Natigilan si Lyka sa nakitang galit ni Vladimir sa kanya gusto na niyang bawiin ang kanyang mga sinabi na nakasakit sa damdamin nito.“Vladimir…” Sambit ni Lyka ngunit naputol ang kanyang sasabihin ng tumunog ang telepono ni Vladimir.Natigilan sila pareho sinagot ni Vladimir ang kanyang telepono bodyguard ng kanyang ama ang nasa kabilang linya. Gulat na gulat siya sa sinabi nito.“Sir, nasa ospital po ang inyong ama inatake po sa puso.”Namutla kaagad si Vladimir na tumingin kay Lyka, “Vladimir, what’s wrong?”“Nasa ospital si dad inatake daw sa puso.”Kaagad na nataranta si Lyka at nagmamadaling kinuha ang kanyang gamit, “Vladimir, let’s go to the hospital.” Naiiyak na sabi ni Lyka.Kaagad silang lumisan sa lugar at nagtungo sa ospital kung nasaan si Henry. Habang nasa biyahe ay iyak ng iyak si Lyka hindi mawala ang takot sa kanyang dibdib sa pag-aalala para kay Henry. Walang nagawa si Vladimir kundi ang tignan lamang ito at nag focus sa pagmamaneho. Nakarating sila ni Vladimir sa o
Nais ni Henry na umuwi sa kanyang bahay at doon gugulin ang natitirang oras ng kanyang buhay. Ayaw niya ospital pakiramdam niya ay mamatay siya kaagad anumang oras. Kahit ayaw ni Vladimir at Lyka sa kanyang desisyon ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sundin ang kanyang kagustuhan.Lihim na ipinatawag ni Henry ang kanyang personal na abugado habang nasa trabaho si Vladimir at Lyka. Ipinahanda niya ang kanyang last will and testament sa kanyang abugado. Mahigpit ang bilin niya sa kanyang abugado na ilihim ito kay Vladimir. Mapagkakatiwalaan ang kanyang abugado kaya panatag si Henry.Kahit labis ang pag-aalala ni Lyka para kay Henry ay nagampanan pa rin nito ang kanyang trabaho sa kumpanya. Ganun din naman si Vladimir. Nagpaalam si Lyka sa kanyang pamilya na sa bahay muna ni Henry tutuloy dahil sa kalagayan nito. Pumayag naman ang kanyang mga magulang dahil malaki ang utang na loob nila kay Henry dahil sa malaking tulong nito sa kanilang pamilya.“I'm home!” Nakagiting sabi ni L
Lumipas ang mga araw na lalong lumala ang kalagayan ni Henry ngunit ayaw niyang magpadala sa ospital kaya naman sa bahay na lamang siya ginagamot ng kanyang Doktor. Labis naman na nasasaktan si Lyka sa nakikitang paghihirap ni Henry. Nag leave muna siya sa trabaho para alagaan si Henry. Nadudurog ang puso ni Lyka sa bawat paglipas ng araw sa nakikitang kalagayan ni Henry.Patuloy naman ang galit ni Vladimir kay Lyka dahil sa nakikitang kalagayan ng ama. Lahat ay isinisisi niya kay Lyka kung bakit naghihirap ngayon ang kanyang ama at malapit na sa kanyang kamatayan.“Kung hindi dahil sayo ay maaari pa sanang gumaling si dad! Mapipilit ko pa siyang magpagamot sa ibang bansa kung hindi mo lang inilihim ang lahat!” Sigaw ni Vladimir kay Lyka habang sila ay nasa sala at natutulog naman si Henry sa kanyang kwarto.Walang maisagot si Lyka umiyak na lamang siya sa mga sinasabi ni Vladimir dahil tanggap niya na may kasalanan siya sa kanyang paglilihim kay Vladimir.“Hindi mo ako madadala sa pa
Sa pagkawala ni Henry ay nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa puso ni Lyka. Isang mahalagang parte ng kanyang buhay ang nawala at hindi niya alam kung paano ito tatanggapin. Sa kabila nito ay si Lyka pa rin ang nag asikaso ng lahat. Siya ang personal na nag ayos ng lahat para sa burol ni Henry. Halos lahat ng mga kaibigan ni Henry at kakilala sa industriya ng negosyo ay kilala siya bilang nobya ni Henry at mapagkakatiwalaang assistant nito. Walang masabi na hindi maganda sa kanya ang lahat ng kakilala at kaibigan ng yumao mataas ang tingin sa kanya ng mga ito dahil sa kanyang angking talino at husay sa trabaho gayundin ang magandang relasyon nito kay Henry. Dumating din ang dating asawa ni Henry na ina ni Vladimir at ang mga kapatid nito. Alam ng ina ni Vladimir ang lahat ng tungkol kay Lyka dahil nakakausap naman niya si Henry sa telepono tungkol sa personal na buhay nito at hindi ito inilihim ni Henry. “Lyka, thank you so much for taking care of Henry all this years hanggang sa
Kinabukasan araw ng libing ni Henry lahat ng malalapit sa kanya ay nais siyang ihatid sa huling hantungan na may ngiti sa kanilang puso kahit mabigat ang kanilang mga kalooban dahil sa pagiging parte niya ng kanilang mga buhay. Hinayaan ni Lyka na si Mrs.Barameda ang nasa harapan ng kabaong ni Henry. Kasama ni Lyka ang kanyang pamilya at pinili niya na sa huling upuan na lamang sila pupwesto.Nangako si Lyka kay Henry na hindi na siya iiyak ngayong ihahatid na si Henry sa kanyang huling hantungan. Mabigat pa rin ang puso ni Lyka ngunit alam niya na kailangan niyang tanggapin ang lahat. Si Vladimir ay kasama naman ng kanyang ina at kanyang mga kapatid.Lumipas ang mga oras at natapos na ang lahat. Isa-isa ng umalis ang mga malapit kay Henry. Nag aya na rin ang kanyang mga magulang na umuwi na ngunit nag paiwan si Lyka. Umupo siya sa unang upuan at nakatingin lang sa kawalan. Kanina ay nag paalam na rin sa kanya ang dating asawa ni Henry ngunit hindi niya nakita si Vladimir.Ilang minut
Kinaumagahan ay nagtipon sina Vladimir sa kanilang bahay kasama ang abugado ng kanyang ama naroon din si Lyka sa request ng abugado ni Henry. Nagtataka man si Lyka kung bakit kasama siyang ipinatawag ay napilitan na rin siyang dumalo sa kanilang pag uusap. Aalis na sana si Lyka kagabi palang ngunit pinigilan siya ni Vladimir at sinabihan na hintayin kung ano ang pag uusapan nila kasama ang abugado ng kanyang ama kaya pumayag na rin si Lyka sa kagustuhan ni Vladimir.“Good morning Vladimir,Lyka, ipinatawag ko kayo at nais makausap dahil sa iniwang last will and testament ni Henry nabanggit ang inyong pangalan sa kanyang testamento,” sabi ng Abugado.Nagtinginan naman sina Lyka at Vladimir sa sinabi nito at tahimik na nakinig sa kanyang sasabihin.“Ito ang napapaloob sa testamento ni Henry; “Sa aking pagpanaw ay ibinibigay ko ang aking kumpanya ang Barameda Ship Adventure And Cruises Inc. sa pangalan at pangangalaga ng aking anak na panganay na si Vladimir Barameda bilang Chairman. Kas
Pagkatapos ng mainit na komprontasyon nila ni Vladimir ay umuwi si Lyka sa bahay ng kanyang mga magulang. Kinausap niya ang kanyang mga magulang tungkol sa will ni Henry. Hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig mula kay Lyka napakalaki ng tiwala ni Henry sa kanilang anak para ipagkaloob dito ang ganong kalaki na kayamanan. Naguguluhan din sila sa kung ano ang nais mangyari ni Henry bakit kailangan magpakasal ng kanyang anak kay Lyka at magsama ang dalawa bilang mag asawa. Kaya naman kinausap si Lyka ng kanyang mga magulang hinggil dito.“Lyka Anak, ano ang iyong desisyon sa kagustuhan na ito ni Henry?” Tanong ng kanyang ina.“Ma, sa totoo lang po bago mawala si Henry ay kinausap na niya ako at hinabilin niya sa akin si Vladimir na huwag ko itong pababayaan at nangako po ako kay Henry na gagawin ko ang kanyang kagustuhan subalit hindi pala ganun kadali ang lahat Ma.” Tumulo na ang mga luha ni Lyka.Mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina, “Anak, kung nahihirapan ka pwede mo naman iwa
Kinaumagahan ay pinatawag ni Vladimir ang Abugado ng kanyang ama para pag-usapan ang testamento ni Henry at upang pirmahan nila ni Lyka ang mga dokumento. May inihanda si Lyka na ilang kondisyon para sa kanilang pagsasama bilang mag asawa ni Vladimir.“Attorney, may inihanda akong ilang kondisyon read it first kung iyong pinahihintulutan and Vladimir too.”Binasa nila Vladimir ang nakasulat sa dokumento na ibinigay ni Lyka. Nakapaloob dito na tanging kontrata lamang ang kanilang pagpapakasal at pagsasama bilang mag asawa sa itinakdang limang taon pagkatapos nito ay malaya silang maghihiwalay ng landas. Ang obligasyong sekswal bilang mag-asawa ay dapat na parehong kagustuhan nilang dalawa at hindi dapat pilitin ang sino man sa kanila na gampanan ito kung hindi naman pareho nilang kagustuhan. Labas sa kanilang kontrata ng pagpapakasal ang pagkakaroon ng anak.Pagkatapos basahin ang dokumento ay sarkastiko na tumawa si Vladimir. Hindi siya makapaniwala sa mga kondisyon ni Lyka hayagan ni