Kinabukasan araw ng libing ni Henry lahat ng malalapit sa kanya ay nais siyang ihatid sa huling hantungan na may ngiti sa kanilang puso kahit mabigat ang kanilang mga kalooban dahil sa pagiging parte niya ng kanilang mga buhay. Hinayaan ni Lyka na si Mrs.Barameda ang nasa harapan ng kabaong ni Henry. Kasama ni Lyka ang kanyang pamilya at pinili niya na sa huling upuan na lamang sila pupwesto.Nangako si Lyka kay Henry na hindi na siya iiyak ngayong ihahatid na si Henry sa kanyang huling hantungan. Mabigat pa rin ang puso ni Lyka ngunit alam niya na kailangan niyang tanggapin ang lahat. Si Vladimir ay kasama naman ng kanyang ina at kanyang mga kapatid.Lumipas ang mga oras at natapos na ang lahat. Isa-isa ng umalis ang mga malapit kay Henry. Nag aya na rin ang kanyang mga magulang na umuwi na ngunit nag paiwan si Lyka. Umupo siya sa unang upuan at nakatingin lang sa kawalan. Kanina ay nag paalam na rin sa kanya ang dating asawa ni Henry ngunit hindi niya nakita si Vladimir.Ilang minut
Kinaumagahan ay nagtipon sina Vladimir sa kanilang bahay kasama ang abugado ng kanyang ama naroon din si Lyka sa request ng abugado ni Henry. Nagtataka man si Lyka kung bakit kasama siyang ipinatawag ay napilitan na rin siyang dumalo sa kanilang pag uusap. Aalis na sana si Lyka kagabi palang ngunit pinigilan siya ni Vladimir at sinabihan na hintayin kung ano ang pag uusapan nila kasama ang abugado ng kanyang ama kaya pumayag na rin si Lyka sa kagustuhan ni Vladimir.“Good morning Vladimir,Lyka, ipinatawag ko kayo at nais makausap dahil sa iniwang last will and testament ni Henry nabanggit ang inyong pangalan sa kanyang testamento,” sabi ng Abugado.Nagtinginan naman sina Lyka at Vladimir sa sinabi nito at tahimik na nakinig sa kanyang sasabihin.“Ito ang napapaloob sa testamento ni Henry; “Sa aking pagpanaw ay ibinibigay ko ang aking kumpanya ang Barameda Ship Adventure And Cruises Inc. sa pangalan at pangangalaga ng aking anak na panganay na si Vladimir Barameda bilang Chairman. Kas
Pagkatapos ng mainit na komprontasyon nila ni Vladimir ay umuwi si Lyka sa bahay ng kanyang mga magulang. Kinausap niya ang kanyang mga magulang tungkol sa will ni Henry. Hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig mula kay Lyka napakalaki ng tiwala ni Henry sa kanilang anak para ipagkaloob dito ang ganong kalaki na kayamanan. Naguguluhan din sila sa kung ano ang nais mangyari ni Henry bakit kailangan magpakasal ng kanyang anak kay Lyka at magsama ang dalawa bilang mag asawa. Kaya naman kinausap si Lyka ng kanyang mga magulang hinggil dito.“Lyka Anak, ano ang iyong desisyon sa kagustuhan na ito ni Henry?” Tanong ng kanyang ina.“Ma, sa totoo lang po bago mawala si Henry ay kinausap na niya ako at hinabilin niya sa akin si Vladimir na huwag ko itong pababayaan at nangako po ako kay Henry na gagawin ko ang kanyang kagustuhan subalit hindi pala ganun kadali ang lahat Ma.” Tumulo na ang mga luha ni Lyka.Mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina, “Anak, kung nahihirapan ka pwede mo naman iwa
Kinaumagahan ay pinatawag ni Vladimir ang Abugado ng kanyang ama para pag-usapan ang testamento ni Henry at upang pirmahan nila ni Lyka ang mga dokumento. May inihanda si Lyka na ilang kondisyon para sa kanilang pagsasama bilang mag asawa ni Vladimir.“Attorney, may inihanda akong ilang kondisyon read it first kung iyong pinahihintulutan and Vladimir too.”Binasa nila Vladimir ang nakasulat sa dokumento na ibinigay ni Lyka. Nakapaloob dito na tanging kontrata lamang ang kanilang pagpapakasal at pagsasama bilang mag asawa sa itinakdang limang taon pagkatapos nito ay malaya silang maghihiwalay ng landas. Ang obligasyong sekswal bilang mag-asawa ay dapat na parehong kagustuhan nilang dalawa at hindi dapat pilitin ang sino man sa kanila na gampanan ito kung hindi naman pareho nilang kagustuhan. Labas sa kanilang kontrata ng pagpapakasal ang pagkakaroon ng anak.Pagkatapos basahin ang dokumento ay sarkastiko na tumawa si Vladimir. Hindi siya makapaniwala sa mga kondisyon ni Lyka hayagan ni
Nagpatawag si Vladimir ng meeting sa kumpanya upang ibalita sa lahat ang bagong posisyon ni Lyka sa kumpanya bilang Presidente. Marami ang bumati ngunit marami rin ang nag bulong-bulungan tungkol sa kanyang bagong posisyon dahil alam naman ng mga ito na nobya siya ni Henry kaya niya nakuha ang posisyon.Nagalit si Vladimir sa kanyang mga narinig, “Kung meron man kayong nais sabihin ay magsalita kayo!”Tumahimik ang lahat sa pagsasalita ni Vladimir. Walang nais magsalita, kung ano ang takot nila sa ama nito ay siya ring takot nila kay Vladimir bilang bagong may-ari ng kumpanya.“Kung sino man sa tingin ninyo ang mas nararapat sa posisyon ni Miss Lyka ay sabihin ninyo kung sino,” sabi ni Vladimir.“But I’m sure na walang sino man sa inyo na kayang tapatan ang angkin niyang galing sa trabaho. Gawin nyo na lang ang inyong mga trabaho ng tama para naman hindi nasasayang yung pinapasahod sa inyo ng kumpanya.” Matalim ang tingin ni Vladimir sa lahat lalo na sa mga nagbubulungan kanina lang.
Kinabukasan ay maagang dumating si Lukas sa Barameda Company. Excited ito sa muli nilang pagkikita ni Lyka parang na love at first sight siya kay Lyka. Sa kabilang banda ay abala si Lyka sa pag-aayos ng mga papeles na kakailanganin para sa close meeting nila mamaya. Maasahan ang kanyang assistant nagawa nito ng tama ang lahat ng kanyang pinapahanda na mga impormasyon na gagamitin.Nagtungo na si Lyka sa conference room tatlo lamang silang mag-uusap sa ngayon para sa detalye ng kanilang magiging kooperasyon kapag nagustuhan ni Vladimir ang proposal ni Lukas ay maganda ang kalalabasan ng lahat. Nagpadala siya ng kape sa kanyang assistant dahil sinisikmura siya.“Good morning!” Nakangiting bati ni Vladimir kay Lyka pagpasok sa loob.“Good morning din,” seryosong sabi ni Lyka habang abala sa kanyang laptop.“You’re having coffee right now hindi mo man lang ako hinintay my WIFE.” Pinagdiinan talaga ni Vladimir ang salitang wife.“Shut up Vladimir! Nasa company tayo be professional and why
Hindi makapag concentrate si Lyka sa kanyang trabaho laman ng isipan niya ang nangyaring sagutan nila ni Vladimir sa loob ng elevator. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ito sa kanya. Sa kabilang banda naman ay mainit din ang ulo ni Vladimir ayaw man niyang aminin pero nakakaramdam siya ng selos sa nakikitang paglalapit ni Lukas at Lyka kahit ayaw nyang magsalita ng hindi maganda kay Lyka ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.Maya-maya ay tumunog ang telepono ni Vladimir laking gulat niya ng makita ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan na si Bryan Cruz sa Amerika ito nakatira at siyang Vice President ng kumpanya nila Vladimir doon na hawak ng kanyang ina.“What’s up Bro!” Masayang bati ni Bryan mula sa kabilang linya.“Yeah, why did you call me?” Malamig ang tono ni Vladimir na halatang wala sa mood.“Bro, what’s the matter? Parang hindi ka masaya na makausap ang bestftriend mo.”Saglit na natahimik si Vladimir, “I’m sorry Bro, It’s just…”“It’s okay we can talk abou
Dumating si Lukas sa kanilang restaurant dahil usapan nila ni Lyka na mag di-dinner. Masaya siya na pinaunlakan ni Lyka ang kanyang imbitasyon. Hindi siya magdadalawang isip na ipakita at iparamdam kay Lyka ang kanyang intensyon.Kaagad na lumapit ang manager ng restaurant kay Lukas at ipinaalam nito na nasa restaurant ang kanyang business partner na si Vladimir. Nagpasalamat si Lukas at kaagad nagtungo sa table nila Vladimir at bumati.“Vladimir!” Nakangiting tawag ni Lukas. Lumingon si Vladimir at kaagad na tumayo.“Lukas!” Nakangiti rin na bati ni Vladimir at nakipag kamay dito.“Hindi mo sinabi sa akin na dito kayo kakain para na i-reserve ko kayo sa VIP room,” sabi ni Lukas.“It’s okay. By the way this is my best friend Bryan and Wendy my…”Kaagad na pinutol ni Wendy ang sasabihin ni Vladimir, “Vladimir’s girlfriend.” “Ohh..nice meeting you Wendy and Bryan,” sabi ni Lukas.Hindi na sumagot pa si Vladimir sa sinabi ni Wendy kay Lukas ang alam din naman ni Bryan ay sila pa rin ni