Home / All / Unwed Mother / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: KULIN
last update Last Updated: 2021-04-10 10:15:53

"Bakit tahimik kayo diyan?"

Tanong ko kina Karen at Vera na parehong nasa passenger seat. Kanina pa sila tahimik simula no'ng umalis kami sa Tagaytay. Malapit na kami sa condo pero tahimik parin sila at pareho lang silang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. 

"Hindi na ako makikipag blind date kahit kailan," ani Karen na hindi inaalis ang tingin sa bintana.

"Bakit naman?" tanong ko at sinulyapan siya sa rearview mirror. Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. "Nabighani ka ba sa kagwapuhan ni Nikolaj?" nakangisi kong tanong. Muli ko siyang sinulyapan. Sa pagkakataong ito ay seryoso siyang lumingon sa akin at umalis pa sa pagkakasandal.

"Hindi lang sa kagwapuhan niya, Inari!" Napalingon na rin sa kanya ang seryoso ring si Vera. Pasulyap sulyap naman ako sa rearview mirror habang nagpipigil ng tawa sa kanila. "Sobrang bait niya." Parang maiiyak na sabi niya pa. Muli siyang sumandal sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. "Magbabago na ako. Hindi na ako makikipag blind date," aniya pa.

"Hindi naman masamang gawain ang pakikipag blind date, ah?" sabi ko pa.

Lumingon muli siya sa akin. "Kahit pa! Basta hindi na ako makikipag blind date! Dadalhin ko sa alaala ko na siya ang huling nakablind date ko," madrama niyang sabi na ikinatawa ko.

"Mukhang nagayuma ka, ah, Ren," sabi ko at napahagalpak ng tawa nang makita sa salamin na sinimangutan niya ako. "Ikaw, Vera? Bakit tahimik ka?" nakangisi kong tanong rito at nagkatinginan kami sa salamin.

"Namimiss ko si Owen," nakasimangot na aniya na ikinatawa kong muli. 

"Ang lalakas ng tama niyo, ah!" Sabay nila akong sinamaan ng tingin na ikinahagalpak ko ng tawa.

Tinupad nga ng dalawa ang sinabi nila na hindi na sila makikipag blind date pa ulit. Tatlong buwan na ang nakakalipas ng matapos ang date namin nila Kaiden. Palaging nagkakatext si Niko at Karen pati si Owen at Vera. Kay Kaiden naman ay wala akong balita.

"Hindi ka talaga pupunta? Tatlong araw na tayong hindi nagkikita, ah?" nagtatampo kong sabi. Kausap ko ngayon si Kevin sa cellphone.

"Sorry, Love. Babawi ako next time. Busy lang talaga 

ako."

"Noong isang araw mo pa sinasabi 'yan! Pinagbigyan kita dahil weekdays pero sabado ngayon, Kev!" naiinis kong sabi. 

"Sorry na, Love," malambing na sabi niya.

"Bakit ba kasi hindi ka makakapunta ngayon?" inis kong tanong.

"May inaasikaso lang ako."

"Ano nga—"

"Ay, Love, mamaya na ulit ha? Tatawagan nalang kita. Bye!"

Kunot na kunot ang noo kong nailayo sa tenga ko ang cellphone at tiningnan iyon ng patayin ni Kevin ang tawag. Nakaramdam ako ng inis dahil doon.  

"Pinatayan ka na naman?" Napalingon ako kay Karen, na katabi ko ng magsalita ito. "Panay-panay 'yan ah? Baka may ginagawa ng kalokohan 'yan?" naiinis niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako, "Busy lang daw."

"Busy saan?" masungit na tanong naman ni Vera na nakaupo sa single sofa at pinagtaasan ako ng kilay. Natigilan naman ako roon.

"Hindi ko alam."

Hindi ko alam dahil hindi naman sinasabi ni Kevin ang dahilan kung bakit siya busy. Nakaramdam lalo ako ng inis.

"Hay, nako ha! Kapag 'yan nagloko! Nako! Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin!" ani Karen. Halos tikom na ang bibig nito ng magsalita dahil sa sobrang inis.

Hindi ako nakasagot kay Karen. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa isiping lolokohin ako ni Kevin. Para akong maiiyak isipin pa lamang iyon.

'Hindi pwede iyon! Nangako siyang hindi niya ako lolokohin!'

Nasundan pa ng nasundan ang mga araw na palaging ganoon si Kevin hanggang sa halos dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Kahit ang pagte-text ay para bang hirap a hirap siyang gawin ngayon dahil maging iyon ay dumadalang na. Kapag tumatawag naman ako ay hindi niya sinasagot at kapag sinundan ko pa ulit iyon ng isa pang tawag ay hindi ko na siya makontak. Hindi ko naman siya mapuntahan sa condo niya dahil busy ako masyado sa school. Graduating na ako kaya maraming inaasikaso.

Ngayon ay mag isa ako sa condo dahil wala akong pasok. Sila Karen at Vera naman ay whole day ang klase. Tanghali na at naglilinis ako ng kwarto ko ng mapatingin ako sa calendar kong nakapatong sa study table. Kunot-noo kong kinuha iyon ng may mapansin. 

November 25 na ngayon. Sa marka ko roon ay kailangang November 4 ay nagkaroon na ako ng menstruation. Ibig sabihin ay tapos na dapat ako sa aking monthly menstruation pero wala pa rin hanggang ngayon. Nanlalambot akong napaupo sa swivel chair na naroon. Labis-labis na kaba ang nararamdaman ko. Hindi maari ito lalo pa't dalawang linggo ng hindi nagpaparamdam si Kevin. Ngunit nawala rin ang kaba ko dahil naisip kong wala naman akong nararanasang sintomas tulad ng pagkahilo at pagsusuka. 

Pero mukhang nagkamali ako.

Isang gabi ay nakaupo ako sa kama at pinag-aaralan ang tungkol sa presentation ko para bukas ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. 

"Pasok!" sigaw ko ng hindi inaalis ang tingin sa laptop na nasa kandungan ko.

"Inari, kakain na."

Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Vera na nakadungaw lang ang ulo sa nakabukas na pinto at hawak niya ang doorknob. Ipinatong ko muna ang laptop sa kama at tumayo. Sabay kami ni Vera naglakad papunta sa kusina. Pero hindi pa man tuluyang nakakalapit doon ay napatakip na ako sa ilong ko at napasimangot ako dahil sa naamoy ko.

"Bakit ang baho?" nakangiwi kong tanong. Parang sumama ang pakiramdam ko sa mabahong iyon.. Nagtatakang napalingon sa akin si Vera.

"Ha? Wala naman, ah?" aniya na suminghot pa sa ere habang nakanguso. "Ang bango nga, e. Favorite mo ang niluto ni Karen kasi request mo raw."

Lalo lang sumama ang pakiramdam ko nang tuluyang makalapit sa lamesa at no'ng makita ko ang Garlic Butter Shrimp. Bigla kong naitakip sa bibig ko ang kamay ko dahil para akong nasusuka habang nakatingin sa ulam. Taka namang napatingin sa akin si Karen na nag-aayos ng mga pinggan sa lamesa kanina pero natigilan siya sa ginagawa dahil sa akin.

"Ang baho—" Napatakbo ako sa lababo ng makaramdam ng pagsusuka. 

"Inari!" sabay na sigaw ni Vera at Karen at parehong lumapit sa magkabilang gilid ko.

Duwal ako ng duwal pero wala namang lumalabas sa bibig ko at mas lalo no'ng pinapasama ang pakiramdam ko. Panay naman ang hagod nila sa likod ko.

"Anong nangyayari sa'yo, Inari?" nag-aalalang tanong ni Karen.

Nagmumog ako at humarap sa kanila pero naamoy kong muli ang ulam kaya napatakip muli ako sa ilong ko at napangiwi.

"Ang baho!" naiiyak kong sabi habang nakaturo sa lamesa. 

"Ha? Ano bang mabaho? Wala naman, ah?" takang tanong ni Vera.

"Ang baho ng ulam!" naiinis kong sabi habang nakatakip parin sa ilong ko kaya para akong ngongo kung magsalita.

Sabay silang lumingon sa lamesa at sabay ring muling tumingin sa akin. Bakas ang pagtataka sa mukha nila habang nakatitig sa akin. Maya-maya ay lumapit si Karen sa dining table at inilagay sa counter ang ulam at tinakluban iyon. 

"Okay na?" mahinahong tanong niya. Inalis ko ang nakaharang na kamay sa ilong ko. Nang wala ng maamoy na nakakasuka ay tumango ako bilang sagot. "Anong uulamin mo?" tanong muli ni Karen.

"May ulam na, ah?" naguguluhang tanong ni Vera.

Tumingin sa kanya si Karen at nagkatitigan sila. Para bang nakuha agad ni Vera ang nais iparating ni Karen sa isang tingin palang. Nakanganga siyang lumingon sa akin. "Buntis ka, Inari?" gulat niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.

"Ano?!" inis kong tanong. "Ano bang sinasabi mo?! Hindi ako buntis!"

"Hindi, Inari?" Napalingon ako kay Karen na palapit na muli sa amin. "Eh, bakit ganoon ang reaksyon mo kanina?" dagdag niya pa ng tuluyang makalapit sa amin.

Napatitig ako kay Karen at inisip ang pinupunto niya. Nanlalambot akong napasandal sa sink at napatulala sa sahig.

"Buntis ka, Inari?" nag-aalalang tanong muli ni Vera.

Napatingin ako sa kanila na parehong nag-aalalang nakatitig sa akin. "H-hindi ko alam," naiiyak na sabi ko habang umiiling pa.

Napahawak sa noo si Karen at nakatungong napapikit. Nang magmulat at mag-angat muli ng ulo ay sa akin muli siya tumingin. Tinitigan niya ako bago siya bumuntong hininga.

"Kailan ka pa huling nagkaroon?"

Umiling ako. "L-last month." Napanganga si Vera. "Noong a-kwatro pa sana ako nagkaroon pero w-wala parin," naiiyak kong sabi na na kay Karen ang paningin.

Napabuntong-hininga si Karen, "Magpacheck-up tayo bukas."

"Pero, Ren, wala akong symptoms na nararamdaman." Depensa ko pa kahit naiiyak na talaga ako.

Inakay ako ni Karen sa dining table at pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko at sa tapat naman namin pumwesto si Vera.

"Kahit wala kang nararamdamang sintomas ay kailangan mo paring mag pa-check up lalo na't delayed ka pala. Pati na rin sa nangyari kanina," malumanay na ani Karen habang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga siya. "Wala kaming morning class bukas. Sasamahan ka namin bukas sa OB Gyne."

Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawang kamay nang tuluyan na akong mapaiyak. Hinagod naman ni Karen ang likod ko.

"Paano 'to? 'Di ba hindi nagpaparamdam si Kevin?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Vera ng itanong niya iyon at lalo naman akong napaiyak dahil doon. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Karen sa tabi ko at pagkatapos no'n ay iyak ko na lamang ang maririnig.

"Tahan na, Inari. Baka makasama sa'yo 'yan," ani Karen matapos ang mahabang katahimikan at ang matagal kong pag-iyak.

Pinilit ko ang sarili kong huminahon. Inabutan ako ni Vera ng tubig na ininom ko naman agad.

"Magpi-prito na lang ako ng hotdog at itlog para makapag hapunan tayo."

Tumayo si Karen at nagprito ng mai-i-ulam namin. Tahimik naman kami ni Vera na nakaupo sa lamesa. Kahit no'ng kumakain na ay tahimik pa rin kami. Si Vera na ang nagpresintang maghuhugas ng pinagkainan kahit ako naman ang naka-schedule na gagawa no'n ngayong araw.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tumulo ang luha ko at napahawak sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng habag para sa aking sarili habang iniisip na— paano kung buntis nga ako? Hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. May limang buwan pa ako bago grumaduate. Hindi nagpaparamdam ang boyfriend ko na nakabuntis sa akin. Paano ko sasabihin kina mommy at daddy ang tungkol sa pagbubuntis ko? Una palang ay ayaw na nila kay Kevin pero hindi ko sila pinakinggan. 

Napahagulgol ako sa lahat ng naisip ko. Paano ako? Paano ang magiging baby ko kung sakali? Natatakot ako! Takot na takot! 

Sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako nang hindi ko namalayan at nagising lang ng maramdamang may tumatapik sa braso ko.

"Inari. . . Inari." Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Vera na nakaupo sa kama ko. "Gising na raw. Kakain na."

Nilingon ko ang side table at tiningnan ang orasan na nakapatong doon. 7:35a.m. Nilingon ko muli si Vera. "Sige, susunod nalang ako."

Nakangiti siyang tumango at lumabas na ng kwarto. Tumayo naman ako at pumunta sa bathroom para magtoothbrush pagkatapos ay lumabas na rin ng kwarto at dumaretso sa kusina.

Nakaupo na roon si Karen at Vera. Umupo na rin ako sa tapat nila at tiningnan ang mga nakahaing pagkain. Mayroong rice, bacon, ham, sunny side-up egg, hotdog, bread at peanut butter. Nagtaka ako dahil walang fried rice. Hilig kasi ni Karen ang fried rice tuwing umaga.

"Hindi ako nag fried rice. Baka ayaw mo rin niyon," ani Karen habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya. Para bang nabasa niya ang iniisip ko.

Naluluha akong napatitig kay Karen. Napatingin naman siya sa akin ng mapansin iyon. 

"Thank you, Ren," naiiyak kong sabi. 

Ngumiti siya at tumayo para lumapit sa akin. Pinunasan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamay niya.

"Huwag kang umiyak. Napakagandang regalo niyan para sa'yo, Inari," nakangiti niyang sabi habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ko. "Narito lang kami para sa'yo at ng magiging baby mo, Inari. Hinding hindi ka namin iiwan." Niyakap niya ako kaya lalo akong napaiyak. Maya-maya ay naramdaman ko na ring yumakap si Vera.

Napakahigpit ng mga yakap nila. Higpit na hindi nakakasakit. Higpit na ipaparamdam sa'yong hindi ka nag iisang haharap sa pagsubok na ibibigay sa'yo. Higpit na nakakapagpawala ng takot sa puso ko.

"Magiging Tita na ako!" masaya pang sabi ni Vera habang magkakayakap kami kaya natawa kami pareho ni Karen.

Related chapters

  • Unwed Mother   Chapter 4

    “SA ospital na lang,” ani Vera. “Kay Tita Precious na dahil kakilala naman 'yon.” giit ni Karen. “Iyon na nga, eh! Kakilala 'yon.” nakikipagtalong ani Vera. “Eh, ano naman? Bakit, natatakot kang pagalitan niya si Inari?” Bakas na ang pagka-inis sa boses ni Karen. Matalim na ang tinging ibinibigay kay Vera. Umismid si Vera. “Ah, basta sa ospital.” Napahilot ako sa sentido at malalim na nagpakawala ng buntong-hininga. Pinag-uusapan lang nila kanina ang tungkol sa pagpapa-check up ko habang nag-aagahan kami hanggang sa magtalo na sila. Ang gusto kasi ni Vera ay sa hospital pero ang gusto naman ni Karen ay sa clinic ni Tita Precious— ang Tita niyang OB-Gyne. “Mag pe-pregnancy test na lang muna ako,” singit ko sa pagtatalo nila kaya natigil sila at sabay na nilingon ako. “Iyon na lang muna ang gagawin ko,” dagdag ko pa. Agad na tumango naman sila pareho. “Ako na ang bibili ng pregnancy test after nating mag breakfast,” presinta ni Vera. Natahimik din ang lamesa pagkatapos niyon. Nan

    Last Updated : 2021-04-10
  • Unwed Mother   Chapter 5

    ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin. “Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen. “Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso. “Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!” “Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen. “Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair. “Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap. “Palibhasa hindi ka kagandaha

    Last Updated : 2021-04-10
  • Unwed Mother   Chapter 6

    "I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong."I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.

    Last Updated : 2021-04-10
  • Unwed Mother   Chapter 7

    NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him. "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin. "S-sige." Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag

    Last Updated : 2021-04-11
  • Unwed Mother   Chapter 8

    NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko. "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. &n

    Last Updated : 2021-04-11
  • Unwed Mother   Chapter 9

    "I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up." Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon. "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang

    Last Updated : 2021-04-13
  • Unwed Mother   Chapter 10

    A few days after Kevin broke up with me ay tuluyan na itong hindi nagparamdam. Hindi ko na rin siya kinontak pa simula noon. Binura ko na lahat ng contacts ko sa kanya at maski ang mga gamit na ibinigay niya sa akin ay ipinadala ko pabalik sa condo niya dahil ayoko ng makakita pa ng kahit na ano na patungkol sa kanya.Pero hindi ko na siya pinroblema pa dahil simula ng araw na iyon ay iba na ang iniisip at pinoproblema ko. Iyon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Karen at Vera na sasamahan nila ako. Pero ilang beses rin akong tumanggi.Gusto kong harapin ito ng magkasama kami ni Kevin pero dahil kusa na siyang umalis sa buhay ko ay gusto kong harapin ito ng

    Last Updated : 2021-04-15
  • Unwed Mother   Chapter 11

    "You're what, Inari?!"Parang dumagundong sa tenga ko ang malakas na tanong na iyon ni Daddy. Kinain ako ng kaba dahil doon at namamawis ang mga kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napalingon ako kay Karen ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siyang tumango."What are you talking about, Inari Blaire?"Napalingon ako kay Mommy na seryosong seryoso ang mukha at nakakunot-noo. Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kaba. "I'm p-pregnant po."Napatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng malakas na hinampas ni Daddy ang lamesa. Nagkalansingan ang mga plato at kutsara dahil sa lakas niyon. Maging si Mommy ay napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat.Tumayo si Daddy na nakapamewang ang isang kamay at napahilamos sa mukha. Bakas ang galit sa kanyang mukha na lalo kong ikinakaba. Nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha ko wala pa man siyang ginagawa.Madalang magalit si Daddy. Masyadong mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay at masyadong

    Last Updated : 2021-05-06

Latest chapter

  • Unwed Mother   Chapter 50

    "NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '

  • Unwed Mother   Chapter 49

    PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi

  • Unwed Mother   Chapter 48

    "MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa

  • Unwed Mother   Chapter 47

    HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin

  • Unwed Mother   Chapter 46

    'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma

  • Unwed Mother   Chapter 45

    DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim

  • Unwed Mother   Chapter 44

    FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.

  • Unwed Mother   Chapter 43

    PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi

  • Unwed Mother   Chapter 42

    "Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status