Share

Chapter 03

Author: caolliflwr
last update Huling Na-update: 2023-04-17 23:18:32

“I swear, Iʼm not going to escape! Babayaran ko naman talaga siya kung hinayaan niya lang akong mag-withdraw muna ng pera!” paulit-ulit ko 'yong ipinapaliwanag sa mga pulis but they didnʼt believe me.

Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang tatakasan ko si manong lalo pa at naamoy nila ang alak sa bibig ko. Mas lalo pa tuloy bumigat ang kasong kinakaharap ko dahil lasing daw ako habang nag-da-drive. They told me that I need to spend the whole night here kung walang magpapiyansa saʼkin. Kailangan ko rin daw mabayaran 'yong driver ng truck na nabangga ko para hindi na matuloy ang kasong sinasampa saʼkin.

“Tinawagan na namin ang asawa mo. Papunta na rin naman siya,” iyon lang ang sinagot ng pulis at pagkatapos noʼn, iniwanan na nila ako dito sa kulungan.

Tinawag ko pa sila ng tinawag pero hindi na ako pinansin. Nang mapagod ako kakatawag sa kanila, padabog na lang ako umupo sa sulok ng kulungan at pinagmasdan ang iba pang nandoʼn. Nakatingin rin sila saʼkin at parang kinikilatis ako.

“Mukhang mayaman ka naman para magnakaw,” dinig kong sabi noʼng isang kalbo na malaki ang braso. Mukhang siya ang leader ng mga presong nandito dahil kaliwaʼt kanan ang mga nagmamasahe ng balikat niya. “Bakit ka nandito?”

“Lasing ako habang nag-da-drive. Meron akong nabangga,” tipid kong sagot.

Tinanguan niya lang ako, “Hindi naman pala ganoʼn kabigat ang kaso mo. Piyansa lang ang katapat niyan.”

Napakibit-balikat na lang ako dahil wala ako sa mood makipag-usap. Plano ko talagang magmukmok na lang sa sulok dahil hindi na ako umaasa na pupuntahan ako rito ni Mireille. Isang kahihiyan na naman sa pamilya nila kapag kumalat na naman sa kompanya ang ginawa ko.

“Mr. Chua, nandito na ang asawa mo,” rinig kong turan noʼng isang pulis kaya awtomatikong napatayo ako.

Nakita ko si Mireille na naglalakad palapit sa kulungan at habang naglalakad siya palapit saʼkin, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. I can see disappointment in her face. Hindi lang siya mukhang dismayado, nakikitaan ko rin siya ng pagkainis.

“Mireille,” pagtawag ko sa kanya nang tuluyan na siyang nakalapit sa kulungan. Ayoko sanang magpakita ng kahit na anong reaksyon pero hindi ko mapigilang mapangiti sa ideyang kahit galit siya, pinuntahan niya pa rin ako dito.

“Are you really out of your mind, Eero? Bakit ka nag-drive ng lasing?” iyon ang una niyang sinabi saʼkin imbes na kumustahin ako.

Nawala bigla ang ngiti sa mukha ko. Alam ko na ang sunod niyang sasabihin. Hindi ako nag-iisip at masyado akong padalos-dalos sa mga ginagawa ko. Sasabihin niyang binibigyan ko siya ng kahihiyan sa kompanya at sa ama niya. Isisisi niya na naman saʼkin ang lahat na para bang wala na akong ginawang tama.

“Alam na ni Dad ang nangyari dahil sa mismong landline namin tumawag ang mga pulis. You know whatʼs his reaction? Galit na galit siya. Heʼs too mad at you sa puntong kinukulit niya na ako tungkol sa annulment. He desperately want to end our marriage,” mahabang paliwanag niya.

Nakatingin siya saʼkin pero iniwas ko ang tingin sa kanya. Ang lamig ng mga tingin niya at nasasaktan ako. Hindi ganoʼn ang tingin saʼkin dati ni Mireille. 'Yong tingin niya saʼkin noon, punong-puno ng pagmamahal. Iyon 'yong klase ng tingin na hindi ko kailanman nakita sa iba, sa kanya lang.

“Kaya ba ata na atat kang pirmahan ko ang annulment paper dahil diniktahan ka naman ng ama mo? Hanggang kailan ka ba magiging sunud-sunuran sa kanya, Mireille?” tanong ko ng hindi siya tinitingnan. Nanatili lang akong nakayuko, pinapakiramdaman ang sunod na sasabihin niya.

“Dad has nothing to do with us. Ako ang nagdesisyong makipaghiwalay saʼyo. Ako lahat at umayon lang si Dad sa desisyon ko,” sagot niya.

Para akong sinaksak ng mga narinig ko. Hindi ako makapaniwalang ibinasura niya na talaga ang limang taon na pagsasama namin.

Ang dami na naming pinagdaanan. Sobrang haba na ng nilakbay naming dalawa para sumuko siya. Hindi ko alam kung gaano ba kabigat ang kasalanan na ginawa ko para piliin niyang tapusin ang lahat.

Hinarap ko naman ang ama niya noon kahit pa alam kong ayaw niya saʼkin. Ipinaglaban ko ang relasyon namin kahit pa langit at lupa ang pagitan naming dalawa. Kahit alam kong maraming hindi sang-ayon saʼmin noon, hindi ako nagpatinag. Mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya pero bakit? Bakit biglaan naman yata ang desisyon niyang makipaghiwalay?

“Desidido ka na rin naman palang hiwalayan ako, baʼt ka pa nagpunta rito?” wala sa sarili kong tanong. “Hindi mo ako kailangang isipin. Kaya ko ang sarili ko.”

“Kaya mo ang sarili mo? Talaga, Eero? Kung kaya mo ang sarili mo, bakit ka nandiyan ngayon?”

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakita kong nakatingin rin siya saʼkin. Punong-puno ng pag-aalala ang titig niya na sa katagalan, ngayon ko lang ulit nakita.

Alam ko, ramdam kong kahit sobrang gulo ng sitwasyon namin ngayon, mahal niya pa rin ako. May nag-uudyok lang sa kanya para hiwalayan ako pero alam kong hindi niya 'to ginusto.

“Hanggang kailan mo ba balak sirain ang buhay mo? Ganʼyan na ba talaga ang gusto mong buhay? Painom-inom lang? Pasugal-sugal? Puro barkada? Masaya ka na ba sa buhay na ganʼyan, Eero?” mahinahon ang pagkakatanong niya pero kita ko kung paanong nagpipigil siya ng iyak. Batid kong ang dami niyang gustong sabihin. Mukhang ang dami niyang hinanakit saʼkin na mas pinili niyang kimkimin.

Hindi ko siya masagot dahil maging ako, bigla ring napaisip. Napakalalim ng mga sinabi niya na para bang tumagos 'yon hanggang kaluluwa ko. Kinuwestyon ko bigla ang papel ko rito sa mundo. Bigla akong napatanong sa sarili kung ganito nga ba talaga ang gusto kong buhay, walang permanenteng trabaho at asa lang sa pera ng asawa ko.

Kaya ba gustong makipaghiwalay saʼkin ni Mireille dahil nagiging pabigat na ako? Ganoʼn na ba talaga ako ka-walang kwenta?

“Sa totoo lang, ayoko na sanang magpunta pa rito but I have to. Kasal pa rin tayo hanggaʼt hindi pa mo pa napipirmahan ang papel. Bitbit mo pa rin ang image ko kaya obligasyon pa rin kita,” turan niya saka siya nagpakawala ng buntong-hininga. “Magbabayad ako ng piyansa at babayaran ko na rin 'yong driver ng truck na nabangga mo. Just please, Eero, hanggaʼt hindi pa tayo tuluyang annulled, huwag na huwag ka munang gagawa ng kalokohan. Saka ka na lang magrebelde kapag hindi mo na ako asawa.”

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ni walang paalam, basta na lang siya naglakad palayo. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan dahil narinig ko ang pang-aasar ng mga kasamahan ko sa kulungan. Kung ano-anong mga pinagsasasabi nila saʼkin.

“Ang saklap naman pala ng nangyari saʼyo. Hihiwalayan ka na pala noʼng asawa mong mayaman. Wala ka ng mahuhuthutan,” dinig kong sabi noʼng kalbong tinanong ako kanina saka sila nagtawanan.

Napayukom ako ng kamao. Hindi ko gusto ang sinabi nila lalo pa at alam ko sa sariling hindi 'yon totoo. Minahal ko si Mireille hindi dahil sa pera. Wala silang karapatan na husgahan ako dahil hindi nila alam ang mga pinagdaanan namin.

“Rebelde ka naman pala kaya ka hihiwalayan. Kung ako sa posisyon mo na nakapangasawa ng mayaman at maganda pa, naku! Magpapakatino ako, boy,” gatong naman noʼng isang presong patpatin. Wagas ang tawanan nila at sa puntong 'to, nagsisimula na akong mapuno. Maaaring hindi ako nagsasalita pero gustong-gusto ko na silang patayin sa isip ko.

“Edi paano 'yan? Papayag ka na lang ba sa gusto ng asawa mo na maghiwalay kayo? Kapag nagkataon, kailangan mong magsariling-sikap kasi wala ka ng perang aasahan,” inakbayan ako noʼng isa pero tinabig ko ang kamay niya habang nakatingin sa kanya ng masama.

He got offended. Nakita ko kung paanong nagbago ang itsura niya. Kanina lang, tumatawa pa siya nang lapitan ako pero ngayon, nakatingin na rin siya ng masama saʼkin. Kumuyom pa ang kamao niya na parang binabalak akong suntukin.

“Aba! Porkeʼt papiyansahan ka noʼng mayaman mong asawa, ang lakas na ng loob mo,” turan niya matapos kong tabigin ang kamay niya kanina. Ibinaling niya pa ang tingin doon sa kalbong malaki ang braso. “Boss, mukhang naghahanap yata ng away ang isang 'to, ah.”

Tumayo 'yong kalbo na may malaking braso saka ako tiningnan ng masama. Kasabay ng pagtayo niya ay ang pagtayo rin ng ibang presong nandoʼn. Kumuyom ang mga kamao nila na parang naghihintay na ng tiyempo para bugbugin ako.

Bigla akong kinabahan at dahan-dahan akong napaatras. Biglang tumagaktak ang pawis ko habang tinitingnan ko sila na naglalakad na palapit saʼkin. Ngayon ko lang napagtanto na ang lalaki pala ng mga katawan nila.

T ngina, ayokong mapaaway ngayon. Galit na saʼkin si Mireille dahil sa gulong pinasok ko at ayokong mas magalit pa siya saʼkin. Ayokong dumating sa punto na kamuhian niya ako. Hindi ko kakayanin, mas pipiliin ko na lang na mabulok rito kung ganoʼn lang naman ang mangyayari.

“Mr. Chua,” rinig kong pagtawag saʼkin ng isang pulis kaya nagsiatrasan 'yong mga preso. Nagsibalikan sila sa mga pwesto nila kaya, kahit paano, nakahinga ako ng maluwag.

Kahit pala mukha na akong pariwara sa buhay ko, may awa pa rin saʼkin ang Diyos. Hindi niya pa rin ako hinayaan na magulpi noʼng mga presong malalaki ang katawan.

“Makakalabas ka na. Binayaran na ng asawa mo 'yong matandang lalaki na nagreklamo saʼyo kanina. Nagbayad na rin siya ng pangpiyansa mo,” pahabol na sabi noʼng pulis saka binuksan ang kulungan.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sulok at pasimpleng sinulyapan ang mga preso na nandoon. Ang sama ng tingin nila saʼkin pero imbes na kabahan ako, nginitian ko lang sila ng mapang-asar. Taas-noo akong naglakad palabas ng kulungan habang pinagmamasdan ang mga pikon nilang mukha.

“Sana huwag ng maulit ang ganitong insidente lalo pa at madaling araw na. Kawawa naman ang asawa mo, pumunta pa rito ng biglaan,” sabi saʼkin noʼng isang pulis kaya naman tumango na lang ako. Ngumiti lang ako dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya.

Nagpunta nga si Mireille pero isinisisi niya naman saʼkin ang lahat. Walang saysay ang pagpunta niya rito dahil mas sumama lang ang loob ko. Ipinamukha niya na naman saʼkin na kasalanan ko ang nangyari kahit pa talagang aksidente 'yon.

“Ang swerte mo nga sa asawa mo, Mr. Chua. Kahit alanganin na ang oras, talagang pinuntahan ka pa rin. Huwag ka ng babalik dito, ha? Alang-alang na lang sa asawa mo,” muling turan ng pulis saka inabot saʼkin ang susi ng kotse na kinuha nila nang arestuhin ako kanina.

Hindi ako kumibo. Nginitian ko lang sila saka ako nagpaalam. Nagpanggap ako na wala akong narinig kahit pa ang totoo, tumatak sa isip ko ang sinabi ng pulis.

Totoo naman talaga na swerte ako kay Mireille. Sobrang swerte ko sa kanya sa puntong sinusuportahan niya ako lagi. Ibinigay niya saʼkin ang mga bagay na ako dapat ang nagbibigay sa kanya. Kahit walang-wala ako kumpara sa mga manliligaw niya noon, ako pa rin ang pinili niya. She chose me thatʼs why I didnʼt regret choosing her, even I know itʼs hard to reach the life she has.

Sobrang taas niya, e. Ang dami niyang tagahanga kaya hindi na talaga ako umasa noʼn na mapapansin niya pa ako.

Sino ba naman ako na bulakbol lang sa pag-aaral noon? Pumapasok lang ako kung kailan ko gusto. Para akong may sariling batas. Mas madalas pa ako sa Midnight Lounge Bar sa puntong nagmistulang bahay ko na 'yon.

Parang wala ng patutunguhan ang buhay ko kumpara kay Mireille na nakaplano na lahat. Hindi siya basta-bastang babae dahil mataas ang pangarap niya. Kahit noʼng nag-aaral pa kami, kitang-kita ko kung gaano siya kadesidido na makapagtapos. She has plans. Ang dami niyang plano sa puntong hindi ko akalaing magiging parte ako ng buhay niya.

Sa kabila ng magkaibang estado ng buhay namin, minahal ako ni Mireille.

Minahal niya ako kahit puro panghuhusga ang inabot niya, na kesyo ang taas ng pinag-aralan niya tapos mag-a-asawa lang ng hindi nakapagtapos. Minahal niya ako kahit muntik na siyang itakwil ng ama niya ng dahil saʼkin. Minahal ako ni Mireille kahit sa pinakamagulong parte ng relasyon namin.

Napasinghap ako at wala sa sariling napailing. Tinawanan ko ang sarili sa mga naalala ko. Hindi ko na dapat siya iniisip. Mukhang masaya naman siya at desidido na kaya dapat, magpakasaya na rin ako.

Napatitig ako sa sala pagkabukas ko ng pinto. Tahimik ang paligid at walang tao. Walang ingay ng pagtipa mula sa laptop, walang ingay ng printer, walang bakas ni Mireille.

Matamlay akong naupo sa couch at pagkaupo ko roon, agad kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko. Sinindihan ko ang sigarilyong dala ko gamit ang lighter na nandoon sa bulsa.

Nakatingin ako sa kawalan habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo. Ang daming pumapasok sa isip ko na ayoko ng isipin pa. Sa mga oras na 'to na mag-isa ako sa bahay namin, napapaisip ako kung ano na bang ginagawa niya ngayon.

Tulog na kaya siya? Kumusta naman kaya ang lagay niya doon sa bahay nila? Does she ever think about me?

Muli akong napahithit sa sigarilyo at saka ibinuga ang hangin nito.

D mn, I shouldnʼt be thinking of her. I shouldnʼt be missing her but I canʼt help myself. Sabik na sabik na ako sa kanya. Gusto ko siyang mahalikan at mayakap ulit, f ck!

Mireille, I desperately want you back.

Kaugnay na kabanata

  • Vows of Unfortunate   Chapter 04

    Nagising ako bandang alas nwebe ng umaga. Pagkagising ko nga, una kong hinanap si Mireille, pero natigilan rin naman ako kaagad nang mapagtanto kong wala na nga pala siya rito.Hindi ako kaagad bumangon sa couch. Nagtagal pa siguro ako roon ng halos kalahating oras dahil hindi ko naman alam kung anong sunod kong gagawin, o kung saan ako pupunta.Wala naman akong trabaho sa ngayon dahil hindi pa ako tinatawagan sa Midnight Lounge Bar. Hindi naman ako makapunta ng casino dahil kagabi ko lang rin nalaman na na-cut na lahat ng atm ko. Ni wala ring iniwan na cash si Mireille kaya wala akong kapera-pera ngayon. Pasalamat na nga lang ako na hindi niya binawi saʼkin ang kotse at hindi niya ako pinalayas dito sa bahay namin. Kung tutuusin, ako dapat ang umalis at hindi siya dahil siya naman lahat ang nagpundar nito. Wala akong naiambag ni piso sa pagpapatayo niya nitong bahay namin. Si Mireille ang halos sumuporta sa aming dalawa habang wala akong ginawa kung hindi ang magpakasasa sa pera niy

    Huling Na-update : 2023-04-27
  • Vows of Unfortunate   Chapter 05

    Hindi ko alam kung anong biglang pumasok sa isip ko at nagpunta ako rito sa opisina ni Mireille. Alam kong ayaw niya akong kausapin. Ni ayaw niya akong makita kaya nga siya nagdesisyong umuwi sa kanila kaya lang, noʼng marinig ko ang mga sinabi ni Ethan, napaisip ako ng sobra. Sobrang gumulo ang isip ko sa puntong kusa akong dinala ng mga paa ko rito.I badly want to talk to her. Kung totoo man na may nagawa ako, gusto kong alamin kung ano 'yon. Kung totoong mahal pa rin ako ni Mireille, I will do everything for her to forgive me. Hindi ako papayag na tuluyan siyang mawala saʼkin.“O, Sir Eero! Napadalaw ho kayo rito?” masiglang tanong saʼkin ng guard noong makita akong paparating. “Bibisitahin mo si Maʼam Mireille ano?”I smiled awkwardly. Napahawak pa ako sa batok saka parang tanga na tumango, “Nandiyan ba siya?”“Ay, opo, Sir! Kakarating nga lang ni Maʼam Mireille. Mukhang nag-lunch sila ni Sir Jajel,” diretsong sagot naman ni Manong Bert.Nawala bigla ang ngiti ko dahil sa sinabi

    Huling Na-update : 2023-04-30
  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

    Huling Na-update : 2023-04-17
  • Vows of Unfortunate   Chapter 02

    “T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati nam

    Huling Na-update : 2023-04-17

Pinakabagong kabanata

  • Vows of Unfortunate   Chapter 03

    “I swear, Iʼm not going to escape! Babayaran ko naman talaga siya kung hinayaan niya lang akong mag-withdraw muna ng pera!” paulit-ulit ko 'yong ipinapaliwanag sa mga pulis but they didnʼt believe me. Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang tatakasan ko si manong lalo pa at naamoy nila ang alak sa bibig ko. Mas lalo pa tuloy bumigat ang kasong kinakaharap ko dahil lasing daw ako habang nag-da-drive. They told me that I need to spend the whole night here kung walang magpapiyansa saʼkin. Kailangan ko rin daw mabayaran 'yong driver ng truck na nabangga ko para hindi na matuloy ang kasong sinasampa saʼkin.“Tinawagan na namin ang asawa mo. Papunta na rin naman siya,” iyon lang ang sinagot ng pulis at pagkatapos noʼn, iniwanan na nila ako dito sa kulungan.Tinawag ko pa sila ng tinawag pero hindi na ako pinansin. Nang mapagod ako kakatawag sa kanila, padabog na lang ako umupo sa sulok ng kulungan at pinagmasdan ang iba pang nandoʼn. Nakatingin rin sila saʼkin at parang kinikilatis ako.“Mu

  • Vows of Unfortunate   Chapter 02

    “T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati nam

  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

DMCA.com Protection Status