Share

Chapter 02

Author: caolliflwr
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.

“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.

Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.

Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.

Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati naman kapag nag-aaway kami, binabawi niya. Lagi niyang sinasabi saʼkin noʼn na nasasabi niya lang 'yon dahil galit siya.

Ngayon, hindi na. I know that sheʼs f cking serious the moment she handed me the paper. Desididong-desidido na talaga siya sa balak niya na mapawalang-bisa ang kasal namin.

“Halika nga dito, nasaan ba ang phone mo?” rinig kong tanong saʼkin ni Kofi pero nanatili lang akong nakasubsob sa bar counter. I really feel dizzy at pakiramdam ko, kapag tumayo pa ako mas lalo lang akong mahihilo. “I need to call someone. Hindi kita kayang iuwi ng mag-isa, Eero. Saka baka magselos pa ang asawa mo saʼkin, mayayari ako.”

“Walang magseselos, maghihiwalay na kami, e,” natatawa kong sagot.

“Pinagsasabi mo? Ibigay mo na lang saʼkin ang phone mo ng matawagan ko na ang asawa mo at maihatid ka na pauwi. Lasing na lasing ka na,” muli niyang sabi. Naramdaman kong kinapkap niya ang bulsa ng pantalon ko. Mukhang may hinahanap siya pero hindi ko na rin naman pinansin kasi sobrang nahihilo na talaga ako.

I badly want to sleep and never wake up. Kung sakali mang magigising ako, gusto kong pagkagising ko, okay na kami ulit ni Mireille. 'Yong tipong hindi na siya makikipaghiwalay saʼkin.

“Hello?” napatingin ako kay Kofi nang makita ko siyang nakatayo sa tabi ko. Hawak niya ang cellphone ko at mukhang may kausap. Hindi ko nga lang alam kung sino dahil nahihilo na talaga ako at medyo pumipikit-pikit na rin.

“Sinong kausap mo?” tatawa-tawa kong tanong pero sinulyapan lang ako ni Kofi. Ang seryoso ng mukha niya kaya tinawanan ko lang siya ulit.

“Si Kofi 'to, lasing si Eero. Hindi sinasagot ni Mireille ang tawag kaya naisipan kong tawagan ka. Buti sinagot mo,” rinig kong sabi niya saka muling sumulyap saʼkin. Nginitian ko pa nga si Kofi nang sulyapan niya ako pero imbes ngitian ako pabalik, inismiran niya ako. “Oo nga sabi, lasing. Saka alam mo bang mamumulubi na ako dahil sa lalaking 'to? Wala siyang dalang pera kaya tuloy inawas ni boss sa sweldo ko 'yong mga ininom niya. G go kasing 'to, iinom-inom, walang pambayad.”

Tinawanan ko na lang si Kofi dahil sa totoo lang, hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi ko rin naman naririnig ang sinasagot ng kausap niya sa cellphone at mas lalong hindi ko alam kung sino ang katawagan niya.

Puro na lang ako tawa kasi dito ko lang naman natatago ang lungkot na hindi ko masabi-sabi sa kahit na sino. Ayoko kasing mag-drama. Hindi uso saʼming mga lalaki ang ganoʼn, nakakabakla. Idadaan na lang namin 'to sa magdamagang inom tapos kapag umaga na, ayos na. Tatawa na ulit ako na parang hindi ako hihiwalayan ng asawa.

Wala, e. Sa tawa ko lang talaga natatago ang lahat. Kapag kasi tumawa ako, hindi makikitang nasasaktan ako. Parang band aid, natatakpan ng ngiti ang nadudurog na puso.

“Sinong kausap mo?” tanong ko kay Kofi nang maramdaman ko na binalik niya sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone.

“Si Jm. Sabi ko sunduin ka kasi hindi kita mahahatid sainyo. May trabaho pa ako. Ikaw na bwiset ka, pagkatapos ng shift ko, mag-uusap tayo, ha? Bayaran mo 'yong sweldo kong inawas saʼkin ni boss. Palibhasa, pupunta-punta ka rito tapos hindi ka man lang nagdala ng cash o kahit atm man lang,” rinig kong himutok ni Kofi kaya naman tumango na lang ako kahit wala akong halos naintindihan sa sinabi niya.

Nanatili akong nakasubsob sa bar counter. I tried my best to sleep kaso kahit pilitin ko, hindi talaga ako makatulog. Sa tuwing ipinipikit ko ang mata ko, nakikita ko ang mukha ni Mireille at t ngina, ayoko ng naiisip ko.

Kaya nga ako nag-inom dito para hindi ko siya maalala, e. Gusto kong libangin ang sarili ko sa kahit na ano, huwag ko lang siyang maisip. Dito ako nagpunta sa pagbabakasakaling kapag uminom ako, mapapawi lahat kaso hindi pala. Mali ako ng napuntahan. Dapat sana sa casino na lang ako dumiretso para literal na nalibang ako. Baka nanalo pa ako edi tiba-tiba.

“Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko naman ang sarili ko. Mag-da-drive ako pauwi,” nginitian ko pa si Kofi pagkatapos noʼn, saka ako tumayo. Sinubukan kong kapkapin sa bulsa ng pantalon ko ang susi ng kotse. Hindi ko mahanap.

T nginang 'yan, baka nawala ko pa 'yong susi. Regalo pa naman saʼkin ni Mireille ang kotseng 'yon noʼng first wedding anniversary namin.

“Nandito ang susi mo saʼkin, baliw. Lasing ka na nga talaga. Ni hindi mo maalalang binato mo si Von ng susi kanina kasi hindi ka inaabutan ng vodka,” rinig na rinig ko ang boses ni Kofi. Inalalayan niya pa akong maupo sa bar counter at pagkaupo ko, muli ko na namang isinubsob ang sarili ko roon.

“Seryoso? Binato ko siya ng susi? Sumapol ba? G gong 'yan, nakalimutan ko,” natatawa kong sabi. Mas lalo akong natawa nang makita kong kumunot ang noo ni Kofi. 'Yong mga tingin niya parang sinasabi na nawawalan na ako ng bait.

Ganito pala talaga kapag broken, 'no? Literal na nawawala ka sa sarili. Akala ko sa palabas lang 'yong mga ganoʼn, e. Kapag sayo pala talaga nangyari, talagang mapapalaklak ka na lang.

“Nababaliw ka na,” sagot niya saʼkin saka padabog na inabot ang susi ko. “Ayan! Susi mo! Hintayin mo ako rito. Babalikan kita mamaya.” Umiling-iling pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon saka ako iniwan sa bar counter.

Narinig ko ngang ibinilin niya pa ako kay Von, kasamahan niya na nagtatrabaho rin sa bar. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yong sinasabi niyang binato ko ng susi kanina.

Palibhasa kasing bartender 'to, bingi yata. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya. Sabi ko, bigyan ako ng vodka, aba! Walang imik ang g go. Nainis ako, edi binato ko ng susi. Kung hindi ko pa binato, hindi pa sana ako maririnig.

Napahawak na lang ako sa ulo at muli kong isinubsob ang sarili sa bar counter. Medyo nabawasan na ang pagkahilo ko pero nanatili pa rin akong nakapikit. Habang pinapakiramdaman ko ang paligid, naririnig ko ang malalakas na tugtog sa bar. Abot hanggang eardrums tapos ang ingay pa ng mga tao.

Sinubukan kong imulat ang mata ko para tingnan kung ano ng nangyayari. Dati pa rin naman. May mga umiindak sa dancefloor, may naghahalikan sa couch, may mga nawawala na sa sarili at nagsisimula ng maghubad. Meron namang wala yatang magawa sa buhay at naghahanap ng away. Basta, ang sakit nila sa mata tingnan.

“Pareng Eero.”

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may narinig akong tumawag saʼkin. Si Jm pala ang nagsalita at kasama niya si Kofi. Mukhang siya 'yong nakausap kanina ni Kofi para ihatid ako pauwi.

Napailing na lang ako. Sa dinami-rami ba naman ng pwede niyang tawagan, talagang si Jm pa. Kilala ko 'tong mokong na 'to, e. Hindi ako iuuwi nito hanggaʼt hindi ako nagtatawag ng uwak.

“Ikaw talaga, Kofi. Ang sabi mo saʼkin lasing si Eero. Mukhang hindi pa naman. Kaya niya pang umuwi mag-isa. Pwede ko pa nga 'tong mayaya na uminom pa, e,” pagbibiro ni Jm pero kaagad ring natigilan nang tingnan siya ng masama ni Kofi.

“Magtigil ka. Ang sabi ko iuwi mo na sa kanila hindi 'yong aayain mo pang uminom,” pangaral niya habang dinuduro-duro pa si Jm. Para siyang nanay na nanenermon. “Umuwi na kayo, ha? Kailangan ko ng mag-serve kaya hindi ko na kayo mababantayan. Mapapagalitan na ako ni boss dahil kanina pa ako nakatambay dito. Jm, sundin mo ang bilin ko at iuwi mo na si Eero. Baka hinahanap na 'yan ng asawa niya. Please lang, huwag na naman kayong gumawa ng kalokohan dahil ayoko ng madamay.”

“Yes, Maʼam!” natatawang sagot ni Jm saka sumaludo kay Kofi.

Mukhang napikon si Kofi kasi ang sama ng tingin sa kanya. Hindi na rin naman siya gumatong pa kay Jm saka padabog na umalis. Wala na rin siya sa wakas. Akala ko, magtatagal pa ng isang oras ang panenermon niya, e.

“Ang ingay ni Kofi. Buti na lang may trabaho 'yon ngayon kaya hindi tayo mababantayan. Ano? Lipat tayo ng ibang bar? Hanap tayo ng chikababe. Ayain natin si Lionel,” malawak ang ngiti ni Jm habang sinasabi 'yon. Inakbayan niya pa ako saka siya nagtaas ng kilay bilang pagkumpirma kung samama ba ako o hindi.

“Pasensiya na, pare. Pass na muna,” wala sa sarili kong sagot.

“Pass-sundo?” pang-aasar niya but this time, I am refusing for real.

Sinabi ko sa kanya na hindi na muna ako makakasama. Hindi ko sinabi ang rason kung bakit basta ang sabi ko, ayoko talagang sumama. Ayokong gumawa ng kalokohan ngayon lalo pa at hindi kami ayos ni Mireille. Kapag nalaman niyang sumama na naman ako kila Jm, baka mas lalong hindi na magbago ang isip niya. Baka tuluyan niya na akong hiwalayan at ayoko talagang mangyari 'yon.

I donʼt want to lose her.

Kahit pa sinabi niya na saʼkin kaninang desidido na siyang hiwalayan ako, umaasa akong lalambot ulit ang puso niya para sa akin. Umaasa akong babawiin niya ang mga sinabi niya. Masyado ng nasanay ang sistema ko sa kanya na sa tuwing iisipin ko na wala ng Mireille sa buhay ko, nakakapanlumo.

“Naks, nagbabagong-buhay na,” pagbibiro ni Jm saka ako tinapik sa balikat. “Edi paano ba 'yan? Una na ako. Kami na lang muna ni Lionel.”

Tinanguan ko na lang siya. Medyo ayos na rin naman ang pakiramdam ko at hindi na ako gaanong nahihilo kaya hinayaan ko na si Jm na umalis. Isa pa, nakaya kong magpunta ng mag-isa rito kaya alam kong makakauwi rin ako ng ako lang.

Habang tinatahak ko ang daan palabas ng bar, halos makisiksikan ako sa kumpol ng mga tao. Grabeng pakikibaka ang pinagdaanan ko sa loob bago ko tuluyang natanaw ang pinto. Ganoʼn karami ang mga tao sa loob na para bang may okasyon kahit wala naman.

I immediately look where I parked my car. Nakita ko naman 'yon doon sa labas kaya agad akong sumakay. Ang bilis nga ng paandar ko. Para akong nasa karera. Wala ng ibang pumapasok sa isip kung hindi ang umuwi because honestly, Iʼm still hoping that I will see Mireille there.

Okay lang kahit maabutan kong nasa office area siya o kaya natutulog, as long as sheʼs there. Mas matatahimik ang isip ko kapag alam kong doon pa rin siya umuuwi sa bahay namin.

“F ck!” I almost cursed when I saw that my car bumped into a truck. Hindi ko nakontrol kaagad ang manibela dahil lutang ang isip ko, plus, I am a bit drunk dahil talaga namang naparami ang inom ko kanina.

“Hoy, g go! Lumabas ka diyan, harapin mo ako!” Kinatok ako noʼng driver ng truck na nabangga ko ngayon-ngayon lang. Halatang galit na galit siya kasi halos pukpukin niya na ang pinto ng kotse ko.

Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Kalmado akong lumabas ng kotse kahit alam kong gulo na naman ang aabutin ko. Kapag hindi ko nadaan sa pakiusap ang lalaking 'to na umuusok na ang ilong sa galit, alam kong mayayari na naman talaga ako kay Mireille.

“Ano hong problema?” tanong ko doʼn sa driver ng truck pagkalabas ko ng kotse. Gusto ko ngang tawanan kasi namumula na ang mukha niya. Para siyang bomba na malapit ng sumabog.

“Tatanungin mo 'ko kung anong problema? Tanga ka ba?!” bigla akong kinuwelyuhan ni manong kaya naman nanlaki ang mata ko. He looks so furious right now. “Bayaran mo ang sira na nadulot mo sa truck ko kung gusto mo ng maayos na usapan.”

Pagkatapos ng sinabi niya, binitawan niya na ako pero makikita pa rin sa mukha niya ang inis. Hindi na lang ako nagsalita at kinapkap ang bulsa ng pantalon ko. I looked for my wallet. Kalmadong-kalmado pa ang itsura ko noʼn but I suddenly became uneasy the moment I opened it. I saw that I donʼt have anything in my wallet even a single penny.

Now, this is a real mess. Hindi ko na 'to basta matatakasan.

“Ano na? Babayaran mo ba ako o hindi?” inip na sabi ni manong habang sinisilip ang wallet ko.

My lips formed a nervous smile. Sa itsura pa lang ng matandang 'to, halatang hindi niya palalampasin ang ginawa ko. Itʼs either I will pay him or I will spend the night in jail.

“Would you mind if I withdraw the money first? Wala akong cash na dala,” kabado kong tanong.

Mas lalong kumunot ang kulubot niyang noo. Hindi siya nagsalita saka may dinukot sa bulsa ng pantalon niya. Cellphone 'yon. The moment he dialed a number, thatʼs when I knew I f cked up.

“Sa prisinto na lang natin pag-usapan 'to,” malamig niyang sabi.

Kaugnay na kabanata

  • Vows of Unfortunate   Chapter 03

    “I swear, Iʼm not going to escape! Babayaran ko naman talaga siya kung hinayaan niya lang akong mag-withdraw muna ng pera!” paulit-ulit ko 'yong ipinapaliwanag sa mga pulis but they didnʼt believe me. Hanggang ngayon, iniisip pa rin nilang tatakasan ko si manong lalo pa at naamoy nila ang alak sa bibig ko. Mas lalo pa tuloy bumigat ang kasong kinakaharap ko dahil lasing daw ako habang nag-da-drive. They told me that I need to spend the whole night here kung walang magpapiyansa saʼkin. Kailangan ko rin daw mabayaran 'yong driver ng truck na nabangga ko para hindi na matuloy ang kasong sinasampa saʼkin.“Tinawagan na namin ang asawa mo. Papunta na rin naman siya,” iyon lang ang sinagot ng pulis at pagkatapos noʼn, iniwanan na nila ako dito sa kulungan.Tinawag ko pa sila ng tinawag pero hindi na ako pinansin. Nang mapagod ako kakatawag sa kanila, padabog na lang ako umupo sa sulok ng kulungan at pinagmasdan ang iba pang nandoʼn. Nakatingin rin sila saʼkin at parang kinikilatis ako.“Mu

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 04

    Nagising ako bandang alas nwebe ng umaga. Pagkagising ko nga, una kong hinanap si Mireille, pero natigilan rin naman ako kaagad nang mapagtanto kong wala na nga pala siya rito.Hindi ako kaagad bumangon sa couch. Nagtagal pa siguro ako roon ng halos kalahating oras dahil hindi ko naman alam kung anong sunod kong gagawin, o kung saan ako pupunta.Wala naman akong trabaho sa ngayon dahil hindi pa ako tinatawagan sa Midnight Lounge Bar. Hindi naman ako makapunta ng casino dahil kagabi ko lang rin nalaman na na-cut na lahat ng atm ko. Ni wala ring iniwan na cash si Mireille kaya wala akong kapera-pera ngayon. Pasalamat na nga lang ako na hindi niya binawi saʼkin ang kotse at hindi niya ako pinalayas dito sa bahay namin. Kung tutuusin, ako dapat ang umalis at hindi siya dahil siya naman lahat ang nagpundar nito. Wala akong naiambag ni piso sa pagpapatayo niya nitong bahay namin. Si Mireille ang halos sumuporta sa aming dalawa habang wala akong ginawa kung hindi ang magpakasasa sa pera niy

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 05

    Hindi ko alam kung anong biglang pumasok sa isip ko at nagpunta ako rito sa opisina ni Mireille. Alam kong ayaw niya akong kausapin. Ni ayaw niya akong makita kaya nga siya nagdesisyong umuwi sa kanila kaya lang, noʼng marinig ko ang mga sinabi ni Ethan, napaisip ako ng sobra. Sobrang gumulo ang isip ko sa puntong kusa akong dinala ng mga paa ko rito.I badly want to talk to her. Kung totoo man na may nagawa ako, gusto kong alamin kung ano 'yon. Kung totoong mahal pa rin ako ni Mireille, I will do everything for her to forgive me. Hindi ako papayag na tuluyan siyang mawala saʼkin.“O, Sir Eero! Napadalaw ho kayo rito?” masiglang tanong saʼkin ng guard noong makita akong paparating. “Bibisitahin mo si Maʼam Mireille ano?”I smiled awkwardly. Napahawak pa ako sa batok saka parang tanga na tumango, “Nandiyan ba siya?”“Ay, opo, Sir! Kakarating nga lang ni Maʼam Mireille. Mukhang nag-lunch sila ni Sir Jajel,” diretsong sagot naman ni Manong Bert.Nawala bigla ang ngiti ko dahil sa sinabi

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Vows of Unfortunate   Chapter 02

    “T ngina, hindi ko alam kung alam kung saan ako nagkulang,” humagalpak ako ng tawa pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos dahil umiikot na ang paningin ko.“Eero naman, mamumulubi ako sa ginagawa mo, e,” rinig kong reklamo ni Kofi kaya natawa na lang ako.Inagaw niya saʼkin 'yong baso na ininuman ko kaya lang hindi ko na nakuha sa kanya. Nilalayo niya saʼkin. Hindi ko na rin naman pinilit na kuhanin 'yon dahil nahihilo na talaga ako. Isinubsob ko na lang ang sarili sa bar counter. Wala sa sarili akong natawa nang mapagtanto ko na mukha akong tanga sa itsura ko ngayon.Paano ba naman, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mireille, nilayasan niya ako. Akala ko nagpunta lang siya sa kwarto para matulog. When I followed her, nakita kong nag-iimpake siya ng gamit. Uuwi daw muna siya sa kanila habang pinag-iisipan ko pa raw kung kailan ko pipirmahan 'yong papel.Sheʼs f cking serious! Wala siyang balak bawiin 'yong sinabi niya na gusto niya akong hiwalayan. Dati nam

  • Vows of Unfortunate   Chapter 01

    I knew from the start the sheʼs the one.Since then, I always dreamed of her. Wala ng ibang naging laman ang panaginip ko kung hindi siya lang. I dreamed to marry Mireille Sarmiento, the girl that every guy desires.Now that sheʼs walking in the aisle together with her father, everything feels surreal. My mind seems blank. Masyado akong natutulala sa ganda niya habang nakasuot siya ng puting gown at naglalakad palapit saʼkin.Who would have thought that she will end up with me? Who would have thought that this pretty and popular Mireille would agree to be my bride? Isa lang naman akong simpleng tao noʼn while sheʼs every guyʼs dream. She is known by everybody while I am just a nobody that time.Everyone is admiring her for having a pretty face. Hindi lang siya basta maganda, napakabait niya, napakamatulungin, mapagkumbaba despite of being the Sautoir Fine Jewelryʼs heiress, and sheʼs family-oriented. Napakahinhin niya at sobrang talino, and maybe the best description that I can say i

DMCA.com Protection Status