak na himbing ng natutulog.Ginaya naman niya ang lalaki.“Liana…” anito pamaya-maya.“Hmmm?” tugon niya ng hindi ito nililingon.“Thank you,” malambing na turan nito na ikinalingon niya dito. Siya na pala ang pinagmamasdan nito at hindi ang anak nila.She smiled.“You don’t have to mention it,” aniya.“No… I’d rather choose saying it than keeping them on myself. As much as possible, gusto kong ipakita sa ‘yo na nagbago na talaga ako…”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam ko naman that you’re doing your best para buma
“Really?”“Yes, Mama! She said yes to me!” masayang kwento niya sa ina habang nasa silid siya ng kanyang mag-ina. Kaagad niya itong tinawagan upang ibalita ang mga nangyari kanina.“Oh, that’s great!” palatak ni Helga sa kabilang linya. “So, kailan ang kasal? May napili na ba kayong date? Dito ba gaganapin o d’yan kina Liana?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mas excited pa ito sa kanilang dalawa ni Liana. Napailing naman siya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Siguro one of these days malalaman mo iyon,” tugon niya.“Of course! Hindi ko naman hahayaang mahuli ako sa balita. Kaya dapat sabihin mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo,” anito na kahit hindi niya kaharap ay alam niyang nakataas ang mga kilay.Napangiti naman siya. “Yes, Mama. I’ll do that,” aniya.“By the way how’s my apo? Is Leyra alright? Anong reaksyon niya ng sabihin ninyong magpapakasal na kayo?” pag-uusisa nito.“Hay naku, Mama! Matatawa ka sa kanya. Kung nakita mo lang kung paano n
Dahan-dahang hinapit ni Henry si Liana palapit sa sarili and embraced her so tight.Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya sa kanyang puso.Liana loves him! Iyon ang nagtutumining sa isip niya ng mga sandaling iyon.Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito… Kaytagal niyang hinintay na marinig mula dito na sabihing mahal din siya nito. And God knows how happy he is right at this moment.“I never like hurting you, Liana… noon at ngayon…” panimula niya habang masuyong hinahaplos ang likod nito. “I know I was a fool back then. Hinayaan kitang mawala sa akin and it was too late when I realized that I cannot live without you… that I’ll die if I can’t see you… Kaya ipinahanap kita. Hinalughog ko ang buong Maynila para lang makita ka ngunit bigo ako. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Sisihin sa lahat ng nangyari sa atin. Masyado akong nagpadala noon sa galit at selos na nararamdaman ko at hindi ko naisip na aalis ka na lang bigla at
“Mommy pede hilam phone?” tanong ni Leyra sa kanya ng lapitan siya nito habang nanonood siya ng tv.Kunot-noong sinulyapan niya ang anak.“Bakit Baby, sino ang tatawagan mo?” tanong niya dito.“Tawag po ako kay Daddy. Di s’ya tawag ngayon sa ‘kin, eh…” tila nagsusumbong na tugon niya.Napahugot naman siya ng malalim na hininga at hinarap ang anak.“Baka may ginagawa lang si Daddy ngayon kaya hindi ka niya natawagan,” paliwanag n’ya dito.“Eh sabi n’ya po tawag ako sa kanya kapag namimiss ko siya. Miss ko na s’ya Mommy,” katwiran pa nito.Ako rin. Miss ko na rin ang ama mo. Mabilis na tugon ng kanyang isip pero hindi niya iyon isinatinig.“Gusto mo text na lang muna natin siya?” sa halip ay tanong niya rito.“No,” kaagad na sagot nito kasabay ng pag-iling. “Gusto ko tawag,” nanghahaba na ang ngusong dagdag pa nito.“Leyra… what did Mommy told you about your Dad?” malumanay na tanong niya dito.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging masusunod ang gusto ng kanyang anak. Kailanga
Pagkatapos nilang mag-agahan ay mabilis na naligo si Liana at naghanda na papasok ng opisina. Paglabas niyang muli sa sala ay bihis na rin ang mag-ama.Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.“May lakad ba kayo?” tanong niya sa dalawa.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti sa kanya.“Hatid ka namin sa office mo po, Mommy.” Si Leyra ang sumagot.Nakataas ang mga kilay na nilingon niya si Henry.Nagkibit-balikat naman ito. “Request n’ya talaga iyon,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang anak.“Di po ba pede?” inosenteng tanong ni Leyra sa kanya. Bigla ay naging malungkot ang itsura nito na ikinatawa naman niya.“Of course, not!” aniya na nagpingiti ng muli sa anak nila. Tuwang-tuwa kumapit ito sa tig-isang kamay nila at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.“’Nay tuloy na ho ako,” pamamaalam n’ya dito pagkatapos ay nagmano. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga tanim nito sa harapan.“Sige… Mag-iingat kayo,” anito na bahagya lang silang nilingon at ipinagpatuloy na ang g