“SA ospital na lang,” ani Vera.
“Kay Tita Precious na dahil kakilala naman 'yon.” giit ni Karen.“Iyon na nga, eh! Kakilala 'yon.” nakikipagtalong ani Vera.“Eh, ano naman? Bakit, natatakot kang pagalitan niya si Inari?” Bakas na ang pagka-inis sa boses ni Karen. Matalim na ang tinging ibinibigay kay Vera.Umismid si Vera. “Ah, basta sa ospital.”Napahilot ako sa sentido at malalim na nagpakawala ng buntong-hininga. Pinag-uusapan lang nila kanina ang tungkol sa pagpapa-check up ko habang nag-aagahan kami hanggang sa magtalo na sila. Ang gusto kasi ni Vera ay sa hospital pero ang gusto naman ni Karen ay sa clinic ni Tita Precious— ang Tita niyang OB-Gyne.“Mag pe-pregnancy test na lang muna ako,” singit ko sa pagtatalo nila kaya natigil sila at sabay na nilingon ako. “Iyon na lang muna ang gagawin ko,” dagdag ko pa. Agad na tumango naman sila pareho.“Ako na ang bibili ng pregnancy test after nating mag breakfast,” presinta ni Vera.Natahimik din ang lamesa pagkatapos niyon. Nang matapos kami sa pag-aagahan ay ako na ang nag hugas ng pinggan. Si Vera naman ay bumaba na para bumili ng pregnancy test.“Kinakabahan ka?” tanong ni Karen na nasa likod ko at nagpupunas ng table.Natigilan ako sa pagsasabon ng platong hawak at pinakiramdaman ang sarili. Hindi ko maitatanggi ang bigat doon dahil sa takot at sa napakaraming tanong.Nilingon ko ang gilid ko nang lumapit si Karen at naghugas ng kamay. Nang matapos ay sumandal siya at tumitig sa akin.“Natatakot ka?” malumanay na tanong niya muli.Mabilis na nag-init ang mga mata ko. Napatungo ako dahil pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko ano mang oras. Tuluyan ko nang naibaba ang sponge at pinggan. “O–Oo.” Takot na takot.Narinig ko siyang bumuntong hininga.“Dahil hindi nagpaparamdam si Kevin?” Tuluyang bumuhos ang mga luha ko dahil sa tanong niyang iyon. “Natatakot kang hindi ka niya panagutan?” Tumango ako nang paulit-ulit. “Kapag hindi ka ba niya pinanagutan ay itutuloy mo pa rin kung sakaling buntis ka?”“Oo,” mabilis at walang pagdadalawang-isip kong sagot at luhaang nilingon siya. Nakangiti siyang tumango-tango at pinunasan ang mukha ko. “Hinding hindi ko idadamay ang inosenteng bata dahil lang natatakot ako, Ren. Wala siyang kasalanan,” dagdag ko at muli siyang nakangiting tumango.“Salamat, Inari,” maliit ang ngiting aniya. “Salamat kasi ganoon ang naiisip mo. Alam ko namang hindi mo magagawa ang ganoong bagay. Pero minsan kasi sa sobrang takot na nararamdaman natin ay nakakapagdesisyon tayo ng bagay na hindi napapag-isipan nang mabuti. Kaya salamat dahil kahit sa kabila ng takot ay ganyan pa rin ang naiisip mo.” Muli niyang pinunasan ang mga luha ko na patuloy sa pagpatak. “Basta narito lang kami ni Vera. Sasamahan ka naming harapin ito.” Niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos sabihin ang mga iyon.“Thank you so much, Ren. Hindi ko alam kung ano'ng gagaiwn ko kung wala kayo rito.”Wala siyang sinabi pero mas humigpit ang yakap niya. Ngunit mabilis siyang napahiwalay sa akin nang marinig na bumukas ang pinto ng condo. Napaharap ako sa lababo at pasimpleng pinunasan ang mukha ko bago nagpatuloy sa paghuhugas.“Oh, bakit nakabusangot 'yang mukha mo?” tanong ni Karen na lumapit nang muli sa lamesa.Napalingon ako sa kanila. Nakita kong umupo silang dalawa ni Vera sa dining table. Nagpatuloy na muli ako sa paghuhugas habang nakikinig sa kanila.“Nakakainis 'yong nagtitinda sa pharmacy! Bumili lang ako ng pregnancy test kung makatingin sa akin parang hinuhusgahan na ako. Bakit? Matanda na naman ako, ah?! Akala mo pitong taong gulang ang bumili sa kanya! Kainis!” reklamo ni Vera.Saglit ko silang tiningnan at nakita ko ang hindi maipintang mukha ni Vera.“May ganoon talagang tao. Hindi mo sila mapipigilan na mag isip ng kung anu-ano. At hindi mo dapat iniintindi ang mga ganoon dahil kapag inisip mo nang inisip ang mapanghusgang tingin ng mga tao ay nagpapatalo ka lang,” mahabang litanya ni Karen.“Nakakainis kasi! Ang aga-aga nakakabadtrip!”“Araw-araw kang may makakasalamuhang ganoong tao, Vera. Kung ganyan ka nang ganyan baka everyday badtrip ka? 'Di ba talo ka na agad doon?” ani Karen. “Baka pati sarili mo husgahan mo na rin dahil may nanghuhusga sa’ ‘yo. Huwag mo na lang pansinin ang ganoong tao kung alam mo namang wala kang ginagawang mali.”Hindi na nakasagot si Vera. Basta nagsalita nang ganoon si Karen ay naiintindihan agad namin ang punto niya.Si Vera kasi ang tipo na konting tingin ng tao ay iniisip niya. Kung pangit ba siya kaya ganoon siyang tingnan, kung baduy ba ang pananamit niya at kung may mali ba sa kanya. Kaya naman lahat iniisip niya bago niya gawin dahil takot siyang mahusgahan.Maski ang pakikipagblind date ay hirap siyang gawin. Natatakot siyang mahusgahan kahit ng taong makaka-date niya. Pero noong naumpisahan niya ay nagbigay iyon ng confident sa sarili niya. Natutuwa siya kapag pinupuri siya ng nakaka-date niya. Kapag pinapadalahan siya ng mga ito ng text message after ng unang date nila ay masaya na siya. Pakiramdam niya nagustuhan siya nito kaya ganoon.Pareho naman kami ng ugali ni Karen. Hindi namin iniintindi ang nasa paligid namin. Gagawin namin kung ano ang gusto at nakakapagpasaya sa aming dalawa. Iniisip kasi namin na hindi naman mawawala ang ganoong tao sa mundo. Iniisip rin namin na para bang isa iyon sa pagsubok sa ‘yo. Kapag nalampasan mo ang mapanghusgang isip at tingin nila ay panalo ka.Nang matapos ako sa ginagawa ay lumapit na ako sa kanila at umupo sa tabi ni Karen. Kinuha niya ang paper bag at inilalabas mula roon ang binili ni Vera.“Napadakadami naman nito?” gulat na tanong ni Karen nang makita ang limang pregnancy test na binili ni Vera. Iba’t ibang brand iyon. Maski ako ay natawa sa dami niyon. Sapat na kasi siguro ang dalawa.“Eh, para sure.” Napapakamot sa ulong ani Vera.Napailing na lang si Karen at iniabot sa akin ang pregnancy tests. “Oh, try mo na. Bilis!” excited na aniya.“Ngayon na?” Sabay naming tanong ni Vera kaya napalingon si Karen kay Vera bago tumingin muli sa akin.“Oo. Bakit?”“'Di ba mas magandang i-try 'to sa umaga?” sabi ko.“Oo nga. Pero…” Natigil siya sa pagsasalita at mukhang nag-isip pa saglit. “Eh, 'di maghihintay pa tayo ng bukas?” tanong niya at napatango ako. “Ano ba yan! Excited na pa man din ako!” reklamo niya.“Magta-try na lang muna ako ng dalawa ngayon,” sabi ko at kumuha ng dalawa.Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang dalawang pregnancy test at ipinatong iyon sa lavatory sink. Umupo ako toilet bowl at sinimulan ang paggamit niyon. Nang pareho ko ng napatakan iyon ng urine ko ay nanatili akong nakaupo habang hawak ang pregnancy tests at nakatitig doon. Parang tinatambol ang puso ko habang hinihintay ang resulta niyon. Lalong lumala ang nararamdaman kong kaba nang unti-unting nagkaroon ng guhit doon.Pinakiramdaman ko ang sarili nang makita ang resulta. Wala akong maramdamang pagsisisi. Napakasaya ng puso ko na para bang may humahaplos doon. Nakangiti akong lumabas ng banyo pero sumeryoso ako nang lumabas ng kwarto.Nasa sala na sila Karen at Vera. Magkatabi silang nakaupo sa 3-seater sofa. Lumapit ako sa kanila at umupo sa isang single sofa.“Ano?” Sabay nilang tanong.Dahan dahan kong iniabot sa kanila ang pregnancy test. Sabay rin silang napatingin roon. Magkapatong pa iyon nang damputin ni Karen sa palad ko. Napatingin siya sa akin bago muling tumingin sa hawak niya. Sumilip naman si Vera nang paghiwalayin ni Karen ang mga iyon. Napanganga sila nang makita ang resulta ng parehong pregnancy test.“Hindi ka buntis, Inari?” gulat na tanong ni Vera na nasa pregnancy test pa ang paningin. Nakangiwi siyang nilingon ni Karen kaya napatingin siya rito. “What?”“Dalawang guhit, 'di ba?” Nalilitong tumango naman si Vera. “Eh, di positive!”“Ha?” Muling tiningnan si Vera ang hawak ni Karen. Lumiwanag ang mukha niya nang may mapagtanto. “Ah, oo nga pala! Gosh! natatawa ng ani Vera.“Ano’ng balak mo?” Baling sa akin ni Karen. ”Magpapacheck-up na tayo bukas? Sabado naman bukas kaya masasamahan ka namin.”Tanging tango ang isinagot ko. May kaunting kaba para sa checkup bukas.Pagkatapos ng pag-uusap ay pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto at naghanda sa pagpasok. Puro afternoon class ang klase namin ngayon. Nang matapos ako sa ginagawa ay umupo muna ako sa kama at tinawagan si Kevin. Panay lang ang ring niyon at walang sumagot sa kabilang linya hanggang sa namatay ang tawag. Nakatatlong ulit pa ako pero wala pa ring sumasagot.Kahit noong nasa biyahe papasok ng university ay tinawagan ko pa rin si Kevin. Kahit tuwing breaktime at vacant time ko. At maski noong gabi at bago matulog ay ginawa ko iyon pero wala talagang sumasagot. Hindi ko gawain ang mag flood texts at calls. Ginawa ko 'yon dahil kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman ang kalalagayan ko. Pero dahil hindi niya sinagot isa man sa mga tawag ko ay wala na akong ibang choice. Kailangan ko na siyang puntahan sa condo niya.Kinabukasan ay alas sais ako nagising. Pupunta na sana ako sa banyo para maghilamos nang makita ko sa study table ko ang tatlong pregnancy test. Dinampot ko iyon bago dumiretso sa banyo. Katulad kahapon ay sinunod ko lang ang instructions doon. At katulad kahapon ay ganoon pa rin ang resulta. At tulad ng nagdaang araw, wala akong pagsisising nararamdaman. Natatakot ako, oo, pero hindi niyon matanggal ang sayang nararamdaman ko.Magkakababy na ako!Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Karen na nagluluto ng breakfast. Nagtitimpla naman si Vera ng kape at gatas.“Oh, gising ka na pala,” ani Karen nang makita ako habang naglalagay siya ng isang plate ng pancakes sa lamesa. Natakam ako nang makita ko iyon kaya agad akong kumuha at kumain. Natawa naman si Karen sa akin. “Wala pang syrup.”Umiling lang ako dahil puno ang bibig ko.Naglagay pa ng rice, longganisa at scrambled egg sa lamesa si Karen bago umupo. Natapos na rin si Vera sa pagtitimpla kaya dinala na niya iyon sa lamesa at umupo na rin. Inilagay niya sa tapat ko ang tasa ng gatas at parehong kape naman sa kanila ni Karen.“Kumain ka ng kanin, Inari,” nag-uutos ang tonong ani Karen nang kumuha ako ng panibagong pancake. Pang-apat ko na iyon. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng pancake. “Sarap na sarap ka riyan, ah,” natatawa pang aniya.“Akala ko ba sawa ka na riyan?” nakangising tanong ni Vera.Hindi ako sumagot sa kanila. Patuloy lang ako sa pagkain. Ganang gana ako sa pancake ngayon. Para bang iyon ang pinakamasarap na pancake na natikman ko.Pagkatapos naming mag-agahan ay bumalik na ako sa kwarto ko at naghanda para sa pag-alis namin. Nagsuot lang ako ng grey bodycon dress at white converse shoes. Bitbit ang black shoulder bag ko ay lumabas na ako ng kwarto. Naroon na sa sala si Karen na abala sa cell phone nito.“Ka-text mo si Nikolaj?” tanong ko nang makaupo ako sa tabi niya.Pagkatapos ng date sa Tagaytay tatlong buwan na ang nakararaan ay hindi na nasundan pa iyon. Ani ng mga ito ay hindi na sila kailanman makikipagblind date. Nagpatuloy ang communication ni Nikolaj at Karen pati na rin si Owen at Vera. Kay Kaiden naman ay wala akong balita. Hindi naman kasi kami nagkahingian ng cell phone number ng isa’t isa bago umuwi nang gabing iyon.“Oo,” tipid niyang sagot na hindi ako nililingon.Napatitig ako sa kanya. Marahil ay naramdaman niya iyon kaya nilingon niya ako.“Bakit?” nagtataka niyang tanong.Umiling ako at pilit na ngumiti. “Parang may nagbago lang kasi. Noon kasi mabanggit pa lang ang pangalan ni Niko ay nakangiti ka na,” seryoso kong sabi. Napabuntong-hininga siya at pilit rin na ngumiti.“Hindi ko alam,” aniya na nilaro-laro ang mga daliri. “Alam kong gusto ko siya o baka nga higit pa roon. Kaso hindi ko alam kung bakit parang may nagbago sa nararamdaman ko.” Tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata. “O baka nakukulangan lang ako? Hindi pa siya handang pumasok sa relasyon. Sumubok lang naman siya sa blind date na iyon para maituon sa iba ang atensyon niya. Ka-be-break lang kasi nila ng ex-girlfriend niya last year at hanggang ngayon ay mahal niya pa rin 'yon.”Malungkot akong tumitig sa kanya. Alam ko na ang tungkol sa mga sinabi niya. Isang buwan pa lang makalipas ang date ay sinabi na iyon ni Nikolaj sa kanya. Iniyakan iyon ni Karen habang iki-nu-kwento sa amin noon habang umiinom.“Hindi ko alam kung kaya kong maghintay. Mahirap maghintay sa taong walang kasiguraduhan kung kaya bang suklian ang nararamdaman mo. Gusto ko na siyang iwasan pero hindi ko kaya.”Tumungo siya. Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha niya..Lumapit ako sa kanya at patagilid siyang niyakap. “Ren, alam kong masakit ang nararamdaman mo. Pero kung ano ang alam mong tamang gawin ay iyon ang sundin mo. Kung mas makakabuti ang iwasan siya para hindi ka na masaktan ay gawin mo. Pero huwag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo.” Hindi na siya sumagot. Tumango lang siya sa sinabi ko habang mahinang humihikbi. Nanatili akong nakayakap sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha.Malalampasin din natin ang lahat ng ito, Ren. Tiwala lang!ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin. “Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen. “Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso. “Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!” “Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen. “Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair. “Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap. “Palibhasa hindi ka kagandaha
"I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong."I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.
NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him. "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin. "S-sige." Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag
NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko. "Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. &n
"I'M so-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up." Hindi ko magawang magsalita agad dahil sa narinig kong iyon kay Kevin. Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang tinitingnan siya na malungkot na nakatingin sa akin at nangingilid ang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at talagang napahawak na ako sa d****b ko dahil kumikirot na iyon. Parang nagsama-sama na ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Lexi, ang pambabalewala niya sa mga tawag ko at sa sinasabi niya ngayon. "W- Why?" mahinang tanong ko pero tanging iling lang ang naisagot niya at tumungo. "N-nangako kang hindi mo ako iiwan, Kevin! Kaya bakit? Bakit ka nakikipaghiwalay?" mahina ngunit mariin kong tanong. Hindi siya sumagot roon. "Ilang pangako mo pa ba ang
A few days after Kevin broke up with me ay tuluyan na itong hindi nagparamdam. Hindi ko na rin siya kinontak pa simula noon. Binura ko na lahat ng contacts ko sa kanya at maski ang mga gamit na ibinigay niya sa akin ay ipinadala ko pabalik sa condo niya dahil ayoko ng makakita pa ng kahit na ano na patungkol sa kanya.Pero hindi ko na siya pinroblema pa dahil simula ng araw na iyon ay iba na ang iniisip at pinoproblema ko. Iyon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Karen at Vera na sasamahan nila ako. Pero ilang beses rin akong tumanggi.Gusto kong harapin ito ng magkasama kami ni Kevin pero dahil kusa na siyang umalis sa buhay ko ay gusto kong harapin ito ng
"You're what, Inari?!"Parang dumagundong sa tenga ko ang malakas na tanong na iyon ni Daddy. Kinain ako ng kaba dahil doon at namamawis ang mga kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napalingon ako kay Karen ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siyang tumango."What are you talking about, Inari Blaire?"Napalingon ako kay Mommy na seryosong seryoso ang mukha at nakakunot-noo. Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kaba. "I'm p-pregnant po."Napatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng malakas na hinampas ni Daddy ang lamesa. Nagkalansingan ang mga plato at kutsara dahil sa lakas niyon. Maging si Mommy ay napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat.Tumayo si Daddy na nakapamewang ang isang kamay at napahilamos sa mukha. Bakas ang galit sa kanyang mukha na lalo kong ikinakaba. Nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha ko wala pa man siyang ginagawa.Madalang magalit si Daddy. Masyadong mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay at masyadong
"What? May anak sa iba?"Napatango ako kay Mommy na nakanganga at gulat na gulat sa nalaman. Kaharap ko na silang dalawa ngayon ni Daddy habang nakaupo kami rito sa sofa na nasa office ni Daddy. I-kinwento ko sa kanila ang nangyari sa Manila simula noong malaman ko ang tungkol kay Lexi at Kevin hanggang sa makipaghiwalay ito sa akin."Kaya hindi ka niya pinanagutan ay dahil may anak na siya sa iba?!" galit na tanong ni Daddy.Napabuntong hininga si Mommy. "Kung totoo man na may postpartum depression iyong babae at ganoon ang ginagawa ay mahirap nga iyon. Ang ganoon ay hindi dapat binabalewala at kailangang ipatingin sa specialista," ani Mommy."Pero maraming paraan kung gusto niya talagang panagutan ang anak ko!" galit na ani Daddy. Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "Hindi mo kailangan ng taong duwag, Inari! Kayang kaya nating buhayin ang apo ko!" galit pa ring aniya."My goodness! Kaya iba talaga an
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya