NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him.
"Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin.
"S-sige."
Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag dahilan lamang ito sa pag-iyak na ginaa. Maybe that is God's way for me to know the truth. Mapait akong napangiti sa naisip.
"What is his name?" tanong ko kahit alam ko naman na iyon.
"Keegan."
Buntong-hininga ako at nilingon si Lexi na nasa kaliwang gilid ko. Napakaganda ng ngiti niya habang nakatitig siya sa baby.
"You love Kevin, don't you?" Unti-unting nawala ang ngiti niya at mapupungay ang mga matang tumingin sa akin at dahan-dahang tumango. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya. Malungkot akong ngumiti. "Kailan pa?"
"Since high school?" mapait ang ngiting aniya at muling tumingin sa baby niya. "Akala ko ay simpleng paghanga lang ito. Akala ko ay mawawala rin." Muli siyang tumingin sa akin. "Pero hindi," aniya at umiling. "Hindi nawala at lalo lang itong lumala." She bit her lower lip and stared at me. "Believe me, Inari, wala akong planong sirain ang relasyon niyo. I know that this is a mistake because you have a relationship, but I don't want my son to grow up without a father."
Nadurog ang puso ko sa narinig at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Dahil katulad niya ay ganoon rin ang gusto ko. Ayokong lumaking walang kinikilalang ama ang magiging anak ko.
"So, please. . . Let him go," nagmamakaawang aniya. Napanganga ako sa gulat dahil sa narinig ko sa kanya. "We’re getting married, Inari. Hindi papayag si Daddy na hindi kami ikasal. At kapag hindi ako pinanagutan ni Kevin ay idedemanda siya ni Daddy." Lalo akong nagulat sa huling sinabi niya. Bakas ang takot sa tono ng boses niya.
"W-What do you mean?" kunot-noo kong tanong.
"S-sinabi ni Daddy sa harap ng mga magulang ni Kevin na kapag hindi niya ako pinakasalan ay idedemanda niya ito. I-I know my father, Inari. Kapag sinabi niya ay gagawin niya."
'My dad will do the same, Lexi. I know that. Dahil walang ama ang gugustuhin na maagrabyado ang anak niya.'
"Please, Inari." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Naluluhang tumitig siya sa mga mata ko. "I know you love each other, but please… para sa anak ko pakawalan mo na si Kevin."
I gasped at what I heard and was annoyed that I even removed her grip on my hands. Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. I felt sorry for her but I felt angry at the last thing that she said. Para bang ako pa ang obligadong sundin siya dahil lang may anak sila ni Kevin na boyfriend ko.
May anak sila, oo, pero ako ang girlfriend. At magkakaanak na rin kami ni Kevin kaya alam kong mas may karapatan ako kaysa sa kanya.
Alam kong nakikita niya ang galit sa mukha ko dahil napaatras siya at parang maamong tuta na napatungo. Hindi ko na mapigilan ang galit ko dahil sa mga sinabi niya.
"Alam mo ba kung ano’ng kasalanan mo sa akin, ha, Lexi?" I asked emphatically and she quickly turned to me. "Pumatol ka sa boyfriend ko," mariing bulong ko habang dahang dahang binabanggit iyon. Napasinghap ako nang may maisip. "O baka naman sinadya mo itong gawin at pinapalabas mo lang na lasing ka rin nang gabing 'yon tulad ni Kevin?" Tumulo ang luha niya dahil sa sinabi ko. Lalo akong nainis dahil maaaring tama ang naiisip kong iyon. "Sinadya mo ba ito, ha, Lexi?! Pinikot mo ang boyfriend ko?!" Tumungo siya at umiling iling. "Ano, Lexi?! Pinikot mo ang boyfriend ko?! Para ano?! Para maging sa'yo siya?!" galit kong singhal.
"Oo!"
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa gulat nang bigla siyang sumugod sa akin at galit na sumigaw sa mismong mukha ko. Basang basa na ang mukha niya dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha niya.
"Oo, sinadya kong gawin 'yon! Dahil mahal na mahal ko siya! Masaya ka na?!" sigaw niya pa. Hindi ko malaman kung bakit nagulat pa rin ako sa sinabi niya. "Because this is my only way for him to be mine, Inari!" Ngumisi siya at pinunasan ang pisngi. "And I won, Inari. I won. Dahil akin na siya ngayon," malumanay at nakangisi paring aniya.
Lumayo siya sa akin at tumingin sa baby niya. Kinuha niya ang picture na nakadikit sa crib at nakangiting tinitigan iyon. Kunot-noo ko siyang pinagmamasdan. Nawala sa paningin ko ang Lexi na una kong nakilala. Ibang Lexi ang nasa harapan ko, isang ganid na Lexi. O baka naman ito talaga ang tunay na kulay niya?
"No matter how much he loves you, hinding hindi ka niya pipiliin, Inari," aniya habang nakatingin sa litrato bago humarap sa akin. "Alam kong ako ang pipiliin niya dahil may anak kami," nakangising aniya. Proud na proud ang gaga.
Galit na galit ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Ngumisi ako na ikinagulat niya. Unti-unting nawala ang nang-aasar niyang ngisi at napalitan iyon ng pagkalito.
"You think you won, Lexi?" Her eyebrows furrowed. "No." Nakangiti akong umiling at lumapit sa kanya. "Because I..." Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong. "Am pregnant." Lumayo akong muli at nakita kong nanlalaki na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngumisi ako sa kanya. "Oo, may anak kayo, Lexi. Pero mas may karapatan kami ng magiging anak ko dahil ako girlfriend niya," seryoso kong sabi.
Parang wala sa sarili siyang umiling iling bago natawa. Ako naman ngayon ang nagtatakang nakatingin sa kanya.
'Nakakabaliw kausap ang babaeng ito!'
"Oh, c'mon, Inari! Akala mo ay maniniwala ako? Hindi," seryosong aniya at umiling.
"You want a proof?" seryoso kong tanong. Inilabas ko ang ultrasound result mula sa bag at iniharap iyon sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita iyon. "I told you I'm pregnant at magkakaanak na kami ni Kevin,” mariin kong wika.
Dahan-dahan siyang napaatras at napasandal sa gilid ng crib. Magkakasunod na tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sa hawak ko. She covered her face with both hands and sobbed. Iniiwasan ko ang tingin nang makaramdam ng awa sa kanya.
"Mali ang ginawa mo, Lexi. Kahit hindi ako buntis ay hindi ako papayag na hiwalayan si Kevin," malumanay na sabi ko habang nakatingin sa nakasarang pintuan. Rinig na rinig ko ang malakas niyang paghagulgol. "What you did wasn’t fair. Ginamit mo ang bagay na alam mong papanigan ka ninuman." Tumingin ako sa kanya na ganoon pa rin ang ayos. "Hindi iyon pagmamahal, Lexi. Dahil ang ginawa mo ay pamimilit na maging sa’yo si Kevin. At ang pagmamahal ay hindi namimilit. Kung mahal ka talaga niya, kahit wala kayong anak ay magiging sa'yo siya."
I watched her crying before I turned to her baby who was still sleeping peacefully. I felt sad while looking at him.
"You used your child for your selfish act, Lexi. Ngayon ay sinong magdudusa? Hindi ba't siya?" sabi ko habang nakatingin pa rin kay Keegan. "But don't worry, hindi ko ipagdadamot si Kevin sa anak mo," huling sabi ko bago siya tinalikuran habang patuloy siya na umiiyak
Lumabas ako ng kwarto at isinara ang pinto. Nakita ko si Kevin na nakaupo sa sofa. Nakapatong ang dalawang siko niya sa kanyang hita habang nakatungo siya. Napansin kong nakasuot na siya ngayon ng white T-shirt. Lumapit ako sa kanya at mabilis na napaangat ang ulo niya nang tumigil ako sa mismong harapan niya. Tumayo siya agad at hinawakan ako sa braso.
"I- Inari," malungkot na aniya.
"We need to talk. I have something to tell you," maliit ang ngiting sabi ko. Nakita ko ang rumehistrong takot sa mukha niya.
"O-oo. Saan mo gusto? K-kukunin ko lang ang susi ng kotse." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya sa braso.
"Dito na lang tayo mag-usap."
"G-gusto mo bang sa kwarto ko tayo mag usap?"
Napatitig ako sa kanya bago tumango. Hinawakan niya ako sa braso at sabay kaming naglakad papunta sa kwarto niya. Nang makapasok doon ay pinaupo niya ako sa kama. Kinuha niya ang swivel chair niya at umupo sa harapan ko.
"Kev, I know na magulo pa ang sitwasyon ninyo ni Lexi, but I really need to tell you this," seryoso kong sabi.
"It's okay. W- What is it?"
Malalim akong nagbuga ng hangin at ibinigay sa kanya ang ultrasound result. Napatitig siya roon at naguguluhan niya iyong kinuha mula sa kamay ko. Nakita ko nang unti-unting manlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin.
"Y-You're pregnant?" Bakas ang gulat sa kanyang boses. Naluluha akong tumango at tuluyan nang pumatak ang luha ko nang mabilis niya akong yakapin.
"I'm so happy, Inari," aniya habang yakap ako. "God, I'm so happy!" aniya pa na lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
Maya-maya ay kumalas siya at nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya dahil sa luha. Nakangiti niyang pinunasan ang pisngi ko.
"Alam na ba ito ng parents mo?" tanong niya. Tanging iling ang naisagot ko.
"Hindi pa. Plano kong sabihin sa kanila kapag nasabi ko na sayo." Tumango siya sa sinabi kong iyon.
"I will fix everything about me and Lexi. Kapag naayos ko na iyon ay pareho tayong haharap sa pamilya mo at sabay nating sasabihin ang tungkol sa kalagayan mo, okay?" Nakangiti akong tumango. Nakangiti rin siyang tumitig sa akin. "Thank you, Inari. I will be a good father to our child. I promise!"
"I know that."
Napapikit ako nang maramdaman ang mababaw niyang h***k sa labi ko. Namiss ko iyon. Namiss ko siya. Lumayo siya at tinitigan muli ako sa mga mata habang hawak ang magkabila kong pisngi.
"This past few days ay parang wala ako sa sarili kaya hindi ko magawang magparamdam sa'yo. I know what I did was wrong and I am ashamed to face you." Tumulo ang luha ko sa nga sinasabi niya at agad niya 'yong pinunasan. Mapait siyang ngumiti habang ginagawa iyon. "Tatanggapin mo pa rin naman ako kahit may anak kami ni Lexi, 'di ba?" tanong niya at bakas roon ang takot. Luhaan akong ngumiti at hinawakan rin siya sa pisngi.
"Yes, Kevin, because I love you. At lahat ng tungkol sa'yo ay tanggap ko."
Tumulo ang luha niya dahil sa sinabi ko at mabilis niya akong kinabig para yakapin.
"Thank you, Inari! Thank you so much! I will do everything for you and for our child. I will never leave you. I promise!" Niyakap ko rin siya nang napakahigpit nang sabihin niya iyon.
Ang pangakong iyon ni Kevin ang pinanghahawakan ko. Dahil sa pangako niyang iyon ay nawala ang takot sa puso ko. Tumatak sa isip ko na may pagsubok man kaming kinakaharap ngayon, alam kong sabay at magkasama naming haharapin iyon.
NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko. "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. &n
"I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up." Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon. "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang
A few days after Kevin broke up with me ay tuluyan na itong hindi nagparamdam. Hindi ko na rin siya kinontak pa simula noon. Binura ko na lahat ng contacts ko sa kanya at maski ang mga gamit na ibinigay niya sa akin ay ipinadala ko pabalik sa condo niya dahil ayoko ng makakita pa ng kahit na ano na patungkol sa kanya.Pero hindi ko na siya pinroblema pa dahil simula ng araw na iyon ay iba na ang iniisip at pinoproblema ko. Iyon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Karen at Vera na sasamahan nila ako. Pero ilang beses rin akong tumanggi.Gusto kong harapin ito ng magkasama kami ni Kevin pero dahil kusa na siyang umalis sa buhay ko ay gusto kong harapin ito ng
"You're what, Inari?!"Parang dumagundong sa tenga ko ang malakas na tanong na iyon ni Daddy. Kinain ako ng kaba dahil doon at namamawis ang mga kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napalingon ako kay Karen ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siyang tumango."What are you talking about, Inari Blaire?"Napalingon ako kay Mommy na seryosong seryoso ang mukha at nakakunot-noo. Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kaba. "I'm p-pregnant po."Napatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng malakas na hinampas ni Daddy ang lamesa. Nagkalansingan ang mga plato at kutsara dahil sa lakas niyon. Maging si Mommy ay napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat.Tumayo si Daddy na nakapamewang ang isang kamay at napahilamos sa mukha. Bakas ang galit sa kanyang mukha na lalo kong ikinakaba. Nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha ko wala pa man siyang ginagawa.Madalang magalit si Daddy. Masyadong mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay at masyadong
"What? May anak sa iba?"Napatango ako kay Mommy na nakanganga at gulat na gulat sa nalaman. Kaharap ko na silang dalawa ngayon ni Daddy habang nakaupo kami rito sa sofa na nasa office ni Daddy. I-kinwento ko sa kanila ang nangyari sa Manila simula noong malaman ko ang tungkol kay Lexi at Kevin hanggang sa makipaghiwalay ito sa akin."Kaya hindi ka niya pinanagutan ay dahil may anak na siya sa iba?!" galit na tanong ni Daddy.Napabuntong hininga si Mommy. "Kung totoo man na may postpartum depression iyong babae at ganoon ang ginagawa ay mahirap nga iyon. Ang ganoon ay hindi dapat binabalewala at kailangang ipatingin sa specialista," ani Mommy."Pero maraming paraan kung gusto niya talagang panagutan ang anak ko!" galit na ani Daddy. Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "Hindi mo kailangan ng taong duwag, Inari! Kayang kaya nating buhayin ang apo ko!" galit pa ring aniya."My goodness! Kaya iba talaga an
"It’s a boy!" Napahagulgol ako nang makita ang malusog na sanggol na kalong ng Doctor na nagpaanak sa akin. Parang nawala ang lahat ng pagod at hirap na dinanas ko sa sampung oras na pag le-labor at sa mahirap na panganganak nang makita ko siya. Ang anak ko. Inihiga ng Doctor sa bisig ko ang anak ko pagkatapos itong linisan at bihisan. Malakas itong umiiyak kanina pero noong mahawakan ko ay biglang tumahan at natulog na parang walang nangyari. Lalo naman akong napahagulgol nang mahawakan at mayakap ko siya sa unang pagkakataon. "Isaiah Bennett," nakangiting sambit ko habang nakatitig sa anak ko at lumuluha. Sa totoo lang ay wala akong
"SO, you have a plans to have your own restaurant?" tanong ni Ryker habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at nakapatong ang baba sa magkasalikop niyang mga kamay. Katatapos lang naming kumain ngayon. Lunch break ko kasi at doon lang sana ako sa office ko kakain kanina pero niyaya niya akong mag lunch kasama siya. Pumayag ako pero pinilit ko siyang dito lang kami sa restaurant niya kumain at pumayag naman siya roon. Dito kami nakaupo sa dulo at medyo malayo sa mga customers. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga nanunuksong tingin ng mga waiters na dumadaan sa tapat ng table namin at ng mga nasa counter. "Yeah. That’s my plan since college," sagot ko bago uminom ng tubig.
"COME IN! Come in!" Nakangiti si Tita Ryza— ang mommy ni Ryker, habang inaanyayahan kami nitong pumasok sa kanilang bahay. Nasa kanang gilid ko si Bennett habang hawak ang kamay niya at nasa kaliwa ko naman si Ryker, nakakawit sa bewang ko ang isa niyang braso habang naglalakad kami papasok ng bahay. "Maiwan ko na muna kayo. Titingnan ko lang kung handa na ba ang lahat ng pagkain," nakangiting ani Tita Ryza bago nagtungo sa dining table kung nasaan ang mga katulong. Kita ko ang iba pang katulong na abala sa paghahatid ng mga pagkain sa table. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at kahit saan dumapo ang paningin ko ay hindi nawawalan ng halaman at paintings. Iyon daw kasi ang hilig ng mommy ni Ryker ayon sa kanya.
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya