Home / Romance / Vengeful Love / Chapter 5. You Know Nothing

Share

Chapter 5. You Know Nothing

Naabutan ni Vladimir sina Henry at Lyka sa loob ng opisina nito hawak-hawak ni Henry ang kamay ni Lyka masayang nag uusap ang dalawa. Malakas niyang isinara ang pintuan na nakaagaw ng kanilang atensyon.

“My Son, narito ka na pala Lyka, and I were going out for lunch. I wanna treat her for her excellent job earlier. What do you think you wanna come with us?” Nakangiting sabi ni Henry.

Napilitang ngumiti si Vladimir sa ama, “ Alright I'll join you.”

Inismiran naman ni Lyka si Vladimir atsaka sumunod kay Henry palabas ng pintuan.

“Tsk! That sly woman!” Galit na sigaw ni Vladimir.

Malaki ang ngiti sa mga labi ni Lyka ng marinig ang pagsigaw ni Vladimir. Alam niyang siya ang nanalo sa kanilang laban kanina.

“Honey, you look so happy right now.” Bulong sa kanya ni Henry habang papalabas sila ng kumpanya.

“Yes I am so happy Henry, dahil nagawa ko ng maayos ang aking trabaho at hindi ako napahiya sa kanila at lalo na sayo.” Mahinang sabi ni Lyka na nakangiti. Nasa likuran lamang nila si Vladimir na napipikon na sa paglalambingan ng dalawa.

Sumakay silang tatlo sa van patungo sa paboritong seafood restaurant ni Lyka. Habang nasa biyahe ay naka holding hands sina Henry at Lyka at masayang nag uusap. Samantalang hindi naman maipinta ang pagmumukha ni Vladimir na kaharap lamang nila. Napansin ito ni Henry

Kaya naman namn lalo niyang inasar ang kanyang anak. Henry wrapped his arm on Lyka’s waist while holding her hand. Nagtaka si Lyka sa ginawa ni Henry sumulyap siya kay Vladimir at masama ang tingin nito sa kanya. Ngumiti siya rito at isinandal ang kanyang ulo sa mga balikat ni Henry. Vladimir clenched his fist in anger buti nalang at dumating na sila sa restaurant. Parang mga batang nagtatawanan sina Lyka at Henry nang bumaba sa sasakyan.

Nasa loob na sila ng restaurant at umorder ng pagkain. Tahimik silang kumakain ng may lumapit sa kanilang table.

“Lyka.” Tawag ng isang mestisong lalaki. Nagulat si Lyka ng lingunin ang lalaki ex-boyfriend niya pala ito noong college pa lamang siya.

“Troy!” Nakangiting bati ni Lyka dito sabay tayo niya. Lumapit naman ang lalaki at humalik sa kanyang pisngi bilang pagbati.

“Long time no see Lyka, how are you?” Nakangiting tanong ni Troy kay Lyka.

“I'm fine Troy, and you? Ayy.. by the way this are my Boss Mr. Henry Barameda our company Chairman and his son Sir Vladimir Barameda our company CEO.” pagpapakilala ni Lyka sa kanyang mga kasama.

Magalang naman na bumati ang ex-boyfriend ni Lyka sa mga ito at nagpakilala, “I’m Troy Sanchez, college friend ni Lyka.”

Kinuha ni Troy ang number ni Lyka para magkaroon sila ng komunikasyon bilang magkaibigan.

“Lyka, who is he? Iba ang tingin niya sayo not in the bad way of course,” tanong ni Henry.

“He's my ex-boyfriend in college,” sagot naman ni Lyka.

“I see kaya pala…”

“What do you mean kaya pala?” Nagtataka na tanong ni Lyka kay Henry. Sumingit si Vladimir sa usapan.

“Why Dad, don't tell me you're jealous?” Nakangising sabi ni Vladimir sa ama.

“That's not include in my dictionary my Son,” pagmamalaki naman ni Henry sa anak.

Natawa naman ng mahina si Lyka sa kapilyuhan ni Henry. Totoo ang sinabi ni Henry dahil sa relasyon nila ay hindi nabibilang ang salitang selos dahil wala naman silang pag-ibig para sa isa’t isa at ito ang hindi alam ni Vladimir. Natapos silang kumain at muling bumalik sa kumpanya. Naging abala si Lyka sa kanyang ginagawa dahil sa pagkawala ng dokumento kaninang umaga kailangan niya ulit itong ulitin para magamit na files sa mga susunod pang meeting.

Sabay na umuwi si Henry at Lyka nagtungo sila sa bahay ni Henry dahil may importante siyang sasabihin kay Lyka at Vladimir. Nag dinner sina Lyka ngunit hindi pa rin umuuwi si Vladimir kaya naman pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang magpahangin sa may hardin habang umiinom ng wine.

“Sweetie, kailangan ko pumunta ng Amerika may mga dapat akong asikasuhin medyo matatagalan ang aking pagbabalik kaya naman umaasa akong gagabayan mo si Vladimir sa kumpanya.” Malungkot ang tono ng boses ni Henry na hindi nakaligtas kay Lyka.

“Henry, may problema ba please tell me. May feeling ako na hindi business trip ang dahilan ng iyong pag alis.” Hinawakan ni Lyka ang mga kamay ni Henry.

“I really can't lie to you Lyka, you’re right it's not about business. It’s for my health sweetie, kailangan ko ng espesyalista at magaling na Doktor. May cancer ako Lyka.”

Labis na ikinagulat ni Lyka ang kanyang mga narinig at agad pumatak ang kanyang mga luha at mahigpit na yumakap kay Henry.

“Henry, please don't joke around okay bawiin mo mga sinabi mo.” Umiiyak na sabi ni Lyka.

“How I wish that I'm just only joking Lyka, but I'm not. It's the truth and please don’t tell my son about it. Ayaw ko na ma distract siya kailangan ko siya para patakbuhin ng maayos ang kumpanya habang wala ako.” Niyakap ng mahigpit ni Henry si Lyka mga tagpo na naabutan ni Vladimir na labis na naman niyang ikinagalit.

“Dad!” Malakas na tawag ni Vladimir.

Pilit itinago ni Lyka ang kanyang pagluha at inayos ang sarili. Kinuha niya ang baso ng wine at inubos ito.

“Vladimir, buti na lang at narito kana. I want to inform you that I have a business trip and it will last about two months.” Tumayo si Henry at binigyan ng baso ng alak ang kanyang anak.

“Will Lyka come with you?” Seryosong tanong niya sa ama at sumulyap kay Lyka.

“No. She will stay here and guide you about our company's affairs.”

“Kailan ka aalis Dad and where?”

“Tomorrow morning Son, sa Amerika and I will visit your mom also. ”

“I will take you to the airport Dad,” sabi ni Vladimir at nakipag cheers sa ama.

Tahimik lamang si Lyka na nakikinig sa kanila. Hanggang sa matapos ang kanilang usapan. Inutusan ni Henry si Vladimir na ihatis si Lyka sa kanilang bahay dahil gabi na. Nagpaalam muna si Lyka kay henry at mahigpit na yumakap dito.

“Please call me Henry, okay no matter what happened. Always update me sa kalagayan mo okay.” Bulong ni Lyka habang nakayakap kay Henry.

Sumakay na si Lyka at Vladimir ng sasakyan para ihatid siya. Habang nasa byahe ay hindi napigilan ni Lyka ang umiyak. Nainis naman si Vladimir sa kanyang pagluha at inihinto ang sasakyan.

“Why are you crying?! Ganyan ka ba ka inlove kay Dad ha?! Dad will come back for Godsake Lyka! Stop crying, it irritates me!” Sigaw ni Vladimir kay Lyka.

Huminto si Lyka sa pagluha at pigil sa galit nagsalita, “Stop shouting at me bastard! You know nothing!”

Hinampas ni Vladimir ang manibela at mabilis na nagpatakbo ng sasakyan.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Christine Joyce Basco
Great article! I had fun and enjoyed reading the story. Can't wait for Chapter 6. Exciting story!
goodnovel comment avatar
Christina Madera Basco
Awesome story! I love the plot. Looking forward for more chapters.
goodnovel comment avatar
Christine Go
Such a wonderful story! Hoping u can update the story. So excited to read the preceeding chapters. ♡♡♡
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status