Dumating si Lukas sa kanilang restaurant dahil usapan nila ni Lyka na mag di-dinner. Masaya siya na pinaunlakan ni Lyka ang kanyang imbitasyon. Hindi siya magdadalawang isip na ipakita at iparamdam kay Lyka ang kanyang intensyon.Kaagad na lumapit ang manager ng restaurant kay Lukas at ipinaalam nito na nasa restaurant ang kanyang business partner na si Vladimir. Nagpasalamat si Lukas at kaagad nagtungo sa table nila Vladimir at bumati.“Vladimir!” Nakangiting tawag ni Lukas. Lumingon si Vladimir at kaagad na tumayo.“Lukas!” Nakangiti rin na bati ni Vladimir at nakipag kamay dito.“Hindi mo sinabi sa akin na dito kayo kakain para na i-reserve ko kayo sa VIP room,” sabi ni Lukas.“It’s okay. By the way this is my best friend Bryan and Wendy my…”Kaagad na pinutol ni Wendy ang sasabihin ni Vladimir, “Vladimir’s girlfriend.” “Ohh..nice meeting you Wendy and Bryan,” sabi ni Lukas.Hindi na sumagot pa si Vladimir sa sinabi ni Wendy kay Lukas ang alam din naman ni Bryan ay sila pa rin ni
Natapos ang awitin ni Lukas at lumapit ito kaagad kay Lyka, “Did you like it?” Tanong ni Lukas.“Yes, you have a nice voice Lukas,” sagot ni Lyka.Habang si Wendy naman ay sinamantala ang pagkakataon para lalong malapit kay Vladimir. Napaka sweet nito kay Vladimir at halos naka dikit na ang kanyang katawan dito. Hindi naman maiwasan ni Lyka ang hindi mapatingin sa dalawa naiinis siya kaya lumabas muna siya at nagtungo sa restroom hindi niya alam na sumunod si Vladimir sa kanya. Ilang minuto ang lumipas lumabas na ng restroom si Lyka hindi niya akalain na makikita si Vladimir na waring naghihintay sa kanya.“Hindi ko akalain na close na pala kayo ni Lukas para mag dinner ng hindi ko nalalaman,” sabi ni Vladimir ng nasa harapan na niya si Lyka.“We are getting closer I guess at wala namang masama kung mag dinner man kami,” sagot ni Lyka at lumakad na ngunit hinawakan siya ni Vladimir sa kanyang braso at hinila palabas ng restaurant.“Vladimir, ano ba! Bitiwan mo nga ako!” Sigaw ni Lyka
Nakatulog si Vladimir sa kanyang pag iisip tungkol kay Lyka. Lumabas naman si Wendy sa shower na nakatapis ng tuwalya lamang. Nakita niya si Vladimir na natutulog sa kama hinagod niya ang malambot na buhok nito. Miss na miss niya ito mahal na mahal niya si Vladimir at lahat ay gagawin niya para manumbalik ang pagmamahal nito sa kanya.Sinimulan niyang halikan si Vladimir at nagtagumpay siya na gisingin ito ng kanyang mga halik. Maraming nainom si Vladimir sa kanyang pagmulat ng mga mata ay si Lyka ang kanyang nakikita.“Lyka…” Sambit ni Vladimir.Saglit na natigilan si Wendy dahil napatunayan niya na hanggang ngayon ay si Lyka pa rin ang nasa isipan ng kanyang minamahal. Wala na siyang pakialam sa mangyayari ang tangi niyang hangad ay maangkin ang lalaki na kanyang pinakamamahal. Muli niyang hinalikan si Vladimir hindi naman siya nabigo dahil tinugunan ni Vladimir ng isang mainit na halik ang kanyang ginawa. Parang sabik na sabik sa kanya si Vladimir kahit alam niyang si Lyka ang naki
Ramdam ni Vladimir ang panginginig ng katawan ni Lyka hindi niya alam kung dahil ba sa takot sa kanya o sa galit nito sa kanyang ginagawa ngayon.“Yeah, tama ka hindi natin mahal ang isa’t isa but still do your responsibility as my wife kung ayaw mong ma eskandalo kasama ang pamilya mo.”Nagpupuyos ang puso ni Vladimir sa galit tahasan ang ipinapakitang pagtanggi sa kanya ni Lyka samantalang nakukuha nitong ngumiti ng ubod ng tamis sa ibang lalaki. Walang magawa si Lyka ayaw niyang madamay ang kanyang pamilya sa nangyayari sa kanila ni Vladimir. Labis siyang nasasaktan sa ipinapakita nito pagkatapos niya sa piling ni Wendy ay nakukuha pa nitong lumapit sa kanya at nais makipagtalik. Pakiramdam ni Lyka ay ginagawa na lang siyang laruan ni Vladimir na pag nag sawa na siya ay itatapon niya kahit anumang oras.Inilapit ni Vladimir ang kanyang labi sa labi ni Lyka at mariin niyang hinalikan ito. Isang halik na puno ng galit ngunit may pananabik. Naramdaman ni Lyka ang sugat sa kanyang labi
Sabay na pumasok sa kumpanya sina Vladimir at Lyka. Maganda ang mood ni Vladimir dahil sa mga naganap kagabi sa pagitan nila ni Lyka kahit hindi siya sigurado sa kung ano ang nararamdaman ni Lyka ngayon. Muli silang nagkaroon ng board meeting kasama si Lukas tungkol sa kanilang kooperasyon tumagal ito ng dalawang oras. Maganda at maayos ang naging resulta ng lahat kaya sisimulan na ang kanilang proyekto.“Lyka, can I invite you for lunch?” Tanong ni Lukas ng matapos na ang kanilang meeting.Kaagad na napalingon si Vladimir kay Lyka sa kanyang narinig at hinihintay ang magiging sagot nito, “Sure,” sagot ni Lyka.Natuwa naman si Lukas sa kanyang narinig inaya rin niya si Vladimir kahit na gusto niyang masolo si Lyka ay ayaw naman niya maging rude sa paningin ng kanyang business partner. Ngunit tumanggi si Vladimir at sa tingin niya ay galit ito sa pag payag ni Lyka.Kaagad na lumabas si Vladimir at nagtungo sa kanyang opisina ramdam ni Lyka na galit ito ngunit ayaw na niya itong bigyan
Pagkatapos ng hindi inaasahang pagkikita nila sa restaurant ay nagsimulang lumabo muli ang lahat sa pagitan ni Lyka at Vladimir. Naabutan ni lyka na umiinom ng alak si Vladimir sa beranda ng kanyang kwarto ng lumabas si Lyka sa kanyang beranda upang uminom din. Nag kagulatan man ay nanatiling tahimik si Lyka at naupo sa couch na naroon. Hindi napigilan ni Vladimir ang hindi magsalita.“Are you dating now?” Tanong ni Vladimir kay Lyka.“Dating who?”“Bakit marami ba sila kaya hindi mo alam kung sino ang tinutukoy ko?”“Huwag mo akong simulan Vladimir! Huwag mo akong pakialaman katulad ng hindi ko pakikialam sayo!” Naiinis na sabi ni Lyka.“I’m just asking you Lyka, I want to know kung kayo na ba ni Lukas.”“Eh ano naman sayo kung kami nga? You have Wendy too hindi mo naman sinabi sa akin na nagkabalikan na pala kayo.”Inaamin ni Lyka sa kanyang sarili na naiinis siya at nakararamdam ng selos ngayon.“Wala kaming relasyon ni Wendy,” sagot ni Vladimir.Mapait na tumawa si Lyka at ininom
Kinabukasan ay sabay na pumasok sa trabaho sina Lyka at Vladimir. Napagkasunduan nila pareho na ilihim muna sa kumpanya ang kanilang relasyon dahil nga sa naging relasyon ni Lyka at ni Henry. Pakiramdam ng dalawa ay nasa ulap sila dahil sa kaligayahan na kanilang nadarama ngayon.“Good morning Sir. Good morning Mam,” bati sa kanila ng mga empleyado ng pumasok sila sa loob ng building ng kumpanya.“Good morning everyone!” Nakangiting bati ni Vladimir na ipinagtaka ng lahat dahil halatang maganda ang mood nito. Ngumiti lang sa kanila si Lyka.“Over the top yung smile mo Vladimir,” sabi ni Lyka.“You are the reason love,” bulong naman ni Vladimir sa kanya.Nag blush si Lyka na parang isang teen ager. Sobrang sweet ni Vladimir sa kanya simula ng magkaayos sila at mag kaliwanagan. Masaya rin si Lyka sa mga naganap at kuntento ang kanyang puso. Pumasok sila ng elevator patungo sa floor ng kanilang mga opisina. Kaagad siyang niyakap ni Vladimir ng mahigpit at hinalikan sa labi. Walang tao sa
Umarko ang kilay ni Mitch ng paalisin siya ng tatlong babae na kasama nila Vladimir. Ang taray ng mga ito akala mo pag aari nila ang tatlong gwapong lalaki sa kanilang harapan. Tumawa siya ng mahina at tumayo hinarap niya ang tatlong babae.“Sino ba kayo para paalisin ako sa table na ‘to?” Masungit na tanong ni Mitch.“We are their dates for tonight,” sagot ng isang babae.Natawa si Mitch sa narinig, “Dates? Wow! Ngayon ko lang nalaman na ang baba pala ng taste nila sa babae.”Sumulyap si Mitch kina Vladimir,Bryan at Lukas na nasa kanyang likuran at pang asar na ngumiti. Nagtagumpay naman siya dahil apektado kaagad si Bryan sa kanyang mga sinabi.“Hey!Stop it!” Awat ni Bryan sa kanya.“They’re not bad. They are beautiful and sexy,” mayabang na sabi ni Bryan.“Ohh! Really?” Lumapit si Mitch kay Bryan at nilaro ang butones ng polo nito atsaka nagsalita.“More beautiful than me? More sexy than me?” Mapang akit na sabi ni Mitch.Nagkatinginan naman si Vladimir at Lukas natatawa sila sa re