"INARI!"
Mabilis kong naiangat ang ulo nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na papasok ngayon ng Library. Nakaupo ako sa dulong bahagi ng Library at may nakapatong na libro sa table na nasa harapan ko. Vacant ko ngayon at dito ko naisipang magpalipas ng oras.
Pasimple akong napatingin sa mga estudyanteng napalingon din sa mga kaibigan ko dahil sa malakas na sigaw nila. Umiling-iling ang iba na para bang naiinis bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Maging ang nasa mid 30's na ginang na siyang Librarian ay masama na ang tingin sa dalawa na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.
"Ano ba kayo? Nasa library kayo, wala kayo sa palengke!" mahina kong asik nang makalapit sila sa akin.
Hindi nila pinansin ang sinabi ko at sa halip ay nakangisi silang umupo sa upuan na nasa tapat ko. Napailing ako sa kaisipang mukhang may kalokohan na namang sasabihin ang dalawang ito.
"What do you need?" nakataas ang kilay na tanong ko. Lalo naman silang napangisi.
"Sama ka sa amin. Blind date," ani Karen na ipinatong ang shoulder bag niya sa lamesa.
"Sige na, Inari! Triple date ulit!" masayang sabi ni Vera.
"Ayoko!" Mabilis kong tanggi at tumingin na muli sa libro.
"Inari, please? Last na 'to, promise!" ani Karen kaya mabilis kong naiangat muli ang ulo ko at tiningnan siya. Nakangiti siya at ikinurap-kurap ang mga mata na animong nagpapacute.
"How many times have you said that? Tuwing may date kayo ay palagi akong damay!" Napasimangot silang dalawa dahil sa sinabi ko "Hindi n'yo ba kayang makipag-date nang hindi ako kasama?"
"Hindi naman lagi, ah!" nakangusong ani Vera.
"Hindi lagi pero madalas."
"Dati na naman nating gawain 'to, 'di ba?" nagtatampong ani Karen.
"Tch! Alam n'yo namang hindi na ako pwede riyan," malumanay kong sabi habang pinagmamasdan ang nakasimangot nilang mga mukha.
"Bakit ka kasi nag boyfriend?!" naiinis na ani Karen na ikinatawa ko.
"Baka nakakalimutan mong dahil sa'yo kaya ko nakilala si Kev?" natatawa kong sabi.
"Sabi ko date lang! Aba ang gaga jinowa na!" asar na sabi niya pa at inirapan ako.
"Kaya nga tayo nakikipagblind date para maghanap ng jojowain, 'di ba?"
"Kahit na! Ikaw isang taon nang may jowa, kami pa-blind date blind date pa rin!" Karen said as if she's blaming me. Natawa na lamang ako at napailing.
"Oh, alis na. Nasabi n'yo na ang sasabihin ninyo, 'di ba?"
"Tara na kasi, please?" nakangusong ani Karen na inilapit pa ng bahagya ang mukha sa akin.
"Last na talaga 'to, beb! After nito hindi ka na namin isasama sa mga blind dates," nakangising ani Vera na kanina pa natatawa sa pagtatalo namin ni Karen. Napabuntong-hininga ako dahil sa kakulitan nila.
"Last na nga hindi pa mapagbigyan," nagtatampo kunwaring ani Karen. Nakanguso at nagpapaawa.
Nakakainis kapag hindi mo matanggihan ang mga kaibigan mo. Lalo na 'tong dalawang ito. Kapag may nagustuhan sila ay hindi ka talaga titigilan hangga't hindi ka napapapayag.
Tulad nga ng sabi nila, gawain namin ang makipagblind date. Nagsimula iyon noong second year college kami nang minsan kaming isama ng pinsang lalaki ni Karen na si Liam. Nag-aaral ito sa ibang University. Kapag may kakilala si Liam na gustong makipagblind date ay kami ang pinapapunta niya. At first, we were just having fun hanggang sa magkaroon si Karen at Vera ng kagustuhang magka-boyfriend. They had a boyfriend before but it didn't last long. Ika nila ay nagiging boring daw kapag tumatagal. Pero kahit ganoon ay ipinagpatuloy pa rin nila ang pakikipagblind date dahil gusto raw nilang mahanap si Mr. Right.
My boyfriend now, Kevin, is my first boyfriend. We've been together for a year now. Graduating na siya sa course na Engineering and he is Liam's schoolmate. He's kind and sweet. Ipinakilala siya sa akin ni Karen at Liam. Ang problema, kahit may boyfriend na ako ay nakikipagblind date parin ako kapag pinipilit nila ako tulad ngayon. At ako naman itong hindi matanggihan ang mga kaibigan ko. Mabuti nga hindi nalalaman iyon ni Kevin, e.
"Saan niyo naman nakilala 'yang mga 'yan?"
"Kay Liam. Kanino pa ba?" Karen said as she looked around. Nakapangalumbaba naman si Vera habang nakatingin sa akin na parang naiinip na.
"Bugaw talaga 'yang pinsan mo!" nakangiwi kong sabi. Karen turned to me again with a big smile.
"Magkakaibigan rin sila like us, Inari. Ang ga-gwapo! Nakita ko na sila sa picture. May bet na nga ako roon, e," kinikilig na sabi niya.
"Nag-aaral pa?" pang-uusisa ko pa.
"Nakagraduate na last year. Ka-batch ni Liam. So, matanda lang sila ng isang taon sa atin."
"Bakit naman naisipan pa nilang makipag-blind date? Hindi nalang maghanap ng trabaho," napapailing na sabi ko at tumungo sa libro pero agad ring nag-angat ng tingin sa kanila.
"Gaga! Syempre nagta-trabaho na ang mga 'yon!" ani Vera.
"One of them said he wanted to try a blind date before he graduate. Kaso naging busy yata ang Lolo mo last year, so, ngayon nalang," ani Karen at nagkibit-balikat.
"Korni," bulong ko.
"At dapat talaga siya lang. Kinausap na nga ako ni Liam, e. Kaso idinamay niya pa 'yong dalawa niyang kaibigan kaya kailangan pang maghanap ng partners for his friends."
"Kaya damay din ako?" nakangiwi kong tanong.
"But you're coming, aren't you?" nakangising tanong niya.
"She will! Last na 'to, e," ani Vera na parang siguradong sasama nga ako.
Bumuntong-hininga ako. Tutal ay hindi rin lang nila ako patatahimik ay maiging pumayag na lamang ako. "Alright, I'll come with you two." Nakangising nag-apir ang dalawa at sayang-saya. Napangiwi na naman ako. "Basta ipangako niyong last na 'to," sabi ko na itinuro pa sila na parang nagbabanta. Sabay naman silang napatango habang nakangisi.
"Promise, Inari!" ani Karen at itinaas pa ang isang kamay na parang nanunumpa.
"Kailan ba 'yan?" walang gana kong tanong.
"Mamaya," sagot ni Vera.
"Mamaya?!" napasigaw ako sa gulat. Mabilis kong nailibot ang paningin ko sa Library. Napatingin ang mga estudyante sa akin at napakasama ng tingin ng Librarian. Napapahiya akong lumingon ulit sa mga kaibigan ko at bahagya pang yumuko. "Bakit naman mamaya agad?" bulong ko.
"Last week pa nga dapat 'yon, e. Ngayon lang matutuloy," natatawang sagot ni Karen. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawa niya sa kahihiyan ko.
"Tch! Baka magkita kami mamaya ni Kev."
Siniringan ako ni Vera, "Dahilan mo!"
"Seryoso nga!"
"Araw-araw naman kayong nagkikita, e. Sabihin mo bukas nalang ulit."
Napangiwi ako sa sinabi ni Karen. "Ano namang idadahilan ko?"
"Hmm." Tumingala si Vera at tumingin sa kisame na animong nag-iisip bago muling tumingin sa akin. "Sabihin mo uuwi ka sa inyo," nakangiting aniya.
"Oo nga, iyon nalang. Hindi naman siguro 'yon mag te-text pa sa Mommy at Daddy mo para i-confirm na naroon ka," sabi pa ni Karen.
Napabuntong hininga ako. "Okay. Basta last na 'to, ha?" They both nodded. "Anong oras?"
"Six. Pare-pareho namang hanggang alas tres lang ang pasok natin, makakauwi pa tayo," sagot ni Karen.
"Saan?"
"Tagaytay," ani Karen at napatango naman ako. "Oh, pa'no? Kita nilang tayo mamaya after ng last class namin, ha? Babush!"
Sabay na tumayo ang dalawa at naglakad na paalis. Naiiling ko silang pinanood na maglakad habang magkausap at parang kinikilig pa. Nang makalabas sila ng Library ay tumayo na rin ako at ibinalik ang libro sa book shelves. Nang makuha ang I.D ko sa Librarian ay lumabas na ako at naglakad na papunta sa classroom para sa last subject ko.
"Hi, Blaire!"
I heard my classmate Harold greet me when I entered the classroom. I just gave him a smile pero agad ring sumeryoso ng lumampas na ako sa kanya. Manliligaw ko noon si Harold. Mabait naman siya kaso masyadong mahangin. Nakakairita!
I sat down and our Professor also arrived. We're just having a discussion. I listened quietly while jotting down our today's lesson. Time passed quickly and the class ended well. I was arranging my things when I felt my cellphone vibrate in my pocket. I took it first and saw that Karen texted me.
We're here on the bench near the gate. Faster please!
Hindi na ako nag reply at ipinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng gamit. Nang matapos sa ginagawa ay lumabas na rin ako at naglakad na papunta sa gate. I immediately saw my friends sitting on the bench in the pathway. They're both laughing. Hilig talaga nilang tumambay diyan tapos papansinin lahat sa mga dumadaan at maghahanap ng nakakatawa. Napapailing na nga lang ako. Para kasing mga bata.
"Let's go!"
Tumayo agad sila at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Tawa parin sila ng tawa at may pinag-uusapan pero hindi ko nalang iyon inusisa pa. Sumakay ako sa driver's seat ng kotse ko. Sa shot gun seat umupo si Karen at sa passenger seat naman pumwesto si Vera. Kapag pare-pareho ang oras ng pasok namin ay sumasabay sila sa akin at hindi na nagdadala ng kotse nila. Kapag maaga ang tapos ng klase nila kaysa sa akin ay tumatambay sila sa University para hintayin ako. Kapag mas late naman ang uwi nila kaysa sa akin ay hindi ako pumapayag na hindi sila magdadala ng kotse nila. Ayokong maghintay!
The three of us live in the same condo. Simula noong second year college kami ay naisipan naming lumipat roon dahil hassle bum'yahe ng malayo. We're from Laguna pa kasi at sa Manila kami nag-aaral. Traffic pa lang ubos na ang oras namin sa biyahe.
"Excited na ako para mamaya," kinikilig na sabi ni Vera habang nasa byahe kami.
"Basta sa akin iyong mahaba ang buhok, ha!" parang batang ani Erika. "Pero ang ga-gwapo nilang lahat!" kinikilig na sabi niya pa.
"Gaano naman sila ka-ga-gwapo, beb?" ngiting-ngiting tanong ni Vera. Nakalapit na siya sa sandalan ng shotgun seat at halos nakayakap na roon.
"Super gwapo! Makalaglag panty!" O.A na sabi ni Karen. "Akala ko pa nga matanda sila ng ilang taon sa atin, e. Ang ma-matured kasi ng mga itsura."
"Gaano ka-matured? Parang kwarenta na?" natatawa kong tanong habang nakatingin sa kalsada.
"Gaga, hindi naman!"
"Walang mag-uuwi sa condo, ha?" naiinis kunwaring sabi ko.
"Tangek! Hindi tayo gano'n! Hanggang date lang tayo!" ani Vera.
"Kaya nga umaayaw 'yong ibang nakakadate natin, e. Akala yata sex ang habol natin," nakangising ani Karen.
"S'yempre ganoon talaga ang iisipin nila. Baka nga kaya nakikipag date ang mga lalaking 'yon para mag hanap ng maloloko at mabibiktima," seryosong sabi ko habang nakatutok ang atensyon sa kalsada.
"Basta naniniwala pa rin ako na may isang Mr. Right na darating sa mga makakadate ko," ani Karen.
"What about you, Inari, hindi mo naisip na ganoon si Kevin noon?" Vera turned to me.
"Syempre naisip ko rin 'yon."
"Aren't you scared? Kasi baka mamaya kapag kayo na ay pilitin ka niya?"
"Kung ayaw ko, hindi ako tanga para hindi umalis sa relasyong 'to lalo na kapag pinilit niya ako sa bagay na ayaw ko." Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko siyang napangusong tumango-tango.
We arrived at our condo after ten minutes. I went straight to the kitchen to drink water. Vera sat on the sofa in the living room.
"Mag re-ready na ako," Karen said and went straight to her room.
"You're so excited!" nanunuksong sigaw ni Vera. Narinig pa namin ang tawa ni Karen bago niya isinara ang pinto.
"Magre-ready na nga rin ako." Vera stood up. This time ako naman ang natawa sa kanya.
"Kunwari ka pa. Eh, mas excited ka naman kaysa kay Ren!"
"Tse!" natatawang aniya.
Pumasok na rin si Vera sa kwarto niya. Hinugasan ko lang ang basong pinag-inuman ko at pumasok na rin sa kwarto ko. Humiga pa ako saglit sa kama at tiningnan ang cellphone ko dahil baka may text si Kevin pero wala pa naman kaya naisipan kong i-text na lang siya.
Love uuwi ako sa bahay. Tomorrow na tayo magkita, ha? Loveyou!
I got up and went into the bathroom to take a shower. After that, I blow dry my hair while wearing a bathrobe. When I finished in my hair, I look something to wear in my closet. I wore a white tutleneck longsleeve tucked-in in my mom jeans, a denim jacket and a pair of my lace up chunky block heel ankle boots. I just put a little blush on and liptint. Nang matapos sa pag-gagayak sa sarili ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang black clutch bag ko.
Nasa sala na si Karen at nanonood sa T.V nang lumabas ako ng kwarto ko. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Napansin ko naman agad ang suot niya. She's wearing an orange pullover, a black leather skirt and a pair of black knee boots.
"Hindi ka kaya lamigin niyan?" I asked worriedly because she's just wearing a skirt. Malamig pa naman sa Tagaytay.
"Madali namang magpainit," seryosong sabi niya at nilingon ako. Nginiwian ko siya na ikinatawa niya nang malakas. "Ang green minded, besh! Kape ang tinutukoy ko," natatawang aniya.
"Lokohin mo pa 'ko!" nakangiwi ko pa ring sabi. "Paano mo nalamang iba ang iniisip ko kung hindi mo rin iniisip 'yon?"
"Ang sama ng mukha mo, e! Parang may iniisip na kung ano!" natatawang aniya.
"Sus! Magdadahilan ka pa!"
Sabay kaming napalingon sa gawi ng kwarto ni Vera nang lumabas ito roon. She's wearing a white shirt tucked-in in her denim pants, and long grey cardigan at white sneakers.
"Naks! Kunwari hindi siya excited!" Karen teased her.
"Dapat hindi halatang excited tayo, 'no! Baka isipin pa nila na atat na atat tayo," ani Vera. Karen and I nodded, agreeing with what she said.
Tumunog ang cellphone ni Karen at agad niya iyong tiningnan. Binasa niya ang text at napatayo siya na parang kinikilig.
"Let's go! Papunta na raw doon ang mga baby natin," aniya na kinikilig. Natawa si Vera sa kanya. Halatang excited sila pareho. Naiiling na lamang ako sa kanila.
“WE’RE HERE” Karen shouted while raising her right hand. After more than an hour of driving we arrived at our destination. Nakarating kami sa isang dine and bar sa Tagaytay. Ipinark ni Karen ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas ng kotse. Dumaan pa muna kami sa isang pathway na parang bridge bago kami makapasok sa loob mismo ng bar. Inilibot ko ang paningin nang tuluyan kaming makapasok. Maraming wooden chairs and wooden tables roon. Open ang dine and bar na iyon at kitang-kita ang kapaligiran. Maraming puno ang makikita at kitang-kita rin ang sunset. Napakaganda ng kulay kahel na araw. May bubong naman kaya hindi kailangang mag-alala kung uulan anumang oras. Marami ng customers roon at mukhang may nag ce-celebrate pa ng birthday dahil may maingay na nagkakantahan ng birthday song.
"Bakit tahimik kayo diyan?"Tanong ko kina Karen at Vera na parehong nasa passenger seat. Kanina pa sila tahimik simula no'ng umalis kami sa Tagaytay. Malapit na kami sa condo pero tahimik parin sila at pareho lang silang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse."Hindi na ako makikipag blind date kahit kailan," ani Karen na hindi inaalis ang tingin sa bintana."Bakit naman?" tanong ko at sinulyapan siya sa rearview mirror. Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. "Nabighani ka ba sa kagwapuhan ni Nikolaj?" nakangisi kong tanong. Muli ko siyang sinulyapan. Sa pagkakataong ito ay seryoso siyang lumingon sa akin at umalis pa sa pagkakasanda
“SA ospital na lang,” ani Vera. “Kay Tita Precious na dahil kakilala naman 'yon.” giit ni Karen. “Iyon na nga, eh! Kakilala 'yon.” nakikipagtalong ani Vera. “Eh, ano naman? Bakit, natatakot kang pagalitan niya si Inari?” Bakas na ang pagka-inis sa boses ni Karen. Matalim na ang tinging ibinibigay kay Vera. Umismid si Vera. “Ah, basta sa ospital.” Napahilot ako sa sentido at malalim na nagpakawala ng buntong-hininga. Pinag-uusapan lang nila kanina ang tungkol sa pagpapa-check up ko habang nag-aagahan kami hanggang sa magtalo na sila. Ang gusto kasi ni Vera ay sa hospital pero ang gusto naman ni Karen ay sa clinic ni Tita Precious— ang Tita niyang OB-Gyne. “Mag pe-pregnancy test na lang muna ako,” singit ko sa pagtatalo nila kaya natigil sila at sabay na nilingon ako. “Iyon na lang muna ang gagawin ko,” dagdag ko pa. Agad na tumango naman sila pareho. “Ako na ang bibili ng pregnancy test after nating mag breakfast,” presinta ni Vera. Natahimik din ang lamesa pagkatapos niyon. Nan
ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin. “Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen. “Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso. “Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!” “Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen. “Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair. “Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap. “Palibhasa hindi ka kagandaha
"I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong."I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.
NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him. "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin. "S-sige." Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag
NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko. "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. &n
"I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up." Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon. "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya