Kabanata 19: 'Blood'Pagising ko ganoon parin ang nararamdaman ko, hindi nga ata ako kumalma. Ang bilis ng aking paghinga ay hindi pa rin nagbabago. Ngunit bigla kong napansin ang tila nag-ibang kulay ng aking kwarto. "Gising kana?" malumanay iyon at tila tunog nag-aalala. Hindi iyon gulat o kahit pagkabigla, pero hindi naman siguro masama sa tingin ko na kahit papano nagkaroon siya ng paki-alam para sa akin, kahit ngayon lang.I was always afraid, takot akong baka mangyari ang kinakatakutan niya. Iyon na lang siguro ang bagay na ayaw kong mangyari. Kahit wag muna ngayon. Wala pa siyang nalalaman, at baka hindi pa ako handang sagutin ang mga katanungan niya. "By the way, Lolo is here. Nalaman niya ang nangyari sa'yo." Mukhang nakita niyang nagpupumilit akong bumangon, kaya agad siyang lumapit sa akin. Nataranta ang buong sistema ko, hindi pa ako gaanong kumakalma. "Wag kang lalapit?!" sabi ko dito, pero tuloy parin siya sa paglapit. Napabangon ako ng wala sa oras, at tinataboy siya
Kabanata 20: 'Ace' Umalis ako agad, mas mabilis pa kaysa sa normal na bilis ko. Umaasang walang makakasunod sa susunod na galaw na gagawin ko. Hindi ko tuloy alam kong sino ang paniniwalaan ko sa pagkakataon na ito, kaya't ang tanong na tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito ngayon, sino ang dapat na paniniwalaan ko? O kung kailangan bang pati siya pagkakatiwalaan ko.Ang sinabi kong dahilan sa kanya ay pahapyaw lang sa totoong mangyayari na nakalagay sa sulat o mensahe ba ang tawag doon. Kailangan ko pang pumunta sa mundo ng mortal para kompirmahin ang tunay na magaganap. Puro haka-haka pa lang ang nasa isip ko, wala pang kasiguraduhan kong iyon nga ba talaga ang mangyayari, at bumabase lang ako sa nakalagay sa sulat.Ngunit kagaya ng mga nababasa kong kwento sa libro, may pag-asa kayang maging wasto ang nakasulat naming tadhana, kahit alam kong malabo iyong mangyari, at walang basihan ang magiging kalalabasan nito. May kirot sa aking puso tuwing naalala kong may posibilidad na hin
Kabanata 21: First MoveNaging mas malapit pa siya ng mga sumunod na araw. Pansin rin ang pagiging tahimik ng paligid na siyang ikinabahala ko. Sobrang tahimik, na anumang oras baka bigla na lamang may hindi magandang mangyari. Ngunit nagkaroon ng kaunting pagbabago, pagbabago na siyang hindi ko inaasahan.Sa tuwing lalabas ako at may pupuntahan kailangan alam niya kung saan at kung sino ang tatagpuin ko, hindi rin ako makalabas nang bahay nang dahil doon, ngunit kahit anong lakas ko o kahit ipilit ko pa ang nais ko, wala akong magawa sa sobrang lumalakas na enerhiya sa kanya, may kung ano siyang bagay na maging ako’y hindi makatanggi sa kagustuhan niya.Sa natatandaan ko lang naman na bagay na maaaring makakapag-pasunod sa akin ay maaaring kagagawan ng isang itim na mahika. Ngunit wala akong maisip na bagay na dahilan kung bakit ako nagiging ganito ngayon, at bakit ngayon ko lang nararamdaman ito.“I’m doing this for your own good, Thalia.” I heard the woman’s name. Pero bakit ko nga
Kabanata 22Kabanata 22: 'Mayari'Bigla akong hindi makahinga sa nakikita ko. Parang nabubuhay siya, sa pamamagitan ng nilalang na nasa harapan ko ngayon. Ang matagal kong pangungulila ay biglang natunaw at nawala, mula sa kanyang malambot na ekspresyon, hanggang sa kanyang maamong mukha...parehas sila. Ano pa nga bang aasahan ko, kakambal niya ang aking Ina. Ngunit, biglang nagbago ang aking nadaramang emosyon na maalala ko kung sino siya? Parang halos ng sakit at pagdurusa sa buong pagkatao ko bigla na lang ulit nabuo at gustong kumawala. Panandalian lang ata ang binigay na saya sa kaibuturan ng puso ko, ngunit hito ako ngayon bigla na lang hindi maipaliwanag ang aking nadarama."Ikaw na marahil si Vamaila?" biglang dumaan ang sakit sa kanyang mga mata. Ang biglang nararamdaman kong pangungulila ay naging pagtataka. Wala akong makapang dahilan, kung bakit ko nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na ito. I must be tired, or hallucinating but no... I feel her longingness and many more
KABANATA 23WARNING: Words that's not suit for young audiences. Suic*dal / K*lling / Rap*dKabanata 23: 'The Piece of Memories'Napunta kami sa harap mismo ng bukal sa labas ng Mansiyon. Kung ganoon, pumapayag na kaya siyang uminom ako ng tubig galing sa bukal na ito. Tumingin ako sa kanya at naghihintay sa kanyang kasagutan."Pinahihintulutan na kita." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, wala na akong sinayang na oras at agad sumalok ng tubig para inumin. Wala akong alam sa mga pwedeng mangyari.Sa una kong buhay. Sa pinaka-una kong tapak sa mundong ito, I remember someone name me "Vae Mauve Iladriyana" na hindi ko din alam kong anong ibig sabihin. Mauve dahil sa aking mga mata a light bluish purple. Ngunit dahil sa haba ng pangalan ko, they decided to make my nickname and it turns "Vaemaila – Vamaila".My full name screams what? I don't even care, about my name nor my surname. Vae Mauve Iladriyana Terese. Everyone says my name screams power, regal and authority but in m
KABANATA 24Kabanata 24: FarewellHindi pa pala nagtatapos ang kwentong iyon. Hindi pa pala nagtapos sa lahat ng nalaman ko at ala-alang bumalik sa tunay niya dapat kalagyan. Hindi pala tapos ang lahat. I was wrong when I say, I remember everything. Kapalit pala ng mga salitang iyon ay ang katapusan ng isang buhay."Dev!" sigaw ko sa kanya. Umaasang masasabi niya na ang mga bagay na nais kong malaman. Malungkot siyang tumingin sa akin. Buong huhay ko iilan lang ang nalalaman ko sa sarili ko. I was very miserable. I thought of finding a way to search who I am. Hanggang sa umabot ako sa puntong ito, but now... lahat ng nais kong alamin biglang gusto ko na lang takpan ang tainga ko at kung pwede ay wag nang marinig ang mga susunod niyang sabihin."Gregorio Velasquez. He's here." gusto kong takbuhin ang pagitan namin, ngunit natatakot akong malaman ang ibang bahagi ng katotohanan mula sa kanya. Parang hindi ko kaya, I shut my eyes, stopping the tears begun to flow again.He was here. Si l
KABANATA 25Kabanata 25: OperationsIt was maybe the reason. Kaya siguro hindi ko naramdaman ang bagay na iyon. I was too late again, palagi na lang akong nahuhuli. Ano nang gagawin ko? Pagkatapos nang naging kaganapan sa mansiyon, bumalik ako sa bahay. Unti-unting bumabalik sa akin ang mga kwento na madalas niyang isalaysay sa akin, and the story he keeps on telling me.Siya ang tubig, ang hangin at ang apoy. Siya rin marahil ang araw at ang dilim. It was the line he always saying after the story he tell. Palaging may pag-asa ang mga kwento niya, na siguro pati iyon nararamdaman niyang mangyayari ngayon. Sa mga oras na ito ngayon, siguro iyan ang natatanging kailangan ang maniwalang may pag-asa, there's a rainbow after the rain, there's a ray of sunshine after the storm.Ngunit hindi ko maintindihan kong anong sinasabi niya. Then I remember, Oo nga pala naranasan kong manirahan sa mundo ng mga tao. I've been their before. Sa mismong mundo ng mga mortal, hindi sa mundo ng mga mortal n
Kabanata 26: Dissapointment“Vamaila!” iyon ang nagpabalik sa akin sa aking sarili marahil, ang ilang ulit na pagtawag niya sa aking pangalan. Mapait akong napangiti, mukhang umabot na sa kanya ang balita. Ngunit, ang mga balita bang iyon ay tunay at hindi gawa-gawa.Si Mayari ang umasikaso sa katawan ni Lolo, at siya din ang may kakayahan para humarap sa pamilya at ipaliwanag ang mga nangyari, pero bakit ganito ang pinapakita sa akin ni Caelum. “Ano nanamang ginawa mo sa pagkakataon na ito?” his voice was far different than before. Nawala ang maamo niyang pagtawag sa’kin. Nawala ang mga mabubuting ala-ala, dahil ang nakikita ko na lang sa kanyang mga mata ngayon ay purro galit. Wala na ang kanyang maamong mga mata.Ang akala ko may magbabago, pero bakit parang sunod-sunod na sakit naman ata ang kapalit ng lahat ng nalaman ko. Kung alam ko lang na ang lahat may kapalit, sana mas pinili ko na lang na manahimik. I’d rather loosing something in my life, than losing him. But I was too la
KABANATA 37Kabanata 37: BloodshotHis eyes. Pulang-pula ang mata niya. It was bloody red. Akala ko kung anong gagawin niya sa leeg ko noong dumapi ang mga labi niya doon, kaso imbis na ‘yon ang pagtuunan ko ng pansin sa mga mata niya ako hinihigop.I suddenly closed my eyes when his slips brush in the corner of my lips. Nagtuloy-tuloy siyang ginagawa ang bagay na ‘yon hanggang sa naabot niya ang aking tainga. Dinampian niya ‘yon ng magagaan na halik. I feel his breath. It was hot. It wasn’t just the heat I’m feeling, but it was very different. Kasi nagmumula ang init na ‘yon sa kanya. Parang napapaso ang balat ko tuwing tumatama ang mga labi niya sa kung saang parte ng mukha ko.Hindi ko na nga napansin kong anong klaseng pwesto ang mayroon kami. Nakakandong na ako sa kanya, habang siya’y nakaupo sa gilid ng kama. Hawak niya ako sa baywang gamit ang isa niyang kamay habang ang isa’y naka-patong sa kama, mukhang sinusuportahan ang pareho naming bigat.“I won’t bite you, Vamaila.” It w
KABANATA 36Kabanata 36: ‘The Tangled Faith’Dalawa ang binigay na propesiya sa’kin habang ang pangatlo naman ay sumpa. Hindi ko alam kong kailangan ko bang maniwal sa mga sinasabi niya? O baliwalain na lamang kong anong lumalabas sa bibig niya? Ngunit ang taong nasa harapan ko ngayon may kakaiba sa kanya.“I know. Alam ko kung anong pumapasok ngayon sa isip mo.” Sinabi niya ‘yon na parang nagtutunog sigurado.“Bakit hindi mo sabihin sa’kin kong sino ka?” hamon ko rito, pilit nilalabanan ang mapaglaro niyang ngisi. Palagi na lang akong pinaliligiran ng mga abnoy!“I’m Kaliv Velasquez.” sinabi niya ‘yon na parang hindi ko pa alam kung anong pangalan niya.“Wala akong oras para makipagbiruan, Kaliv.”Tumingin ako sa kanya. Ano mang lumabas sa bibig niya ngayon na hindi ko magugustuhan sisiguraduhin kong may kalalagyan siya.Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin.“If you’re here to fool me, or get rid of me. Alam mong may kalalagyan ka, hindi ba?” inunahan ko na siya. Kung hind
KABANATA 35 Kabanata 35: ‘The Untangled Joy’“Hmm-hmm.” Narinig ang pagtikhim na iyon sa apat na sulok ng silid. Akala ko puro tunog nang kutsara at tinidor lang ang maririnig ko, ang mapaglarong tinig din pala nang nilalang na ‘yon.Yes, my-so-called-lovely-brother!To hell with him! Tutal doon narin naman siya nakatira. Irita tuloy akong napatingin rito, kahit alam niya naman sa sarili niyang gustong-gusto niya lang makuha ang atensyon naming lahat. Inis kong nilapag ang hawak kong kubyertos saka ito nginitian ng peke. Mas peke pa sa kilala ko. “You choose brother, do you want to rather die or eat your dinner peacefully?” mas nainis lang ako ng makahulugan siyang tumingin sa’kin, hindi niya siguro inaasahan na sasabihin kong kapatid ko siya sa harapan nila.Akala ko babalik na sa katahimikan ang lahat, ngunit nagkakamali ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang isang ‘to? Hindi naman kasi siya part ng family para alalahanin ko hindi ba?“So, you’re related with this demon?” may kung a
KABANATA 34 Kabanata 34: Morning Star“Once I found out na siya nga ang taong nilalang na iyon, don’t hesitate to abduct her as soon as possible, Uncle! Mas may tiwala ako sa inyo ngayon…pansamantala.” Hindi malabong napasunod narin ni Thalia ang ibang nilalang na naroroon. Or maybe ang nasa isip ko lang ay ang mismong anak niya. If my vision is right, mapaghahandaan ko pa ang mangyayari.“Paano kong ikaw naman ang kuhanin nila?” napalingon ako sa taong nagsalita, wala akong makitang dahilan para mag-alala siya.“Remember, hindi mo pa nakukuha ang bagay na iyon, wala ka pang control sa kapangyarihan mo!” alam kong babala iyon but I will control my power, especially alam kong naroroon siya.“Babalik na ako sa lupa. Wait for my signal!” bago ako nawala sa paningin nila.______________“Gabriel!”“Gabriel!”“Gabriel!”“I’m pregnant?!” malakas na sigaw ko sa labas ng bahay nila. Kung hindi ko siya mapapalabas sa simpleng pag-sigaw bakit hindi ako gumawa ng isang simpleng palabas para sa
Kabanata 33 Kabanata 33: ‘Searching’Pakiramdam ko, niloloko lang ako ng buong paligid ko. Hindi naman marunong magbiro ang kapatid ko. And of course, bakit siya magbibiro ng tungkol sa akin, mas mahaba ang buhay niya sa akin, hindi tumigil iyon. Mas marami siyang nasaksihan kaya sa akin. Tumigil ng ilang ulit ang buhay ko, pero hindi naman ako namatay. Masyadong magulo ang ang tingin ko ngayon sa mundo. Hindi ko alam, wala na akong maintindihan. Hindi ko na alam kong anong paniniwalaan ko. Mas mainam siguro kong kakausapin ko si ama. Malamang sa malamang alam niya kong anong nangyari.Pikit mata akong nagtungo sa kanyang tahanan. Kagaya ng dati ang init at baga na bumabalot sa kanyang ay ganoon parin. Ang mga pader na pinapalibutan ng ilang libong mga dyamante na kulay apoy, maging ang kisame nito’y gawa rin sa dyamante na iyon. Kagaya ng dati, kung bakit ganoon na lamang ang galit ng mga Hunter sa amin, dahil wala kaming kahirap-hirap namumuhay sa lupa bilang kung sino at anong mag
Kabanata 32 Kabanata 32: Blood by Blood"Munting Terese, kamusta kana?" isang boses ang gumising sa natutulog kong diwa. Ano nanamang ginagawa ng boses na ito sa panaginip ko. Punong-puno nanaman ng kadiliman, hindi ko nanaman maintindihan kong anong klaseng lugar nanaman ang napuntahan ko. Palagi na lang walang paliwanag."Wala akong panahon para sa mga ito. Magpakilala ka?!" nagbago ang paligid. Ang liwanag ay galing lamang sa mga kandila na nakadikit sa mga ding-ding, hindi ko man lang namalayan na isa pala kaming kubo. Ang matandang ito nanaman. "May madugong digmaan ang magaganap. Ang hindi mo aasahan na bagay ay magaganap. Sa oras na mangyari iyon, wala kang kahit anong lakas na mahahanap, at puro lamang pagdurusa ang mararamdaman mo, sa oras ding iyon magigising ang nakatago mong pagkatao, ang katauhan na pilit mong tinatakasan." Kagaya ng palagi niyang itsura sa panaginip ko, palagi na lamang natatakpan ang mukha niya ng isang kulay itim na belo. "Bakit ba hindi mo ipakita
Kabanata 31 Kabanata 31: Unclosed Chapter“Lucianna?” nasambit ko mula sa hangin. Hindi ko maaninag ang mukha niya, ngunit mukhang nagulat siya ng banggitin ko ang pangalan na iyon. Iyong totoo, ilang nilalang ang naninirahan sa katawan ng babaeng iyon, noong huling nagkita kami…nagkaroon ng dalawang nilalang sa katawan niya.“Anong ginagawa mo dito?” sambit ko dito, at pwersahan siyang pinasok sa loob ng bahay. Panatag akong hindi niya ako masasaktan dahil protektado ako ng bahay, alin mang may masamang intensyon sa akin ay hindi makakagamit ng kapangyarihan.“Kailangan mong magmadali, ang ala-ala niya’y tuluyan ng nagbabalik.” Iyon ang mga katagang huling nasambit niya bago siya nawalan ng malay. Mabilis ko siyang nasalo at ginamit ang aking kapangyarihan para dalhin siya sa loob ng bahay, masyadong delikado kong iiwan ko lang siya rito.Hiniga ko siya sa isang mahabang upuan, bago mabilis na kumuha ng isang malinis na basahan at isang maligam-gam na tubig. Kinuha ko ang basahan at
KABANATA 30Kabanata 30: Light and ShadowPagbalik ko sa mansiyon ng mga Velasquez, mukha agad ni Gabriel ang una kong nakita. Hindi ko alam kong anong problema niya, pero masama ang tingin niya sa akin.“Alam mo ba kung anong ginawa mo?” iyon agad ang bungad na tanong sa akin ni Gabriel, kunot noo ang kanyang mga noo, at para bang may mabigat na problema na dinadala.“May –” hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla siyang nagsalita ng mas lalong hindi ko maintindihan? Ano nanaman bang ginawa ko sa lalaking ito?“Could you just fvcking leave? Umalis kana rito!” muling bumigat ang pasan-pasan na sakit sa buong pagkatao ko, ngunit mas lalong nanikip ngayon… para akong nawalan ng tahanan sa sobrang bigat.Dumilim ang mga mata niya na mas lalong nagpabigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kinakaya ang mga binibigay niyang tingin.“M-mula ng nagpakita sa a-akin, unti-unting gumulo ang buhay ko. You know what?! This is all your fault!” sumigaw siya sa mismong harapan ko, habang t
KABANATA 29 Kabanata 29: The last moment Pumasok ako na kahit ang anino ko, walang nakapansin na kahit sino. Kahit ang mga pinakamalakas na babaylan ay hindi ako napansin. Walang kahit sino ang makakaalam sa ginawa ko. Alam kong impossibleng mahawakan siya, but at least I can see him, sleeping peacefully. Masyado ng maraming nangyari bago pa ako makarating mismo dito, ayaw kong may e-eksena nanaman. Pagod na pagod na akong bigyan sila ng oras, hindi naman sila ang pinunta ko rito. I silently cursing myself, bakit kasi ngayon lang ako pumunta rito? Malamang andito na lahat ng miyembro ng pamilya. Pero, hindi ko malaman mismo sa sarili ko, kung bakit may parte sa buong pagkatao ko ang may gusto na makita ang sinasabing litrato mismo ni Kaliv. I'm just wondering, kung totoo baa ng sinasabi niya? Damn. Kailan pa ako nagkaroon ng paki-alam sa iba, maliban na lang kung tungkol sa buhay ito ni Gabriel. And besides, why I'm thinking about him? "Apo, Vamaila. Ikaw ba ang susundo sa akin?