Nagulat si Henry sa sinabi ni Lyka na gusto nitong gawing public ang kanilang relasyon samantalang ito ang ayaw ni Lyka.“Lyka, what’s wrong Sweety?” Nagtataka na tanong ni Henry.Yumakap si Lyka kay Henry nang mahigpit, “Natatakot ako Henry, I don’t like this feelings from my heart.” “Let’s talk properly Sweety, please tell me everything,” sabi ni Henry.Nagbihis si Lyka ng kanyang damit at umupo sa kama katabi ni Henry. Kinakabahan siya hindi niya alam paano ipapaliwanag kay Henry ang lahat at kung paano ipapaliwanag ang kanyang nararamdaman para kay Vladimir dahil kahit maging siya ay hindi pa sigurado tungkol sa kanyang damdamin para kay Vladimir.“Henry, nung wala ka may nangyari…Vladimir kissed me and I don’t know pero..I let him.” Kinakabahan na sabi ni Lyka. Tumingin siya sa mga mata ni Henry at handa siya sa kung ano man ang maging reaksyon o kung ano man ang sabihin ni Henry sa kanya.“Do you like him?”Natigilan si Lyka sa tanong ni Henry sa kanya hindi niya alam kung paan
Galit na pumasok si Vladimir sa kanyang opisina dahil sa mga sinabi ni Lyka nagulat siya ng makita sa loob ang kanyang nobya na si Wendy. “Babe! Kanina pa ako naghihintay sayo.” Nakangiting sabi ni Wendy sabay yakap kay Vladimir pagkapasok nito sa loob ng opisina. “What are you doing here Wendy?” Nakasimangot na tanong ni Vladimir. “Why? Am I not allowed to be here?” Inis na tanong ni Wendy. Hindi naman sumagot si Vladimir umupo siya sa swivel chair at sinimulang tignan ang mga files sa ibabaw ng kanyang lamesa. “Vladimir, what's wrong with you babe? I noticed that you've been so cold to me these past few days. May problema ba tayo?” Lumapit si Wendy kay Vladimir at kumandong dito. Inangkla ang kanyang mga braso sa leeg ni Vladimir at aktong hahalikan si Vladimir sa kanyang mga labi ngunit kaagad na umiwas ito at pinigil siya. “Stop it Wendy! Leave me alone for now please,” sabi ni Vladimir. Nagulat si Wendy sa sinabi ni Vladimir. This is the very first time na ipinagtabuyan siy
Excited si Vladimir para sa araw na ito dahil masosolo niya si Lyka at magkaroon sila ng pagkakataon na maging mas malapit sa isa’t isa. Naka casual outfit lamang si Vladimir maong jeans and white polo and a rubber na bagay na bagay sa kanya.Lutang na lutang ang kanyang kagwapuhan at ganda ng pangangatawan. Hinihintay niya si Lyka na bumaba sa sala mula sa silid ng kanyang ama.Nagulat siya ng pumayag ang kanyang ama na si Henry na lumabas sila ni Lyka ngayon. Natutuwa pa nga ito dahil naging malapit na raw sila sa isa’t isa. Ang hindi alam ng kanyang ama na iba ang kanyang motibo sa pagyaya kay lyka na lumabas. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na si Lyka kasama si Henry.Casual outfit lang din ang suot ni Lyka na ngayon lang nakita ni Vladimir. Naka sexy short si Lyka at sleeveless na blouse na may v-neck sa harap at rubber shoes. Kitang-kita ang angking kagandahan nito at lutang ang kanyang kasexyhan. Hindi namalayan ni Vladimir na nakatulala na pala siya.“Vladimir Iho!” Malak
Pagkatapos mag dinner nila Vladimir at Lyka napagpasyahan nilang uminom ng alak. Habang nakatingin sa magandang tanawin ng karagatan at lamig ng simoy ng hangin na dumadarampi sa kanilang balat. “Lyka, thank you for accepting this date with me.” Nakangiting sabi ni Vladimir habang umiinom sila ng alak.Ngumiti rin si Lyka sa kanya, “Nag enjoy ako sa date natin. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong date thank you Vladimir.”“Really? But what about your dates with my dad?”“Your dad? Usually lagi kaming nag de-date sa mamahaling restaurant you know your dad he’s a classy person. Minsan sa opera or painting exhibit at iba pa puro social gatherings ang usual date namin unlike us today I feel free,” sagot ni Lyka.Napangiti si Vladimir, “May advantage pala ako kasya kay dad.”Natawa ng mahina si Lyka, “Nagyayabang na kaagad ganun?” Tumawa sila pareho ng mahina sa sinabi ni Lyka.Marami silang napag usapan tungkol sa bawat isa at kinilala ang katauhan ng bawat isa hindi nila namalayan na
Natigilan si Lyka sa nakitang galit ni Vladimir sa kanya gusto na niyang bawiin ang kanyang mga sinabi na nakasakit sa damdamin nito.“Vladimir…” Sambit ni Lyka ngunit naputol ang kanyang sasabihin ng tumunog ang telepono ni Vladimir.Natigilan sila pareho sinagot ni Vladimir ang kanyang telepono bodyguard ng kanyang ama ang nasa kabilang linya. Gulat na gulat siya sa sinabi nito.“Sir, nasa ospital po ang inyong ama inatake po sa puso.”Namutla kaagad si Vladimir na tumingin kay Lyka, “Vladimir, what’s wrong?”“Nasa ospital si dad inatake daw sa puso.”Kaagad na nataranta si Lyka at nagmamadaling kinuha ang kanyang gamit, “Vladimir, let’s go to the hospital.” Naiiyak na sabi ni Lyka.Kaagad silang lumisan sa lugar at nagtungo sa ospital kung nasaan si Henry. Habang nasa biyahe ay iyak ng iyak si Lyka hindi mawala ang takot sa kanyang dibdib sa pag-aalala para kay Henry. Walang nagawa si Vladimir kundi ang tignan lamang ito at nag focus sa pagmamaneho. Nakarating sila ni Vladimir sa o
Nais ni Henry na umuwi sa kanyang bahay at doon gugulin ang natitirang oras ng kanyang buhay. Ayaw niya ospital pakiramdam niya ay mamatay siya kaagad anumang oras. Kahit ayaw ni Vladimir at Lyka sa kanyang desisyon ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sundin ang kanyang kagustuhan.Lihim na ipinatawag ni Henry ang kanyang personal na abugado habang nasa trabaho si Vladimir at Lyka. Ipinahanda niya ang kanyang last will and testament sa kanyang abugado. Mahigpit ang bilin niya sa kanyang abugado na ilihim ito kay Vladimir. Mapagkakatiwalaan ang kanyang abugado kaya panatag si Henry.Kahit labis ang pag-aalala ni Lyka para kay Henry ay nagampanan pa rin nito ang kanyang trabaho sa kumpanya. Ganun din naman si Vladimir. Nagpaalam si Lyka sa kanyang pamilya na sa bahay muna ni Henry tutuloy dahil sa kalagayan nito. Pumayag naman ang kanyang mga magulang dahil malaki ang utang na loob nila kay Henry dahil sa malaking tulong nito sa kanilang pamilya.“I'm home!” Nakagiting sabi ni L
Lumipas ang mga araw na lalong lumala ang kalagayan ni Henry ngunit ayaw niyang magpadala sa ospital kaya naman sa bahay na lamang siya ginagamot ng kanyang Doktor. Labis naman na nasasaktan si Lyka sa nakikitang paghihirap ni Henry. Nag leave muna siya sa trabaho para alagaan si Henry. Nadudurog ang puso ni Lyka sa bawat paglipas ng araw sa nakikitang kalagayan ni Henry.Patuloy naman ang galit ni Vladimir kay Lyka dahil sa nakikitang kalagayan ng ama. Lahat ay isinisisi niya kay Lyka kung bakit naghihirap ngayon ang kanyang ama at malapit na sa kanyang kamatayan.“Kung hindi dahil sayo ay maaari pa sanang gumaling si dad! Mapipilit ko pa siyang magpagamot sa ibang bansa kung hindi mo lang inilihim ang lahat!” Sigaw ni Vladimir kay Lyka habang sila ay nasa sala at natutulog naman si Henry sa kanyang kwarto.Walang maisagot si Lyka umiyak na lamang siya sa mga sinasabi ni Vladimir dahil tanggap niya na may kasalanan siya sa kanyang paglilihim kay Vladimir.“Hindi mo ako madadala sa pa
Sa pagkawala ni Henry ay nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa puso ni Lyka. Isang mahalagang parte ng kanyang buhay ang nawala at hindi niya alam kung paano ito tatanggapin. Sa kabila nito ay si Lyka pa rin ang nag asikaso ng lahat. Siya ang personal na nag ayos ng lahat para sa burol ni Henry. Halos lahat ng mga kaibigan ni Henry at kakilala sa industriya ng negosyo ay kilala siya bilang nobya ni Henry at mapagkakatiwalaang assistant nito. Walang masabi na hindi maganda sa kanya ang lahat ng kakilala at kaibigan ng yumao mataas ang tingin sa kanya ng mga ito dahil sa kanyang angking talino at husay sa trabaho gayundin ang magandang relasyon nito kay Henry. Dumating din ang dating asawa ni Henry na ina ni Vladimir at ang mga kapatid nito. Alam ng ina ni Vladimir ang lahat ng tungkol kay Lyka dahil nakakausap naman niya si Henry sa telepono tungkol sa personal na buhay nito at hindi ito inilihim ni Henry. “Lyka, thank you so much for taking care of Henry all this years hanggang sa