Share

Chapter 04

Author: caolliflwr
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nagising ako bandang alas nwebe ng umaga. Pagkagising ko nga, una kong hinanap si Mireille, pero natigilan rin naman ako kaagad nang mapagtanto kong wala na nga pala siya rito.

Hindi ako kaagad bumangon sa couch. Nagtagal pa siguro ako roon ng halos kalahating oras dahil hindi ko naman alam kung anong sunod kong gagawin, o kung saan ako pupunta.

Wala naman akong trabaho sa ngayon dahil hindi pa ako tinatawagan sa Midnight Lounge Bar. Hindi naman ako makapunta ng casino dahil kagabi ko lang rin nalaman na na-cut na lahat ng atm ko. Ni wala ring iniwan na cash si Mireille kaya wala akong kapera-pera ngayon. Pasalamat na nga lang ako na hindi niya binawi saʼkin ang kotse at hindi niya ako pinalayas dito sa bahay namin.

Kung tutuusin, ako dapat ang umalis at hindi siya dahil siya naman lahat ang nagpundar nito. Wala akong naiambag ni piso sa pagpapatayo niya nitong bahay namin. Si Mireille ang halos sumuporta sa aming dalawa habang wala akong ginawa kung hindi ang magpakasasa sa pera niya.

“Ganʼyan ba talaga kapag broken, malayo ang iniisip?” rinig kong turan ni Lionel dahilan para bumalik ang isip ko sa reyalidad.

Dahil nga wala akong magawa magmula pa kanina, nagdesisyon na lang akong pumunta sa bahay ni Lionel, isa sa mga kaibigan ko. Plano ko sanang tumambay lang pero mukhang nakikiaayon sa akin ang tadhana, naabutan ko silang nag-i-inuman. Nag-ce-celebrate daw sila dahil hiniwalayan si Jm noʼng girlfriend niya. Nahuli raw kasi siyang may kahalikan sa bar kagabi.

“Sinong broken? Si Jm? Kailan pa naging broken ang babaerong 'yan?” natatawang tanong ko. Ibinaling ko pa ang tingin kay Jm na kasalukuyang nakasubsob ang mukha sa mesa, mukhang bagsak na.

“T nginamo, ikaw,” sagot ni Lionel saka ako tinawanan.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong sinasabi na kahit na anong tungkol saʼmin ni Mireille kaya nagulat ako.

“Bakit naman ako ma-bo-broken e 'di naman ako babaero gaya niyo,” pang-aasar ko sa kanya. Mukha ngang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kaya tinawanan niya rin ako saka siya umiling.

“Alam na namin, hindi mo na kailangang itago,” muli niyang sambit dahilan para matigilan ako.

Bigla akong napalagok ako ng gin ng wala sa oras. Full shot 'yon. Ni hindi ko ininda ang pait na nalasahan ko dahil sa sinabi ni Lionel.

Paano niya nalaman gayong wala naman akong kinukwento sa kanya? Ni minsan, hindi ko nabanggit sa kanila na nagkakalabuan na kami ni Mireille. Isa pa, ang mga bagay na ganoʼn, dapat pribado na lang. Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon namin kung merong makikisawsaw.

“Nagkausap kami ni Kofi kagabi kasi nagpunta ako roʼn sa bar. Inaya kasi ako nitong si Jm. Mag-iinom daw kami. Ayon, nakita ko si Kofi tapos nakwento niya saʼkin na nanggaling ka rin doʼn. Nagpakalasing ka raw tapos paulit-ulit mong sinasabi sa kanya na maghihiwalay na kayo ni Mireille. Hindi ko na kasi nakausap ng maayos 'tong si Jm kasi may kahalikan na ang g gong 'to kagabi,” tumawa pa siya pagkatapos niyang magkwento. Sinilip niya pa si Jm na bagsak pa rin ang itsura dahil nga lasing na.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lionel saka ako muling lumagok ng gin. Ayokong pag-usapan ang mga ganʼyang bagay. Pinipilit kong huwag mapag-usapan ang tungkol saʼmin ni Mireille dahil baka hindi ako makapagtimpi at bumigay ako bigla.

“Anong desisyon mo, pʼre? Papayag ka na talagang maghiwalay kayo?” muli niyang tanong.

“Bakit hindi e 'yon naman ang gusto niya,” wala sa sarili kong sagot. Nilagok ko ang gin sa ikatlong pagkakataon. Nagpanggap ako na hindi ko nalasahan ang pait kahit pa halos gumuhit na ito sa lalamunan ko.

Sa totoo lang, gusto kong sabihin kay Lionel na hindi ako payag sa desisyon ni Mireille but I know my friend. He will surely laugh at me dahil hindi uso sa kanya ang magseryoso. Noʼng sinabi ko nga sa kanya dati na balak kong pakasalan si Mireille, tinawanan niya ako. Ikwento ko raw sa pagong at baka 'yon daw, maniwala saʼkin.

“Sabagay, mas okay nga siguro kung maghiwalay na kayo noʼn. Ang sama naman ng ugali noʼn, e. Ang taas pa ng tingin sa sarili.” Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Lionel. Alam ko namang g go talaga siya dati pa pero hindi ko naman akalain na magsasabi siya ng ganʼyang bagay sa asawa ko.

“Mataas naman talaga si Mireille. Napakatino niyang babae,” seryosong sagot ko. “Pʼre, alam kong hindi siya ayos sainyo dahil meron kayong alitan pero alang-alang naman sana saʼkin, huwag niyong pagsalitaan ng ganʼyan ang asawa ko.”

“Maghihiwalay na rin naman kayo, 'di ba? Saka bakit mo ba siya pinagtatanggol e totoo naman na masama ang ugali niya. Kung tingnan niya kami para bang hinuhusgahan niya ang pagkatao namin, lalo na saʼmin ni Jm na kesyo bad influence daw kami saʼyo,” lakas-loob niyang sagot. Kita kong napipikon na siya pero sinusubukan niyang magsalita pa rin ng maayos. “Ang tagal naming pinakisamahan si Mireille, pʼre. Kahit pa halos hindi namin masabayan ang trip niya, hindi na lang kami umiimik. Syempre sa kanya ka masaya kaya sinuportahan ka namin pero, pʼre, huwag na nating ideny. Totoo namang masama ang ugali niyang asawa mo.”

“Tumigil ka na, Lionel,” mahinahon ang pagkakasabi ko noʼn sa kanya kahit pa parang gusto ko na siyang bugbugin. Pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko sa kabila ng masasamang bagay na sinabi niya kay Mireille.

“Nagsasabi lang ako ng totoo, pʼre. Hindi kasi talaga namin ma-gets kung bakit inis na inis saʼmin ang asawa mo. Wala naman kaming ginagawa sa kanya pero kung pagbawalan kang sumama saʼmin, wagas. Kulang na lang, sabihin niya saʼyo na lumayo ka na saʼmin, e.” Kinuha saʼkin ni Lionel ang baso saʼkin saka nagsalin ng gin dito. Pagkapos noʼn ay diretso niya itong nilagok. “Hindi na ako magugulat kung isang araw, papiliin ka na niya kung siya ba o kami, pero syempre, alam ko naman na kami ang pipiliin mo.”

Hindi ako na ako nagsalita. Ayokong magtalo pa kami kaya hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Ibinaling ko ang tingin kay Jm na mukhang tulog na yata. Kanina pa ganʼyan ang posisyon niya, e. Si Ethan naman, hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon. Kanina, nagpaalam 'yon na may kukunin lang pero mag-i-isang oras na, wala pa rin. Tinakasan na yata kami.

“Wala pa si Ethan? T nginang 'yon, tumakas na 'yon panigurado,” pasimple akong tumawa para maiba ang usapan namin.

Mabuti na lang at hindi na siya humirit. Matapos kong tanungin sa kanya kung nasaan si Ethan, sinabi niya saʼkin na baka hindi na nga talaga 'yon babalik. Nabaling na ng tuluyan ang atensyon niya sa kaibigan namin na tinakasan kami. Dahil nga bagsak na rin 'tong si Jm, inalalayan na namin siya papasok sa loob.

“Pot ngina mo, Jm, ang bigat mo!” Halos matumba si Lionel nang ibagsak namin siya sa sofa. Pagkatapos noʼn, nagtawanan kami dahil hindi namin siya naihiga ng maayos. Halos sumubsob ang mukha niya sa sofa.

“Hayaan mo na 'yan diyan. Kaya niya na ang sarili niya. Iinom-inom siya, e,” natatawa ko namang turan saka ako naglakad pabalik sa labas kung saan kami uminom kanina.

Mukhang hindi na ako sinundan ni Lionel kasi bigla siyang tinawag ng mama niya. Inuutusan yata siya na kumutan si Jm at kuhanan ng unan.

Nang marinig kong tinawag siya, nauna na ako sa labas at naupo doon. Tiningnan ko kung meron pang natirang inumin. Natawa na lang ako nang makitang wala ng halos natira. Nasimot pala namin ang walong bote ng gin pero nakapagtatakang hindi man lang ako tinamaan.

“May lighter ka?”

Napalingon ako mula sa likod ng makita ko si Ethan. Heʼs holding a pack of cigarette. Nakangiti pa ng abot tenga ang g go habang tumatabi sa pwesto ko.

“Aba, bumili ng isang kaha,” turan ko sabay kapkap ko ng bulsa para kuhanin ang lighter na hinihingi niya. “O, pangsindi mo.”

“Salamat, pʼre.” Kaagad niyang sinindihan ang sigarilyo saka wala sa sariling bumuga ng hangin.

Kumuha rin ako at nagsindi, “Bakit mo kami tinakasan? Ang daya mo talaga, inubos mo lang 'yong pulutan.” Saglit akong tumawa. Pagkatapos noʼn ay humithit ako ng sigarilyo at ibinuga ang usok nito. Sa isang iglap, parang nabura ang maraming bagay na gumugulo sa isip ko. I temporarily forgot about how miserable my life is. Kahit pansamantala, pakiramdam ko, nakatakas ako sa problema.

Ang yosi ang tanging naging kakampi ko. Matinding ginhawa ang ibinibigay nito saʼkin sa puntong ito na ang naging bisyo ko. Hithit dito, buga roon. Totoo nga talagang mahirap ng mapigilan kapag nasimulan na.

Dati kasi, gusto ko lang tumesting dahil halos lahat ng tropa ko, nakikita kong naninigarilyo. Sinubukan ko agad nang alukin nila ako. Naubo pa ako noʼng una. Parang dumiretso sa baga ko 'yong usok. 'Yong sabi kong tetesting lang, nasundan ng isa pa. Ang sabi ko, last na lang pero 'yong last na 'yon, nasundan ng maraming beses hanggang sa naadik ako. Hindi na nawala ang paninigarilyo sa sistema ko sa puntong nakakailang stick ako kada araw.

“Kapag nakita ka na naman ni Mireille na naninigarilyo, magagalit na naman 'yon.” Napatingin ako bigla kay Ethan nang marinig ko ang sinambit niya.

I simply laughed. Nagkibit-balikat lang ako sa narinig. Mireille is not here anyway. Malaya akong magagawa lahat ng gusto ko. Isa pa, kailangan ko talaga ng yosi ngayon. Ang dami kong iniisip at pakiramdam ko, mabibiyak na ang ulo ko kakaisip kung ano bang gagawin ko sa sitwasyon namin.

“Wala naman siya, hayaan mo na,” tipid kong sagot. Pagkatapos noʼn ay muli akong humithit ng sigarilyo at ibinuga ang usok nito. Nakatingin lang ako sa kawalan, tila blangko ang isip.

“Totoo ba 'yong nasagap kong balita na maghihiwalay na kayo ni Mireille?” Muli akong napatingin kay Ethan sa tanong niya. Pagkatapos noʼn, kumibit-balikat ako ulit.

I donʼt want to talk about her. I was never open to my friends when it comes to Mireille. Kapag may problema kami ng asawa ko, hindi 'yon nakakalabas at palaging sa aming dalawa lang. Magyoyosi na lang ako noʼn, aayain ang tropa na uminom o di naman kaya, magsusugal kami.

Nasanay akong nililibang ang sarili sa kahit anong bagay, 'wag ko lang maisip ang problema. Hindi ako sanay na pag-usapan kasi hindi talaga ako sanay sa ganoʼn. Ayoko ng drama. Isa pa, mas naniniwala akong problema ang dapat na mamroblema sa akin at hindi ako.

“Alam ko namang hindi ka talaga palakwento, pʼre, pero baka naman gusto mong pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Mireille. Parang biglaan kasi masyado ang paghihiwalay niyo. Ayos naman kayo, ah.” Tinawanan ko si Ethan sa sinabi niya. Pagkatapos ay muli akong humithit ng sigarilyo. Mabigat ang naging pagbuga ko ng hangin sa hindi ko malamang dahilan.

“Akala ko nga rin ayos kami,” wala sa sarili kong sabi. I kept looking at the ground. Right now, I feel so empty but Iʼm full of sadness. I never thought that this once upon a time with Mireille suddenly turns into a nightmare.

Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Napapaisip ako. Ni wala akong masabi dahil ang buong akala ko talaga, ayos kami. All this time, Iʼm the only one whoʼs happy. Matagal na pala siyang hindi masaya sa relasyon namin pero wala siyang imik. Hindi niya kayang sabihin ang lahat kaya paunti-unti niya na lang pinaramdam saʼkin. Ang sakit, para akong pinapatay sa ginagawa niyang 'yon.

“Siya ba ang nakipaghiwalay?” tanong ni Ethan kaya agad naman akong tumango.

Muli akong humithit ng sigarilyo saka ibinuga ang usok nito. Tinapon ko rin naman agad nang mapansin kong ubos na. Kukuha sana ako ng panibagong stick kaya lang, naitago na yata ni Ethan 'yong kaha.

“Ano daw bang rason?” tanong niya sa pangalawang pagkakataon.

Nagkibit-balikat na lang ako, “Ewan. 'Di niya naman sinabi. Hindi ko na rin naman pinilit na alamin.”

Tumayo na ako ng upuan para sana bumalik sa loob. Napansin ko kasing hindi na sumunod saʼmin si Lionel. Isa pa, balak kong magpunta muna sa loob para hindi na ako tanungin pa ng tanungin ni Ethan. Ayoko kasi talagang pag-usapan amg tungkol saʼmin ni Mireille. Hanggaʼt kaya ko, pipilitin kong iwasan na mapag-usapan ang tungkol sa problema namin.

“Doʼn muna ako sa loob, pʼre. Hindi na kasi lumabas si Lionel, nakalimutan na yata tayong balikan,” wala sa sarili kong tugon. Hindi ko na hinintay ang sagot niya, kusa na akong naglakad pabalik sa loob pero natigilan lang rin ako kaagad nang magsalita siya.

“Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sainyo ni Mireille, pʼre,” rinig kong sabi niya kaya natigilan ako sa paglalakad.

Hindi ako lumingon. Pinakinggan ko lang siya sa mga balak niyang sabihin. Bihira kasi magseryoso si Ethan. Kapag bigla siyang nagseryoso sa mga sinasabi niya, kahit na sino, talagang biglang makikinig. May laman kasi lagi at marami kang matututunan.

“Baka naman may malalim na rason si Mireille kaya ka niya gustong hiwalayan,” muli niyang turan na naging dahilan para mas gumulo ang isip ko.

Ano namang rason niya? Dahil ba hindi niya na ako mahal? Napagod na ba siya sa sitwasyon namin? May iba na ba siya?

T ngina, ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung anong mali saʼkin o kung saan ako nagkulang. Pwede niya namang sabihin, e. Para namang hindi niya ako asawa. Kung ano man ang rason niya, maiintindihan ko. Kung sakali mang hindi ko maintindihan, pipilitin kong intindihin.

“Ang babae kasi, pʼre, sobrang mapang-unawa sa lahat ng bagay. Nakikita ko naman sa relasyon niyo na sinusuportahan ka ni Mireille. Baka lang talaga may nagawa ka na ikinapuno niya pero alam ko, nakikita ko naman na mahal ka ng asawa mo. Hindi ka naman niya pakakasalan kung hindi. Baka meron lang gumugulo sa isip niya na hindi niya masabi saʼyo.”

Related chapters

  • Vows of Unfortunate   Chapter 05

    Hindi ko alam kung anong biglang pumasok sa isip ko at nagpunta ako rito sa opisina ni Mireille. Alam kong ayaw niya akong kausapin. Ni ayaw niya akong makita kaya nga siya nagdesisyong umuwi sa kanila kaya lang, noʼng marinig ko ang mga sinabi ni Ethan, napaisip ako ng sobra. Sobrang gumulo ang isip ko sa puntong kusa akong dinala ng mga paa ko rito.I badly want to talk to her. Kung totoo man na may nagawa ako, gusto kong alamin kung ano 'yon. Kung totoong mahal pa rin ako ni Mireille, I will do everything for her to forgive me. Hindi ako papayag na tuluyan siyang mawala saʼkin.“O, Sir Eero! Napadalaw ho kayo rito?” masiglang tanong saʼkin ng guard noong makita akong paparating. “Bibisitahin mo si Maʼam Mireille ano?”I smiled awkwardly. Napahawak pa ako sa batok saka parang tanga na tumango, “Nandiyan ba siya?”“Ay, opo, Sir! Kakarating nga lang ni Maʼam Mireille. Mukhang nag-lunch sila ni Sir Jajel,” diretsong sagot naman ni Manong Bert.Nawala bigla ang ngiti ko dahil sa sinabi

    Last Updated : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

    Last Updated : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 02

    “T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati nam

    Last Updated : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 03

    “I swear, Iʼm not going to escape! Babayaran ko naman talaga siya kung hinayaan niya lang akong mag-withdraw muna ng pera!” paulit-ulit ko 'yong ipinapaliwanag sa mga pulis but they didnʼt believe me. Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang tatakasan ko si manong lalo pa at naamoy nila ang alak sa bibig ko. Mas lalo pa tuloy bumigat ang kasong kinakaharap ko dahil lasing daw ako habang nag-da-drive. They told me that I need to spend the whole night here kung walang magpapiyansa saʼkin. Kailangan ko rin daw mabayaran 'yong driver ng truck na nabangga ko para hindi na matuloy ang kasong sinasampa saʼkin.“Tinawagan na namin ang asawa mo. Papunta na rin naman siya,” iyon lang ang sinagot ng pulis at pagkatapos noʼn, iniwanan na nila ako dito sa kulungan.Tinawag ko pa sila ng tinawag pero hindi na ako pinansin. Nang mapagod ako kakatawag sa kanila, padabog na lang ako umupo sa sulok ng kulungan at pinagmasdan ang iba pang nandoʼn. Nakatingin rin sila saʼkin at parang kinikilatis ako.“Mu

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Vows of Unfortunate   Chapter 05

    Hindi ko alam kung anong biglang pumasok sa isip ko at nagpunta ako rito sa opisina ni Mireille. Alam kong ayaw niya akong kausapin. Ni ayaw niya akong makita kaya nga siya nagdesisyong umuwi sa kanila kaya lang, noʼng marinig ko ang mga sinabi ni Ethan, napaisip ako ng sobra. Sobrang gumulo ang isip ko sa puntong kusa akong dinala ng mga paa ko rito.I badly want to talk to her. Kung totoo man na may nagawa ako, gusto kong alamin kung ano 'yon. Kung totoong mahal pa rin ako ni Mireille, I will do everything for her to forgive me. Hindi ako papayag na tuluyan siyang mawala saʼkin.“O, Sir Eero! Napadalaw ho kayo rito?” masiglang tanong saʼkin ng guard noong makita akong paparating. “Bibisitahin mo si Maʼam Mireille ano?”I smiled awkwardly. Napahawak pa ako sa batok saka parang tanga na tumango, “Nandiyan ba siya?”“Ay, opo, Sir! Kakarating nga lang ni Maʼam Mireille. Mukhang nag-lunch sila ni Sir Jajel,” diretsong sagot naman ni Manong Bert.Nawala bigla ang ngiti ko dahil sa sinabi

  • Vows of Unfortunate   Chapter 04

    Nagising ako bandang alas nwebe ng umaga. Pagkagising ko nga, una kong hinanap si Mireille, pero natigilan rin naman ako kaagad nang mapagtanto kong wala na nga pala siya rito.Hindi ako kaagad bumangon sa couch. Nagtagal pa siguro ako roon ng halos kalahating oras dahil hindi ko naman alam kung anong sunod kong gagawin, o kung saan ako pupunta.Wala naman akong trabaho sa ngayon dahil hindi pa ako tinatawagan sa Midnight Lounge Bar. Hindi naman ako makapunta ng casino dahil kagabi ko lang rin nalaman na na-cut na lahat ng atm ko. Ni wala ring iniwan na cash si Mireille kaya wala akong kapera-pera ngayon. Pasalamat na nga lang ako na hindi niya binawi saʼkin ang kotse at hindi niya ako pinalayas dito sa bahay namin. Kung tutuusin, ako dapat ang umalis at hindi siya dahil siya naman lahat ang nagpundar nito. Wala akong naiambag ni piso sa pagpapatayo niya nitong bahay namin. Si Mireille ang halos sumuporta sa aming dalawa habang wala akong ginawa kung hindi ang magpakasasa sa pera niy

  • Vows of Unfortunate   Chapter 03

    “I swear, Iʼm not going to escape! Babayaran ko naman talaga siya kung hinayaan niya lang akong mag-withdraw muna ng pera!” paulit-ulit ko 'yong ipinapaliwanag sa mga pulis but they didnʼt believe me. Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang tatakasan ko si manong lalo pa at naamoy nila ang alak sa bibig ko. Mas lalo pa tuloy bumigat ang kasong kinakaharap ko dahil lasing daw ako habang nag-da-drive. They told me that I need to spend the whole night here kung walang magpapiyansa saʼkin. Kailangan ko rin daw mabayaran 'yong driver ng truck na nabangga ko para hindi na matuloy ang kasong sinasampa saʼkin.“Tinawagan na namin ang asawa mo. Papunta na rin naman siya,” iyon lang ang sinagot ng pulis at pagkatapos noʼn, iniwanan na nila ako dito sa kulungan.Tinawag ko pa sila ng tinawag pero hindi na ako pinansin. Nang mapagod ako kakatawag sa kanila, padabog na lang ako umupo sa sulok ng kulungan at pinagmasdan ang iba pang nandoʼn. Nakatingin rin sila saʼkin at parang kinikilatis ako.“Mu

  • Vows of Unfortunate   Chapter 02

    “T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati nam

  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

DMCA.com Protection Status