Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising kay Lyka tinatamad pa siyang bumangon sa mga oras na ito dahil sa madaling araw na siya nakauwi galing sa birthday party ng kanyang bestfriend na si Michelle. Inabot niya ang alarm clock alas siyete na nang umaga bumangon siya at agad dumiretso sa banyo para maligo.
“Lyka!” tawag ng kanyang ina habang kumakatok sa kanyang pintuan.
“Anak, tanghali na malelate kana sa trabaho bumaba ka na at mag almusal.” patuloy na tawag ng kanyang ina.
“Ma, baba na po ako nagbibihis lang ako,” sagot naman ni Lyka habang nag aayos ng kanyang sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas bumaba na si Lyka para mag almusal. Simple lang ang buhay ni Lyka. Larawan sila ng masayang pamilya mabait ang kanyang mga magulang na sina Alex at Zenaida. Mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki na nasa highschool na. Nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya ang Barameda Ship Adventure Cruises Inc. Assistant siya ng Chairman na si Henry Barameda ngunit hindi lang siya basta assistant nito may lihim silang relasyon ng kanyang boss.
“Anak, anong oras ka ba umuwi kagabi at tinanghali ka ng gising?” tanong ng kanyang ama.
“Papa, madaling araw na po eh makulit po kasi si Mitch ayaw ako pauwiin kaagad.”
“Dalian mo na dyan kumain baka malate ka pa,” saad naman ng kanyang ina.
Nagmamadali na si Lyka kaunti lang ang kanyang kinain at umalis na kaagad sakay ng kanyang kotse na regalo ni Henry sa kanya. Dumating siya sa kanyang trabaho sa tamang oras buti nalang hindi ma traffic sa daan. Bumaba si Lyka ng kanyang kotse at agad nagtungo sa elevator paakyat sa third floor ng kumpanya kung saan naroon ang opisina ni Henry. Pumasok siya sa loob wala pa ang kanyang boss inayos niya ang table ni Henry at tinignan ang schedule nito ngayong araw. Magaling na assistant si Lyka kaya naman gustong gusto siya ng kanyang boss. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng opisina at bumungad sa kanya si Henry kaagad siyang tumayo para bumati dito.
“Good morning Sir Henry.” Nakangiti niyang bati. Lumapit sa kanya si Henry at hinapit ang kanyang baywang.
“What’s this formality Lyka?” Sabay halik sa kanyang pisngi. Ngumiti naman si Lyka sa kanya.
“Alam mo naman na nasa trabaho tayo Henry, kapag may naka kita sa atin panibagong tsismis na naman ang kakalat.”
“Let them be Darling, akala ko ba wala kang pakialam sa mga sinasabi nila,” saad ni Henry sa kanya. Umupo ito sa swivel chair at ikinandong si Lyka sa kanyang mga hita.
“I really don’t care Henry, pero nasa kumpanya tayo at alam mo naman na kapag nasa trabaho tayo ay naka focus ako sa aking responsibility as your assistant and behave as your assistant not your lover.” sabi ni Lyka habang inaayos ang necktie ni Henry. Ngumiti si Henry sa kanya at hinalikan ang kanyang kamay.
“Yan ang gusto ko sayo Lyka, alam mong paghiwalayin ang trabaho sa personal nating relasyon kaya naman wala na akong hihilingin pa sa isang tulad mo. You are an excellent assistant and beautiful companion.”
Ngumiti si Lyka ng ubod ng tamis at tumayo na at inayos ang sarili nagpaalam na siya kay Henry pagkatapos ipaliwanag ang schedule nito ngayong araw at nagtungo sa kanyang opisina. Matagal ng may lihim na relasyon sina Henry at Lyka sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Fifty five na si Henry at Twenty five naman si Lyka. Sa kabila ng edad ni Henry ay nanatili pa rin ang kakisigan nito at kagwapuhan isang magaling na Chairman at talaga naman na respetadong tao sa mundo ng pagnenegosyo.
Si Lyka naman ay ubod ng ganda at sexy kinahuhumalingan siya at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan simula ng pumasok siya sa kumpanya ni Henry ay naagaw na kaagad niya ang atensyon ni Henry sa kanyang ganda at angkin na galing sa kanyang trabaho. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng relasyon ngunit hindi ito dahil sa pag-ibig. Maganda ang kanilang relasyon malaya at hindi komplikado. Praktikal na babae si Lyka lahat ng oportunidad sa kanyang harapan ay yayakapin niya alang-alang sa kabutihan ng kanyang pamilya.
Walang hinihingi si Lyka kay Henry kusa itong binigay ni Henry katulad na lang nang bumili si Henry ng bahay at ibinigay kay Lyka bilang regalo kasunod nito ang pagreregalo ulit ni Henry sa kanya ng sasakyan para may magamit siya sa tuwing papasok sa kumpanya. Labis ang pasasalamat ni Lyka sa kabutihan ni Henry sa kanyang pamilya ngunit hindi alam ng kanyang mga magulang na may relasyon sila. Ang alam ng kanyang mga magulang ay nag loan siya sa kumpanya para makabili ng bahay at sasakyan.
Abala si Lyka sa computer ng tumunog ang kanyang telepono tinignan niya ito isang mensahe mula kay Henry.
“Darling, sabay tayo mag lunch sa labas. I’ll wait for you at the parking lot.”
Napangiti si Lyka sa mensahe ni Henry at kaagad na niligpit ang kanyang mga gamit para lumabas ng opisina. Maraming bumabati kay Lyka sa kanyang paglalakad papunta sa parking lot ng kumpanya friendly din kasi siya at sadyang mabait din sa kanyang mga katrabaho.
“Ang ganda talaga ni Mam Lyka,” tsismisan ng mga maintenance personnel na bumati sa kanya.
“Kaya nga naakit sa kanya ang Chairman ng kumpanya,” sabi ng isang lalaki.
“Hoy! Tigilan niyo na yang tsikahan niyo pag may nakarinig sa inyo siguradong tanggal kayo sa trabaho,” sabi ng isang matandang babae na head ng maintenance personnel.
Naririnig ni Lyka ang kanilang mga usapan ngunit balewala ito sa kanya. Walang ibang mahalaga sa kanya kung hindi ang kanyang pamilya wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Bumukas ang pintuan ng itim na BMW kung nasaan nakasakay si Henry pumasok si Lyka sa loob sasakyan.
“What took you so long Darling?” tanong sa kanya ni Henry.
“Sorry naantala ako sa mga bumati sa akin,” sagot naman ni Lyka.
Inutusan na ni Henry ang kanyang driver na mag drive na papunta sa restaurant na kanilang kakainan. Pagdating sa restaurant ay agad silang nagtungo sa VIP room at umorder ng pagkain. Masaya si Lyka sa takbo ng kanilang relasyon at ganoon din naman si Henry. Habang kumakain sila ay nagsalita si Henry.
“Lyka, My son is coming back here. I just want you to know to prepare yourself. Kilala ko ang aking anak malamang ay nakarating sa kanya ang tungkol sa atin kaya naisip niyang bumalik dito sa Pilipinas.” mahabang litanya ni Henry.
“Henry, How old was he?” tanong ni Lyka habang sila ay kumakain.
“Three years older than you sweetie and I want you to know that he’s a bad-tempered kid, quite arrogant but capable and excellent at what he's doing.
“I'm starting to get scared Henry, I think I'm in trouble when the time comes.”
“Don't worry I know my son hindi siya gagawa ng nakakasakit or ikakapahamak mo trust me Lyka.”
Ngumiti si Henry kay Lyka bilang asurance sa kanyang mga sinabi. Nag aalala man si Lyka ay alam niyang hindi siya pababayaan ni Henry kung makaharap nila ang kanyang anak.
Naging abala ang maghapon ni Lyka alas kwatro na nang hapon nagtungo siya sa kanilang pantry section para gumawa ng kape. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Henry tungkol sa pagdating ng anak nito. Nag aalala siya dahil alam niya na ang dahilan ng pagbabalik nito ay ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang ama na si Henry.“Miss Lyka!” Tawag ng secretary sa kanya.“So-rry, ano yun?” Nauutal niyang sagot dito.“Miss Lyka, are you okay may problema ba? Nakatulala ka kasi kanina pa kita tinatawag eh. Tawag ka ni Sir Henry wala ka sa office mo kaya alam kong narito ka para magkape.”“Thank you. I’ll be there in a minute.” Nakangiting sabi ni Lyka sa babae.Tinapos niya ang kanyang kape at agad na siyang nagtungo sa opisina ni Henry. Kumatok siya sa may pintuan ng opisina at binukasan ito. Nakita niya si Henry na may kausap sa telepono at nakangiti ito. Umupo si Lyka sa may sofa habang hinihintay na matapos si Henry sa pakikipag usap sa telepono.“Lyka, my son will arrive toni
Pakiramdam ni Lyka ay pagod na pagod siya ngayong araw hindi maalis sa kanyang isipan ang mga mata at tingin ng anak ni Henry sa kanya. Hindi rin mawala sa kanyang isipan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib noong halikan ni Vladimir ang kanyang kamay. Hindi siya makatulog ilang oras na ang lumipas nang makauwi sila ng bahay kasama ang anak ni Henry.Nagtungo siya sa may beranda para magpahangin bitbit ang isang baso ng wine para makatulog. Umupo siya sa may duyan na naroon at pinagmasdan ang liwanag ng buwan. Hindi niya namalayan na lumabas din sa may katabing beranda si Vladimir hindi rin ito makatulog na katulad niya.Nagulat si Vladimir nang makita si Lyka at napatulala sa kagandahan nito at suot nitong night gown na halos kita na ang kanyang katawan sa nipis ng tela. Napangiti si Vladimir and devilish thoughts pop up in his mind.“I'm not surprised that my Dad is head over heels on you. With your beauty and gorgeous body madali mo talaga maakit si Dad.” Mapanuksong sabi ni Vlad
Pagdating ni Vladimir sa pantry station ng kumpanya ay naabutan niya si Lyka muli ay napatitig siya sa kagandahan ni Lyka at angking ganda ng katawan. Napaka sexy nito sa suot niyang white blouse at red skirt na kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Nagulat naman si Lyka pagharap sa kanya.“Gosh! What the hell are you doing?! Papatayin mo ba ako sa takot!” Sigaw ni Lyka kay Vladimir.“Pfft..kung balak kitang patayin sigurado akong hindi sa takot kundi sa sarap.” Nakangiting sagot naman ni Vladimir.“Bastos!” Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Vladimir mula kay Lyka.Dumugo ang gilid ng labi ni Vladimir sa lakas ng sampal na kanyang natamo. Kaagad na bumulusok ang galit sa kanyang dibdib. Walang ano-ano na kinabig niya ng baywang ni Lyka at siniil ng halik ang kanyang labi. Nagpupumiglas si Lyka ngunit sadyang malakas si Vladimir at malaki ang kanyang mga braso kaya hindi makawala si Lyka. Mariin ang paghalik ni Vladimir na para bang ayaw na niyang bumitiw pa.Nawalan na ng l
Naabutan ni Vladimir sina Henry at Lyka sa loob ng opisina nito hawak-hawak ni Henry ang kamay ni Lyka masayang nag uusap ang dalawa. Malakas niyang isinara ang pintuan na nakaagaw ng kanilang atensyon.“My Son, narito ka na pala Lyka, and I were going out for lunch. I wanna treat her for her excellent job earlier. What do you think you wanna come with us?” Nakangiting sabi ni Henry.Napilitang ngumiti si Vladimir sa ama, “ Alright I'll join you.”Inismiran naman ni Lyka si Vladimir atsaka sumunod kay Henry palabas ng pintuan.“Tsk! That sly woman!” Galit na sigaw ni Vladimir.Malaki ang ngiti sa mga labi ni Lyka ng marinig ang pagsigaw ni Vladimir. Alam niyang siya ang nanalo sa kanilang laban kanina.“Honey, you look so happy right now.” Bulong sa kanya ni Henry habang papalabas sila ng kumpanya.“Yes I am so happy Henry, dahil nagawa ko ng maayos ang aking trabaho at hindi ako napahiya sa kanila at lalo na sayo.” Mahinang sabi ni Lyka na nakangiti. Nasa likuran lamang nila si Vladi
Ilang araw na ang nakalipas ng umalis si Henry patungo sa Amerika. Kahit na hindi mahal nina Henry at Lykal ang isa’t isa bilang magkasintahan ay nalulungkot pa rin si Lyka na wala si Henry sa tabi nito. Nasanay na si Lyka na lagi siyang nariyan. Ilang araw na lang araw na ng mga puso iniisip ni Lyka kung ano ang kanyang gagawin sa araw na ito.“Good morning Miss Lyka,” bati ng secretary ni Henry.“Good morning din.” Nakangiting bati ni Lyka.Abala si Lyka sa mga gawain sa opisina. Nadoble ang kanyang trabaho ng umalis si Henry at kailangan din nya na laging samahan si Vladimir sa mga meetings nito at business deal sa ibang company. Saglit na huminto si Lyka sa kanyang ginagawa at napahawak sa kanyang sintido kanina pa masama ang kanyang pakiramdam. Sumandal siya sa kanyang upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Vladimir sa loob ng opisina dahan-dahan itong lumapit sa kanyang kinaroroonan.“Hey,what's wrong?” Tanong ni Vladimir kay Lyka. Nagmulat
Kinaumagahan nagising si Lyka na maganda na ang kanyang pakiramdam. Wala siyang masyadong maalala sa mga naganap kagabi. Bumanagon siya at naligo para magha nda na papasok sa trabaho. Pagkatapos mag ayos ng sarili ay bumaba na siya para mag breakfast tinanong niya ang isang kasambahay at hinahanap si Vladimir maaga raw itong umalis. Nagtataka naman si Lyka kung bakit sobrang aga naman pumasok ni Vladimir maya-maya pa ay tumunog ang kanyang telepono tumatawag si Henry.“Hello Henry!” Masaya niyang bati dito.“Lyka, Darling I missed you, how's things there at the company? Nagkakasundo ba kayo ng aking anak?”“We are fine Henry but I wish you can come back as soon as possible.”“Why is there something wrong with Lyka?” Nag aalala na tanong ni Henry mula sa kabilang linya.“I'm fine and everything is fine Henry. I'm just not comfortable working under you son and I missed hanging out with you.” Malambing na sabi ni Lyka.Napangiti si Henry sa sinabi ni Lyka dahil kahit alam niyang with ben
Nalaman na lang ni Lyka na Valentine’s Day pala ngayon nang tumawag ang kanyang bestfriend na si Mitch upang ayain siya makipag party ngunit tumanggi si Lyka dahil pagod na pagod siya ngayong araw. Tumawag si Lyka sa kanyang ina upang ipaalam na mag overtime sya sa trabaho at sa opisina na matutulog. Lagi naman niya itong paalam kaya sanay na ang kanyang mga magulang ngunit hindi alam ng mga ito na sa bahay ni Henry siya natutulog at hindi naman siya nag overtime sa trabaho. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Henry na labis niyang ikinatuwa.“Lyka, go to my house tonight I have a surprise for you Darling, Happy Valentines Day.”Napangiti si Lyka pagkatapos basahin ang mensahe ni Henry alas nuwebe na nang gabi naisipan niyang sa bahay na ni Henry mag dinner pwede naman siya magluto anytime. Samantalang simula kanina pang umaga pagkatapos umalis ni Vladimir sa kanyang opisina dahil sa galit kay Lyka ay magkasama na sila ni Wendy na namalagi sa isang five star hotel kung saan nanatili
Tinitigan ni Vladimir si Lyka pagkatapos maglapat ang kanilang mga labi.“Lyka, why are you torturing me like this?” Tanong ni Vladimir at muli niyang hinalikan si Lyka.Hindi alam ni Lyka ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling ito nalulungkot lang ba siya dahil wala si Henry kaya nadadala siya sa sitwasyon o sadyang may kakaiba siyang nararamdaman para kay Vladimir. Vladimir kisses her more passionately at hindi namalayan ni Lyka na sumasagot na siya sa mga halik nito. Naghiwalay ang kanilang mga labi na kapwa sila kinakapos ng hininga at yumakap sa bawat isa.Nagulat si Lyka nang tumunog ang kanyang telepono na nasa lamesa nakita niya ang pangalan ni Henry. Tumingin siya kay Vladimir nakita nito ang pagkadismaya sa mukha ni Vladimir. Kinuha niya ang telepono at sinagot ito.“Henry...”Mahinang tawag niya sa pangalan nito.“Lyka, did you like my gift?”“Ahh..yes Henry, I really like it thank you so much.”Bumuntong hininga si Vladimir at naglakad na palabas ng kwarto. Nakaramdam si
Magarbo ang selebrasyon para anibersaryo ng Barameda Cruise Ship. Tinawag ng MC si Vladimir upang magbigay ng speech sa harap ng kaniyang mga bisita.“Good evening everyone. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagdalo sa kasiyahan ngayong gabi. Masaya ako na makita kayo at makakuwentuhan. Another year for Barameda Corporations na akala ko ay aking mapababayaan noon. Malaki ang pasasalamat ko sa aking partner na si Wendy dahil sa kaniya kaya ako’y nakabangon muli.”Nagbulungan ang lahat ng naroon. Dahil hindi naman lingid sa lahat ang nangyari noon kay Lyka. Malaki naman ang ngiti sa labi ni Wendy sa mga sinabi ni Vladimir.Si Samantha at Lukas ay nasa malayo lang at nakikinig. Sumulyap si Lukas sa kapareha at ‘di nakaligtas sa kaniya ang luha na nais pumatak mula sa mga mata ni Samantha. Kaagad niya itong inaya na lumabas muna ng venue. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Vladimir ang pag-alis ng dalawa.“Samantha, Are you alright?” nag-aalala na tanong ni Lukas.“Il
Sinamantala ni Wendy ang pagkakataon. Kapag ganitong lango sa alak si Vladimir saka lang niya nagagawa ang kan’yang gusto sa lalaking labis na minamahal. Inutusan niya ang bodyguards nito na buhatin si Vladimir sa k’warto. Nang nasa k’warto na sila ay hinubad niya ang damit pang-itaas ni Vladimir saka tinitigan ng mabuti ang mukha nito."Vladimir, kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka magkakaganito ngayon, hindi ka masasaktan ng husto."Hinaplos niya ang mukha ni Vladimir at dinampian ng halik ang labi nito. Mahal na mahal niya si Vladimir lahat kaya niyang gawin ma pa sa kanya lamang itong muli."Lyka…" mahinang sambit ni Vladimir."Hindi ako si Lyka. Wala na ang babae na 'yon. Ako na lang ang mahalin mo, Vladimir. Pangako ko sa'yo paliligayahin kita higit pa sa kayang gawin ni Lyka."Hinalikan niya si Vladimir sa labi ng buong init. Sa paningin ni Vladimir ay si Lyka ang kan’yang nasa harapan, kaya naman walang alinlangan na tinugunan niya ang mainit na halik ni Wendy. Ip
Isang linggo ang nakalipas mula ng ma pa-balita na patay na si Lyka. Hanggang ngayon ay hirap ang kan’yang pamilya na tanggapin ang nangyari pero kailangan para matahimik si Lyka sa kabilang buhay. Gano’n din si Mitch buti na lang at nand’yan si Bryan na naka-alalay sa kan’ya. Si Vladimir naman ay araw-araw dinadalaw ang puntod ni Lyka na lasing at emosyonal. Pinasubaybayan ni lukas si Vladimir gano’n din si Wendy sa utos na rin ni Lyka.Si Lyka naman ay isa-sa-ilalim na sa operasyon. Nang dahil sa aksidente ay labis na naapektuhan ang kan’yang mukha, halos kalahati ng mukha niya ay may damage. "Lyka, ano ang desisyon mo sa operasyon sa mukha mo?” tanong ni Lukas."Pinag-isipan ko na mabuti ang desisyon kong ito, Lukas. Magpapabago ako ng mukha, I need plastic surgery. Kapag bago na ang aking mukha ay hindi na nila ako makikilala pa. Sa gano’ng paraan ay magagawa kong alamin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.""Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo na ‘yan? We need to go abr
Inuusig man si Lukas ng kan’yang konsens’ya dahil sa paglilihim niya ng katotohanna sa pamilya at kaibigan ni Lyka ay wala na siyang magawa kun’di ang panindigan ang kan’yang naging desisyon.Naisaayos na nila ang mga dapat gawin sa burol ng abo ni Lyka. Nagpaalam si Lukas na uuwi muna ngunit ang totoo ay nagtungo siya sa ospital kung nasaan si Lyka. Maganda na ang kalagayan ni Lyka. Nag-normal na ang kan’yang vital signs ,kaya naman nakahinga na si Lukas dahil ligtas na si Lyka.Dalawang araw na ang burol kay Lyka at pinag-pasyahan ng kan’yang pamilya na mailibing na ito kinabukasan. Bago pa man ang araw na iyon ay nagising si Lyka mula sa pagka-comatose."Lyka! Lyka!"Natataranta na sigaw ni Lukas nang imulat ni Lyka ng kan’yang mga mata habang binabantayan siya ni Lukas.Kaagad niyang tinatawag ang Doctor ni Lyka upang suriin ang kondisyon nito. Maayos naman ang lahat. Dahan-dahan na umupo si Lyka sa kama."Lukas, nasaan tayo? Ikaw ba ang nagligtas at tumulong sa akin?""Nasa ospi
Kaagad na kumalat sa midya at balita ang nangyari kay Lyka dahil sa kan’yang kotse. Kinuha ng mga awtoridad ang lahat ng detalye kaya naman nalaman na pagmamay-ari niya ang sasakyan. Sumugod sa lugar ang kan’yang pamilya kasama ang kan’yang matalik na kaibigan na si Michelle. Naroon din si Bryan at ang hindi inaasahan ni Lukas, si Wendy.Nakita ni Lukas kung gaano ang pagtangis ng pamilya ni Lyka at ng kaniyang matalik na kaibigan, ang akala ng mga ito ay nasawi na si Lyka sa pagsabog kasama ng kan’yang sasakyan.Nagulat siya ng tumunog ang kan’yang telepono, si Michelle ang tumatawag sa kan’ya. Kailangan niya ayusin ang kan’yang sarili."Hello, Mitch?"Isang malakas na pag-iyak ang narinig niya mula sa kabilang linya. Labis-labis ang pag-iyak ni Mitch na halos hindi ito makapagsalita. Kinuha ni Bryan ang telepono at kinausap si Lukas."Lukas! Nasaan ka?Alam mo na ba ang nangyari kay Lyka?""Bakit? A-Anong nangyari sa kan’ya?" nauutal na sabi ni Lukas "Bro, Lyka is…Lyka, run to an a
Muling nakabalik si Lyka sa trabaho. Pinuntahan siya ng kan’yang kaibigan ng mabasa ang kan’yang mensahe."Lyka, sigurado ka ba na nagbago na si Vladimir? Na hindi ka na niya sasaktan ulit?" tanong ni Mitch."Sa nakikita ko ngayon maayos naman ang lahat. Kay Wendy, ako kinakabahan.""Kay Wendy, bakit?""Alam naman natin kung gaano siya ka obsessed kay Vladimir. Natatakot ako na baka may gawin siya na hindi maganda.""Kung natatakot ka bakit hindi ka magdala ng bodyguard para mawala 'ang takot mo.""Ayoko masyadong takaw atens’yon.""Kung gano'n mag-ingat ka na lang lagi. O kaya naman make it sure na lagi kayo magkasama ng asawa mo."Ang hindi alam ni Lyka tama ang kan’yang kutob. May masamang pinaplano nga si Wendy laban sa kan;ya. Habang siya ay nangangamba si Wendy naman ay pinaplano na ang kan’yang mga gagawin laban sa kan’ya.Ilang araw ang lumipas payapa naman ang lahat. Kinausap ni Lukas si Lyka at siniguradong maayos ang kan’yang kalagayan at pagsasama nila ni Vladimir.Nasa ba
Nagkaroon ng pag-asa si Lyka dahil alam niya na handa siyang tulungan ng kan’yang mga kaibigan. Kaya naman kailangan din niya mag-isip ng paraan para tuluyan na siyang 'wag ikulong ni Vladimir.Pagkatapos umuwi ng pamilya ni Lyka ay kaagad niyang kinausap si Vladimir, "Vladimir, p'wede bang 'wag mo na akong ikulong sa basement? Pangako susunod ako sa lahat ng gusto mo, I'll be good.""Totoo ba 'yan? Susundin mo lahat ng gusto ko?""Oo pangako, basta 'wag mo na akong ikukulong ulit."Hinawakan niya ang mga kamay ni Lyka, "You know what Lyka, I really don't mean to hurt you. Ayaw nga kita na nasasaktan eh. 'Yong tungkol naman sa amin ni Wendy maniwala ka wala kaming relasyon, Ikaw lang ang mahal ko."Naramdaman ni Lyka na sincere si Vladimir sa kan’yang mga sinasabi. Iniisip niya na marahil ay si Wendy talaga ang may gawa ng lahat upang masira ang kanilang relasyon."Okay, I will believe in you. Also, about me and Lukas maniwala ka rin sana na walang nangyari sa amin. Kasama namin sina
Kinaumagahan nagulat si Lyka ng pag-gising niya ay naroon si Vladimir sa loob ng kan’yang kwarto at naghihintay na siya ay magising."Good morning," bati ni Vladimir.Kaagad niyang naisip na kausapin ang asawa, "Uhmm..good morning din. Vladimir, bakit ka nandito hindi ka ba papasok sa office?""Hindi ako papasok. Tumayo ka na at magbihis, tinawagan ako ng mga magulang mo. Pupunta sila mamaya dito para makita ka. Dito sila kakain ng tanghalian.""Talaga pupunta sila mama? Ilalabas mo ba ako dito?""S’yempre, wala akong choice pero binabalaan kita Lyka, huwag na huwag mong babanggitin kung ano man ang nangyayari sa atin. Kapag nagkamali ka humanda ka sa parusa ko. Naiintindihan mo ba?" seryosong sabi ni Vladimir.Alam ni Lyka na nanakot ang asawa at natatakot siya dito. Gusto niya humingi ng tulong sa mga magulang ngunit ayaw niya na mag-alala ang mga ito."Okay, tatahimik ako wala akong sasabihin. Pero… Vladimir, p’wede bang 'wag mo na akong ikulong pa. Hindi naman ako tatakas at kahit
Ayon sa napag usapan nina Lyka at Mitch ay kaagad na kinausap ni Mitch si Bryan na tulungan siya sa kanilang plano ni Lyka. "Bryan, please! Tulungan mo naman kami ng bff ko. Naawa na ako kay Lyka Bryan. Please!!!" pagmamakaawa ni Mitch. "Pero Mitch, alam mo naman na matalik ko rin na kaibigan si Vladimir. Paano ko siya magagawang traydurin? Hindi ko yata kaya Mitch." "Bryan, please! Sa tulong n’yo ni Lukas tiyak ako na maliligtas natin si Lyka. Hindi ka ba naaawa sa kan’ya ah Bryan?" "Naaawa ako sa kan’ya. Pero–" "Bryan, kailangan ko ba lumuhod sa harap mo para lang tulungan mo kami." naiiyak na sabi ni Mitch. Hindi naman matiis ni Bryan si Mitch dahil mahal niya ito, "You don't need to do that okay, I will help you." "Really? Thank you, Bryan! Tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo!" Niyakap ni Mitch si Bryan dahil sa kasiyahan. "Now we have to talk to Lukas. Hindi natin 'to kaya kung tayo lamang dalawa. You know how powerful a person your friend is. Sigurado ako na la