Share

CHAPTER 05.

Author: BubbleChiquee
last update Last Updated: 2021-10-23 22:59:47

Bellona.

“Dito ka muna hangga't hindi pa maayos ang lagay ni Ally.” Binuksan ni Cyrus ang ilaw ng condo n’ya.

Pinalayas ako ng landlady kanina sa inuupahan ko dahil nasuntok ko ‘yong anak n’yang lalaki kanina. Partida nakatago na ang katawan ko nagawa pa akong bosohan what more pa kaya kung may nakalabas ng balat sa 'kin.

Hindi n’ya matanggap na manyak 'yong anak n’ya. Wala sa pananamit ng babae 'yan kapag sinapian ng kamanyakan ang isang lalaki gagawin at gagawin n’ya ang kagustuhan ng katawan n’ya. Hindi lang dapat suntok ang aabutin n’ya sa 'kin kung hindi lang sumulpot 'tong si Cyrus.

“Salamat. Kapag nakahanap ako agad ng malilipatan aalis din ako ri-”

“Huwag ka na palang umalis. Dito ka na lang, you owe me one remember? At dito ka na mag-ii-stay for good,” seryosong sabi n’ya. ”I mean kayo ni Ally.”

Naalala ko tuloy ‘yong sinabi ko sa kan’ya noong isang araw kung pwede ba s’yang tumayong Ama ni Ally Sean.

Napabuntong hininga ako. ”Salamat ng sobra sa 'yo, Cy, kung wala ka baka kung saan na kami pulutin ni Ally ngayon,” malumanay na sabi ko.

Binigyan n’ya lang ako ng tipid na ngiti.

Mukhang wala pang alam ang pamilya n’ya sa ginagawa n’yang pagbantay sa anak ko. Si Cyrus at Dwight lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating kay Ally.

“Minsan nasa Hospital si Kuya mag-iingat ka, huwag kang magpapahuli sa kaniya,” bilin n’ya.

Mariin akong tumango. “Sige na, may pasok ka pa.” ni-tap ko ang balikat n’ya at tumalikod na.

“I love you.”

Natigilan ako sa sinabi n’ya, Hindi ko nagawang lumingon ulit sa kan’ya nang maramdaman ko ang paghawak n’ya sa kamay ko. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin na naman n’ya ulit ‘yon.

Alam ko na may nararamdaman s’ya para sa 'kin pero hindi ko ginagamit 'yon na dahilan para gamitin ko s’ya. Napag-usapan na namin ang tungkol dito. Noon pa man na nasa college kami, parehas kaming nag-aral ng medisina. Naging kaklase ko s’ya sa college before, s’ya nga ang nagpakilala sa 'kin sa kuya n’ya noon.

Minsan na rin akong nahulog sa kan’ya pero hanggang paghanga lang 'yon mas matimbang pa rin ang pagmamahal na naibigay ko kay Kieffer na hindi naman nasuklian. Ang bobo ko sa part na 'yon nagpakatanga ako sa lalaking hindi naman ako gusto nasayang lang ang oras at panahon ko.

“Hmm... 'di ba may pasok ka pa?” naiilang na pag-iiba ko nang lumingon ako sa kan’ya.

Tumawa s’ya nang bahagya. “Magpahinga ka na.” He smiled bitterly and patted my head after.

Umalis s’ya habang nakatulala ako sa ginawa n’ya. Nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko nang gawin n’ya 'yon.

Mabilis akong umiling at napasinghap.

Flashback.

“Ally? Gusto mo kwentuhan kita after kong magluto?” tanong ko sa anak ko na nakatalikod sa 'kin habang naglalaro sa lapag.

Hindi ako nakakuha ng sagot dito kaya pinabayaan ko na muna. Nagtaka ako nang bumalik ulit ako sa sala at nasa gano'n pa rin s’yang posisyon.

“Ally, gusto mo na bang kumain?”

Lumapit ako unti-unti sa pwesto n’ya at nabitawan ko ang sandok na hawak ko nang may makita akong suka sa tapat n’ya. Dali-dali akong pumunta sa pwesto n’ya at doon ko nakita ang nakapikit n’yang mga mata.

Agad ko s’yang binuhat sa mga bisig ko at ginising. “Ally, Ally, Ally!” hindi ko alam ang gagawin.

Lalo akong kinabahan nang maramdaman kong mainit s’ya. “Ally,” sinubukan ko s’yang sampalin ng mahina para magising s’ya pero wala pa rin akong nakuhang response.

Ni-check ko ang pulsuhan n’ya pero maayos naman ito. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko nang may makita akong pasa sa braso n’ya nang iangat ko ang suot n’ya.

“Ally! Huwag mong iwan si Mama! Ally, gumising ka.” Nanginginig kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at ni-contact ang kapatid ko.

Hindi ko pa mapindot ng maayos ang number n’ya dahil sa sobrang kaba. Binuhat ko ang anak ko at inihiga 'to sa sofa.

“Dwight, please answer your phone!” Hindi na ako mapakali.

Nanginginig at kinakabahan ako. Nakikita ko pa lang na lupaypay ang katawan ng Anak ko naiiyak na ako. Hindi ko s’ya maitatakbo sa Hospital dahil ang layo ng Ospital dito. Kailangan ko si Dwight at ang sasakyan n’ya.

[“Hello?”]

“Dwight!!” nakahinga ako kahit papaano nang maluwag.

[“Kamahalan...”]

Mukhang natunohan n’ya ang boses ko. ”Dwight si Ally...”

[“What happened?”] may pag-aalalang tanong n’ya.

“Ang taas ng lagnat n’ya, hindi rin s’ya gumigising. Dwight, hindi ko na alam 'yong gagawin,” nanginginig na sabi ko.

[“Hey, Hey... pakalmahin mo ‘yong sarili mo,”] pagpapakalma n’ya. [“Parating na ako riyan, kasama ko si Kuya Cy.”]

Hindi ko pa man naitatanong kung bakit kasama n’ya si Cy ay binaba n’ya na ang tawag. Tiningnan ko pa muna ang cellphone ko bago ko ibalik ang tingin kay Ally.

“Mama...”

Bumilis ang tibok ng puso ko nang umungol s’ya. Nangingilid na naman ang mga luha ko nang hawakan ko s’ya.

“Ally... nandito si Mama. Ano’ng masakit anak?” pag-aalo ko.

Hindi pa gano'n na nakakapagsalita si Ally minsan ay hihilahin n’ya lang ang laylayan ng damit ko kapag may gusto s’ya. Hindi rin s’ya iyakin kaya palaging payapa ang tulog ko. Pero kapag ganitong may sakit s’ya hindi n’ya nagagawang tawagin ako.

Kung pagbabasihan ang lagay n’ya ngayon, hindi lang basta lagnat o pasa ang meron s’ya pero sana mali ang iniisip ko.

“Kamahalan!” agad na bumukas ang pinto ng bahay at niluwa n’yon sila Dwight at Cyrus.

Agad na tumakbo si Dwight sa akin at si Cy naman ay kay Ally. Pinanood ko s’yang i-check ang lagay ni Ally hanggang sa binuhat n’ya ito.

“Kailangan n’yang madala sa hospital,” an’ya nang lumingon sa 'kin.

Sa sobrang takot ko ay tumango na lamang ako. Nakatingin ako kay Ally na nakapatong ang ulo sa balikat ni Cy habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Dwight.

Parang mahimbing lang ang tulog n’ya pero ang totoo ang init-init na ng pakiramdam n’ya.

Sumakay kami sa kotse at mabilis kaming nakarating sa hospital. Mabuti na lang at kakilala ni Cy ang Doctor at nauna nang i-check si Ally.

Kasalukuyan namin kaharap ang Doctor, hinihintay ko kung ano’ng resulta ng blood test ni Ally. Sa itsura pa lang ng Doctor ay alam ko nang hindi maganda ang resulta n’yon.

Pero kahit na gano'n ay hinihiling ko pa rin na sana hindi gano'n kalala ang sakit ng Anak ko.

“I'm sorry but the patient has acute lymphocytic leukemia,” malumanay na sabi ng doctor, parang nabingi naman ako sa sinabi nito.

Hindi ko na namalayan na inalalayan na ako ni Cy dahil sa panghihina ng tuhod ko.

“Pwede pa naman kayo mag pa-second opinion.”

Hindi ko na narinig ang sinabi n’ya hanggang sa umalis s’ya sa harapan namin. Tuluyan na akong napaupo sa waiting area at doon umiyak. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko tanging paghikbi lang ang ginawa ko.

Si Ally na lang ang meron ako, ayokong pati s’ya mawala.

End of Flashback.

Suminghap ako habang nakatingin sa mukha ng anak ko. Ang mga labi n’ya ay namumutla na, ang kan’yang buhok ay nagsisimula ng maglagas.

“Sana ako na lang,” bulaslas ko, muling nangilid ang luha ko. ”Sana ako na lang ang nakahiga riyan at hindi ikaw.”

Naitaas ko ang ulo ko para mapigilan ang luha ko habang hawak-hawak ko ang maliit na kamay nito.

Suminghot ako at saka bumalik ang paningin ko sa kan’ya. ”Lalaban tayo... lalaban si Mama para sa 'yo. Ikaw na lang ang meron ako... Hindi ako papayag na pati ikaw mawala.”

--

Simula nang komprontahin ako ni Kieffer sa opisina n’ya ay palagi na akong nag-iiwas ng tingin. Lalo na kapag dadaan s’ya sa harapan ko.

“Are you stalking me?”

“Maghilod ka nga baka masyado nang kumakapal 'yang libag mo sa mukha.”

Buti hindi ako tinanggal sa trabaho n’yon dahil sa ginawa ko. Halata ko pa rin ang inis sa itsura n’ya kapag nagkakasalubong kami.

Kasalanan ko ba na nakapalan talaga ako sa kan’ya? Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi naman ako magtatagal dito.

Hindi nga n’ya ako tinanggal sa trabaho lalo naman n’ya akong pinahirapan. Feeling ko nga ay hindi na s’ya pumupunta sa hospital dahil palagi s’yang nandito para bantayan ang galaw ko. Ano bang akala n’ya sa 'kin hindi ko magagawa lahat ng ipag-uutos n’ya? Na susuko ako agad?

Wala pang hirap ang pinapagawa n’ya sa 'kin dito, kaysa noong magpasya ako na pakasalan s’ya. Mas nakakapagod na pagbuhatan n’ya ako ng kamay noon at ipamukha sa 'kin na hindi ako kamahal-mahal.

Mabuti na lang din at palagi s’yang nandito dahil kung palagi s’yang nasa Hospital hindi impossible na makita n’ya si Ally roon.

“Kupal 'to, ako pa lolokohin mo eh mas maganda ako sa 'yo,” ani Tj.

“Binudburan lang naman ng harina 'yang mukha mo akala mo kung sinong maganda,” patol ni Emma. “Sabihin mo salamat baby powder.”

“At least baby.”

Mabuti na lang at wala masyadong customer kung hindi baka pinagtitinginan na sila ngayon. Pinag-aawayan nila kanina pa ‘yong product na nabili nila sa online shop. Panay lang ang tawa ko habang pinapanood silang dalawa.

“Emma, Table ten,” ani Aki nang ilagay n’ya ang dalawang kape sa tray.

“Maiwan muna kita chaka doll,” bungisngis na sabi ni Emma at saka n’ya kinuha ang tray at pumunta sa dulo ng shop.

“T*ngina talaga ng babaeng 'yon masyadong hipokrita,” gigil na sabi ni Tj.

Tinawanan ko na lang s’ya at tinuon na lang ang pansin sa nililista. Mamimili kasi si Aki mamaya ng mga ingredient. Bukod kasi sa pag-sideline ni Aki sa pag-de-deliver ay s’ya ang barista rito sa coffee shop may mga cakes din kami rito para sa dessert ng mga customer at ang gumagawa ng mga 'yon ay si Ate Linzy, kapatid n’ya si Ma'am Lily pero minsan ay hindi naman s’ya nakikipag-usap sa 'min dahil tahimik lang 'yon.

“Ahh!!”

Sabay kaming napalingon ni Tj sa direksyon na pinuntahan ni Emma nang may marinig kaming sigaw at nahulog na baso. Nagkatinginan pa kami nito at saka kami dali-daling pumunta sa gawi n’yon.

“Bitawan n’yo ako!!”

Nagulat ako nang makita si Emma na hawak-hawak na ng dalawang lalaki. May hawak na kutsilyo ang isang lalaki habang nakatutok ito sa leeg ni Emma.

“Please, h’wag n’yo akong patayin,” pagmamakaawa ni Emma sa kanila.

“Sir, pag-usapan po natin 'to,” pagpapakalma ni Tj.

Biglang tinapat ng isa pang lalaki ang kutsilyo kay Tj na tinangkang lumapit. ”Bigyan n’yo kami ng pera papakawalan namin ang babaeng 'to,” namumula na sabi ng may hawak kay Emma.

Pinanood ko ang bawat galaw nila. Halata mo sa may hawak kay Emma na first time lang n’yang gawin 'to dahil sa panginginig at pagkabalisa n’ya. At ang isa naman na lalaki ay halata mong sanay na sanay na s’ya sa ganitong set-up pero base sa galaw ng kamay n’ya walang ka-effort effort ang mga ito, para bang hindi rin s’ya handang lumaban.

“Magkano ba ang kailangan n’yo?” takot na sabi ni Tj. “Bitawan n’yo na ang kaibigan ko,” pagmamakaawa nito.

“Thirty thousand,” sagot ng lalaking may hawak kay Emma.

Bahagya akong napanguso at napairap sa kawalan nang marinig ito. Gagawa sila ng ganitong klasing krimen para lang sa pera. Iba talaga nagagawa ng bagay na ‘yon. 

It's a no, no for me.

“Ibibigay ko ang gusto n’yo basta bitiwan n’yo na s’ya,” naiiyak na sabi ni Tj.

“Ano kami Bobo? Pera muna bago namin pakawalan 'to.”

“Si-sige.” tumalikod si Tj sa kanila para pumunta sa counter pero agad ko s’yang binalik sa pwesto n’ya na ikinalaki ng mata n’ya. ”Amanda...”

Hindi na ‘to 'yong una na may nagtangkang mang-harass sa mga katrabaho ko kaya alam ko na ang iniisip nila.

Hindi ko s’ya pinansin at tumingin sa dalawa na hawak-hawak pa rin si Emma. Lumapit ako nang bahagya rito. “Simulan mo ng isaksak sa kan’ya habang wala pa ang boss namin,” seryosong utos ko rito.

“Amanda ano bang sinasabi mo? Gusto mo bang mamatay si Emma?” bulong ni Tj na nasa likod ko na.

“Gagawin ko talaga!” diniin n’ya ang kutsilyo sa leeg ni Emma na nagkaroon ng kaunting hiwa rito.

Napangisi ako. “Nakakatakot naman, rawr!” natatawang sabi ko.

“Baliw ka ba?!” sabi ng lalaking may hawak ng kutsilyo na nakatapat sa akin.

Tumigil ako sa pagtawa at ngumiwi. ”Dali sayang ang oras,” naghihintay na sabi ko.

Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa at doon ko na kinuha ang pagkakataon para sipain ang kamay ng lalaking hawak-hawak ang kutsilyo na nakatutok sa gawi ko. Naibagsak n’ya ang kutsilyo na hawak dahil sa pamamanhid ng kamay. Susubukan sana nitong lumaban pero nahigit ko na ang kamay n’ya at natuhod ang tiyan nito.

“Lenard!” sigaw ng kasama nito na hawak-hawak si Emma.

Namilipit ang lalaki na tinawag n’yang Lenard sa sobrang sakit na natamo n’ya. Sinikmuraan ko lang s’ya namilipit agad.

Nang tingnan ko ito ay lumipat ang paningin ko sa isa pang lalaki. Nakapulupot na ang braso nito sa leeg ni Emma at tinutok ang kutsilyo sa 'kin.

Binigyan ko ng, ”Okay lang, ililigtas kita.” look si Emma. Dahil namumutla na s’ya sa mga bisig ng lalaki.

“Sige lumapit ka papatayin ko 'to!” babala n’ya.

“What the fudge! Aki tawagin mo si Sir Kieffer at Ma'am Lily,” rinig kong sigaw ni Tj.

Natawa na naman ako nang lumunok s’ya ng dalawang beses. “Papatay ka para magkaroon ng laman ang tiyan mo? Ayusin mo desisyon mo.”

“Amanda, sa likod!”

Bigla akong napaharap sa likuran ko nang sumigaw si Tj. May upuan na sanang aamba sa 'kin pero buti na lang ay nakailag ako. Agad akong pumunta sa tagiliran ng lalaking sinikmuraan ko kanina at siniko ko naman ang likod n’ya dahilan para mapaluhod s’ya at mabitawan ang upuan. Kinuha ko ang dalawang kamay n’ya at nilagay ito sa likod. Nang mapadapa s’ya ay dumagan ako sa kan’ya.

Sinubukan pumiglas nito pero habang hawak ko s’ya sa likod ay dumapa pa ako at nilapit ang bibig sa tainga n’ya. “Alam mo kung paano magalit ang baliw? Bukod sa pumapatay kami ng puso, nakakabali rin kami ng buto,” bulong ko.

Dahan-dahan ko s’yang tinalian sa kamay gamit ang straw na nakuha ko pa sa apron ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay lumingon naman ako sa isa pang lalaki na lalong nanginig.

Tumayo ako sa pagkakatuhod sa lalaki at tiningnan s’ya kasabay ng pagngiti ko ng nakakaloko. Nang manginig ang kamay n’ya ay agad kong kinuha ang kutsilyo na hawak n’ya. Ngunit hindi pa rin n’ya binibitawan si Emma.

Tinaas ko ang kutsilyo na ngayon ay hawak ko na at sinubukang hawakan ang tip nito, sinadya kong laslasan ang daliri ko.

“Amanda!” alam ko kung kaninong boses 'yon pero wala akong pakialam.

“Aww, this is really too sharp, huh?” kunwari'y nasaktan na sabi ko. “Ito yata ‘yong bagong hasa na nakuha n’yo pa sa kusina ng Nanay n’yo,” pang-aasar ko.

“Baliw ka!!” sigaw ng lalaki.

Naituro ko ang sarili ko. ”Ngayon mo lang alam? Ako kasi matagal na.” Ngumiti ulit ako nang nakakaloko. ”Bitawan mo na si Emma.” bigla kong inapakan ulit ang lalaking nakadapa at umungol 'to sa sakit. ”O gusto mong umuwi mag-isa?” pananakot ko.

Tumingin s’ya kay Emma na nakapikit na sa pamumutla. Nagpalipat-lipat ang paningin n’ya rito at saka n’ya dahan-dahan na pinakawalan si Emma.

Nahimatay si Emma nang makawala s’ya dahil siguro sa takot. ”Emma!” sigaw ni Tj at Aki.

Habang ang lalaki naman na 'to ay lumuhod sa harapan ko. ”Patawarin n’yo ako! Patawarin n’yo kami ng kapatid ko. Huwag n’yo kaming ipakulong, may sakit kasi si Lola kaya kailangan namin ng pera.”

Napangiwi ako, bumaba ako para matapatan s’ya. ”Wala kang pera? Bakit hindi ka magtrabaho? Mangarap ka, at bumangon ka. Mas masarap mamahagi ng tulong kapag alam mong pinaghirapan mo. At hindi sa pagnanakaw at pananakot nanggaling,” pangaral ko. ”Life is like a stone, it's really hard kaya dapat masanay ka na. Naintindihan mo? O gusto mo tagalugin ko pa sa 'yo?”

Umiling-iling s’ya. “Sino ka ba?” takot na tanong n’ya.

“Ako?” naituro ko pa ang sarili ko, tumango s’ya sa 'kin kaya nilapit ko ang bibig ko sa tainga n’ya. ”Ako si Empress Bellona,” bulong ko.

Kinilabutan s’ya sa sinabi ko dahil nakita ko ang panlalaki ng mata n’ya. Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko para patahimikin s’ya kasabay n’yon ang pagtaas ng dalawang kilay ko sa kan’ya.

Tumayo na ako at saka iniwan silang magkapatid sa pwesto nila. Pero pagkalingon ko ay nakita ko sila Kieffer na may pag-aalala sa mukha.

Diretso ang tingin ko sa kan’ya habang naglalakad ako papunta sa kanila. Blanko ang mukha ko nang lingunin ko s’ya.

“Pasensya na sa gulo, hindi na muulit.”

Related chapters

  • Vicious Warrior   CHAPTER 06.

    Third Person.A man held his chin while thinking of what to do next for the palace. Everyone inside the palace are panicking because of the disappearance of the Empress, that the Grand Emperor hid for a long time.Ang apat na organisasyon ay hindi na rin alam ang gagawin. Hindi na nila alam ang susunod na hakbang lalo pa't alam na ng mga tao ang pagkawala ng Empress.“Your majesty!!” Nawala ang paningin ng Grand Emperor sa kaniyang tasa na mayroong tsaa na mukhang malamig na.Tumingin ang Grand Emperor sa kadarating lang na Ministeryo. Binigyan n'ya ito ng pahintulot na magpatuloy sa kaniyang ibabalita gamit lamang ang pagtingin.Yumuko pa muna ang Ministeryo habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamay nito bilang pagpapakita ng paggalang sa nakatataas.“Kumakalat na po ang balita patungkol sa pagkawala ng Mahal na Empress,” panimulang ulat nito.Nagpa

    Last Updated : 2021-10-26
  • Vicious Warrior   CHAPTER 07.

    Bellona.Naikuyom ko ang kamao ko nang pumasok ako sa office ni Kieffer. Sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko nang maramdaman ang presensya ko.“Ayan! S’ya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng internal bleeding ang mga kaibigan ko.”Hindi ko naiwasan na mapasinghal nang tumayo ang babaeng sinampal ko a week ago habang nakaduro ito sa pwesto ko. Isang linggo na ang nakakalipas may internal bleeding pa rin? Kung iumpog ko kaya ‘to ngayon sa pader para magkaroon talaga sila ng internal bleeding.Nabaling naman ang tingin ko sa dalawang babae pa na nakayuko. Sa nakikita ko parang wala naman silang iniinda.“At ito.”tinuro n’ya ang mukha n’ya.“Kaya naging ganito ang mukha ko, dahil lang naman d’yan sa empleyado n’yong walang modo.”“Wala ka rin namang modo,” r

    Last Updated : 2021-10-26
  • Vicious Warrior   CHAPTER 08.

    Bellona.“Bitiwan mo nga ako,”inis na sabi ko, sinubukan kong kumawala pero mas nananaig ang lakas n’ya.“No, I won't.”mas lalong humigpit ang pagkakagapos n’ya sa katawan ko.“Hindi ko man alam ‘yong pinagdaanan mo nang iwan kita. Hayaan mo akong tuklasin 'to,”sinseridad na sabi n’ya.Nangunot ang noo ko. Hinawakan ko ang kamay n’ya at saka ko pinilit na paikutin ito upang makaharap ako sa kan’ya.“Hindi pwede,”seryosong sabi ko nang titigan ko s’ya.“Ano bang sikreto mo, Dawn?”he asked out of curiosity.“Kailan pa sinabi ang sikreto?”seryosong sabi ko.“Asawa mo ako, your ex-husband,”pagtatama n’ya.“But de

    Last Updated : 2021-10-26
  • Vicious Warrior   CHAPTER 09.

    Bellona.Binigyan ko ng tipid na ngiti ang shop nang lingunin ko ito at saka ako tumungo sa Ospital. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila isa-isa dahil baka hindi lang ako makaalis kapag sinabi ko ang paglisan ko sa shop.Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa Hospital. Aalagaan ko na muna si Ally habang hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho sa convenience store. Dala-dala ko ang paboritong sinigang ni Ally na niluto ko sa condo ni Cy kanina.“Galit ‘yong Director kagabi eh kaya ayon hindi natuloy ‘yong meeting.”“Lately, hindi na s’ya pumupunta rito. Ang sabi ay nag-fo-focus s’ya sa coffee shop n’ya na hindi naman talaga n’ya pinagtutuunan ng pansin noon.”“Bakit kaya?”Bakit hanggang sa Ospital ay si Kieffer ang pinag-uusapan? Pwede bang mamuhay na lang sila ng payapa at pagtuunan ng pansin

    Last Updated : 2021-10-28
  • Vicious Warrior   CHAPTER 10.

    Bellona.Nakatingin ako sa lobong pisngi ng anak ko habang ngumunguya ng sopas.“Ano’ng gusto mo kapag uwi ko?”tanong ko.Lumunok s’ya at ngumiti.“Ikaw,” he replied.Naibaba ko ang kutsara na hawak ko sa mangkok.“Maaga akong uuwi mamaya,”nakangiting wika ko.“Miss na kita Mama, minsan kasi ay si Tito Cy ang nag-aalaga sa 'kin pero bigla rin s’yang umaalis kasi may iba pa raw s’yang pasyente,”nakangusong sabi n’ya habang nakatungo.“Kahit si Tito Dwight.”Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses n’ya. Gusto kong mag-stay na lang sa tabi n’ya at alagaan s’ya pero hindi ko magawa dahil kailangan ko ng pera. Kailangan n’yang mapa-chemo dahil palala na nang palala ang lagay n’ya.&

    Last Updated : 2021-10-28
  • Vicious Warrior   CHAPTER 11.

    Bellona.Naramdaman ko na lang na nasa kotse n’ya ako. Nanliit ang mga mata kong pinanood s’ya na umikot papunta sa driver's seat. Nang makasakay s’ya ay agad n’yang sinimulang buksan ang engine but I stopped him, when I regain my consciousness.“Don't,” saad ko habang hawak-hawak ang braso n’ya.Tiningnan n’ya ako ng may pagtataka at pag-aalala, ngayon ko lang s’ya nakitang mag-alala sa 'kin. Kahit na gano'n pinanatili kong hindi magpakita ng kahit ano’ng emosyon.Nakalimutan ko na pinutol ko na pala ang connection namin sa isa’t-isa kaya para saan pa kung lalaban ako kasama s’ya.“What are you talking about?”He said, his brow furrowed.“You need to be treated.”Pumukit ako saglit at saka paulit-ulit na umiling.“Malakas pa ako, kaunting galos lang a

    Last Updated : 2021-10-28
  • Vicious Warrior   CHAPTER 12.

    Bellona. “I love you.” As if my chest stopped beating when he said those words. Parang tumigil pati ang paligid ko nang marinig ko iyon mula sa kan'ya. Ang mga katagang minsan ko na ring pinangarap na marinig mula sa labi n'ya. “Mahal kita, Bellona,” ulit n’ya. Napapikit ako nang ulitin n’ya pa 'to habang humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. Hindi ako dapat mahulog sa patibong n’ya. Hindi dapat ako maniwala sa kung ano’ng sasabihin n’ya, dahil baka mawala lang ulit ako sa landas na tinatahak ko.Baka magkamali na naman ako. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari ‘yon. Bumuntong hininga ako at saka ko pinagpatuloy ang pagbukas ng pinto. Lumabas ako ng kwarto na parang wala akong narinig. “Dawn!” Nang tawagin n’ya ako ay binilisan ko ang pagbaba ng hagdan. Hindi n’ya ako pe-pwedeng mahabol dahil baka bumigay ako. Pi

    Last Updated : 2021-10-28
  • Vicious Warrior   CHAPTER 13.

    Kieffer.Napasinghap ako sa kawalanan nang maipit na naman ako sa trapiko papunta sa shop. Tiningnan ko rin ang relos ko wala naman akong dapat na ipagmadali pero bakit parang gusting-gusto kong makarating agad do’n.Naniningkit ang mata kong tiningnan kung umuusad ba ang mga sasakyan hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa kabilang lane. Dirediretso lang ang sasakyan do'n pero napukaw talaga ng atensyon ko ang dalawang babaeng nakaupo sa bus stop. May social distancing yata sila dahil isang dipa ang layo nila sa isa't-isa.Hindi ko na sana papansinin 'to nang maaninag ko ang babaeng naka-jacket at naka-trouser.“Bellona...”bulaslas ko nang mapagtanto kong si Bellona iyon.Bakit ba para s’yang nakapantulog? Hindi ko na s’ya nakikitang magsuot ng maiigsi at seksi na damit.Ang init-init tagong-tago ang katawan n’ya.Wala akong nagawa kundi ang panoori

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • Vicious Warrior   CHAPTER 67.

    Bellona.Nang muli kong igalaw ang mga paa ko ay natigilan ako nang madako ang paningin ko kay Kieffer. Nakatitig lang ito sa book shelves niya habang naka-awang ang bibig."Anong ginagawa mo?"tanong ko.Umangat ang dalawang kilay ko sa sobrang pag tataka. Kaya nilapitan ko na siya para kamustahin dahil mukhang nawalan siya ng dugo.Hindi ko alam kung alam na ba niyang nahuli na si Brianna."Ayos ka la---"natigilan ako nang bigla siyang mang hina."Kung may cctv ro'n, ang ibig sabihin mo ba, nakita mo ang lahat?"ani ha

  • Vicious Warrior   CHAPTER 66.

    Bellona.Hindi ko maiwasang igalaw ang swivel chair ko habang nag babasa ng papeles. Nakaupo ako sa tabi ni Kieffer pero mukhang wala rin sa meeting ang isip niya."May problema ba?"mahinang tanong ko."Hmm?"biglang baling niya sa akin."Wala."Umupo siya ng maayos at kinuha ang papel sa mesa. At saka siya muling nakinig sa Prime Minister na nasa harap.Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa binabasa ko. Nawawalan ako ng focus sa pinagpupulungan namin. Masyadong pre-occupied ang utak ko."Nakakaabala ang gani---

  • Vicious Warrior   CHAPTER 65.

    Brianna.Nakasilay lang ako sa dagat habang yakap yakap ang dalawang binti."Inako ng Great Grand Empress ang parusa na dapat para sa 'yo,"nakakasindak na panimula ni William."Mag tatago ka na lang ba rito sa Isla mo? Hindi mo lang ba igaganti kung anong ginawa ng kapatid mo sa akin?"Sinamaan ko siya ng tingin. Nakaturo siya sa mukha niyang namamaga."Kasalanan ko bang tanga tanga ka at nadampian ka ng kamao ni Bellona?"singhal ko.Ngumisi siya,umupo siya upang mapantayan ako."Tandaan mo, wala ka ng Green sa tabi mo. Kaya wala ka ng karapatan na umasta na parang may korona ka riyan sa ulo mo." 

  • Vicious Warrior   CHAPTER 64.

    Bellona.Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang pag bukas ng selda. Napabangon ako nang makita ko ang nakangiting si Nanang."Nanang."Tatayo sana ako ngunit sinensyasan niya ako na huwag na. Naupo siya sa kama sa tabi ko at binigay ang tray na may laman na gatas at tinapay."Ang sabi ng mga kawal ay hindi ka kumakain,"malumanay na usal niya."Kaya kumain ka, Hija."Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tinanggap ang inalok na pagkain. Tahimik kong binuksan ang tinapay na nakabalot sa brown na supot.Nang simulan kong kagatin ang tinapay ay natigilan ako dahil sa biglaan niyang paghaplos sa buhok ko."Ang putla putla na ng apo ko."aniya, habang nakatingin sa buhok ko.Bumaba ang tingin niya sa akin at ngumiti ng mapait. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero panatag ako na n

  • Vicious Warrior   CHAPTER 63.

    Bellona.Naging sagabal ang hibla ng buhok ko sa daan na tinatahak namin papunta sa selda. Nanatili akong nakayuko, ramdam ko ang paninikip ng lubid na nakatali sa kamay ko."Bellona!!"Natigilan kami sa pag lalakad nang marinig namin ang tinig na iyon. Napapikit ako ng marinig ko ang yapak nito papunta sa amin."Bellona.."Hindi ko magawang lingunin siya dahil baka bumigay ako."Bellona, sagutin mo ako. Anong naging kasunduan niyo?"halata ang panlulumo sa boses niya.

  • Vicious Warrior   CHAPTER 62.

    Bellona."I felt so much, that I started to feel nothing,"I burst into tears.I leaned my head at the back of his gravestone while sitting in the fetal position. And I felt someone hugging me.Flashback."Hindi ba't sabi ko burrito hindi siopao!!""S-sorry.. a-ayan lang kasi ang binigay sa akin ni P-papa."Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na nag mula sa banyo ng mga lalaki."Sa susunod na makita ko 'yan mukha mo! hindi lang ayan ang mapapala mo.""S-sorry.."Napakrus ang mga braso ko nang matinigan ko ang boses niyon. Sa inis ko ay inabangan ko ito malapit sa pinto ng mga lalaki.Tinignan ko ng masama ang dalawang lalaki papasok sana sa loob."B-bro.. si Bellona, Bro.. pigilan mo na ihi mo."

  • Vicious Warrior   CHAPTER 61.

    Bellona.Kieffer..."A-anong ginagawa mo rito?""I am in charge to cleaning up the trash," he grinned.Hindi pa rin mag sink in sa akin ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon."I will make you choose, Brianna,"walang ekspresyon na wika niya."Papakawalan mo sila o dadagdagan ko ang bangkay sa harapan mo?"Napaatras si Brianna nang saktong pulutin ni Kieffer ang sandata na nasa lapag."You are running out of time,"malamig na saad niya.Kieffer is here.. hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Akala ko ay nasa coma pa rin siya, akala ko hindi na siya gigising, akala ko life support na lang ang bumubuhay sa kaniya. Kaya hindi ko maintindihan, his dad gave me a permission to choose kung papakawalan ko na si Kieffer. Kung ipap

  • Vicious Warrior   CHAPTER 60.

    Bellona."P-paano mo nagawang lokohin ako?"nauutal na tanong ko.Gusto kong makasampal pero ikinakalma ko ang sarili ko."Pinagkatiwalaan kita!!"napapikit ako sa galit."I trusted you too!!"nag simula siyang maluha.Lalo akong nanghina nang maramdaman ko ang sakit sa pag sigaw niya."Anong nagawa ko, Emma? just tell me."napayuko ako dahil sa sakit.Nadadala ako sa lungkot dahil parang ito ang nag sisilbing ambiance habang magkakaharap kami

  • Vicious Warrior   CHAPTER 59.

    Bellona.Nang ma-trace namin kung nasaan ang hideout nila Brianna ay mabilis kaming nag ayos at dumako roon.Nang makarating kami roon ay hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang hideout nila. Nakahanda na kaming lahat bumaba ng van nang biglang sumama ang tiyan ni Tj."Taena natatae pa ata ako, wait lang."masama ang mukha na usal niya.Lahat kami ay nasa kaniya ang paningin."Tanga mo talaga sabi ko naman sa 'yo kanina tumae ka na."inis na sabat ni Emma."Bobita ka ba? noong sinabi mo 'yan nasa high way na tayo.""Tsk! kasalanan mo kasi 'yan e. Ang dami mong kinuhang pagkain kay Dwight.""Alangan naman na hindi ko kunin ang binigay na gwasya ng Prinsipe.""Stop!"singhal ko.Lahat sila ay natigilan,"Sowi."usal ni Tj.&n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status