"Something is wrong with that woman. I'm so sure!"
"Maraming tao ang magkakamukha sa mundo, Hendrix."
"Pero kamukhang-kamukha niya si Danica, Marco. Impossible naman na pati mannerism nila ay pareho sila. That's insane."
"So what are you saying? Na siya si Danica? That's more insane!"
Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko at hininto ang pakikinig sa usapan nina Hendrix at ng kaibigan nito. Bago ako lumabas kanina sa opisina niya ay nilagyan ko ng wiring device ang table niya.
Binigyan lang ako ni Madam Fernanda ng dalawang buwan para makakuha ng kahit anong impormasyon at ibidensya laban kay Hendrix. Kapalit ng pagtulong niya sa akin ay kailangan ko naman paibigin si Hendrix at baliwin katulad ng ginawa ni Hendrix kay Danica.
"Matagal ka pa ba? Ang dami ng nakapila, oh!"
Mabilis akong napatayo nang sipain ang pintuan ng cubicle. Itinago ko sa bulsa ko ang cellphone ko at earphone at lumabas.
"Pasensya na," paghingi ko ng paumanhin at yumuko.
I need to succeed this mission. Para sa asawa ko. Para sa hustisya. Lilinisin ko ang pangalan ko at ipapakulong ang totoong may sala.
Bumalik ako sa opisina ni Hendrix at naabutan siyang naglilipit ng laptop niya. "Come with me. I'll have a lunch meeting with the client."
Wala naman sa schedule niya ang lunch meeting ngayon. Nginitian ko siya at sumunod na lang sa kanya. Dalawang sasakyan ang naghihintay sa amin sa parking area. May nakasunod sa amin na apat na body guard mula sa kabilang sasakyan at kami namang dalawa ay narito kabila, kasama ng driver niya.
"Alcohol," utos ni Hendrix sa driver.
Nabitawan ng driver ni Hendrix ang alcohol nang mapatingin sa akin. Katulad ng reaksyon ni Hendrix kanina ay gulat din ang makikita rito.
"M-Ma'am... Danica...?" bulalas ng driver?
"Po?" maang-maangan ko.
"She's not her," malamig na sabi ni Hendrix.
Napalunok naman ang driver at napapahiyang umayos ng upon. Pero kita ko roon sa salamin ang pa simple nitong tingin sa akin.
Pinulot ni Hendrix ang nahulog na alcohol. Allergy si Danica sa alcohol kaya kailangan ko rin umakto na may allergy. I faked my sneeze nang buksan ni Hendrix ang alcohol. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo, para bang nagtatanong kung anong problema.
"Pasensya na, sir. May allergy ako sa alcohol at perfume," pagaarte ko at kinamot ang ilong.
Natahimik si Hendrix at napatitig sa mukha ko. Ilang beses na niya ako tinititigan ngayong araw.
"Do... you have a sister?" curious niyang tanong. Alam kong nagsisimula na siyang magduda tungkol sa pagkatao ko, pero alam ko rin na walang magiging sabit kung ano man ang sasabihin ko.
"Nag-iisang anak na babae lang ako, sir. Ang kuya ko naman, maaga nag-asawa," magiliw kong sagot.
"So it is your first time here in Manila?"
"Naku, hindi naman po. Paminsan-minsan ay dumadayo rin ako rito kapag may mga gulay kami na idedeliver. Noong unang punta ko nga rito ay nadaan namin ang building mo. Sabi ko, gusto ko makapasok sa loob balang araw."
Nang makitang mukhang naniwala naman siya sa sagot ko ay hindi na ako muling nagsalita pa. Pero mula sa gilid ng mga mata ko ay alam kong hanggang sa makarating kami sa lunch meeting ay nasa akin ang atensyon niya.
"Mr. Lorenzo, you're on time." Sinalubong kami ng matangkad at medyo may edad na lalaki. Sa tantsa ko ay nasa 50s na siguro ito.
Nakipag-kamay si Hendrix sa lalaki. Hinintay ko naman sila umupo bago ako naupo.
"You have a new assistant, huh?" malangkit na tingin nito sa akin. "At mas maganda kaysa sa nauna."
Hendrix clenched his jaw and nodded. "Shall we start, Mr. Ang? I guess marami tayong dapat pag-usapan."
Humalakhak ang lalaki. "Oo naman, pero bakit hindi muna tayo kumain? Mamaya natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho." Ibinigay nito ang menu sa akin, nakangiti ko naman iyon tinanggap. "Mukhang mapaparami ang kain ko, lalo pa't ganito kaganda ang kaharap."
Nakita ko ang pagluwag ni Hendrix ng kurbata niya. Halatang hindi komportable kung saan patutungo ang usapan nila ni Mr. Ang.
Lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang order namin. Nag-ring naman ang cellphone ni Hendrix kaya kinalantari nito Umalis para sagutin ang tawag.
"How much Hendrix offer you to work with him?"
I was caught off guard by his question. "I think that's inappropriate question, sir," sabi ko. Pero napatalon na lang ako sa gulat nang tumayo ito at tumabi sa akin. "Sir..."
"Kaya ko tapatan ang sahod mo sa kanya. Gusto mo bang lumipat sa akin?" kindat niya.
Nasulyapan ko na pabalik na si Hendrix kay nagsimula na naman akong umarte. Bahagya akong lumayo kay Mr. Ang, pero agad niya akong nahila.
"Ikaw ang magpresyo, magkano ba ang gusto mo—"
Hindi natapos ni Mr. Ang ang sasabihin dahil tumilapon na ito sa lakas ng suntok ni Hendrix. Mabilis namang tumayo si Mr. Ang at dinuro si Hendrix na galit na galit.
"What's your problem?!"
Sa halip na sumagot ay muling sumugod si Hendrix at sinipa sa tiyan si Mr. Ang.
"Sir Hendrix!" Tumakbo ako papalapit kay Hendrix at niyakap siya para pigilan. Parang ayaw niya pa tantanan si Mr. Ang at gusto pa talaga bugbugin nang husto. "Sir, maraming tao. Tama na, halikan na," pakiusap ko sa kanya at hinila. "Umalis na tayo rito."
Masama niyang tinapunan ng tingin si Mr. Ang bago siya nagpahila sa akin palabas. Nang nasa loob na kami ng sasakyan niya ginulo niya ang buhok niya, pinapakalma ang sarili.
"Fuck that old man! He never really change!" angil niya. "Anong sinabi niya sayo?"
Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Pwedeng-pwede na ako bigyan ng best actress award dahil kuhang-kuha ko ang loob ni Hendrix sa galing ko umarte.
"Gusto niya ako magtrabaho sa kanya. Inalok niya ako ng malaking halaga para umalis ako sayo. Pero pilit niya talaga ako."
"That bastard!" Binuksan ni Hendrix ang pintuan nang sasakyan at muling babalik sa loob, pero nahila ko ang suit niya.
Nasubsob siya sa leeg ko at napahawak naman ako sa likuran niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko at napaintag ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
Mabuti na lamang at dumating na ang driver niya kaya napaayos siya ng upo at napaiwas naman ako ng tingin.
"Where have you been?" iretableng tanong ni Hendrix sa driver. "Ang sabi ko ay dito ka lang at hintayin kami.
"Sir, umihi lang ako," sagot naman ng driver.
"Let's go back," utos ni Hendrix.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay ganon pa rin ang tibok non. Bakit ganito ang pakiramdam ko? What is happening to me?
"Hindi ka bababa?"
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nabalik na pala kami sa kompanya. Nasa labas na rin si Hendrix at nakadungaw sa bintana. He hissed, at iniwan na ako.
Napatingin ako sa driver niya na nag-aayos ng gulong. Nilapitan ko ito at tinapik ang balikat.
"Manong, bakit po ganon na lang ang reaksyon niyo nang makita ako?" maang-maangan ko. "Para kayo... nakikita ng multo?"
Napakamot naman sa ulo ang driver. "Kung hindi lang siguro sa height mo, iisipin ko ikaw talaga si Ma'am Danica. Kamukha mo siya, para kayong pinagbiyak na bunga."
"Danica?"
Tumango ito. "Siya ang dating nobya ni Sir Hendrix."
"Nasaan ho siya ngayon?"
Tumayo ang driver at nagpagpag ng kamay. "Sumakabilang na siya. Sayang nga mahal na mahal nila ni Sir Hendrix ang isa't-isa. Handa na rin sana pakasalan ni sir si Ma'am Danica."
Kumunot ang noo ko. That's impossible. Hindi mahal, o minahal ni Hendrix si Danica. Ang sabi ni Madam Fernanda ay naghintay si Danica kay Hendrix, pero hindi ito dumating kaya nagpakamatay si Danica.
"Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ni sir ang sarili niya sa pagkawala ni Ma'am Danica. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nadadalaw kahit ang puntod ni Ma'am Danica."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Bakit iba ang sinasabi nito sa mga sinabi ni Madam Fernanda sa akin?
"Nakatago ang abo ni Ma'am Danica at sa tingin niya sinadya iyon ng ina ni Fernanda dahil ayaw si sir ang sinisisi nito, pero ang totoo si Fernanda ang totoong dahilan kung bakit namatay ang anak niya."
"Huwag ka magpapauto sa kanya, Viva. Alam na alam niya kung paano papahulugin ang mga babae," ngitngit ni Madam Fernanda nang ikwento ko ang nangyari sa lunch meeting with Mr. Ang.May tiwala naman ako kay Madam Fernanda. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon. Pero naguguluhan ang isip ko, lalo pa sa mga sinabi ng driver ni Hendrix. Magkaiba ng salaysay ang dalawang panig. Ano ba talaga ang totoo?Pero hindi ko pwede pagdudahan si Madam Fernanda.Tumango ako sa kanya. "Alam ko, Madam. Matagal natin pinagplanuhan ito.""I have a good news for you." Inilapag niya ang brown na folder sa harapan ko. Tumingala naman ako sa kanya na may pagtatanong gamit ang mga mata. "Buksan mo. You'll like it, Viva."Binuksan ko ang folder at tumambad sa akin ang larawan ng isang bangkay na nasa loob ng drum. Sa unang tingin ay hindi ko makilala ang tao, pero nang titigan ko itong mabuti ay napahawak ako sa bibig ko.Ito ang unang witness na nagdiin sa akin sa ko
"Hindi yan totoo! Nagsisinungaling ka!" sigaw ko sa lalaking nagngangalang Hendrix Lorenzo, isa ito sa mga witness na nagdidiin sa akin. "Hindi ako kailan man pumunta sa grocery na yun! Bawiin mo ang sinabi mo!""Order in the court!" suway ng judge at hinatak naman ako pabalik sa upuan ng abogado ko. "Order in the court!"Sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin sa witness na nagsasabing nakita niya ako na bumili ng kustilyo sa isang grocery. Ang kustilyo na hawak-hawak ko nang magising ako. Puno iyon ng dugo at tadtad naman ng saksak ang asawa ko.Galit kong pinagmasdan ang kabuohan ng kanyang mukha at pinakatandaan ang bawat detalye nito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya kahit saan man ako magpunta. At sa susunod na magkaharap kami ay inuukit ko ang pangalan ko sa mukha niya."I didn't kill my husband! Paano ko magagawang patayin ang taong mahal ko? Emmanuel was my first love, my first everything! Hindi ko magagawa ang ibinibentang sa akin!" Hagulhol k
Tiningala ko ang pinakamataas na building sa buong Pilipinas. Pagmamay-ari ito ni Hendrix Lorenzo, ang isa sa mga witness na idiniin ako para makulong sa pagpatay sa asawa ko."Are you nervous?" tanong ni Madam Fernanda sa akin. Siya ang babae na nagdala sa akin sa hospital at nagligtas mula sa pagkakasunog."I'm not, Madam. Handang-handa na ako harapin siya," taas noo kong sagot. "We will succeed on this.""That's good. Hindi talaga ako nagkamali sayo. Call me kapag nagkaroon ng problema." Hinalikan niya ako sa pisngi at sandaling pinagmasdan ang mukha ko. "Don't waste my efforts on you, Viva. Marami na tayong pinagdaan para lang makarating tayo rito. Isipin mo ang ang asawa mo na naghihintay makamit ang hustisya na nararapat sa kanya."I nodded at her. "Hindi kita bibiguin, Madam."Lumabas na ako sa van at naglakad papasok sa loob ng building, pero agad din akong napahinto nang makita ang kabuohan ng itsura ko sa glass wall.Hindi na ako ang dating Viva. Walang bakas na kahit ano mu

"Something is wrong with that woman. I'm so sure!""Maraming tao ang magkakamukha sa mundo, Hendrix.""Pero kamukhang-kamukha niya si Danica, Marco. Impossible naman na pati mannerism nila ay pareho sila. That's insane.""So what are you saying? Na siya si Danica? That's more insane!"Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko at hininto ang pakikinig sa usapan nina Hendrix at ng kaibigan nito. Bago ako lumabas kanina sa opisina niya ay nilagyan ko ng wiring device ang table niya.Binigyan lang ako ni Madam Fernanda ng dalawang buwan para makakuha ng kahit anong impormasyon at ibidensya laban kay Hendrix. Kapalit ng pagtulong niya sa akin ay kailangan ko naman paibigin si Hendrix at baliwin katulad ng ginawa ni Hendrix kay Danica."Matagal ka pa ba? Ang dami ng nakapila, oh!"Mabilis akong napatayo nang sipain ang pintuan ng cubicle. Itinago ko sa bulsa ko ang cellphone ko at earphone at lumabas."Pasensya na," paghingi ko ng paumanhin at yumuko.I need to succeed this mission. Para sa as