ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin.
“Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen.“Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso.“Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!”“Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen.“Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair.“Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap.“Palibhasa hindi ka kagandahan,” mahinang bulong ni Vera.“Excuse me? Maganda ako, 'no,” maarte ring sabi ni KarenNaiiling ako habang pinapanood sila. Magsasalita pa sana si Vera pero inunahan ko na siya dahil baka kung saan pa mapunta ang bangayan nila. At mukhang nakalimutan nilang may pupuntahan pa kami.“Aalis pa ba tayo o mag aaway na lang kayo?”Sabay silang napalingon sa akin at sabay na ngumiti nang pilit. “Aalis na,” sabay rin nilang sabi na pareho pang ikinawit ang mga braso sa magkabilang braso ko. Agad akong napangiwi at naalibadbaran.“Ano ba! Ang init-init!”Pareho silang nagulat nang sumigaw ako at pinagtatanggal ang braso nila sa akin. Napatitig sila sa akin bago nagkatinginan at pilit na ngumiti muli sa isa’t isa. Kunot-noo ko silang tiningnan.“Para kayong mga baliw,” naiiinis na sabi ko at nauna nang naglakad palabas ng condominiym. Agad naman silang sumunod sa akin.“Ang sungit ni mommy.” Rinig ko ang mahinang bulong ni Karen habang naglalakad kami sa pasilyo papunta sa elevator.“Mood swing,” bulong rin ni Vera.Naiinis ko silang nilingon. Pareho silang natigilan sa paglalakad at pareho rin nilang naitikom ang mga bibig. Tinitigan ko pa sila. Napatingin ako sa magkakawit nilang mga braso na parang hindi nagtalo kanina. Napangiwi ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa ang hagikhikan nila pero hindi ko na iyon pinansin. Pinahinahon ang sarili sa biglang pagbabago ng mood.Habang nasa biyahe ay sinabi ko sa kanila na kay Tita Precious na lamang ako magpapa-check-up. Agad iyong sinang-ayunan ni Karen. Hindi naman umangal pa si Vera kahit halata sa kanya na ayaw niya roon.Nang makarating sa clinic ni Tita Precious ay saka lamang ako nakaramdam ng labis na kaba. Namamawis ang magkahawak kong mga kamay. Lumabas na sila Vera ng sasakyan pero nanatili pa rin ako sa loob. Bumukas ang pinto sa gilid ko at nakita ko ang nakangiting si Karen.“Let’s go,” yaya niya at inilahad pa ang isang kamay sa akin.Hindi ko magawang tanggapin iyon. Parang sasabog ang dibdib ko sa kabang nararamdaman. Tanggap ko na naman ang pagbubuntis ko kaya hindi ko malaman kung bakit kinakabahan pa rin ako. Siguro dahil first time ko? Ganito ba talaga ang nararamdaman ng mga first time mommy?“Kinakabahan ka?” tanong niya at kagat-labi akong tumango. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapatong sa kandungan ko. “Ano ka ba, narito lang kami, Inari,” nakangiti aniya.Simple lang naman ang salitang iyon pero nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil doon. Knowing na may kasama ako roon at hindi nag-iisa.Nahigit ko ang hininga at naibuga iyon. Kahit may kaunti pang kaba sa puso ay bumaba na ako ng sasakyan. Inalalayan naman ako ni Karen. Nasa may pinto na si Vera ng clinic. Pumasok kami at sakto namang wala pang pasyente. Nakita namin ang nasa mid 20’s na si Ate Gemma—ang assistant nurse ni Tita Precious na nakaupo sa likod ng isang table at nakaharap sa laptop.“Ate Gemma,” tawag ni Karen dito.Natigilan si Ate Gemma sa ginagawa at lumingon sa amin. Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang makita kami. Agad itong tumayo at lumapit sa amin. “Karen, bakit narito kayo?” Nagtataka niya kaming tiningnan isa-isa.“May pasyente na po ba si Tita?”“Wala pa naman. Pero baka mayamaya ay may pumunta ng mga magpapa-check-up. Bakit?” aniya na na kay Karen ang paningin.“Kakausapin lang po namin siya.”“Ganoon ba." Tiningnan niya muli kami isa-isa. “Sige, sasabihin ko muna na narito kayo, ha.”“Sige po. Thank you.”Pumasok si Ate Gemma sa isang glass sliding door na nagsisilbing opisina at nagsisilbi rin na consultation room ni Tita Precious. Wala pang dalawang minuto ay lumabas din agad si Ate Gemma at lumapit sa amin.“Pasok na lang daw kayo.”Pumasok nga kaming tatlo. Naabutan naman naming nag-aayos si Tita ng table niya. Puno iyon ng mga booklet, at may ilan pamg gamot at vitamins for kids.“Good morning po, Doctora!” sabay-sabay naming bati na nagpaangat ang tingin niya sa amin.“Oh, girls, gusto n’yo raw akong makausap?" Itinigil niya ang ginagawa at tuluyang humarap sa amin. “Have a seat.” Itinuro niya ang dalawang upuan na nasa harapan ng table niya. Umupo kami roon ni Karen. Si Vera naman ay umupo sa wooden bench na nasa tabi ng pinto. “So, how can I help you?” tanong ni Tita Precious at tiningnan kami isa-isa.“Ah, T-Tita… a-ano po kasi…” bakas ang kabang ani Karen.Hinawakan ko ang kamay niya na nasa kandungan niya. “Ako na, Ren.”“Kaya mo ba?”Muntik na akong matawa roon pero sa halip ay nginitian ko siya. “Oo naman," ani ko kahit pa nga parang malaki pa sa akin ang kabang nararamdaman ko. Hinarap ko si Tita Precious at sinabi rito ang pakay ko na akala mo’y hindi kinakabahan pero pinagpapawisan na kahit may aircon ang kinaroroonan namin.“Check-up?” nagtatakang tanong ni Tita Precious.“Uh—” Nakagat ko ang ibabang labi at malalim na bumuntong-hininga saka nagpatuloy, “D-Delayed po kasi ako. Nag try na po ako ng pregnancy tests. It's all positive po.”Bakas ang gulat sa mukha ni Tita Precious dahil sa mga sinabi kong iyon. Napatitig pa siya sa akin at mayamaya ay tumikhim. “Alam na ba ito ng parents mo, Inari?”“H-Hindi pa po, Tita. Balak ko po sana’ng sabihin sa kanila kapag nakapagpa-check-up na po ako,” diretsong sabi ko na para bang ganoon lang kadali ang gagawing iyon.Kinalimutan ko muna ang takot na nararamdaman oras na humarap ako sa mga magulang ko at sabihin sa mga ito ang kondisyon ko. Ang gusto ko lang muna sa ngayon ay malaman kung safe ba ang baby ko sa aking sinapupunan.“Okay.” Tumango siya at let out a deep breath. Kumuha si Tita ng isang papel, para ‘yong form, na nasa ibabaw ng table niya at nagsulat roon. “You’re twenty-one, Inari?”Sumulyap siya sa akin at tumango naman ako kasabay ng pagsagot. “Yes po.”Muli siyang tumuon sa papel at isinulat ang aking edad doon sa ibaba ng pangalan. Kinuha ni Doc ang vital signs ko at isinulat lahat iyon sa form. “Kailan ang last menstruation mo?” tanong niya muli.“October 14 po.” Tumango siya.“Do you take pills?”“Hindi po.”“Ano’ng nararamdaman mo this fast few weeks?” tanong niya na muling itinuon ang atensyon sa akin at pinagsiklop pa ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.“Wala naman po. Pero kagabi ay parang naging sensitive ang pang-amoy ko noong makaamoy ako ng Garlic Shrimp at naduwal po ako.”Tumango-tango siya. “Hindi ka ba nahihilo o nasusuka tuwing umaga?”“Hindi naman po. Kaya nga nagtataka po ako na positive ako kasi wala naman akong nararamdamang symptoms bukod sa pagduwal ko kahapon.”“Kung ganoon ay wala kang morning sickness. May ganoon talagang cases ng ibang mommy. Ibig sabihin ay hindi ka ganoog kaselan magbuntis. Good for you lalo na’t nag-aaral ka.”Napatango-tango ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa lang nagbubuntis na hindi nakararanas ng morning sickness. Akala ko kasi ay lahat.Marami pang naging tanong si Doc. Pinahiga niya rin ako sa isang table na may katabing maliit na monitor for transvaginal or Trans V ultrasound. Nalaman ko roon na four weeks na akong buntis. Nalaman ko rin doon kung kailan ang due date ko. Ibinigay niya sa akin ang copy ng Trans V na mabilis na inagaw sa akin nila Karen at Vera.Maraming naging bilin si Doctora at may ibinigay rin siyang mga vitamins sa akin and milk para sa pagbubuntis ko. Nagtanong rin ako kung may mga bawal bang pagkain sa akin at kung may dapat ba akong baguhin sa routine ko sa pag da-diet and exercise na ipinaliwanag naman isa-isa ni Doc.“Your next appointment will be on—” Tumingin siya sa maliit na calendar na nakapatong sa table niya. “December 20.” Nakangiting baling niya sa akin.Pagkatapos ng maraming pagbibilin ay nagbayad na kami bago umalis. Napagpasyahan naming mag lunch na sa isang restaurant na nadaanan namin bago umuwi dahil almost eleven na rin naman.“July 17 ang due date mo, 'di ba?” nakangiting tanong ni Vera habang kumakain kami. Tumango lang ako dahil may laman ang aking bibig. “Ang galing! Pareho kayong July ni baby!” manghang aniya na ikinangiti ko. Maski nang sabihin iyon kanina ni Tita Precious ay parang tumalon ang puso ko.“Ano’ng balak mo, Inari? Paano mo sasabihin kay Kevin?” si Karen.“Pupuntahan ko siya sa condo niya,” seryoso kong saad.“Gusto mong samahan ka namin?” tanong ni Vera.“Hindi na,” sabi ko at umiling pa. “Kaya ko naman.”“Sure ka?” sabay nilang tanong.“Oo. Kailangan ko siyang makausap kaya baka magtagal ako roon. Marami siyang dapat ipaliwanag,” gigil at makahulugan kong sabi. Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin.“Kailan mo naman siya pupuntahan?” tanong muli ni Vera.“Mamaya. After nating mag lunch.”Balak ko na iyon kahapon pa. Pagkatapos nga namin mananghalian ay inihatid nila ako sa condominium na tinutuluyan ni Kevin. Bumaba ako mula sa passenger seat at nilapitan ang side ni Karen at ibinaba naman nito ang glass ng bintana.“Magtext ka kung kailangan mo ng back-up, ha? Darating agad kami,” aniya na kinatawa ko nang bahagya. “Seryoso ako!” Nanlalaki ang mga matang angil niya.“Oo na,” natatawa ko pa ring sabi.“Magtext ka rin kung magpapasundo ka, okay?”“Opo, mommy,” nang-aasar kong sabi. Inirapan niya naman ako. “Sige na, aakyat na ako. Ingat kayo pauwi.”“Okay, ikaw rin.”“Inari, fighting!” nakangiting ani Vera na nasa front passenger seat. Itinaas pa nito ang dalawang nakakuyom na mga kamay at sumuntok sa ere. Natatawa kong ginaya ang ginawa niyang iyon.Pinanood ko pa ang papalayong sasakyan nila hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Pumihit na ako paharap sa entrance ng condominium. Maliit lang iyon hindi katulad ng tinutuluyan namin. Kilala na ako ng binatang guard na nagbabantay rito kaya mabilis niya akong pinapasok.“Akala ko talaga break na kayo ni Sir Kevin, Ma’am Inari,” kunot-noo at nagtatakang ani pa ng guard noong inililista ang pangala“Bakit naman po? Kasi hindi na ako nakakapunta rito? Busy lang po ako sa school,” natatawa ko pang sabi.“A-Akala ko talaga…”Nangunot ang noo niya at napakamot pa sa ulo. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil nagmadali na akong nagpaalam sa kanya at sumakay na sa elevator. Nang makarating sa fourth floor na ay naglakad pa ako hanggang sa dulo ng hallway dahil naroon ang kwarto ni Kevin.Habang papalapit roon ay nakaramdam ako biglaang kaba na hindi ko alam kung saan nagmumula. Marahil ay dahil iyon sa dalawang linggo naming hindi pagkikita. I missed him a lot pero mas lamang ang inis ko.Nakatatlong ulit ako sa pag doorbell pero walang nagbubukas. Inulit ko pa iyon nang isa pang beses bago pa may magbukas ng pinto. Bumungad sa paningin ko ang naka-topless na si Kevin. Naka grey cotton short lang ito at magulo ang buhok. Mukha ring bagong gising dahil halata iyon sa mga mata niya.Agad na nanlalaki ang mga mata niya pagkakita niya sa akin, maski ang bibig niya ay namilog. Kita ko ang pagkataranta sa kanyang kilos. Para siyang lasing na nahulasan nang makita niya ako sa harapan niya. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya pero ang inis ko ay wala ng paglagyan nang maalala ang mga pambabalewala niya sa akin nitong mga nakaraang araw.“I-Inari,” nautal-utal niyang sabi. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?”“Ha!” inis akong napasinghal at tinitigan siya nang mariin. Gusto kong maramdam niya ang galit na nararamdaman ko sa talas ng tingin ko. “Dalawang linggo kang hindi nagpakita at nang pinuntahan kita ay iyan ang ibubungad mo sa akin?!”“I-Inari kasi—”Wala sa sariling napatingin ako sa loob ng condo niya. Pero ipinagtaka ko nang tuluyan siyang lumabas doon nang makita niya ang ginawa kong iyom. Isinara niya pa ang pinto.“What are you doing?” nang-gigigil kong tanong. May naramdaman akong hindi maganda sa ginawa niyang iyon at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Nagsusumigaw iyon ng warning. “May tinatago ka?” pabulong pero mariin kong tanong.“W-Wala. P-Please, Inari, mag-usap muna tayo,” parang natatarantang aniya na iniharang pa ang dalawang kamay sa harapan ko.Dahil sa kilos niyang iyon ay parang mas lalo niyang idiniin ang hinila ko. May itinatago siya.”Kung gano’n papasukin mo ako at sa loob tayo mag-uusap!”“Inari—”Tinabig ko siya at dahil hindi niya iyon inaasahan ay napaatras siya pagilid. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Habang papasok ako sa loob ng condo ay pumasok sa isip ko ang iba’t-ibang eksena na katulad ng mga napapanood at nababasa ko na may makikita akong babae rito. At gusto ko na agad maluha isipin pa lamang na baka may itinatago nga siyang babae sa condo niya. Iyon ba ang dahilan ng dalawang linggong hindi niya pakikipagkita sa akin?“Inari, w-wala akong itinatago! Please, let me explain! Inari!”Pero hindi iyon nangyari. Wala akong nakitang ibang babae. Pinuntahan ko na ang lahat ng sulok ng condo ni Kevin habang nakasunod siya sa akin at pinipigilan ako sa ginagawa ko. Napabuntong-hininga ko siyang hinarap nang wala naman akong makitang kahina-hinala. Mabilis akong kinain ng konsensya ko sa ginawa ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Kevin nang humarap ako sa kanya.“I-I'm sorry!” malungkot na sabi ko.Umiling lang siya at malungkot na ngumiti. “It’s okay.”“I missed you!” Mahigpit ko siyang niyakap at agad naman siyang gumanti roon. “I’m sorry kung naghinala ako.” Hindi siya sumagot, sa halip ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap."I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong."I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.
NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him. "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin. "S-sige." Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag
NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko. "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. &n
"I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up." Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon. "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang
A few days after Kevin broke up with me ay tuluyan na itong hindi nagparamdam. Hindi ko na rin siya kinontak pa simula noon. Binura ko na lahat ng contacts ko sa kanya at maski ang mga gamit na ibinigay niya sa akin ay ipinadala ko pabalik sa condo niya dahil ayoko ng makakita pa ng kahit na ano na patungkol sa kanya.Pero hindi ko na siya pinroblema pa dahil simula ng araw na iyon ay iba na ang iniisip at pinoproblema ko. Iyon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Karen at Vera na sasamahan nila ako. Pero ilang beses rin akong tumanggi.Gusto kong harapin ito ng magkasama kami ni Kevin pero dahil kusa na siyang umalis sa buhay ko ay gusto kong harapin ito ng
"You're what, Inari?!"Parang dumagundong sa tenga ko ang malakas na tanong na iyon ni Daddy. Kinain ako ng kaba dahil doon at namamawis ang mga kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napalingon ako kay Karen ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siyang tumango."What are you talking about, Inari Blaire?"Napalingon ako kay Mommy na seryosong seryoso ang mukha at nakakunot-noo. Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kaba. "I'm p-pregnant po."Napatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng malakas na hinampas ni Daddy ang lamesa. Nagkalansingan ang mga plato at kutsara dahil sa lakas niyon. Maging si Mommy ay napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat.Tumayo si Daddy na nakapamewang ang isang kamay at napahilamos sa mukha. Bakas ang galit sa kanyang mukha na lalo kong ikinakaba. Nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha ko wala pa man siyang ginagawa.Madalang magalit si Daddy. Masyadong mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay at masyadong
"What? May anak sa iba?"Napatango ako kay Mommy na nakanganga at gulat na gulat sa nalaman. Kaharap ko na silang dalawa ngayon ni Daddy habang nakaupo kami rito sa sofa na nasa office ni Daddy. I-kinwento ko sa kanila ang nangyari sa Manila simula noong malaman ko ang tungkol kay Lexi at Kevin hanggang sa makipaghiwalay ito sa akin."Kaya hindi ka niya pinanagutan ay dahil may anak na siya sa iba?!" galit na tanong ni Daddy.Napabuntong hininga si Mommy. "Kung totoo man na may postpartum depression iyong babae at ganoon ang ginagawa ay mahirap nga iyon. Ang ganoon ay hindi dapat binabalewala at kailangang ipatingin sa specialista," ani Mommy."Pero maraming paraan kung gusto niya talagang panagutan ang anak ko!" galit na ani Daddy. Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "Hindi mo kailangan ng taong duwag, Inari! Kayang kaya nating buhayin ang apo ko!" galit pa ring aniya."My goodness! Kaya iba talaga an
"It’s a boy!" Napahagulgol ako nang makita ang malusog na sanggol na kalong ng Doctor na nagpaanak sa akin. Parang nawala ang lahat ng pagod at hirap na dinanas ko sa sampung oras na pag le-labor at sa mahirap na panganganak nang makita ko siya. Ang anak ko. Inihiga ng Doctor sa bisig ko ang anak ko pagkatapos itong linisan at bihisan. Malakas itong umiiyak kanina pero noong mahawakan ko ay biglang tumahan at natulog na parang walang nangyari. Lalo naman akong napahagulgol nang mahawakan at mayakap ko siya sa unang pagkakataon. "Isaiah Bennett," nakangiting sambit ko habang nakatitig sa anak ko at lumuluha. Sa totoo lang ay wala akong
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya