Nagkita na lang sina Lyka at Mitch sa malapit na coffee shop sa kanilang lugar. Masayang nagyakap ang magkaibigan dahil matagal rin silang hindi nagkita dahil pareho silang busy sa kanilang mga trabaho.“Best Friend kailan pa kayo nagsimulang mag usap ni Troy ha?” tanong ni Mitch kay Lyka.“Just recently best it’s a coincidence na nagkita kami sa isang resto kung saan kami kumakain nila Henry.”“So inaya ka niyang mag dinner kayo para makapag usap tapos isinama mo ako dahil ayaw mo na kayong dalawa lang ang magkasama?”“Tama ka and besides close naman kayo noong college pa tayo so.. okay lang na isama kita,” sabi ni Lyka.Nagkibit balikat na lang si Mitch at sumakay na sila ng kotse patungo sa restaurant na sinabi ni Troy. Sa kumpanya naman ay dismayado si Vladimir dahil hindi niya nakita buong araw si Lyka. Inaya na lang niya ang kanyang nobya na si Wendy na mag dinner sa labas. Hindi niya inaasahan na makikita si Lyka sa restaurant na pupuntahan nila.“Babe, thank you for inviting m
Bumalik si Lyka sa kanilang lamesa pagkatapos ng kanilang pag-uusap ni Vladimir."Lyka, okay ka lang ba?" Tanong ni Troy sa kanya."I'm fine, don't worry." Ngumiti siya kay Troy.Maya-maya pa ay bumalik na rin si Vladimir. Nag simula na silang kumain. Pinilit ni Lyka na umaktong natural sa harap ng kanyang mga kaibigan at sa harap nila Vladimir. Masaya silang nag kwentuhan habang kumakain binalikan ang mga alaala noong mga college pa lamang sila."Lyka, how about your love life? May boyfriend ka ba ngayon?" Tanong ni Troy.Kaagad na sumulyap si Vladimir at Mitch kay Lyka hinihintay ang kanyang pag sagot. Ngumiti si Lyka atsaka sumagot "Yes I'm seeing someone right now," sabi niya."Wow, ang swerte naman niya kung sino man siya. I hope you can introduce him to me one day." Nakangiting sabi ni Troy.Ngumiti lamang si Lyka at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam na si Lyka at Mitch kay Troy wala sa mood si Lyka at gusto niyang magpahinga na lang kaagad pagkatapos ng nangyaring
Nagulat si Henry sa sinabi ni Lyka na gusto nitong gawing public ang kanilang relasyon samantalang ito ang ayaw ni Lyka.“Lyka, what’s wrong Sweety?” Nagtataka na tanong ni Henry.Yumakap si Lyka kay Henry nang mahigpit, “Natatakot ako Henry, I don’t like this feelings from my heart.” “Let’s talk properly Sweety, please tell me everything,” sabi ni Henry.Nagbihis si Lyka ng kanyang damit at umupo sa kama katabi ni Henry. Kinakabahan siya hindi niya alam paano ipapaliwanag kay Henry ang lahat at kung paano ipapaliwanag ang kanyang nararamdaman para kay Vladimir dahil kahit maging siya ay hindi pa sigurado tungkol sa kanyang damdamin para kay Vladimir.“Henry, nung wala ka may nangyari…Vladimir kissed me and I don’t know pero..I let him.” Kinakabahan na sabi ni Lyka. Tumingin siya sa mga mata ni Henry at handa siya sa kung ano man ang maging reaksyon o kung ano man ang sabihin ni Henry sa kanya.“Do you like him?”Natigilan si Lyka sa tanong ni Henry sa kanya hindi niya alam kung paan
Galit na pumasok si Vladimir sa kanyang opisina dahil sa mga sinabi ni Lyka nagulat siya ng makita sa loob ang kanyang nobya na si Wendy. “Babe! Kanina pa ako naghihintay sayo.” Nakangiting sabi ni Wendy sabay yakap kay Vladimir pagkapasok nito sa loob ng opisina. “What are you doing here Wendy?” Nakasimangot na tanong ni Vladimir. “Why? Am I not allowed to be here?” Inis na tanong ni Wendy. Hindi naman sumagot si Vladimir umupo siya sa swivel chair at sinimulang tignan ang mga files sa ibabaw ng kanyang lamesa. “Vladimir, what's wrong with you babe? I noticed that you've been so cold to me these past few days. May problema ba tayo?” Lumapit si Wendy kay Vladimir at kumandong dito. Inangkla ang kanyang mga braso sa leeg ni Vladimir at aktong hahalikan si Vladimir sa kanyang mga labi ngunit kaagad na umiwas ito at pinigil siya. “Stop it Wendy! Leave me alone for now please,” sabi ni Vladimir. Nagulat si Wendy sa sinabi ni Vladimir. This is the very first time na ipinagtabuyan siy
Excited si Vladimir para sa araw na ito dahil masosolo niya si Lyka at magkaroon sila ng pagkakataon na maging mas malapit sa isa’t isa. Naka casual outfit lamang si Vladimir maong jeans and white polo and a rubber na bagay na bagay sa kanya.Lutang na lutang ang kanyang kagwapuhan at ganda ng pangangatawan. Hinihintay niya si Lyka na bumaba sa sala mula sa silid ng kanyang ama.Nagulat siya ng pumayag ang kanyang ama na si Henry na lumabas sila ni Lyka ngayon. Natutuwa pa nga ito dahil naging malapit na raw sila sa isa’t isa. Ang hindi alam ng kanyang ama na iba ang kanyang motibo sa pagyaya kay lyka na lumabas. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na si Lyka kasama si Henry.Casual outfit lang din ang suot ni Lyka na ngayon lang nakita ni Vladimir. Naka sexy short si Lyka at sleeveless na blouse na may v-neck sa harap at rubber shoes. Kitang-kita ang angking kagandahan nito at lutang ang kanyang kasexyhan. Hindi namalayan ni Vladimir na nakatulala na pala siya.“Vladimir Iho!” Malak
Pagkatapos mag dinner nila Vladimir at Lyka napagpasyahan nilang uminom ng alak. Habang nakatingin sa magandang tanawin ng karagatan at lamig ng simoy ng hangin na dumadarampi sa kanilang balat. “Lyka, thank you for accepting this date with me.” Nakangiting sabi ni Vladimir habang umiinom sila ng alak.Ngumiti rin si Lyka sa kanya, “Nag enjoy ako sa date natin. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong date thank you Vladimir.”“Really? But what about your dates with my dad?”“Your dad? Usually lagi kaming nag de-date sa mamahaling restaurant you know your dad he’s a classy person. Minsan sa opera or painting exhibit at iba pa puro social gatherings ang usual date namin unlike us today I feel free,” sagot ni Lyka.Napangiti si Vladimir, “May advantage pala ako kasya kay dad.”Natawa ng mahina si Lyka, “Nagyayabang na kaagad ganun?” Tumawa sila pareho ng mahina sa sinabi ni Lyka.Marami silang napag usapan tungkol sa bawat isa at kinilala ang katauhan ng bawat isa hindi nila namalayan na
Natigilan si Lyka sa nakitang galit ni Vladimir sa kanya gusto na niyang bawiin ang kanyang mga sinabi na nakasakit sa damdamin nito.“Vladimir…” Sambit ni Lyka ngunit naputol ang kanyang sasabihin ng tumunog ang telepono ni Vladimir.Natigilan sila pareho sinagot ni Vladimir ang kanyang telepono bodyguard ng kanyang ama ang nasa kabilang linya. Gulat na gulat siya sa sinabi nito.“Sir, nasa ospital po ang inyong ama inatake po sa puso.”Namutla kaagad si Vladimir na tumingin kay Lyka, “Vladimir, what’s wrong?”“Nasa ospital si dad inatake daw sa puso.”Kaagad na nataranta si Lyka at nagmamadaling kinuha ang kanyang gamit, “Vladimir, let’s go to the hospital.” Naiiyak na sabi ni Lyka.Kaagad silang lumisan sa lugar at nagtungo sa ospital kung nasaan si Henry. Habang nasa biyahe ay iyak ng iyak si Lyka hindi mawala ang takot sa kanyang dibdib sa pag-aalala para kay Henry. Walang nagawa si Vladimir kundi ang tignan lamang ito at nag focus sa pagmamaneho. Nakarating sila ni Vladimir sa o
Nais ni Henry na umuwi sa kanyang bahay at doon gugulin ang natitirang oras ng kanyang buhay. Ayaw niya ospital pakiramdam niya ay mamatay siya kaagad anumang oras. Kahit ayaw ni Vladimir at Lyka sa kanyang desisyon ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sundin ang kanyang kagustuhan.Lihim na ipinatawag ni Henry ang kanyang personal na abugado habang nasa trabaho si Vladimir at Lyka. Ipinahanda niya ang kanyang last will and testament sa kanyang abugado. Mahigpit ang bilin niya sa kanyang abugado na ilihim ito kay Vladimir. Mapagkakatiwalaan ang kanyang abugado kaya panatag si Henry.Kahit labis ang pag-aalala ni Lyka para kay Henry ay nagampanan pa rin nito ang kanyang trabaho sa kumpanya. Ganun din naman si Vladimir. Nagpaalam si Lyka sa kanyang pamilya na sa bahay muna ni Henry tutuloy dahil sa kalagayan nito. Pumayag naman ang kanyang mga magulang dahil malaki ang utang na loob nila kay Henry dahil sa malaking tulong nito sa kanilang pamilya.“I'm home!” Nakagiting sabi ni L
Magarbo ang selebrasyon para anibersaryo ng Barameda Cruise Ship. Tinawag ng MC si Vladimir upang magbigay ng speech sa harap ng kaniyang mga bisita.“Good evening everyone. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagdalo sa kasiyahan ngayong gabi. Masaya ako na makita kayo at makakuwentuhan. Another year for Barameda Corporations na akala ko ay aking mapababayaan noon. Malaki ang pasasalamat ko sa aking partner na si Wendy dahil sa kaniya kaya ako’y nakabangon muli.”Nagbulungan ang lahat ng naroon. Dahil hindi naman lingid sa lahat ang nangyari noon kay Lyka. Malaki naman ang ngiti sa labi ni Wendy sa mga sinabi ni Vladimir.Si Samantha at Lukas ay nasa malayo lang at nakikinig. Sumulyap si Lukas sa kapareha at ‘di nakaligtas sa kaniya ang luha na nais pumatak mula sa mga mata ni Samantha. Kaagad niya itong inaya na lumabas muna ng venue. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Vladimir ang pag-alis ng dalawa.“Samantha, Are you alright?” nag-aalala na tanong ni Lukas.“Il
Sinamantala ni Wendy ang pagkakataon. Kapag ganitong lango sa alak si Vladimir saka lang niya nagagawa ang kan’yang gusto sa lalaking labis na minamahal. Inutusan niya ang bodyguards nito na buhatin si Vladimir sa k’warto. Nang nasa k’warto na sila ay hinubad niya ang damit pang-itaas ni Vladimir saka tinitigan ng mabuti ang mukha nito."Vladimir, kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka magkakaganito ngayon, hindi ka masasaktan ng husto."Hinaplos niya ang mukha ni Vladimir at dinampian ng halik ang labi nito. Mahal na mahal niya si Vladimir lahat kaya niyang gawin ma pa sa kanya lamang itong muli."Lyka…" mahinang sambit ni Vladimir."Hindi ako si Lyka. Wala na ang babae na 'yon. Ako na lang ang mahalin mo, Vladimir. Pangako ko sa'yo paliligayahin kita higit pa sa kayang gawin ni Lyka."Hinalikan niya si Vladimir sa labi ng buong init. Sa paningin ni Vladimir ay si Lyka ang kan’yang nasa harapan, kaya naman walang alinlangan na tinugunan niya ang mainit na halik ni Wendy. Ip
Isang linggo ang nakalipas mula ng ma pa-balita na patay na si Lyka. Hanggang ngayon ay hirap ang kan’yang pamilya na tanggapin ang nangyari pero kailangan para matahimik si Lyka sa kabilang buhay. Gano’n din si Mitch buti na lang at nand’yan si Bryan na naka-alalay sa kan’ya. Si Vladimir naman ay araw-araw dinadalaw ang puntod ni Lyka na lasing at emosyonal. Pinasubaybayan ni lukas si Vladimir gano’n din si Wendy sa utos na rin ni Lyka.Si Lyka naman ay isa-sa-ilalim na sa operasyon. Nang dahil sa aksidente ay labis na naapektuhan ang kan’yang mukha, halos kalahati ng mukha niya ay may damage. "Lyka, ano ang desisyon mo sa operasyon sa mukha mo?” tanong ni Lukas."Pinag-isipan ko na mabuti ang desisyon kong ito, Lukas. Magpapabago ako ng mukha, I need plastic surgery. Kapag bago na ang aking mukha ay hindi na nila ako makikilala pa. Sa gano’ng paraan ay magagawa kong alamin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.""Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo na ‘yan? We need to go abr
Inuusig man si Lukas ng kan’yang konsens’ya dahil sa paglilihim niya ng katotohanna sa pamilya at kaibigan ni Lyka ay wala na siyang magawa kun’di ang panindigan ang kan’yang naging desisyon.Naisaayos na nila ang mga dapat gawin sa burol ng abo ni Lyka. Nagpaalam si Lukas na uuwi muna ngunit ang totoo ay nagtungo siya sa ospital kung nasaan si Lyka. Maganda na ang kalagayan ni Lyka. Nag-normal na ang kan’yang vital signs ,kaya naman nakahinga na si Lukas dahil ligtas na si Lyka.Dalawang araw na ang burol kay Lyka at pinag-pasyahan ng kan’yang pamilya na mailibing na ito kinabukasan. Bago pa man ang araw na iyon ay nagising si Lyka mula sa pagka-comatose."Lyka! Lyka!"Natataranta na sigaw ni Lukas nang imulat ni Lyka ng kan’yang mga mata habang binabantayan siya ni Lukas.Kaagad niyang tinatawag ang Doctor ni Lyka upang suriin ang kondisyon nito. Maayos naman ang lahat. Dahan-dahan na umupo si Lyka sa kama."Lukas, nasaan tayo? Ikaw ba ang nagligtas at tumulong sa akin?""Nasa ospi
Kaagad na kumalat sa midya at balita ang nangyari kay Lyka dahil sa kan’yang kotse. Kinuha ng mga awtoridad ang lahat ng detalye kaya naman nalaman na pagmamay-ari niya ang sasakyan. Sumugod sa lugar ang kan’yang pamilya kasama ang kan’yang matalik na kaibigan na si Michelle. Naroon din si Bryan at ang hindi inaasahan ni Lukas, si Wendy.Nakita ni Lukas kung gaano ang pagtangis ng pamilya ni Lyka at ng kaniyang matalik na kaibigan, ang akala ng mga ito ay nasawi na si Lyka sa pagsabog kasama ng kan’yang sasakyan.Nagulat siya ng tumunog ang kan’yang telepono, si Michelle ang tumatawag sa kan’ya. Kailangan niya ayusin ang kan’yang sarili."Hello, Mitch?"Isang malakas na pag-iyak ang narinig niya mula sa kabilang linya. Labis-labis ang pag-iyak ni Mitch na halos hindi ito makapagsalita. Kinuha ni Bryan ang telepono at kinausap si Lukas."Lukas! Nasaan ka?Alam mo na ba ang nangyari kay Lyka?""Bakit? A-Anong nangyari sa kan’ya?" nauutal na sabi ni Lukas "Bro, Lyka is…Lyka, run to an a
Muling nakabalik si Lyka sa trabaho. Pinuntahan siya ng kan’yang kaibigan ng mabasa ang kan’yang mensahe."Lyka, sigurado ka ba na nagbago na si Vladimir? Na hindi ka na niya sasaktan ulit?" tanong ni Mitch."Sa nakikita ko ngayon maayos naman ang lahat. Kay Wendy, ako kinakabahan.""Kay Wendy, bakit?""Alam naman natin kung gaano siya ka obsessed kay Vladimir. Natatakot ako na baka may gawin siya na hindi maganda.""Kung natatakot ka bakit hindi ka magdala ng bodyguard para mawala 'ang takot mo.""Ayoko masyadong takaw atens’yon.""Kung gano'n mag-ingat ka na lang lagi. O kaya naman make it sure na lagi kayo magkasama ng asawa mo."Ang hindi alam ni Lyka tama ang kan’yang kutob. May masamang pinaplano nga si Wendy laban sa kan;ya. Habang siya ay nangangamba si Wendy naman ay pinaplano na ang kan’yang mga gagawin laban sa kan’ya.Ilang araw ang lumipas payapa naman ang lahat. Kinausap ni Lukas si Lyka at siniguradong maayos ang kan’yang kalagayan at pagsasama nila ni Vladimir.Nasa ba
Nagkaroon ng pag-asa si Lyka dahil alam niya na handa siyang tulungan ng kan’yang mga kaibigan. Kaya naman kailangan din niya mag-isip ng paraan para tuluyan na siyang 'wag ikulong ni Vladimir.Pagkatapos umuwi ng pamilya ni Lyka ay kaagad niyang kinausap si Vladimir, "Vladimir, p'wede bang 'wag mo na akong ikulong sa basement? Pangako susunod ako sa lahat ng gusto mo, I'll be good.""Totoo ba 'yan? Susundin mo lahat ng gusto ko?""Oo pangako, basta 'wag mo na akong ikukulong ulit."Hinawakan niya ang mga kamay ni Lyka, "You know what Lyka, I really don't mean to hurt you. Ayaw nga kita na nasasaktan eh. 'Yong tungkol naman sa amin ni Wendy maniwala ka wala kaming relasyon, Ikaw lang ang mahal ko."Naramdaman ni Lyka na sincere si Vladimir sa kan’yang mga sinasabi. Iniisip niya na marahil ay si Wendy talaga ang may gawa ng lahat upang masira ang kanilang relasyon."Okay, I will believe in you. Also, about me and Lukas maniwala ka rin sana na walang nangyari sa amin. Kasama namin sina
Kinaumagahan nagulat si Lyka ng pag-gising niya ay naroon si Vladimir sa loob ng kan’yang kwarto at naghihintay na siya ay magising."Good morning," bati ni Vladimir.Kaagad niyang naisip na kausapin ang asawa, "Uhmm..good morning din. Vladimir, bakit ka nandito hindi ka ba papasok sa office?""Hindi ako papasok. Tumayo ka na at magbihis, tinawagan ako ng mga magulang mo. Pupunta sila mamaya dito para makita ka. Dito sila kakain ng tanghalian.""Talaga pupunta sila mama? Ilalabas mo ba ako dito?""S’yempre, wala akong choice pero binabalaan kita Lyka, huwag na huwag mong babanggitin kung ano man ang nangyayari sa atin. Kapag nagkamali ka humanda ka sa parusa ko. Naiintindihan mo ba?" seryosong sabi ni Vladimir.Alam ni Lyka na nanakot ang asawa at natatakot siya dito. Gusto niya humingi ng tulong sa mga magulang ngunit ayaw niya na mag-alala ang mga ito."Okay, tatahimik ako wala akong sasabihin. Pero… Vladimir, p’wede bang 'wag mo na akong ikulong pa. Hindi naman ako tatakas at kahit
Ayon sa napag usapan nina Lyka at Mitch ay kaagad na kinausap ni Mitch si Bryan na tulungan siya sa kanilang plano ni Lyka. "Bryan, please! Tulungan mo naman kami ng bff ko. Naawa na ako kay Lyka Bryan. Please!!!" pagmamakaawa ni Mitch. "Pero Mitch, alam mo naman na matalik ko rin na kaibigan si Vladimir. Paano ko siya magagawang traydurin? Hindi ko yata kaya Mitch." "Bryan, please! Sa tulong n’yo ni Lukas tiyak ako na maliligtas natin si Lyka. Hindi ka ba naaawa sa kan’ya ah Bryan?" "Naaawa ako sa kan’ya. Pero–" "Bryan, kailangan ko ba lumuhod sa harap mo para lang tulungan mo kami." naiiyak na sabi ni Mitch. Hindi naman matiis ni Bryan si Mitch dahil mahal niya ito, "You don't need to do that okay, I will help you." "Really? Thank you, Bryan! Tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo!" Niyakap ni Mitch si Bryan dahil sa kasiyahan. "Now we have to talk to Lukas. Hindi natin 'to kaya kung tayo lamang dalawa. You know how powerful a person your friend is. Sigurado ako na la