Kieffer.
Habang kinakausap ko ang Manager about sa shop ay sumulpot ang Assistant Manager sa tabi n’ya. Nangunot ang noo ko nang bumulong ito kay Lily, mismo sa harapan ko. Nakita ko namang halukipkip na tumango si Lily rito.
Kapag tapos ay umalis na ang Assistant Manager at ginawa ang gawain n’ya. ”What was that?” wala sa sariling tanong ko.
“Hmm? Sumama raw po kasi ang pakiramdam ni Amanda kaya umuwi po ng maaga,” sagot n’ya.
Ano na naman kayang binabalak ng babaeng 'yon, hanggang dito ay nasundan n’ya ako. Hindi ba s’ya napapagod? Limang taon na akong nawala hinahabol pa rin n’ya ako. Hindi ba't nakapagtapos s’ya ng medisina bakit kailangan n’ya pa akong sundan dito?
Iba talaga kamandag ng babaeng 'yon. Panigurado ako na dahilan n’ya lang ang pagsama ng pakiramdam n’ya at may binabalak na naman s’ya.
Hindi na ako magtataka kung iba ang binabalak n’ya. Knowing her? Gagawin n’ya ang lahat para habulin at guluhin ako. Hindi ko nga naiwasan na mapasinghal kanina nang malaman kong Amanda ang pangalan n’ya, akala n’ya ba ay hindi ko s’ya makikilala?
Kahit iba ang suot at pangalan n’ya makikilala at makikilala ko s’ya. Kanina lang na nakabangga ko s’ya nang pumasok ako rito. Bellona na Bellona, she's still clumsy anyway.
You are not Amanda Guerrero. You are Bellona Dawn Lewis-Warrior.
“Madalas ba s’yang gan’yan?” sunod na tanong ko.
“Ahm Sir, may inaasikaso po kasi si Amanda kaya minsan wala po s’ya,” may pag-aalinlangan na sabi ni Lily.
Kahit kailan s’ya pa rin ang nasusunod kahit na waitress at cashier handler lang naman s’ya. At saka delivery girl? Gusto n’ya bang pabilibin ako, dahil kinakaya n’ya ang ganoong gawain? Kung gano'n makikita natin.
“Really? I want to talk to her tomorrow,” nakapamulsang sabi ko.
“Bakit po Sir?” tanong ni Lily.
“Dapat hindi pinapalagpas ang gan’yang kaso,” mahinang sabi ko “And wait, gusto kong makita ang resume n’ya,” sabi ko bago umalis sa pwesto ko.
Hindi na ako nakakuha ng sagot sa kan’ya kaya dumiretso na ako sa Opisina ko. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko.
Sinusubukan mo talaga ako, Bellona. Hindi ka na natuto. Huli na ‘to, kapag hindi ka pa rin tumigil mapipilitan na akong sabihin sa buong bansa kung ano’ng meron tayong dalawa.
Ayoko nang makita ka pero mukhang sinusubukan mo talaga ang pasensya ko.
--
Kasalukuyan kong binabasa ang resume ni Bellona. Na-curious lang ako kung Ano’ng klasing fake resume ang ginawa n’ya. Matalino si Bellona kaya alam kong maayos at malinis ang bawat plano na gagawin n’ya. Kung kumilos s’ya malalaman mo na agad na professional s’ya.
Amanda Guerrero
27 years old
July 3,19**
Seeking to obtain a position where I can afford and develop my skills and abilities to better provide for my Family, grow my career and become a valuable asset to the company.
Napasinghal ako sa kawalan. Pati objective ng resume n’ya may laman na kasinungalingan. Provide for her family? Really? Mayaman s’ya, so bakit kailangan n’ya pang magtrabaho sa shop ko.
“Hindi naman po talaga s’ya qualified sa shop pero nangako s’ya na pagbubutihin n’ya. Sa nakikita ko kahit dalawang taon pa lang s’ya rito ay nagawa n’ya naman nang maayos ang trabaho ni-”
“Stop,” pinahinto ko na agad si Lily sa pagsasalita. Kanina pa n’yang pinupuri ang babaeng 'yon. “Sabihin mo lahat sa Delivery boy na mag-day off sila bukas except kay Be-Amanda,” utos ko.
“Ha? Pero Saturday bukas. Maraming magpapa-deliver kaysa ang pumunta rito. Alam mo naman kung gaano karami ang buyer natin kapag Sabado,” nag-aalalang sabi n’ya.
“Exactly.” naibaba ko ang resume na hawak sa desk at tiningnan s’ya sa mata. ”Bukas na bukas hindi n’yo s’ya papayagan na makaalis ng shop nang hindi natatapos i-deliver lahat ng orders.”
“But Sir-”
“Out,” seryosong utos ko.
Bumagsak ang balikat n’ya at walang nagawa kundi ang lumabas. Napatingin ako sa bintana ko.
Ewan ko lang kung magtagal ka pa sa shop ko, Bellona.
Pinatunog ko ang leeg ko sa sobrang ngalay pero natuon ang atensyon ko sa resume na nasa lamesa ko.
Single.
Bigla na lang napunta ang mata ko sa status n’ya. Tumaas ang isang kilay ko sa nabasa.
“So wala na pala talaga akong asawa ngayon?” sambit ko.
--
Bellona.
Nakakrus ang mga braso ko habang nakatingin sa telepono ng shop. Sobrang init ngayon, hindi ko alam kung paano ko pagsasabay-sabayin ang pag-deliver ng orders nila.
Doble ang nagawa kong paglunok nang mag-ring ang phone at sagutin ni Tj ito.
“Yes po Ma'am, available pa naman po. One Espresso 100ml? Sure po Ma'am, ano pa po?---” nagkatinginan si Emma at Tj.
“Tanga, nagawa mo pa talagang magtanong ng ibang order. Mas dinamihan mo lang ide-deliver ni Amanda,” ngiwi na sabi ni Emma.
Hindi ko na napakinggan pa ang sinabi pinag-usapan nila. Mukhang maraming in-order ang kausap n’ya. Every Saturday na lang palaging ganito, kadalasan kasing naka-day off ang mga tao kaya mas gusto nila na ipa-deliver na lang kaysa ang pumunta rito.
At hindi ko magawang mainis sa mga katrabaho ko dahil una't sapul pakana 'to ni Kieffer. Sinusubukan talaga n’ya ang pasensya ko. Gusto ko s’yang sugurin sa opisina n’ya pero may mga nakaharang na guard sa pinto na mukhang nang galing pa sa Palasyo. Mabuti na lang at hindi nila ako namumukhaan. Sila lang naman ang iniiwasan ko na makabangga ko.
Pagkababa ni Tj ng tawag ay muli na namang nag-ring ang telepono. Tumango s’ya habang kausap ito.
“May tatlong rainbow cake na um-order, kaya mo ba?” tanong ni Emma nang lumapit sila ni Aki sa 'kin.
“Gusto ko sanang tumulong pero baka matanggalan ako ng trabaho kapag ginawa ko 'yon,” malungkot na ani Aki.
Ngumiti ako ng pilit. “Kaya ko, hindi n’yo kailangan na mag-alala,” pampalubag loob na sabi ko.
Ayokong nagiging pabigat sa kanila. Okay na sa 'kin na tinanggap nila ako kahit na wala akong experience sa ganitong trabaho.
Inayos ko na ang cake sa compartment ng motor kasama na rito ang kape na in-order nila. Wala na ang motor ko kaya magtitiis ako sa motor ng shop. Mas mabilis kasi akong nakakarating sa paroroonan ko kapag 'yong big bike ko ang gamit ko.
Napabuntong hininga ako nang sumakay ako at isuot ang helmet. ”Mag-iingat ka Amanda,” bilin ni Ma'am Lily.
Tiningnan ko sila isa-isa, halata mo pa rin sa mga mata nila ang pag-aalala.
“Ano ba kayo, hindi pa kayo nasanay sa akin? Makakabalik ako rito ng buhay. H’wag na kayong mag-alala,” natatawang sabi ko, para hindi na sila mag-alala.
Binigyan ko sila ng malaking ngiti sa labi at saka sumenyas para tuluyang umalis.
Nakaya ko noon, kaya wala akong dahilan para hindi ko kayanin ngayon. Hindi ko muna iisipin ang pagod, kailangan ko ng pera. Kaya kailangan kong tatagan ang sarili ko.
Mabilis kong nahanap ang address ng buyer. Nang labasin ako nito ay nakangiti kong inabot ang order n’ya pati na ang bayad nito.
“One down,” sambit ko nang makatalikod ako sa kan’ya.
Tiningnan ko ang cellphone ko at may fifteen buyers pang natitira. Nakakapagod man ay pinilit kong gawin lahat ng makakaya ko para matapos 'to.
Nagpabalik-balik ako sa shop para kuhanin ang mga orders nila. Panay ang takbo, sakay, bigay, kuha ng orders, at punas ko sa pawis ko. Ramdam na ramdam ko ang init na tumatagos sa katawan ko. Sobrang alinsangan ngayon sana hindi umulan.
“Amanda, mag-lunch ka muna.” alok ni Tj nang makarating ako ulit sa shop.
Kinuha ko ang kape na nasa counter at hinihingal na tiningnan s’ya. ”Busog pa ako,” tipid na sabi ko at saka dali-dali akong lumabas ulit.
Sa katunayan wala pang laman ang tiyan ko simula kaninang umaga pero kailangan kong tapusin 'to bago mag-alas otso dahil kailangan ako ng anak ko.
Napunasan ko ang sariling pawis nang makita ko ang bagong resibo. Sa sixteen na order kanina lima ang dumagdag.
Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga bago ko simulan ulit ang engine. Pero bago ako tuluyang makaalis ay nasilayan ko si Kieffer sa loob habang halukipkip na nakatingin sa pwesto ko.
Akala ko ba ay may aasikasuhin s’ya sa hospital n’ya? Tuwang-tuwa ba s’ya na napapagod ako? P’wes napapagod naman na talaga ako pero kung sinusubukan n’ya ako, do'n s’ya hindi magwawagi. Lalaban ako, wala akong inatrasan at hindi naipanalo na laban.
Binigyan ko s’ya ng blankong tingin at tuluyan na akong umalis sa shop. Tulad ng nakagawian ay panay ang abot at pasalamat ko sa mga buyer.
Inabot ako ng traffic nang maggagabi na. Panay tingin ang ginawa ko sa relos ko habang nakakapit sa manibela.
Ililipat na si Ally bukas sa main hospital para doon magpagaling. Sana ay maging maayos ang lagay n’ya. Alam ko namang hindi s’ya pababayaan ni Cyrus pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo pa't may trabaho rin s’ya.
Kahit na alam n’ya ang tungkol sa 'min ng kuya n’ya hindi n’ya ako nilubayan, hindi n’ya ako iniwan. Noong una ay nag-o-offer s’ya sa 'kin ng pera pero panay ang tanggi ko.
Ayokong humingi ng pera lalo na kapag hindi ko ito pinaghirapan. Gusto ko lahat ng ipangbabayad ko sa bills ni Ally ay pinaghirapan ko. Nagkaroon nga lang ako ng utang kanila Emma dahil noong panahon na 'yon ay gipit na gipit na talaga ako.
Nagsimula ulit akong magmaneho nang mag-green light na. Isa na lang ang ide-deliver at kapag tapos nito pwede na akong umuwi sa anak ko.
Maingat akong nag-doorbell nang makababa ako sa tapat ng malaking bahay. Isang rainbow cake at tatlong kape ang in-order nila.
Nang walang nag-re-response ay nag-doorbell ulit ako. Paulit-ulit kong ginawa ito hanggang sa may magbukas na ng gate at may lumabas na dalawang babae.
“Hi, Ma'am!! Here's your order,” nakangiting sabi ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang bigla silang tumawa, may isa pang babae na lumabas na may dalang camera.
“It's a prank,” sabi ng babaeng matangkad na naka-crop top.
“Ha?” naguguluhan na tanong ko.
“Hello, it's a prank. Sa tingin mo ba bibili kami n’yan? Meron na kaming in-order na pizza. Oh wait, nandito na pala s’ya,” pagkasabi n’ya n'yon ay tinabig n’ya ako para makadaan pati na ng mga kasama n’ya.
Napatiim bagang ako kasabay ng pagsinghap sa kawalan nang makita ko silang pinag-fiestahan ang pizza na nakuha nila sa delivery boy. Nang magbayad sila rito ay nagpaalam sila kay kuya kapag tapos ay humarap na ulit sa 'kin.
Akma na sana silang papasok pero agad ko silang hinarang. ”Bayaran n’yo 'to, Miss,” seryosong sabi ko.
Tiningnan ako nito at ngumisi. Ngayon ko lang napansin na s’ya 'yong babaeng pumunta sa shop kahapon at hindi marunong magbasa ng menu.
“Grabe hanggang dito ang lakas ng loob mo na pagtaasan ako ng boses,” nakataas ang kilay na sabi n’ya.
Kailan tumaas ang boses ko? Bobita talaga 'to. “Miss, bayaran mo na 'tong order n’yo dahil malalagot ako sa boss ko.” Ayokong makipagtalo, pagod na ako wala akong oras para ro'n.
Lalong tumaas ang kilay n’ya. “Akala ko ba nasa Amerika ang boss mo?”
Akala ko rin eh, nakauwi na pala. “Ma'am ayoko po ng gulo. Bayaran n’yo na lang po 'tong order n’yo para makaalis na ako,” mahinahong sabi ko.
“Paano kung ayoko?”
Sinusubukan talaga ako nito. ”Wala akong pakialam, basta bayaran mo ang in-order mo. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap na prinepare ang mga 'to para lang sa inyo. Ang laki-laki ng bahay n’yo wala kayong pang bayad? Ano 'yan, display?” singhal ko sa kanila.
“So akala mo magi-guilty ako? Sisihin mo 'yang sarili mo kung hindi ka ba naman na-late edi sana hindi kami um-order ng pizza,” paliwanag n’ya.
“Nauna akong mag-deliver pero ‘yong pizza ang binayaran n’yo. Bobo ka ba talaga?” Hindi na talaga ako makapagtimpi. ”Bayaran n’yo 'to o ako ang kukuha ng pera riyan sa wallet mo?”
Nakita kong nag-video ulit ang isang babae na nasa gilid n’ya kaya napasinghap ako sa kawalan. ”Sige gawin mo. I-e-expose namin na magnanakaw ka,” pananakot n’ya.
Nangunot ang noo ko. “Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?”
“Ayaw na nga namin n’yan. Ano pa bang gusto mo?” sabi ng matangkad sa kanila.
Napapikit ako sa inis. ”Bayad mo ang hinihingi ko! Wala akong pang-abono para rito,” diin na sabi ko.
“Ayon! Ayon ang sabihin mo wala kang pangbayad. Ang lakas mong magyabang pero wala ka namang pera,” nakangiwing sabi n’ya.
Naglabas s’ya ng pera sa wallet n’ya. ”Magkano nga ulit?” may pang-aasar na tanong n’ya.
“Three hundred.” kumalma na ako nang bigla n’yang inabot ang five hundred pesos mula sa wallet n’ya.
“Keep the change para may pangkain ka,” sabi n’ya nang abutin ko ito.
Sunod kong inabot ang cake at drinks nila pero nagulat ako sa sunod na ginawa nila. Tinapon nila ang drinks sa suot ko at ang cake na binigay ko.
“Hindi na namin kailangan n’yan,” nakataas ang kilay na sabi n’ya. ”Baka hindi ka pa nakakakain ng mga ganiyan kaya sa 'yo na lang. May tira pa naman sa b-”
Hindi ko na s’ya pinatapos pa at hinablot ko na ang buhok n’ya sa sobrang galit. ”Kanina pa akong nagtitimpi sa 'yo! Gusto mo talagang makatikim ng sumasabog na bulkan!”
“Aray! Stay away from me!”
Sinubukan akong hablutin ng dalawa pero agad ko silang sinipa sa tagiliran nang nakatalikod. Napalakas ang pagsipa ko kaya namilipit sila sa sakit. Hila-hila ko pa rin ang buhok ng bobitang ‘to.
“They say 'Customer is always right' but you're not a customer! You're an assh*le!” napahiga kami at pumatong ako sa kan’ya para bigyan s’ya ng malakas na sampal. ”Pinilit kong hindi pansinin lahat ng sinabi mo pero p*tng*n*!! Wala ka pa sa kalingkingan na naranasan ko sa mundo!”
“Please stop!” pigil n’ya.
Nang makuntento ako sa pagsampal sa kan’ya ay hinihingal akong tumayo. Hindi ako napuruhan dahil hindi ko hinayaan na sumampi ang kamay nila sa akin.
“Sa susunod na o-order ka, isipin mo kung sinong tao ang mapopurwisyo mo,” inis na sabi ko.
Hinipan ko ang hibla ng buhok ko at saka ako sumakay sa motor. Iniwan ko silang tatlo na nakahandusay. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil sabi ko nga ayoko nang umiyak. Hindi ako mahina, hindi ko kailangan umiyak.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay bigla namang umulan. Hindi ko na nagawang sumilong dahil malapit naman na ako sa shop. Sakto rin na alas otso ako natapos.
Malas ako ngayong araw na ito pero ang tanging iniisip ko lang ay si Ally.
“Amanda bakit basing-basa ka?” bungad ni Emma nang makapasok ako sa shop.
“Okay ka lang?” tanong ni Tj.
Hindi ko sila pinansin dire-diretso ako sa staff room dahil male-late na ako. Nakita ko pa si Kieffer na seryoso ang itsura bago ko tuluyan na isara ang pinto.
Napasandal ako sa locker nang manghina ako. I feel exhausted, parang isang tulak mo na lang sa akin ay hindi ko na magagawang tumayo. Huminga ako nang malalim para buksan ang locker ko. Kumuha ako ng towel para ipangpunas ito sa basa kong buhok.
Hindi pa man ako nakakapagbihis ay may kumatok na sa pinto. ”Amanda pinapatawag ka sa office ni Sir,” rinig kong sabi ni Ma'am Lily sa labas. ”Dalian mo raw.”
Ano na naman bang kailangan n’ya? Natapos ko naman lahat ng pinagawa n’ya.
Hindi na ako nagbihis pa at lumabas na ako ng staff room.
Natigilan naman ako nang apat silang makita ko na naghintay sa 'kin na lumabas. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko sa mga mata nila ang awa at pag-aalala. Umalis ako sa harapan nila pero naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa 'kin.
“Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?” tanong ni Aki.
“Oo nga, gusto mo sabihin ko na lang kay Sir na kailangan mo nang umuwi?” alok ni Tj.
“Prend, may nangyari ba? Bakit may galos ka sa kamay?” tanong ni Emma.
Nakita ko ang kamay ko na may kaunting gasgas. Ito yata 'yong nakuha ko nang sumayad ang kamay ko sa paghila sa babaeng nakaaway ko kanina.
“Gusto mo bang magpahinga?”
Napahinto ako sa paglalakad at gano'n din sila kaya hinarap ko sila na blanko ang mukha. ”Please! I know you guys are just worried pero… wag n’yo naman akong tadtarin ng tanong.”
“I'm sorry.”
“Ako na lang papasok sa office ni Boss, huwag n’yo na akong sundan,” seryosong sabi ko.
Tiningnan ko sila at saka ako tumalikod ulit para pumunta sa office ni Kieffer. Bumuntong hininga pa muna ako bago ko pihitin ang doorknob.
Nakita ko si Kieffer na nakaupo sa swivel chair n’ya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Alam kong hindi ako tatagal sa presensya n’ya pero boss ko pa rin s’ya kailangan kong magtiis.
“May kailangan pa po kayo?” formal na tanong ko.
“Are you stalking me?”
Naiangat ko ang ulo ko sa tanong n’ya.
What the f*ck?
Bellona.“Dito ka muna hangga't hindi pa maayos ang lagay ni Ally.”Binuksan ni Cyrus ang ilaw ng condo n’ya.Pinalayas ako ng landlady kanina sa inuupahan ko dahil nasuntok ko ‘yong anak n’yang lalaki kanina. Partida nakatago na ang katawan ko nagawa pa akong bosohan what more pa kaya kung may nakalabas ng balat sa 'kin.Hindi n’ya matanggap na manyak 'yong anak n’ya. Wala sa pananamit ng babae 'yan kapag sinapian ng kamanyakan ang isang lalaki gagawin at gagawin n’ya ang kagustuhan ng katawan n’ya. Hindi lang dapat suntok ang aabutin n’ya sa 'kin kung hindi lang sumulpot 'tong si Cyrus.“Salamat. Kapag nakahanap ako agad ng malilipatan aalis din ako ri-”“Huwag ka na palang umalis. Dito ka na lang, you owe me one remember? At dito ka na mag-ii-stay for good,”seryosong sabi n’ya.&n
Third Person.A man held his chin while thinking of what to do next for the palace. Everyone inside the palace are panicking because of the disappearance of the Empress, that the Grand Emperor hid for a long time.Ang apat na organisasyon ay hindi na rin alam ang gagawin. Hindi na nila alam ang susunod na hakbang lalo pa't alam na ng mga tao ang pagkawala ng Empress.“Your majesty!!” Nawala ang paningin ng Grand Emperor sa kaniyang tasa na mayroong tsaa na mukhang malamig na.Tumingin ang Grand Emperor sa kadarating lang na Ministeryo. Binigyan n'ya ito ng pahintulot na magpatuloy sa kaniyang ibabalita gamit lamang ang pagtingin.Yumuko pa muna ang Ministeryo habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamay nito bilang pagpapakita ng paggalang sa nakatataas.“Kumakalat na po ang balita patungkol sa pagkawala ng Mahal na Empress,” panimulang ulat nito.Nagpa
Bellona.Naikuyom ko ang kamao ko nang pumasok ako sa office ni Kieffer. Sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko nang maramdaman ang presensya ko.“Ayan! S’ya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng internal bleeding ang mga kaibigan ko.”Hindi ko naiwasan na mapasinghal nang tumayo ang babaeng sinampal ko a week ago habang nakaduro ito sa pwesto ko. Isang linggo na ang nakakalipas may internal bleeding pa rin? Kung iumpog ko kaya ‘to ngayon sa pader para magkaroon talaga sila ng internal bleeding.Nabaling naman ang tingin ko sa dalawang babae pa na nakayuko. Sa nakikita ko parang wala naman silang iniinda.“At ito.”tinuro n’ya ang mukha n’ya.“Kaya naging ganito ang mukha ko, dahil lang naman d’yan sa empleyado n’yong walang modo.”“Wala ka rin namang modo,” r
Bellona.“Bitiwan mo nga ako,”inis na sabi ko, sinubukan kong kumawala pero mas nananaig ang lakas n’ya.“No, I won't.”mas lalong humigpit ang pagkakagapos n’ya sa katawan ko.“Hindi ko man alam ‘yong pinagdaanan mo nang iwan kita. Hayaan mo akong tuklasin 'to,”sinseridad na sabi n’ya.Nangunot ang noo ko. Hinawakan ko ang kamay n’ya at saka ko pinilit na paikutin ito upang makaharap ako sa kan’ya.“Hindi pwede,”seryosong sabi ko nang titigan ko s’ya.“Ano bang sikreto mo, Dawn?”he asked out of curiosity.“Kailan pa sinabi ang sikreto?”seryosong sabi ko.“Asawa mo ako, your ex-husband,”pagtatama n’ya.“But de
Bellona.Binigyan ko ng tipid na ngiti ang shop nang lingunin ko ito at saka ako tumungo sa Ospital. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila isa-isa dahil baka hindi lang ako makaalis kapag sinabi ko ang paglisan ko sa shop.Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa Hospital. Aalagaan ko na muna si Ally habang hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho sa convenience store. Dala-dala ko ang paboritong sinigang ni Ally na niluto ko sa condo ni Cy kanina.“Galit ‘yong Director kagabi eh kaya ayon hindi natuloy ‘yong meeting.”“Lately, hindi na s’ya pumupunta rito. Ang sabi ay nag-fo-focus s’ya sa coffee shop n’ya na hindi naman talaga n’ya pinagtutuunan ng pansin noon.”“Bakit kaya?”Bakit hanggang sa Ospital ay si Kieffer ang pinag-uusapan? Pwede bang mamuhay na lang sila ng payapa at pagtuunan ng pansin
Bellona.Nakatingin ako sa lobong pisngi ng anak ko habang ngumunguya ng sopas.“Ano’ng gusto mo kapag uwi ko?”tanong ko.Lumunok s’ya at ngumiti.“Ikaw,” he replied.Naibaba ko ang kutsara na hawak ko sa mangkok.“Maaga akong uuwi mamaya,”nakangiting wika ko.“Miss na kita Mama, minsan kasi ay si Tito Cy ang nag-aalaga sa 'kin pero bigla rin s’yang umaalis kasi may iba pa raw s’yang pasyente,”nakangusong sabi n’ya habang nakatungo.“Kahit si Tito Dwight.”Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses n’ya. Gusto kong mag-stay na lang sa tabi n’ya at alagaan s’ya pero hindi ko magawa dahil kailangan ko ng pera. Kailangan n’yang mapa-chemo dahil palala na nang palala ang lagay n’ya.&
Bellona.Naramdaman ko na lang na nasa kotse n’ya ako. Nanliit ang mga mata kong pinanood s’ya na umikot papunta sa driver's seat. Nang makasakay s’ya ay agad n’yang sinimulang buksan ang engine but I stopped him, when I regain my consciousness.“Don't,” saad ko habang hawak-hawak ang braso n’ya.Tiningnan n’ya ako ng may pagtataka at pag-aalala, ngayon ko lang s’ya nakitang mag-alala sa 'kin. Kahit na gano'n pinanatili kong hindi magpakita ng kahit ano’ng emosyon.Nakalimutan ko na pinutol ko na pala ang connection namin sa isa’t-isa kaya para saan pa kung lalaban ako kasama s’ya.“What are you talking about?”He said, his brow furrowed.“You need to be treated.”Pumukit ako saglit at saka paulit-ulit na umiling.“Malakas pa ako, kaunting galos lang a
Bellona. “I love you.” As if my chest stopped beating when he said those words. Parang tumigil pati ang paligid ko nang marinig ko iyon mula sa kan'ya. Ang mga katagang minsan ko na ring pinangarap na marinig mula sa labi n'ya. “Mahal kita, Bellona,” ulit n’ya. Napapikit ako nang ulitin n’ya pa 'to habang humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. Hindi ako dapat mahulog sa patibong n’ya. Hindi dapat ako maniwala sa kung ano’ng sasabihin n’ya, dahil baka mawala lang ulit ako sa landas na tinatahak ko.Baka magkamali na naman ako. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari ‘yon. Bumuntong hininga ako at saka ko pinagpatuloy ang pagbukas ng pinto. Lumabas ako ng kwarto na parang wala akong narinig. “Dawn!” Nang tawagin n’ya ako ay binilisan ko ang pagbaba ng hagdan. Hindi n’ya ako pe-pwedeng mahabol dahil baka bumigay ako. Pi
Bellona.Nang muli kong igalaw ang mga paa ko ay natigilan ako nang madako ang paningin ko kay Kieffer. Nakatitig lang ito sa book shelves niya habang naka-awang ang bibig."Anong ginagawa mo?"tanong ko.Umangat ang dalawang kilay ko sa sobrang pag tataka. Kaya nilapitan ko na siya para kamustahin dahil mukhang nawalan siya ng dugo.Hindi ko alam kung alam na ba niyang nahuli na si Brianna."Ayos ka la---"natigilan ako nang bigla siyang mang hina."Kung may cctv ro'n, ang ibig sabihin mo ba, nakita mo ang lahat?"ani ha
Bellona.Hindi ko maiwasang igalaw ang swivel chair ko habang nag babasa ng papeles. Nakaupo ako sa tabi ni Kieffer pero mukhang wala rin sa meeting ang isip niya."May problema ba?"mahinang tanong ko."Hmm?"biglang baling niya sa akin."Wala."Umupo siya ng maayos at kinuha ang papel sa mesa. At saka siya muling nakinig sa Prime Minister na nasa harap.Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa binabasa ko. Nawawalan ako ng focus sa pinagpupulungan namin. Masyadong pre-occupied ang utak ko."Nakakaabala ang gani---
Brianna.Nakasilay lang ako sa dagat habang yakap yakap ang dalawang binti."Inako ng Great Grand Empress ang parusa na dapat para sa 'yo,"nakakasindak na panimula ni William."Mag tatago ka na lang ba rito sa Isla mo? Hindi mo lang ba igaganti kung anong ginawa ng kapatid mo sa akin?"Sinamaan ko siya ng tingin. Nakaturo siya sa mukha niyang namamaga."Kasalanan ko bang tanga tanga ka at nadampian ka ng kamao ni Bellona?"singhal ko.Ngumisi siya,umupo siya upang mapantayan ako."Tandaan mo, wala ka ng Green sa tabi mo. Kaya wala ka ng karapatan na umasta na parang may korona ka riyan sa ulo mo." 
Bellona.Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang pag bukas ng selda. Napabangon ako nang makita ko ang nakangiting si Nanang."Nanang."Tatayo sana ako ngunit sinensyasan niya ako na huwag na. Naupo siya sa kama sa tabi ko at binigay ang tray na may laman na gatas at tinapay."Ang sabi ng mga kawal ay hindi ka kumakain,"malumanay na usal niya."Kaya kumain ka, Hija."Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tinanggap ang inalok na pagkain. Tahimik kong binuksan ang tinapay na nakabalot sa brown na supot.Nang simulan kong kagatin ang tinapay ay natigilan ako dahil sa biglaan niyang paghaplos sa buhok ko."Ang putla putla na ng apo ko."aniya, habang nakatingin sa buhok ko.Bumaba ang tingin niya sa akin at ngumiti ng mapait. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero panatag ako na n
Bellona.Naging sagabal ang hibla ng buhok ko sa daan na tinatahak namin papunta sa selda. Nanatili akong nakayuko, ramdam ko ang paninikip ng lubid na nakatali sa kamay ko."Bellona!!"Natigilan kami sa pag lalakad nang marinig namin ang tinig na iyon. Napapikit ako ng marinig ko ang yapak nito papunta sa amin."Bellona.."Hindi ko magawang lingunin siya dahil baka bumigay ako."Bellona, sagutin mo ako. Anong naging kasunduan niyo?"halata ang panlulumo sa boses niya.
Bellona."I felt so much, that I started to feel nothing,"I burst into tears.I leaned my head at the back of his gravestone while sitting in the fetal position. And I felt someone hugging me.Flashback."Hindi ba't sabi ko burrito hindi siopao!!""S-sorry.. a-ayan lang kasi ang binigay sa akin ni P-papa."Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na nag mula sa banyo ng mga lalaki."Sa susunod na makita ko 'yan mukha mo! hindi lang ayan ang mapapala mo.""S-sorry.."Napakrus ang mga braso ko nang matinigan ko ang boses niyon. Sa inis ko ay inabangan ko ito malapit sa pinto ng mga lalaki.Tinignan ko ng masama ang dalawang lalaki papasok sana sa loob."B-bro.. si Bellona, Bro.. pigilan mo na ihi mo."
Bellona.Kieffer..."A-anong ginagawa mo rito?""I am in charge to cleaning up the trash," he grinned.Hindi pa rin mag sink in sa akin ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon."I will make you choose, Brianna,"walang ekspresyon na wika niya."Papakawalan mo sila o dadagdagan ko ang bangkay sa harapan mo?"Napaatras si Brianna nang saktong pulutin ni Kieffer ang sandata na nasa lapag."You are running out of time,"malamig na saad niya.Kieffer is here.. hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Akala ko ay nasa coma pa rin siya, akala ko hindi na siya gigising, akala ko life support na lang ang bumubuhay sa kaniya. Kaya hindi ko maintindihan, his dad gave me a permission to choose kung papakawalan ko na si Kieffer. Kung ipap
Bellona."P-paano mo nagawang lokohin ako?"nauutal na tanong ko.Gusto kong makasampal pero ikinakalma ko ang sarili ko."Pinagkatiwalaan kita!!"napapikit ako sa galit."I trusted you too!!"nag simula siyang maluha.Lalo akong nanghina nang maramdaman ko ang sakit sa pag sigaw niya."Anong nagawa ko, Emma? just tell me."napayuko ako dahil sa sakit.Nadadala ako sa lungkot dahil parang ito ang nag sisilbing ambiance habang magkakaharap kami
Bellona.Nang ma-trace namin kung nasaan ang hideout nila Brianna ay mabilis kaming nag ayos at dumako roon.Nang makarating kami roon ay hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang hideout nila. Nakahanda na kaming lahat bumaba ng van nang biglang sumama ang tiyan ni Tj."Taena natatae pa ata ako, wait lang."masama ang mukha na usal niya.Lahat kami ay nasa kaniya ang paningin."Tanga mo talaga sabi ko naman sa 'yo kanina tumae ka na."inis na sabat ni Emma."Bobita ka ba? noong sinabi mo 'yan nasa high way na tayo.""Tsk! kasalanan mo kasi 'yan e. Ang dami mong kinuhang pagkain kay Dwight.""Alangan naman na hindi ko kunin ang binigay na gwasya ng Prinsipe.""Stop!"singhal ko.Lahat sila ay natigilan,"Sowi."usal ni Tj.&n